Sweet Mistake

By yuibeon

7K 125 9

Everything is made out of mistake but why does it feel so sweet? More

W A R N I N G.
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three

Chapter Seventeen

40 2 1
By yuibeon

Blythe Hunter

Linggo ng tanghali. Nandito ako sa may tapat ng nakabukas na sliding door ng veranda. Tumatama sa mukha ko ang hangin. Nakaharap sa'kin ang isang painting canvas na may obra na hindi pa natatapos.

Sa gilid ay nagkalat ang mga painting at art materials. Pinunasan ko ang nagpapawis kong noo sa apron na suot ko. May mga mantsa ito ng pintura.

Dito sa tapat ng veranda ang art area ko. Nakasabit sa dingding ang painting, 2D wire art, printed digital arts at marami pang iba na mga gawa ko.

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa pagpipinta. Hindi pa rin nakakauwi sina Lali at Simi. Naiinip kasi ako dahil wala akong magawa. Nalinis ko na ang buong condo at ito naman ang pinagkakaabalahan ko. Wala naman akong schedule na pupuntahan at dahil isa akong dakilang tamad, hindi ako pumasok.

Teka, wala ba talaga akong pupuntahan?

Pinadaan ko ang paint brush na hawak ko sa painting canvas. Kusang gumagalaw ang kamay ko at bumubuo ng imahe. Imaheng nabuo sa utak ko.

Nakarinig ako ng pagdamba sa kama. "Huwaw naman Teri-boom. Ngayern lang kita nakitang mag ala-artist d'yern ha." Komento ng sirena nakapada sa kama ko. Hindi ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginawa ko.

"Ay, famous ka 'te?"

"Tumahimik ka ngang sirena ka. Kita mo namang abala yung tao 'e." Inis na sabi ko sa kanya.

"Aba aba. H'wag mong balewalain ang beauty ko, madaming nagkakandarapa dito 'no."

"Oh tapos? Pakialam ko," sabi ko sa kanya.

Alam kong tumayo siya sa kama dahil sa dumamba siya sa sahig. Lakas din ng trip niya 'e. Ewan ko lang kapag nabutas ang sahig at nahulog siya sa ibabang floor.

Kumunot ang noo ko ng bahagyang dumilim sa kwarto. Umangat ang tingin ko kay Kloeff na nakatayo sa likod ng painting canvas, nakapamaywang pa at bihis na bihis. Natatakpan niya ang ilaw na nagmumula sa labas galing sa sikat ng araw.

"Umalis ka nga d'yan. Ang dilim na dito oh."

"Baken hindi ka pa naliligo aber?" Mataray na sabi niya.

"Ano naman sayo kung hindi ako maligo? At saan ka ba pupunta at bihis na bihis ka? Kung aalis ka, lumayas ka na at abala pa ako."

"Oh my gosh Teri-boom! May amnesia ka ba? Like duh, remember pupunta ka sa palasyo namern sabi ng mga sisterets ko," tumaas pa ang kilay niya at umirap.

"Ah," ilang beses akong kumurap dahil hindi ko natandaan 'yon. Masyadong okupado ng kamanyakan ng sirenang 'to ang utak ko.

Padabog siyang lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at itinayo ako. Inalis niya din ang suot kong apron at kinuha ang paint brush na hawak ko. Marahan niya akong tinulak papunta sa tapat ng banyo.

"Gorabels na. Mag-wash ka na at iintayin kita sa living area. Tsk, h'wag kang feeling special d'yern dahil aantayin ka ng beauty ko," at lumabas na siya sa kwarto

Napairap na lang ako at pumasok ng banyo. Matapos ang halos kalahating oras ay natapos na akong maligo. Lumabas ako sa banyo at naglagay ng mga skincare products pagkatapos ay nag-blow dry ako ng buhok.

Naglakad na ako sa closet ko at humanap ng masusuot. I picked my olive green loose trousers, white knitted turtleneck long sleeves and white sneakers. Pagkatapos kong magbihis ay naglagay ako ng konting make-up at matapos non ay nagsuklay na ako ng buhok.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong ako nang inip na inip na sirena. Nanunuod siya ng TV habang magkasalubong ang kilay. Nakayakap pa ito sa throw pillow at nakataas ang mga paa sa sofa.

"Hoy bakla ka, bakit masyadong ka namang balot d'yern?" Tanong ni Kloeff nang mapansin ako. Nakataas ngayon ang kilay niya.

"Pake mo ba?"

"May pake ako dahil hindi komportable ang junakis ko. Magpalit ka nga ng maaliwalas na damit. Ang init init kaya dito sa Pinas!"

"Ayoko. Tsk," inis na sabi ko. E kung hindi niya sana kinagat ang collarbone ko hindi ako magbabalot ng ganito.

"Sinusubukan mo talaga ang beauty ko ha."

"And so?"

Lumapit siya sa'kin at hinila papunta sa kwarto. Mahina niya akong tinulak at sinarahan ang pinto.

"Kapag hindi ka nagpalit, ako mismo ang magpapalit ng damit mo," banta niya pa sa likod ng pinto.

Nanindig naman ang balihibo ko sa kanya. Kaya mabilis akong lumapit sa closet at naghanap ng maisusuot. I changed my top into a knitted turtleneck short sleeves.

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ni sirena. Kumunot ang noo niya ng makita ang suot ko, "Stop fooling around. Baken ba gusto mo ng turtleneck na yern! Naii-stress ang beauty ko sayo. Magkaka-wringkles ako sa'yo Teri-boom," sabi niya.

He slightly tapped his face habang nakatingin sa kisame. "Gosh! May tinatago ko ba d'yern sa leeg mo?" Nag-iwas naman ako ng tingin ng diretso siyang tumingin sa mata ko.

Kasalanan mo kaya 'to!

"W-Wala."

"Then change in a comfortable clothes!"

Napabuntong hininga na lang ako at muling lumapit sa closet ko. Gaya nang kanina, naghanap ulit ako ng susuotin.

Bakit ba kasi ang big deal ng susuotin ko?! Hindi naman siya ang magsusuot 'e!

I changed my top, again with a long sleeve blouse that has a ruffles in the ed of the sleeves. I tucked in that in my loose trousers.

Lumabas na ako ng pinto at napaatras pa ako ng tumama ang mukha ko sa dibdib ni Kloeff. Napahawak naman siya dito.

"Ouch! My boobs," sinamaan niya ako ng tingin at nauna na akong lumabas sa kanya. Sumunod naman siya sa'kin at sumakay na kami sa kotse niya.

***
Halos isang oras din kaming bumyahe bago tumigil sa tapat ng isang mansyon. Automatic na bumukas ang gate.

Tumingin ako sa labas ng bintana. May lawak na garden ang gilid ng masyon at may mga tanim ding bulaklak. Sa gitna naman ay malawak at mahabang sementadong daan at sa gitna ay may fountain at sa gilid nito ay may pakurbang daan at diretso ulit makalampas dito.

Huminto kami sa may bandang likod ng mansyon kung nasaan ang indoor parking. Halos may pitong kotse sa loob kasama ang kotse ni Kloeff.

Nagulat ako ng sumulpot ang mukha ni Miss Kassandra. Nakangiti siya ng malapad at binuksan niya ang pinto ng kotse.

"Oh my G! Sabi ko na nga ba, darating kayo!" Kinawit niya ang braso ko at inaya na maglakad papunta sa loob.

"Kanina pa namin kayong hinihintay 'e. Hey Tobby may ginagawa kayo 'no?" Sabi ni Miss Kassandra habang taas-baba ang kilay. Kasabay niyang naglalakad na sirena.

Niyakap naman ni sirena ang sarili niya at nanlaki ang mata. "Gosh! Sisteret nakakaloka ang pinagsasabi mo ditey," at nauna na siyang makapasok sa mansyon.

"Don't worry, Hunter. Pabebe lang ang isang 'yon but you can still love him. Kyaaah!" Niyakap niya ang braso ko at tuluyan ng hinila sa loob.

Nang makapasok kami sa loob ng mansyon ay sinalubong kami ni Miss Katana at Miss Kimberli. Nakangiti silang dalawa pero magkaiba. Maliit na ngiti lang ang nasa labi ni Miss Katana at ang kay Miss Kimberli naman ay mayumi.

They kissed me in my cheeks so do I. Nagpunta kami sa living area at may ilang sweets and pastries na nasa mini table.

Naupo kami sa mahabang sofa at nakaupo naman yung sirena sa single lang. Nakasalampak ang katawan niya dito habang kinakalikot ang kanyang phone.

"I'm sorry kung naabala ka namin, Hunter. Our parents wants to meet you but they didn't know that you're pregnant. Ang alam lamang nila is you're Tobias' girlfriend," sabi ni Miss Kimberli habang umiinom ng tea.

"Uhm Miss Kimberli-"

"I told you. You can call us Ate," at mayumi siyang ngumiti sa'kin.

"Hindi naman po ata tama na tawagin ko kayong ganon as I said, I don't have something special for Kloeff and he's also like that to me."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at muli siyang uminom ng tsaa.

"Mamaya pa ang dating nina Daddy. So, baka matagalan ka dito. Do you want me to tour you here?" Tanong ni Miss Kassandra naka-indian sit sa katapat naming sofa. Kumakain ito ng pastries.

"Aish! Nakakaimbiyerna ang mga lippe n'yo ha. Magb-beauty sleep lang aketch," tumayo si Kloeff sa sofa at umakyat sa staircase.

"Don't mind him Hunter. Maarte lang talaga ang isang 'yon." Komento naman ni Miss Katana na nakaupo sa tabi ko. Her legs are crossed together. Umiinom siya ng tea habang nakasandal sa sofa.

"Wait. Gusto mo bang makita ang evolution pictures ni Tobby?" Namilog naman ang mata ko sa sinabi ni Miss Kassandra.

Baka may magamit akong pang-blackmail sa sirenang 'yon!

"Sure!"

***

"Here. Look at this one. He's just two years old and he loves bitting breads. Umiiyak siya kapag hindi namin siya binibigyan," mahinang tumawa si Miss Kimberli.

She show me a photo of Kloeff. Nasa larawan ang isang batang lalaki na may kagat kagat na tinapay habang nakangiti na labas ang mga maliliit niyang ngipin. Ang tambok ng pisngi niya d'on at ang sarap pisilin. Bilugan din ang itim niyang mga mata.

Nandito kami ngayong apat sa kwarto ni Miss Kimberli. Yung sirena nasa kwarto niya at patuloy ang pagb-beauty sleep. Kinuha lamang ni Miss Kimberli ang mga photo album at dinala dito sa kwarto niya.

"Ano ba yan! Naalala ko ito. Naglungad siya sa'kin nang buhatin ko siya. Kadiri!" Tili ni Miss Kassadra at pinakita sa'kin ang picture na magkasama sila ng sirena.

Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Sobrang close nila sa isa't-isa.

"Look at this stupid boy. He's smiling kahit na bungi ang dalawang ngipin niya sa una," pinakita naman sa'kin ni Miss Katana ang picture kung saan bungisngis si sirena habang kulang ang ngipin niya. I think he's seven years old in that photo.

Lalo naman akong natawa dahil sa itsura ng mukha ni Kloeff sa picture.

"Do you want this one?" Tanong ni Miss Katana.

"Huh?"

Tinanggal niya ang picture sa photo album at ibinigay sa'kin 'yon. Nag-alinlangan pa akong tanggapin pero kinuha niya ang kamay ko at inilagay ito d'on.

"You can use this to blackmail him," at sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Miss Katana na kinatawa ko naman.

"Gosh! Ang tagal naman nina Daddy. Seven o'clock na oh," humilata si Miss Kassandra sa kama at tinuro ang wallclock.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang sirena. Magkasalubong ang kilay nito at naniningkit ang mga matang nakatingin sa'min.

"Hoy mga bakla kayo. Anong ginagawa n'yo ha?" Agad ko naman tinago sa shoulder bag ko ang picture na binigay sa'kin ni Miss Katana.

"What the frog are you doing here Tobias? Don't you know how to knock a door?" Mataray na sabi ni Miss Katana. Nakaupo ito sa kama katabi ang katapid niyang si Miss Kassandra na nakahiga sa lap niya.

"Oh my gosh! sisteret Katana masyado akong gorgeous para maging isang froglet," inirapan na lang siya ni Miss Katana.

"Ano ba kasing pinunta mo dito Tobby?" Tanong ni Miss Kassandra.

"Nanditey na sina fatherlu kaya gorabels na tayo sa ibaba," sabi niya. Umayos siya ng tindig at umakto ng mala-Oscars Awards daw niyang actingan.

Napatayo naman ang tatlong magkakapatid at bigla namang sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Tumingin silang apat sa'kin na lalong nagpalala ng kabang nararamdaman ko.

Nang makababa kami sa staircase ay sinalubong kami ng isang magandang babae at isang matikas na lalaki. Nakatayo sila habang hinihintay ang pagbaba namin.

Nakangiti ang magandang ginang pero ang katabi niyang lalaki ay seryoso ang mukha. Masasabi kong nasa mid 50's na ang mga ito pero magkaganon man ay may maayos pa rin silang tindig at mukhang mas bata pa sila sa edad nila.

"Relax ka lang gurl. Basta sumakay ka lang sa mga sasabihin at gagawin ko. Gets?" Bulong sa'kin ni Kloeff habang naglalakad kami pababa ng staircase. Nauuna samin ang mga ate niya.

Ngumiti ako bilang sagot pero kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta kinakabahan lang ako.

"Daddy." Sabi ni Miss Kassandra at humalik sa pisngi ng kanyang ama. Ganoon din ang ginawa ni Miss Katana at Miss Kimberli.

Lumapit naman sila sa mommy nila at humalik din sa pisngi nito. Nadako naman ang tingin sa'kin ang tingin ng ginang nang mapansin ako.

"And who's this lovely lady?" Sabi niya habang nakangiti.

Sa kanya nakuha ni Miss Kimberli ang mayumi nitong ngiti at mahinhin na pagkilos.

Nilahad ko ang kamay ko, "My name is Blythe Hunter, Madame." Pero imbis na tanggapin niya ito ay hinalikan niya ang pisngi ko.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Pinisil naman ni Kloeff ang kamay ko na hawak-haak niya. Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sa'kin na bihira kong makita.

"Oh I'm sorry. Nagulat din ako sa ginawa ko," mahinang tumawa ang ginang at ngumiti lang ako.

"Mommy," tawag ni Kloeff sa kanyang ina. Humalik ito sa pisngi niya at lumapit naman sa daddy niya kaya nahila ako. Niyakap niya ito at mahinang tinapik ng ama ni Kloeff ang likod niya.

"Let's eat."  Napalunok naman ako ng sariling laway nang marinig ang boses ng daddy nina Kloeff. Nakakatakot!

Pumunta kami sa dining area at nakahain na ang mga pagkain sa rectangular table. May dumating kasing mga tao kanina at niluto na ang lahat ng 'to. Pagkatapos naman n'on ay umalis na din sila.

Naupo sa pinakagitnang dulo ang daddy nila. Sa right side ay naupo ang asawa niya kasunod si Miss Kimberli, Miss Kassandra at Miss Katana. Sa left side naman naupo si Kloeff pagkatapos ay ako. Nagdasal muna ang daddy ni Kloeff bago kumain na kinagulat ko.

"So, iha you're Kloeff's girlfriend, am I right?" Tanong ng mommy niya habang kumakain.

Tumingin naman ako kay sirena nakatingin din sa'kin. Pinapahiwatig ng mata niya na isagot ko kung anong alam nila.

Mahina akong bumuntong hininga at bahagyang ngumiti. "Y-Yes po," kinakabahan kong sagot. Muli namang ngumiti sa'kin ang ginang.

"Hey Theodore magsalita ka naman d'yan. Kanina ka pa walang imik. You're scaring our future daugther-in-law." Malumanay na sabi ng mommy ni sirena.

Napaubo naman ako sa sinabi niya at ganon din si Kloeff. Agad naman niya akong inabutan ng baso na may lamang tubig at saka siya uminom sa sariling baso.

Si Miss Kassandra naman ay mahinang tumawa. Samantalang ang dalawa niyang kapatid ay may matipid na ngiti sa labi.

"Did I said something wrong?" Inosenteng sagot ng ginang.

"Andrea darling, you're the one whose scaring her," at mahinang tumawa ang lalaking nasa pinakagitna

"I'm sorry for what my wife's said. Talagang ganyan lamang siya. Because you're the first girl na pinakilala ni Tobias sa'min," sabi ng daddy ni Kloeff.

Nagulat naman ako kasi tumawa siya. Kala ko kasi ay seryoso siyang tao at parang yung galit na galit lagi. Pero nakakatakot talaga siya kanina!

"Ganon po ba?" Tumingin ako kay Kloeff na tahimik na kumakain.

"Yes. Right son?" Tumingin siya sa anak niyang lalaki at nang mapansin ito ni sirena at ngumiti itong napakalapad. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito sa harap nila.

"Of course, Daddy." He said while looking into my eyes.

Natulala ako sa ginawa niya. Napatili naman si Miss Kassandra pati na rin ang mommy nila dahil sa ginawa ni Kloeff.

"See? Haha. You're such a grown up man now, Tobias. I'm so proud of you," sabi ng daddy niya.

"About that Daddy, Mommy..." tumingin na naman siya sa'kin, tila nagpapaalam ang mga mata niya na nais na niyang sabihin ang halos dalawang buwan naming lihim.

"What?" Seryosong tanong ng ginoo sa anak niya.

Napalunok naman ako dahil nakakatakot na naman siya.

"I'm sorry kung naunahan ko pa sina Ate but I'm also glad kasi masasabi na namin 'to sa inyo. She's pregnant."

Tila isang bomba sa mag-asawang Concepcion ang rebelasyon ng sirenang katabi ko.

Nagulat ako ng tumili ng malakas ang nanay ni Kloeff. Kumikislap ang mga mata niya habang magkasalikop ang mga kamay. Samantalang seryoso naman ang tatay niya na nakatingin sa'min. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"No reaction?" Sabi ng ginang sa katabi niyang mga anak nang mapansing hindi man lang nagulat ang mga ito.

"Sorry Mommy! But we already know. Nasabi na ni Tobby sa'min. Peace," sabi ni Miss Kassandra habang naka-peace sign ang kamay.

"Is that true Kimberli, Katana?" Tanong ng ginang sa dalawa pa nitong anak.

"Yes Mommy."

"Yes Mom."

"What? That's not fair. Dapat sinabi mo kaagad sa'kin Tobias," nabaling naman ang atensyon niya sa lalaking anak.

"Sorry Mommy pero wala ng surprise kapag sinabi namin sa inyo," natatawang sabi ni Kloeff.

Ako naman itong halos hindi na makahinga dahil sa kaba. Hindi na kasi ulit nagsalita ang daddy nila at seryoso ang mukha nito.

"Kloeff Tobias, let's talk outside later." Pinisil naman ni Kloeff ang kamay ko.

Tahimik lamang ang daddy niya hanggang sa matapos kaming kumain. Si Misis Concepcion naman at mga anak niyang babae ay tuwang tuwa sa naging balita namin. Kinakausap din nila ako pero awkward lang akong sumasagot.

***

Kloeff Tobias

Oh my gosh mga beshies! Nawindang ang beauty ko ng sinabi ni fatherlu na magchi-chikahan kami. Baka majombag niya ang gorgeous face ko. Huhubels.

"Tobias son," tawag ni fatherlu sa'kin. Natakot aketch sa serious voice niya!

Nakabalandra ang beauty namin sa veranda kaharap ang mala-jungle na garden ni motherlu.

I laid my beautiful eyes on fatherlu na nakatingin sa langit. Serious ang fes niya kaya ako itey at scared na scared.

Tumingin siya sa akin and raised his hand. Napapikit naman ang beautiful eyes ko dahil ready na aketch sa punch niya. My gosh! Hindi pa nga healed ang ube ko sa fes tapos madadgdagan pa! Oh my gosh talaga! My gorgeous face!

Napamulat naman ang beautiful eyes ko nang mafeel ko ang na tinapik tapik ni fatherlu ang sexy kong shoulder.

He's now smiling, "You little bastard, ganon ka ba kaexcited na bigyan kami ng apo ng Mommy mo?"

Uhm fatherlu to correct what you've said, that's a disaster. Well, I must say a beautiful disaster.

Nilabas ko ang mala-Oscars Awards kong actingan.

Napakamot ako sa batok ko and I grin, "I guess its our reason."

Mahinang tumawa si fatherlu at niyakap ako. Tinapik tapik niya ang likod ko na halos ikasuka ko ng blood. Oh my gosh naman kasi itong si fatherlu, ang heavy ng kamay niya.

"I'm so proud of you son."

"I know daddy. I know," mahina akong tumawa at humiwalay siya pagkakayakap.

***

Blythe Hunter

Kinakabahan ako habang nakaupo sa sofa. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Misis Concepcion. She brought me here dahil may gusto siyang sabihin. Hindi namin kasama sina Miss Kimberli.

She held my hand and look into my eyes, "Hunter iha please take care of my son," ilang beses naman akong napakurap dahil sa sinabi niya.

Paano ko sasabihin sa kaniya that I can't do that. That we're just, I guess friends dahil sa magiging baby namin ng sirenang 'yon.

"I know he's a little bit different in other guys but trust me, he's the most caring ang loving person that I know. He's always smiling but despite that, he's sad. Thats the only thing he can do para ibaling ang atensyon niya, para pigilan ang malungkot na emosyon," humingo siya ng malalim.

"I'm asking this much kasi alam kong tanggap mo siya. He asked many girls para maging cover girl sa Daddy niya but they refused when they knew that he's different from the others. He's been judged and critize. But you Hunter, you accept his flaws. Hindi siya mahirap mahalin. I know you can love him more than we-- I do, so please don't leave his side. Thats my only wish and hopefully matupad mo," tumalikod siya at pinunasan ang mga mata na may namumuong luha.

So her mother knew but they don't have any idea?

"And please iha, don't tell any of them na alam ko ang sikreto ni Tobias. His father is the only one that not aware of that."

Wala naman sa sarili akong tumango.

"Thank you iha," at niyakap niya ako. I can't help but silently cry. I'm in a mother's arms that I've been longing for these past years.

And I think mapapasubo ako dito. How am I suppost to grant a mother's wish?

Continue Reading

You'll Also Like

675K 35.7K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
4.2M 262K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.1M 61.2K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
1.4M 33.5K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...