The Broken Wife (UNDER REVISI...

By Deaths02

125K 1.9K 90

Mahal ko siya. At tanggap ko na hindi niya ako mahal. Pero dahil sa mga magulang niya napilitan siyang magpak... More

Prologue
Unang Yugto
Ikalawang Yugto
Ikatlong Yugto
Ikaapat na Yugto
Ikalimang Yugto
Ika-anim na Yugto
Ikapitong Yugto
Ikawalong Yugto
Ika-siyam na Yugto
Ika-sampung Yugto
Ika-labing Isang Yugto
Ika-labing dalawang Yugto
Ika-labing Tatlong Yugto
Ika-labing apat na Yugto
Ika-labing limang kabanata
Ika-labing anim na Kabanata
Ika-labing pitong kabanata
Ika-labing walong kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ika-dalawampung Kabanata
Ika-dalawampu't Isang kabanata
Ika-dalawampu't Dalawang kabanata
Ika-dalawampu't Tatlong Kabanata
Ika-dalawampu't Apat na Kabanata
Ika-dalawampu't limang kabanata
Ika-dalawampu't Anim na Kabanata
Ika-dalawampu't Pitong Kabanata
Ika-dalawampu't siyam na Kabanata
Ika-tatlong pu
UNDER REVISION

Ika-dalawampu't walong kabanata

1.6K 24 0
By Deaths02

Ilang oras din ang biyahe bago sila nakarating sa mansion ni Leo. Sa ilang oras na iyon ay nagkwentuhan lamang sina Night at Luz habang ang mga anak naman nila ay natutulog sa likod ng kotse.

Nakasalubong din nila ang mga pamilyar na kotse nina Kaneki at ang kotse ng pamilya ni Grey habang nasa daan. Dumaan din kasi sila sa isang pribadong daan na pinapalibutan ng palayan na pagmamay-ari ni Leo.

Hindi basta basta ang pagpasok sa bahay ni Leo, iyon ang napatunayan ni Luz habang papunta. Noong nag-eensayo pa kasi siya ay sa kotse siya ni Leo nakasakay kaya tuloy tuloy lang ang biyahe ngunit nang sila na mismo ang papasok ay maraming dinaanan na security at checkpoint.

Doon din napatunayan ni Luz kung gaano kayaman ang pinsan. Ang pera nito ay galing sa sariling pagsisikap at pagtitiyaga.

Unang nakarating ang mag-anak sa bahay ni Leo. Bumungad sa kanila ang mala-palasyong bahay ni Leo na kung tawagin lamang nito ay 'Mansion'.

Pagkalabas naman nila ng sasakyan ay bumungad sa kanila ang nakahilerang mga kasambahay. Mula sa labas ay marami nang mga kasambahay na naghihintay sa kanilang pagdating.

Agad kinuha ng mga ito ang kanilang mga gamit. Tumulong naman si Night sa paglalabas ng gamit na dala nila sa sasakyan kaya naman naiwan siya sa labas ng bahay habang si Luz naman ay sinundan ang mga batang nagkukumahog na pumasok sa bahay.

Pagkapasok ay nakita agad nila ang kaibigan kasama ang anak nitong nakaupo sa sofa at nanonood ng T.V. Lumapit ang mga bata at nagmano sa kaibigan niya bago nilapitan ang anak nito.

Tumayo ang kaibigan niya at inalok siya na maupo sa sofa. Nakipagbeso beso si ang kaibigan ni Luz at si Luz bago nagpaalam ang kaibigan na kukuha ng maiinom nina Luz at ng mga bata.

Nag-alok si Luz na tumulong ngunit pinigilan ng kaibigan at natigil din dahil napatingin sila sa bumababang si Leo sa hagdan na may isang babae sa likod nito.

"Hi kuya! Pasensya na natagalan kami. Anyway, sino siya? Pakilala mo naman kuya!" sabi ni Luz sa kuya Leo niya at pilit sinisilip ang babaeng nasa likod ng pinsan niya.

"Luz..." sabi ng kuya niya at pinatigil siya sa pagsilip at kusang umalis sa harap ng babae upang makita ni Luz ito.

"Hi! Kumusta? Ikaw ba ang nag-aalaga sa kuya ko? Salamat, ah?" sabi agad ni Luz.

"H-hello..." mahina namang sabi na lamang ng babae dahil hindi siya nakahabol sa mga tanong ni Luz marahil na rin sa gulat.

"Luz... Calm down. She wouldn't leave." sabi naman ni Leo.

"Ay pasensya na. Anong pangalan mo?" tanong ni Luz.

Bago pa makasagot ang babae ay pumasok na si Night sa kabahayan at ang kaniyang kaibigan na kinuhaan sila ng maiinom. Kaya naman nabaling sa iba ang atensiyon ni Luz.

"Luz..." tawag ni Night sa kaniya.

Nginitian lamang siya ni Luz at linapitan ang kaibigan upang kunin dito ang tray na naglalaman ng maiinom nila. "Maraming salamat." sabi niya rito.

Ang mata ni Night ay nakasunod sa galaw ni Luz at natigil dahil nakakita siya ng pamilyar na mukha. "That's why." nasabi ki Night habang nakatingin sa babaeng pinagpasalamatan ni Luz.

"Yeah. That's why." sabi naman ni Leo na hindi naintindihan ni Luz ngunit hinayaan niya na lamang ang dalawang wirdo na mag-usap gamit ang mga mata nito.

"Kasama mo pala asawa mo." sabi ng kaibigan niya kay Luz.

"Oo. Hindi lang kami, may hinihintay pa. Kikilos na kasi sila Leo." sabi ni Luz na ikinatango nito. "Ayos lang ba sayo?" tanong ni Luz sa kaibigan.

"Ayos lang naman. Wala namang problema sa akin. It's actually the different side. Is it okay with you? For me and for my child to be here?" balik na tanong ng kaibigan.

"Oo naman. Bakit hindi, di ba? Matagal ko na ring hinintay ito. Ang makasama ka at makilala mo ang mga kaibigan ko." sabi ni Luz sa kaibigan at niyakap pa ito pagkatapos ilapag ang tray.

"Kids stay here, okay? Your daddy and I just need to talk. While mommy and her friends will take care of our foods." sabi ni Leo at tinignan pa sina Luz pati na rin ang babaeng nasa likod nito.

"By the way, can I ask a question about you and the kids?" tanong ng kaibigan niya sa kaniya pagkapasok nila sa kusina.

"Sure. Ano ba yun?" tanong ni Luz at nginitian pa ito at ang babaeng nakasunod lamang sa kanila.

Nagkaniya-kaniya sila ng napiling lulutuin kaya naman kani-kanila silang hiwa katulong ang mga kasambahay at ang chef ng bahay ni Leo.

"Did Night's parents already knew that he got you back with the kids?" tanong ng kaibigan na nagpatigil sa kaniya sa paghihiwa ng sibuyas.

Tumingin siya sa kaibigan at nakitang napatigil din ito pati na rin ang babae ni Leo at nakatingin lamang sa kaniya naghihintay ng sagot niya.

"Hindi pa eh. Sabi ni Night ipapakilala niya na ang mga bata kina tita kapag nakabalik kami galing bakasyon ngunit naubusan ng oras dahil naging busy kami sa pag-aasikaso ng kaligtasan ng mga bata. Kaligtasan natin." sagot ni Luz at ngumiti.

"Ganoon ba? Paano naman ang magulang ni Night? Baka mag back fire yung pagtulong ni Night kay Leo." sabi muli nito.

"Hindi naman sila pinababayaan ni kuya Leo. Kaya laging busy yun at seryoso. Ayaw niya kasing magkamali at malaman ng kalaban ang kahinaan niya." sabi ni Luz at ngumiti nang maalala ang ginagawa ni Leo para sa kanilang lahat.

"Pero malambot siya pagdating sa iyo." rinig ni Luz na bulong ng babae na kanina pa tahimik at nakikinig lamang sa kanila.

"Siguro bumabawi lang siya dahil hanggang ngayon tingin niya ay nakapabayaan niya ako noong nawala ako. Nung mga panahon kasing iyon ay ang panahong itinalaga siya bilang pinuno ng organisasyong iyon." paliwanag ni Luz.

"Ganun kaaga siyang nawalan ng kalayaan?!" di makapaniwalang sabi ng babae.

Malungkot na tumango si Luz dito at iniba na ang pinag-uusapan. Wala pang isang oras ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Night pati na ang pamilya ni Grey.

***

Pinagplanuhang mabuti nila Leo ang kanilang gagawin sa isang bahay na tinatawag niyang HQ. Isa itong maliit na bahay ngunit kapag pinasok mo ay malalaman mo na hindi lamang ito isang simpleng bahay.

Gaya ng isang simpleng bahay ay mayroon itong sala, isang kwarto, kusina na katabi lamang ng sala at isang C.R na ang walang bathtub o heater sa shower.

Ang telebisyon ay sumusukat lamang ng 24" inches. At ang lamesa sa sala ay siya na ring dining table. Hindi elegante ang mga gamit maliban na lamang sa refrigerator na kasing laki ng tao at may dalawang pintuan.

May finger print lock ito at may code na pipindutin sa screen kung saan binabago ang temperatura ng ref. Bawat miyembro ni Leo ay alam ang code na magdadala sa kanila sa underground ng bahay at may sari-sariling paraan sa pagpasok.

Masyado kasing 'fan' si Leo ng isang libro o nobelang pinamagatang sherlock Holmes. Kaya naman bawat isang papasok o bawat grupong papasok ay may kung anu-anong pinagdaraanan pang mga pagsubok.

Pagsubok na kung ika'y magkakamali ay ika'y mamamatay. Ganoon kahirap maging isang miyembro ng organisasyong pinapatakbo ni Leo.

Ayaw niya ring nahuhuli sa oras dahil lahat ng mahuhuli ay hindi na rapat sumupot o kamatayan ang magiging kapalit.

Simple man ang mga gamit sa loob ng bahay ni Leo at masasabing normal na tao lamang ang nakatira roon ay iba naman iyon sa labas.

Sa labas nakalatag ang lahat ng patibong. Konting pagkakamali ay mapuputol ang kung ano mang bahagi ng katawan mo. Ngunit iyon lamang ay kung ipinapatawag ni Leo ang mga miyembro ng organisasyon.

Kapag normal na araw lang kasi ay isa lamang itong bahay na puno ng aso kaya walang magtatangkang pasukin ito. Hindi rin matatawag na aso 'lang' ang mga ito dahil sila ay alisto at matatalinong aso na kayang pumutol ng kung anong bahagi ng katawan gamit ang bibig at ngipin ng mga ito.

Maagang nagsidatingan ang mga miyembro ng organisasyon. Higit tatlong oras pa bago ang oras na itinakda ni Leo ay naroon na ang mga ito.

Mas maagang darating, mas magaan ang pagsubok na pagdaraanan. Iyan ang laging babala o paalala ni Leo sa mga miyembro niya.

Pagkarating ng mga ito ay wala pa si Leo kaya nagawa pa ng mga itong pag-usapan ang mga misyon na ibinigay sa kanila ng mga lider nila at ang pagsubok na pinagdaanan bago makapasok.

Ang iba'y nag-ensayo habang hinihintay si Leo. Maingay ang palapag ngunit agad natahimik ng pumasok si Leo kasama ang kanang kamay nitong si Haru na may dalang isang mahabang papel.

Agad lumapit si Haru sa lamesa upang ilatag ang papel na blueprint pala ng isang building. The blueprint of the building that their foes called HQ.

"This is the blueprint of the building we're going to raid." panimula ni Haru.

Doon nga'y kanilang pinagplanuhan ng maayos ang pagpasok sa naturang gusali. Nag-assign si Leo ng kaniya-kaniyang gawain ng bawat grupo.

Hindi nagtagal ang pagpaplano nila dahil alam naman na ng mga ito ang kanilang gagawin. Hindi sila pumapatay ng inosente. At lahat ng miyembro ay pumasok sa pisikal, mental, pisyolohikal at iba pang pag-eensayo upang maging handa sa mga ganitong gawain.

Kailangan ang mga ito upang matuto silang kumilala ng kalaban at hindi. Alam ng bawat isa na sa labanan ay hindi lahat ay kalaban at iyon ang kailangan nilang alamin at kumpirmahin.

Kinabukasan ay nagkani-kaniya na silang puwesto. Hindi isinama ni Leo ang pinsan at asawa nito kahit na ang mga kaibigan nito maliban kay Rus na nagpumilit.

Hinayaan lamang siya ni Leo at nag-asinta ng mga taong tutulong kay Rus hindi dahil nakulitan siya rito kundi dahil alam niya ang rason kung bakit ganoon na lamang nito kagustong sumabak sa mahirap at delikadong misyon.

Nagtagumpay sila sa pagligtas sa mga bata kahit pa nagka-aberya at may mga napahamak. Hindi lamang simpleng pagpatay ang nangyari sa nanakit kay Luz. Iyon ang sinigurado ni Leo at iyon din ang nangyari.

Nakahinga ng maluwag ang lahat maliban kay Leo at sa kasama nitong babae. Malayang nakapasok sa eskwela ang mga bata ngunit sa utos ni Leo ay pinabantayan parin niya ang mga ito.

***

"Kinakabahan ako, Night." saad ni Luz nang pagbuksan siya ng pinto ni Night.

"Don't be. You how precious you are for them and for me. They're even the one who insist and do a move for us to get married, remember?" sabi naman ni Night at hinawakan ang kaniyang kamay.

Tumango si Luz at muling tumahimik. Tinignan na lamang niya ang mga anak na nasa likod lamang at tahimik din. Mahahalata sa mga mukha nila ang kaba.

Well, maliban na lamang kay Zel na natutulog. Kaya naman nagkaroon ng katahimikan buong biyahe ay dahil na rin sa tulog ang batang madaldal.

Ginawa nitong unan ang hita ni Sky habang ang paa naman nito ay nakapatong sa hita ni Al. Parehong alisto ang dalawa upang hindi mahulog sa upuan si Zel.

Napatingin ang dalawa sa kaniya. Ngumiti si Luz upang ipakita sa mga ito na hindi siya kinakabahan upang mapalakas niya ang loob ng mga ito kahit na tila sarili niya lang din ang niloloko niya.

Masyado siyang kilala ng mga bata kaya naman alam ng mga ito na peke lamang ang mga ngiting ipinakita niya sa mga ito. Sinimangutan siya ng mga ito dahil sa ginawa kaya naman binawi na lamang din ni Luz ang pekeng ngiti niya.

Pagkarating nila sa bahay ni Night ay agad siyang pinagbuksan ni Night at ginising naman nila Sky si Zel upang iparating rito na nakarating na sila.

"Baka magalit sila, Night." sabing muli ni Luz na hindi pa rin lumalabas ng kotse.

"They won't. You knew too well that you're like a daughter to them. And they like you to me." sabi ni Night at kinindatan pa siya. "And if you're talking about is you leaving, they won't be mad because they already knew that it was my fault."

Bahagya siyang namula ngunit nang maalala ang kaniyang pinag-aalala ay muling bumalik ang kaba.

"That's not what I'm talking about, Night. I'm afraid that they will be mad for hiding the kids from them and from you." sabing muli ni Luz.

"They won't. Trust me, Rose." sabi ni Night at hinawakan na ang kamay niya at hinatak siya palabas bago pinagbuksan ng pinto ang mga bata.

Sabay silang pumasok ni Night habang ang mga bata ay nakatago lamang sa likod nila. Pagkapasok ay nanatili sila sa may pinto dahil sa higpit ng pagkakakapit ni Luz at ng mga bata kay Night.

Binati sila ng mga kasambahay lalo na ang mga kakilala ni Luz ngunit nahiya ang mga itong lumapit dahil naroon si Night. Si Night naman ay sumigaw upang lumabas ang mga magulang kung nasaan man ang mga ito.

"Mommy! Daddy! We're here! I bought Rose with me!" sigaw ni Night.

Napahampas naman si Luz kay Night na tinawanan lamang siya. Lumabas ang magulang ni Night na galing pala sa kusina.

Nagmamadaling lumapit ang ina ni Night kay Luz at niyakap siya nito ng mahigpit. Nagulat man ay tinugon din ni Luz ang yakap nito sa kaniya.

"How are you, iha?" sabi ng ama ni Night nang makalapit sa kanila.

"Why didn't you tell us? Why did you leave? I'm sorry luz if we forgotten what kind of relationship you two have even before you got married." sabi ng ina ni Night kay Luz at bahagyang pinunasan pa nito ang luhang pumatak galing sa mga mata nito.

"We thought he'll change." malamig na dugtong naman ng ama ni Night ksa sinabi ng asawa.

"He changed." nakangiti na lamang na sabi ni Luz sa mga ito. Batid pa rin ang kaba sa kaniyang mga mata.

"Is that true? I don't see any changes." malamig pa ring sabi ng ama ni Night at tinignan si Night ng walang emosyon.

"I told you they won't be mad at you." sabi na lamang ni Night kay Luz at inihiwalay na ito sa ina. "There's some kids I want you to meet, mom, dad."

"Who is it? Did your cheating results a child?!" gulat at may bahid ng galit na sabi ng ina ni Night sa kaniya.

Naramdaman ni Luz ang pagkabigla ng mga anak na nasa likod lamang nila kaya agad siyang umiling. "Hindi po!" sabi niya.

"They're --" naputol ang sasabihin ni Night ng may magsalita galing sa likod nila kaya naman napalingon sila rito.

"Is this my pamangks?" sabi ng babae pagkatapos ay dali-daling lumapit sa mga batang nasa likod nila.

"Waah! Mommy! Daddy!" umiiyak na sigaw ni Zel nang buhatin siya ng babae.

Nag-aalalang tumingin si Luz kay Night na dali-daling hinawakan ang kamay nila Al at Sky na tila ba pasugod na sa babaeng bumuhat kay Zel.

Nagulat din si Luz nang makita ang mukha ng babae. Ito yung babaeng nakita niya sa sasakyan ni Night at ang babaeng nakita niya na kausap ng mga bata sa may mall! (Chapter 8 & 9)

"Oh! So cute, baby girl! Don't cry! It will mess up your pretty face!" pag-aalo ng babae kay Zel.

"You scared them." sabi naman ng lalaking sumunod na pumasok kasama nito ang dalawang batang nakita ni Luz na kasama ni Night sa kotse nito.

"Sorry baby girl... Sorry boys, I'm just too excited to see you again as my nephews and niece!" paumanhin ng babae sa mga bata.

Napatigil naman ang mga bata at si Luz dahil sa narinig. "Pamangkin?" takang tanong ni Luz dito.

"Oh! Kuya didn't told you? He have siblings! And that's us!" sabi naman nito.

"Paanong..." takang tanong muli ni Luz.

"We were kidnapped." sabi lamang ng lalaki na nakapagpaliwanag kay Luz sa sitwasyon.

Napatango tango na lamang si Luz at inilahad ang kaniyang kamay sa mga ito. "Hi! Ako nga pala si Luz." pakilala ni Luz sa sarili.

Tumango lamang ang lalaki habang ang babae naman ay binaba si Zel na natigil sa pag-iyak at hinatak si Luz pagkatapos ay niyakap.

"Finally! I met you!" tiling saad nito.

Napatawa na lamang si Luz nang makitang nagsitakipan ng tenga ang mga lalaki dahil sa tinis ng tili ng babaeng kayakap.

"Stop it, twilight!" magkasabay na sigaw nila Night at ng lalaki.

Natawa lang ang babaeng tinawag na twilight at bumitiw na ng yakap sa kaniya. "What are we still doing here?! Let's go to the dining room!" sabi nito.

Nakabawi na ang lahat. Dali-daling lumapit ang mag-asawang Martinez sa mga bata at pinagya-yakap ang mga ito. "Mga apo!" sigaw ng ina ni Night.

Napangiti sila Luz nang marinig ang hagikhik ng mga bata dahil sa nakikiliti sila sa klase ng paghalik ng lola at lolo nila sa kanila.

"Let's go, eat now! Talk later." sabi ng ina ni Night sa kanila at kinarga si Zel habang ang ama naman nila Night ay kinarga sina Al at Sky.

***

Pagkatapos kumain ay agad na niligpit ng mga kasambahay ang kanilang pinagkainan. Gustuhin man ni Luz na tumulong ay hindi siya pinayagan ng magulang ni Night kaya naman sumunod na lamang siya sa mga ito na nagsipunta sa entertainment room kung saan may mahaba, malaki at malambot na mga sofa.

Sa gitna niyon ay may mahaba ring lamesa. Naupo sila roon habang ang mga bata naman ay ipinasyal na muna nila Twilight. Sabi rin ni Twilight na ipapakilala niya ang mga ito sa mga pinsan nito.

Pagkaupo ay agad na nagsalita ang ina ni Night. "Una sa lahat, ako'y humingi ng kapatawaran sa pagiging pabayang ina sa inyong dalawa. Lalo na sa'yo Luz. I'm sorry if it seems like I force you two to get married." Paumanhin nito sa kanila.

"It seems. Tsk. You really forced us, mom." rinig ni Luz na bulong ni Night.

Siniko ni Luz si Night at kinurot sa tagiliran bago nagsalita. "It's not your fault, tita. Alam ko naman pong ginawa niyo po iyon para lamang sa ikabubuti ni Night. At naiintindihan ko po iyon, lalo na po ngayong may anak na rin po akong lalaki, dahil kung ako po rin lang po ang papapiliin ay gugustuhin ko lang din po ang ikabubuti ng aking mga anak." sabi naman ni Luz at hinawakan pa ang kamay ng ina ni Night.

"Salamat, iha. Basta ngayon kung may mangyari o may gawin na naman itong anak kong pasaway, sabihin mo agad ah? Ako na mismo ang magpa- file ng annulment ninyo." sabing muli ng ina ni Night na nagpagulo kay Luz at akmang magtatanong ukol sa sinabi nito ay muli itong nagsalita at si Night naman ang kinausap.

"Mom!" sigaw ni Night na parang bata nang marinig ang sinabi ng ina.

"Ikaw naman Night, saktan mo pang muli si Luz at ako na mismo ang puputol diyan sa ari mo." sabi ng ina ni Night kay Night at nginuso pa ang ibaba ni Night.

Agad na napatakip si Night sa ibaba niya at sinubsob ang ulo sa balikat niya. Natawa na lamang si Luz sa inakto ni Night. Iniba na ni Night ang usapan at tinukoy na lamang ang paglilipat sa mga bata sa pribadong paaralan na tinutulan ni Luz ngunit kalaunan ay nagkaroon ng usapan na pagdating ng high school ay sa pribadong paaralan na ang mga ito upang makasama ng mga ito ang mga pinsan nila kaya naman sandaling nakalimutan ni Luz ang sinabi ng ina ni Night ukol sa annulment.

*°*°*°*°*

Ang nalalapit na pagtatapos...

"Luz Rose Quinn-Martinez, will you marry me again?"

Continue Reading

You'll Also Like

174K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1M 32.3K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
172K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...