Crush Mo Mukha Mo..

By theNidas

9.9K 557 256

Farm boy.. City girl (na bitch).. More

Author's Note
Chapter 1. Dudong
Chapter 2. The Bitch
Chapter.3 Mango Farm
Chapter 4. Gulat Ka 'no
Chapter 5. Alamat Ng Mangga
Chapter 6. The Bet
Chapter 7. Summer Sunshine
Chapter 8. Ghosting
Chapter 9. Asar Talo
Chapter 10. Sayang 🤣
Chapter 11. Basted
Chapter 12. Tambling
Chapter 13. 18 Roses
Chapter 14. Bye Denise
Chapter. 15 Ria
Chapter 16. Baler
Chapter 18. Won't Fall Again
Chapter 19. Moving On
Chapter 20. Camiguin
Chapter 21. Missing Her..
Chapter 22. Chasing Waterfalls..
Chapter 23. Breaking Bad
Chapter 24. The Letter
Chapter 25. Meeting Him
Chapter 26. Finding Mommy
Chapter 27. Danni's Move
Chapter 28. Happy Cal
Chapter 29. Going Back
Chapter 30. MAKAKAPATAY AKO!!!
Chapter 31. New Nanay
Chapter 32. Sweet Redemption

Chapter 17. Elbi

184 12 0
By theNidas


"Hi!" masayang bati saken ni Ria nung first day of school.. Ang aga ko.. 8:30am pa yung unang klase ko, pero 7am pa lang, nandito na ko.. Panalo talaga dito sa UP.. Walang uniform.. Hehehe.. So kahit anong suotin ko, basta maayos, pwede..

"Hey.. Kamusta ka..?" sagot ko.. Ang cute nia.. Two weeks din since last kaming nagkita after naming mag-Cebu..

"Teka, anong sked mo..? Patingin nga.." sabi nia..

Oh shit! Eto.. sige na.. Aaminin ko na.. Kasalanan ko naman 'to e..

"Hmmm.. I thought.."

"Oo na.. Hindi ako EE.. Sori na.." pinutol ko na siya sa sasabihin nia.. Ngumiti siya.. Pero nakataas yung kilay..

"Why did you lie?" she asked..

Hindi agad ako nakasagot.. Kinakain na ko ng hiya..

"Sino ba naman kasing magaakala na dito ka rin pala nag-aaral.. Tas EE ka pala.." sagot ko..

"Still, bakit ka nagsinungaling..?"

"Sorry na.. Agriculture ako.."

"My God, Lorenzo.. Specialization ng LB ang Agri.. Dapat nga proud ka e.."

"Sorry na.."

"Kumain ka na..? Tara, breakfast tayo.." pagyaya nia saken..

Dinala nia ko sa Papu's.. Famous siomai house dito sa LB.. Imagine, P22 lang, may siomai rice ka na.. Waging wagi diba?

From the very first day, si Ria na ang palagi kong kasama.. Nilibot nia ko sa buong LB.. Umulan umaraw, nilalakad namen yung buong campus.. Mas preferred niang maglakad kesa mag-jeep.. Ok na ok saken yun kasi nakakatipid ako sa pamasahe.. Kinainan namen lahat ng pwedeng kainan na mura.. Hehe..

Pero pinakamalupet yung Ellen's fried chicken.. Walang tatalo sa "Fried Chicken-Monggo-2 rice-Mountain Dew combo"..

Denise's POV..

"How's your first day..?" tanong saken ni papa..

"Ok naman po.. Mas mababait yung mga tao dito.." sagot ko..

Yes.. I decided na dito na mag-aral sa probinsya.. Dun sa school ni pinasukan ni Lorenz.. And I took up Agriculture.. Yes, nagshift din ako ng course.. And you maybe asking why..? Para sundan si Lorenz? Para mapalapit sa kania in case na umuwi siya dito sa Pangasinan..? No! I'm not that pathetic.. Ginawa ko 'to para sampal kay mama.. Hinding-hindi ko kakalimutan kung pano nia inalipusta si Lorenz.. Na ayaw niang makatuluyan ko daw and isang magsasaka.. Eto yung sagot ko.. Magiging magsasaka ako..

But in fairness naman, mukhang maeenjoy ko dito.. Medio nananinibago lang ako.. Nakakalungkot na hindi ko na kasama sina Pao at Danni.. Pero Nagpromise naman sila na every sembreak and summer break, magkikita kami.. Either dito sila pupunta, or gagala kami..

Part of my decision is para na rin maka-iwas kay Lance.. After kasi nung debut ko, medio naging aggressive na naman siya.. Bumalik siya dito samen.. He's asking me out.. May dala pang bulaklak.. But I turned him down.. Ayoko na.. Wala na siyang halaga saken.. Kung dati tatanga-tanga ako, madaling utuin.. Well, hindi na ngayon.. I'm a changed person.. Gusto kong mabago yung image ko.. Pero nagsabi pa siyang hindi daw ako makakatakas sa kania.. Pupuntahan pa din daw nia ko sa school.. Asa siya.. Kala nia dun pa din ako mage-enroll..

But all these times, hindi nawawala sa isip ko si Lorenz.. Alam ko masama loob nia saken.. I knew it kasi nagpalit siya ng number.. Hindi man lang nia ako binigyan ng chance mag-explain.. Pero hindi ko siya masisi.. I just can't.. Nakita nia akong kasayaw ko si Lance, when all he knew is hindi invited yun.. Oo, naiisip ko na may fault din siya kasi na-late siya.. Pero hindi ko majustify yun e.. Dumating siya, yun ang mahalaga.. And what sucks is the fact na hindi ko na siya makausap.. Hindi ako makapagpaliwanag.. Kung malalaman lang nia yung totoong nangyari, perhaps, maiintindihan nia..

Pero maghihintay ako.. Aasa ako.. Alam kong mahal ako ni Lorenz.. Mahal na mahal ko din siya.. And sana maappreciate nia 'tong mga ginagawa ko.. Kasi aminin ko man at hinde, nagdecide akong dito na magstay, kasi umaasa akong magkaka-ayos kami the moment na bumalik siya dito.. Yeah, pathetic na kung pathetic..

Lorenzo's POV..

Sem break na.. Nairaos ko naman nang hindi ako nahihirapan.. Sobrang laki ng naitulong saken ni Ria.. Siya yung kumausap sa may-ari nung resto na napasukan ko.. Hindi sila tumatanggap ng part-timer, pero malakas ang karisma ni Ria.. It helps na suki na siya nitong resto and naging ka-close nia na rin yung may-ari.. Kaya madali niang napaki-usapan na tanggapin ako..

And here's what, naging kami ni Ria.. I mean, why not.. She's beautiful, smart, mabait.. I think she's all that I need.. Pero hindi naging madali yun.. Niligawan ko siya.. She admitted na gusto nia ako.. Pero gusto nia, ligawan ko pa din siya.. Kulet di ba..? Pero masaya kami.. Halos araw-araw magkasama kami.. Madalas, pag wala yung mga ka-share ko sa dorm, nagagawa naming makapasok siya sa loob..

Si Denise..? Wala na siya sa sistema ko.. Galit ba ako sa kania? No! Kung hindi nia ginawa saken yun, baka hindi ako nagkaroon ng chance na makilala si Ria.. Yeah, we may be studying in the same school now, pero kung hindi kami nagkasira ni Denise, baka hindi ko rin mapapansin 'to si Ria..

One time, naglalakad kami sa Pili drive.. Yeah, palagi kaming naglalakad dito.. Mula CEAT building hanggang sa IRRI (International Rice Research Institute).. Tas pag dating sa dulo, magkakape lang.. Tas lalakad na ulet pabalik..

"Mahal, gusto ko sanang sumali ng frat.." sabi ko..

"No!" mabilis na sagot nia..

"Why not?"

"Kasi ayoko.. Sumali ka na lang sa mga org ng agri.. Pero wag sa mga fraternity.."

"Please.."

"Bakit ba gusto mong sumali dun..?"

"Para makatakbo ng nakahubo't hubad.." sabi ko..

"Baliw.. Para lang dun, sasali ka pa..? Mamaya, puntahan kita sa room mo, magtatakbo ka, naked.." sabi nia..

"Sige na please.."

"No.. Kung yun lang yung reason mo, para lang makatakbo ng nakahubad, wag na.. Hindi kita ishe-share sa iba 'no.."

"Ok sige, hindi na ko tatakbo.. Pero sasali pa rin ako..?"

"A-YO-KO.."

So ayun nga 'no.. Hindi ako sumali.. Hehe.. Sungit e..

Ewan ko, pero para saken, isa sa pinkamagandang lugar na yata sa buong mundo 'tong Pili drive.. I mean, hindi nakakasawa yung view.. Mula sa isang dulo papunta sa kabilang dulo.. At pabalik.. Isa-isang binibilang ang mga puno.. Magkahawak kamay.. Nagtatawanan.. Nagkekwentuhan.. Hanggang mawala na ulit sa bilang.. Ayos lang.. Ang mahalaga, kasama ko ang pinaka-maganda, pinakamalambing, pinaka-smart at pinakamamahal kong babae.. Pinagmamasdan ang maamo niang mukha na sinisilayan ng gintong sinag ng papalubog na araw..

One afternoon.. Nakatambay kami sa ilalim ng puno somewhere sa freedom park..

"Uuwi ka sa inio..?" tanong nia..

"Hinde.. Magtatrabaho ako.. Kailangan kong makaipon.. Buti nga pinayagan ako ni Ma'am Jenna na magfull-time e.. Susulitin ko muna.." sagot ko..

"Ok.. Ayusin mo dun ha.. Behave.. Baka nambababae ka ha.."

"Wow! Itsura kong 'to.. Ang pangit-panget ko e.."

"Ewan ko sayo.. Bakit ba lagi mong sinasabi yan..? Ang gwapo-gwapo mo e.."

"Tss.."

"Nung, hinihintay kita kahapon dun, narinig ko yung dalawang babaeng naguusap, sabi nung isa, kamukha mo daw si John Mayer.."

"O, tapos..?"

"Sabi nia kakaririn ka daw nia.. Lagi daw siyang pupunta don.."

"Maganda ba?" sabi ko.. Hehehe..

"Hinde.. Mukhang busog na garapata.."

"Grabe siya.. Hahaha.. Aabangan ko yun si ate.. Ito ba yun laging naka-dress?"

"Oo.. Feeling naman nia ang ganda nia.."

"Aabangan ko nga yun si ma'am.."

"Subukan mo, ako mismo magsasabi kay Jenna na sisantehin ka.." sabi nia..

"Joke lang.. Grabe ka naman.. Kahit maghubad pa sa harap ko yun, di ko papatulan yun.."

"Subukan mo lang talaga.." medio may konting tampo na sa boses nia.. Hahaha.. Hindi siguro nagustuhan yung sinabi ko..

Inakbayan ko siya..

"Mahal, kahit sino pa magpapansin saken dun, hindi po kita ipagpapalit.. Pramis.."

"Nakakinis kasi.. Hindi ko gusto yung ganung biro.."

"Ok po.. Sorry na.. Hindi ko na uulitin.." Then I hugged her.. Wapakels kahit madaanan ng IRRI bus tas nagsisigawan yung mga pasahero..

Denise's POV..

Sem break.. Dinalaw ako nina Pao at Danni dito samen.. Sobrang namiss ko sila..

"Ok ka lang Denz..?" tanong saken ni Pao..

"Yeah.. Why.?" sagot ko..

"Hindi mo namimis ang Manila..?"

"Namimiss.. Pero ok din naman kasi dito e.. Nasasanay na ko.."

"Kamusta na kayo ng mommy mo..?"

"Hindi kami nag-uusap.. Niyaya nia pa ko na sumama sa kania.. Dun na lang daw ako mag-aral.. Yun na yung last na usap namen before sila bumalik ni kuya sa states.."

"OmG! Tinanggihan mo?"

"Oo naman.. Hello? Ayokong iwan si papa dito mag-isa.. Tsaka ayoko silang kasama.." sabi ko..

"E si Lorenz? Kamusta na kayo..? Nakapag-usap na ba kayo..?"

Hindi agad ako nakasagot.. Hindi ko alam kung pano sa kanila ipapaliwanag.. Kung pano ko ipapakita sa kanila na natatalo na ko sa naging desisyon ko.. Nasabi ko sa kanila na isa sa mga reasons ko kaya nandito ako is para magka-ayos kami ni Lorenz..

"Wala kaming communication e.." sabi ko..

"Hindi ba siya uuwi ngayon..? Sembreak na din naman nila siguro.." tanong ni Danni..

"Tinanong ko si Chad.. Wala daw sinabi e.. Actually, hindi din daw nila makontak.. Nagpalit nga kasi ng number.." sagot ko..

"Galit nga siya.. Grabe palang magtampo yun.." si Danni..

"Girl, yung mga ganun, hindi na tampo yun.. Galit na yun.. Fueled by pain.. Dun sa mga nakita nia.." sabi ni Pao..

"E what if puntahan naten siya sa school nia..? Di ba sa UP Diliman siya..?" tanong ulit ni Danni..

"Oo.. Sabi ni Chad.. Pero hindi naman ganun kadaling mahanap yun.. Buti sana kung maliit na school yun.." sagot ko..

"Alam mo Denz, magmove on ka na.. Mukhang wala nang pupuntahan yan.." sabi ni Pao.. And this is one of the things na gusto ko sa kania.. Walang preno ang bibig.. Sasabihin nia kung ano gusto nia..

And hindi na naman ako nakaimik dun.. Ang sakit e.. Ok na sana kasi kami ni Lorenz e.. tapos sa isang iglap lang, nawala.. Dahil sa kagagawan ng mama ko..

"Kwento ka naman Denz.. Sino mga nanliligaw sayo dito..?" banat ni Danni.. Gusto niang pasayahin yung usapan..

"Si Chad.. Kainis yun.. Kahit alam niang naging kami nung pinsan nia, ipipilit nia pa din.. Text ng text.. Palaging nagyayayang mamasyal.."

"Anong sabi mo..?"

"Wala.. Tinu-turn down ko.. Hindi ko naman siya type.." sagot ko..

"Ayaw mong bigyan ng chance? Pogi din naman ah.." si Danni pa rin..

"So yun na yun? Si Chad lang..? wala ng iba..?" tanong ni Pao..

"May dumalaw dito, last week lang.. Schoolmate ko.. Bunsong anak nung dating mayor dito.. Manliligaw daw.." sagot ko..

"Pogi ba..? Hindi mo type..?" si Pao..

"Maporma.. Naka-Ducati nung pumunta dito.."

"I'm asking kung pogi.."

"Hindi.. Mukhang daga.."

"Ahahahahaha.. You're so mean Denz.." sabi ni Danni..

"E ang laki kasi ng tenga e.. Basta hindi siya gwapo.. Mayaman lang talaga kaya dinadala ng porma.." sabi ko..

"So anong sinabi mo..?"

"Sabi ko, ayoko pa.. Studies first.."

"Ahahahahahahaha.. Ahahahahahaha.. We missed you bitch!!" sabay nilang sabi.. Ahahahahaha..

Lorenzo's POV..

Second sem.. Mas lalo na kaming napalapit ni Ria sa isa't isa.. Walang araw na hindi kami magkasama.. Iba sked ko sa mga kasama ko sa dorm kaya madalas, nakakapuslit sa Ria sa room ko.. Pag-vacant ko at wala akong work, minsan ako gumagawa ng mga reports nia.. Mga assignments.. Hindi naman siya nagkulang sa pagiging girlfriend saken.. Napaka-supportive nia.. Napakalambing.. Palagi niang chine-check kung kamusta na ako.. Kung kumain na daw ba ako.. Kung may kailangan ba ako.. Basta sobrang bait nia.. Siya yung mga tipo ng girlfriend na hindi mo kakayaning lokohin.. I mean, baket? Bakit mo lolokohin, e siya yung tipo ng babaeng handang ibigay sayo ang lahat.. Naka-jackpot na nga ako e..

Kahit paminsan-minsan, may nagpapa-cute saken, mga "Quality" din kung tawagin namen dito sa Elbi, hindi ko na pinapansin.. Si Ria ang mahal ko.. And I won't do anything na ikakasama ng loob nia..

Minsan nga napapaaway na ko kasi may mga pumoporma din sa kania e.. Hindi ako pala-away na tao, pero pag may gustong umagaw kay Ria, e ibang usapan na yun.. Wala akong pake kahit may mga frat frat pa sila.. Akin lang si Ria.. At hindi ako natatakot makipag-basagan ng mukha kung may aagaw sa kania.. Pero hindi din naman nagkukulang si Ria ng pagbibigay ng assurance saken na wala nga daw makaka-agaw sa kania from me..

"Mahal, uuwi ako samen this Christmas break.. Gusto mong sumama?" tanong nia saken..

"Hindi muna mahal.. Tsaka na.. Pag nakagraduate na tayo.. Pag may trabaho na ko.. Para kahit papano, may maipagmamalaki na ko sa parents mo.." sagot ko..

"Ok.. Pero maghanda ka pag pumunta ka don.."

"Maghanda?"

"Sabi ko kasi kina mommy at daddy, once na magdala ako ng lalaki dun sa bahay, siya na magiging asawa ko.."

"Wow ha.. So kung sasama ako ngayon, wala na? Lockdown na ko..?"

"Hahahaha.. Baket, ayaw mo ba..?" tanong nia..

"Syempre gusto ko.. Pero gumraduate muna tayo.. Mahirap naman kung aasa na lang tayo sa kanila.." sagot ko..

"Yan ang gusto ko sayo mahal.. Ang galing ng reasoning mo.. Naiinlab lalo ako sayo.. Pero naisip ko, wag nga muna.. Delikado ka kay daddy.."

"Baket?"

"Sabi nia kasi pag nagdala ako ng lalaki sa bahay, ipapaksal nia agad ako and kung sino mang lalaki yun.."

"Ok lang.. De ipakasal nia tayo.."

Napangiti ang lola nio.. Hindi napigilan.. Kinilig..

"Pero sabi nia, gusto nia dun ako magpapamilya.. Sa Camiguin.. Pano yun..?"

"De dun tayo tumira.. Makakahanap naman siguro ako ng work dun.."

"Sigurado ka..? Mapapalayo ka.."

"Mahal, pinangako ko sa sarili ko, na kung magkaka-anak ako, sisiguraduhin kong hindi nia dadanasin yung pinagdaanan ko.. Hinding-hindi siya mawawalan ng tatay.. Sasamahan ko siya kahit saan.. I'll never leave him.. Kayo.. Kayo ng mga magiging anak naten.." sabi ko..

"I love you mahal.."

"I love you too.. Tara na.. Malalate ka na sa class mo.."

"Eee.. Tinatamad na kong pumasok.. Gusto ko dito lang ako sayo.. Hug mo lang ako.." sabi nia.. Nagpapalambing na naman..

"Mahal, 5:30 na.. 6pm ang shift ko kay Ma'am Jenna.. Hahanapin ako nun.." paliwanag ko..

"Kainis naman e.."

Tumayo ako, then I offered my hand to pull her up.. Pero dumerecho siya ng yakap saken.. And we kissed..

Christmas break na.. Hinatid ko siya sa airport.. Then dumirecho na din ako pauwi sa Pangasinan.. Pinayagan naman ako ni Ma'am Jenna na magbakasyon.. Medio mahina din naman yung resto na pinagtatrabahuhan ko pag Christmas break kasi konti lang ang estudyante.. Nagpa-alam din ako syempre kay Ria.. And like any ordinary days, puro bilin lang siya na umiwas ako sa mga babae.. Wag daw akong magpapacute.. Wag daw akong magpapagupit, wag magshe-shave, kung pwede lang, wag na ding maligo para maging dugyot daw ako.. Para walang lumapit saken na babae habang bakasyon.. Hahaha.. Ang taba ng utak..






Continue Reading

You'll Also Like

376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.3M 38K 52
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
869K 39.7K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
611K 16.9K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...