Sweet Mistake

Oleh yuibeon

7K 125 9

Everything is made out of mistake but why does it feel so sweet? Lebih Banyak

W A R N I N G.
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three

Chapter Two

72 2 0
Oleh yuibeon

Blythe Hunter

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang isang matinis na boses.

Si Simi? Si Lali? Hindi naman ganito katinis ang boses nila.

Napakamot ako sa leeg ko at nanatili pa rin akong nakapikit habang kunot ang noo. Hinila ko ang kumot at binago ko ang direksyon ng paghiga ko, patagilid akong humiga.

Lalong kumunot ang noo dahil may humila dito at minulat ko ang aking mata.

"AAAAAAAAH!" Halos sabay kaming napasigaw pero kung pakikinggan ay mas tunog babae ang sa kanya at matinis.

Nanlalaki ang mga mata kong tumititig sa kanya. "Anong ginagawa mo dito!?" Napasigaw na lamang ulit siya sa hindi ko malamang dahilan at mabilis na tinakpan ang mukha gamit ang kumot.

Tinuro niya ang dibdib ko, napayuko ako. Agad kong hinila ang kumot at tinakpan ito. Hindi ko pala namalayan na nabitawan ko ang kumot at nakita niya mula ulo hanggang sa itaas ng pusod ko ang itaas na parte ng katawan ko na kahit isang tela ay walang nakatakip.

Napatingin ako sa kanya na nakatakip pa din ang kumot sa mukha. Halata ring wala siyang suot na kahit ano. Nakaupo siya sa may bandang paanan ng kama na nababalutan ng itim na bed sheet.

Inalis niya ang kumot na tumatakip sa mukha niya at ibinaba ito hanggang sa dibdib niya. Nakaipit sa kili-kili niya upang hindi ito malaglag. May bahid ng lipstick sa cheek bone, panga at gilid ng labi niya. Mayroon din sa bandang collarbone at balikat nito.

Teka, ginawa ko ba yon!?

"Anong-" napahinto ako sa pagsasalita. Bigla na lamang siyang natumba pero mabilis kong nahawakan ang isang kamay niya. Kahit papaano ay naiwasan kong tumama ang ulo niya sa sahig

Napabuntong hininga ako at hindi maalis sa dibdib ko ang kaba.

Siguro ay kagaya ko ay hindi din siya makapaniwala sa nangyari at nangyayari ngayon. Isa siyang sirena at alam kong hindi maatim ng isang ito na bakit sa isang babae niya ito nagawa. Hindi ko naman alam kung may ginawa na siyang ganito o kagaya ko lang siyang nangyari ito sa unang pagkakataon at dulot pa ng pagkalasing at kadaldalan niya rin.

Hinila ko siya ng buong lakas at muling hiniga sa kama. Kinumutan siya at tumayo ako sa kama. Mabilis kong kinuha ang mga damit ko at nag-tungo sa banyo. Kulong ang buong kwarto at ang lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa loob.

Naligo ako at napansin ko ang interior ng banyo. Base sa mga gamit dito ay hindi talaga ako nasa bahay at lalong mukha hindi niya rin bahay ito dahil may mga nakatatak na logo at pangalan sa bawat gamit. Nasa hotel kami.

Napatitig ako sa kabuuan ko sa malaking salamin ng banyo. Tapos na akong linisan ang sarili ko pero hindi na malilinis ang pagkababae ko.

Naiinis na inuntog ko ang ulo ko sa salamin. "Aray!" Angal ko sa sarili kong kagagahan. Minasahe ko ang noo ko na medyo namula.

'Shit.' Napadaing na lang ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang pananakit ng pagkababae ko.

Dahil sa pag-iisip ko sa nangyari ngayon. Ngayon ko lang 'to naramdaman.

Bumuntong hininga ako. Nadako ang tingin ko sa suot kong purple off shoulder ruffle dress. Expose unhealthy kong collarbone, may maluwag itong mahabang manggas na may laso na umaabot sa palad ko. Umaabot ang flowing palda nito sa halos kalahati ng hita ko na talaga namang halata ang pagkapula dahil sa maputi kong balat.

Napangiwi naman ako ng muli kong naramdaman ang kirot sa pagitan ng hita ko. Kumirot din ang kanang balikat ko. May bilog na pula don.

Damn. Ano ba talagang ginawa namin!?

Pagkalabas ko sa banyo ay ganoon pa rin. Nagkalat ang mga damit niya at tulog pa rin siya sa kama.

Napabuntong hininga na lang ulit ako at pinulot ang mga damit niya at pinatong sa kama. Kumuha pa ako ng isang tooth pick na nakapatong sa lamesa para lang gamiting pangdampot sa underwear niya.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok at paika-ika na lumapit sa sofa na nasa gilid. Humiga ako rito at tumitig sa puting kisame.

Wala na kami-- akong magawa dahil nangyari na ang nangyari. Hindi ko lang maiwasang isipin na kapag nilalamon ng kalasingan ang isang tao ay may magagawa talaga itong hindi mo aakalain. Mawawalan ka ng kontrol sa sarili mo lalo na kung hindi ka sanay dito.

Frustrated ko na namang sinabunot ang buhok ko at pinagpapadyak ang paa ko na agad king pinagsisihan dahil sumakit ulit ang ibaba ko.

Kapag talagang nagising ang sirenang 'yon ay kailangan naming mag-usap.

Ilang minuto akong nakatitig sa kisame at biglang nag-flash sa alaala ko ang nakalimutan ko kagabi. Dala na rin siguro ng pag-untog sa ulo ko.

'Patuloy lang si Kloeff sa pagturo at pagcompliment sa mga lalaking nakikita niya. I can feel the dizziness at bigla niya akong hinatak patayo. Pareho kaming pasuray-suray sa paglalakad hanggang sa makalapit kami sa kumpulan ng mga taong sumasayaw.

Tinulak niya ako sa isang pole at muntik pang masubsob ang mukha ko sa elevated part nito pero tumawa lang ako na parang isang baliw at pilit na umakyat sa pole. Nang makaakyat ako doon ay kumapit ako sa pole na tila hirap na hirap at dahan-dahan kong giniling ang bewang ko.

The feeling of the thrill, music and the effect of liqour gave me the courage to do such an unbelievable thing for me. Naririnig ko ang sigawan ng tao ng mapansin nila ang ginagawa ko. Nakita ko pang kumaway sakin si Lali at Simi at tila ligayang-ligaya sa ginagawa ko.

Napasuklay ako ng buhok ko gamit ang aking kamay at tumingin kay sirenang Kloeff na kanina pang tinitignan ang bawat galaw ko. Kumindat ako dito at agad naman siyang ngumiti. Pansin din kung paano siya tumayo at ang halos ang papapikit na niyang mata ay nakuha na ng alak ang ulirat nito.

Halos limang minuto rin ang tinagal ko sa pagsayaw sa pole ng hindi inaalis ang mata sa kanya. Nang matapos ako ay agad akong bumaba  at halos mahalikan ko na ang sahig. Mabuti na lamang at nahawakan ako ni sirena sa magkabilang kamay at sa 'di malamang dahilan ay pareho kaming tumawa na parang takas sa mental.

Inalalayan niya akong maglakad pero ilang beses kaming napahiga sa sahig dahil lagi siyang natutumba at lagi ko siyang pilit na itinatayo dahil kuhang kuha na siya ng alak maging pati ako.

Dinala kami ng lambutin naming mga binti sa couch na inupuan namin kanina at hinihingal na sumandal doon. Hindi ko mapigilang lingunin si sirenang Kloeff na nakatingin din pala sakin. Papapikit na ang kanyang mata pero pinipilit pa rin niyang iminumulat ito.

Tumingin ako sa mga mata niya at nadako naman ito sa kanyang labi. May naramdaman akong kakaiba at tumingin ako sa unahan ko. Medyo malayo kami sa isa't isa at aakalain mong magkagalit kami dahil sa pagitan namin.

Biglang naudlot ang pagpikit ng mata ko. Napalingon na lamang ako ng wala sa oras ng may maramdaman akong mainit na hininga sa leeg ko na nagbibigay ng kiliti sa'kin. Nagtama ang mga dulo ng ilong namin.'

Natigil ang mala-flashback sa utak ko ng may narinig akong kalampag ng mga bagay.

Napataas ang kilay ko at tumingin sa direksyon ng kama. Nakakapit ang isang kamay ko sa sandalan para hindi ako mahulog.

Imbis na sirenang Kloeff ang nakita ko ay isang babaeng nag-aayos na ng higaan. Hindi ko alam kung bakit siya nandito at kung bakit hindi ko makita si sirena.

Agad akong tumayo at naglakad sa direksyon ng staff ng hotel. "Miss nasan yung sire-lalaking kasama ko?" Tanong ko sa kanya. Napalingon naman ito at tila nahiya dahil alam niya siguro ang kagagahan naming ginawa base sa kalat dito.

Kung maririnig lang siguro ako ng sirenang 'yon na tinawag ko siyang lalaki ay siguradong uusok ang tenga't ilong niya.

Hawak niya ang kumot na handa na niyang itiklop habang nakayuko. "U-umalis na po siya m-ma'am." Napatulala naman ako sa sinabi niya. Mabilis niya ginawa ang gawain niya at dali-daling lumabas ng kwarto kahit basta na niyang inilagay ang mga bed sheets at kumot sa dala niyang cart.

Kinurot ko ang sarili kong hita na mas lalong namula at nagising na muli ang diwa ko.

Paanong nakaalis ang bading na 'yon nang hindi ko man lang napansin, narinig o kung ano. May sa-multo ba siya o talagang nawindang lang ako?

Nagtaka naman ako ng makita ko ang shoulder bag ko sa gilid ng lampshade. Chineck ko ang laman nito at kumpleto naman ang lahat na lalong kinagusot ng noo ko.

Bakit nandito ito na para bang...

Mabilis akong lumabas ng kwarto at agad na sumakay sa elevator. Tinaas ko ang garterize part na nasa balikat ko at nagmukha ng square collar ito ngayon. Natatakpan na nito ngayon ang pulang sugat sa balikat ko. Inayos ko din ang buhok ko dahil mukha akong baliw dahil sa gulo nito.

Kinuha ko sa bag ko ang phone ko at tinawagan ang cellphone number ni Simi. Nagring ito ng ilang sandali at sinagot niya.

"Kamus-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya sa'kin dahil nagsalita agad ako.

"Anong ginawa niyo?" Sabay buntong hininga. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Lali na sa pagkakahula ko ay katabi niya.

"Wala kaming ginagawa ha," at muli itong tumawa. Ibinaba ko na ang tawag dahil wala silang sense kausap kapag sa telepono kami nag-uusap.

Tumigil ang elevator sa ground floor at lumabas na ako. Tinahak ko ang direksyon sa front desk. Mahina kong hinampas ang table na nasa harapan ng babaeng staff. Nagulat pa ito sa ginawa ko at ngumiti. "Yes ma'am. How may I help you?"

"I know that you remember me. Bukod sa lalaking kasama kong pumunta dito, meron pa kaming kasama?" Napatigil naman ito na tila ba nag-iisip.

Ngumiti ulit ito na may halong pagkailang. "Nothing ma'am. Si Sir lang po ang kasama n'yo no'n," sinagot niya sakin 'yon habang palipat lipat ng pahina sa log book.

Nagpasalamat ako sa kanya at tuluyan ng lumabas ng building. Pumara ako ng taxi at sinabi kung saan ako magpapahatid.

Napabuntong hininga na lamang ako at sinandal ang ulo sa headboard.

Humanda talaga sa'kin ang dalawang baliw na 'yon at kakaliskisan ko naman ang sirenang si Kloeff kapag nagkita kami ulit!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
375K 20.3K 59
"What do you want Xavier?" I said getting irritated. "For you to give me a chance to explain myself." "There's no need to explain anything to me, we...
683K 36.1K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3.6M 286K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...