Tagpuan

By chaminayeo

887 132 29

"Siya ang panalangin ko." - Moira Dela Torre Ang buhay natin ay maraming tagpuan. May mga tagpuan na tayo lan... More

Tagpuan
Unang Tagpuan
Ikalawang Tagpuan
Ikaapat na Tagpuan
Ikalimang Tagpuan
Ikaanim Na Tagpuan
Ikapitong Tagpuan
Ikawalong Tagpuan
Ikasiyam Na Tagpuan
Huling Tagpuan
Special Chapter

Ikatlong Tagpuan

54 11 1
By chaminayeo

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata nang masinagan ako ng liwanag ng araw na nagmumula sa bintana ko.

With my half-opened eyes, I turned on my phone to check the time.

It's already 9:30 in the morning and I got 5 missed calls from Sunny. Bakit naman kaya tumawag ang Doctora'ng iyon?

Sinubukan kong bumangon ngunit parang minartilyo ang ulo ko sa sobrang sakit kaya wala akong nagawa kung 'di ang humigang muli.

I sighed as I remember what happened last night. Hindi ko maiwasang mapangiti at mapailing-iling sa kawalan.

Inabot na pala kami ng madaling araw ni Nick sa pagkukwentuhan. At iyon ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ko ngayon.

Hindi ko alam kung masama ba o magandang bagay na naging magkaibigan kami ni Nick. Pero mukha naman siyang mabait kahit na medyo may pagkapakielamero siya.

Isa pa, he's a professional photographer. Sikat pala ang grupo na binuo niya rito sa Pilipinas at maging sa iba't ibang bansa. And he's making money on his own kahit pa nanggaling siya sa mayamang pamilya.

Nick's really great and...he's quite handsome. Hindi ko na ipagkakakaila ang bagay na iyon. He has this clean cut charcoal hair, long lashes, bright eyes, a greek god-like nose and pink pouty lips. Hindi siya sobrang maputi, sakto lang ang kulay ng balat niya.

But the most enticing part of him is his warm smile. Na sa tuwing ngingiti siya ay gagaan talaga ang pakiramdam mo.

His smile says everything's gonna be alright.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang may tumawag. Tinatamad ko itong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Sunny sa screen.

"Hello?"

[Oh gosh! Mabuti naman at sumagot ka!]

Lihim akong napangiti.

"What's the matter, doc?"

[Sunny na lang! Ano ba naman 'tong babaeng 'to!]

"Oh, right. Sunny. Bakit ka napatawag?"

[I was just checking if you're okay. Nabalitaan ko kasing pinuyat ka ng walang hiyang Devion na iyon!]

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Devion, who?"

[Nick! Nick Franklin Devion! Heto nga't nanggugulo --- Hi Doctora Sungit!]

Napangiti ako nang marinig ang boses ni Nick. Wait, what? Why am I smiling like an idiot?!

"Magkakilala kayo?"

[Ako nga dapat ang nagtatanong niyan sa'yo!]

Ramdam ko ang pagkairita ni Sunny. Damn. Why does she sound jealous eh may boyfriend na siya?

"Chill, Sunny. Hindi ako papatol d'yan." Natatawang sagot ko sa kaniya.

[Siguaraduhin mo lang, Alys. This jerk is no good for you. --- Hoy Anally ang kapal mo talaga!]

Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Nick. I heard Sunny's groan when he mentioned her second name. Knowing Sunny, she doesn't want to be called by her real name—either the first or the second one. She prefers to be called 'Sunny.'

[Ang pangit niyo talagang mga Devion kayo! Lumayas ka na nga! Ipapa-ban kita rito!]

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-aaway nila. Agad ko nang in-end ang tawag at nagtipa ng mensahe para kay Sunny, nagpapa-abiso na siya muna ang umasikaso sa mga duties ko ngayong araw.

Hindi muna ako papasok dahil feeling ko talaga ay magco-collapse lamang ako sa hospital. I need to eat like a king and get some rest.

Bumangon na ako para sana maghanda ng breakfast nang muli na namang nag-ring ang phone ko. I thought it was sunny but it was an unregistered number ngunit sinagot ko pa rin ito.

"Hello?"

[Doctora na walang jowa!]

I smiled when I heard Patricia's voice.

"Where did you get my number?"

[Secret. Bakit wala ka pa, doctora? Anong oras na oh! Ang aga mo pumasok lagi tapos ngayon late ka? Tsss.]

"I'm not feeling well today so I decided to take a rest muna. Ikaw, dapat nagpapahinga ka rin. Bawal ka gumamit ng phone, ah!"

[Walang bawal kapag ikaw ang tatawagan ko, Doc!]

"Hays. Pasaway." naiiling na sabi ko.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan ngunit naalarma ako nang makarinig ako ng pag-ubo.

In a snap, my heart beats rapidly. Para akong bumalik sa nakaraan at nakita ko si Alli na umuubo ng dugo.

"PAT! PATRICIA! WHAT'S HAPPENING?"

Napatayo ako sa kama ko ngunit bigla akong nahilo kaya napaupo ulit ako. Damn it! Nanghihina talaga ako ngayon!

[H-Hello Doc? Nasamid lang si Pat. Pasensiya na po.]

Bigla akong kumalma nang marinig ang boses ni Ma'am Flora. Na-trauma na yata ako sa ubo. Hays!

[Hello again, Doc!]

Muli kong narinig ang boses ni Pat ngunit sa pagkakataong ito ay parang nahihirapan na siya. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya kaya nahihirapan siyang magsalita.

"Pat, are you alright?"

[Opo, Doctora...]

"Are you sure?" naningkit ang mga mata ko at nagsimula na naman akong kabahan.

[Yes. D-Definitely sure, Doctora.]

"Okay." huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. "Pasensya na kung wala ako ngayong araw. Talagang masama lang ang pakiramdam ko."

[I understand, Doctora. Basta bukas nandito ka ha? May ibibigay ako sa'yo.]

"Yeah, sure. Thank you. That's so thoughtful of you." nakangiti kong saad.

[No problem, Doctora! Sige na, I'll hang up na. Kumain ka na at magpahinga para magkajowa ka na!]

"Pasaway ka talaga." nailing-iling na lamang ako habang nakangiti. "Bye, Pat. Reserve your energy for tomorrow."

[I will. You too, Doctora Alys. Ililigtas mo pa ako.]

Pakiramdam ko'y sumikdo ang puso ko sa sinabi niya. Isang malungkot na ngiti ang siyang kumurba sa labi ko dahil doon.

"Y-yeah..."

Hanggang sa mamatay ang tawag ay hindi ko inalis ang telepono sa tainga ko. Para akong nanigas dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, humiling nga pala sa akin si Patricia na iligtas ko siya.

Sana...

Sana nga magawa ko.

I shrug my thoughts off at ibinaba ang telepono upang umorder na lamang ng pagkain online. Hindi ko talaga kayang kumilos masyado. Over-fatigue na yata ito.

Pinigilan ko muna ang sarili ko na makatulog upang hintayin ang order kong pagkain mula sa isang fast food chain. Sinikap ko ring makababa sa sala para mas mabilis kong mabuksan ang pintuan kung sakaling dumating na ang order ko.

Damn it, sobrang nahihilo talaga ako! Pakiramdam ko ay magba-black out talaga ako!

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sa labis na kirot sa ulo ko. Ngunit bigla akong napamulat nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Oh gosh! Narito na ang order ko.

With all the remaining strength I have, I stood up while panting heavily and groaning in pain.

"Damn!"

Marahan kong binuksan ang pintuan at laking gulat ko nang tumambad ang isang mapang-asar na ngiti sa harapan ko.

"What are you doing here—"

Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil bigla na lamang akong natumba at nawalan ng malay.

Argh!

--

"Damn you, Sunny! Ang kapal mo talaga para pag-isipan ako ng ganiyan! I'm not like your boyfriend, yuck!"

Nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng ingay ngunit nanatiling pikit ang mga mata ko.

"I just went here because you told me so. And damn! Biglang nagblack out sa harap ko!... Tsss. What the hell?! I'm not interested in this petite woman."

Who the hell is inside my house at bakit ang ingay-ingay niya?! Damn this intruder!

"Ha! Mutual talaga kami. Pareho naming hindi papatulan ang isa't isa. Ikaw lang naman talaga 'tong ma-issue. C'mon, don't be so malicious. We're just friends."

Dahan-dahan kong ibinukas ang mga mata ko. Nasa sala pa rin ako at nakahiga sa sofa. Nang lumingon ako sa kanan ay nakita ko ang lalaking nakatalikod at tila may kaaway sa telepono.

Magsasalita pa sana ako ngunit pinigilan ako ng kirot sa ulo ko.

Argh! Damn it!

"Wala kang kwenta kausap, Sunny. Ang pangit niyong mga Oliveros! Haha!"

Napapikit ako sa sakit at naramdaman kong papalapit na sa akin ang lalaki. Gustuhin ko mang alalahanin kung sino ang lalaking ito at alamin kung paano siya nakapasok sa bahay ko ngunit mas nangibabaw talaga ang pagsakit ng ulo ko.

"Hays. Ano bang gagawin ko sa'yo." he sighed then the doorbell rang. "Oh, mukhang may bisita ka pa yata."

I heard his footsteps, maging ang pagbukas ng pinto. He mumbled things, he's probably talking with the delivery boy. Shocks. Naaamoy ko na ang fried chicken and fries. Ugh! That shit made my head hurts more.

Ilang sandali pa ay nagsara na ang pinto. Binukas ko na ang mga mata ko kahit na kumikirot pa rin ang ulo ko. Nilingon ko siya at kasalukuyan niyang inaayos ang mga inorder kong isang katerba. Animo'y may fiestang nagaganap sa dami nito.

"Bumangon ka na. Nandito na 'yung orders mo. Binayaran ko na rin and you're welcome."

Hindi ko alam kung paano ko nagawang umirap sa kabila ng pagpintig ng ugat sa utak ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Pinapunta ako ni Sunny rito noong nag-text ka sa kaniya na hindi ka makakapasok dahil masama ang pakiramdam mo." He said then shifted his gaze on me. "And as you open the door, you collapsed. Nahimatay ka yata sa kagwapuhan ko."

A playful smile formed in his lips. Binigyan ko lamang siya ng matabang na ekspresyon. Seriously? He has the guts to say those words? Siya nga itong dahilan kung bakit nag-collapse ako. Pinuyat niya ako.

"Kumain ka na. Sobrang payat mo. Mas bagay pa sa'yong maging pasyente kaysa doctor, e."

"Ang daldal mo, 'no?"

I sarcastically asked while getting some fries inside the paper bag. Agad ko itong dinala sa bibig ko.

"I'm always like this, Alys. Bear with me."

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Dumakot lang ako nang dumakot sa supot na naglalaman ng fries. Inisa-isa ko rin ang mga supot na nakalatag sa coffee table. Dalawang supot ng fries, tatlong box ng fried chicken and rice, dalawang extra large burger at tatlong okinawa flavored milktea lang naman ang inorder ko. I don't think it's too much.

"Ang unhealthy ng mga pagkain na inorder mo."

Tinaasan ko siya ng kilay tsaka napaismid sa sinabi niya. He grabbed some fries and stuffed his mouth.

"Ang unhealthy raw pero kumakain din naman siya."

Natawa lang siya sa sinabi ko. Sinimulan ko nang tirahin ang fried chicken na binili ko.

"Dapat kasi nagluto ka na lang."

"Nanghihina nga ako diba? Hindi ba obvious?"

"Ang sungit mo talaga, Alys." naiiling na sabi niya. "Mabuti na lang talaga kaibigan mo ako. Ang swerte mo sa akin, magaling akong magluto."

"Parang hindi naman." diretso kong tugon.

"Ha! Kakainin mo rin 'yang sinabi mo. Lahat ng kaibigan ko 'yan ang sinasabi sa akin. Ako lang kasi ang pinakamabait na Devion."

Mahanging sabi niya. Too bad for him, hindi ako mabilis maniwala sa mga sabi-sabi. Lalo na sa isang katulad niya. At grabe, ang daldal niya lang talaga. Daig niya pa ang babae!

Tinapos ko na lang ang pagkain ko ng chicken. Bale naghati kami ni Nick sa mga inorder ko dahil siya rin naman daw ang nagbayad. Ang kuripot din pala ng isang 'to.

"May netflix account ka?"

He asked as he grabbed the remote and opened my TV. Pasalampak siyang nakaupo sa single couch ko habang nakataas ang paa sa may coffee table.

The nerves. Ganito ba talaga kakapal ang mukha nitong si Nick? Parang halos dalawang araw palang kaming magkakilala at kahapon lang kami naging magkaibigan pero kung makaasta siya ay parang ang tagal na ng pinagsamahan namin.

Wow lang.

"Wala. Hindi ako mahilig manood."

"Cheap."

"Ay, nakakahiya naman po sa inyo."

I sarcastically said and he just replied with a grin.

Mabuti na lang talaga at maayos na ang pakiramdam ko. Baka lalong maubos ang energy ko sa isang 'to.

"P'wede ka nang umuwi, Nick. Okay na ako." nilingon niya ako dahil sa sinabi ko.

"Uhuh, hindi pa. Baka mamaya hindi ka na naman kumain. Just for today, ako muna ang doctor at ikaw muna ang pasaway kong pasyente."

"Hindi dapat feel at home ang mga doctor, Nick."

"No. Hindi sila dapat nagsusungit. Just like me. Hindi ako masungit hindi katulad noong iba d'yan."

Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Ang kapal talaga nitong si Nick! Nagsisisi akong nakipagkaibigan ako sa lalaking 'to!

"Ako ba ang pinaparinggan mo?"

"Woah! Chill!" natatawang sabi niya. "Huwag mong saluhin ang balang hindi naman para sa iyo."

Pakiramdam ko'y pinamulhan ako sa labis na kahihiyan. Damn this guy! Masyadong maraming alam!

"Umalis ka na nga! Sumasakit lalo ang ulo ko sa'yo."

Nagbago ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. Bigla itong sumeryoso at umayos ng pagkakaupo.

"Your headache has nothing to do with my presence, my patient. Your bad habit does." seryosong turan niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. "Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga. Don't worry, hindi ako magnanakaw. Mas mahal pa ang mga gamit ko sa condo kaysa mga gamit mo rito."

His lips automatically formed a grin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay natalo ako nang bigla akong tumayo at nagtungo sa aking kwarto.

And what surprise me is my thumping heart.

Damn.

--

Nagising ako na magaan ang pakiramdam. I think I got enough rest. Hindi na rin kasi masakit ang ulo ko.

Bumangon na ako at pagtingin ko sa bintana ay madilim na. Agad kong tinignan ang oras sa phone ko at laking gulat ko nang makita kung anong oras na. What the hell? I slept that long?!

Bigla kong naalala si Nick. Nandoon pa rin kaya sa baba ang walang hiyang 'yon?

To answer my damn question, I went out of my bed and walk towards the living room to see if he's still there. Napangisi ako nang makitang wala na siya roon. Malinis na rin ang living room at wala na ang mga supot ng pagkain na kinain namin kanina.

Hays! Finally! I'm at peace!

"Mabuti naman at gising ka na—"

"AY PALAKANG KAMUKHA NI NICK!"

Napasapo ako sa dibdib ko at lumingon kung saan nanggaling ang boses. Tumambad sa akin ang nakasando at naka-boxer shorts na si Nick.

What the fuck?!

"Grabe ha, sobrang ganda ng pagkakagulat mo. Talagang nabanggit mo pa ako." sarkastikong tugon niya.

"Anong ginagawa mo rito?" bago pa man siya makasagot ay naamoy ko na ang adobong manok. "Nagluto ka?"

"Yep. Wala kang stock na kahit ano sa ref na pwedeng lutuin aside from processed foods. So bumili ulit. Okay lang, hindi mo kailangang bayaran. You're welcome."

Nakangising tugon niya na inirapan ko na lamang.

"Hindi ko naman sinabing magluto ka."

"Ay, wow. Is that your way of saying thank you? Sige, payag."

Hindi ko na siya pinansin pa at nilagpasan ko na lamang siya. Nagtungo ako sa kitchen at bigla na lamang kumulo ang tiyan ko. Shit. Amoy pa lang masarap na!

I guess I should believe him that he's a good cook, though.

I went on the dining area. I can't help but to feel lonely. The table and chairs look empty. Hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling kumain o umupo rito dahil sa tuwing gagawin ko iyon ay naaalala ko lamang ang mga panahong masaya at magkakasama pa kaming lahat. Especially those moments that Alli and I had.

Napabuntong hininga ako.

"Lalim ng iniisip, huh."

Komento ni Nick at naglapag na ng kanin at ulam sa mesa. Mas lalo ko itong naamoy kaya mas lalong nagwala ang mga bulate ko sa tiyan. Ang sarap at ang bango talaga!

Nang maglapag na siya ng plato at kutsara ay agad akong sumandok ng pagkain. Hindi na ako nakapaghintay na matikman ito.

The moment I've tasted it, a wide smile formed in my lips.

"Ang sarap ng Chicken Adobo mo!"

Masayang tugon ko sa titig na titig na si Nick. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang kaya't ibinalik ko na lamang ang atensyon sa pagkain.

"I-I know right."

Nauutal na tugon niya at pagkatapos noon ay binalot na kami ng katahimikan. Tanging tunog ng kutsara at tinidor na bumabangga sa plato ang siyang namayani sa katahimikang bumalot sa amin.

I felt awkward kaya naman binasag ko na ito.

"P'wede ka nang mag-asawa, Nick." natatawang tugon ko. I looked at him and he's still busy eating.

"Wala 'yun sa isip ko." he said after swallowing the food inside his mouth.

"Bakit naman?"

"Masakit sa ulo ang pag-aasawa." natawa ako sa sagot niya. "Bakit ka natawa?"

"Wala lang. Hindi kasi halata sa'yo na ayaw mong mag-asawa." uminom ako ng tubig saglit bago nagsalita ulit. "Sino pala 'yung katawagan mo noong nasa elevator tayo? Ka-fling mo, ganu'n?"

Sumilay ang ngisi sa labi niya.

"Why are you asking, huh? Selos ka?"

Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko.

"Tinanong ko lang, selos agad? Ang hilig mo talagang mag-jump into conclusions 'no?"

Napailing-iling lang siya habang inaangat ang tingin sa akin. For a moment, I felt something inside me when our eyes met.

Damn? Bakit ba ganito ang epekto sa akin ng lalaking ito?

"You sounded like a jealous girlfriend, that's why." he bit his lower lip. "Okay lang naman sa akin kung gusto mong maging girlfriend ko."

Pagak akong natawa sa sinabi niya.

"Nagpunta ka ba rito para landiin ako, Mr. Nick Franklin Devion?"

He plastered a playful smile. "Paano kung oo?"

I got stunned but I immediately composed myself. Sana pala ay hindi na lang ako nagsalita. Ang pangit kausap ng lalaking 'to, masyadong malandi.

Nagpapasalamat ako dahil mapayapa kaming natapos ng pagkain kahit na kumakabog ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero sa tingin ko ay inis lamang ito.

Oo, naiinis lang ako kay Nick! Hindi ako kinikilig!

"Ako na ang maghuhugas ng plato. Salamat sa lahat at pupwede ka nang umalis."

Diretsong sabi ko kay Nick habang nakasandal sa ref at nakatingin sa kaniya na naglalagay ng pinagkainan sa lababo.

"Hmmm... Paano kung ayaw ko pa?"

"You have to. Sumasakit na ulit ang ulo ko, Nick. Please lang."

Napahilot pa ako sa sentido ko upang paniwalaan niya ako ngunit napaawang na lamang ang bibig ko nang marinig ang sinabi niya.

"Sus, Alys. Huwag mo kasi akong isipin masyado. Ako lang 'to."

"Mas makapal pa sa encyclopedia 'yang pagmumukha mo 'no? Ibang level na."

Natawa lang siya sa sinabi ko at agad siyang lumabas ng kusina. Sinundan ko siya para masigurong aalis na siya. Napangiti ako nang makitang inaayos na niya ang gamit niya. Sinuot niya na rin ang slacks at white long-sleeves polo niya.

When he's ready to go, he faced me.

"Tapos ka na bang panoorin ako?"

"Ang kapal talaga." I hissed. "Umalis ka na, Nickulugo."

His lips parted with what I said.

"Nice endearment huh."

"Endearment your ass."

Naglakad na siya patungo sa pinto habang natatawa. Baliw lang.

Nang makalabas na siya sa pinto ay agad akong nagtungo rito upang isara ngunit pinigilan niya ito.

"Umalis ka na!"

Kunot-noong saad ko ngunit natigilan lamang ako nang bigla niya akong kindatan.

"Bye Alysungit!"



And there, I was left dumbfounded. Still processing what just happened.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.2M 694K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...