TILL FATE DO US PART (Fate Se...

Oleh dreyaiiise

20K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... Lebih Banyak

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 9

400 70 11
Oleh dreyaiiise

-CLOSURE-

Nagpahatid kami ni Iza dito sa bahay namin. Nabanggit ko kasi sa kanya ang tungkol sa mga nagpapadala sa akin.

"Lori, ang ganda nang mga ito" sabi ko nga ba, binuksan na niya ang laman nang mga paper bag.

"Talaga ba? Mahal kaya yung mga ganyan?"

Wala naman kasi akong alam sa mga brand brand na yan, basta may maisuot.

"Oo gaga, tignan mo oh." tinignan ko naman ang mga ito.

May limang longsleeve, apat na croptops mga pastel ang kulay. May tatlong ibat ibang klase ng pants, ripped jeans, plain na kulay black, tapos ung isa may mga parang kadena sa may bulsa. Ang cool naman. May anim na skirt, tatlong below the knee at tatlong above the knee.

"Ang dami naman nito, pero infairness style ko lahat ah" simple lang naman ang gusto ko.

Minsan girly, minsan hindi. Puro pants at shorts ang sinusuot ko kapag umaalis madalang lang and dress. Wala naman kasi akong skirt pero ngayon parang magsusuot na ako nito.

"Etong skirt, isuot mo sa next nating meeting sa research. Ganda nang kulay ih"

Si Iza kasi puro dresses and shorts sinusuot niya, madalang lang ang pants if needed talaga.

"Oo sure. Excited na ako" ganun talaga kapag may bagong damit, exciting.

"Ang tanong te, kanino galing ito?"

"Yun lang. Hindi ko din alam" nagkibit-balikat ako.

"Lori, look!" iniabot niya sa akin ang isang papel. "Your name was written there, I think that's for you talaga"

Tinignan ko ito. May nakasulat na 'For my lovely, Faustina'

"It's kinda weird. Pangatlo na ito, Iza" nakangiwi kong tugon.

"Weird talaga! Padalhan ka pa naman nang mga mamahalin na damit or ano pang everyday needs mo! Wala naman ganyang manliligaw hindi ba" sambit niya na para bang alam niya kung sinong posibleng nagpapadala nang mga ito.

"Sino ba yang nasa isip mo?" diretso kong tanong.

"Sino pa ba? Edi si Joaquin! Malay ba natin kung ginagawa niya iyan para mapatawad mo siya" hindi naman ako naniniwala na gagawin ito ni Joaquin. Pero posible kaya?

"Nagchachat pa ba siya sayo?" I asked.

"Yep! Why? Makikipag-usap kana ba?" pagiintriga niya.

"I don't know. Gusto ko lang sanang tanungin kung sakanya galing ito"

"Maiaadvice ko sayo, talk to him. Give him a closure! Para hindi na kayo masaktan"

Napaisip ako sa sinabi ni Iza.

"By the way, wala pa pala tayong GC sa Research natin" si Iza.

"Ah oonga. Gumawa ka na lang para doon pagusapan ang next meetings"

"Sige" kinalikot na niya ang phone niya. "Ang kaso hindi ko friend sina Gab at Vaughn"

Kunot-noo ko siyang tinignan "Why?"

"Anong 'why' ka dyan, malamang hindi nila ako inadd. Duh"

"Sige ako nalang ang maglalagay sa kanila"

Binigyan niya ako nang mapang-asar na tingin.

"Ano ulit yun? Ikaw maglalagay, it means friend mo sila?"

"Oo! Anong mali dun?"

"Wala gaga. Siguro inadd mo. Alam ko naman na may gusto ka kay Vaughn!"

Kinurot niya ang bewang ko.

"Gaga! Sila kaya ang nag-add. Kasalanan ko ba yun. Eh ikaw nga friend mo na pala si Caleb hindi mo man lang sinasabi" inilipat ko sakanya ang sisi.

"Malamang crush ko yun!" inirapan niya ako. "Add mona, now na!" pag-uutos niya.

Isinali ko na sa grupo ang tatlo.

Nang gumabi na ay umuwi na siya sa tabing bahay namin.

Wala si Mama nang umuwi ako baka pauwi palang siya nyan. May inaasikaso raw sila ni Kuya Herron about work daw.

Pumasok na ako sa kwarto ko.

Hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Kapag talaga playboy maraming alam sa pagpapakilig nang babae. Gwapo naman si Gab kaso baka hindi seryoso.

Si Vaughn naman, okay naman siya. Sa tuwing nakakasama ko siya ay pinapakita niya na may care siya for me. Ayaw niya nga sa umiiyak na babae. Ang cute niya.

Pero hindi ko siya crush. Kung si Gab pwede pa pero si Vaughn....ewan. Basta wala naman akong gusto sa dalawang yan.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi muna ako maiinlove!!! Iiwas muna ako sa mga lalaking mapanakit.

Nakatulog na ako. Hindi ko na inisip ang bagay na bumabagabag sa akin.
.
.
.
.
KINABUKASAN
Nagising ako sa mga katok ni Mama. Oo nga pala magsisimba kami.

"Anak, magbihis ka na at aalis na tayo maya-maya."

Sumunod ako kay Mama. Mabilisan akong naligo.

Nagsuot lang ako nang simpleng black pants na tinernuhan kong pink shirt. Peach color naman ang rubber shoes ko.

Kumain muna kami nang almusal bago umalis.

Sinubukan naming isama si Kuya Herron sa pagsimba, ngunit kahit Sunday ay busy siya. May bago raw kasi silang project.

Umalis na kami ni Mama. Pumunta na kami sa Simbahan ng Basilica of Our Lady of Peñafrancia, kilala din bilang Minor Basilica of the Our Lady of Peñafrancia.

Hindi kasi ito ganoong kalaki ngunit dinarayo ito dito sa Camarines Sur. Maganda ang simbahan dahil sa kulay puti nitong pintura. Base sa research ko ay 1892 ito natapos.

"Ang ganda nito, anak ano?"

Naghanap kami ni Mama nang mauupuan, konti pa lang kami kaya sa harap kami umupo ni Mama.

"Dito kami nagkakilala ni Papa mo. Nagsimula yun nang mahulog niya ang sampaguita na pinabili sakanya nang Nanay niya, pinulot ko naman. Kaya nagpasalamat siya sakin" humarap sa akin si Mama habang ako ay nakakapit ako sa braso niya.

"Simula noon ay naging magkaibigan kami. Lagi na kaming sabay magsimba rito, umabot iyon nang Siyam na taon, anak." natutuwang sinabi ni Mama.

"Ang ganda naman pala nang pagkakilala niyo, Mama. Pareho kayong devoted kay Lord" mangha kong tugon.

"Oo naman anak. Alam mo ba na almost 10 years kaming magkakaibigan doon palang niya naisipang manligaw. Ilang buwan lang siyang nanligaw dahil hindi ko na siya pinahirapan pa, sinagot ko siya dito sa harapan nang simbahan. Alam ko naman na ang ugali niya at kilalang-kilala ko na ang buong pagkatao niya"

Sa bawat detalyeng sinasabi ni Mama, unti-unti ko nang nalalaman ang sagot sa mga tanong nang aking puso. Na para bang bawat salita na binanggit niya ay makabuluhan.

Hindi pa naman nag-uumpisa ang Misa dahil maaga pa. Alas nuebe pa ang Misa, alas otso y media palang.

"Dalawang taon ang naging relasyon namin nang Papa mo bilang mag-nobyo at mag-nobya, bago sirain ni Benjamin ang pagsasama namin. Sina Mommy at Daddy naman ay boto sakanya. Yun na ang panahon na dinala nila ako sa US."

Sa simbahang ito, dito sila nagsimula. May memories din pala sila dito.

Huminga ng malalim si Mama. " Saksi ang simbahang ito sa pagmamahalan namin ni Faustino." tumingin pa siya sa itaas. "Dito kami nagsimula, at dito rin kami natapos"

Para sa akin ay wala nang mas sasakit pa sa kwento nina Lourina at Faustino. Ang kwento nang Mama at Papa ko. Sila ang tunay na pinaglaruan ng tadhana, hindi sumang-ayon ang kapalaran nila.

Nagsimula na ang Misa.

Bago matapos ang Misa, hindi ko mapigilang hindi mapaisip sa Verse na iniwan sa amin ni Father.

Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest' (Matthew 11:28).

Oo nga. Bakit hindi ka pumunta sa Diyos para maalis niya ang burden mo. Bibigyan ka nya nang pahinga at pag-asa buhay.

Isa sa burden ko ang relasyon namin ni Joaquin.

Sabi nga ni Father, huwag kang magtanim ng galit sa iyong puso. Matuto kang magpatawad sa mga nagkasala sa iyo. Dahil ang Diyos pinatawad ka nang walang pagaalinlangan.

I just thought about Joaquin, bakit hindi ko nalang siya patawarin? Nakita ko naman sa kanya na pursigido siya para mapatawad ko lang. Everybody deserves a second chance.

Natapos na ang Misa. Kaya naisipan namin ni Mama na kumain sa labas. Sinubukan ulit naming icontact si Kuya Herron para kahit sa pagkain ay makasama namin siya. Kaso ay hindi ito sumagot.

Napagpasyahan namin na kumain sa Red Platter. Malapit lang ito mula sa Peñafrancia dahil sa Magsaysay avenue, Naga lang ito.

Nakahanap kaming dalawa ni Mama na table for two. Lumapit sa amin ang crew sabay bigay nang Menu.

Sinigang na Hipon, Red Platter Fried Rice, Calamares Fritos, Dalawang Buko Pandan Salad at Iced tea naman ang drinks namin.

Naghintay kami nang 30mins. Kaya nagkwentuhan kami.

"Mama, ready na po akong makipag-usap kay Joaquin. I'll give him the closure he wants, I want that also."

"Ganon ba? Talaga, Anak? Nako! Nakakatuwa naman dahil nakinig ka sa sermon kanina. Napalaki talaga kita nang maayos. Marunong ka nang umunawa" tuwang-tuwa si Mama. Habang hinahaplos niya ang pisngi ko.

Alam ni Mama ang bawat detalye sa buhay ko. My Mom is my first friend, best friend, and my forever friend. I can't hide anything to her.

"Ma! Nagmana lang ako sainyo. Napakabuti nyo pong tao, you're my role model. If the world had more people like you it would be a better place. You do make a difference Mom!"

"Eto naman, syempre! Sa akin ka din nagmana nang kagandahan diba?" nagtawanan kami. Hindi namalayan na dumating na ang pagkain.

Bago kumain ay nagdasal kami. Niyaya ko naman siyang mag-selfie. Masaya ang araw namin ngayon. It was a awesome Sunday.

I posted it in my IG. I captioned 'Mother: the most beautiful woman I know.

It was nice to spend my Sunday with my Mom. It feels so good.

"I love you, Mom " sambit ko habang naglalakad kami pauwi na sa bahay.

"I will always loved you too, my beautiful Lori!" hinalikan ako ni Mama sa noo. Then I hugged her tight.

Hindi ko naman patatapusin ang araw na ito hangga't hindi ko nakakausap si Joaquin.

I opened my Messenger. Marami siyang chats, puro pagso-sorry. I was about to reply to, pero bigla siyang nagchat.

Joaquin: Lori? Sa wakas nagseen ka! Makikipagkita ka na ba sa akin?
Faustina: Yeah, let's meet.
Joaquin: Okay, let's do that.
Faustina: ASAP, if possible.
Joaquin: Of course. See you.

Nagpunta ako sa napag-usapan naming lugar. Doon sa isang park dito. Hindi naman ako matagal naghintay dahil dumating rin siya kaagad.

"Lori, first of all. I'm so sor-" I cut him off.

"Stop apologizing, let's take a seat." pagpipigil ko sa kanya.

"First of all, kaya ako nakipag-meet sayo para sa 'CLOSURE' natin. Hindi ko na kasi kayang dalhin ang bigat nang nararamdaman ko. Alam mo ba Joaquin? Nakapag-move on na ako eh....kaso....kaso dumating ka nanaman..." pinipigilan ko ang mga luha ko sa pagbagsak.

"I know, Lori. Akala ko kasi ay babalik pa tayo sa dati. Hindi ako aware na dahil sa lust ay nawawala kana pala sa akin....I really love you." yumuko siya at napasabunot sa sarili.

"Hindi na sapat iyon, Joaquin. Mahal din kita pero nakakasawa na. Mahal kita pero hindi ko na kaya. Mahal kita pero.....ayoko na" sa bawat binibitawan kong salita ay unti-unti kong nararamdaman ang gaan sa pakiramdam.

For me, giving up doesn't always mean you're weak. Sometimes you're just strong enough to let it go. Kung pareho na kayong nasasaktan, learn to let go.

"I understand. Mahal mo ako pero hindi na yon sapat para balikan mo pa dahil tuluyan nang nawala ang tiwala mo. I will accept your decision. You will be always my first love, Lori" maluha-luha niyang sambit. "We're matured enough, so we can be friends, right?"

Tumango ako.

"Me too. You will always have a place in my heart as a friend"

Nagyakapan kami. "You don't have to leave, my friend" sinabi ko iyon saka kumalas sa pagkakayakap.

"Thank you for everything, Lori. I learned a lot from you. For the last time, I'm apologize for being a jerk boyfriend"

"You're forgiven!"

God! This feels so right. Thank you, Lord! For guiding me and for everything!

Napagdesisyunan namin na maging magkaibigan nalang. Hinatid niya ako sa bahay namin na may MGA ngiti sa labi namin.

"Joaquin, salamat sa paghatid. Salamat na din sa lahat!" pagpapasalamat ko nang makarating kami sa harapan nang bahay.

"You're always welcome, Lori."

Naalala ko ang mga gamit na pinapadala sa akin, baka lang naman galing ito sa kanya.

"Uhm, sa iyo ba galing ang mga gamit na natatanggap ko?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What do you mean?"

"Yung paper bags and boxes"

"Nope. I didn't send you anything. It's just my apologies, nothing more" nagkibit-balikat siya

"Ah sige. Umuwi kana. Thank you sa time!"

"Thank you din. Take care of yourself, Lori"

Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa loob nang bahay.

Tumambad naman sa akin si Mama na nakangiti.

"Ma, I did it!" tumakbo ako kay Mama para yakapin siya.

Sinalubong naman niya ako nang mahigpit na mahigpit na yakap.

"You did it! I'm so proud of you, my daughter!" tinapik tapik pa ni Mama ang likod ko.

I will never forget this day.

That my Mom took me to church, we ate together. We talked and laughed a lot together.

Specially, God taught me to forgive others.

*******************************************

A/N: Meron ba kayong galit o sama nang loob sa isang tao? I hope this chapter helps you to realize that God is good! Kung ikaw ay pinatawad niya. Magpatawad ka! Godbless mga mayonnaise.


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
781K 26.7K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
10.9K 1K 38
Bellariva Series #1 - (COMPLETED) Vienna Samonte is an amiable student who wants to achieve success in her life. She does believe that doing her best...
2M 78.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.