Tagpuan

De chaminayeo

887 132 29

"Siya ang panalangin ko." - Moira Dela Torre Ang buhay natin ay maraming tagpuan. May mga tagpuan na tayo lan... Mai multe

Tagpuan
Ikalawang Tagpuan
Ikatlong Tagpuan
Ikaapat na Tagpuan
Ikalimang Tagpuan
Ikaanim Na Tagpuan
Ikapitong Tagpuan
Ikawalong Tagpuan
Ikasiyam Na Tagpuan
Huling Tagpuan
Special Chapter

Unang Tagpuan

179 20 8
De chaminayeo

"Para kanino ka bumabangon?"

Natawa ako sa tanong ng isang partikular na adbertismo ng isang kilalang produktor ng kape.

Para kanino nga ba ako bumabangon?

Isang tanong lang 'yan ngunit napakahirap sagutin...

Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung para kanino at para saan nga ba ako bumabangon.

Ang bawat araw sa buhay ko ay punong-puno ng pagdududa, mga baka sakali, at paano kung. Maraming mga gusot, maraming mga tanong na hanggang ngayon ay hindi maayos-ayos at hindi masagot-sagot.

My profession is nonsense because of my worthless life. I'm a doctor, I'm supposed to heal and save lives.

But why can't I save mine?

Why can't I help myself to get up out of my bed and sail against the wild waves of the seas of doubts?

Bakit hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tumayo sa sarili kong mga paa at suungin ang unos sa buhay ko?

I'm a doctor. With helpless and hopeless helping hands. I'm a doctor, a voiceless and soulless one.

Araw-araw na lang akong nakakaramdam ng ganito. Kakulangan at kalungkutan na kahit kailan ay hindi magagawang punan ng kasiyahan.

Pero kailan nga ba ako naging masaya? Kung puro kapalpakan naman ang nagagawa ko?

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang telepono ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Alright. It's time get up and get ready for a new pallid day. Walang bago, walang kulay, walang buhay.

Bumangon na ako mula sa kama ko at nagtungo sa banyo upang simulan na ang panibagong araw.

--

"Good morning, Dr. Alys."

Pambungad na bati sa akin ni Dra. Sunny. Tipid akong tumango at ngumiti sa kaniya at nagtungo na sa table ko.

Ang pamilya niya nga pala ang nagmamay-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan ko.

"Ngumiti ka naman kahit minsan lang, oh." nakangiting sabi niya. "Sayang ang ganda na'tin, Dr. Alys."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at inilapag na ang gamit ko sa table. Ganiyan naman siya lagi. Palagi niya akong papaalalahanan na ngumiti dahil sayang daw ang ganda ko.

As if namang may dahilan ako para ngumiti.

Well, mayroon naman. Kapag humaharap ako sa pasiyente ko, kapag kinakausap ko ang mga pasiyente ko, kailangan kong ngumiti para mabigyan sila ng pag-asa kahit na alam kong hindi sapat ang ngiti at kakayahan kong iligtas sila.

"Birthday ko nga pala next week, Dra. Alys. Baka naman gusto mong sumama. You know, party party." paanyaya niya.

"I'm not into parties, Dra."

"Sunny na lang." she insisted. Ngumiti na lang ako. "Ano ka ba naman. 25 ka na kaya! Hindi ka na bata. Get yourself involved in parties. Just control yourself."

"Parties aren't for me, Sunny. Masyado akong tamad para gawin ang bagay na iyon."

"Hays." She sighed in defeat. "It's your call. Basta, I invited you, ha. Kung sakaling magbago ang isip mo, you know where to go."

Ngumiti ulit siya sa akin at lumabas na ng office namin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Party?

Para sa akin, mga tangang tao lang ang pumupunta roon. Magsasaya, magpapakalasing, tapos makakagawa ng mga bagay na pinagsisisihan kapag nahimasmasan na. Nag-aksaya ka lang ng oras at lakas. Pati dignidad, sinayang mo na.

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit maraming tao ang naaaliw sa ganoong klase ng selebrasyon. Minsan nga, kahit walang selebrasyon ay nagpa-party. Siguro ginagawa nila 'yun dahil gusto nilang makatakas mula sa sakit kahit saglit lang, o 'di kaya doon nila nararamdaman na buhay sila. Pero pagkatapos noon, balik pa rin naman sa dati, e. Babalik ka pa rin sa dati, sa reyalidad na magulo at walang katapusan na gulo.

Kaya ako, ayoko ng ganun. Ubos na ubos na nga ang lakas ko, tapos uubusin ko pa sa walang kwentang bagay.

Hindi na lang.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at tinignan na ang schedule ko for today. Today I have 14 cancer patients to inspect and check their status.

Muli na naman akong nagpakawala ng buntong hininga at mabibigat ang hakbang papalabas ng opisina ko. 14 patients are just few compared to the other patients that other doctors monitor. Mas marami ang hinahawakan nila dahil sa kagalingan nila...

Samantalang ako ay hirap na bigyan ng imo-monitor na pasyente dahil simula noong umapak ako sa hospital na ito ay wala akong naisalbang buhay kahit isa...

And that's what bothers me.

Tila isang memory card na nakasalpak sa utak ko na wala akong kwentang Doctor. Isa ito sa mga bagay na paulit-ulit akong sinasampal na ang propesyong ito ay hindi para sa akin... Hindi ako nababagay dito.

Ngunit anong magagawa ko? Sa haba ng mga taong iginugol ko sa pag-aaral ng kolehiyo para lamang makatapos ng ganitong uri ng propesyon, titigil na lamang ba ako? Tatlong taon pa lang naman ako. Tatlong taon pa lang na hindi nakakasalba ng buhay...kahit isa.

Pero araw-araw akong humihiling na sana, kahit isang pasiyente lamang, ay magawang isalba ng mga kamay ko. Kahit isang pasiyente lang ay magkaroon muli ng ikalawang pagkakataon na mabuhay at tumagal sa mundong ito.

Para kahit papaano, makagawa ako ng isang tama sa buong buhay ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago pindutin ang button ng elevator. Ilang segundo lamang ang lumipas at bumakas na ito. Bumungad naman sa akin ang isang lalaking may hawak na camera. Abala ito sa pagtingin ng mga litrato sa camera niya kaya't hindi niya napansin ang pagpasok ko sa loob. Kaming dalawa lamang ang naririto.

The sounds of clicking and shutters invaded the silence between us. Tumingin na lamang ako sa relo ko para alamin kung anong oras na. 9:35 am pa lang. 10 am pa naman ang schedule ko kay Patricia — unang pasyente ko sa araw na ito.

Hindi pa rin pala ako nag-aalmusal. Wait, let me rephrase that. Hindi pala ako nag-aalmusal lagi. I always leave my house with an empty stomach. Nakakatamad din naman kasing kumain dahil wala naman akong kasabay. I'm living alone but that's okay.

"Ang ganda 'no?"

Rinig kong sabi ng lalaki. Hindi ako tumingin sa kaniya, imposibleng ako ang kausap niya dahil hindi naman kami magkakilala at isa pa, he's asking me casually without even addressing my profession properly.

Friends at first ride, gano' n?

Hindi ako nag-sunog ng kilay sa mahabang panahon para gawing kaibigan ng sino lang. Lalo na ng lalaking kasama ko ngayon sa elevator na ito.

"Ang sungit pala ng mga doctor dito."

Lihim na napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Excuse me? Malay ko ba kung nagmo-monologue lang siya. Kung sinabi niya sanang "Doc, ang ganda 'no?" baka pansinin ko pa siya. Pero baka lang 'yun, hindi pa sure.

"Kaya walang tumatagal na pasiyente rito dahil sa mga masusungit na doctor, e."

I felt offended in his words. Ngunit hindi ako nagpatinag sa sinabi niya. Hinarap ko siya nang may pagmamataas.

"Ikaw pa lang ang magtatagal na pasiyente kung sakali. Gusto mo ba ng sample?"

Napangisi lang siya sa sinabi ko at umiling-iling. Baliw pala siya, e. Pagka-ganitong buryong-buryo na ako sa buhay ko ay 'wag siya basta-bastang magbibitaw ng mga salita.

"Butthurt ba?"

Natatawang tanong niya na inirapan ko na lamang. Hinarap ko na lang ang pinto ng elevator. Mas maganda pang pagmasdan ang buong elevator na ito kaysa pagmumukha niya.

Ngayon lang ako nainip sa elevator sa tanang buhay ko. Kung bakit ba naman kasi nai-stuck ako kasama ang mayabang na 'to! Nasa 5th floor pa lang kami pero kumukulo na ang dugo ko sa kaniya!

Panira ng araw.

Muli kaming binalot ng katahimikan sa loob ng limang minuto dahil bigla na lang may tumawag sa kaniya. Hindi naman ako nakikinig sa pinag-uusapan nila ng baby niya kuno. Nakakairita.

"Oh yes, baby. I'll come next week. See you there." kita ko sa peripheral vision ko ang pagngiti niya. "Hmmm? What do you want? A hug, kiss, or kiss sabay hug?"

What the heck? Kiss sabay hug? Why does it sound so disgusting?

"Oh, the latter one? Okay, baby. I will let you kiss sabay hug."

Saad niya sa pinakamalanding tono. Napairap na lang ako. Pupusta akong past time niya lang ang kausap niya at kinabukasan ay iba na naman ang tatawagin niyang baby.

Hays. Boys will be boys. Kaya ayaw kong mag-entertain ng mga manliligaw, e. Sa una lang naman kasi sila magaling. Sa una lang sila ma-effort. Kapag sinagot mo na, wala ng thrill. Hahanap na ulit ng iba. Ibang guguluhin at lolokohin.

Boys.

"Alright, baby. Talk na lang us later," ang conyo! "May nakikinig kasing Doctora rito. Ang sungit niya, baby. Siguro menopause na."

Napaawang na lang ako sa sinabi niya. What the hell! Ako? Menopause? Sa mukhang 'to? Hello! Nahiya naman sa akin ang lola niya! I'm just 25 years old. Never been kissed, never been touch and never had sexual intercourse tapos menopause? Hello talaga! Ang kapal ng nostrils ng lalaking 'to!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong harapin siya.

"Excuse me?"

Lumawak ang ngiti niya at hinarap din ako.

"Bakit, Doctora Sungit?"

"Menopause is the stage in woman's life where she stops menstruating and that usually occurs between the ages of 45 to 55 years old. For heaven's sake, I'm just a 25 year-old woman. Dinudugo pa rin ako buwan-buwan." naiinis na sabi ko sa kaniya. "And don't you dare call me Dra. Sungit, may pangalan ako."

Inalis niya ang telepono sa tainga niya tsaka siya bumulalas ng tawa. Mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Oh my goodness!" natatawang usal niya, "Why are you explaining? I'm not asking you to do that but thank you."

Naiiling na sabi niya habang nakangiti na pang-aso. Yeah, he resembles a dog. A bulldog one.

"Salamat din pala sa pakikinig. Nice listening skill, Doctora Alys."

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas na ang mayabang na bulldog.

Bago pa tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay humarap ito sa akin at kumindat.

Para akong kinidlatan ng makita ko ang ginawa niya. Tila nanghina rin ang mga tuhod ko nang maiwan akong mag-isa sa loob ng elevator.

What the hell is that?

--

"You look new today, Doctora. Hindi ka nakangiti." napapitlag ako sa sinabi ni Patricia.

"Oh," mahinang tugon ko. "I'm sorry."

"May nangyari po ba, doc?" tanong ng Mama niyang si Flora. Umiling lamang ako at ngumiti.

"No. I just feel a little bit dizzy."

Pagsisinungaling ko at lumapit na kay Patricia para kunin ang vitals niya. Mga assigned nurse naman talaga dapat ang gumagawa nito pero mas gusto kong ako ang gumagawa para masubaybayan ko nang maayos ang mga pasiyente ko.

Para kahit papaano, sa ganitong paraan ay makagawa ako ng tama.

"Wala ka pa rin bang boyfriend, doctora?"

Napailing naman ako sa tanong ni Patricia. She's always asking me this question. Araw-araw, walang palya. Palibhasa kasi ay may boyfriend siya sa edad na 23.

"Bakit wala pa rin? 1 year na ako bukas dito tapos wala ka pa ring boyfriend." pangungutya niya. Tipid na lamang akong napangiti. "Wala bang nanliligaw sa'yo, doctora?"

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ng mama niya.

"Ikaw talaga Isha! Palagi mo na lang inaasar si Doc Alys! Ang bait-bait na nga niya sa'yo, e." natawa lang si Patricia sa sinabi ng Mama niya.

Tahimik lang akong nagche-check ng vitals niya. Sa lahat ng pasiyenteng hawak ko, si Patricia lang ang nakakapang-asar sa akin. Siya rin ang pinakamasayahin sa lahat kaya malakas ang loob ko na gagaling siya, na madudugtungan ko ang buhay niya kahit na araw-araw ay pahina siya nang pahina.

"E, bakit ba Mama? Gusto ko na kasi magka-boyfriend si Doc Alys para makita ko siyang masaya bago man lang ako mawala!"

Pabiro ngunit may bahid ng kalungkutang sabi niya. Bigla naman akong napatitig sa kaniya habang lumulukso ang puso ko sa kaba.

"Patricia, masaya naman ako ah!" saway ko sa kaniya. "Tsaka gagaling ka, Pat. Gagaling ka. Madudugtungan natin ang buhay mo."

I gave her a reassuring smile but she just shook her head slowly. A fainting smile formed in her lips. Dumoble ang kabang nararamdaman ko.

"We all know that my life clock's ticking doctora."

Umiling ako sa sinabi niya. Namamanhid ang mga kamay ko. I can't stand seeing her like this.

"Please, Pat, lumaban ka. Lumaban ka at sasamahan kita."

Nginitian ko siya sa kabila ng panghihinang nararamdaman ko. She just smiled back but it was a fake one.

"Thank you, doctora. I know it's your job to save dying people like me. But we don't really hold our time. Hindi ako, ikaw o ibang tao ang may hawak ng buhay ko. Ang Diyos lamang ang siyang nakakaalam ng lahat."

Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Maging ang nanay niyang si Flora ay napaiwas nang tingin at nagpahid ng luha dahil sa mga sinasabi ng anak niya.

I hate to see her like this. Hindi siya ganito...

"I know, Pat. Pero kailangan mong mabuhay. Kailangan mong magpatuloy dahil may maiiwan ka!" matigas na sabi ko sa kaniya. "You still have your family, your boyfriend and your friends. Kaya lumaban ka, Patricia. Lumaban ka. Dahil hindi ka nag-iisa. You still have reasons to fight for the life you deserve."

"Una pa lang, tanggap na ng pamilya ko na bilang na lamang ang oras ko rito sa mundo. Hindi na ako makakapag-anak, doctora. Hindi na ako makakabuo ng sariling pamilya. Tanggap na rin ni Bryan ang bagay na 'yon."

Nanghina ako nang makita ang tumakas na luha mula sa mga mata niya.

"Lumalaban naman ako, doc, e. Lumalaban ako. Pero kasalanan ko bang hindi na kinakaya ng katawan ko? Na nararamdaman ko na malapit na ang oras ko? Na sa tuwing matutulog ako, hinihiling ko na sana bigyan pa ako nang kaunting pagkakataon dahil gusto ko pang makasama sina Mama, Papa, pati si Bryan. Ikaw, gusto pa kita makasama. Gusto kong ako ang maging kauna-unahang pasyente mo na nailigtas mo, Doctora."

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at ginagap ang mga kamay niya upang hawakan ito.

"You might have not told me how you feel everyday, but I can see it in your eyes, Doc. Alys. Pagod ka na rin. Napapagod ka na rin dahil hanggang ngayon ay wala ka pang naiiligtas na buhay at hindi mo magawang dugtungan ang buhay naming mga bilang na lamang ang oras dito sa mundo. That's why I wanted to make you happy, Doctora. Gusto ko pang mabuhay dahil gusto kong makita kang masaya. Gusto kong magkaroon ng buhay ang mga mata mo at maging totoo ang mga ngiting ipinapakita mo sa akin, sa amin. I wanted to live longer so you don't have to wear your mask anymore."

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. I didn't know that there is someone who wants to live longer because of me, that there's someone who sees the emptiness in my eyes.

And I didn't expect it to be her, a dying patient with a good heart.

"But just like what I've said, doc, hindi ako, ikaw o ang ibang tao ang may hawak ng buhay ko. Kung oras ko na, oras ko na. Wala na tayong magagawa roon."

Binalot kami ng katahimikan dahil sa huling sinabi niya. Nang kumalma na ako ay pinunasan ko na ang basang pisngi ko. Umagang-umaga pero heto ako, umiiyak at nadudurog ang puso.

But my heart hurts more when a thought suddenly came up to my mind.

Palaging mayroong dalawang uri ng tao. Isang tao na gustong manatili sa mundong ito kahit na limitado ang oras nila at isang taong gusto nang magpahinga kahit na mahaba pa ang oras nila at may pagkakataon pa silang gawin ang mga bagay na ninanais nila.

Patricia is the first one while I'm the latter.

She badly wants to live longer because she still have reasons to live.

But in my case, I have no reasons to live longer aside from being a heroine.

Okay lang naman sanang maging dahilan ang pagligtas sa mga taong nangangailangan. Pero sa kaso ko na wala pang naililigtas ni isang pasiyente, malabo.

I always fail to save everything. Failed to save my family, my patients and my own self.

The irony of my life is still living inside me. And no matter how hard I try to convince myself that there is a perfect time for everything, I just can't make myself believe.

Kailan ang tamang panahon para sa akin? Kapag isang libong pasiyente na ang hindi ko nailigtas? Kapag isang daang tao na ang hindi ko nadugtungan ang buhay?

Minsan nga naiisip ko, baka ako talaga ang totoong may sakit na cancer. Because there's something inside me that's slowly killing me everyday, making me hard to get up and keep going.

Kaya hindi ako naniniwala na mahirap kalaban ang mga taong makapangyarihan, mga taong kilala sa iba't ibang larangan, o mga opisyales. Dahil ang pinakamahirap na kalaban ay ang sarili natin at ang mga pag-iisip nating unti-unting nilalason ang sistema ng ating katawan.

"Doc, it's already 10:45 am. Wala ka bang next na i-che-check?"

Untag sa akin ni Pat. Napatingin naman ako sa relo ko at tama nga siya, 10:45 na. Sa pagkakaalam ko ay si Abby naman ang sunod kong pasiyente.

"Oh, I'm sorry."

Inayos ko na ang coat ko at ngumiti kay Pat. Ngumiti rin siya pabalik.

"I'll see you tomorrow, Pat."

"See you too, Doc." sumilay ang ngisi sa labi niya. "Bryan will be here tomorrow. Magdala ka rin ng boyfriend mo para hindi ka mainggit sa amin."

"Silly."

Tanging naisagot ko na lamang sa kaniya at lumabas na ng kwarto niya.

I heaved a sigh and walked heavily towards to my next patient's room. Sana lamang ay hindi ako muling lumuha.

--

Natapos ang madugong araw ko. Ganu'n pa rin. My 14 patients' lives are at stake. Parang araw-araw ay palubha nang palubha ang kalagayan nila.

Araw-araw ko naman silang binibisita. Walang palya ang pag-inspect ko sa kanila. They are also taking their meds regularly and strictly. Pero bakit gano'n? Bakit hindi man lamang sila gumagaling?

Dahil ba sa akin kaya gano'n?

Dahil ba sa mga kamay kong walang kakayahang makapagligtas ng buhay ng iba?

Ano bang mayroon sa mga kamay ko? Bakit ganito sila? Hindi man lang nabiyayaan ng kapangyarihang makapagpagaling ng isang tao. Hindi man lamang ako pinagpala.

"Alys, baka naman matunaw na 'yung kamay mo niyan."

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Sunny. Ibinaba ko ang mga kamay ko at marahang umiling. Nakatitig na pala ako sa mga kamay ko nang hindi ko namamalayan.

"Alys, it's okay to be an open book sometimes. 'Wag mong sarilihin ang mga bagay na dapat ay inilalabas."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. She was just staring at me blankly, far from the usual expression she always has.

"It has been three years, Alys. You should not lock yourself in a room of darkness. You need to help yourself to get out in that room. Sumigaw kung kailangan ng tulong, sumigaw para marinig ka ng iba. Dahil hindi ka matutulungan kung mananatili kang tahimik."

Para akong sinaksak ng mga salitang binitawan niya. Wala pa nga akong sinasabing kahit ano sa kaniya ngunit natamaan na agad ako.

"People tend to think that they are alone just because no one is lending an ear to them." iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. "But the question is, are they really alone? Or is it them who distance themselves to anyone?"

Muli na naman akong tinamaan sa sinabi niya. I didn't expect that Sunny has this kind of side. A side that she rarely expose.

"Walang taong nag-iisa, Alys. Kung nag-iisa man sila, pinili nila 'yon. Pinili nilang maging mapag-isa sa isang sulok at parusahan ang sarili nila sa mga bagay na dapat ay pinapakawalan na nila."

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa pwesto ni Sunny. Kanina pa siya nakaalis at hindi na nagpaalam sa akin. Parang napako ang mga paa ko ng mga salitang binitawan niya.

She's right. But still, I can't convince myself.

Kung iniisip niya na kailangan ko ng tulong, nagkakamali siya. Ayaw ko ng tulong.

Dahil ayokong magkaroon ng utang na loob.

Nagsimula na akong magligpit ng gamit ko nang makabalik na ako sa katinuan. Mabilis na rin akong nagtungo sa kotse ko para pumunta sa paborito kong lugar. Ngunit bago ako makarating doon ay nag-stop over muna ako sa isang convenience store para bumili ng makakain.

Itinigil ko na ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada at kinuha ang pinamili ko bago lumabas ng kotse. Pagkalabas ko ay niyapos ako ng malamig na hangin. Hindi naman ako nilamig dahil suot ko pa rin ang lab coat ko.

Iginala ko ang paningin ko sa kalangitan at napangiti ako nang masilayan ang kaliwanagan ng buwan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumakay sa likod ng Toyota Hilux ko. Alam kong mumurahin lang itong kotse ko pero ito talaga ang dream car ko simula pa noong bata pa ako. That's why I worked hard to buy this. Kahit nanggaling ako sa mayamang pamilya ay hindi ko ginamit ang pera namin para bilhin ito.

Because I still believe that things will have a special value when you worked hard to have it.

Masarap sa pakiramdam kung ang mga bagay na ginagamit mo ay galing sa sariling pawis at dugo mo.

Nakatingala lamang ako sa kalangitan, pinagmamasdan ang buwan habang kumakain ng isang hotdog sandwich. Sanay na ang katawan ko sa kaunting pagkain. Kumakain lang ako nang marami kapag trip ko lang o 'di kaya kapag ipinagluluto ako ni Sunny.

Minsan na kasi akong nag-collapse sa opisina namin at doon niya nalamang hindi ako kumakain nang maayos. Kaya sa tuwing ipinagluluto niya ang fiancée niyang si Dion ay idinadamay niya na rin ako.

Sunny is a nice woman. Bagay sa kaniya ang pangalan niya dahil maihahalintulad siya sa magandang umaga na punong-puno ng pag-asa.

I hope I can reflect the sunshine too. Para naman magkaroon ng liwanag at pag-asa sa buhay ang mga pasiyente ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang bigla kong maalala ang mga sinabi sa akin ni Sunny kanina.

She's damn right but my ego can't take her words.

I care for my pride so much dahil ito na lang ang mayroon ako. Titulo ng pagiging doctor na lang ang naiwan sa akin, ito na lamang ang maipagmamalaki ko.

Kahit na alam ko na naman sa sarili ko na walang kwenta ang natapos kong propesyon kung hindi ko naman nagagawang pangatawanan ang pagiging isang Doctor.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at tinapos ang pagkain ko bago napagpasiyahang umuwi.

Kahit pala sa paborito kong tambayan ako magpunta, hindi ko pa rin pala maiwanan ang mga bagahe ko. Nakakapit na sila sa mga kamay ko at hinding-hindi ko na sila mabibitawan pa kahit saan man ako magpunta.

--

"Good morning, Patri—."

Agad na napalitan ang ngiti ko ng pagkagulat nang makita kong may ibang tao sa silid ni Patricia. Lumawak ang ngiti niya sa akin at ako naman ay napailing-iling.

"Good morning, Doctora Alys." she smirked. "Nasaan na ang boyfriend mo?"

"Wala pa, hindi pa dumadating."

Lumapit na ako sa kaniya at umalis ang boyfriend niyang si Bryan sa hospital bed.

"Sabi ko naman sa'yo, doctora, bibisita rito ang boyfriend ko, e."

Napailing-iling ako sa sinabi niya at kinuha ang Blood Pressure Kit ko at chineck ang BP niya.

"Baby, kiss me. Inggitin natin si Doctora."

Pang-aasar niya sa akin ngunit sinuway lang siya ng boyfriend niya.

"Shhh, Patricia. Ganiyan ka ba talaga kay Doctora?"

Natawa ako nang mahina sa sinabi ni Bryan.

"Oh my gosh!"

Napatingin ako kay Patricia at nagulat ako nang makitang nakaawang ang bibig niya habang nakatitig sa akin.

"Why, Pat? Is there something wrong?"

"You chuckled, doctora?"

"Hmm, yea, why?"

Nagtatakang tanong ko sa kaniya pero mas lalo akong nagtaka nang yakapin niya ako.

"OMG! OMG! YOU CHUCKLED!"

Halos masakal ako sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw hindi dahil sa higpit ng hawak niya kun'di dahil sa reaksyon niya nang marinig ang pagtawa ko.

"Baby, hey!"

Binitawan niya lamang ako nang marinig ang saway ni Bryan. Pero hindi niya hinarap ang nobyo niya. Sa akin lamang ito nakaharap at malawak ang ngiti.

Nahawa ako sa ngiting ipinakita niya sa akin kaya't napangiti na rin ako.

Sa kabila ng kaputlaan at kakaunting buhok ay nangibabaw ang pagningning ng mga mata niya.

"You chuckled, doctora! It was the first time I heard you chuckled. Ang saya-saya ko, doctora!"

May kung anong gaan sa puso ko ang siyang naramdaman ko nang sabihin niya iyon.

Kung para sa ibang tao, napakababaw lang ng mga sinabi niya, para sa akin hindi. Dahil ito ang unang beses na may natuwa sa simpleng bagay na ginawa ko.

Ito ang unang beses na nakita kong masaya ang pasiyente ko dahil sa mahinang pagtawa ko.

For three years, I tried my best to plaster a hopeful smile on my face. I tried my best to comfort my patients through my smile even if it's fake. I tried my best to lift their hopes up when deep inside I am hopeless.

And now I can't believe that after all those years, someone would be happy hearing my lightest chuckle.

I feel alive, somehow.

"Baby, masyado ka namang natutuwa. Ngayon lang ba nakatawa 'yang si Doctora."

Napaikot na lang ang mga mata ni Patricia at humarap sa nobyo niya. Ako naman ay nagpatuloy na sa ginagawa ko.

"Kainis ka. Ang ganda na ng moment namin ni doctora, e." Singhal niya. "And yes. Since I was admitted here and took over by her, ngayon ko pa lang siya narinig na tumawa. You don't know how lonely and empty her eyes were."

Para akong naestatwa dahil sa sinabi niya.

"Oh, my bad. Sorry na."

Her boyfriend sighed in defeat.

"Baby Bryan, wala ka bang friend or tropa na single? 'Yung pwede maging boyfriend ni Doctora Alys?"

"Hmmm."

Saglit na napatigil si Bryan. Ako naman ay napailing-iling lang. Si Patricia talaga, sobrang desperada na akong hanapan ng magiging nobyo.

"Wala, e."

"Ano ba 'yan. Tatandang dalaga na si Doctora niyan. Kailangan bago ako mamatay makita ko muna siyang masaya at may nag-aalaga sa kaniya. Kasi siya, hindi niya inaalagaan ang sarili niya e."

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano ka ba, Pat. Matagal ka pang mabubuhay. 'Wag kang magsalita ng ganyan."

Saway sa kaniya ni Bryan pero tinawanan niya lang ito.

"'Di mo sure."

"Hays, baby. Ang sakit mo sa ulo."

Bakas na ang pagkapikon ni Bryan sa mukha nito pero tinawanan pa rin siya ni Patricia. Nag-focus na tuloy si Bryan sa phone niya at hindi na pinansin si Patricia.

Tahimik lang akong tinatapos ang pag-iinspect sa kaniya habang siya naman ay tahimik lang din akong pinapanood.

"Doctora, when will be my last chemo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Bigla kong naalala na huling chemo na pala niya sa isang araw at kapag hindi ito umepekto sa kaniya at magiging bilang na lamang ang oras niya rito sa mundo. Bigla akong nalungkot.

"Sa i-isang araw, Pat."

Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti.

"Thank you, doctora."

"Why?"

Umiling lamang ito sa akin. Tinitigan ko siya ngunit siya ang unang nag-iwas ng tingin.

"Be strong, Pat. Kapag gumaling ka, promise magjojowa na ako kahit di ko kilala."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Love takes time, doctora. Hindi ito minamadali at nahahanap sa kung saan-saan lang."

"Eh, bakit pinagmamadali mo ako?"

Hindi niya ako hinarap, nakatingin lang siya nang diretso. Sinipat ko si Bryan pero abala pa rin ito sa pagse-cellphone.

"Actually, it's not the boyfriend that I want you to have. It's the happiness, doctora." marahang sabi niya. "I want you to be happy. Hindi ko sinasabing magiging masaya ka lang kapag nagkaroon ka ng karelasyon. But sometimes, our partners is the only one who can save us from losing our sanity. They are the ones who can fill the void inside us."

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Kung hindi mo kayang pasayahin ang sarili mo, humanap ka ng magpapasaya sa'yo. Kung hindi mo kayang buohin ang sarili mo, humanap ka ng taong bubuo sa'yo. At kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo, humanap ka ng taong mamahalin ka nang buong-buo."

Parang umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya. I didn't expect her to say these things. I can see and feel that she's really in love with her boyfriend.

"Ganiyan din ako noon, doctora. Ganiyan ako kalugmok noong malaman kong may sakit ako." Pagpapatuloy niya. "But he was there by my side. Hindi niya ako iniwan. Kahit ilang beses ko na siyang ipagtulakan dahil alam kong darating din ang araw na iiwan ko siya, hindi pa rin siya umalis. He stayed with me, doctora. At dahil doon, gusto ko pang mabuhay nang matagal. Gusto ko pang katagpuin siya sa altar, sa harap ng Diyos, kung saan kami mag-iisang dibdib."

Napalingon ako kay Bryan na ngayon ay nakatingin na rin kay Patricia habang nakangiti at nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.

"I want to have a happy ending with him. I want to spend my lifetime beside him. I want to grow older with him. Pero paano ko magagawa 'yun kung sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti akong nanghihina?"

Nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Napangiti siya nang mapakla. Hindi siya tumitingin sa amin. Diretso lang talaga ang tingin niya at nagsasalita na para bang siya lamang ang tao sa loob ng silid niya.

"I wish I could live more, doctora... Save me please."

Sa pagkakataong ito ay tumingin na siya sa akin at mas lalong nadurog ang puso ko.





I wish I could save you...

Continuă lectura

O să-ți placă și

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
27.2M 694K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
Chasing Hell (PUBLISHED) De KIB

Polițiste / Thriller

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!