SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 38 - Detective's Confession

1K 32 27
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2014 throbbingheart

throbbingheart says: Waa! Excited na akong mabasa nyo ito. Ngayong alam nyo na kung paano unang nagkita sina Justin at Dinelle, maniwala kayong mas mararamdaman nyo ang Case na ito. Mas maiintindihan nyo ang mga kilos ni Justin dito.

\( +//+) Picture on side :)

 

Dedicated to gryshoes. Sa kanya ang pinaka-mahabang comment the last time :) Saying all her emotions when reading SLY. She deserve an appreciation. She deserve this dedication. <3

 

Indulge everyone.

 

 

 

Case 38

Detective’s Confession

Dinelle's POV

"Lanya! Anong TP? Wag mo nang dagdagan ang pagka-bwisit ko."

Sinong niloko niya? Eh nabobosesan ko naman siya!

"Treasured Possession."

Ipis na treasured possession iyan!

"Suralvo, let's make that our endearment. Ito talaga ang dahilan ng pagtawag ko. Is it fine with you? Or you have a better suggestion?"

"Oh pleeeeaase! If your plan is to ruin my day, you succeeded already! I'll hang u--"

I heard his laughs. "I told Mitz yesterday that I am your possession. But you added the word 'treasured.' I just thought you like an endearment. What's wrong?"

I rolled my eyes. "Wala naman. Pero mula nang sinagot ko ang tawag mo.. everything went wrong."

Wrong timing kasi kung tumawag ang halimaw na ito. Ngayon pa niya napiling mang-asar kung kailan badtrip na ako sa pagchi-cheer up ni Crisostomo, sa pagmumukha ni Ayen at sa pagdating ni Kiel.

"May itatanong pala ako. Suralvo, kung bibigyan ka ng pagkakataon.. kukunin mo ba?"

"Talagang tuwang-tuwa ka ba pag inaasar mo ako?" seryosong tanong ko.

"No." pero naririnig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

"Ako naman ang magtatanong."

"Tungkol rin ba sa pagbibigay ng pagkakataon?"

"Gusto ko ng seryosong sagot! San mo nakuha ang number ko?!"

Ibababa ko talaga ito, marinig ko lang ang ipis na Destiny niya.

"I ramdomly pressed numbers and to my luck, it was you who answer."

"Oh wow. Nice press!" sarcastic na sabi ko at tuluyan nang tinapos ang tawag.

I sighed heavily and contained myself.

Naupo na uli si Crisostomo malapit sa akin. "Si Papa J?"

"Ikaw!" dinuro ko siya. "Binigay mo sa kanya ang number ko! Umamin ka!!"

Hinampas niya ang daliri ko. "Gaga! Ba't ko ibibigay sa kanya? Sa talambuhay ko handa akong ipamigay ang virginity ko kapalit nang hindi ko pagsasabi ng number mo! Remember, pinagbantaan mo akong papatayin mo ang mga ninuno ko at ang susunod ko pang henerasyon kung gagawin ko iyon?"

Sumandal ako sa upuan. Tumingin ako sa kaninang pwesto nina Kiel, pero wala na sila doon.

"Sina Papa K ba? Hinila niya si Ayen sa isang kwarto doon. Nagme-make out na sila ngayon. Busy ka kasi masyado kay Papa J, di na tuloy nakapagpaalam sa iyo si Papa K."

(O.O) Make out?

"Kaya ayon. Sa akin na lang nagpaalam. Pumayag naman ako." humahagikgik na dagdag pa ni Crisostomo.

(O_O) Nagpaalam na magme-make out?

"Wala pa kasing bagong project ngayon si Papa Kiel baby, kaya naman ginagamit niya muna ang sexiness niya para makakain sila ni A.M. ng tatlong beses sa isang araw. Nire-record niya ang pagme-make out nila tapos ibebenta niya raw."

(O_____O) Gagawing hanapbuhay ang pagme-make out?

"Nag-practice na nga siya noong nakaraang oblation run. Jumoin siya doon. Para ma-gather niya ang self-confidence niyang magpaka-nude sa harap ng iba."

 

(O_________________O) Si Kiel? Sa oblation run?

"Alam mo bang napanood ko siya? Grabe! Breath taking, Earth shattering, mouth watering at ground breaking! Nakaka-salivate ang beauty ng katawan niya. Siyang-siya noong Statue ng Oblation. Kiel-inispired yata iyon."

(O__________________O) Statue? Kamukha ni Kiel?

"Alam mo bang tinulungan ko siyang i-conquer ang fear niyang mag-show off ng lahat ng meron siya? Pumayag kasi siyang mag-picture kaming dalawa!! Nanditey lang iyon eh." bina-browse niya ang pictures sa phone niya.

"Di nga?" seryosong tanong ko.

"Joke lang Dindin. Andon lang si Papa K. There o! Natatakpan lang ng mga taong people."

(o.O) Baklang ipis na dumanas ng assasination!!

Nasipa ko ang inuupuan niya at natumba siya sa damuhan.

"Bakla!" pinandilatan ko siya at saka iniwan.

"Ay grabe! Nakaka-hurt ng feelings! Pinapamukha? Bakla pa more!"

ö~ö~ö~ö

Ayen's POV

"Bye!" kumaway ako sa mga staffs.

Binuksan ni Kiel ang pintuan ng kotse niya at pumasok naman ako. Half day lang ang shoot ngayon dahil pine-prepare ng manager ni Shane na si Rish ang setting para bukas kung kailan 24-hour shoot ang gagawin namin para sa Transparent Dream.

"Bye, Miss Ayen!" in chorus na sabi ng lima sa mga staffs na hinatid pa ako sa labasan.

Binuksan ko ng kaunti ang bintana para nakangiting kumaway uli sa kanila.

Nang paandarin na ni Kiel ang kotse, sumandal ako sa passenger seat at sinara na ang bintana.

Tinapon ko ang boquet ng rose na hawak ko sa upuan sa likod ng kotse niya.

Tiningnan ko si Kiel na kasalukuyang nagmamaneho na para bang wala siyang kasama.

I smirked. "Kuntento ka na sa ganoon?"

He smirked too, his eyes still on the road.

"Kung ikaw kuntento na, ako hindi pa."

"Then what do you want us to do?" he asked.

Imbes na sagutin ang tanong niya, pinihit ko ang manibelang hawak niya.

"What the hell are you doin'?!" sigaw niya.

Itinabi ko iyon. Napilitan naman siyang i-stop ang makina.

"Now, what?" inis na tiningnan niya ako.

I grabbed his face and kissed him.

Inilayo niya ako bigla. "Heck! What the heck, Ayen! What is this?!"

"I want to use you fully, Kiel. Dahil parang ikaw lang naman ang nakikinabang sa akin. Just let me make this game fair." I kissed him again.

Pero hindi pa man nagtatagal ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para ilayo uli ako.

"Is that it? You want me to kiss you back? Or you want more than that? I can do everything just to make this stupid relationship lasts." he started kissing me aggresively that I'm tasting my lips' blood.

"Kiel!!" inilalayo ko siya pero patuloy lang siya sa ginagawa. "Kiel please!" bumaba ang labi niya sa leeg ko. "Please no!"

I just wanted to have my revenge on him for using me on making his ex jealous. But why does it feel that whatever I do, it will all be an advantage for him?

"This is not the way I wanted it to be!!" sigaw ko, dahilan para matigilan siya.

Itinaas ko ang bumabang raffle strap ng suot kong dress.

"Oh. So how?" tanong niya sa nang-iinsultong boses.

"Hinalikan lang kita para ipamukha sa iyong ginagamit lang din kita!" napapikit ako at pinahid ang leeg ko ng sarili kong palad.

"I already knew you were using me. Kaya nga pumayag ka sa relasyong ito, right?" sagot niya sa tonong walang pakialam.

I grabbed the tissue box on his car and used it to wipe the blood on my lips.

"Kung kailangan mo ng maraming atensyon, makukuha mo iyon sa akin sa harap ng maraming tao. Pero ngayong tayo lang, pwede ba manahimik ka na lang?" ini-start niya na uli ang kotse.

"Paano kung sabihin ko sa iyong gusto ko na ng break up?"

Kiel laughs. "There's never us, Ayen. Why would you break me?"

"Then let's just finished this game." nilukot ko ang tissue na hawak ko.

"No. I'm not yet done using you."

That makes me laugh sarcastically. "At paano mo pa ako gagamitin, Kiel? Inamin na ng maldita mong ex-girlfriend sa lahat ng tao na sila na noong baliw na detective na iyon! Sige nga! Paano mo pa siya mapagseselos gamit ako?!"

Kaya lang naman ako pumayag sa relasyong ito ay gusto kong magdusa ang babaeng iyon. Gusto kong maramdaman niyang unti-unti ko nang inaaagaw ang lahat sa kanya. Ang lime light. Ang popularity. Ang atensyon ng mga tao. At ang ex-boyfriend niya! Because I despise her a lot!!

"I can still see her more often during taping. Sapat na sa akin na iyon lang muna ang pakinabang ko sa iyo."

Lalong uminit ang ulo ko sa narinig ko. Mas tumindi ang galit ko kay Dinelle.

"Fine! Let's continue faking everyone, Kiel. But I'm telling you, you'll regret this. Dahil gagawin kong impyerno ang buhay ng babaeng iyon gamit ka!"

"Kaya nga hindi pa tayo maghihiwalay, Ayen. Para maunahan kita sa paghihiganting gagawin mo. I won't let you hurt even just the tip of her hair." he looked and smiled at me.

I glared at him with my sharp eyes. "Let's see."

I'm going to win this stupid game! No matter what it takes.

Wala akong ititira sa babaeng iyon! Hindi niya mamamalayang wala na ang lahat sa kanya.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

Sumuot ako sa secret passage ng Harmony Academy.

Napangiti ako at isinuot na ang thick nerdy glasses ko. Shoulder level curly wig and a loose uniform completes my disguise.

Half-day shoot lang kami ngayong araw, kaya tamang-tama ito sa plano ko.

Plano kong linawin ang lahat ng tungkol sa interview kina Ailyn. At syempre, plano ko ring pagbayarin si Wanna Be.

Lumakad na ako at sine-sway-sway ko pa ang hawak kong paper bag. Nandito ang isang dress at shoes ko na ipasusuot ko kay Wanna Be ng isang linggo dahil binreak niya ang tatlong rules ko sa Ship.

It's payback time!

Haaah! Ito na ang panahon para sa palagian niyang pambu-bwisit sa akin.

Napahinto ako nang mapadaan sa gym. May naririnig kasi akong pagdi-dribble ng bola. Si Wanna Be na kaya iyon?

Lumawak ang ngiti ko.

Papasok na sana ako nang makita si Ailyn na papasok sa SC Office na malapit dito sa gym.

Napatingin ako sa gym. Makapaghihintay naman siguro ang surprise revenge ko.

Tumakbo ako para lumapit kay Ailyn. Nasa loob na siya ng SC Office at nakita kong mula sa bintana ay napatingin siya sa akin.

Nginitian ko siya pero parang hindi niya ako kilala nang umiwas siya ng tingin.

"Pres, ito na ang mga student proposals para sa mga Valentines' booths na gagawin nila." may babaeng pumasok na sa pagkakatanda ko ay siyang Vice President ng Student Council.

Tatlo pang officers ang pumasok at kumausap sa kanya kaya nagpasya akong dumiretso na lang muna sa classroom.

Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit parang may nangyaring hindi ko alam? Hindi lang ba ako nakilala ni Ailyn?

Baka nga..

Baka nga ganoon. Kasi naka-disguise siguro ako. Pero dati naman kahit anong isuot ko siya ang unang nakakakilalang ako ito.

Narating ko na ang locker room. Binuksan ko ang padlock noon at kinuha ang mga librong gagamitin ko para sa afternoon class.

"Pete." nakita ko siyang may kinukuha rin sa locker niya.

Ano kayang paghihimala ang meron sa araw na ito at walang Phia na nakadikit sa kanya?

Nginitian ako ni Pete.

"Si Phia?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya. Nang lumakad ako papunta sa room, sinabayan niya ako.

Bakit si Pete nakilala ako? Dahil ba tinawag ko siya? Dahil ba sa boses ko?

Nakatingin ako kay Pete na kasabay kong naglalakad. Lagi naman siyang tahimik pero bakit parang may iba?

Pinauna niya akong pumasok sa classroom. Pagdating sa pagiging gentleman, walang tatalo kay Pete. Kaya nga nasama siya sa Popular Eleven ay dahil sa ugali niyang iyan. Isa siya sa hearthrob ng school.

Silent Prince, that's what people called him.

Nakita kong nakaupo si Phia sa tabi ng bintana. Nakapangalumbaba sa arm chair at nakatanaw sa labas. Para bang may malalim siyang iniiisip. Bagong hobby niya ba ito?

Ibinaba ko ang mga librong hawak ko saka naupo na.

Nasa tabi ko nakaupo si Fai, pero hindi niya napansing nandito ako dahil kay Phia siya nakatingin.

"Din!!" pinalitan ni Ren ang pagka-hyper ni Fai.

Naupo siya sa upuan sa kanan ko. Doon nakaupo si Ailyn, pero dahil wala pa si siya, bakante pa iyon.

"Din!! Din, you're here!! You're really he--"

"Quit it, Ren!" putol ko sa pagka-OA niya.

"Tumira kasi iyan ng tatlong energy drink." sabi naman ng lumapit na si Jun.

"Din!" kapapasok lang ni Reyjan sa classroom. Yayakapin niya sana ako nang si Jun ang yumakap sa kanya.

"Psh." napangiti ako.

"Pre! May gusto ka ba sa'kin? Takte! Bakla ka?" seryoso at pagalit niyang tanong.

"Din." napatingin ako nang magsalita si Fai. Noon niya lang napansing katabi niya ako.

"Yeah, what? Papantayan mo ang pagka-OA ni Ren o ni Reyjan?" tanong ko.

Tumawa siya. Pero hindi kasing-lakas ng normal niyang tawa. "Masaya akong nandito ka."

Iyon na ang huling salitang sinabi niya sa akin buong klase. Nanatili namang bakante ang upuan ni Ailyn.

ö~ö~ö~ö

"Marami kasi siyang tinatapos, kaya hindi siya nakapasok ngayon." paliwanag ni Ren. Katatapos lang ng klase at kasama ko sila ni Jun naglalakad sa hallway.

Itinanong ko kasi kung bakit wala si Ailyn.

"Eh si Tim? Bakit wala rin siya?" sunod na tanong ko.

Napansin kong gaya ni Ailyn, bakante rin ang upuan niya kanina.

"Ah--" sasagot pa lang si Jun nang--

"Nagpapalaki siya ng abs kaya siya ABSent." si Reyjan ang sumagot. Sumabay siya sa paglalakad namin.

Inirapan ko naman siya.

"Mag-S Squared tayo mga pre!" masiglang suggestion ni Reyjan.

Ang S Squared o Double S, ay isang Shop na puno ng matatamis. Ang Sweet Sparkles. Pagmamay-ari iyon nina Fai. Doon kami madalas kapag uwian.

"Wow! Sige! Sige!" excited na pagsang-ayon ni Ren. Para bang bago lang sa kanya ang lugar na iyon.

(-.-)

Napailing na lang ako. "Dahil pabaliktad ang takbo ng mundo, payag ako."

"Call! Ako ang taya ngayon." si Jun naman ang nagsalita.

"Sabi na bakla ka eh. Ililibre mo ako? Siguro iniisip mong ito ang persdeyt natin no?" seryoso na namang tanong ni Reyjan.

Buong inis na tinadyakan ko ang binti niya.

"Awch!" napahinto at napahawak siya sa binti niya.

"Mauna na kayo." sina Jun at Ren ang hinarap ko. "Isasama ko si Reyjan, pupuntahan namin si Ailyn."

"Ha?" sabay-sabay na tanong nilang tatlo.

"Bakit?" takang tanong ko.

"W-Wala. Sige, mauuna na kami sa S Squared." si Jun ang nagsalita.

"O-Oo. Oorder na ako ng favorite kong strawberry frostings. Tara, Jun." hinila na ni Ren si Jun palayo sa amin ni Reyjan.

"Tara." lumiko ako sa kabilang hallway para marating ang SC Office.

"Busy si Ailyn. Wag na lang natin siyang puntahan." sinabayan ako ni Reyjan sa paglalakad.

"Shut up." inis na sagot ko.

"Marami siyang inaasikaso kasi malapit nang mag-February. Tayo-tayo na lang muna." sabi niya pa.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Sabi nang ang brilliant ng mga suggestions ko eh! Ano? Tara na sa S Squared?" napahinto rin si Reyjan.

"Tungkol sa nangyari sa Ship." pasimula ko. Ito rin ang gusto kong pag-usapan namin kaya pinauna ko na sina Ren.

"Naku! Wala kang dapat ipag-alala sa aming apat. Nag-enjoy nga kami. Feeling ko nga ako na ang magiging Number 10 sa Popular Eleven dito sa school." natawa pa siya. "Sa wakas at Goodbye Number 11 na ako. Goodbye poreber!"

"Reyj--"

"Din wag kang magi-guilty. Ayos naman kami eh. Na-tripan lang talaga naming manira ng gamit noong araw na iyon. Saka hindi naman kami nakulong. Pabor pa nga sa aking pinagkaguluhan ako ng mga reporters na babae. Ang hassle talagang maging gwapo."

Si Reyjan. Puno ng kalokohan ang buong pagkatao niya. Pero kahit pa ganyan siya kalala, may kakayahan siyang makapagpagaan ng loob ng tao. Napakalaki ng pakinabang niya lalo na sa mga miserableng sitwasyon.

"Alam mo bang noong nasa Police Station na kami, nag-alala talaga ako kasi naubusan na ako ng pose para sana sa mog shot. Kasi naman naipakita ko na lahat ng angles ko sa mga reporters na babae. Buti na lang hindi kami natuloy ikulong."

Lumakad na uli akong nauna. "Oh cut it out!" I know I'm smiling. Pansamantalang nawala lahat ng mga hindi magagandang naiiisip ko ngayong araw.

"Teka, Din! Aano ka?" pahabol na tanong ni Reyjan.

"Kay Ailyn." matipid na sagot ko.

Napahinto at nagulat na lang ako nang makitang nasa harapan ko na si Reyjan. "Wag na natin siyang abalahin."

"Aish!" umamba akong sisipain uli siya.

"Makokonsensiya lang si Ailyn. Kapag nakita tayo noon, makokonsensiya siya at sasama. Hindi niya matatapos lahat ng dapat niyang gawin as Student Council President."

Ibinaba ko ang paa ko at napabuntong-hininga na lang. May punto naman ang hunghang na ito.

"Alam mo? Kaunti na lang, iisipin ko nang pinaiiwas mo ako kay Ailyn eh."

Ngumiti si Reyjan. Ngiting-aso.

"Mula pa kaninang dumating ako, iniisip ko nang parang may mali. Na parang may problema. But I guess it's just me. Pagod lang siguro ako sa taping." ngumiti ako ng matipid. "Mauna ka na. Isasauli ko lang sa locker itong mga libro ko."

"Samahan na kita." kukunin niya sana ang mga yakap kong libro nang ilayo ko ito.

"Ako na. Hindi ko na nga pupuntahan si Ailyn."

Napakamot sa ulo si Reyjan. "Hihintayin kita sa gate." napilitan na siyang lumakad palayo.

Lumakad na ako papuntang locker room.

Palagi akong sinasamahan nina Reyjan. Lagi nilang sinisigurong hindi ako mag-isa para hindi ako pagkaguluhan ng mga tao. Ako lang itong palaging pinipilit na mapag-isa. Gusto ko kasing bawasan ang abalang nagagawa ko sa kanila.

Binuksan ko ang locker at muli akong napangiti nang makita doon ang paper bag na hawak ko kanina.

Ipinasok ko na ang mga librong hawak ko at kinuha iyon.

Idadaan ko lang ito sandali kay Wanna Be. Mahihintay naman siguro ako ni Reyjan.

ö~ö~ö~ö

Dali-dali na akong pumasok sa gym nang marinig na may nagdi-dribble na naman ng bola. Halimaw sa pagka-adik sa basketball.

Nawala ang mga ngiti ko. At halos mabitawan ko ang paper bag na hawak ko nang makita ko si Tim na mag-isang naglalaro ng basketball.

Ibig sabihin.. ibig sabihin may mali nga. May problema nga.

Nakita kong napatingin siya sa akin.

Hindi niya nagawang pumasok sa klase pero nasa school siya? Hindi ito ang Tim na kilala ko.

Hindi kahit kailan ipagpapalit ni Tim ang klase sa ibang bagay, kahit pa pumapangalawa siya sa pagka-abnormal ni Reyjan. Nagbago na siya, dahil nangako siya sa Nanay niyang magtatapos siya ng pag-aaral. Nangako siya sa Nanay niya bago ito mamatay nang dahil sa liver cancer.

Umurong ako at mabilis na lumakad palayo.

May nangyari. May nangyari dito habang wala ako. Itinatago lang nila pero hindi na nila ako maloloko!

"~Sir I'm a bit nervous about being here--"

Sinagot ko agad ang cellphone ko nang mabasang si Ren ang tumatawag.

"Hello Din? Nandito na kami ni Jun. Nandito rin si Fai, siya ang magse-serve sa atin by my request." sabi ni Ren sa kabilang linya.

"Don't wait for me. Hindi na ako makakapunta."

"H-Ha? Bakit?" tanong niya.

I hang up.

Alam kong ginagawa ni Ren ang lahat para hindi ko mapansin. Ganoon rin sina Jun at Reyjan. Naiintindihan kong ayaw nila akong mag-alala pero ngayong alam ko na.. naiinis ako sa sarili ko!

Ang narinig kong nagdi-dribble nang pumasok ako sa school ay hindi si Wanna Be kundi si Tim.

Hindi ako gustong makita ni Ailyn.

May problema si Phia kaya hindi niya ginugulo si Pete.

Nang makita kong nakatingin si Fai kay Phia. Naisip ko nang nag-aalala siya para dito, pero binalewala ko lahat, inisip kong pagod lang ako kaya ako napa-paranoid sa mga bagay-bagay. Inisip kong wala namang nagbago.

"Ailyn." tawag ko sa kanya.

Dumaan ako sa SC Office pero wala siya doon at ito ang naisip kong lugar na palagi niyang pinupuntahan. Ang swing na malapit sa secret passage na dinadaanan ko. Ang swing kung saan siya palaging nakaupo.

Lumingon siya at agad na napatayo nang makita ako. "D-Din."

Inisip kong ayos lang ang lahat. Inisip kong walang problema. Pero niloloko ko pala sarili ko.

"Din, wag ngayon. Pakiusap hayaan mo muna ako." Ailyn's voice trembles on the last line.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Ailyn, iniiwasan mo ba ako?" lumapit na ako sa kanya. "Bakit? Ano bang nagawa ko?"

"Din.."

"Sabihin mo sa akin, ako ba ang dahilan ng hindi mo pagpasok?"

Ailyn looks at her feet instead. "Nagpapanggap lang kayo. Kayo ni Justin. Nagpapanggap lang kayo di'ba? Din sabihin mo sa akin na nagpapanggap lang kayo."

"Ailyn hindi kita maintindihan." pag-amin ko. Naguguluhan ako. Ano bang sinasabi niya? "Napanood mo ba ang interview namin kahapon?"

Tumango siya at nakarinig ako ng mga hikbi pagkatapos.

"Ailyn bakit?" nag-aalala at naguguluhang tanong ko.

"Hindi ko alam. Wala akong karapatang maramdaman ito. Mali na magalit ako sa iyo." napaluhod siya sa damuhan at naupo sa mga binti niya. "Sorry.. I'm sorry.."

"Ailyn, ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba nagso-sorry?" tinapatan ko ang mukha niya. "Bakit ka umiiyak? Ano ba talagang problema?"

"Mahal ko siya."

My heart skipped a beat. Natigilan ako sa narinig ko.

"Mahal ko siya. Matagal na. Din, mahal ko si Justin."

My whole body weaken hearing those.

ö~ö~ö~ö

Reyjan's POV

Hinihingal na ako. Naikot ko na yata buong school pero hindi ko pa rin nakikita si Din. Tumawag si Ren kanina at ang sabi niya hindi na daw ito makakasama. Nag-aalala sila ni Jun na baka alam na ni Din na may problema.

Nag-ring ang cellphone ko at naka-rehistro ang pangalan ni Ren. "Hello?" sinagot ko iyon.

"Reyjan, hindi na talaga namin ma-contact si Din. Nakapatay yata ang phone niya. Ano? Nakita mo na ba?"

"Hindi nga eh."

"Reyjan.." boses na ni Fai, inagaw niya yata ang cellphone ni Ren. "Reyjan, sa swing."

"Swing? Iyong puro kalawang na swing sa likod ng school?"

"Tingnan mo kung nandoon si Ailyn. Kung alam na ni Din, alam kong si Ailyn ang una niyang pupuntahan."

"Sige." huling sagot ko at tinapos na ang tawag.

Hindi pwedeng malaman ni Din. Magiging masakit para sa kanya na unti-unti nang nawawasak ang barkadang siya mismo ang bumuo. Ayokong sisihin ni Din ang sarili niya.

"Tim!" bago ako makalayo ay nakita ko siyang kalalabas ng shower area. "Tim, si Din ba nakita mo?"

"Kanina. Pero hindi ko alam kung saan siya pupunta." iyon lang at tinalikuran na niya ako.

Kung dati'y nilulunod niya ang katawan niya sa practice. Ngayon naman ay parang pinapatay niya na ang sarili. Kahapon lang rin kasi ay pinuntahan siya ni Phia, sinabi nitong may gusto ito sa kanya. Sa araw-araw na pangha-harass ni Phia kay Pete, inisip kong nagpapatawa lang siya. Pero umiiyak siya nang ipagtapat iyon.

Lalong gumulo ang sitwasyon. At isa lang ang bagay na sigurado ako. Na pinarurusahan ni Tim ang sarili dahil sa mga nangyayari.

Tumakbo na ako papunta sa swing.

ö~ö~ö~ö

"Din?"

Sandaling tinitigan niya ako at nilagpasan pagkatapos.

Nakita ko naman si Ailyn na malapit sa swing. May luha pa sa mga mata niya pero nagawa niya akong ngitian.

"Anong nangyari?" lumapit ako kay Ailyn habang sa papalayong likod ni Din nakatingin.

"Tama ako, Reyjan. Hindi niya gusto si Justin at nagpapanggap lang sila para maging maayos ang lahat. Nagpapanggap lang sila para umiwas sa gulo."

Masaya si Ailyn nang sabihin iyon pero hindi ko magawang maging masaya para sa kanya.

Nakita ko ang mga gamit ni Din sa kwarto ni Justin sa Ship. Kami ni Tim ang nag-empake nang gamit ni Justin nang maospital ito. At imposibleng walang namamagitan sa kanila ni Din. Kilala ko si Din, hindi niya kayang makasama ng matagal ang kinaiinisan niyang tao.

Sa mga ngiting ipinakita niya sa interview at sa mga ngiting ibinigay niya sa akin bago kami magkahiwalay kanina, alam kong masaya siya. Pero ngayon, nasasaktan yata ako para sa kanya.

"Akala ko mauulit ang nangyari kay Fixell na si Din na naman ang ka-kompetensiya ko. Reyjan, nagkaroon na uli ako ng pag-asa. Sasabihin ko na kay Justin ang nararamdaman ko."

I sadly smiled at Ailyn.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

Naririnig ko sa isip ko ang mga sinabi ni Ailyn.

"~Noong magyaya ako sa amin dahil may ipagtatapat ako, at hindi ka nakarating. Sinabi ko sa kanila na matagal ko nang gusto si Justin."

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon siya kasaya noong maibalik ng Detective ang cellphone niyang nawala.

"~Laging napagagaan ni Justin ang loob ko kapag nakikita ko siya. Siya ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay. Itinago ko sa lahat ang nararamdaman ko, hanggang sa mapatunayan ko sa sarili kong hindi na ito simpleng pagkagusto."

Wala sa loob na naglalakad ako. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta.

"~Din mahal ko na siya. Hindi ko alam kung ganoon din siya sa akin pero gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko."

Humawak ako sa stair case at mabagal na umakyat.

"~Nagpapanggap lang naman kayo, di'ba? Din, hindi mo naman siya mahal, di'ba?"

Natigilan ako sa pag-akyat nang mapansing narating ko na ang rooftop.

Paulit-ulit pa sa tenga ko ang isinagot ko sa kanya. "~Oo, palabas lang lahat. Wala akong nararamdaman para sa kanya."

Palabas lang lahat. Wala akong nararamdaman para sa kanya.

As soon as I stepped on the middle of the rooftop, the wind blows.

Palabas lang lahat. Wala akong nararamdaman para sa kanya.

I closed my eyes tight.

Palabas lang lahat. Wala akong nararamdaman para sa kanya.

I slowly opened my eyes. The lake beside the school catches my attention. The lake where I witnessed magic. My feet brought me here again.

Paano na? Paano na si Tim? Paano na ako?

Nanghihina ako. Napapagod. Pero naunang bumagsak ang luha ko kaysa sa tuhod ko.

"What's wrong?"

Nakita ko na lang na katabi ko na si Wanna Be. At habang tinitingnan ko siya, mas gustong pumatak ng lahat ng luha ko.

Inihilamos niya ang palad sa mukha ko at nginitian ako.

Hinampas ko ang kamay niya nang gawin niya naman iyon. Ipis siya! Ibang klase magpunas ng luha! Ganito rin ba siya sa sarili niya?

"Alam kong pupunta ka dito kaya hinintay kita. Pero hindi mo naman napansing nandito ako." he put his hand on his pocket and look at the sky. "Hindi ko alam kung anong problema mo at alam kong hindi pa sapat ang tiwala mo sa akin kaya hindi mo iyon sasabihin."

Hindi ako sumagot.

"Hindi kita pipilitin o babawalang umiyak. Gagawa na lang ako ng bagay na magpapangiti sa iyo para malimutan mo ang problema mo." tiningnan niya uli ako at nandoon pa rin ang mga ngiti niya.

"This." lumakad siya palayo at dinampot ang bag niyang nasa lapag. "As I've said, I don't easily got jealous, but you do. And I thought this will be perfect." may inilabas siyang black shirt sa bag niya. "DL's shirt."

DL? Dean's Lister? High school pa lang kami ah?

Lumapit siya sa akin at tinanggal ang pagkakatupi noon. Isa iyong black t-shirt na parang hanggang hita ko ang haba.

Natawa na lang ako ng mabasa ang nakasulat doon.

May mga yellow tapes na tatak iyon at ang paulit-ulit na nakasulat sa tapes ay DETECTIVE LINE DO NOT CROSS.

"Seriously?" natatawang kinuha ko iyon at tiningnan ng malapitan. "You don't easily got jealous but I do, huh? Hindi ba parang ako yata ang dapat magsabi noon sa iyo?" natatawang tanong ko pa. "It was like the yellow tapes when a crime happens. So the DL means Detective Line?" I can't contain my laughs.

Natigilan lang ako nang hawiin niya ang ilang strand ng wig na nasa pisngi ko. "You're really beautiful when you smile." pinahid niya ang mga naiwang luha sa pisngi ko.

I don't know what went through me but I smiled at him.

ö~ö~ö~ö

Yakap ko ang mga tuhod ko at naka-right angle position naman si Wanna Be sa tabi ko habang nakatukod ang dalawang kamay sa likod niya.

"Suralvo, natatandaan mo bang nanalo ka sa Hide and Seek natin? I'll finally tell you my weakness."

Diretso lang ang tingin ko at hindi ko siya nililingon. "So you lied yesterday on Slum Note? I'm not your weakness?" I casually asks.

"No. I have two weaknesses and I reserved the other one to tell you without anyone hearing it."

Tiningnan ko siya at sinalubong niya naman ang tingin ko.

"Smoke. My weakness is smoke. I can't stand it."

I laugh softly. "Hindi ka ba natatakot na baka mapatay kita ngayong alam ko na ang dalawang kahinaan mo?"

"I won't let you kill me, Suralvo. I wanna keep living as long as you're alive."

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at napangiti ako.

"Natatandaan mo rin ba noong mapulot natin ang cellphone ng Student Council President?"

Napaawang ang mga labi ko.

"Bago ko iyon isauli sa kanya, hinanap ko ang number mo. Iyon ang sagot sa tanong mo noong tawagan kita."

Inilayo ko sa katawan ko ang mga hita ko at tiningnan uli siya. "Ang tagal na noon."

"Nagtataka ka kung bakit kanina lang kita tinawagan?" tanong niya.

"Dahil abnormal ka?" pasagot na tanong ko.

"Kung abnormal matakot, yes you're right."

"Ikaw?" natawa ako. "Natakot kang tawagan ako? You're kidding!"

"I'm afraid you won't answer. I'm afraid to talk when you pick up your phone. I don't know what will I say."

Sandaling tumahimik sa buong lugar. Ilang boses lang ng mga estudyanteng pauwi ang maririnig sa paligid.

"Nagpunta ako dito para singilin ka sa kasalanan mo." ako ang unang nagsalita maya-maya. "See this bag?" itinaas ko iyon para ipakita sa kanya. "Nandito na ang shoes at dresses na punishment mo sa pag-break ng tatlong rules ko sa Ship."

Hindi pa rin kasi niya ako tinigilan sa pranks niya and worst is he slept on bed when my rule is he should always be on couch. Kaya bilang parusa, isusuot niya sa school ang damit ko sa loob ng isang linggo.

Kinuha niya ang paper bag at inilabas ang nasa loob.

"Pero wag kang mag-alala, nawalan na ako ng gana." inagaw ko iyon sa kanya at ipinasok uli sa loob ng paper bag. "Ginugulo ka ba ng mga tao dahil sa interview kahapon?" sunod na tanong ko.

Hindi ko inakalang magkakaroon kami ng maayos na usapan ni Wanna Be.

"I can handle them." sa halip ay sagot niya.

"Edi ginugulo ka nga nila." ako na mismo ang sumagot sa itinanong ko.

"Bee's upset about it but Mom is very happy." nahiga si Wanna Be sa semento ng rooftop at inilagay ang dalawang palad sa likod ng ulo niya.

"What did you say to your Bee? How did you explain everything?" magkasunod na tanong ko.

"I explained already during interview and I'm sure she had watched it."

"Detective, hindi lahat ng napapanood sa TV ay totoo. Sa show business industry na kinalakihan ko, mabibilang sa daliri ang pagsasabi ng totoo ng mga artistang gaya ko."

"And?" tanong niya.

"And almost everything was part of the script. Kadalasan pati ang tunay na buhay namin ay scripted. Para lang mas mahalin kami ng publiko. Palabas lang lahat."

"Then?" tanong uli niya.

"Then you should tell your Bee that everything between us was just a reckless pretend."

Bumangon siya bigla at tumayo na.

Napatayo rin ako pero lumakad na siya papunta sa hagdan.

"Where are you going?" tanong ko at napahinto siya pero nanatiling nakatalikod.

"Dumidilim na at mukhang uulan. Umuwi ka na." he coldly said instead. Iyon lang at bumaba na siya para iwan ako.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Why would you try to gave them up?" tanong niya sa akin.

 

"Because it was the right thing." I managed to finally look at the detective.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Napatulala ako sa kawalan. Ramdam ko sa kamay ko ang t-shirt na ibinigay niya kanina.

Akala ko dati self-centered ako. Na wala akong ibang inisip kundi sarili ko. Pero hindi. Dahil palagi na lang akong nagdedesisyon base sa kung anong tama.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"The right thing doesn't always matter. Do you know what matters most? It's your happiness."

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

I grabbed my things and run.

Binilisan ko ang pagbaba ng hagdan.

"Detective!" hinihingal na tawag ko sa kanya.

Pero patuloy lang siya sa paglakad palayo.

"This is a crazy question. But do you love me?"

Wala akong narinig mula sa kanya.

"I got your point and I'll ignore the right thing for the sake of my happiness."

Huminto siya at humarap sa akin. Pero napakalayo ng distansya sa pagitan namin.

"Just stop staring at me and start answering! Do you love me?"

"Why do you ask?" sa halip ay sabi niya. "Would you believe my answer? You said yesterday it was a mere pretention. A reckless pretend as you describe it a while ago. So let me ask you again, would you believe me?"

"Yes. I'll believe you."

The moment he heard those, he take steps towards me.

"I love you." seryosong sabi niya nang makalapit.

My whole body froze. My eyes turned wide. My hands are cold. And my heart beats loudly.

That was my first time hearing it from him.

"It wasn't a pretend. Believe me like you said you will. I love you, Suralvo."

Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko at napangiti ako.

"Mahal kita." he touches my cheeks and pressed his lips on mine as a loyalty kiss.

ö~ö~ö~ö

"B-Bakit nandito ka Din?" bungad na tanong sa akin ni Ailyn nang pagbuksan niya ako ng gate sa bahay nila. May hawak siyang payong dahil umaambon na.

Inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako. "Nagawa kong tanggapin at intindihin noong magustuhan mo rin si Fixell. Patawarin mo ako pero hindi ko na kayang magpaubaya uli para sa iyo."

Lumalakas na ang ulan at nagsisimula nang lamigin buong katawan ko.

"Ailyn, I know this is really stupid. But for now, I want to ignore the right thing and fight for my happiness."

"Din, ano bang sinas--"

"Mahal ko ang detective. Mahal ko siya Ailyn. Hindi ko kayang mawala siya."

Nabitawan niya ang hawak na payong.

-will be continued

throbbingheart says: If you were Dinelle, will you do the same thing? Will you fought for your happiness over the right thing?

 

Tell me.. how did you react when Justin confessed? Me.. I fee like crying too. XD

 

Salamat sa patuloy na pagbabasa :) Minsan nga nagtataka ako paano kayo nakaabot sa Case na ito. Kung hindi ba naging boring or what. There's billion of stories in wattpad, ang probability na makikita nyo ang kwentong ito ay maliit lang. At mas maliit pa ang probability na makakaabot kayo dito. But you just did and I'm very thankful :')

 

Iyong mahalin nyo ang kwentong ito ay isang napakalaking bagay.

 

On behalf of my SLY characters, I greet you all an advanced MERRY CHRISTMAS! :) Wala akong Christmas Special ng SLY this year, pero last year nagkaroon. One shot iyon under my works. Entitled Hidden Case.

Continue Reading

You'll Also Like

13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
MATCHA HOLMES By Lunatella

Mystery / Thriller

2.9K 133 42
When the adoptive grandfather of Matcha Holmes died. She thought that she'll be all alone again. But when their neighborhood lawyer came to visit and...
82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
17.8M 319K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)