Life After Marriage

By MikkhaSuarez

32.8K 2.4K 478

This is a reunion book for the three besties Mikkha, Megs and Zey. More

Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One

Chapter One

1.2K 86 10
By MikkhaSuarez

MABILIS na tumulo ang mga luha niya nang makita ang isang guhit na linya sa pregnancy test kit na hawak niya. Muli ay nabigo na naman siya sa pag-asang nagdadalang tao na ulit siya.

Walong buwan na ang nakakaraan mula nang makunan siya sa ipinagbubuntis niya noon. Tatlong buwan na siyang buntis noon pero sa kasamaang palad ay nahulog ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

Mahigit dalawang taon na rin silang kasal ni Migiel. At hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Hanggang ngayon ay malungkot pa rin siya dahil sa miscarriage na nangyari sa kanya. Pinagsisisihan niya na hindi siya nakinig sa asawa niya na huwag ng magtrabaho habang nagdadalang tao siya.

Itinapon niya sa trash can ang testing kit at saka naghugas ng mga kamay. Lumabas siya ng kwarto niya na umiiyak pa rin. Umupo siya sa gilid ng kama niya.

Ang bilis ng oras. Gabi na naman pala. Hindi na niya namamalayan ang petsa at oras dahil wala naman siyang trabaho na. She decided to stay home and be a plain housewife. Nagbabaka-sakali kasi siya na baka mabuntis ulit siya.

Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Dinampot niya iyon at sinagot. Si Migiel ang tumatawag.

" Hey, I'm not gonna eat dinner at home. I'll be home late." bungad kaagad nito pagkasagot niya.

" Are you doing an overtime?" malungkot na tanong niya.

" No, but I'm here at Meryll's condo. She asked me a favor if I can look after Martin since she will be coming home late tonight."

Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang magalit but she tried her best to control herself. Nakakapagod na rin na makipag-argue about sa issue na ito.

" Again? Last week lang nandiyan ka. Can't she hire a 24/7 baby sitter for her son?" pigil ang galit na sagot niya.

" You know how expensive it is to hire a baby sitter here. Saka okay lang naman sa akin to look after the kid. He is my godchild anyway."

How insensitive. Hindi na nga siya tumutol na makipagkaibigan sa ex girlriend nito. But to ask something like this is a bit too much. May tiwala naman siya sa asawa niya. Pero hindi niya maiwasang magalit sa babae dahil tila ginagamit nito ang bata para lalong mapalapit muli ang loob sa asawa niya.

At dahil masyadong mabait ang asawa niya at bilang inaanak nito ang bata ay hindi ito makatanggi sa tuwing papakiusapan ito ng babae. Plus sabik sa bata ang asawa niya. Parang anak na nito kung ituring ang bata. Minsan nga ay nag-stay pa ng two days ang bata rito nung nagkaroon ng seminar sa Pensylvania ang babae. Wala raw kasing kamag-anak na mapag-iwanan kaya si Migiel lamang pinagkakatiwalaan nito sa bata.

Inshort, si Migiel na halos ang naging acting Daddy ng bata. Dahil lumipat na sa ibang state ang lalakeng nakabuntis sa dalaga. The guy settled with another lady and moved back somewhere in South. Nakakaawa rin naman ang bata. Pero hindi niya maiwasang magalit at magselos. May nakaraan pa rin ang mga ito. Hindi nga lang niya iyon masabi sa asawa niya dahil siguradong mag-aaway lamang sila. Wala naman daw siyang dapat ipag-alala because he is just helping her out. Afterall, may pinagsamahan naman daw ang dalawa.

" How's your day by the way?" untag ng asawa niya sa kabilang linya.

Hindi siya sumagot. Naalala niya yung result ng pregnancy test.

" Did you do the test? Any good news?"

She remained silent. Makakipas ang ilang minuto ay narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng asawa niya sa kabilang linya.

" I guess it's negative again, right?"

" Yup." maikling tugon niya.

He sighed again.

" We'll keep on trying."

Bakas ang disappointment sa tono nito. Alam niya na umaasa rin ito na this year ay baka mabuntis na siya.

" I gotta go. I will make dinner for Martin. See you later."

She did not respond and hung up on him. Lately, simula nang miscariage niya ay tila nagbago ang pakikitungo ng asawa niya sa kanya. Hindi na ito masyadong sweet sa kanya. Kaya minsan ay hindi niya maiwasang magselos sa tuwing makikita niya na nilalambing nito ang anak ni Meryll.

Alam niya na bata iyon but she cannot stop herself from being jealous dahil pakiramdam niya ay naging kahati na niya ang bata sa atensyon nito. Hindi naman nito sariling dugo ang bata. And it actually bothered her dahil anak ito ng Ex ng asawa niya. She isn't just a friend. She was his ex-girlfriend. At kahit loyal ang asawa niya ay hindi niya maiwasang isipin na baka isang araw ay muling mahulog ang loob nito sa babae.

She shook her head at the thought. Sumasakit na ang sintido niya sa pag-iisip ng kung ano-ano. Hindi niya maiwasang hindi mag-isip ng masama dahil nasa bahay lang naman siya all day. Kahit gusto niyang magtrabaho ay hindi rin naman papayag si Migiel. At isa pa umaasa rin siya na baka mas mabilis siyang magdalang tao kapag nasa bahay lamang siya.

Napatingin siya sa wall clock. Alas sais na ng gabi. Para siyang mababaliw sa katahimikan ng bahay. She needed some fresh air and so she decided to call her friend. Nakailang dial siya sa number ni Zey pero hindi ito sumagot.

Bigla niyang naisip ang kalagayan ng kaibigan niya. They never hang out simula nang mamatay ang anak nito last year. Sobrang nami-miss na niya ito. Ang huling beses na nakita niya ang kaibigan niya ay nung nagkaroon siya ng miscariage. After that they never see each other again.

Bihira lang rin itong sumagot sa mga tawag niya. Although she would sometimes respond to her messages pero hindi naman ito nagku-kwento about what's happening to her life in New York.

Ilang sandali ang lumipas at nag-ring ang cellphone niya. It was Charles. She answered the call.

" Hello, Cj."

" How are you, Mikkha? Zerynne, wasn't able to pick up your call so I decided to call you."

" Is she busy or she doesn't want to talk to me." hindi niya mapigilan ang hinanakit sa tono niya. She misses her bestfriend. Yung dating Zey na handang makinig sa mga hinaing niya sa buhay. Mula ng mag-asawa na sila at magkaroon ng kanya-kanyang pamilya ay nabawasan na ang time nila na makipag-communicate sa isa't-isa. She really missed the good old days.

" It's not that she doesn't want to talk to you but you know what's going on with her, right?" malumanay na sabi ni Cj.

" I miss the old Zey. I miss my bestfriend." tila maiiyak na sabi niya. Pakiramdam niya kasi ay tila napakahirap nang humingi ng atensyon sa mga taong malalapit sa kanya. Wala naman siyang ibang kamag-anak at kaibigan dito sa States na makakausap sa tuwing nalulungkot siya.

" You're not alone. I miss my wife too. I don't want to say this but the way she is acting, pakiramdam ko she is slowly drifting away from me. I am trying my best to understand her but sometimes it's just too much to bear. I still love her though."

Ramdam niya ang lungkot sa tono nito. Parang ganun rin ang nararamdaman niya kay Migiel. Mula nang magka-miscarriage niya pakiramdam niya medyo lumayo na ang loob ng asawa niya sa kanya. Ayaw niyang isipin na tama ang nararamdaman niya but the way he is acting ay malayong-malayo sa unang taon na mag-asawa sila.

" How's everything with you? Are you doing okay?" untag ni Cj sa kabilang linya nang hindi siya sumagot.

" I am doing good." she kept her answer short. Ayaw niyang makahalata ito sa problema niya.

" Are you sure? You don't sound good. You we're trying to call my wife thrice so I figured you have something important to say. May problema ba, Mikkha?"

Hindi siya sumagot. Muling namasa ang mga mata niya. Ramdam niya sa tono nito na nag-aalala ito sa kanya. Sa totoo lang napakabigat ng dibdib niya. Gusto sana niyang makausap ang asawa nito para mabawasan naman ang lungkot at bigat na nasa dibdib niya. Kaso maging ito ay problemado rin sa kaibigan niya.

Gusto niyang tawagan si Megs pero natatakot siya na baka kapag sinabi niya rito ang problema niya ay baka maikwento nito sa pamilya niya. Ayaw niyang nag-aalala ang Mama niya sa kanya.

" Mikkha, I just want to remind you that we are friends too. If my wife is not around to look after you, gusto ko'ng maramdaman mo that I am also here for you. And I am willing to lend my ears from whatever problems that you may have."

Lalo lang siyang naiyak sa sinabi nito. Ngayon niya lang ulit naramdaman na may taong gustong makinig sa kanya.

" Thank you, Cj."

" So, do you want to discuss it here or you want to meet me up tomorrow at my resto?"

" Bukas na lang if you're okay with it."

" No biggie. I'll see you tomorrow. Lunch time okay?"

" Yup. That's fine."

" Alrighty. I will try to bring Zerynne. I cannot promise that she will come but I will atleast try."

" Thank you so much. I'll see you tom. 'Bye."

" Okay, 'Bye." And he hung up.

Humiga na siya sa kama matapos makipag-usap sa lalake. Wala na siyang ganang kumain since hindi rin naman uuwi si Migiel para sabayan siyang kumain. Hindi niya alam kung ilang oras ang lumipas bago siya dinapuan ng antok. Basta nakatulog siya na wala pa rin ang binata sa tabi niya.

ISANG mabilis na dampi ng halik sa mga labi niya ang gumising sa kanya kinabukasan. Nang magmulat siya ng mga mata niya ay bumungad sa kanya ang mukha ng asawa niya. Nagtaka siya ng makitang nakaligo na ito at naka-uniform na upang pumasok sa trabaho.

" I'm leaving."

" May pasok ka? I thought it's your weekend off." nagtatakang tanong niya rito.

" Overtime. Extra money." maikling tugon nito at saka lumakad na papunta sa may pinto.

" Hindi mo man lang sinabi sa akin na may pasok ka ngayon." masama ang loob na sabi niya. Dati-rati naman ay updated siya sa schedule nito.

" I was busy these past few weeks. So, I forgot to inform you."

Hindi man lang apologetic ang tono nito. Parang tinatamad pa na magbigay ng explanation sa kanya. Minsan gusto na niya itong tanungin kung saan na ba napunta ang sweet na lalakeng pinakasalan niya.

Akmang lalabas na ito nang maisipan niyang itanong kung anong oras ito umuwi kagabi. Hindi man lang niya namalayan na umuwi ito.

" What time did you come home last night?"

" Eleven o'clock. I gotta go. See you later." at nagmamadali na itong umalis.

Napabuntong-hininga na lang siya nang tuluyan na itong maglaho sa paningin niya. Hindi na niya gusto ang tinatakbo ng relasyon nila. Nami-miss na niya ang dating sweetness ng asawa niya.

Napatingin siya sa malaking wedding portrait na nasa wall ng silid nila. Nakaka-miss yung nakakatunaw na tingin ng asawa niya at simpatikong ngiti nito. Kelan kaya ulit siya tititigan ng ganito ng asawa niya?

' I miss the old Miggy.' malungkot na bulong niya sa isip at saka bumangon na. She went straight to shower at pagkatapos ay bumaba na siya.

Naghanda siya ng almusal niya. Habang nagluluto siya ng scrambled egg ay napansin niya na wala man lang hugasin sa sink. Ibig sabihin ay hindi man lang kumain ng agahan ang asawa niya.

She was supposed to cook for him today pero hindi naman niya akalain na may pasok pala ito ngayon. Tuwing weekend off nito ay alas otso na sila bumabangon.

' He cannot cook his own breakfast pero 'yung bata na hindi niya kadugo ipinagluluto niya. Oh well, I don't need to feel guilty if he didn't eat breakfast. He did not inform me that he needs to go to work today.' bulong niya sa isip niya. Para kasing nagi-guilty siya na pumasok ang asawa niya na hindi man lang nag-breakfast.

Maya-maya ay hindi siya nakatiis at tinext niya ito.

' Make sure to pick up breakfast on the way to your work. Love you.' text niya kay Miggy.

Matapos makapag-agahan ay naglaba siya ng mga damit nila. Gusto niyang matapos ang laundry niya bago siya makipagkita kay Cj. Ilang buwan na rin silang hindi nagkita ng lalake. Masyadong naging busy ang lahat kaya wala silang time na bisitahin man lang ang isa't-isa. Sana makumbinsi nito na sumama ang kaibigan niya.

Habang nagtutupi siya ng mga damit ay biglang tumunog ang FB messenger niya. Tiningnan niya ang cellphone niya. Si Megs ang nag-chat. She opened the message.

' Girl, musta? Nakita mo na ba ito?' chat ng kaibigan niya saka ipinasa sa kanya ang larawan ng asawa niya kasama si Meryll at ang anak ng babae.

Kuha sa condo ni Meryll ang larawan habang masayang kumakain ng dinner ang mga ito. Parang kinurot ang puso niya dahil sa picture ng mga ito. They look like a happy family on this photo.

Although this is not the first time that they take a photo together, hindi niya pa rin maiwasan na hindi masaktan. She got hurt of the thought na parang mas masaya ang asawa niya kapag kasama nito si Meryll at ang bata.

Hindi naman niya magawang pigilan ang asawa niya na huwag ng tulungan si Meryll sa pag-alaga sa anak nito. Dahil kahit nasasaktan siyang aminin sa sarili niya. Alam niya na tbrough Martin ay napupunuan ng bata ang pangarap ng asawa niya na maging isang ama. Lalo at sabik talaga sa bata ang asawa niya.

' Check your hubby's page. Meryll uploaded the photo and tagged your husband. Hindi ako natutuwa. Hindi ka ba nagseselos diyan?' chat ulit ni Megs sa kanya.

Tiningnan niya ang FB page ng asawa niya. And there she saw the tagged photo. Nainis siya nang mabasa ang caption no'n.

' Thanks for always being there for Martin. You're the best Ninong! At dahil diyan nag-take out ako ng favorite food mo. Thanks again, Migz.'

Muntik na niyang ma-click ang angry react matapos basahin ang caption sa photo.

' Girl, nag-angry react ako. Hindi ko talaga bet ang pagmu-mukha ng ex ng asawa mo. Parang balat ahas.😂'

' Friends lang naman daw sila. Miggy assured me that I have nothing to worry about.' she responded.

' Ay, pag ex dapat ex na. Wala ng friends-friends. Mamaya landiin niyan si Kuya Miggy eh. Ikaw rin. Huwag ka pakampante diyan girl.'

' I trust my husband. He won't do such a thing.'

' I hope so. If ever na landiin ni Meryll si kuya Miggy call me right away. Lilipad ako papunta US at tutulungan kitang kalbuhin siya. Okay?'

' Siraulo ka talaga. Sige na. May lakad ako.'

' Okies. Miss you, girl.'

' Miss you too. Ingat. Hugs and kisses to my inaanak.'

Matapos makipag-chat kay Megs ay natulala siya sa kawalan. Maging ang kaibigan niya ay hindi rin komportable sa closeness ng asawa niya at ng ex girlfriend nito. Parang gusto niyang magsisi na pinayagan niya ang asawa niya na makipag-kaibigan sa babae. Sana ay hindi biguin ni Migiel ang tiwala na ibinigay niya rito.
———————————❤️———————————

Continue Reading

You'll Also Like

411K 46.2K 21
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.3M 82.2K 37
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.6M 130K 61
"ရှင်သန်ခြင်းနဲ့သေဆုံးခြင်းကြား အလွှာပါးပါးလေးကိုဖြတ်ကျော်ခါနီးမှာမှ ငါမောင့်ကိုစွန့်လွှတ်တတ်ဖို့ သင်ယူနိုင်ခဲ့တယ်၊ လူတွေက သံသရာမှာ ရေစက်ရယ်၊ဝဋ်ကြွေး...
693K 41.9K 49
𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐞𝐛𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐮𝐫𝐬𝐮𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡𝐬, 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐞𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐞𝐬𝐦𝐞𝐫𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 �...