Crush Mo Mukha Mo..

By theNidas

9.9K 557 256

Farm boy.. City girl (na bitch).. More

Author's Note
Chapter 1. Dudong
Chapter 2. The Bitch
Chapter.3 Mango Farm
Chapter 4. Gulat Ka 'no
Chapter 5. Alamat Ng Mangga
Chapter 6. The Bet
Chapter 7. Summer Sunshine
Chapter 8. Ghosting
Chapter 9. Asar Talo
Chapter 10. Sayang 🤣
Chapter 11. Basted
Chapter 12. Tambling
Chapter 13. 18 Roses
Chapter 14. Bye Denise
Chapter 16. Baler
Chapter 17. Elbi
Chapter 18. Won't Fall Again
Chapter 19. Moving On
Chapter 20. Camiguin
Chapter 21. Missing Her..
Chapter 22. Chasing Waterfalls..
Chapter 23. Breaking Bad
Chapter 24. The Letter
Chapter 25. Meeting Him
Chapter 26. Finding Mommy
Chapter 27. Danni's Move
Chapter 28. Happy Cal
Chapter 29. Going Back
Chapter 30. MAKAKAPATAY AKO!!!
Chapter 31. New Nanay
Chapter 32. Sweet Redemption

Chapter. 15 Ria

226 18 1
By theNidas

Lorenzo's POV..

All my bags are packed.. I'm ready to go.. Hindi naman jetplane.. Commute lang ako.. On my way somewhere.. Somewhere far from here.. Pero may bibilhin muna ako.. Buti may malapit na convenience store dito..

"Ate.. May sim card kayo?" tanong ko dun sa kahera..

"Nandun po ser.. Sa may kabilang istante.."

Hinanap ko.. Nagtataka kung bakit dito ilalagay ang sim card.. Pero wala.. Wala akong nakita..

"Ate, wala po e.."

"Nandun koya.. Katabi nung mga shampoo.." sagot nia..

Ay shit! Alam ko na 'to..

"Ate.. Sim card.. Yung Globe.. Yung sa cellphone.." sabi ko..

"Ay.. Ahahahahaha.. (sarap ng tawa nia..) akala ko sipgard.. Yung sabon.. Ahahahahaha.. (hala.. Tawa pa din..)"

"100pesos po.. Globe po ba?"

"Oo teh.."

Yep.. Palit palit din tayo ng sim card pag may time.. Para wala ng mangulit.. Wala ng magtext.. Start anew tayo..

First destination: Baler..

Four to five hours na byahe din to from Dagupan.. I checked my phone, 9am.. Ayos.. Maaga akong makakarating..

Nauna akong sumakay sa bus.. Nagtry umidlip habang nagpupuno ng pasahero.. Then, by 10am, nagsimula nang umandar yung bus.. Hindi ako natutulog sa byahe.. Naaaliw akong pagmasdan yung mga tanawin.. Mga palayan, mga puno, kabundukan, mga nanay na may hawak na hanger hinahabol yung anak.. Mga baklang nagsasayaw sa gilid ng daan.. Mga ganun..

Tas pag ganitong mga long rides, kadalasan napupunta yung isip ko sa "nothing box".. Oo yung para nago-auto shutdown yung utak mo.. Hindi ka naman patay o baldado, pero yung isip mo steady lang.. Nakatitig ka lang sa isang bagay pero actually wala kang iniisip.. As in wala.. Ewan ko kung ako lang ba yung may ganito.. Pero nabasa ko once, lahat daw ng lalaki, may nothing box..

Tas bigla kong naalala si ate "Sipgard.." hahaha.. Parang ngayon lang nagsink-in saken yung tinatawanan nia.. So natawa nga ako.. Pero narealize ko, napalakas pala..

Tas pagtingin ko sa gilid, babae pala yung katabi ko.. Medio judgemental yung titig saken.. Nagtataka siguro baket ako tumatawa.. Hahaha.. Napahiya ako.. So inayos ko yung hood ng jacket ko.. Para hindi ko na lang siya makita..

Pero inalis ko din.. Gusto ko pala siyang makita.. Ganda e.. Medio morena.. Nakacap pero makikita mong maganda yung hair nia.. Hanggang balikat.. Maganda yung mata.. Mapula yung lips.. Chic na chic..

Deds na.. Hindi na ko makakapagfocus sa byahe.. Buti na lang nakapikit siya.. Tinatry sigurong matulog..

After 2hrs, nag stopover sa Cabanatuan.. Gusto kong bumaba ng bus kasi nawiweewee na rin ako.. Pero tulog pa din si ate nio.. Swerte na lang at nasagi nung isang pasahero yung braso nia kaya nagising siya.. Dali-dali din siyang tumayo.. At sumunod na ko..

Napansin ko, ang daming nakapila dun sa nag-iihaw.. So pumila na din ako.. Hahaha.. Buset.. Inihaw na hotdog lang pala.. Kala ko mga classic na barbecue or isaw.. Aalis na sana ako sa pila, pero nung nakita ko yung mga kumakain nung hotdog, napatigil ako.. Napapapikit pa sila habang kumakagat.."Anong meron sa hotdog na 'to..?" So napabalik ako sa pila.. Then narealize ko, si ate girl pala yung nasa harap ko.. Hahaha.. Wala lang.. Hindi ko siya type.. Oo, maganda.. Parang Kelly Misa yung datingan, na morena.. Naka-crop top na long sleeves na blue.. White na skinny jeans tas keds na red.. Magaling manamit.. Pero hindi ko type..

"Kuya, dalawa po.." sabi nia.. Medio nagulat ako dun.. Jumbo hotdog talaga yun.. Isa lang, parang ang hirap nang ubusin.. Tas dalawa yung sa kania.. Pero, nakakatuwa nga e.. Alam nio yun, yung babaeng hindi naman dabiana, pero ang lakas kumain.. Ang cute kaya nun..

Sabay inabot samen yung mga order namen.. Dalawa din yung in-order ko.. Tas nakita kong umupo siya dun sa may bakanteng seat na may table.. Syempre, papampam ako.. Kahit may ibang seat naman, dun din ako pumwesto sa table nia..

"Hi!" sabi ko.. Pramis, hindi ko pa 'to nagawa before.. Parang for a change lang.. Lalakasan ko lang loob ko..

Ngumiti naman si ate nio girl.. Parang lalo siyang gumanda..

Tas ayun, ayun na.. Hindi ko na alam gagawin ko.. Anu ba next move dapat..? Hamunin ko kaya 'to nang pabilisan ubusin yung hotdog..

"Miss, tara, pabilisan tayong kumain ng hotdog.." parang ang sagwa.. Syempre hindi ko sinabi yun.. Magmumukha akong tanga..

So wala.. Naubos lang namen yung hotdog.. Lasang ordinaryong hotdog lang siya..

Tas wala naman akong nasabi.. Hindi yata talaga ako marunong dumiskarte..

Bumalik na kami sa bus.. And nagsimula ulet yung byahe.. Ewan ko ha, pero parang natutuwa talaga ko dito kay ate girl.. Ang ganda nia kasi.. Tas parang ang astig lang tingnan ng babaeng nagbabyahe mag-isa.. Pero Wala e.. torpedo.. Hindi ko alam kung pano babanat ng ice breaker..

Ting!!!!! Aha.. Speaking of ice breaker.. May naalala ako.. Naituro samen 'to nung professor namen sa English nung first year, first sem ko.. Pero dyahe eh.. Hindi kasi normal na pickup line 'to..

Tumingin ako sa kania.. hindi siya tulog.. Nagse-cellphone siya.. And napatingin din siya saken.. Tas ayun, tumingin ako sa malayo.. Kunyari tinatanaw ko yung mga baka sa damuhan.. After few seconds, tumingin ulit ako sa kania.. And to my surprise, nakatingin pa din siya saken.. Kahit ginapangan ako ng hiya, nagtry pa din akong ngumiti.. And ngumiti din siya.. Tas bumalik siya sa cellphone nia..

"Ngumiti siya saken.. I guess hindi naman siya suplada.. Siguro e-epek nga.. nga 'to.." sabi ko sa sarili ko..

So humarap ulet ako sa kania.. "Hi.." sabi ko.. Nakangiti ako..

Ngumiti siya.. Yung ngiti na parang naaaning siya.. "Hello.."

Tas hindi ko alam kung pano ipapasok yung pick up ko.. Parang ang awkward e..

"Are you gonna say something..?" sabi nia.. Nakangiti pa rin..

"No.. I was just going to ask; do you know how much a polar bear weighs..?" bahala na.. Kahiyaan na 'to..

Napakunot yung noo nia.. Pero nakangiti pa rin.. "Polar bear..? No.. Baket..?"

"Uhmm.. Actually, hindi ko rin alam e.. But I guess that's enough to break the ice.. Right..?" patawarin nawa ako ng mga ninuno ko.. Nag-try lang naman ako e..

Then napakagat-labi siya.. Then natawa ng konting-konti lang..

"That's cute.. Nagyon ko lang narinig yun ah.." sabi nia..

Nakahinga ako ng maluwag.. "Thank you Lord.. Hindi nia ko jinudge.." naibulong ko sa sarili ko..

"Ria.. Ria Corpuz.. " and she extended her hand.. Hindi ko inexpect ko..

"Lorenz.. Lorenz Morales.."

"Taga-Baler ka..? Or.. Tourist ka din..?" she asked..

"Ahmm.. No.. Bakasyon lang.. First time ko dito sa Baler.. Ikaw?" sagot ko..

"Tourist din.. Pero 3rd time ko na.. May sstayan ka na..?"

"Ahh.. Wala pa.. Madami naman yatang hotel dun di ba..?"

"Uhmm.. Oo.. Sige sabay ka saken later.. Hanap tayo.. Ilang days ka ba?" tanong nia ulet..

"Ahhh.. Ewan.. Hindi ko alam.. Siguro mga 2 days.. ikaw..?"

"3days, 2nights ako.."

Ayos! Umepek.. May potential tour guide na ko..

"Wait.. Bakit galing ka din sa Dagupan..?" tanong ko..

"No.. Sa Alaminos ako galing.. Sa Dagupan lang may saksayan papuntang Baler.." sagot nia..

"So nagta-travel ka talaga..?" tanong ko..

"Yes.. Lilibutin ko buong Pinas.."

"Wow! Sarap.."


"Nagaaral ka pa?" tanong nia ulet..

"Yep.."

"Where?"

"Ahmm.. This A.Y. (academic year) lilipat na ko sa UP.. LB.." syempre may konting angas yung pagkasabi ko..

"Wow! Really.. Anong course mo..?" tanong nia.. yareee.. Medio nakakahiyang sabihin.. hehehehe..

"Ah.. Eleectrical Engineering.. EE.." sabi ko.. hehehe..

"No waaaayyyy!!! Seryoso nga..? EE sa UPLB?" sabi nia.. Hah! Syempre since niyabangan ko na din lang siya, tinodo ko na.. At least yung kalahati totoo.. di ba..? Sa UPLB naman na talaga ako e..

"Yep.. Nilakad nung school ko na matransfer ako.." sabi ko..

"Ang galeeeng!! Magkikita tayo dun.. EE din ako.. Sa UPLB din.. anong year mo na..?"

Nagtayuan balahibo ko.. Tas pinagpawisan ako ng malamig.. Leche.. Minsan na lang akong magbida-bida, sablay pa..

"Ahhhhh.. 3rd year.."

"Talaga? Ang saya.. Baka maging classmates pa tayo.." she said.. And you can see the genuine smile from her.. The same way as you can see the genuine pawis and pamumutla ko.. Bakit ba kasi nagsinungaling pa ko..?

Nagkwentuhan pa kami along the way.. Hindi na namen namalayan na nasa Baler na pala kami.. Alas-dos na ng hapon.. Medio napahaba pala yung byahe namen..

Inalalayan ko siya pagkuha nung maleta nia.. Ako na din nagdala pababa..

"Hey.. Baka naaabala kita.. Ok lang ako.. Kaya kong humanap ng hotel.." sabi ko..

"Sure ka..? May alam kasi akong mura na magandang place.." she said..

"Dun ka din ba magsstay..?" tanong ko..

"Uu.. Gusto mo sabay ka saken magtour bukas.. Puntahan naten yung magagandang lugar dito.. Bukas.."

Actually, ayaw ko sana e.. Oo, pramis.. ayoko talagang sumama sa kania.. Pero, na-sales talk ako.. So labag man sa kalooban ko, sumama na rin ako.. Hehehe..

So ayun nga.. Napunta kami dito sa Alena Lodge.. Astiig.. Ang ganda nung place.. And mura nga.. 3days 2nights na din kinuha ko.. And nope.. Hindi kami magkasama sa room ni Ria.. Wag kayong anu jan..

Panalo yung room.. Naa-amaze ako.. Ganito pala feeling ng nagtatravel ng solo.. I mean, nakasama na ko sa ilang mga lakad before.. Pag may community works kami sa NSTP.. Last sem, nag-outing din kami sa school.. Lahat ng Agri students.. nagpunta kami ng Bulacan.. Pero iba yung ganito.. Yung sarili mong lakad.. Actually, DIY talaga plano ko e.. Kaso nga, bigla namang sumulpot 'to si Ria.. Ayoko naman talaga sanang may kasama e.. Oo, pramis.. Gusto kong mag-isa.. Kaso ayoko naman siyang mapahiya sa pag invite nia saken sa mga ganap nia..

After kong magbihis, lumabas ako ng lodge.. Naghanap ng makakainan.. May nakita akong pizza house.. Pugon Pizza.. Ang lupeeet!! Ang ganda nung place.. Parang bumalik ka sa medio sinaunang panahon.. Mga 1950's.. May turn table.. Tas puro sinaunang poster ng Coca-Cola at Pepsi yung nakalagay sa dingding.. Pramis, simula pa lang ng stay ko dito sa Baler, panalo na agad..

After kong kumain, nag gala-gala pa ako.. Nadaanan ko yung Museo de Baler.. Kaso sarado na..

So dumerecho ako sa dagat.. Wrong move.. May naalala ako bigla..

Bumalik na lang ako sa lodge.. Malapit na ding dumilim..

Humiga muna ako sa kama ko.. Pinipilit kong burahin lahat ng iniisip ko.. Lahat ng sama ng loob, lahat ng pait ng buhay.. Magsisimula ako ng bago.. Kakalimutan ko lahat.. Kaya ko 'tong mag-isa..

"Tok! Tok! Tok! Lorenz?" nadinig kong katok sa pinto.. I know it's Ria..

"Hey.. Watsap?" sabi ko.. Medio natulala ako pagbukas ko ng pinto.. Langya.. Naka-dress na si ate nio.. Floral na white.. Tas naka-headband.. Ang cute..

"Nag-dinner ka na?" she asked..

"Hindi pa naman.. Hindi pa ko gutom e.." automatic na sagot ko..

"Ay ganun? Yayain sana kita mag-dinner e.. Hindi ka pa pala gutom.." sabi nia..

"No! No.. Actually, kahapon pa ko hindi kumakain e.. Hihimatayin na nga ako sa gutom.. Tara.. Kain tayo.."

"Ang abnuy mo.." tas tumatawa siya ng mahinhin.. "Let's go.. May alam akong seafood resto.."

"Gusto mo ba magtricycle tayo or lakad na lang..? Medio malapit lang yun e..

"Sige.. Lakad na lang tayo.." sagot ko..

Mga 6:30pm na yun.. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim.. Pero eto malupet.. Ang laki at ang liwanag nung buwan.. Nakaharap samen na parang nagbibigay ng ilaw sa dinadaanan namen..

"Tingnan mo yung moon.." sabi nia.. So tumingala ako ng konte..

"Oo nga e.. Ang ganda pala ng buwan dito sa Baler.." sabi ko..

"Sira.. Magkaiba ba yung buwan dito tsaka sa Dagupan?"

"No.. I mean, this is the first time na naappreciate ko yung liwanag ng buwan.." sabinki..

"Really..? So dati, hindi mo naappreciate..?"

"Hindi gaano.. Or siguro.. Wala lang nakakapagsabi saken dati na maganda nga siya.."

"Sarap sana kung kasama mo gf mo 'no.. Tas maglalakad kayo under the moonlight.." sabi nia..

"E bakit hindi mo sinama boyfriend mo?" tanong ko.. Simple di ba?

"Dyusko.. Sana nga may boyfriend ako no?"

"You mean.. Wala kang boyfriend?"

"Wala nga.. Ikaw?" counter nia..

"Wala pa rin akong boyfriend e.. Wala pang nanliligaw saken.." sagot ko..

"Hahaha.. Ang baliw mo!!!" tas tumawa ulit siya.. Ang cute niang tumawa.. Bigay na bigay..

"Wait.. Don't tell me, gay ka.." sabi nia..

"Gusto mo ba? Gusto mo gay na lang ako?" sagot ko..

"Hahahaha.. Abnuy.. Hindi bagay sayo.. But seriously? Wala kang girlfriend?" tanong nia..

"Wala.. Never had.."

"Strict ang parents mo? Hahahaha.." ang kulit nia.. Pramis..

"Siguro.. Hindi ko alam.. Hahaha.."

"San pala bahay nio? Sa Dagupan?"

"Nope.. Sa Sison.." sagot ko..

"Nandun parents mo? Mga kapatid mo?"

"Ulila na ko e.. Wala din akong kapatid.."

"Oh my God.. I'm sorry.. Sorry Lorenz.." sabi nia.. Natigilan talaga siya.. Humawak siya sa braso ko..

"It's ok.." sabi ko..

"Sorry Lorenz.. Ang daldal ko kasi e.."

"It's ok.. Nu ka ba? Ganun talaga.."

And natahimik na kami haggang makarating kami dun sa sinasabi niang seafood house..

Umorder siya ng nilasing na hipon tsaka crabs.. Ako sisig lang.. Hehehe..

"What? Hindi ka magra-rice?" tanong ko..

"Uhmm.. Hindi ako nagra-rice.. Ang taba ko na e.. Diet-diet din.." sagot nia..

"Parang hindi naman.." sabi ko..

"Huii.. Diet talaga ako.. Grabe ka ha.."

"I mean.. Parang hindi ka naman mataba.."

"Hmpf! Bolero.. Kumain ka na jan.."

Pramis.. Ang lupet nung mga pagkain.. Ang sarap.. And natutuwa akong panoorin siyang kumain.. Isipin nio, ang gandang babae.. Naka-dress.. Pero nagkakamay.. And may instance pa na sinubo nia yung daliri nia para simutin yung sauce nung crab.. Nakaka-aliw siyang pagmasdan..

And ako, sobrang busog ko talaga.. Sulit na sulit..

Ako na nagbayad nung kinain namen.. Pinilit nia pang magshare kami pero hindi ako pumayag..

Mga 1hour din siguro kaming nagstay dun sa resto before we decided na bumalik na ng lodge..

Along the way, may nadaanan kaming 711..

"Gusto mong uminom?" she asked..

Napatingin ako sa kania.. Napangiti..

"Umiinom ka?" tanong ko..

"Uhmm.. Actually, hindi masyado.. Konti lang.. Parang ayoko pa kasing matulog e.."

"Ok.. Sige.. Bili tayo.." sabi ko..

Bumili nga kami.. Dalawang redhorse saken, isang sanmig apple sa kania.. Tas Piattos yung pulutan namen.. Orayt..

Direcho na kami sa patio nung lodge.. Panalo talaga kasi beachfront.. Ang lamig ng hangin.. Tas ang tahimik..

"Ang saya ko ngayon.." sabi nia..

"Baket?"

"First time kong magtravel na may makakasama ako.."

"What do you mean?"

"Palagi akong nagtatravel.. Usually pag sembreak or bakasyon.. Pero never pa kong nakakilala ng kagaya mo.. I mean, wala pa kong nakasamang kumain, magstroll sa isang place or even mag-inom like this.."

"Baket?"

"Ewan ko.. Dati naman may mga kumakausap saken na nakakasabay ko sa pagbyahe, pero parang hindi ko feel.. So inii-snob ko na lang sila.." kwento nia..

And napansin niang nakangiti ako sa kania..

"Ang yabang mo jan.. Kasalanan mo 'to e.."

"Bakeeet?"

"Nadale mo ko nung pa-polar bear polar bear mo.." sabi nia..

"Ahahaha.. Nakakahiya nga yun e.."

"No.. Ang cute nga e.. Hindi ko nagets agad ha.."

Around 9pm, naubos na namen yung binili namen..

"Hey.. You have to be up by 6am.. Breakfast muna tayo then start na ng tour by seven.."

"Yes ma'am.."

"Goodnight Polar Bear.." sabi nia..

"Gudnyt hotdog.." sagot ko..

"Anoooo?!" pinandilatan nia ako..

"Hehehe.. Joke lang.." naka-peace sign ako..

"Umayos ka ha.. Hindi ako hotdog.." sabi nia..

"I know.. Sige na.. Sleep ka na.." sabi ko..

Pagbalik ko sa room ko, nakangiti ako.. Seriously.. Nainlab na ba ako agad kay Ria? Not bad.. She's pretty.. Sarap pang kausap..

================================

A/N

Dahil dito sa lockdown na 'to, pati yung kwento ko gumugulo.. Hehehe..

Continue Reading

You'll Also Like

75.3K 5.7K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
102K 4.4K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...
190K 742 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...