My Miracle

By blueballoon19

137K 3.1K 753

They say everyone gets a miracle but I got Clyde. My Miracle. More

My Miracle
Chapter 1: Messing with Clyde Aiden Montero
Chapter 2: Stage 1
Chapter 3: Xerox
Chapter 4: Thank You
Chapter 5: Mulan
Chapter 6: Laws of Motion
Chapter 7: Riot
Chapter 8: Rescue
Chapter 9: Mark
Chapter 10: Asset
Chapter 11: His way of saying sorry
Chapter 12: Let me
Chapter 13: Be my date
Chapter 14: Set-up
Chapter 15 Unexpected Help
Chapter 16: True Intention
Chapter 17: Effort
Chapter 18: Jolt of Electricity
Chapter 19: About Sage
Chapter 20: Friends?
Chapter 21: Our First
Chapter 22: We're fine
Chapter 23: What are you doing to me?
Chapter 24: 30 Minutes
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Saving myself
Chapter 27: Desperate Move
Chapter 28: First One
Chapter 29: Proving his point
Chapter 30: Offer
Chapter 31: Everybody's Pain
Chapter 32: Cure
Chapter 33: All of me
Chapter 34: Us
Chapter 35: A little of his own
Chapter 36: Secret
Chapter 37: First Turning Point
Chapter 38: Brothers
Chapter 39: Soft spot
Chapter 40: I will
Chapter 41: Jethro
Chapter 42: What should I believe in?
Chapter 43: Wrong method
Chapter 44: Be there for me, Hannah
Chapter 45: The Prize
Chapter 46: He might not come back
Chapter 47: Losing his confidence
Chapter 48: MVP
Chapter 49: Change of Heart
Chapter 50: What I have become?
Chapter 51: By that time
Chapter 52: Cheating
Chapter 53: Clyde's Piece
Chapter 54: Should all be well?
Chapter 55: Water Lanterns
Chapter 56: Rebirth
Chapter 57: Going back to you
Chapter 58: The cost of loving him
Chapter 59: Absinthe
Chapter 60: The One who holds the stars
Chapter 61: I was made for loving you
Chapter 62: You Need Me
Chapter 64: Good night
Chapter 65: Maybe this time
Chapter 66: Safe place
Chapter 67: Winning her

Chapter 63: Helping hand

152 8 10
By blueballoon19

(Hannah's POV)

Nagpatuloy si Sage na bantayan ako buong gabi. Hindi niya na rin ako kinausap pagkatapos niya akong sabihan na pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko basta dito lang ako sa table na to at hindi gagala sa Casseiopeia ng ganito ang ayos.

Naiinis man ako pero hinayaan ko na masunod si Sage. Kailangan ko din tapusin ang mga assignments ko kaya kinuha ko narin yun na pagkakataon na gawin ang mga yun habang si Sage naman ay nakatulog na sa tabi ko.

Sobrang pagod siya simula kaninang umaga. Dumeretso siya sa airport para makita ako. Nakakawa ba? Hindi. Mas lalo akong naiinis kasi nakabuntot na naman siya sa akin. Hindi ko alam paano siya nakakatulog dito eh sobrang ingay. Ganun ba siya kapagod?

Lumapit sa akin si Ange nung napansin niya kami ni Sage. "Anong nangyari diyan kay Pogi? Lasing ba?"

"Hindi, natutulog. Sasama sama pa kasi dito." inis kong sabi kay Ange.

"Ikaw Hannah. Ang sweet kaya. From Manila hanggang dito sa Bacolod, para lang makita ka? Ganda ka teh?" sabay tawa ni Ange. 

Tinaasan ko siya ng kilay "Hindi ko alam anong gusto niya palabasin. Kung sa tingin niya mapapatawad ko siya, nagkakamali siya."

Hinawakan ni Ange yung kamay ko "Hannah"

"Ange, hindi mo na mababago ang isip ko. Walang makakapagbago ng isip ko." isa isa kong niligpit na ang mga gamit ko. "Dadaan pa ako ng ospital para magbayad. Pwede na siguro ako umalis. Papaalam ako kay Mamu"

"Eh paano si Sage?" nguso niya kay Sage na nasa tabi ko ngayon.

"Bahala siya diyan. Basta ako uuwi na. Huwag mo na siyang gisingin" tumayo ako at hindi na tinignan pa si Sage. Hindi ko na kailangan bantayan si Sage. Makakauwi siya once magising siya. 

Pagkatapos ko magpaalam kay Mamu ay agad akong nagpalit ng damit para makahabol sa last trip ng jeep pauwi sa amin. Kailangan ko pa dumaan ng ospital para magbayad para makapagpachemo na si Mama. Nung nasa jeep na ako, biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Sage na kailangan ko siya. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko iparamdam lahat ng sakit na dinadala ko ngayon. Pero sa totoo niyan, wala akong plano. Hindi ko alam kung alam ba ni Clyde na nagkita na ulit kami ni Sage. Alam niya rin ba na nasa Bacolod ako?

Bigla akong hindi makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Sa loob ng dalawang taon, ang gusto ko lang ay makaganti pero wala akong plano. Hindi ko din alam na darating si Sage. Pinapaliit niya ang mundo ko. 

Gusto ko siyang saktan pero hindi ko alam paano. Gusto kong makalapit kay Clyde pero paano ko gagamitin si Sage?

Tumunog yung cellphone ko. Nung una ay akala ko si Sage ang tumatawag pero unknown number pala.

"Hello?"

(Hello, Ms. Lim? Is this Ms. Hannah Lim?)

"Opo, sino po sila?"

"Ms. Lim. Ako po si Miriam from Metro Bacolod Hospital and Medical Center. Kayo po ang contact person ni Mam Lourdes Lim?"

Bigla akong nanigas. "Opo. Bakit po?"

(Sinugod po si Mrs. Lim dito. Nahimatay po siya sa labas ng bahay niyo dahil sa sobrang sakit ng katawan. Kung maari niyo po siyang puntahan?)

"Opo. Papunta na din po ako"

(Sige po mam. Naka-admit na po siya pero kailangan po niyong pirmahan ang mga papeles dito)

(Sige po. Dederetso na din po ako diyan. Salamat po)

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko. Niloloko na naman ata ako ng tadhana. Hindi naman siguro ako papapiliin ngayon diba?

Kasi dati nangyari to, pinili ko si Clyde at nagkamali ako.

(Sage's POV)

Nung naalimpungatan ako ay wala na si Hannah sa tabi ko. Bigla akong napatayo at napatingin sa paligid. Nakatulog ako dahil sa pagod. Nung nakita ko si Ange ay agad ko siyang nilapitan.

"Si Hannah?" napatitig lang si Angelu sa akin. Siguro kasi namumula pa ang mata ko ngayon na kakakusot ko lang.

"Umalis na siya Sage. Dadaan pa daw siyang Metro Bacolod Hospital. Pasensya ka na ha. Ayaw kasi ni Hannah na gisingin ka" kita ang awa sa mukha ni Angelu.

"Ayos lang. Walang problema. Tatawagan ko na lang siya" Lumabas ako ng Casseiopeia habang tinatawagan si Hannah. 

Alam ko naiinis siya sa akin sa mga ginagawa ko pero pag nagpaapekto ako sa mga ginagawa niya sigurado akong di niya maiintindihan na seryoso talagang nandito ako para sa kanya.

Hindi sumasagot si Hannah sa tawag ko. Tumawag ako ng Grab para dumeretso sa ospital. Bahala na kung mainis si Hannah pero ang gusto ko lang maihatid siya pauwi bago ako bumalik ng hotel.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero di siya nasagot. Pagdating ko ng ospital agad kong hinanap si Hannah pero sabi sa may counter ay kausap daw ang doctor. Kaya hinanap ko siya agad. Nung nasa may corridor ako kung saan ako tinuro nung nurse ay bigla akong kinabahan kasi di ko makita si Hannah. Andito kaya siya? Nagpaikot ikot pa ako sa may pasilyo nung may nakita akong babae na nakatalikod sa akin na kausap ang isang lalaking doktor.

Nung lumapit ako, nakita ko na si Hannah ang kausap nung doktor. Tinapik nung doktor yung kaliwang braso ni Hannah at umalis na ito. Papalapit na ako nung lumingon si Hannah sa gawi ko. Napahinto ako nung nakita ko yung ayos ni Hannah. Umiiyak siya ngayon. 

At nung nagtama ang mga mata namin ay mas lalo pa siyang naiyak.

Agad akong napalapit sa kanya para yakapin siya. 

"Hey, andito na ako"

Hindi nagsalita si Hannah at nagpatuloy lang siya sa pagiyak. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya. Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya at hinimas ko ang ulo niya. Pero si Hannah, hindi siya gumanti sa yakap ko. 

Naguguluhan ako sa nangyayari sa kanya. Ano ang sinabi ng doktor sa kanya? Hindi ko maitanong. Wala akong magawa kundi yakapin siya.

Maya maya lang ay dahan dahan akong tinulak ni Hannah papalayo sa kanya. Kasabay nito ay pinunasan niya ang mga mata niya. 

"Hannah, anong nangyari?"

"Sage, ayos lang ako. Umuwi ka na."

"Hannah, anong problema? Sabihin mo sa akin"

Tinignan ako ni Hannah ng matalim "Hindi ka namin kapamilya. Hindi mo kailangan malaman ang mga problema ko. Umalis ka na sabi" 

Papaalis na si Hannah pero hinawakan ko ang kamay niya. "Hannah. Please. Gusto kong makatulong sayo"

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?!" sigaw sa akin ni Hannah. "Hindi ka namin kapamilya. Problema ko to kaya pwede ba?!" hinila ni Hannah yung kamay niya at umalis siya. Nagdahan dahan siyang maglakad. Humawak siya sa may pader para alalayan ang sarili niya kaso bigla siyang na-out of balance at napaupo sa may upuan sa may ospital.

Tinakpan niya ang mukha niya at umiiyak na naman. Hindi ko kaya siyang tiisin. Kahit na sabihin niya na umalis na ako ay hindi ko kaya siyang iwan ngayon.

Nilapitan ko siya at linuhod ko ang isa kong tuhod para maabot ko ang tingin niya sa harap ko.

"Hannah, sabihin mo sa akin. Baka makatulong ako"

Sinisipon na si Hannah kakaiyak. Pinunasan niya ang mga mata niya at inayos ang sarili bago tumingin ulit sa akin.

"Bakit ka ba nandito?" tanong sa akin ni Hannah

"Para sayo." seryoso kong sabi kay Hannah.

"Bakit ka andito? " tanong ulit ni Hannah

" Andito ako para sayo, Hannah" umiling ang ulo ni Hannah

"Bakit ka nga nandito? Anong pakay mo?" frustrated na ang itsura ni Hannah. 

"Kasi gusto kong makabawi sayo. Sa lahat ng nangyari. Gusto kitang tulungan"

"Sage hindi mo ako sinasagot ng maayos. Anong laro tong gusto mo? Ipaalam mo na sa akin para malaman ko ano dapat kong gawin"

"Walang laro Hannah. Sorry kung na-late ako. Sorry kung hindi ako mapagkakatiwalaan. Pero Hannah totoo ang sinasabi ko sayo. Andito ako para sayo. Sana hayaan mo ako bumalik ako sa buhay mo"

Sinubukan ni Hannah na ngumiti. "Tang ina Sage. Alam mo anong gusto kong gawin sayo? Gusto kitang saktan." Sinuntok niya ang kaliwang dibdib ko. "Gusto kong ilipat sayo lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon." Tumulo na naman ang mga luha niya.

"Bakit hindi?" Hinawakan ko ang kanang pisngi niya "Ilipat mo sa akin yang dinadala mo. Andito ako. Andito lang ako. Di ako aalis, Hannah. Naririnig mo ba? Di ako aalis"

Tinitigan ako ni Hannah pero di na siya nagsalita. Sana mabasa niya sa mga mata ko na totoo ang mga sinasabi ko. Alam ko  sa sarili ko na ito ang isa mga pagkakataon sa buhay ko na siguradong sigurado ako sa mga sinasabi ko.

Maya maya lang ay tumayo na si Hannah. Iiwan niya sana ako nung bigla siyang huminto at napahawak sa ulo niya. Tumayo agad ako at lumapit sa kanya. Bumagsak si Hannah at agad ko siyang sinalo. 

"Hannah, anong nangyayari sayo?" tinapik ko yung pisngi niya "Hannah"

Binuhat ko si Hannah at agad akong lumapit sa nurse na nakita ko. Agad naman nilang kinuha sa akin si Hannah at chineck siya habang ako nagaantay sa labas ng kwarto. Wala akong magawa kundi magantay. I feel hopeless.Mga trenta minutos ko din inintay nung tinawag ako nung nurse.

Mamaya lang din ay nakapasok na ako sa kwarto kung nasaan si Hannah. Nahimatay lang daw si Hannah dahil sa fatigue. Yun ang sabi nung doktor na tumingin sa kanya. Ngayong nakikita ko na si Hannah, kitang kita na ang putla niya. Pansin ko na din dati na ang laki ng pinayat niya. Bugbog sarado siya sa pagtratrabaho at pagaaral ay di niya na naaalagaan ang sarili niya.

Pinatulog muna nila si Hannah at nilagyan ng dextrose para sa vitamins na kailangan ng katawan niya. Umupo ako sa tabi ng hinihigaan niya. Inabot ko yung kamay ni Hannah at hinawakan yun. Eto yung kamay niya na may peklat sa may palapulsuhan. 

Aaminin ko natakot ako nung nawalan siya ng malay. Na-realize ko nung simula kong makita ulit si Hannah mas lalo akong natakot na baka mawala na naman siya sa akin. 

Tinitigan ko yung mukha ni Hannah. Natatakot ako, Hannah. Kakakita ko palang sayo. Mas lalo ko tuloy gustong bantayan ka, at alagaan ka. Ipaparamdam ko sayo na mahalaga ka sa akin. 

"Hayaan mo na ako na bumalik sa buhay mo Hannah." Hinalikan ko yung kamay niya "Please"

(Anton's POV)

Naaalala ko tong ayos ni Clyde na nasa harap ko. Ganitong ganito din ang ayos niya dati nung simulan niyang pasanin ang mga problema niya. Alam kong di niya gustong saktan si Hannah. Its just that he has left no choice.

"Ano? Titignan mo lang ba ako? You are going back to Manila tomorrow night diba? So why not let us own the night? Drinks on me" ngumiti si Clyde at tumayo. Inabot niya ang kamay niya sa akin.

Kinuha ko yung kamay niya para makatayo. I know Clyde just wanted to mask his feelings. He is aware that Sage wants to do everything to be in Hannah's life again at eto siya nagpapanggap na kaya niya.

If he will be given a chance, he will do anything in his might to run to Hannah.

We went straight to a club in Singapore. Sabi ni Clyde, ang pinakamaganda puntahan dito ay ang Altitude Night Club. Chinat ko na lang si Migs na tatawagan ko siya bukas at sasamahan muna si Clyde. Pagpunta namin sa Altitude ay madami kaagad ang bumati kay Clyde. He seems famous sa club na to. Siguro he is a regular in this club.

"Ton, Jack and Coke?" dumeretso siya at umorder sa waiter. "Alam ko hindi ka na madalas uminom. But then all your drinks are on the house"

Magulo ang lugar dahil sa dami ng nagsasayawan. Jumpacked ang mga tao pero maganda ang lugar. Inabot sa akin ni Clyde ang order ko at nagoffer ng toast. Nakipagtoast ako sabay kaming uminom ang Jack and Coke namin.

Dumeretso si Clyde sa may gitna ng bar. Tinawag niya ako pero tinaas ko lang ang baso ko at uminom. Ayokong sumayaw ngayon. Wala ako sa mood kaya hinayaan ko na lang si Clyde.

Matagal din nagbabad si Clyde kung saan ang daming nagsasayaw ngayon. Lumipat ako sa pwesto kung saan tanaw ang buong Singapore. Hindi ganun kaingay at hindi rin ganun kagulo. Andito yung ibang tao para magusap.

I am here in Singapore to convince Clyde to face his dilemma. Dalawang taon na din siyang nagpakalayo. Pero kahit hindi pa bumabalik si Clyde ng Pilipinas, lagi siyang nauuna sa balita kay Hannah. Hindi ko alam paano niya nalalaman yung mga balita na hindi ko sinasabi sa kanya. I never dare to ask. Tatlong beses pa lang siya tumawag sa akin sa loob ng 2 taon.

Unang tawag niya, its an overseas call at fucking 2:30 am in the morning. He is definitely drunk at that time. He was asking me to deposit all his money to Hannah's account for the cancer treatment of her mother.

"I dont need that fucking money, Anton. Si Hannah kailangan niya yun." Paulit ulit siya at pinakinggan ko lang siya. Hindi niya din tinuloy ang pagdeposit ng pera kasi ayaw niyang malaman ni Hannah na siya ang nagbigay nun.

One time tumawag siya. Nung sinagot ko yung tawag minura niya lang ako for not telling him that Hannah is working on a night club in Bacolod. Galit na galit siya at pinagmumura lang ako. Tumigil lang siya nung binara ko siya na he can stop her if he will just talk to her. In-end agad ni Clyde yung tawag.

The last time he called he sounded like dead meat. "Nahanap na ni Sage si Hannah. Is he fucking serious, Anton? Did he not get it? I do not want Hannah to remember how we fucked her life. How I fucked her life. Tell him to stay where he belongs."

Clyde is the real one who is fucked up. Hindi si Hannah. Hannah moved on. Si Clyde? He stayed in his past. Blaming himself for what happened to everyone.

"ANTOOOOON! WOOOOH!" Lumapit sa akin si Clyde "Anong ginagawa mo dito? We are here to party. Man-up!"

Ngumiti ako kay Clyde. "I am with my dink."

"The proper mannered Anton. You are still boring" tumawa si Clyde at ininom niya ang hawak na niya ngayon na Gin Negroni. Ininom ni Clyde yun in one shot. He is definitely drunk.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita "Nobody understands me"

Tumingin ako kay Clyde na siya ngayong nakangiti sa akin. "Narinig mo ako Anton?" Binaling ni Clyde ang tingin niya sa tanawin ng Singapore. Bigla siyang tumingala at sumigaw "NOBODY UNDERSTANDS MEEEE!!!!"

Napaayos ako ng tindig. Hindi ko akalain gagawin ni Clyde yun. Walang namang pumansin sa ginawa ni Clyde pero marami na talaga siyang nainom. Umakbay sa akin si Clyde habang natatawa "A-lam ko anong gus-to mo mangya-ri. Sorry Ton" tinapik niya ang dibdib ko gamit ang baso na hawak niya "I... will n-ot let that ha-ppen"

"Umuwi na tayo" Inalalayan ko siya kasi anytime feeling ko gegewang siya at maa-out of balance.

"No" tabig niya sa kamay ko "Wait. You.. Anton..are not listen-ing. Hin-di ko makalimu-tan si Hannah" binagsak ni Clyde yung baso na hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Kita ko na lang kung paano dumudugo yung kamay niya ngayon. Pinagtinginan kami ng mga tao pero tinaas ko ang aking mga kamay to say that we are good.

"Lets go back to your condo. Ang dami mo nang nainom" Binuhat ko si Clyde pero ayaw niya pang umalis at lalo siyang nagpabigat. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko ng mahigpit.

"G-ets mo ba? H-indi ko siya ma-kalimutan. Si H-annah, Anton. Si Ha-nnah, hindi ko si-ya maka-limutan"

Bumagsak siya at napayakap sa akin. Tumatawa ulit si Clyde.

"Control yourself, Clyde." matalim kong sabi sa kanya

Hinawakan ni Clyde ang mukha ko. "You are the man, Anton! The boring but competent man. Pe-ro k-aya ko ang sa-rili ko." Kumalas si Clyde sa akin at pinilit na makatayo.

Dahan dahan siyang lumapit sa may railings. Humawak siya dun para makatayo "HANNAAAAH!" sigaw ni Clyde at muling tumawa. Tumabi ako sa kanya dahil narin sa pinagtitinginan na kami ng mga tao. "HANNAAAHHH!"

Bumagsak na napaupo si Clyde sa may railings. This time hindi na siya tumatawa at tinitignan niya ang kamay niya na dumudugo. "Hannah. Fuck. I am fucked"

He is at his lowest again.

Inalalayan ko si Clyde na hindi na nagmatigas ngayon. Sinakay ko siya sa may taxi habang nasa unahan ako katabi ng driver. Nakahiga si Clyde sa may likod ng taxi. I am the bearer of the bad news for Clyde. Hindi alam ni Hannah pero hanggang ngayon sinisingil niya si Clyde sa mga kasalanan nito sa kanya.

Nakarating na kami ng condo ni Clyde at hindi na talaga siya makalakad ng ayos sa kalasingan. Inalalayan ko siya pagkatapos kong magbayad sa taxi driver.

"Where are your keys?" kausap ko kay Clyde.

Hindi siya nagsalita pero agad niyang pinindot ang doorbell ng limang ulit na sunod sunod.

Nagtaka ako sa ginawa ni Clyde pero maya maya lang ay bumukas ang pintuan ng Condo niya.

Nabigla ako sa nagbukas ng pinto. "Clyde, anong nangyari sayo? Bakit nadugo yung kamay mo" isang babae ang lumapit kay Clyde para tulungan ako na alalayan siya. Hindi agad ako nakakilos dahil nakatingin ako dun sa babaeng lumapit sa amin.

Tumingin siya sa akin "Ipasok na natin siya?"

Dun lang ako natauhan kaya kumilos agad ako na ipasok si Clyde at ihiga siya sa may kama niya. Lumapit sa akin yung babae.

"Thank you sa paghatid kay Clyde. Tinawagan niya ako that he will be late. May dinner pa naman kami." Halatang disappointed siya sa nangyari kay Clyde. Wala akong nagawa kundi titigan siya.

Kaya ako nabigla kanina dahil akala ko sino ang nakita ko na lumabas nung pinto.

"May I know your name? I am Pauline" nilahad niya ang kamay niya sa akin at ngumiti.

Sabi na eh. Hindi ako nagkakamali.

Nung ngumiti si Pauline. Isa lang naalala ko.

Hawig niya si Hannah.

Maybe since running to Hannah is not an option for Clyde. He took a U-turn to someone who can make her memories alive without hurting her.

Running to Hannah is not his last option. It was not even an option. Siguro dahil andito si Pauline o kaya dahil kay Clare. Because Clyde's hands are full of Clare's blood. And not running to Hannah is the only thing he can do right for Clare.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...