Hold Me Close (Azucarera Seri...

Oleh jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... Lebih Banyak

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 36

491K 30K 29.2K
Oleh jonaxx

Kabanata 36

Playboy


Hindi ko alam paano ako nakatulog sa gabing iyon. Umuwi rin naman si Alvaro at hindi na nagtagal pero nanatili ang isipan ko sa kanya kahit nasa kuwarto at nakahiga na.

Ako:

Magdadala ako ng pagkain para bukas.

Alvaro:

Huwag na, Yohan. Naplano na ni Mama ang mga lulutuin bukas. Kaya ayos lang.

Ako:

Nakakahiya kasi na pumunta na wala man lang dala.

Alvaro:

Ako naman ang nanliligaw sa'yo at bibisita ka lang sa amin. Hayaan mo na na kami ang maghanda. Ayos lang 'yan.

I pursed my lips as I read his words. Ang galing galing niya talagang gumamit ng mga salita. Kaya naman noon, kilala talaga siya. He's friendly to everyone that's why I understand why girls of different age and status are crazy for him. He's a smooth talker and it's easy to feel like you're special when he throws in some jokes for you.

Matagal na iyon at maaaring hindi niya na gaanong nagawa sa nagdaang panahon pero halata pa rin ngayon.

I smirked. Meanwhile, I only learned those skills to survive. Makikisalamuha lang, hindi gaya niyang maayos talagang makisama.

I think it's really a valid reason to be scared of a relationship with him. But then his principles always make up for that. Kahit pa friendly siya sa lahat, wala rin naman sa prinsipyo niya ang mambabae o manloko kaya... ngumiti ako.

What am I doing thinking about him this late at night?

Ganoon din kinabukasan sa trabaho. Hindi ko matuloy-tuloy ang isang importanteng tawag dahil masyadong maraming iniisip.

Papunta na ako sa shelter. Maaga pa kaya naisipan kong bumili na lang ng merienda sa cafe.

Tahimik akong pumasok. Binati naman ng mga nandoon. Dumiretso na ako sa counter para sa take out pero nagulat ako nang nakita ko si Tita Ana roon.

Tinatanggap niya na ang binili niya samantalang pipila pa ako sa likod niya. Kinabahan ako bigla.

Alam kong hinamon ko si Alvaro na pumunta sa kanila ngayon. Pupunta nga ako pero sa saya ko sa pag-iisip sa kanya, nakalimutan ko yata kung ano talaga ang makakaharap ko. I realized how awkward it will be to be with them, especially Tita Ana.

Paglingon niya para umalis ay nakita niya ako. Tinanong na ako kung anong order ko pero sa kaba ko, yumuko na lang ako nang nasalubong si Tita.

"M-Magandang hapon po."

She was shocked to see me, too. May kantandaan na si Tita Ana pero bakas ang kagandahan nito noon kahit may mga kulubot na sa mukha. Her hair is gray, a mixture of white and black, and her movements were graceful. I remember that day when she scolded me for coming to their house. At ilang beses ko mang narinig na okay lang siya sa akin ngayon, hindi ko pa rin maiaalis ang kaba ko. She's a fine woman, for her to lose her cool on me like that is something that's worth noting.

"Y-Yohan? Magandang hapon din."

She smiled a bit.

"Ah..." she chuckled. "Bumili ako ng panghimagas mamaya. Magluluto sana ako kaso nirequest na ni Gen na bumili ako rito nito."

I smiled. "Bukas ang dating niya ng umaga. Si Gilbert sa susunod na buwan, kasama ang pamilya. Bakasyon."

I nodded awkwardly and didn't know what's next.

"Yohan, ilista ko na lang ang order mo. Maupo muna kayo," lahad ng manager sabay muwestra sa pangdalawahang lamesa.

I was about to say no for Tita Ana. I don't think she'd want to stay with me or what pero nagulat ako nang tumango siya.

"Umupo muna tayo, hija," anito.

I dropped my orders and quickly paid. Naupo na si Tita Ana at nahihiya naman akong lumapit sa lamesa. Inaayos pa ang order ko at naghihintay na lang.

"Nasabi na ni Alvaro na bibisita ka mamaya." She's watching me intently.

"Opo."

She nodded. "Hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataong mag-usap, hija. Kahit noong ibinalita ang kabutihang ginawa mo. Inimbita ko naman si Amanda sa bahay ng ilang beses pero mukhang masyado kayong abala para pumunta."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam iyon. But knowing Tita Amanda, she's not that bad but she's a snob. She still has prejudices over status. Ngayon lang naman siya medyo umayos pagkatapos makilala ng husto si Romulo kaya... siguro hindi niya na rin nabanggit sa akin.

"Hindi ko po alam... s-siguro, hindi na nasabi ni Tita."

"Siguro nga pero kung diniretso ko ba sa'yo, bibisita ka ba?"

Nabitin sa ere ang sagot ko dahil ayaw kong magsinungaling. Sa totoo lang, hindi.

She smiled wearily. "Naiintindihan ko."

I nodded.

"Alam mo, hija. Sa totoo lang, nagsisisi ako sa mga nasabi ko sa'yo sa araw na iyon."

Natigilan ako at hindi na nagsalita dahil gustong marinig ang kabuuan. I have my own points but also, it's better to hear it, too.

"Ilang taon ko rin kasing kinimkim ang galit ko kay Enrique. Sa ngayon, alam mo na naman siguro ang ginawa niya sa amin ng Tito mo."

I nodded then.

I recalled how shocked I was when I knew about it. Magkasosyo si Daddy at si Tito Carmelo kaya kami malapit noon sa mga Santander. Tito's land is beside ours. At nakumbinsi siya ni Daddy na sumugal sa negosyong tubuhan. At noong lumago na, niloko siya ni Daddy at sinabing nalulugi kaya kailangan niyang bayaran ang mga lugi ni Daddy.

Tito Carmelo  didn't know what to do. Hanggang sa nabalitaan niya na lang na kukunin na ng bangko ang lupain dahil sa utang na tinukoy ni Daddy. Kalaunan, tinubos iyon ni Daddy kaya nang nagkausap sila at hindi binawi ni Daddy ang ginawa, inatake si Tito at doon na nagsimula ang lahat.

Daddy didn't lose or spend a dime. He really fooled the Santanders.

"Noong pumunta po kasi ako, hindi ko pa alam na ganoon ang ginawa ni Daddy sa inyo."

"Naisip ko rin naman iyon pero siguro sa kinimkim na galit, hindi ko na nagamit ng husto ang isipan ko. Tuwing nakikita kita noon, naaalala ko ang nagawa ni Enrique sa aming pamilya."

My eyes heated. I nodded. I understood but I sometimes really couldn't connect everything. My father who I loved so much is an evil man.

"Matayog ang mga pangarap ng magkapatid. At dahil hindi makapagtrabaho ang Tito mo at ni walang pera na nakuha galing sa ginawa ni Enrique, napilitan ang mga batang magtrabaho kasama ko sa mga Alcazar. Pangarap ni Gen na mag abogasya, si Gilbert naman mamarko. Mahirap at madilim ang buhay na iyon noon kaya naman matindi ang galit ko sa mga Valiente, hija. Sa'yo..."

"I understand. Kahit naman po ako, nagalit sa nagawa ni Daddy sa inyo."

"Tuwing naririnig ko sa mga kaibigan ni Alvaro na humahanga ka raw sa kanya, lagi ko siyang pinagsasabihan na huwag maging malapit sa'yo dahil insulto iyon para sa amin."

I remember Alvaro not letting me come to their house before. This must be it.

"Kaya noong bumisita ka, huling taon ni Alvaro sa PMA, at karirinig ko lang ng kuwentuhan tungkol sa'yo, nagalit pa lalo ako. Pakiramdam ko isang Valiente na naman ang sisira sa pangarap ng anak ko."

I shook my head, pained by her words.

"Kaya humihingi ako ng tawad. Hindi dapat kita hinusgahan. Hindi ko naisip na bata ka pa at baka hindi mo alam ang nangyari."

"Naiintindihan ko po. Kung ako naman po siguro ang nasa lugar ninyo, magagalit din po ako. It's a natural human reaction," I said very determined.

Nasaktan ako noong narinig ko ang mga salita niya noon pero kalaunan, nalaman ko na may dahilan siya.

"Malaking sampal sa akin iyon noong ibinalik mo ang lupa ng walang kapalit. Doon pa lang ako natauhan. Dahilan kung bakit hindi ko pinaalam kay Alvaro ang ginawa mo dahil pakiramdam ko, may mali sa nangyari noon."

"Wala pong mali doon. Ginawa ko lang naman po kung anong dapat. Inayos ang pagkakamali ni Dad."

"Hindi mo pagkakamali iyon. At nasaktan kita, pero ikaw pa rin ang nag-ayos sa lahat. Kaya salamat... at pasensiya na sa mga sinabi ko noon, hija."

I nodded. Hindi na ako makapagsalita dahil sa bukol sa lalamunan. I couldn't even breathe properly.

"Ilang beses na gusto kitang makausap, sa mga event n'yo o kung nakikita kita sa bayan. Pero ngayon pa lang yata napaunlakan iyon. Ngayon pa talaga na bibisita ka mamaya."

Itinawa ko ang sikip ng dibdib ko. She smiled, too.

"Napansin ko na sa mga beses na sinusubukan kong lumapit sa'yo, umiiwas ka at naiintindihan ko iyon. Siguro, natatakot ka sa akin." She smiled again.

"H-Hindi naman po," nahihiya kong sinabi. Ayaw kong aminin.

"Pasensiya na, hija. Sana mapatawad mo ako sa nangyari noon."

I swallowed hard.

"Alam ko rin na wala sa lugar kong sasabihin ito pero... boto ako sa'yo para kay Alvaro."

Namilog ang mga mata ko, hindi inasahan iyon. She laughed a bit.

"Wala sa lugar dahil isa kang Valiente, pero gusto ko lang ipaalam sa'yo. Hindi kami kasing yaman n'yo pero yaman ko ang mga anak ko. Naging matatag sila at nagtagumpay kahit mahirap lang. Mahihirapan akong mamili ng babae para sa bunso ko, kaya ngayon pa lang, gusto kong malaman mo na gusto kita para sa kanya."

Uminit ang pisngi ko. Hindi na ako makapagsalita. Ang matandang ginang ay mas lalong lumapad ang ngisi. Pakiramdam ko tuloy alam niya ang hiyang nararamdaman ko.

"Narinig ko nitong nakaraan na inaasar nina Levi si Alvaro, nabasted mo raw. Wala naman akong problema kung ayaw mo sa kanya. Pero baka lang kasi iniisip mong may iba akong gusto para sa kanya, o na hindi kita gusto para sa kanya..." she shook her head. "Pinagsisihan ko ang mga nasabi ko sa'yo noon, at hindi man makakalimutan ang ginawa ni Enrique, mas lalong hindi makakalimutan ang nagawa mo."

My eyes watered at that. I didn't know why I feel so touched by her words.

"Nahimigan ko rin kay Alvaro na pinagdududahan ng iba na si Margaux ang gusto niya, kaya ayaw niya nang bumisita ito. Nag-uusap na lang din tayo ngayon, ilalakad ko na ang anak ko."

Napasinghap ako. Hindi ko na alam saan hahanapin ang mga salita.

"Mapaglaro at mapagbiro iyon, pero ilang taong hindi nagkagirlfriend o babae man lang. Babad sa trabaho at tuwing tinatanong tungkol diyan, iniiwasan lang. Kay Gen ko lang nalaman na ikaw ang gusto. Nagtatanong lagi tuwing tumatawag galing sa misyon. Ikaw ang kinukumusta tuwing umuuwi ang ate sa Altagracia." She chuckled.

Dahan-dahan, napawi ang halakhak niya at ngumiti siya. Hinawakan ni Tita Ana ang kamay ko.

"Pero ano man ang desisyon mo, sana malaman mo na wala akong galikt sa'yo, hija. Welcome ka lagi sa amin kahit pa tanggihan mo si Alvaro... Malaki ang utang na loob ko sa'yo."

"T-Thank you po," I stammered as my tears fell.

I wiped them away. Nilapag ng manager ang order ko sa lamesa. Hindi na ako nagkaroon ng panahong hagilapin ang nararamdaman ko dahil doon. Pinalis ko na lang ang luha ko. Nakangiti naman si Tita Ana at iminuwestra na rin sa akin ang pagkain.

"Para ba 'yan sa staff mo?" she changed the topic the reason why I gasped and nodded.

"U-Uuwi na po ba kayo?" I asked when she stood.

"May bibilhin pa ako para mamaya," iminuwestra niya ang isang multicab na madalas kong makitang nakaparking noon sa bahay nina Alvaro.

"Sige po," sambit ko at kinuha na ang order at tumayo.

Sabay kaming lumabas. Kinausap niya na ang binatilyong nasa labas samantalang nakatingin na ako sa sasakyan.

"Wala ka bang bodyguard?" she asked when she noticed that I was alone.

"Tinanggal na po... p-pagkatapos mahuli nina Alvaro iyong suspect."

Umiling siya. "Sana pinatagal mo pa."

"Malapit lang din naman po ang shelter at may security guard na kami roon at sa building."

Nagpaalam na ako. Ang ginang naman ay pinagmasdan pa muna ang pag-alis ng sasakyan ko.

Nang nakarating tuloy sa shelter, lutang na naman ako. Abala pa naman kami dahil maraming rescue na dumating. At panay ang tingin ni Chantal sa mga iyon at supervise na rin sa mgaa trainees.

It was past four when Alvaro came in. I sighed when I saw him bringing food again for the staff. May brown paper bag sa kamay niya at nilapag sa counter.

He's wearing a green t-shirt, with a bottom his BDA. Hindi na nag-abalang umuwi at dumiretso na yata agad dito. He looked breathtaking in his attire like that. I suddenly smiled when I remember what I just bought a while ago.

"Para sa'yo at sa staff," may nagbabanta nang ngisi sa kanyang labi.

"Nakabili na ako ng merienda, Alvaro. Hindi ba sabi ko sa'yo, may budget kami niyan?"

He smirked. "Na late nga ako e kaya softdrinks na ang binili ko."

I sighed. Well, I didn't buy drinks. Natagalan tuloy ang pagpapasalamat ko. Tinitigan ko pa iyon.

"Good afternoon, Captain!" si Chantal.

"Good afternoon, doc. Bumibisita lang sa nililigawan ko," si Alvaro.

I shook my head but as smile is already spreading on my lips. Kinuha ko ang paper bag at tiningnan ang loob. Narinig ko ang tawa ni Chantal.

"Diskarte ba? Naku, ayusin mo at buong bayan pa naman ang may alam na basted ka!"

Mas lalong kumunot ang noo ko nang nakita. Pare-parehong coke iyon pero may isa roong mas malaki sa iba. May nakalagay pang naka marker "Para sa mahal ko".

Damn this playboy!

Nilingon ko siya, nakasimangot pero pinipilit namang huwag ngumiti. He winked at me while he's talking to Chantal. Umiling ako at tinabi na lang ang malaking softdrinks bago pa makita ng staff na pagbibigyan.

Umalis ako para ilapag iyon sa lamesa ng mga staff. Sumunod naman si Chantal na kung wala yatang ide-deworm ay makikisali sa pang-aasar.

Alvaro was smirking at me when I came back at the counter. Nakahawak na siya kay Garfield ngayon.

"Kailan ba ang alis ng Tita at Tito mo? Ibabalik mo na si Garfield sa inyo?"

"Tumulak na sila kanina pero bukas ko na lang iuuwi si Garfield. Iniisip ko malulungkot siya roon dahil mag-isa siya."

His eyes narrowed. "Niyaya mo bang ilagay ko rin si Kuring at Cheshire doon, Yohan?"

"Akala ko ba nagkasundo tayo na ganoon ang mangyayari?"

He was genuinely concerned now hut his eyebrow raised.

"Pero bibisita ako lagi?"

I sighed. E, hindi pa ba ganito ang ginagawa niya?

"O sige."

He smiled and put Garfield down on the counter.

"Nagkita nga pala kami ni Tita Ana sa cafe."

Nilingon niya agad ako. "Talaga?"

"Oo. Nag-usap kami."

His brow raised again for an unsaid question.

"Tungkol lang sa nakaraan. Uh... nagkaliwanagan lang sa mga bagay."

"Gusto ka niyang imbitahan para makahingi ng tawad sa nasabi niya noon. Nasabi niya ba?"

Ayaw ko na sanang banggitin. Hindi ko inakala na alam ni Alvaro iyon.

"Uh. Oo."

"Mabuti naman. At..." his lips stretched. "Sinabi niya rin ba na guwapo ako?"

Sinimangutan ko agad siya. Parang nawala bigla ang seryosong usapan namin ni Tita kanina sa cafe dahil sa singit niya.

He chuckled. "Biro lang. Sinabi niya kasi ilalakad niya ako sa'yo..."

Hindi ko tuloy napigilan ang halakhak.

Just like that, my scared heart became braver. Tinanaw ko siya pagkatapos ng ilang sandali. Nasa upuan na siya kasam si Garfield. He really looked so attractive in his uniform.

Nag-ayos ako dahil iniisip na magyayaya na na umalis na ngayon. I was busy on my mirror when I heard him talking to Garfield.

"Ang ganda ng mommy mo, Garfield. May pag-asa kaya ang guwapo mong Daddy?"

Napadabog kong sarado ang compact cc cream ko sa biglang pag-init ng pisngi. Napatingin siya, alam na narinig ko ang bulong-bulong niya sa pusa. He smirked and stood.

"Ewan ko sa'yo, Alvaro," sabi ko pero hindi ko na mapigilan ang ngiti.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
64.3K 4.3K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
389K 20.4K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.