Tattooed Soul (UNEDITED)

By sheyndreams

3.6K 1K 265

UNEDITED Xeres Nathalia Sandoval is just a simple girl wanting to feel loved. She only wish for a love that i... More

Medial
Uno
Dos
Tres
Kwatro
Singko
Sais
Siyete
Otso
Nwebe
Diyes
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisyete
Disiotso
Disinwebe
Bente
Bente Uno
Bente Dos
Bente Tres
Bente Kwatro
Bente Singko
Bente Sais
Bente Siyete
Finale
Tattooed Note

Disisais

87 23 9
By sheyndreams

Nakatulala ako sa kwarto ko. Hindi ko pa sinasabi kahit kanino na buntis ako. Kaming dalawa lamang ni Luther ang nakakaalam.

Hinaplos ko ang aking tiyan. May buhay nang nabubuo sa tiyan ko.

Hindi ako makapaniwala.

Ayokong maniwala.

Pinigilan kong umiyak kaya lang ay masyado nang mabigat ang nararamdaman ko. Tahimik akong humahagulgol sa kwarto, natatakot na marinig ng kahit sino.

Hindi pa ako handa. Bata pa ako.

Binulungan naman ako ng konsensya ko.

Ginusto mo iyan, Xena.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito.

Luther:

Kumain ka na ba? Huwag kang magpapagutom. Inumin mo ang mga vitamins mo.

Nandito si Aki. Gusto ko siyang kausapin.

Sabihin mo na sa kanya.

Malapit ko na siyang suntukin!

Napangiti ako. Kahit paano ay mayroon pa rin naman palang concern sa akin.

Natatakot akong lumabas ng kwarto. Natatakot akong mahalata nina Tita Maddie na may nagbago sa akin.

Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Mama.

Natatakot akong maging disappointment sa mga tao sa paligid ko.

Napatingin naman ako sa dalawang pregnancy test kit sa kamay ko. Noong una ay ayaw ko pang maniwala sa doktor kaya sinubukan kong mag-test.

Two lines.

Positive.

Malinaw.

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang pagkawala ng hikbi. Napapagod na akong umiyak.

Pwede bang time out muna?

Kaya lang ay wala ako sa laro, hindi ito laro.

Ang buhay ay walang pause. Walang rewind o fastfoward.

Life.

Akala ko madali lang ang buhay.

Akala ko din masaya ito.

Pero habang lumilipas ang panahon, sa bawat pagkalagas ng dahon at sa bawat pag-usad ng oras ay unti-unti akong namumulat sa reyalidad ng buhay.

Lumaki akong naghahanap ng atensyon at pagmamahal sa ibang bagay. Pakiramdam ko 'yong pagmamahal na hindi ko nakuha sa pamilya ko ay makikita ko sa ibang tao.

Kaya nga kahit pekeng kaibigan at kasinungalingang pagmamahal ay pinapatulan ko. Gusto ko kasing maramdaman na tanggap ako.

Pero mali pala. Maling-mali.

"Huwag mo akong iwan, parang awa mo na," nagmamakaawa kong saad.

Kumapit ako sa mga braso ni Aki na inaalis din naman niya ng marahas.

With my tear-stained eyes, I tried holding his shirt. Maybe I could get strength by having him near me. Konti na lang kasi at matutumba na ako because my knees felt wobbly all of a sudden.

Nandito ako sa tapat ng condominium na tinitirahan ni Aki.Ilang araw na akong pabalik-balik dito, nagbabakasakali na maabutan ko siya.

Sa ilang araw na iyon ay ilang oras akong nananatili sa labas. Ilang beses akong madadaanan ng mga kalapit kwarto niya habang tinitingnan. Iyong mga tingin na parang awang-awa.

Pero ngayon ko pa ba iisipin iyon? Gusto ko siyang makausap.

Kailangan.

Thankfully, nandito siya ngayon.

Honestly, I don't want to beg for him because he shouldn't let me beg! For Pete's sake hindi niya dapat ako pinapabayaan. Dapat nasa tabi ko siya at hindi sa kandungan ng iba.

Gusto kong magwala tuwing mababalitaan ko sa mga kaklase ko na gabi-gabi ay kasama niya si Molly.

Ang kapal ng mukha!

Pero ngayon pa ba ako aarte kung kailan kailangan ng ipinagbubuntis ko ng ama?

"Tigilan mo ako, Xena. Wala akong pakialam sa'yo at sa bata."

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi.

Hindi.

Hindi pwede.

Mali lang ako nang napakinggan.

Nangininig ang aking mga labi at pinilit kong pigilan ang sarili ko na humagulgol ng malakas.

Ayokong mag-eskandalo kaya tahimik akong umiiyak sa harap niya.

Tuloy lamang ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung mayroon pa ba akong iiyak dahil pakiramdam ko ubos na ubos na ako.

Alam kong makakasama ito sa akin at sa bata ngunit anong magagawa ko? Ayokong iwan niya ako.

Hindi ko kakayanin.

I clutched my chest. Ang sakit sa dibdib.

Naninikip ito at hindi ako makahinga.

"Wag ka namang ganyan." Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng hikbi.

"Baka nga hindi pa sa akin 'yan. How sure are you that the baby is mine? Recall every man that you have sex with. Imposibleng ako 'yan," he spatted.

Every word he's saying is like a dagger being deeply buried in my chest. I am feeling every stab of his sharp words.

Gusto kong banggitin nang paulit-ulit ang pangalan niya. Gusto kong magwala.

Nanghihina akong napatingin sa kanya. I heard my heart being crushed into pieces. Is it my heart or is it my soul? Hindi ko alam kung alin pa sa pagkatao ko ang nadurog.

Ang sabihing wala siyang pakialam sa amin ng bata ay masakit ngunit ang itangging sa kanya ito ay sobra na.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit sinabihan na niya ako ng ganoon ay may katiting na pag-asa pa rin sa akin na patuloy na naniniwala na tatanggapin niya kami.

Please tell me that you'll stay with me. I need you, baby.

Hindi ko kakayanin ito. Paano ko ito haharapin nang mag-isa?

Ngayon ko naramdaman ang panghihina, pagod at gutom.

Ang sakit. May isasakit pa pala.

"Kailangan kita. Kailangan ka namin ng bata."

"For Pete's sake, Xena! Fuck off! I said I'm done with you and I don't care about that goddamn baby!" he shouted while pushing me. I got off balanced and stumbled on the floor. Hinang-hina kong tiningnan ang mga patak ng luha ko sa sahig.

Napasabunot siya sa kanyang buhok at puno nang iritasyon ang mukha. Kitang-kita ko sa mata niya na hindi lang tulak ang kaya niyang gawin kapag hindi pa ako tumigil.

Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang lalaking minahal ko. Sino ang kaharap kong ito? Alam ko na hindi siya ang minahal ko dahil ang lalaking kilala ko ay hindi ako paiiyakin.

Minahal mo siya pero minahal ka ba niya?

Oh gracious, Xena!

Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan? Malinaw naman na pinaglaruan at ginamit ka lang niya. He used you to fulfill his sexual needs. He used you and now that you're nothing, he's going to throw you like a trash- a useless trash.

"Fine. Hindi na kita guguluhin. I'm sorry for coming here at this late hour just to beg for you to take responsibility. Don't worry, you won't hear anything from me starting today." I tried to smile but it came out faint like how my whole-being feels now.

Hindi ko lang alam kung nagmukha ba iyong ngiti o ngiwi.

I shook my head and silently wiped my tears.

I look at him and memorize his features. Iyong mga matang unang bumihag sa puso ko ang pinakatitigan ko. Ang matangos niyang ilong na madalas niyang ipagyabang. Napatingin ako sa mga labi niya. Ang malalambot na labing iyon na magpaparamdan na makasalanan at karapat-dapat ka at the same time. His soft features, I captured it all in my head.

Pilit kong pinatatag ang sarili ko sa harap niya. Who knows, this might be the last time I will get to see this man up close.

One last look and I bravely stand right in front of him. Wala nang bakas ng pagmamakaawa ko kanina.

Pinilit kong magmukhang matatag sa harap niya.

Ayokong magmukhang kawawa. Hindi rin naman siya maaawa at hindi ko kailangan ng awa. Ang kailangan ko ay ang presensya niya para ipagpatuloy ang laban na ito.

Tumalikod ako at tinahak ang daan palabas.

Pinahid ko ang luhang kumakawala sa mga mata ko. I walked out confidently with my head held up high.

Kakayanin mo 'to Xeres Nathalia. Hindi pa ito ang katapusan ng lahat.

Be strong. Sarili ko na lang ang kakampi ko ngayon.

Sampung hakbang palabas ng building.

Pinapangako ko na aalagaan ko ang batang ipinagbubuntis ko. I won't let the baby suffer from a broken family.

Kung kailangan kong humanap ng lalaking tatayong ama ng baby na ito ay gagawin ko. Hindi ko siya igagaya sa naranasan ko. Hindi ko ipaparamdam na kulang siya sa pagmamahal.

I don't want this baby to be an illegitimate child.

I'll get this child a father, by any means.

Nobody deserves to grow up being incomplete. Not me and definitely not my child.

Continue Reading

You'll Also Like

32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
10.6K 362 37
Cyril Ferguson is not the type of man who will bite all the bait when it comes to girls. He is the man full of righteousness! Gentleman, sweet, carin...
39.2K 1K 54
KENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang...
1.9K 148 79
Mia Santelices grew up poor, battling the harsh reality of life. She works where she can, eats when she can, and sleep where she can. But when she en...