Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 22: Ferris Wheel

881 17 6
By AyhenPey

Chapter 22

Nagising ako kasi parang nakikiliti ata ako. Pero bakit sa parteng mukha siya? Minulat ko ang mata ko at hindi ko ineexpect ang taong makikita ko kaya naitulak ko siya na malakas na kinahulog niya sa kama.

Bakit naman kasi ang lapit ng mukha niya? Kagigising ko lang siya agad ang nasilayan ko. Hindi pa nga ako nakakapag pray eh.

"Ouch" sabi niya na hanggang ngayon ay nakahiga sa sahig. Napabangon ako at nilapitan siya.

"Oh, sorry, sorry talaga," tinayo ko siya, kasi naalala ko may sakit nga pala siya kagabi.

"No need na itayo ako. Magaling na ako." nung nakatayo na siya pati ako. Nagkatinginan kami, kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Naalala ko na naman kasi eh ... Bigla ko namang naramdaman na may humawak sa pisngi ko. Lumingon ako sa kanya, pero hindi ko pala kaya! Bakit ba ganoon sa tuwing titingin ako sa kanya? Nahihiya ako. Naiilang.

"Salamat pala," tapos gumalaw ang kamay niya at hinawakan niya yung buhok ko. Pinadulas pa niya sa daliri niya ang mahaba kong buhok. "Bakit brown na ang buhok mo? Mas maganda itim, normal at simple lang."

Naalala ko naman kung bakit nagpabrown ako ng buhok kahit labag sa kalooban ko. Dahil hindi malulugod si Lord kasi iniiba ko yung binigay niya sa akin. Kasi kaya ako nagpa brown ng buhok asar na asar ako sa kanya. Kinuha niya kasi eh.. 

Bigla ko namang tinapik yung kamay niya na hawak pa din ang dulo ng buhok ko.

"Oh sige, alis na ako ha?" bigla na lang akong tumakbo palabas ng kwarto niya. Ewan ko ba naalala ko lang kasi yung time na hinalikan niya ako. Feeling ko bumalik na naman yung inis ko. Ang bipolar ko nga siguro.

Bumalik na ako sa kwarto namin, mabuti at tulog pa din sila. Wooh, thank you Lord! Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kung tatanungin nila ako kung saan ako galing. Bad kaya ang mag sinungaling! Hindi ko pwedeng sabihin,

'Hindi ko alam.'

'Nagpahangin muna ako, tapos pagbalik ko tulog na kayo'

'Sarado na yung kwarto nung babalik na ako'

'Kinuha ako ng Alien, ngayon lang ako nakabalik'

Ang dapat ko lang sabihin to speak out the truth if ever na tanungin nila ako.

'Natulog ako sa kwarto ni Zac, may sakit kasi siya.'

Haruy, ano na lang iisipin nila? Kapag sinabi ko iyon? Panigurado kukuyugin ako ng mga iyon. Waaah! Tumingin ako sa orasan at 5:35 a.m pa lang. Humiga ako sa tabi ni Abby siya lang kasi yung walang katabi at may malaking space pa sa gilid niya. Pagkahiga ko nagbuntong hininga ako. Hindi ko talaga kasi alam ang gagawin ko, paano ko na lang ie-explain sa kanila?

Baka inantay pa nila ako kagabi tapos late na sila nakatulog. Grabe, kung mangyayari iyon, hiyang-hiya na ako sa kanila. Isinama na nga nila ako dito sa grupo nila, tapos pinaghintay ko pa sila. Waaah, ano na lang ang gagawin ko? Mag sisinungaling o hindi? No no no! Hindi ako magsisinungaling, turo sa akin iyon ni Mama, bad iyon. Pero, baka magalit sila sa akin eh, baka nag hintay pa sila at sabihin hindi man lang ako bumalik para ipaalam na dun ako matutulog. O kaya naman itext sila pero naiwan ko kasi ang cellphone ko sa bag ko at hindi ko naman alam ang number nila.

Magsisinungaling o hindi?

Biglang bumangon si Carla sa kanyang pagkakahiga. Basta parang may tali sa kanyang katawan at bigla siyang umupo. Pero nagulat ako ng bumagsak ulit siya. Hala? Ano yun? Nanaginip si Carla na gigising na siya? Tapos inantok ulit, naku! Wag ka munang gigising Carla. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko.

Si Abby naman na katabi ko biglang umayos ng higa. Akala ko gising na siya kasi bigla niyang inangat ang dalawa niyang braso yung bang parang MUMU. Ganoon, tapos bigla din itong bumagsak. Bakit ganoon silang matulog? Kakaiba.

Hindi ko na lang pinansin iyon, instead tumayo na ako at pumunta sa place kung nasaan ang bag ko. Titignan ko muna ang cellphone ko. Nang,

"Ate Serah!!" pakiramdam ko luluwa ang puso ko sa sobrang kaba at sobrang lakas ng tibok nito dahil sa gulat. Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Carla na nakatayo na sa kama. Akala ko tulog pa siya.

"Carla.." sabi ko tapos sila Abby, Hannah, Irish, at Paula naman nagising na, naginat inat pa yung dalawa.

"Saan ka natulog?!" malakas na tanong ni Carla, galit kaya siya? Hala...

"Uhm--" hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"Carla, umagang umaga ang ingay mo! Daig mo pa ang manok!" galit na saway ni Hannah, binalik ko na lang ulit yung cellphone ko sa bag at kumuha ng damit, maliligo na kasi ako. Kasi mamaya kakain lang kami ng Breakfast tapos mag to-tour na ulit kami sa iba't ibang lugar. Pati naisip ko aamin na ako, bahala na kung magalit sila. Ang mahalaga masabi ko kung saan ako natulog at syempre hihingi din ako ng sorry, baka nga naghintay sila.

Tumayo ako at tumingin sa kanila, habang sila naman ay nakatingin din sa akin.

"Guys, sorry pala kagabi. Nag hintay ba kayo sa akin? Sorry talaga ha. Nagkasakit kasi yung taong pinuntahan ko kagabi, ayaw akong paalisin, kaya doon ako nakatulog. Basta sorry talaga, kung naghintay pa kayo. Baka nga late pa kayong nakatulog eh, basta SORRY talaga!" tumungo ako. Hiyang-hiya na kasi ako sa kanila eh.

Isang minuto atang walang nagsalita. Kinakabahan na ako. Get ready Serah, baka batuhin nila ako ng Unan. Oh kaya naman hindi na talaga sila tuluyang umimik at iwan na lang ako dito sa kwarto, hindi na nila pansinin kasi galit sila sa akin. Nang,

"WAAAAAAAAAH!!!!" - Irish

"They slept together! Kiligs!!" -Abby

"AH! ZARAH Love team nga!" - Paula

"Ingit ako" -Carla

"He! Kay Ate Serah na yun, wag ka nang mainggit." -Hannah

Biglang nawala yung kaba ko sa hindi malaman na feeling. Tuwa dahil hindi sila galit sa akin, nahihiya kasi ang dami nilang sinasabi tungkol sa amin. At.. Secret! Hindi ko na naintindihan pa yung iba nilang sinasabi kasi sabay sabay silang nag sisigawan at nag sasalita. Tama nga, daig pa nila ang Manok sa umaga. Hehehe.

Tapos noon tumahimik din sila. Nakabangon na sila sa kama tapos lumapit sa akin si Hannah, the matured one.

"Naku Ate Serah, bakit ka nag s-sorry? Alam na namin na posible kang makatulog doon. Si Zac pa? Lakas din noong umarte, nakalagay kaya sa Blog noon na member siya ng Theater Club nung Elementary pa siya. Pati ZARAH love team nga kami eh. Bakit kami magagalit sayo? Dahil nag hintay kami? NO! Hindi kami naghintay, kasi alam na nga namin na doon ka makakatulog. So, tell me. Ate Serah, ano nangyari?"

Bigla akong napaatras kay Hannah noon. Hala? Anong iniisip niya?Tapos si Carla naman lumapit sa akin. Yun lapit na lapit na talaga, face to face kami. Shocks!

"Bakit ka namumula? May nangyari ano?" sabi ni Carla, tinulak ko naman siya dahan dahan. Hino-Hot Seat naman nila ako eh. 

"Wag nga kayo, walang nangyari OKAY? May lagnat siya kagabi, tapos inalagaan ko siya. Yun lang."

Kinuha ko na yung damit at towel ko kasi balak ko nang maligo nang bigla silang sumigaw ng..

"WEH?!!!" ewan ko sa paa ko, bigla na lang akong tumakbo sa loob ng C.R pagkatapos noon.

- - - -

Friday na ngayon, bukas Saturday na, makakapag simba na ako sa Youth Service namin. Yehey! Mabuti na lang may natira pa akong pasalubong sa bahay, kasi nung Field Trip bago kami umuwi bumili ako ng Strawberry jam, souvenir t-shirt, key chain at bonet na may nakalagay na Baguio. Mabuti may naipon ako para ipasalubong sa kanila. Syempre ang saya nung Field Trip kasi ang dami kong napuntahan, na hindi ko pa napupuntahan sa tanang ng buhay ko.

God creations is the best talaga! First time ko kasing nakakita ng Strawberry, mahawakan at makakain iyon. Kaso nga lang maasim asim siya, ehehe. Pero okay lang, at least nakatikim na ako.

Hindi nga makapaniwala si Mama na sa Camp John Hay Manor Hotel kami natulog eh. Ako din hindi din ako makapaniwala. Last subject na namin ngayon pero wala ako sa mood makinig, excited na kasi ako bukas eh. Nang, biglang umupo sa tabi ko si Mariz.

"Mariz" sabi ko

"Ang tagal ng absent nung nakaupo dito ah. 1 week na. Anyare?" nagulat ako sa tanong niya, hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit hanggang ngayon absent pa din siya. Oo, 1 week absent na siya. Okay na naman siya nung pauwi na kami galing Field Trip, ano kayang nangyari doon? Pati si Travis hindi din ata pumapasok kasi hindi ko siya nakakasabay sa Lunch.

"Hectic ang schedule nila," biglang dumating si Bethina na nakatayo sa harapan namin ni Mariz. Naku, mukhang may mangyayaring hindi maganda. Kasi kapag ganito sanay na akong aawayin niya ako. Hindi naman sa pangunguna, pero ganito kasi lagi eh. Pwede bang umalis muna ako? "Puspusan ang Practice nila kasi next week na yung Long Awaited Concert ng The Switch sa MOA." dagdag niya

Wah? Talaga? Concert?

"Ay oo nga pala. May concert na silla! After marelease yung Album nila nag crave na yung mga fans sa Concert!" sabi ni Mariz. Tumayo naman siya sa upuan niya at bumalik na sa dati niyang pwesto. Tapos si Bethina naiwan naman. Hala?

Silence..

"So, manunuod ka?" naka crossed arms siya nung tinanong niya ako.

"Hindi eh," tapos noon tumingin na ako sa harapan, kasi si Ma'am nagagalit na dahil hindi kami nakikinig sa Lesson tapos si Bethina nasigawan pa kasi nakatayo sa likuran. Kaya naman umupo na siya sa tabi ko. Nagulat nga ako. Kinakabahan din, baka kung ano pa ang sabihin niya. Pero hanggang sa dumating yung uwian hindi na siya muli pang nag salita. Nakinig na lang kami kay Ma'am.

- - - - - -

Nasa church ako ngayon, Saturday kasi ngayon. Youth Service lang, eh kapag ganito Sharing lang kami ng mga kachurchmates ko. Naka form kami ng Circle sa upuan tapos mag kwe-kwento kami about sa Experiences namin kay God.

Dumating sa akin yung turn. Syempre ang kinuwento ko sa kanila yung experiences ko sa Baguio, na super ganda ng tanawin, pero hindi pa din matatanggi na sira na yung ibang creation ni Lord :/

Dala dala ko pala ngayon yung mga pictures. Inabot ko naman sa kanila yung Brown Envelope ko para makita nila. Yung mga pictures pala ay galing kay Zac, nakakahiya nga pinadala niya pa ito kay Dria nung isang araw. Babayaran ko na lang ito pag pumasok na siya.

"Wow, ang gaganda ng rose" sabi ni Brother John

"Uy, si Carla oh!" sabi nung gitarista namin

"Ang ganda naman!"

"Ate Serah! Waaah!" nagulat ako dahil sumigaw yung ka sister ko. Tapos hinarap niya sa akin yung picture na kinagulat ko talaga ng sobra. Paano?! Paano nagkaroon ng ganyan dyan?Waah!

"-Classmate mo pala siya? Wait, BF mo sya?!" bulalas niya. Bigla ko naman inagaw sa kanya yung picture na iyon. Picture kasi iyon na nakasandal si Zac sa balikat ko habang nasa Bus kami. Sino naman ang kumuha noon? Bakit hindi ko napansin? Nakakaasar lang! Bakit naman kasi hindi ko muna chineck itong mga litrato bago dalhin dito?

Kaya ngayon yung mga kachurchmate ko nakatingin sa akin ng nakakaloko.

"Zac pala ng The Switch ha" sabi nung Drummer namin na nililigawan si Carla

"Bakit di mo sinabi sa amin?"

"Nice"

Nagulat naman ako sa mga sinabi nila, bakit nila kilala si Zac? Eh di ba bawal kami sa secular song? Pati sa pagkakaalam ko pang Illuminati din yung mga kinakanta nila. Awww, so it means di talaga nila naiiwasan ang makinig sa mga ganoong awitin kaya kilala nila si Zac. Ouch talaga

"Wag nga kayo, classmate ko lang siya. Nagkataon lang na magkatabi kami at napasandal siya sa akin habang natutulog. Pati nandito tayo para mag puri kay Lord, hindi para asarin ako OK?" sabi ko mabuti na lang na manage ko na i-calm ang boses ko. Kasi naman nandito naman kasi talaga kami para mag Worship at mag Sharing hindi para mag asaran.

Nung natapos na kami biglang nag text sa akin si Paula na pumunta daw ako sa Park. May sasabihin daw sila, kaya naman ako derecho papunta doon. Para tanungin din sila bakit di sila umattend ng Youth Service namin.

Pagkarating ko doon, nakaupo sila sa Bench habang kumakain ng Fishball at kwek-kwek. Nung nakita na ako ni Carla.

"Ate Serah! You know na ba?" bigla niyang tanong sa akin

"Yung ano?" tapos biglang tumayo si Hannah.

"Kasi nabasa namin sa Blog ni Zac na kaya sa Camp John tayo nag hotel kasi advance blow out niya iyon sa buong students ng San Jose National High School. Tapos yung Concert naman nila next week. Gift iyon ng Manager nila kay Zac para sa Birthday niya."

Ano daw? Blow out? Concert ? Birthday?

"Kailan Birthday niya?" tanong ko sa kanila. Tapos sila naman ngumiti ng nakakaloko. Hayss, kanina pa ako nakakakita ng ganito ahh.. Bakit naman ganito? Tapos sabay sabay silang sumagot.

"October 26"

Ewan ko bigla na lang ako tumakbo paalis, pumunta ako sa paradahan, sumakay sa jeep at umuwi.

Pagkarating ko sa amin. Papasok na sana ako sa gate ng may biglang humawak sa braso ko. Nagulat ako kasi sino ba ang hahawak sa akin? At pipigilan ang pagpasok ko sa gate? Hala baka Holdaper ito! Waaah! Lord, wag nyo po akong ilagay sa kapahamakan. Patawarin nyo po ako kung hindi maganda ang inasal ko kanina.

Tapos pagkalingon ko sa taong humawak sa akin.

"Magandang gabi" napalundag ako sa gulat at lalo na sa bati niya sa akin. Nakangiti siya sa akin. Hala? Ano nakain nito?

"Bakit?" tanong ko sa kanya ang still hawak niya pa din ang braso ko nung napansin niya na nakatingin ako doon, binaba niya ang kamay niya sa .. KAMAY ko! Kaya ngayon hawak niya ang kamay ko.

"Masama bang dalawin kita?" bigla akong napatungo, ewan ko. Hindi ko alam ang irereact ko. Isang linggo ko din itong hindi nakita.

"Eh-- Ay! Salamat pala sa pictures! Wait, kukunin ko lang sa loob yung pambayad ko." lumingon na ako sa likuran ko at tatakbo papasok. Pero nakalimutan ko hawak nga niya pala ang kamay ko. Kaya nung tatakbo na ako, bigla niyang hinatak yung kamay ko. Kaya napalingon ako sa kanya.

At sa di inaasahan na pagkakataon. Napasubsob ako sa dibdib niya.

"Clumsy" bulong sa tainga ko, feeling ko na naman nagtaasan ang mga balahibo ko nung dumikit ang labi niya sa tenga ko. Umayos na naman ako ng tayo baka makita pa ako ng ibang tao eh. Pati ng tao sa bahay namin.

"Hehehe. Kukunin ko muna kasi yung pambayad, magkano ba iyon?" tanong ko sa kanya

"No, sayo na iyon. Wag mo akong bayaran. And the reason that's why I'm here is," lumayo siya ng konti sa akin tapos nag kamot ng ulo.

"-samahan mo ako, bibili ako ng pang regalo kay Dria. Birthday niya kasi bukas." tapos tumungo siya, ano daw? Eh bakit ako pa ang kasama? Gabi na oh.. Paano ako nito?

"Ah, eh gabi na. Baka di na ako payagan ni Mama na umalis." sabi ko

"Pagpapaalam kita." tapos siya naman dederecho na sa gate namin ng pigilan ko siya. Ano ba naman ito dere-derecho na kaagad.

"Wag na, ako na lang mag papaalam. Dito ka muna." ako naman ang papasok sa loob ng pigilan naman niya ako.

"No, I should be the one na magpaalam sayo, sa akin ka sasama eh. Sa akin ka ipagkakatiwala." at bago pa ako makapag react pumasok na siya sa loob ng gate. Syempre kumatok muna siya sa pintuan namin. Laking gulat ko ng si Papa ang nagbukas nung pintuan. Tapos noon pumasok na si Zac.

Ako? Naiwan dito sa labas. Kinakabahan ako, nandoon kasi si Papa eh. Pero gusto ko siyang samahan, kasi magpapatulong siya ng ireregalo sa kapatid niya. Ang cute kaya noon.

Mga ilang minuto lumabas na si Zac tapos nakatungo siya habang naglalakad habang ang kamay niya ay nakatago sa pocket ng bulsa niya. Ano kaya ang sinabi nila? Pumayag kaya sila?

Nung nakalapit na siya sa akin. Tumingin siya sa akin at bakit ganito ang mukha nito? Parang pinagsakluban ng langit at lupa? Hindi maipinta.

"Serah" sabi niya, tapos umiwas ng tingin

"Ano ang sabi nila?" tanong ko.

"Uhmm-" still nakatingin pa din siya doon sa gilid. Mukhang hindi ata ako pinayagan, sayang naman.Tumungo ako noon, at balak ko na sanang lumakad. Nang,

"Sige daw." tapos noon lumingon siya sa akin nagulat naman ako doon dahil bigla siyang ngumiti ng napakalapad. Sabay akbay sa akin.

"Ui Zac.."

"Disappointed ka ba kanina? Akala mo ba hindi ka papayagan?" tanong niya sa akin.

"Ha? Oo heheh" tapos noon lumakad na kami, at teka san pala kami pupunta? Ewan ko ba, naiilang ako, nakaakbay siya sa akin. Hindi ako sanay. Tapos may nadaanan kaming kumpulan ng mga babae.

Bigla naman silang nagtilian.

"Waaah! Si Zac ng Switch!"

"Picturan natin! Ay lintek! Sino yung kasama niya?"

"Ang panget!"

"Jologs! Yuck!"

"Ang cheap na pala ni Zac! Pssh"

At kung ano ano pa ang narinig ko mula sa kanila, pero hindi naman pinansin ng katabi ko iyon. Lumakad lang kami hanggang sa nakarating kami sa sakayan ng tricycle.

"Sakay na" inalis na niya yung akbay niya sa akin tapos noon pinapasok ako sa tricycle tapos sumunod siya

"Saan tayo pupunta?"tanong ko

"Manong sa peryahan nga po." nagulat ako doon, akala ko ba bibili kami ng pang regalo? Eh bakit sa peryahan kami pupunta? Wag niyang sabihin na nandoon yung gusto ni Dria? Tumingin ako sa kanya pero kinindatan lang niya ako.

Pagkarating namin doon.Ang ingay sobra! May nagsisigawan na at ang daming tao. Seryoso ba itong kasama ko? Pupunta siya dito?

"Sakay tayo Ferris Wheel" sabi niya, tumingin naman ako doon sa Ferris Wheel at grabe kinabahan na kaagad ako kasi mukha siyang nakakatakot. May nagtitilian kasi doon.

"Ha?" pero bigla na lang niya akong hinila sa bilihan ng ticket. Tapos bumili siya ng isang ticket?!

"Hayss, pinakaba mo ako. Ikaw lang naman pala ang sasakay eh" sabi ko sa kanya. Mabuti na lang nakahinga na ako ng maluwag. Ayoko kasi talagang sumakay doon sa Ferris Wheel nakakatakot tapos parang matatanggal ang bawat turnilo noon eh habang umaandar.

"Anong ako lang? Kasama ka, nakakandong ka sa akin." napanganga ata ako doon sa sinabi niya.

"Joke lang. Wait" tapos bumili ulit siya ng ticket nung tapos na pumunta na kami doon sa sakayan ng Ferris Wheel ang sabi pa nga niya ang swerte daw namin at konti pa lang ang sumasakay hindi na kami pipila pa. Kaya iyon nakasakay na kaagad kami.

Pagkaupong-pagkaupo pa lang namin. Bigla na lang pinaangat nung lalaki yung Ferris Wheel kaya naman nanginig ako sa gulat nung paakyat na sa taas.

"Afraid much?"

"First time ko kasi dito."

"Me too"

"Talaga?"

"Yeah, sabi ni Travis pumunta daw ako dito. Maka experience naman daw ako ng kakaiba."

Tapos noon hindi na sya nag salita pa kasi naman bumilis na yung takbo nung Ferris Wheel. At grabe sa tuwing pababa yung Ferris Wheel feeling ko naiiwan ko yung tiyan ko sa itaas. Napapapikit na lang ako sa takot.

Lord, wala po sana sa aming mangyaring masama.

Tapos naramdaman kong may umakbay sa akin. Sinandal niya pa ako sa balikat niya. Nung ginawa niya iyon nawala ng konti yung takot ko. Kasi I feel secured na walang mangyayari sa aking masama.

"Takot ka sa Heights?" tanong niya nag nod naman ako kasi hindi ko talaga magawang magsalita.

"-Sige next time hindi na kita isasama sa ganito. Ayaw kong natatakot ka eh." napangiti naman ako doon. Pero hindi ko pa din magawang magsalita.

"By the way, I missed you." dagdag niya

Naramdaman ko naman na hinigpitan niya pa lalo yung akbay niya nung nanginig ako. Kasi ganito ako kapag feeling ko nahuhulog ako, nanginginig ako.

And I think nahuhulog na din ang feelings ko dito.

Continue Reading

You'll Also Like

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
71.5K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
10.1K 357 25
Si Heylie Romero, isang maganda, masayahing at mabait na babae. Pero nagbago ang buhay nya ng mawala ang mga taong mahal nya, dahil sa isang aksident...
257K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...