Tattooed Soul (UNEDITED)

By sheyndreams

3.6K 1K 265

UNEDITED Xeres Nathalia Sandoval is just a simple girl wanting to feel loved. She only wish for a love that i... More

Medial
Uno
Dos
Tres
Kwatro
Singko
Sais
Siyete
Otso
Nwebe
Diyes
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisais
Disisyete
Disiotso
Disinwebe
Bente
Bente Uno
Bente Dos
Bente Tres
Bente Kwatro
Bente Singko
Bente Sais
Bente Siyete
Finale
Tattooed Note

Onse

91 30 9
By sheyndreams

Pagod kong inilapat ang sarili ko sa kama.

Tumabi siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan pa niya ang gilid ng mga mata ko.

"I love you," he lovingly said.

Ginawa kong unan ang kanyang braso at humarap sa kanya.

Ngumiti ako and kissed him on his nose.

"I love you too," I replied. Bumaba ang halik ko sa kanyang mga labi.

Dahil siguro sa pagod, nakatulog ako sa ganoong posisyon.

Naalimpungatan ako nang makapa kong wala siya sa aking tabi. Iminulat ko ang aking mga mata at iginala ang paningin sa kwarto.

Hinigit ko pataas ang kumot upang matago ang kahubadan ng sarili. Ibinalot ko ito sa aking sarili at tumayo.

Naglakad-lakad ako para hanapin kung nasaan siya. Napansin kong bukas ang balcony at nandoon siya, nakatalikod.

Mayroon siyang kausap.

Lumapit ako para marinig ang pinag-uusapan nila. Lumapit pa ako ng kaunti, sapat lang para hindi niya mapansin.

He's chuckling.

"Oh come on, Molly," he said chuckling.

Molly?

Napakunot ang noo ko. Bakit niya kausap si Molly.

Lalapit pa sana ako nang may maapakan akong bagay kaya tumunog ito.

Napalingon si Aki sa akin at nagulat.

"I'm hanging up. Bye," mabilis niyang ibinaba ang tawag.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Hungry?" tanong niya. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina.

"Who's that?" I asked.

Binuksan niya ang ref at kumuha ng pitsel ng tubig.

"Oh, just Molly." Nagsalin siya ng tubig at uminom. "Magluluto ako. Anong gusto mo?" tanong niya pa.

"A-ah, I want some adobo," sabi ko na lang.

Sa totoo lang, wala akong ibang maisip na pagkain. Hindi ako mahilig sa adobo pero 'yon pa ang nasabi ko. Bobo talaga, Xena!

Pumunta ako sa kwarto niya para magsuot ng damit. Awkward naman kung nandoon ako sa kusina na nakakumot lang.

Kumuha na lang ako ng isang shirt niya at boxers.

Lumilipad ang utak ko sa mga posibilidad. Bakit niya kausap si Molly?

Dapat ba akong ma-kampante sa kanila ni Molly?

Kailan pa sila naging close? Hindi ko alam na close pala sila.

Kaysa mag-overthink, mas pinili kong magtiwala kay Aki. I should trust him. I mean, I feel happy and safe whenever I'm with him so I should trust him.

I have so much on my mind, but I end up saying nothing at all.

It's Molly. Just Molly.

-------

"Ilang beses ka nang hindi umuuwi ng gabi ah," puna ni Tita Maddie. Alam kong nagdududa na siya sa akin kasi hindi naman ako ganito. Palagi pa rin naman akong umuuwi kahit late.

"Kina Lena po ako natutulog," sagot ko na lang. Ayokong makipagtalo. Masyado akong madaming pinoproblema para idagdag pa ang mga sermon ni Tita Maddie.

"Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman kong kung ano-anong kalokohan ang ginagawa mo ay sasabihin kita sa Mama mo," pagbabanta niya.

Tumango na lang ako. Wala akong ganang kumain.

Sinundo ako ni Aki sa bahay. Pumasok din ako na walang kabuhay-buhay.

I have lots of issues in life. One of it is trust. Nakakatakot nang magtiwala sa panahon ngayon kasi hindi mo alam kung sino ang totoo sa hindi.

Napapaisip din ako kung tama ba ang naging desisyon ko na pumayag agad kay Aki. Hindi ba masyadong mabilis?

Hindi ba masyado akong marupok na kakakilala pa lang namin ay agad na akong nagtiwala at nagpaligaw?

Nakakapanibago na halos lahat ay nakatingin sa akin pagdating ko sa school.

May dumi ba ako sa mukha?

Lumapit sa akin si Chynna.

"Ano 'tong kumakalat tungkol sa'yo?" bulong niya sa akin. Tumingin ako sa mga kaklase ko at nag-iwas naman sila ng tingin.

Bumaling ako kay Chynna at kumunot ang noo.

"Anong meron?" takang-taka kong tanong.

Nasapo niya ang noo niya. Problemado siyang tumingin sa akin.

"Wag mo sabihing hindi mo alam?" tanong niya. Umiling ako at nakakunot pa rin ang noo sa kanya.

Bakit ba hindi na lang niya sabihin sa akin?

Inilabas niya ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang isang video clip. Video namin iyon ni Aki sa TheWalker!

We were making out on the couch, iyon ang nakuhanan sa video.

Nanlumo ako nang makitang naka-post iyon sa Facebook at libo-libo ang nagre-react at nagshe-share!

"Sino'ng nagpakalat nito?" My voice slightly shaking, I finally have something to say.

Heck! I don't know how to react! Paano kapag nakarating ito sa principal, sa tita ko, at lalo na sa Mama ko?

Dali-dali akong lumabas. Tinakpan ko ang mukha ko kasi pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

Nanginginig ang mga daliri kong tinawagan si Lena.

Shit!

Unattended. Bakit ba tuwing kailangan ko siya ay hindi ko siya ma-contact?

Nakarating na ako sa labas at si Aki naman ang ini-dial ko.

Nanginginig ang mga labi kong nagsalita nang sagutin niya ang tawag.

"Aki," pagkabanggit ko sa pangalan niya ay humikbi ako.

"Shit! Xena, where are you?"

"Aki, hindi ko alam ang gagawin ko," umiiyak na ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Just tell me your location, baby. I'll be there. Just calm down, okay? Breathe."

Sa kabila ng paghikbi ay nagawa ko pa ding sabihin sa kanya kung nasaan ako. Ilang minuto lang ay nakita ko na ang pagdating ng isang kotse.

Dali-dali siyang bumaba at binuksan ang pinto. Nakatulala akong pumasok doon.

Pinaharurot niya ang kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. My mind went blank and all I could think of is the people's opinion about me.

Hindi naman siya magkandaugaga sa pag-contact sa kung sino-sino.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.

"Don't worry. I already asked someone to take it down the internet," he said assuring me. Sumulyap siya sa akin.

"P-paano kung...p-paano k-kung," my voice broke. Napahikbi na ako.

Nag-aalala siyang tumingin sa akin. Masuyo niyang pinagsalikop ang mga palad namin.

"Shh, don't cry," pagpapatahan niya sa akin. Patuloy lang siya sa pagmamaneho. Mukhang wala rin siyang alam na pupuntahan.

We decided to stop by a coffee shop far from EsAc. He asked the waiter for water. Nang maibigay ay pinainom niya ako para pakalmahin.

I slowly calmed down.

"A-aki, anong sasabihin ng Mama ko. M-magagalit 'yon," nangangamba kong salita.

"Just calm down. Ako nang bahala," he said smiling. He caressed my hand on top of the table.

Nagpalipas lang kami ng oras sa coffee shop na iyon hanggang sa kumalma ako. Kailangan na naming umuwi pero natatakot ako. Baka kasi nakarating na kay Tita, or worst kay Mama.

I texted Molly.

Alam na ba ni Tita?

Thankfully, she replied quickly.

Molly:

Nope. Kaya umuwi ka na.

Napahinga ako nang maluwag. I asked Aki to take me home. Mabuti na lang at naalis na agad sa internet ang video. Maikli lang 'yon pero pwedeng masira ang buhay namin doon. Hindi man kami nag-sex doon pero malaswa pa din ang ginagawa namin.

Ang mga tao pa naman ngayon akala mo kung sinong malilinis. Ang gagaling magbigay ng opinyon sa buhay ng ibang tao.

Nakauwi na ako sa bahay at kinakabahan pa din ako. Mukha namang wala talagang alam si Tita Maddie.

Nag-deactivate na ako ng account. Ang nagpakalat ng video clip na 'yon ay paniguradong banned sa Facebook.

Dahil weekend na, nagdesisyon akong 'wag na lumabas. Dito na lang ako sa bahay. Na-take down na ang video pero posibleng may kopya ang iba at may nakakakilala din sa akin.

So para safe, maghapon ako sa bahay. May gagawin din daw kasi si Aki. No plans talaga this weekend.

Napansin kong wala na naman si Molly.

"Tita Maddie, asan na naman si Molly?" tanong ko kay Tita. Nanonood kami ng TV ngayon.

"Ewan ko nga ba doon sa babaeng 'yon! Nagpaalam na aalis pero hindi naman sinabi kung saan pupunta," nakasimangot na sagot ni Tita.

Kapag nasa bahay ako ay palagi siyang wala! Kinikita siguro yung ka-chukchakan niya sa banyo.

Sa IG na lang ako nagbukas. At least doon, konti lang ang nakakakilala sa akin.

Napansin ko ang isang profile na nangunguna sa follow request ko. Napangiti naman ako nang makitang si Luther yon.

"Naaalala pa pala ako nito," nakangiti kong bulong. Ini-stalk ko ang account niya.

curryiedo

15 posts - 938 followers - 312 following

Luther Flaze Carriedo

Ball is life.

Career na career ang basketball!

In fairness din naman sa weird na ito, gwapo. Kung nagkaroon siguro 'to ng mas maayos na ugali ay mas sikat pa ito.

I accepted his follow request. Bumungad agad siya sa Story ko.

Picture iyon ng library. May caption pa siya na My memory with you.

Naku! May lovelife naman pala ang masungit. Studious siguro si girl. Bagay naman sila though di ko pa nami-meet yung babae.

Puro tanawin lang naman ang laman ng Instagram niya. Nature lover!

In-activate ko ang Messenger ko para makita ang usapan sa GC pagkatapos mag-dinner. Baka kasi may assignments and projects.

Nag-backread lang ako at nang mapansing wala naman masyadong pinag-uusapan, nag-log out na ako.

Napaka-boring!

Maaga tuloy akong natulog.

Next day, I volunteered to wash the clothes. Iba yata ako ma-bore, sumisipag.

Bandang tanghali nang matapos ako. Naligo agad ako pagkatapos at chineck ang phone.

May ilang texts at missed calls si Aki. Miss na naman ako nito.

Napangiti na naman ako. It's not wrong to trust Aki after all.

Kumain lang ako ng tanghalian at natulog. Pagkagising ay naglaro ako ng ML.

Sobrang bored na ako. Di bale, may pasok na naman bukas.

Aa usual sinundo ako ni Aki sa bahay. Paalis na sana kami nang patakbong humabol si Molly.

"Pasabay!" sigaw niya pa.

Kawawa naman, kaya ayun nakaupo siya ngayon sa backseat at patingin-tingin sa aming dalawa.

Pagdating sa school ay naghiwalay na kami ng daan.

May ilang tumitingin at pinagbubulungan pa din ako. 'Yong iba naman ay mukhang naka-get over na kaya hindi na ako pinapansin. Huhupa din naman ang chismis sa akin. Sana lang ay hindi nakarating sa teachers.

Umattend lang ako sa klase. Absent si Lena kaya itinext ko siya kung may sakit ba siya. Hindi naman 'yon mahilig umabsent kasi bihira naman siya tablan ng sakit.

Bandang 2 pm nang i-excuse ako sa klase. Pinapatawag daw ako sa Guidance Office.

Napabuntong-hininga ako. Ayokong magkaroon ng record sa Guidance. Peste naman! Nakarating pala doon.

"Have a seat, Ms. Sandoval," bungad sa akin ng Guidance Counselor. Naupo naman ako sa harapan niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," panimula niya. Napigil ko ang paghinga ko. Ito na ba 'yong part na papagalitan niya ako kasi isa akong mapusok na babae?

"Nagde-decide ang faculty members na kayo ni Mr. Carriedo ang ilaban sa Regional level extemporaneous speech," she declared. Nanlaki ang mata ko. Nagulat ako na kami pala ni Luther ang balak idayo sa Regional. Nagulat din ako kasi hindi naman pala tungkol sa video namin ni Aki ang pag-uusapan.

"I know you are interested in joining but please settle down all your issues. Tatapatin kita, hati ang opinyon ng faculty," she said while sincerely looking at me. "Oo, given nang matalino ka but the fact na nasangkot ka sa isang hindi kaaya-ayang video, they are doubting you. Alam ko namang naiintindihan mo ang ipinupunto ko. The school's image will be tainted," paliwanag niya.

Tumango naman ako kasi nage-gets ko siya.

"It's my honor to join po. As for my video naman po, I already settled on that matter, but the decision is up to the faculty members. I will accept whatever there decision is," I politely answered. There's no point in arguing, tama naman sila. Hindi ko naman in-expect na may nag-video pala.

It's outside the school premise naman and I'm not wearing my uniform. Ganoon na ba ako ka-famous para gawan ng issue?

"Good. I already talked to Mr. Carriedo. Mag-usap din kayo," pagtatapos niya.

"Sige po. Thank you po," nagpaalam na ako at tumayo.

Mukhang makakasama ko na naman ang misteryosong si Carriedo.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 1K 37
"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 254K 61
.
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
21K 3.2K 109
[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal...