Tattooed Soul (UNEDITED)

By sheyndreams

3.6K 1K 265

UNEDITED Xeres Nathalia Sandoval is just a simple girl wanting to feel loved. She only wish for a love that i... More

Medial
Uno
Dos
Tres
Kwatro
Singko
Sais
Otso
Nwebe
Diyes
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisais
Disisyete
Disiotso
Disinwebe
Bente
Bente Uno
Bente Dos
Bente Tres
Bente Kwatro
Bente Singko
Bente Sais
Bente Siyete
Finale
Tattooed Note

Siyete

110 52 15
By sheyndreams

Alam ko namang hindi lahat ng bagay minamadali, pero sana naman mag-Friday na.

Ilang araw na kaming naghahanda. Next week na kasi ang competition. Nabo-bore na ako dito. Ilang araw na din kaming excused sa klase at wala naman na akong magawa dito sa library. Nagpapanggap lang ako na nagbabasa. Nakaidlip na nga ako kanina!

Nakapangalumbaba ako sa table ko, nakikipagtitigan sa libro. Pinag-aaralan namin ang mga posibleng ibigay na topic. Mahirap na kapag wala kang masabi sa oras. Nakakahiya kaya 'yon!

Umingit ang upuan sa harap ko hudyat na may umupo. Napatingala ako at nakitang si Luther iyon. Ilang araw na kaming magkasama dito pero hindi ko pa din naibabalik ang ID niya. Nakalimutan ko na din naman kasing dalahin.

Inabutan niya ako ng canned juice at nilingon ang librarian. Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong, "Kanina ka pa d'yan at baka nauuhaw ka. Itago mo lang kasi baka magalit si Mrs. Pestasio."

I chuckled. Inabot ko ang canned juice at pasimpleng uminom doon.

"Nagme-menopause na siguro," bulong ko. Napahalakhak rin siya.

Pasimple ko ring tinetext si Aki. Lately, we've been both busy. Pareho kaming may pinaghahandaan. Sobrang busy na niya kasi nga college habang ako naman ay busy para dito sa school's competition.

Naalala ko ang sinabi ni Carriedo nang pauwi na kami.

"Mag-iingat ka....

Kay Achilles."

"Psst," mahina kong sitsit habang tumitingin sa paligid. Tiningnan niya lang ako.

"Nung nakaraan," panimula ko. Kumunot ang noo niya. "Narinig kita," mahina kong sabi.

Biglang naging malikot ang mga mata niya.

"Huh?" tanong niya. "Wala akong matandaan," sabi pa niya.

Pinakatitigan ko siya. Alam kong alam niya iyon. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Oh well, pagod lang siguro ako noon kaya kung ano-ano ang narinig ko," sabi ko na idini-dismiss ang topic. Ibinalik ko ang tingin sa binabasa at uminom.

"Pagod ka nga lang noon," pangungumbinsi pa niya.

Niligpit na niya ang mga gamit niya. Tiningnan ko ang relo ko. Hindi pa naman oras para lumabas. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Saan ka pupunta?" pag-uusisa ko.

"Practice," maikli niyang sabi. Nagpaalam na siya sa iba naming kasama sa library at umalis na.

He's weird.

Ilang minuto matapos niyang lumabas, lumabas na din ako. Bored na bored na ako sa library at mamamatay ako sa katahimikan doon. Hindi talaga ako pwede sa gano'n. Sa bahay lang ako tahimik and it's an exception.

Wala akong maisip na pupuntahan kaya naisipan kong mag-retouch muna sa banyo. Dumiretso muna ako sa locker para iwan ang iba kong gamit.

Tinahak ko na ang daan papunta sa girl's room.

Pagpasok ko, napatingin agad ako sa baba ng cubicle. Naningkit ang mga mata ko ng makitang may mga paa ng babae at lalaki sa isang cubicle.

Oh! Somebody's doing it here, huh? Well, wala akong pake. I let them do their thing while I stared at the mirror. Hindi ko naman sila aabalahin.

Hanga naman ako sa kanilang dalawa kasi tahimik sila. Napangisi ako. Nag-retouch lang ako ng kaunti. Bago ako lumabas, tiningnan ko pa ulit ang cubicle na 'yon. Napansin kong may panyo na nahulog sa sahig.

Pamilyar.

Parang panyo ni Molly.

Nagkibit-balikat na lang ako. Madami naman sigurong may panyong ganoon. Ano si Molly, special?

Inubos ko ang oras ko sa cafeteria. Hinintay ko si Lena kasi paniguradong may klase pa 'yon ngayon. I texted Aki.

Don't stress too much, okay?

Ayaw ko nang ganitong feeling. Ayaw kong maramdamang mag-isa ako.

Nag-scroll lang ako sa Facebook. Nagre-react lang ako sa mga post ng kakilala ko. I checked some memes too. Pampatanggal boring lang.

Thankfully, dumating din si Lena.

"Oh, kanina ka pa?" pang-aasar niya.

"Hindi ba halata?" bored kong tanong sa kanya.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Ayos lang yan. Sanay ka namang maghintay," biro niya at tumawa. "Order muna ako. Gutom na gutom na ako." Mabilis siyang tumayo at pumunta sa counter.

Pagbalik niya, nagkwento lang siya tungkol do'n sa guy na nakilala niya sa Tinder. May balak na daw silang magkita.

"Madidiligan na ulit ako," humalakhak niyang wika. "Matagal-tagal ring matumal ang sex life ko. Mga ilang araw din 'yon! Focus kasi ako dito kay Zylan," tukoy niya do'n sa ka-chat niya sa Tinder.

"Kayo na ba ni Aki?" tanong niya habang ngumunguya sa burger.

Napababa ang tingin ko sa mesa.

Bumuntong-hininga ako.

"Ano ba? Ang panget mo! Parang pasan mo ang buong mundo," puna niya. Nakasimangot kasi ako.

"Hindi pa kami. Hindi ko mahanap ang perfect timing. Pareho pa kaming busy," matamlay kong sabi.

"Naku, baka naahas ka na. Madami pa naman diyang makakati sa tabi-tabi," she said.

Ang mga salitang yon ang tumatak sa utak ko buong araw.

Hindi.

Hindi naman magagawa sa akin ni Aki iyon.

Siguro.

Nadatnan ko na nanonood ng TV si Molly. Nakaupo siya sa couch. Tumabi ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Ibinalik na ulit niya ang tingin sa TV nang mapansin na wala namang interesante sa akin.

"Anong ginagawa mo sa banyo kanina?" tanong ko, dahil sa sinabi ko ay napalingon siya sa akin. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Kwago ka girl? Alaga siguro 'to ni Harry Potter. Si Hedwig!

"N-nakita mo ako?" kinakabahan niyang tanong. Something is fishy here!

"So ikaw nga yon?" Malaki na ang ngisi ko sa kanya. I caught her off guard. "Nakita ko lang ang panyo mo. Hindi pa ako sigurado kanina pero base sa reaction mo," tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Confirmed!"

Nanginginig pa ang mga labi niya at kumukurap kurap ang mga mata. Bakit ba takot na takot siya? Wala naman akong pakialam. Gusto ko lang malaman kung siya nga 'yon.

"Chill, couz! Wag ka mag-aalala, hindi naman kita isusumbong kay Tita Maddie. Kalma. Baka hikain ka." I flashed her my sweetest smile. Tumayo na ako at umakyat, iniwan siya doon na nakatulala.

Nakabawi rin ako sa kanya. Ilang araw siyang weird ang pakikitungo sa akin.

Nagbihis lang ako. I checked my social media accounts, wala namang bago. Umakyat na ako at inaral ang mga notes na hiniram ko kay Lena.

Tumunog ang phone ko. Nagvi-videocall si Mama. Ayaw ko sanang sagutin kaso kailangan ko na din ng pera.

Pinindot ko ang answer button at bumungad sa akin si Mama na naka-coat at scarf. Winter na ba sa Canada ngayon?

"Kamusta ka na anak?"

"Ayos lang po, kayo?" tanong ko na din para di naman magmukhang rude. Kahit na hindi kami ganoon ka-close, mama ko pa din siya. Siya pa din ang nagbigay buhay sa akin.

"May pera ka pa ba? Magpapadala na ako," malambing niyang tanong.

"May sasalihan akong competition. Dadayo kami sa ibang school," sagot ko na hindi nagpakita ng anumang emosyon.

"Sige, magpapadala na ako bukas," sabi niya.

Mabilis lang kaming nag-usap at tinapos na niya ang tawag.

Buong magdamag akong gising dahil sa bigat sa dibdib na nararamdaman. Nandoon pa din ang pagtatampo sa nanay ko dahil iniwan niya ako. Bakit kailangang iwanan pa ako dito kung pwede namang isama na lang ako?

Wala akong naging tulog kaya late na akong pumasok kasi excused din naman sa klase, magbabasa na naman sa library which is boring.

Pumunta na lang muna ako sa mall. Tumambay lang ako sa isang sikat na milk tea house. Napagdesisyunan ko na ring mag-withdraw ng pera.

Papasok na sana ako nang madaanan ko ang Kid's World. Parang may humahatak sa akin papasok kaya masigla kong tinahak ang papunta sa loob.

Naglaro lamang ako doon nang naglaro not minding the stares of other kids. Ano nga ba namang ginagawa ng isang high school student sa palaruan ng mga bata?

Hinayaan ko ang sarili kong mag-enjoy. Hindi ko ito naranasan noong bata ako. Hindi ko nga na-enjoy ang pagkabata ko. Puro pambubully yata ang nangyari sa akin noon.

Memories of my childhood flashed right in front of me.

Gabi-gabi kong naririnig ang iyak ni Mama sa kwarto.

Gusto ko sanang puntahan siya kasi sabi niya mamamasyal kami kapag magaganda ang grades ko.

Top 1 ako at gusto kong ipakita sa kanya ang mga certificates at awards ko.

Sa susunod na araw na lang siguro kapag okay na siya.

Isang umaga, nakita ko si Mama na nakatulala sa pool.

"Mama, nasaan si Papa? Ilang araw na siyang hindi umuuwi," inosente kong tanong sa nakatulala kong nanay. "Gusto kong itanong sa kanya kung mahal niya pa tayo. Palagi kasi akong binubully ng mga classmates ko. May iba na daw mahal si Papa," pagsusumbong ko. "Nagagalit nga ako kasi hindi naman iyon totoo. Diba, Mama?"

The 8-year old me was unaware that my family was slowly falling. The picture of a perfect family where I grew up was being shattered.

Nakita kong tumulo ang luha ni Mama. Lumapit ako at pinunasan ang luha niya.

"Mama, wag ka nang umiyak,"  maliit ang boses na pagpapatahan ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Lalo lamang siyang humikbi.

"Xavier wag kang umalis. Maawa ka sa anak mo," pagmamakaawa ni Mama na halos nakaluhod na kay Papa sa pintuan.

Hindi ko alam ang nangyayari.

Bakit umiiyak si Mama? Bakit may mga maleta si Papa?

"Xena, nasaan ang Papa mo?" tanong ng isa kong kaklase.

Malapit na akong magtapos ng elementarya at ngayon ay Family Day namin, the day I have always hated.

"Yung Papa niya sumakabilang bahay na!" sagot naman nang isa.

Masama ko silang tiningnan isa-isa.

Pinigilan ko na naman ang sarili kong umiyak.

Simula ng maintindihan kong nagkaroon ng kabit si Papa, ipinangako kong hinding hindi na ako iiyak.

"Xena anak, dito ka muna sa Tita Maddie mo," sabi ni Mama. Ibinigay niya ang mga gamit ko kay Tita Maddie.

"Where are you going, Ma?" tanong ko kahit may ideya na ako kung saan siya pupunta at kung bakit siya aalis.

"I am going to your Lola and Lola. Magtatrabaho ako doon," paliwanag niya. "Maddie, ikaw na ang bahala dito kay Xena, huh?" habilin ni Mama kay Tita Maddie.

Tinalikuran ko na silang lahat. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay nina Tita Maddie.

Ayaw ko nang makita na may umaalis.

Lahat sila umaalis at iniiwan ako.

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata.

Palabas na ako ng Kid's World nang may mahagip ang mga mata ko sa di kalayuang coffee shop.

Kumunot ang noo ko at pinakatitigan ang taong nakita ko.

"Achilles?"

Continue Reading

You'll Also Like

142K 2.7K 55
Mabait, Matalino, Mapag mahal, Sweet Ganyan niya i-describe Gabriel, her Kuya's best friend. When he asked her to be his girl, hindi na siya nag...
26.7M 929K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
2.6K 290 29
It was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her bir...
21K 3.2K 109
[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal...