Tattooed Soul (UNEDITED)

By sheyndreams

3.6K 1K 265

UNEDITED Xeres Nathalia Sandoval is just a simple girl wanting to feel loved. She only wish for a love that i... More

Medial
Uno
Dos
Tres
Kwatro
Singko
Siyete
Otso
Nwebe
Diyes
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisais
Disisyete
Disiotso
Disinwebe
Bente
Bente Uno
Bente Dos
Bente Tres
Bente Kwatro
Bente Singko
Bente Sais
Bente Siyete
Finale
Tattooed Note

Sais

121 56 15
By sheyndreams

Alam ko namang hindi lahat ng bagay minamadali, pero sana naman mag-Friday na.

Ilang araw na kaming naghahanda. Next week na kasi ang competition. Nabo-bored na ako dito. Ilang araw na din kaming excused sa klase at wala naman na akong magawa dito sa library. Nagpapanggap lang ako na nagbabasa. Nakaidlip na nga ako kanina.

Nakapangalumbaba ako sa table ko, nakikipagtitigan sa libro. Pinag-aaralan namin ang mga posibleng ibigay na topic. Mahirap na kapag wala kang masabi sa oras. Nakakahiya kaya yon!

Tumunog ang upuan sa harap ko hudyat na may umupo. Napatingala ako at nakitang si Carriedo iyon. Ilang araw na kaming magkasama dito pero hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Hindi ko din alam kung alam niya ang pangalan ko.

Inabutan niya ako ng canned juice. Nilingon niya ang librarian. Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong, "Kanina ka pa d'yan at baka nauuhaw ka. Itago mo lang kasi baka magalit si Mrs. Pestasio."

I chuckled. Inabot ko ang canned juice at pasimpleng uminom doon.

"Nagme-menopause na siguro," bulong ko. Napahalakhak rin siya.

Pasimple ko ring tinetext si Aki. Lately, we've been both busy. Pareho kaming may pinaghahandaan. Siya sa nalalapit na game nila at ako naman para dito sa school's competition.

Naalala ko ang sinabi ni Carriedo nung pauwi na kami.

"Mag-iingat ka....

Kay Achilles."

"Psst," tiningnan niya ako.

"Nung nakaraan," panimula ko. Kumunot ang noo niya. "Narinig kita." Mahina kong sabi.

Biglang naging malikot ang mga mata niya.

"Huh?" Tanong niya. "Wala akong matandaan," sabi pa niya.

Pinakatitigan ko siya. Alam kong alam niya iyon. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Oh well, pagod lang siguro ako noon kaya kung ano-ano ang narinig ko," ibinalik ko ang tingin sa binabasa at uminom.

"Pagod ka nga lang noon," pangungumbinsi pa niya.

Niligpit na niya ang mga gamit niya. Tiningnan ko ang relo ko. Hindi pa naman oras para lumabas. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Saan ka pupunta?" Pang-uusisa ko.

"Practice," maikli niyang sabi. Nagpaalam na siya sa iba naming kasama sa library at umalis na.

He's weird.

Ilang minuto matapos niyang lumabas, lumabas na din ako. Bored na bored na ako sa library at mamamatay ako sa katahimikan doon. Hindi talaga ako pwede sa ganun. Sa bahay lang ako tahimik and it's an exception.

Wala akong maisip na pupuntahan kaya naisipan kong mag-retouch muna sa banyo. Dumiretso muna ako sa locker para iwan ang iba kong gamit.

Tinahak ko na ang daan papunta sa girl's room.

Pagpasok ko, napatingin agad ako sa baba ng cubicle. Naningkit ang mga mata ko ng makitang may mga paa ng babae at lalaki sa isang cubicle.

Oh! Somebody's doing it here huh? Well, wala akong pake. I let them do their thing while I stared at the mirror. Hindi ko naman sila aabalahin.

Hanga naman ako sa kanilang dalawa kasi tahimik sila. Napangisi ako. Nag-retouch lang ako ng konti. Bago ako lumabas, tiningnan ko pa ulit ang cubicle na yon. Napansin kong may panyo na nahulog sa sahig.

Pamilyar.

Parang panyo ni Molly.

Nagkibit-balikat na lang ako. Madami naman sigurong may panyong ganoon. Ano si Molly, special?

Inubos ko ang oras ko sa cafeteria. Hinintay ko si Lena. Panigurado may klase pa yon ngayon. I texted Aki.

Sa'n ka?

Ilang minuto na ang lumipas pero di pa din siya nagrereply. Naalala ko si Carriedo. May practice siguro sila.

Ayoko ng ganitong feeling. Ayokong maramdamang mag-isa ako.

Nag-scroll lang ako sa Facebook. Nagre-react lang ako sa mga post ng kakilala ko. I checked some memes too. Pampatanggal bored lang.

Thankfully, dumating din si Lena.

"Oh, kanina ka pa?" Pang-aasar niya.

"Hindi ba halata?" Bored ko siyang tiningnan.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Ayos lang yan. Sanay ka namang maghintay," tapos tumawa siya. "Order muna ako. Gutom na gutom na ako," mabilis siyang tumayo at pumunta sa counter.

Pagbalik niya, nagkwento lang siya tungkol dun sa guy na nakilala niya sa Tinder. May balak na silang magkita e.

"Madidiligan na ulit ako," humalakhak pa siya. "Matagal-tagal ring matumal ang sex life ko. Mga ilang araw din yon! Focus kasi ako dito kay Zylan," tukoy niya dun sa ka-chat niya sa Tinder.

"Kayo na ba ni Aki?" Tanong niya habang ngumunguya sa burger.

Napababa ang tingin ko sa mesa.

Bumuntong-hininga ako.

"Ano ba? Ang panget mo! Parang pasan mo ang buong mundo," puna niya. Nakasimangot kasi ako.

"Hindi pa kami. Hindi ko mahanap ang perfect timing. Pareho pa kaming busy," matamlay kong sabi.

"Naku, baka naahas ka na. Madami pa naman diyang makakati sa tabi-tabi," she said.

Ang mga salitang yon ang tumatak sa utak ko buong araw.

Hindi.

Hindi naman magagawa sa akin ni Aki iyon.

Siguro.

Nadatnan ko na nanonood ng TV si Molly. Nakaupo siya sa couch. Tumabi ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Ibinalik na ulit niya ang tingin sa TV ng mapansin na wala namang interesante sa akin.

"Anong ginagawa mo sa banyo kanina?" Tanong ko. Dahil sa sinabi ko ay napalingon siya sa akin. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Kuwago ka girl? Alaga siguro 'to ni Harry Potter. Si Hedwig!

"N-nakita mo ako?" Kinakabahan niyang tanong. Something is fishy here! Bilat niya siguro. Oops! Bad word.

"So ikaw nga yon?" Malaki na ang ngisi ko sa kanya ngayon. I caught her off guard. "Nakita ko lang ang panyo mo. Hindi pa ako sigurado kanina pero base sa reaction mo," tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Confirmed!"

Nanginginig pa ang mga labi niya at kumukurap kurap ang mga mata. Bakit ba takot na takot siya? Wala naman akong pakialam. Gusto ko lang malaman kung siya nga yon.

"Chill couz! Wag ka mag-aalala, hindi naman kita isusumbong kay Tita Maddie. Kalma. Baka hikain ka," I flashed her my sweetest smile. Tumayo na ako at umakyat. Iniwan siya doon na nakatulala.

Nakabawi rin ako sa kanya. Ilang araw siyang weird ang pakikitungo sa akin.

Nagbihis lang ako. I checked my social media accounts, wala namang bago.

Bumaba na ako para magluto ng hapunan. Ako naman kasi ang nagluluto dito. Pero depende pa rin kung kaya ko 'yung lulutuin.

Dahil ako ang nagluto, si Molly na ang naghugas ng pinagkainan. Umakyat na ako at inaral ang mga notes na hiniram ko kay Lena. Hindi ako nakaka-attend sa klase, remember?

Tumunog ang phone ko. Nagvi-videocall si Mama. Ayoko sanang sagutin kaso kailangan ko na din ng pera.

Pinindot ko ang answer button at bumungad sa akin si Mama na naka-coat at scarf. Winter na ba sa Canada ngayon?

"Kamusta ka na anak?"

"Ayos lang po, kayo?" tanong ko na din para di naman magmukhang rude. Kahit na di kami ganun ka-close, mama ko pa din siya. Siya pa din ang nagbigay buhay sa akin.

"May pera ka pa ba? Magpapadala na ako," sabi niya.

"May sasalihan akong competition. Dadayo kami sa ibang school," sabi ko na lang.

"Sige, magpapadala na ako bukas," sabi niya.

Mabilis lang kaming nag-usap at tinapos na niya ang tawag.

Kinabukasan, late na ako pumasok kasi excused naman ako sa klase. Magbabasa na naman sa library which is boring.

Pumunta na lang muna ako sa mall. Tumambay lang ako sa isang sikat na milk tea house.

Napagdesisyunan ko na ring mag-withdraw ng pera.

After that, I decided to go to the Kid's World.

Naglaro lamang ako doon ng naglaro not minding the stares of other kids. Ano nga ba namang ginagawa ng isang high school student sa palaruan ng mga bata?

Hinayaan ko ang sarili kong mag-enjoy. Hindi ko ito naranasan noong bata ako. Hindi ko nga na-enjoy ang pagkabata ko. Puro pambubully yata ang nangyari sa akin noon.

Memories of my childhood flashed right in front of me.

Gabi-gabi kong naririnig ang iyak ni Mama sa kwarto.

Gusto ko sanang puntahan siya kasi sabi niya mamamasyal kami kapag magaganda ang grades ko.

Top 1 ako at gusto kong ipakita sa kanya ang mga certificates at awards ko.

Sa susunod na araw na lang siguro kapag okay na siya.

Isang umaga, nakita ko si Mama na nakatulala sa pool.

"Mama, nasaan si Papa? Ilang araw na siyang hindi umuuwi. Gusto kong itanong sa kanya kung mahal niya pa tayo. Palagi kasi akong binubully ng mga classmates ko. May iba na daw mahal si Papa. Nagagalit nga ako kasi hindi naman iyon totoo. Diba, Mama?"

The 8-year old me was unaware that my family was slowly falling. The picture of a perfect family where I grew up was being shattered.

Nakita kong tumulo ang luha ni Mama. Lumapit ako at pinunasan ang luha niya.

"Mama, wag ka ng umiyak," niyakap ko siya ng mahigpit. Lalo lamang siyang humikbi.

"Xavier wag kang umalis. Maawa ka sa anak mo," si Mama na halos nakaluhod na kay Papa si pintuan.

Hindi ko alam ang nangyayari.

Bakit umiiyak si Mama? Bakit may mga maleta si Papa?

"Xena, nasaan ang Papa mo?" Tanong ng isa kong kaklase.

Malapit na akong magtapos ng elementarya at ngayon ay Family Day namin. The day I always hated.

"Yung Papa niya sumakabilang bahay na!" Sagot naman nung isa.

Masama ko silang tiningnan isa-isa.

Pinigilan ko na naman ang sarili kong umiyak.

Simula ng maintindihan kong nagkaroon ng kabit si Papa, ipinangako kong hinding hindi na ako iiyak.

"Xena anak, dito ka muna sa Tita Maddie mo," sabi ni Mama. Ibinigay niya ang mga gamit ko kay Tita Maddie.

"Where are you going, Ma?" Tanong ko kahit may ideya na ako kung saan siya pupunta at kung bakit siya aalis.

"I am going to your Lola and Lola. Magtatrabaho ako doon," sabi niya. "Maddie ikaw na ang bahala dito kay Xena ha?" Habilin ni Mama kay Tita Maddie.

Tinalikuran ko na silang lahat. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay nina Tita Maddie.

Ayoko ng makita na may umaalis.

Lahat sila umaalis at iniiwan ako.

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata.

Palabas na ako ng Kid's World ng may mahagip ang mga mata ko sa di kalayuang coffee shop.

Kumunot ang noo ko at pinakatitigan ang taong nakita ko.

"Achilles?"

Lumapit ako sa coffee shop para masigurado kung si Achilles at Molly nga ba ang nakikita ko.

Tama nga ako!

Nilapitan ko sila. Aba, hindi ako magtatanga-tangahan at magbubulag-bulagan! Maaagawan na nga ako tapos wala pa akong gagawin?

Nagulat si Molly. Ayan na naman yung panlalaki ng mata niya. Si Aki naman chill lang. Parang walang ginagawang kataksilan sa likod ko.

"Aki?" Baling ko sa kanya.

Wala akong balak tanungin si Molly kasi wala namang matinong isasagot yan.

"Uy Xena! Join us," itinuro pa ni Aki ang upuan sa tabi niya.

Hindi ko iyon pinansin.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko na punong-puno ng pagdududa.

"Kaklase ko si Molly," sagot niya. Oo nga pala. STEM nga din pala ito si Molly.

"Actually groupmates kami. May binili lang kami sa Book Store para sa assigned task sa amin," singit naman ni Molly. Tiningnan ko siya. Nananantya ako kung nagsisinungaling ba siya o hindi.

"Bakit kayo nasa labas? Wala ba kayong klase?" Tanong ko. Hindi pa rin naniniwala.

"Hindi mo ba alam Xena? Nagre-ready ang lahat para sa Academy Day," paliwanag pa ni Aki. "May mga binili kami para sa booth namin," itinuro pa niya ang mga plastic bags sa gilid nila.

Kumalma na ako. Oo nga pala, sa sobrang occupied ko sa weird acts ni Molly, sa pagiging cold ni Aki at sa darating na competition, nakalimutan kong malapit na nga rin pala ang Academy Day.

Sumabay na ako sa kanila papasok sa school. Syempre ako ang umupo sa unahan at nasa likod naman ng kotse si Molly na nakasimangot. Come to think of it. We're not really close and I thought we're okay but now she's getting weird. I don't know. Maybe I'm just overthinking?

"Ihahatid kita mamaya," sabi lang ni Aki. He smiled at me.

Nagpaalam na ako sa kanila pagkababa dahil pupunta pa ako sa library.

Nadatnan ko naman ang mga tao na nakapalibot kay Mrs. Pestasio. Friday na pala ngayon at nagbi-briefing na din para sa competition.

Hinanap ng mga mata ko si Carriedo. Nasasanay na akong tinatawag siyang Carriedo, sa isip ko nga lang. Never ko namang nabanggit ang pangalan niya kasi nga hindi ko alam.

Nang makita ko ay umupo ako sa tabi niya.

"Kanina pa ba nagsisimula?" Bulong ko.

Ipinakita lang niya sa akin ang notebook niya. Mukhang nag-jot down siya ng mahahalagang detalye.

Tinapos ko lang ang araw na yon sa paghahanda para sa competition. Madami ang contest at hindi lang speech. Mayroong debate, quiz bees at iba pang academic contests.

Weekend came and Aki asked me on a date. Syempre pumayag ako. Kailangan ko din ng break. Masyado na akong nag-focus sa contest na yon. Sumasakit na ang ulo ko.

Sinundo niya ako sa kanto as usual. Hindi ko alam kung saan kami papunta.

"Nai-stress na ako sa competition. Share ko lang," sabi ko. Bumaling siya sa akin, his hands on the steering wheel.

"No need to say 'share mo lang'. Interesado naman akong kausap ka," nag-focus siya sa pagda-drive.

Napangiti ako. He knows how to make my heart flutter.

"Wag kang bumanat ng ganyan! Akala mo hindi ko nakakalimutan na isang gabi mo akong hindi kinausap," pagmamaktol ko.

Isang gabi siyang hindi nagparamdam. Akala ko inayawan na niya ako.

"Hindi porket hindi kita nakakausap, hindi na kita nami-miss. Heck, you kept in running on my mind," sabi niya na mas lalong nakapagpa-sirko sa puso ko.

Tumigil ang kotse sa isang parang playground. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Saan 'to?" Tanong ko. Ngayon lang kasi ako nakarating dito.

"This is Junk Yard. Mage-enjoy ka dito promise. Nakita kasi kitang naglalaro noon sa Kid's World," nakangiti niyang sabi. Napangiti na din ako ng todo.

Pumasok na kami at tinatakan naman kami noong lalaki. Hindi ko alam kung para saan yun.

"Kahit anong i-try mo dito pwede. Yan ang purpose ng tatak na yan. Ipakita mo lang," sabi niya at dumiretso na sa isang trampoline.

We spent the entire day having fun in that Junk Yard. Masaya pala sa trampoline. Ilang beses din akong nag-slide tapos didiretso sa isang pool ng lobo. Madami kang pwedeng subukan doon. Lahat ng pwedeng paglaruan, tinry ko. Minsan lang 'to.

It's already 6:00 pm when he drove me off the house. I decided na ipakilala na siya kina Tita.

"Tita Maddie, si Achilles po," pakilala ko.

Nakipag-shake hands naman si Achilles.

"Nice to meet you po," magiliw na bati ni Achilles.

"Nag-dinner na ba kayo? Halika, kumain kayo," niyaya niya pa si Achilles sa dining room.

The dinner went well. Akala ko pagsusungitan siya ni Tita. Akala ko din titingnan na naman ako ng masama ni Molly. Fortunately, maayos naman.

"Thank you, I had fun," he said bago pumasok sa kotse. Pinigilan ko siya.

"No. Ako ang dapat magpasalamat. I really have fun. This week stressed me out. You're a breath of fresh air, thanks to you," I genuinely said.

"Kailan mo ba ako sasagutin?" Nagulat ako sa tanong ni Achilles.

"Nagmamadali ka ba?" Tanong ko naman.

"No. Di kita minamadali. Sorry. I shouldn't ask that. Sige, una na ako. Bye," he then drove off.

I relaxed myself the whole weekend. Ayokong ma-stress, baka hindi manalo.

Monday came and I packed my things in a small bag. I also wore our campus shirt. I tucked it in my high-waisted pants.

Sinundo kami ng van sa school. Tumabi ako kay Carriedo kasi siya ang pinaka-close ko dito sa contestants.

We all used our brain well that day. We are determined to win. Esther's Academy is well-known for producing skilled students and we all wanted to prove everybody that we deserve the title.

Thankfully, we won. I won second place in extemporaneous speech while Carriedo bagged the first place.

"And for our champion, Mr. Luther Flaze Carriedo of Esther's Academy," the announcer said.

So that's his name huh? Luther Flaze Carriedo. Nice name. But I like greek Gods more. Napangisi ako ng maalala si Achilles.

Bilang celebration sa pagkakapanalo ko, Lena and I decided bar hopping!

Una, sa Gothic. Ilang shot lang kami dun tapos lumipat na kami sa TheWalkers. Dun lang naman sa tapat. Lena was wild. She kept on twerking sa dance floor! Nakakahiya!

Hindi na namin naituloy ang pagpunta sa ibang bar kasi wasted na si Lena. Ako naman mataas ang alcohol tolerance ko. Vinivideo ko nga lang ang ka-pokpokan ni Lena e.

Sayaw lang siya ng saya kaya ng mapagod nahiga na siya sa couch. May pinagpipindot siya sa cellphone niya.

"Guess what I did," lasing na sabi ni Lena.

"What?" Tanong ko naman.

"Pinapunta ko si Tinder guy!" She shrieked in laughter. Nababaliw na talaga siya.

"Come on, text Aki also," udyok niya pa sa akin.

Kaysa naman magmukha akong tanga dito kapag dumating si Tinder guy, I texted Aki. Sinabi ko lang kung nasaan kaming bar and he texted back that he'll be coming.

Nag-order pa si Lena ng drinks. Pinigilan ko na siya.

"Gusto mo bang magmukhang tanga sa harap ni Tinder guy?" Sigaw ko sa tenga niya. Inis siyang lumayo sa akin.

Thankfully, tumigil naman siya.

"I'll just go to the rest room," sabi niya.

Tumayo siya at pasuray suray na naglakad. Napailing na lang ako.

I took a shot and headed to the dance floor. Nakisayaw muna ako doon at saka lamang tumigil ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko.

Oh, Aki texted me saying that he's here.

Bumalik agad ako sa couch at naupo ng maayos. I looked like a behave child. Napakaplastic mo Xena! Kanina lang ang wild mo sa dance floor tapos ngayon ang bait mong nakaupo dito. Unbelievable!

Napansin ko na agad ang papalapit na lalaki. That is Aki! Itinuro ko pa siya at pumalpak.

"You're here," nakangiti kong sabi.

Kumunot ang noo niya at inilapit ang mukha sa akin. Akala ko hahalikan niya ako but it turned out na inamoy niya lang pala ako.

Tiningnan niya ang table at lalong napakunot ng makita ang ilang bote ng alak.

"You're drunk," puna niya.

Humagikhik ako at hinigit ang damit niya.

Inilapat ko ang labi ko sa kanya at siniil siya ng halik.

The kiss deepened and became more aggressive. His hands travelled on my thighs. Good thing I wore a skirt for easy access.

Naramdaman ko ang kanyang isang kamay pataas sa aking mga hita samantalang ang isa ay busy sa loob ng pang-itaas kong damit.

Hindi ko alam kung paanong nangyari yon pero natagpuan ko ang sarili sa kandungan niya. His hands was all over my body while he's kissing me roughly.

Napaungol ako ng kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. Nang ilayo niya ang mga labi ay hapung-hapo akong sumagap ng hangin.

I looked at his pinkish lips. He licked it which became more delicious to taste.

He groaned in frustration. Hinalikan niya ulit ako ng mas malalim kaysa sa nauna.

Bumaba ang halik niya patungo sa leeg ko.

"Don't leave marks," bulong ko kay Aki.

Napasabunot siya sa buhok niya at lumayo sa akin. Bigla niya akong hinigit patayo.

Nagsimula na siyang maglakad palabas. Bago sumunod ay nilagok ko pa ang isang baso ng alak para mas lumakas ang loob.

Nilingon niya ako at hinigit na ang kamay ko.

"Come on. Let's get out of here," sabi niya na nakapagpa-excite sa akin.

---------

WARNING: R-18.

Hinigit niya ako patungo sa parking lot. Dali-dali niyang hinagilap ang kanyang car key sa bulsa. Nang makita iyon ay agaran niyang pinatunog ang kotse.

Mabilis ang mga pangyayari dahil natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa loob ng kotse.

Aki attacked me with hungry kisses. I returned his kisses with much intensity. My body was blazing hot. I am on fire.

In-adjust ni Aki ang car seat at mabilis akong kumandong sa harapan niya.

He kissed me hard while I slowly grind myself against his manhood. I moved slowly, tempting him more.

He groaned in frustration. He continued kissing me. This time rougher and harder. I could feel his hands roaming all over my body.

Bumaba ang halik niya sa aking leeg. He's giving me soft kisses on my neck probably because I strictly told him to never leave a mark.

Bumalik ang halik niya sa aking mga labi. His tongue asked for permission which I gladly accepted. I sucked his tongue while his left hand went in between my thighs.

I moaned.

Pataas ng pataas ang kamay niya na iyon samantalang ang isa ay pumasok sa loob ng aking damit.

He skillfully unclasped my bra. He never left my lips. He still kissed it while slowly massaging my mounds.

He then pinched the tips of my breast. I flinched sensually.

In one swift move, I was already undressed. Inihagis niya sa likod ng kotse ang damit ko.

His kisses went down to my jaw then to my neck which ended into my chest. He sucked my nipple at impit akong napadaing.

Hindi ko na naramdaman na naalis na niya rin ang aking palda revealing me with my panties on.

He teased me down there. I could already feel my wetness even with my panties on!

Napasabunot ako sa buhok niya habang dinadama ang mga halik sa dibdib ko habang tinatanggal niya ang panty ko.

"Ugh," halinghing ko.

He inserted his finger inside me. He pumped in and out slowly teasing me.

"Aki, please," pagmamakaawa ko.

I wanted more.

Iniupo niya ako sa upuan ng kotse at nagulat ako ng bigla siyang pumwesto sa pagitan ng mga hita ko.

"Aki!" I shouted alarmly. Anong gagawin niya?!

"Shh," he granted a small kiss in my lips.

He leaned to kiss my creamy folds. His tongue wandered inside me. Napatingala pa ako when he also inserted his finger while sucking my bud.

My knees trembled. Napakapit ako ng mahigpit sa buhok niya.

I was about to cum when he stopped to unbuckle his belt. He fumbled while removing his pants. Napatingala ako sa kanya when I saw how fully erect he is. Hesitation crossed my eyes. Kaya ko ba 'yan?

Ibinalik niya ako sa kandungan niya. Iniangat niya ako and without hesitation he pulled me to sit over him. I was towering over him.

Iniangat niya ako pataas at pababa. Hindi na ako nakapagpigil at mas binilisan ang pagtaas at pagbaba ko.

Napapikit siya ng mariin. I moved faster than before. His hands have its own life when it started to carress my mounds again.

Napakagat ako sa labi ko. I could feel myself cumming. Naramdaman ko ring malapit na siya. I rocked him faster.

I closed my eyes as I convulsed. I felt my liquids gushed down to my legs. Ibinaon ni Aki ang ulo niya sa dibdib ko as he released inside me.

Hingal na hingal kami pareho ng matapos. Umalis ako sa kandungan niya at gumapang papunta sa back seat.

Sumunod ang tingin niya sa akin.

"You have a nice ass back there," puna niya. I only chuckled. Isinuot ko ulit ang mga damit ko.

"Tayo na," bigla kong sabi.

Napangiti siya. He leaned forward to kiss me on my lips.

"I love you," masuyo niyang sabi.

Inihatid na niya ulit ako sa bahay. Nag-text lang ako kay Lena na nakauwi na ako.

Nakatulog agad ako dahil sa pagod.

I went to school the next day. Aki and I were walking hand in hand as we went to there booth.

Nakita kami ng mga kaklase niya at binati siya.

"Congrats! Kayo na?" Tanong ni Arlix.

Tumango lang si Aki. Nakihalubilo siya sa iba niyang kaklase. Kinausap naman ako ng mga kaklase niyang babae. Kinamusta lang doon sa nagdaang competition.

Napansin kong nakatingin lang sa akin si Molly. Okay, she's weird again.

We spent the entire day visiting different booths. Nag-try din kami sa photo booth. This is our first picture as a couple.

Napangiti kong inilagay ang picture sa wallet ko.

"Nagugutom ka ba?" Tanong sa akin ni Aki.

"I want ice cream!" Masigla kong sabi kaya napangiti rin siya sa inasal ko.

Pumunta kami sa labas at nag-order ng ice cream. Habang nag-iintay ay tumitingin-tingin lang ako sa paligid.

Nakita ko si Lena sa katapat namin na food stall kasama ang iba naming kaklase.

"Lena!" Tawag ko sa kanya.

Patuloy lang sila sa tawanan pero napalingon sa akin ang isa naming kaklase. Binulong ata niya kay Lena na tinawag ko siya. Tumingin siya sa akin kaya kumaway ako.

Bigla siyang naglakad papasok na parang walang nakita. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama niya.

Weird.

I just shrugged my shoulders. Baka nga hindi niya lang ako nakita.

"Here," inabutan ako ni Aki ng ice cream na cookies and cream ang flavor.

I licked my ice cream happily. Nakatitig lang siya sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Damn, you looked hot licking that ice cream," seryoso niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso at tumawa.

"Utak mo nilulumot," sabi ko habang tumatawa pa din.

"What? Seryoso ako," natawa na din siya.

Nag-asaran lang kami sa ice cream shop bago namin napagdesisyunang bumalik sa loob.

"Hindi ka ba magbabantay sa booth niyo?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Hindi. Nanalo ako dun sa competition. Bigay na nila sa'kin yon. Sila na magbantay," sabi ko. "Nakakatamad pati," dagdag ko pa.

Sinamahan ko siya na magbantay sa booth nila.

Napansin kong naghaharutan yung dalawang kaklase niya. Balita ko crush ni Via ito si Godfrey.

"Sana all crush ng crush nila," sabi ko sa kanila. Natawa naman sa akin sina Via. "Ako kasi jowa ka na," dagdag ko. Inakbayan naman ako ni Aki.

"Mahina kasi 'to si Godfrey," pagpaparinig ni Via. Namula naman si Godfrey.

"Wag mo na nga silang asarin," saway sa akin ni Aki. Napahalakhak ako.

"Umalis nga kayo dito. Nilalanggam na ang booth oh!" Turo ni Heidi, kaklase ni Aki, sa imaginary langgam.

"Naiinggit na kami Xena!" Pagmamaktol naman ni Kenzo.

Tumawa lang kami ng tumawa ni Aki.

"Tara na nga," niyaya na ako ni Aki na umuwi. Hapon na din kasi.

Pagkadating sa bahay, hindi muna ako bumaba.

"Thanks for today," sabi ko.

"No problem," he said then gave me a quick peck.

Bumaba na ako at nagpaalam.

Umakyat lang ako sa kwarto ko at nahiga pagkatapos kong magpalit.

Nag-Facebook ako at nakita ang mga post ni Lena with our classmates.

Hindi niya ba talaga ako nakita kanina?

Kinabukasan, sinundo ulit ako ni Aki dito sa bahay.

Habang naglalakad kami papasok ay nagreklamo ako sa init.

"Ang Pilipinas ay isang malaking oven. Ang init," reklamo ko.

Tinawanan lang ako ni Aki.

Nagbago ang isip ni Aki. Napagdesisyunan namin na pumunta at tumambay muna sa mall.

Nag-attendance lang kami sa kanya-kanya naming classroom tapos umalis na ako.

Nakaramdam ako ng ginhawa pagkarating namin sa mall. Sa wakas, lumamig din.

Dahil gusto daw na nakikita ni Aki na masaya ako, dinala niya ulit ako sa Kid's World.

"Dati akala ko hindi mo ako papansinin kaya hindi agad kita nilalapitan. Mukha kasing mataas ang standards mo," sabi ni Aki.

Napatingin ako sa kanya at napangiti.

"Hindi mataas ang standards ko. Basta napapasaya mo ako, I'll keep you," I said while smiling. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.

"Thank you for choosing me," he whispered.

Ngumiti ako at ginantihan din siya ng yakap.

Kinagabihan, nagtext si Aki na hindi niya ako masusundo. Okay lang naman sa akin. Sasabay na lang ako kay Molly pagpasok.

"Tita Maddie, si Molly po?" Tanong ko kay Tita. Hindi ko na kasi makita si Molly. Balak ko pa namang sumabay.

"Nakaalis na kanina pa," sabi lang ni Tita. Napasimangot ako. Mukhang mag-isa na naman akong magco-commute.

Nagulat ako ng makasabay ko sa parehong jeep si Carriedo. Ay, Luther pala! Nasanay na akong tinatawag siyang Carriedo.

Nang bumaba siya sa malapit sa school ay bumaba na din ako. Sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Natapos lang ang competition, nakalimot ka na," kunwaring nagtatampo ako.

Umiling lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Magtatampo na talaga ako. Ang snob mo," sabi ko. Pilit sinisilip ang mukha niya.

Iniiwas naman niya ang mga mata niya sa akin. Parang ayaw ako makita.

Nainis na ako.

"Ano bang problema mo?" Malakas kong sabi. Nagulat siya kasi nahalata niya ang iritasyon sa boses ko. Napatigil siya sa paglalakad.

"Wala, sorry," mahina niyang sabi. Tumungo siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod ulit ako sa kanya.

"Kilalanin mo muna ang mga sinasamahan mo," makabuluhan niyang sabi.

"Your worst battle is between what you know and what you feel," dagdag pa niya.

Naglakad na siya ng mabilis.

Naiwan naman akong nakatulala doon.

Bakit ba palaging may sinasabi siyang hindi ko maintindihan.

Labo.

Kapag tinatanong mo naman, umiiwas.

Hindi yata alam ni Luther na milyon milyong boltahe ng kaba ang hatid ng mga sinasabi niya.

Wala akong alam at wala akong maisip na dahilan kung bakit ganun ang mga sinasabi niya.

O baka naman wala talagang meaning ang mga salita niya at nago-overthink lang ako?

Labo.

Labo talaga.

--------

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 202 48
[Completed] Work life Balance ? Ano yun? Trish must be lucky on her career but in love? At the age of 29 she is already a senior manager in one of t...
10.6K 362 37
Cyril Ferguson is not the type of man who will bite all the bait when it comes to girls. He is the man full of righteousness! Gentleman, sweet, carin...
4.6K 422 33
Shaniah Kaye Javier, a girl who achieved her dream to be a doctor and at the same time continue her grandfather's legacy of being a military officer...
33.8K 1K 42
How can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story