Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 24

494K 26.8K 20.3K
By jonaxx

Kabanata 24

Drunk


"You gave him your number?" Aria hissed when I went back to our table.

Doon dapat ako babalik kina Angelo pero dahil sinipat ako ni Aria at iminuwestra na lumapit sa kanya, iyon ang ginawa ko.

"For the investigation-"

"For the investigation? Totoo ba 'yan?"

"Don't worry, okay? Trust me," I assured her.

Ngumisi siya habang pinagmamasdan akong kumakain. Umirap na lang ako dahil alam ko na ang iniisip niya. At alam ko na rin kung ano ang gusto kong mangyari.

Nagsimula rin naman ang programme. Masaya naman si Chayo at Leandro kaya nakalimutan din kaagad ang nangyaring kumosyon. Wala nga lang doon si Levi at si Chantal, hindi na nakabalik.

The wedding was fun. Their single games was unique. Ang kaibigan ni Chayo na si Nan ang nakakuha ng bouquet at isa naman sa mga kaibigan ni Levi ang nakakuha ng garter.

Gumabi na at nagsasayawan na ang mga tao dahil tapos na ang programme. Nagkatuwaan naman si Aria at Romulo habang ako ang nagbabantay kay Ria sa lamesa. Some of my classmates asked me to dance but I refused because of Ria.

Sa banda nina Alvaro, magsisimula na naman yata ang inuman. Nakisali si Leandro sa grupo nila at naroon na rin ang ibang lalaki sa Altagracia.

The music, though, was ended very soon. Hindi na ako nagtaka dahil iniisip ko naman si Tito Luis. Nagsiuwian na rin kasi ang matatanda at ang mga kaibigan na lang nina Chayo at Leandro ang natitira.

Nagulat ako dahil akala ko magpapaiwan si Margaux. She went to Alvaro's table. Nakausap din niya ang kapatid na si Angelo. Nakisalamuha sa iilang kakilala. Tumayo si Alvaro at sinalubong ang parents niya sa likod. Sumulyap siya sa banda ko pero ibinaling ko na lang ang mga mata kay Ria na abala sa coloring book na price kanina sa mga larong pambata.

"Dito pa," sabi ko sa kanya at itinuro ang hindi nakulayang mukha ng pagong.

Nakisali sina Aria sa grupo. Si Romulo lang naman talaga ang nandoon kanina at kinausap pa ni Aria ang ilang kaibigan kaso tinawag si Aria saglit. Ngayon pabalik na sila sa lamesa ko.

"Uuwi ka na, Alvaro?" I heard Daniel.

Tumawa si Alvaro. "Ah, hindi pa. Mauuna na sila."

"Ah! Akala namin..."

Napasulyap ako sa banda nila at nakita kong inakay ni Margaux ang Tita Ana at mukhang ang tatlo ang mauunang umuwi, samantalang mananatili si Alvaro.

I saw that Soren went out of the del Real's mansion. Nagkasalubong sila ni Margaux. Madilim ang tingin niya rito samantalang si Margaux ay yumuko. Soren ignored her and continued walking towards our table.

Tinawag nga lang siya sa lamesa nina Alvaro kung saan pinansin niya naman.

"Inom, Soren!" anyaya na tinanggap niya naman agad.

"Mamaya ka na umalis, Alvaro," patuloy ng ilang kaibigan ni Alvaro.

"Ah. Hindi ako magtatagal ngayon kasi may papakainin pa akong pusa sa bahay," he chuckled.

My eyes darted at them. I saw Alvaro's gaze at me. Natabunan nga lang nang imahe ng palapit na si Soren sa amin.

"Dito lang kayo, Aria? Sali tayo roon!" si Soren sa amin.

"Ah. Kagagaling lang namin doon, Soren," si Aria habang hinahaplos ang buhok ng anak. "Inaantok na si Ria. Baka mauna na kami."

Napakurapkurap ako. Well, I have no problem going home early. Wala akong dalang sasakyan kaya wala rin akong choice kundi sumama na nga kina Aria at Romulo.

"Ikaw, Yohan?"

"Ah... sasama na ako sa kanila. Wala kasi akong sasakyan, e. Hindi ako nagdala."

Namilog ang mga mata ni Soren sa gulat. "Ano? Ang KJ naman. Ihahatid kita! Halika na!"

"Soren, delikado. Katatapos lang noong insidente ah."

"Bago ang sasakyan ko Aria. At isa pa, nasa kanto lang ang inyo. Malapit lang at may checkpoint pa. Ayos lang naman siguro."

"Naku! Hindi na!" giit ni Aria.

Kinagat ko ang labi ko.

"Aria, magpadala na lang tayo ng driver para kay Yohan," si Romulo. "Para naman makipagkatuwaan pa siya rito."

Nilingon ako ni Aria at sinimangutan.

"Ayos lang din naman sa aking magpaiwan muna. Hindi pa ako inaantok."

"Pero hindi ka magpapahatid dito kay Soren?"

"Aria naman. Nahuli na naman 'yon! At malapit lang ang inyo, oh. May check point pa. At maraming tao rito sa mga del Real kaya hindi 'yan..."

Hindi ako nagsalita. Nagkatinginan kami ni Aria.

"Magpapadala ako ng susundo sa'yo," aniya bago ako b-in-eso.

"Tara! Sumali tayo sa kanila?" si Soren na itinuro ang kabilang lamesa.

Tumango ako dahil naroon nga naman ang iilan naming kaibigan. Sabay-sabay na kaming tumayo.

Kinuhanan ako ng upuan ni Soren. May upuan sa tabi ni Juan at agad na hnilahad ng grupo sa akin. Naroon na rin ang ibang babaeng kakilala nakikipagkatuwaan kaya tahimik lang ako.

"Oh, aalis na kayo?" si Aria na tinawag ni Daniel.

Naupo si Soren sa tabi ko, sa harap namin si Alvaro na katabi si Leandro at dating babaeng lower batch nila.

"Oo. Diyan na muna 'yang pinsan ko. Wala 'yang sasakyan, padalhan ko na lang."

Tumawa si Leandro. "Ipapahatid na lang namin, Aria."

"We have drivers. Malapit lang ang inyo," si Chayo nang narinig iyon kahit nasa kabilang lamesa siya.

"Ako na ang maghahatid," si Soren naman.

"Nag-aalala ako kasi katatapos lang noong insidente."

"Ako na ang bahala," si Soren ulit.

Magsasalita pa sana si Aria pero may ibang kumausap na sa kanya. And then the group recalled what happened to me a week ago.

Kinuwento ni Soren iyon. Nabigyan din kami ng inumin. Tahimik na lang akong uminom habang tinatanaw si Aria na paalis na sa mga del Real.

"We just had dinner sa office niya nang lumabas kami..." patuloy ni Soren.

Alvaro looked at him with his brow furrowed. Then his eyes drifted on me. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-iinom ng inumin.

"Nahuli n'yo na pala ang gumawa noon, Alvaro?" pagkatapos ng kuwento ni Soren ay siya naman ang tinanong.

"Oo. Nahuli na. Iyong namaril na lang ang tinutugis."

"So that bullet was actually for you, Soren?" tanong ni Chayo.

"Oo. Hiyang-hiya nga ako kay Yohan. Nadamay pa siya."

"Titigil na siguro 'yan dahil nagdeklara ka nang hindi ka tatakbo," si Daniel.

"Kaya dapat hindi ikaw ang naghahatid kay Yohan, Soren," si Juan.

Everytime I catch Alvaro looking at me, napapainom ako ng shot. Si Soren naman, pulang-pula na sa tuloy-tuloy na pag-iinom at pakikipagkatuwaan.

"Hindi na, salamat. Uuwi na ako ngayon..." si Alvaro nang tanggihan ang para sa kanya.

Naka tatlong tanggi na siya na ganoon ang sinasabi. Kanina pa siya nagsasabing uuwi na siya pero hindi pa niya ginagawa. Iba-iba na ang topic at hindi na ako makasunod sa lahat pero napapalingon ako sa usapan sa harap.

"Kanina pa 'yan, ah. Ano bang minamadali mo sa pag-uwi. Pusa mo?"

"Si Margaux ba, hindi makakapagpakain sa pusang alaga mo?"

Ngumuso ako at nanatili ang mga mata sa shot na nasa harap ko. Mukhang naparami na ako. Wala na rin naman ako gaanong nakakausap, mas mabuti na sigurong umuwi na ako. Maaga pa naman pero dahil sa nainom, baka makatulog na ako sa bahay.

Sana pala sumabay na lang ako kina Aria. Hindi pa nag-iisang oras mula nang umuwi sila, e.

"Ah, hindi naman," si Alvaro.

I felt his eyes were on me but I didn't look at him.

"Bumibisita lang minsan dahil tinuturuan si Mama sa pag-aayos sa pagtatanim ng tubo."

"Oh?" Hindi ba kayo?"

Tumawa si Alvaro. "Hindi kami. Nagpapatulong lang si Mama."

"Magfa-farm na rin kayo?"

"Akala ko ba bahay 'yong pinapatayo n'yo?"

"Nagpapatayo rin pero gusto ni Mama at Papa mag... tubuhan ulit."

May ilang sumulyap sa akin, siguro naaalala na noon ay amin ang lupaing iyon. Before if was returned, I already cleared it up. I stopped using it in our operations in preparation for it. Kaya walang tanim ng tubo roon nang ibinalik ko.

"Marunong si Chayo paano, Alvaro," si Leandro.

Tumawa si Alvaro. "Hindi naman ako ang naghahanap niyan, Leandro. Pero sasabihin ko kay Mama."

"Si Yohan din, marunong?" si George.

Nginitian ko na lang siya at tumango ng kaunti.

"Hindi naman si Alvaro ang nagpapatanim. Si Tita Ana naman kaya..." his wife said.

"Gusto ko nga sanang magpatulong pero abala pa nitong nakaraan sa trabaho," si Alvaro.

Hindi ko tuloy mapigilang mag-angat ng tingin. Natahimik ang mga kausap namin, medyo kuryoso na nakatingin pa sa amin.

"Uh... May libro ako. Ipapadala ko na lang sa inyo."

Tumango si Alvaro. "Ako na ang kukuha. Ayos lang naman."

Annoyed now that he is giving our friends something to think about, I threw in my idea.

"Pero marunong na rin niyan si Margaux. Walang alam ko na hindi niya alam, for sure," sabi ko.

"Kung sa bagay, marunong na nga 'yon, Alvaro," si Leandro.

Nagbago na ang usapan nila. Tahimik ako at ganoon din si Alvaro. Hindi ko na kaya iyon. It felt awkward and I'm annoyed with him for creating a stir on our friends minds with his subtle words.

"Soren, tatawag lang ako kay Aria. Uuwi na ako."

"Huh? Hindi na, ihatid na kita."

Wanting so bad to be removed from the group now, tumayo na ako at walang pag-aalinlangang na sumama kay Soren.

Maingay na si Soren. Medyo lasing na nang nagpaalam siya sa grupo. I politely said good bye too.

Everyone looked at Alvaro who stood. Pero nauna na kaming umalis kaya hindi ko na alam kung ano ang sunod na gagawin niya.

"Ang aga pa, ah? Bakit gusto mo nang umuwi?" si Soren nang nakapasok na sa sasakyan niya.

"Ah. Medyo tipsy na ako, Soren."

"Oh? Eh, hindi pa naman yata marami ang nainom mo."

"Medyo marami na."

Pinaandar niya na ang sasakyan at lumabas na kami sa mga del Real.

"Ang saya-saya pa sana oh. Ang dami pa nila roon," si Soren.

Medyo nairita, nagbuntunghininga ako. "Puwede ka naman bumalik kung gusto mo. Or... pakuha na lang ako kina Aria."

"Papunta na naman tayo sa inyo, Yohan."

Hindi na ako nagsalita. He laughed drunkenly a bit and pulled over. Nilingon ko siya. Malapit na kami sa amin at tanaw ang checkpoint kaya safe naman kahit paano.

"Dito muna tayo mag chill," si Soren.

Dinaan ko sa tawa ang pagkakalito. "Soren, uwi na lang ako. Balik ka na lang doon kung gusto mo talaga."

I closed my eyes. I was really sleepy. At parang ngayon lang din nag kick in sa akin ang alcohol kaya nararamdaman ko na ang pag-alon ng tingin. Bumabaliktad din ang sikmura ko kaunti.

"You still love him, don't you?"

Diniinan ko pa lang ang pagpikit ng mga mata.

"Huh?"

"Si Alvaro, gusto mo pa?"

"Hindi nga, Soren."

"Oh?"

He leaned on my side a bit. Dumilat ako at nagulat nang nakitang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

"Soren!" sabay tulak ko ng kaunti.

"Sabihin mo nga ulit, hindi mo na siya mahal."

"Hindi ko nga mahal si Alvaro. Dati lang 'yon!"

He smirked. He really is drunk. Medyo namumungay ang mga mata at pulang pula na. Inilapit niya pa ang mukha niya sa amin.

Nahihiya ako dahil natatanaw ang checkpoint at hindi naman tinted ang sasakyan ni Soren kaya kitang-kita kami.

"So sasagutin mo na ako niyan?"

"Huh? Hindi..."

"Anong hindi? Sabi mo hindi mo siya mahal ah?"

Magsasalita pa sana ako pero hinalikan na ako ni Soren. I pushed him but he was a bit forcefull with the kiss.

Sabay nga lang kaming napatalon nang malakas na bosina ng SUV ang narinig naming dalawa.

I saw the black Ford, with the window's open, and Alvaro watching us with his dark expression.

Nakapag u-turn na ito at idinikit niya ang sasakyan niya sa tabi ni Soren. Ang bintana niya, tapat na tapat sa bintana ni Soren.

Natawa si Soren at halatang nairita. Sinulyapan niya ako.

"Problema nitong gagong 'to?"

Kinabahan ako bigla.

"Soren, nasa checkpoint tayo! Natural na i-check tayo at pareho pa tayong may shooting incident! Don't be rude!" parang nahimasmasan ako roon.

Lalo na nang nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Alvaro nang kumatok siya at hindi pa pinagbuksan. He looked at the road ahead of him with extreme annoyance that made me shiver a bit.

Nang bumaba ng kaunti ang bintana ay 'tsaka binalik ni Alvaro ang tingin sa amin. I leaned back a bit, scared. Kinabahan ako lalo nang naisip ang halik ni Soren. Hindi tinted ang sasakyan kaya sigurado akong nakita ni Alvaro iyon.

"Oh, Alvaro?" si Soren.

"I'll escort your car to their mansion, Soren. Mas magandang iuwi na si Yohan agad dahil sa nangyari noong nakaraang linggo."

Natawa si Soren at tiningnan muna ako. I gritted my teeth and I realized he really is drunk.

"Kaya ko na 'to, Alvaro. Hindi na kailangan ng escort. May mga bodyguard na naman din ako."

"Mas mabuti pa rin na nakakasiguro."

He laughed again and slowly nodded.

I gritted my teeth. Inayos ko ang sarili ko. Pinaandar na ni Soren ang sasakyan. Pinaikot muli ni Alvaro ang SUV niya. Naabutan niya kami sa checkpoint.

Kalaunan, nakauwi na. Alvaro parked his car near our gate. Hindi na siya pumasok gaya ni Soren. Tinanong pa ako ng security namin kung kasama ba.

"Si Alvaro po, hinahatid lang kami," sabi ko.

Nang nasa rotunda na, lumabas agad ako ng sasakyan. Lumabas din si Soren at agad humingi ng tawad.

"I'm sorry."

"Umuwi ka na lang muna at magpahinga. Lasing ka na, Soren."

He sighed and then nodded.

Pumasok siya sa sasakyan niya. Hindi ko na hinintay ang pag-alis niya. Agad na lang akong pumasok sa mansiyon.

Padarag kong nilapag ang clutch sa lamesa sa kitchen at naupo na sa high chair. Sinapo ko ang noo ko habang iniisip ang nangyari. Nakakahiya.

I should make it clear to Soren that I don't want us that way. Pagbibigyan ko naman siya sa panliligaw but this incident turned me off. I know he's just drunk or that maybe I have my own mistakes... but even so!

"Oh? Maaga? Nagpapunta ako ng driver, ah. Hinatid ka ni Alvaro?" si Aria na nakapantulog nang dumaan sa likod ko at dumiretso sa ref.

"Hindi. Si Soren ang naghatid."

"Bakit sabi ni Manong sasakyan ni Alvaro ang nasa labas ng gate?"

I took my phone out and I realized that Alvaro texted me!

Unknown number:

Are you home?

Unknown number:

This is Alvaro by the way.

Unknown number:

Can I call?

Hindi ko pa halos nabasa lahat nang pinulot ni Aria ang cellphone na tinitingnan ko.

"Aria!"

"Anong nangyari?"

"Hinatid ako ni Soren. Uh... naka convoy si Alvaro."

"Wala naman daw ibang sasakyan na sa labas. Si Alvaro na lang."

My phone rang for a call. Aria immediately cancelled it.

"Aria..."

"Si Alvaro 'yon, for sure. Hmm..." she smirked.

I checked my phone. I was about to type my reply when it's her phone that rang this time. Agad niyang sinagot.

"Alvaro."

Nagkatinginan kami ni Aria.

"Oo nakauwi na siya. Salamat sa pagconvoy sa kanya," she paused, as if he was speaking. "Oo, medyo lasing na kaya ganoon. Thank you."

After a while, she dropped the call. Parang nawala ang pagkakalasing ko dahil doon, ah.

"Hindi yata uuwi nang 'di nasisiguro na nakauwi ka. Huwag mo nang reply-an."

"H-Hindi naman daw niya girlfriend si Margaux."

"Oh? E 'di tatanggapin mo na agad?"

"Hindi naman. Nagsabi lang ako..."

"Huwag kang papaloko diyan. Bastedin mo. Tingnan mo muna gaano ba ka tibay 'yan."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.5M 34.4K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...