Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.5M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 22

504K 27.7K 17.9K
By jonaxx

Kabanata 22

Number


Nagtagal ang tingin ni Alvaro sa sasakyang gamit ko. I realized he probably remember my car to be a BMW. Right now I'm using my spare Mazda.

"Kumusta ang sasakyan mo?"

"Iniimbestigahan pa at... ipapaayos iyon ni Tito pero hindi ko alam kung magda-drive pa ba ako no'n."

Tumango siya at lumapit na rin sa sasakyan niya.

I was silent, too. Pumasok na ako sa sasakyan ko at hinintay siyang gumalaw. His car beeped and I realized I know what he wants me to do. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at sumunod naman siya.

Why am I so nervous when he's around? Hindi ba na-overcome ko na ang hiya sa ibang tao? Bakit pagdating sa kanya, I am reduced the Grade seven Yohan? I should try be more normal when he's around.

Isa pa, it's not like there is something in between us. And even with the boys who were my exes, I wasn't that nervous to be around them.

Bumosina ulit ang sasakyan na. Sumulyap ako sa rearview mirror at natanto kung bakit niya ginawa. I slowed down, we're almost in their home.

Hindi nga lang ako nagparking sa mismong tapat ng bahay nila. Umabante pa ako ng kaunti at medyo nahihiya ako na makita ni Tita Ana.

Nagpark na rin si Alvaro hindi kalayuan sa likod ko. He opened his door and walked towards their house. Sa malalaking hakbang iyon, halatang nagmamadali.

Hindi rin nagtagal, lumabas siya at may dala nang pusa. My eyes were glued on the cat he's holding. It really is Kuring, I can't believe it!

May humabol na babae galing sa likod niya. Natanaw ko rin si Tita Ana, nakadaster at natatawa sa dalawa.

Margaux, a higher batch gave Alvaro the black bag for Kuring. Tinanggap ni Alvaro iyon at nginitian. Nag-usap pa sila ng ilang saglit bago bumalik si Margaux kay Tita Ana. And I realized, they are very close.

I hit the clutch and drove away slowly. Nagtagal sa isip ko ang ginagawa ni Margaux sa mga Santander.

Margaux is a close friend to the Alcazars. Naging ex din yata ni Soren. Isa sila sa mayayaman dito sa Altagracia at hindi ko na makonekta ang pagiging malapit sa mga Santander bukod sa malapit siya sa mga Alcazar.

Maybe she's close to Alvaro ever since. He had a lot of girlfriends, anyway. From other batches. Naalala ko bigla ang pag-angat ni Sancha Alcazar kay Kuring noon. Alalang alala ko ang naisip ko. Bagay sila. Tama lang ang age gap. Dalaga na si Sancha noon at si Alvaro naman, binata, at seventeen, I guess.

I sighed. Margaux is Sancha's best friend. Sancha is already with Doctor Alonzo Salvaterra.

Ngumiti ako nang tinanggap ng isang trabahante namin ang susi ng sasakyan ko. Hinintay ko naman na makapark si Alvaro sa visitor's parking namin.

Lumabas siya at sinalubong ko na. Hawak niya si Kuring.

Agad kong hinawakan si Kuring. Something about it touched my heart. Inisip ko na kasi noon na hindi ko na siya makikita. Na baka rin wala na siya pero ang makita siya at mayakap ngayon, parang ang sakit sakit, kahit masaya naman ako.

I closed my eyes and hugged him tight. I missed him more than I could ever imagine.

"Yohan?" I heard Tita's call.

I wiped away small tears on the side my eyes. I sighed as I watched Kuring's weary eyes. I smiled.

"Oh, Alvaro! Nakabisita ka?"

"Ah, Ma'am. Magandang hapon po. Pinasyal ko lang po rito iyong pusa namin ni Yohan dati. Pasensiya na po."

"Ano ka ba, ayos lang. Ang ayaw ko sa pusa ay ina-allergy ako. Kaya pinapakiusapan ko na si Yohan na habang nandito ako, kahit sa shelter lang muna ang pusa niya. Sanay kasi siya na kung saan saan lang dito sa bahay iyong pusa niya. Kahit sa sala. Kaya nagkakalat ang balahibo."

"Ganoon po ba? Dito na lang po kami ni Kuring sa labas."

Tumawa si Tita. "Ayos lang 'yan. Iuuwi mo naman siya, 'di ba? At sige, sa hardin na lang kayo. Pasensiya na. Yohan?"

I smiled. Naglakad ako palapit sa kanila, nilingon ako ni Alvaro. His eyes weighing my thoughts.

"Sa labas na lang po kami, Tita. At iuuwi naman ni Alvaro si Kuring sa kanila."

"Hindi ka nagsabi na bibisita siya! Tamang tama pa at may ilang ipapakita ang Tito mo sa mga nakita sa sasakyan mo." Tumawa si Tita. "Pasensiya na, Alvaro. Nag-aalala talaga kami sa nangyari kahapon."

"Ako rin naman po," si Alvaro.

"Nakita na ito ng mga pulis at baka nasa opisina n'yo na rin ito pero kayo na lang mag-usap ni Clavio. Etong si Yohan kasi parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon."

Nilingon ulit ako ni Alvaro. I was already busy with Kuring when our eyes met.

"Sige po. Kakausapin ko si Sir."

"Yohan, magpapahanda ako ng merienda at dinner. Sa labas na lang dahil may pusa."

"Opo, Tita."

Pumasok na kami sa bahay. Mabilis na naglakad si Tita para tawagin si Tito. Natigil naman kami sa gitna ng bahay. Yakap ko pa rin si Kuring. Nilingon ako ni Alvaro at ngumiti siya.

"Sa labas lang kami," sabi ko.

"Susunod din ako."

Nag-usap sila ni Tito. Nilapag ko si Kuring sa kabilang upuan at pinagmasdan ko siyang naging komportable roon. Hindi na siya tulad noon na aalis agad pagkalapag. He's now just curled on a chair, trying to sleep.

I rubbed his back as my thoughts went on.

Marami na talagang nagbago. Ilang taon na ang nakalipas. Nothing stays the same, not even the heart. It changes, no matter how hard you try.

Nawala na sa puso at isipan ko si Alvaro sa nagdaang taon. I have many exes and I liked them. Alvaro, I was never in his heart. I was too young to even be considered. I wasn't his type and he had a girlfriend. The hurt lingered in my heart. I think he really just pitied me.

Ngayon, hindi na siya maaawa dahil ibang tao na ako. Pero baka dahil na naman sa nangyari kahapon, isipin niyang helpless pa rin ako tulad ng dati.

He probably has a girlfriend now, too. Or maybe a wife or fiancee. Hindi ko na gaanong sinundan ang mga nangyari sa kanya mula nang umalis siya para pumasok sa PMA. I never dared to even remember him because I know I can't hold on to something impossible.

Ngayon na narito ulit siya, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. It's still impossible.

"Ah, dito muna kayo," si Tita na nagmamadaling iginiya si Alvaro sa upuan at lamesa na nakatunghay sa hardin.

Naupo siya sa upuan kasunod kay Kuring. Pinapagitnaan namin si Kuring ngayon habang nilalapag ng iilang kasambahay ang mga merienda.

It was awkward. We were both watching Kuring. Madalas din ang angat ng tingin niya sa akin. Pero pinilit ko ang mga mata ko kay Kuring lang.

"Tingin ko mas mabuting hindi mo na gamitin ang sasakyan mo," aniya.

I nodded. I have made up my mind about him now and I know that this is also just like before. I was hurt years ago. Sinarili ko ang sakit dahil alam ko namang wala akong karapatan. Dati ko na ring alam ang lugar ko kaya madali ko siyang nakalimutan. Right now, I think it's better to stay that way.

"Hindi pa lumalabas ang imbestigasyon pero kung lumabas iyon at mapatunayan na may kinalaman ang mga rebelde, o kahit na si Soren naman ang pakay nila, mas mabuti pa ring maging maingat. Anyway, you have other cars."

"Kung... maliit na kriminal lang naman at mahuli rin. Puwede na rin siguro. Malapit lang naman ang azucarera rito. At... may checkpoint naman."

Kumunot ang noo niya at nagtagal ang tingin sa akin.

"So you're also a daredevil now, huh?"

Nagtaas ako ng kilay. Seryoso naman siya.

"Bakit pa? May ibang sasakyan ka naman, Yohan."

Natahimik ako. His lips stretched on the corners.

"Mas mabuti pa ring maging maingat. Kung iniisip mong sayang iyon, puwede mo namang ibenta. You can wait for time after the investigation is included and justice is served, but we can't really be sure about anything now."

I sighed.

"Ang pinakaduda ng mayor ay sa mga Osorio iyon. They have been receiving death threats because some people don't want Soren to run. Hindi kayo pareho ng sasakyan ni Soren pero sa dilim at pagmamadali, baka iniisip na siya iyong lalabas sa azucarera ninyo..."

Naisip ko tuloy si Soren. Hindi ko na siya nakumusta kahapon. Baka abala pa siya tungkol din dito.

"Gabing gabi na rin kasi... nang bumisita siya sa'yo sa Azucarera."

Nagkatinginan kami ni Alvaro. He sighed.

"Lagi ka bang ginagabi sa Azucarera?"

"Hindi naman. Abala lang ako nitong nakaraan sa kasal ni Aria kaya natambak ang trabaho ko."

"At... bumisita si Soren sa'yo."

"Uh... well... Yeah."

His lips pursed. Nakatingin siya ngayon kay Kuring.

Pagkatapos ng ilang sandali, naroon na sina Tita at Tito. Sumunod na rin ang mga pagkain. Sumali rin si Ria sa amin na ipinakilala ko kay Kuring. Alvaro has met Ria on the wedding day of Aria and Romulo but he only interacted with her now.

"Ikaw ba, Alvaro? May anak na?" si Tito nang nagmano si Ria kay Alvaro.

Muntik ko nang naibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa diretsahang tanong.

"Ah, wala pa po." Sabay tawa ni Alvaro.

"Kung sa bagay, a well decorated officer like you shouldn't be in a hurry to be wed."

"Hindi naman po. Hindi lang nagkaroon ng panahon. Pagkagraduate po kasi, assign agad at namundok."

"Oh!" manghang mangha si Tito.

"Nasabi nga ni Mayor na paiigtingin daw ang seguridad ng lalawigan dahil ngayong nalalapit na naman ang eleksiyon, grabe na naman ang mga ilegal na gawain. Hanggang kailan ka ba rito?" si Tita.

"Baka matagal pa po. Gusto ko nga sanang dito na lang tumira," he laughed.

My eyes widened and started eating my own dinner. Unti-unti na rin naman silang kumakain pero mas abala sa usapan.

"Naku! Kaya pala nire-renovate ang bahay n'yo?" si Tito.

"Ayaw mo bang magpapromote pa? Hindi ka ba i-aassign sa ibang lugar pa, hijo?"

"May isa naman pong mas malaking kampo sa Tanjay. Depende pa po. Medyo napabilis nga po ang promotion ko kaya gusto ko munang magpahinga sa ngayon sa mga ganoon. At kung puwede, dito na ako."

"Hindi ba ang mga kapatid mo..." si Tito na hindi pinagpatuloy.

"Si Ate Gen, nasa Cebu. Si Kuya Gilbert naman, sa Zamboanga."

"Oh..." si Tita.

"Salamat nga po pala sa ginawa ninyo sa lupain ng pamilya ko. Nito ko lang kasi nalaman ang nangyari," sabay baling ni Alvaro sa akin. "Masyado akong abala para malaman pa ang mga balita rito."

"Sa totoo lang, Alvaro... si Yohan dapat ang pasalamatan mo. Natagalan nga bago namin napag desisyonan iyon."

Bumaling si Alvaro sa akin. His brow lifted. I smiled.

"Napaimbestigahan ko naman at nalaman ko na talagang niloko ni Daddy si Tito. Kaya..."

His eyes never left mine. Kahit pa noong nagtanong na ulit si Tito Clavio.

"Sa inyo raw iyong itinatayong building sa kalye sunod sa grocery, hindi ba?"

Hindi siya agad sumagot dahil nagtagal ang tingin niya sa akin. My heart pounded. He then tore his eyes off me and looked at Tito Clavio.

"Opo, sir."

"Sa bata mong 'yan at wala pang anak, malaki na siguro ang ipon mo?"

Tumawa si Alvaro. "Hindi naman po. Pero gusto ko kasing dito sa Altagracia i-invest ang pera ko."

"Naku! Magkakasundo tayo riyan!"

Si Tito at Tita ang kausap ni Alvaro sa buong pagkain namin sa hapag. Minsan ay lumilingon siya sa akin kapag humahaba ang usapan at tahimik na ako. I even heard Tita saying her doubts about Romulo but Alvaro told them that he knows him and... he's a good person.

"Opo. Mabait si Romulo."

Nilingon ako ni Alvaro at nagtagal muli ang tingin sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtitig din.

"Oo dahil pareho kayo ng pinsan mo'ng hindi ko maintindihan ang taste! Eh, kung sana si Noel o kahit iyong si Bobby na lang, at hindi iyang Soren?"

"Tita, magkaibigan lang po kami ni Soren."

"Manliligaw mo, hindi ba? Sus! Sa ospital, alalang alala si Soren at sinabi niya sa Dad niya na nililigawan ka! Nahiya tuloy ako."

Kinagat ko ang labi ko. My eyes drifted on Alvaro and saw that he's now silent, looking at his glass of water.

"Huwag na 'yon. Si Bobby na lang! Nakikipagbalikan sa'yo ang tao! Isang taon mahigit din kayo noon. Nagtagal kayo kumpara sa mga ex mong hindi halos umaabot ng bagong taon!"

Nag-angat ng tingin si Alvaro kay Tita.

"Tita... Mabait naman po si... uh Soren."

"At si Bobby, hindi?"

Tita sighed.

"Kumbinsido ako na mas magkakaksundo kayo ni Bobby kaysa kay Soren. At kita mo na, may kakaibang hatid ang pagsama mo kay Soren? Muntik ka nang mapahamak!"

"Si Angelo rin, puwede. Naghiwalay naman kayo noon dahil malayo, hindi ba? Matatanda na kayo ngayon, hija. Puwede nang pag-usapan ang mga ganoong klaseng bagay."

Natigil lang sila sa pag-uusap ng ganoon nang may tumawag kay Tito. Si Tita naman, nagpatuloy sa pagkuwento tungkol kay Aria at Romulo.

Nagtagal pa ang usapan ni Alvaro at Tito. Tahimik na lang ako habang nilalagay si Kuring sa kandungan ko. Medyo ginabi na siya at nag-inuman din sila ni Tito habang nagku-kuwentuhan.

Hinintay ko lang ang pagpapaalam. Somehow, I thought we'd be alone by then but Tita and TIto both joined us outside to send off Alvaro.

I swallowed hard and gave him back Kuring. Tinanggap niya naman iyon. Magsasalita na sana ako tungkol sa pagkikita ulit namin ni Kuring pero naunahan ako ni Tito.

"Bisita ka ulit kapag may oras ka. Pag-uusapan natin iyong sinabi ko."

"Trabaho ko ba bukas, Alvaro?"

Umatras na lang ako dahil pasalit salit na si Tita at Tito sa pagtatanong.

"Opo."

"Sige, mag-ingat ka."

"Send our regards to your parents."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Tahimik ko na lang siyang pinagmamasdan na umikot na para mapaandar ang sasakyan.

Yumuko ako pagkatapos tinanaw ang pag-alis niya. I realized I was too hopefully when he asked for my number today. Hindi ko pa naibigay iyon for some reason. At hindi niya na rin naman hiningi ulit.

I sighed. Bakit ba lumikot ang isipan ko kanina sa shelter?

At kung hihingin niya man ang numero ko, baka para lang sa trabaho. Dahil kung tama ang hinala ko... baka may kung ano sa kanila ni Margaux. Maybe it's his girlfriend. Why else would Margaux be with the Santanders.

Hatinggabi na at inaantok na ako pero nagbabasa pa rin ako ng ilang articles. Ngayon ko lang talaga naisipang mag search sa kanya sa internet. He was out of my mind for years that I didn't think about doing this.

I was shocked to see that he was a well decorated officer indeed. He had awards and medals here and there. And based on some articles, he escaped death. Namamangha ako sa binabasa ko kaya agad na winala ang bagong notification.

Natigilan lang ako nang naisip iyon. I checked and realized... it's him. He found me on my social media account!

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
112K 7.2K 33
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...
259K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...