One Seat Apart (GirlxGirl)

By Icieyou

353K 14K 1.3K

Ang isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko s... More

Chapter One
Chapter two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter Thirty Two
Chapter ThirtyThree
Chapter Thirtyfour
Fin

Chapter Nineteen

12K 446 72
By Icieyou

Rara

Hindi ko mapigilang hindi humikab ng humikab dahil puyat na puyat ako sa ginawa ko. Nakakainis! bakit ba kasi ginawa ko anv bagay na yun?! Hindi mawala wala sa utak ko yung nangyari! Rara isa kang pervert!

"Girl kanina kapa napapahampas sa mukha mo, malamok ba?"

Hay nako Isay! Kung alam mo lang gusto ko nang burahin yung mukha ko sa hiya! Sobrang nahihiya ako kay Cielo kaya di ko pa siya kinakausap kahit ngayon na nasa byahe na kami papunta sa kung saan. Maaga niya kaming sinundo kasama si Cindy at yung sekretarya niya na di ko matandaan yung pangalan

"Do you want an off-lotion?"

Napatingin ako kay Cindy na nasa harapang upuan. Nasa isang van kasi kami. Nakaharap siya sa akin habang naka luhod siya sa upuan.  Nasa tabi niya yung sekretarya ni Cielo si.. si.. Mich! Naalala ko rin

"No, Cindy okay lang ako" ngumiti lang ako sakaniya dahil ang cute niya. Para siyang childish version ng kapatid niyang impakta

"Kanina ka pa kasi nag slap ng face mo"

Oh No! Nagtatagalog na siya? Kailan pa?

"Shock ba ka?" Tumango lang ako sakanya dahil ang cute cute niya mag tagalog parang limang taong gulang lang

"Cindy stop talking Filipino! Nali mali ka naman"

Mula sa harapan narinig ko na ulit ang boses niya.. naalala ko na naman!

"Hey Mich!" Sabay kalabit sa ulo ng babaeng katabi niya

"Yes Ma'am Cindy?"

"What's I don't care in Filipino?"

"Uh... Ma'am it's wala akong pakielam"

"Oh thanks, hey sweetheart! Wala akong pakielam"

Hindi namin napigilang di tumawa ni Isay dahil ang cute cute niya mag tagalog at inalam pa talaga niya yung salita para lang sabihin sa kakambal niya pati si Mich natawa rin

"Galing ko na mag Filipino, right?" Tumango lang ako sakanya at nag thumbs up.

Naalala ko tuloy kanina kung gaano kalakas yung tawa ko sa itsura ni Isay dahil nung dumating sila sa dorm para sunduin kami eh hindi makapaniwala si Isay sa nakikita niyang dalawang Cielo sa harapan niya. Halos lumuwa yung mata niya dahil mag kamukha sila at kulay lang ng buhok ang pinagkaiba

"Hey! Isay, right?"

"Cindy! Sit down don't act like a 10 year old kid"

"Kill joy"

Ngumuso muna siya bago umayos ng upo. Cute grabe kabaliktaran ng kapatid niyang masungit, impakta, mapanglait, bastos, walang modo, mayabang, at.. at.. shocks! Bakit ba kasi na iisip ko yung nangyari kagabi?

Ilang oras pa ang lumipas ngunit hindi manlang ako dinalaw ng kapayapaan sa isip ko. Sobrang sakit na ng ulo dahil di ako makatulog. Cielo utang na loob patulugin mo ko!

"We're here"

Hinawi ko ang kurtina na tumatakip sa bintana nitong sasakyan, pag hawi ko ay tumambad sa akin ang napaka gandang hotel resort. Naglalakihang sculpture ang nasa paligid na gawa sa kahoy at isang fountain sa gitna. Halatang mamahalin ang lugar na ito

"Do not bring your things they'll do it for you, just go to the lobby" Utos niya na pagka sungit sungit! Ewan ko sayo hindi mo ko pinatulog!

"Tara girl!"  Hinila agad ako ni Isay pababa ng sasakyan sobrang excited niya

"Girl! Dito dali kunan mo ko ng picture!"

Ayon kaya po pala niya ko hinila para kuhanan siya ng litrato, bwisit ano? Tapon ko kaya to sa malalim na parte ng dagat? O kaya ilibing ng buhay sa buhanginan?

"Leche ka akala ko kung ano! Papakuhanin mo lang pala ako ng litrato mo!" Pagrereklamo ko

"Eh dali na girl ang ganda ko dito ayan oh "

Hindi ko mapigil di mapangiti dahil nag wa-walling ang loka sa malaking painting na nakalagay dito sa labas ng hotel-resort

"Hey! Me too!"

Biglang tumakbo si Cindy papunta kay Isay at nag pose ng kung ano ano sabay tawa sa isat isa na akala mo matagal ng magkakilala. May mga ginawa rin pala si Lord na kahit na mayayaman sila eh hindi sila mahirap pakisamahan at hindi ka pag mamalakihan ng kung anong meron sila na wala sayo.

"Lets go" Utos ni Cielo na parang commander ng isang troop.

Pagpasok sa lobby ay mas lumuwa ata yung mata ko sa laki ng lobby nila at isang malaking chandelier na lalong nag paganda dito

Habang nakikipag usap si Cielo sa frontdesk di ko mapigilang di siya titigan napaka ganda niya kahit simple lang suot niya. Naka white long sleeves siya na bukas ang ilang butones sa may dibdib at yung maong shorts niya na kitang kita yung legs niyang napaka kinis at puti, killer heels niyang black at isang shades na gucci isama mo pa yung buhok niyang wavy shocks! Why so hot...

"Girl matunaw" Nabalik ako sa katotohanan noong sikuhin ako ni Isay

"Ha?-- ano?" Hindi ko kasi ma gets yung sinasabi niya

"Kako matunaw si Miss Cielo grabe ka makatitig eh. Ganda niya ano?" Napaikot naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Psh! Yan? Mas maganda pa ako dyan" humalukipkip pa ako. Pero hindi ko maikakaila na maganda talaga si Cielo. Mukha siyang modelo na galing sa ibang bansa.

"Pag hindi ka tumabi sakanya maganda ka pero pag tumabi ka girl alalay ang peg"

"Bwisit ka!" Tama bang laitin ako?!

"Okay, I reserved 5 rooms tag iisa tayo ng room" nagulat ako sa tig iisang kwarto. Hindi ako sanay mag isa sa kwarto!

"Ay! Teka Cielo magkasama nalang kami ni Isay okay lang naman eh diba?" Tumingin ako sa kanya at siya naman tingin niya sakin na parang nag tataka

"Ayoko sawa na ako kasama ka sa kwarto. Kami nalang ni Mich magsama"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Isay, siraulong kaibigan to? Hahayaan ba niya akong mag isa sa kwarto?!

"Is it okay with you, Mich?"

"Yes Ma'am"

"Ayoko mag isa, Isay naman eh!" Pagmamaktol ko dahil hindi ako makakatulog nito!

"Sweetheart why don't you go with Rara?"

Nanglaki yung mata ko-- kami?! No way!

"What?"

"Ano?!"

Sabay pa kaming napatanong sa sinabi ng kakambal niya. Anong kahibangan ang pumapasok sa utak nila?!

"Why? Besides, I don't want to be with you sweetheart. I'll have my own partner"

Tumalikod bigla si Cindy lumapit siya sa receptionist

"Miss, 3 luxury room please."

No! lalong hindi ako makakatulog nito! Iligtas niyo ako sa loob ng 5 araw!

**********

"Thank you"

Sabi niya sa mga bell boy pagka baba ng gamit namin sa napaka garang kwarto na ito. Yung buong lapag ng kwarto ay isang makapal na carpet. May salas ito na may flat screen tv na ubod ng laki at isang malaking couch na paikot sa tapat nito.

Naglakad lakad ako at hinanap yung CR. Pag bukas ko ng ilaw namangha ako, napakalaki at ang ganda meron din siyang tub sa loob at jacuzzi. Pinatay ko yung ilaw at pumunta naman sa kitchen, kumpleto lahat ng pagkain na tingin ko kasama naman sa bayad.

Pag pasok ko naman sa isang pintuan tumambad sa akin ang isang queen size bed at tanaw mo rito yung asul na dagat at dalampasigan dahil isang malaking glass ang mismong papunta sa balkonahe, literal na ngumanga ako sa ganda ng tanawin

"I guess you like it?"

"Ay butiki! Ano ba! Bakit bigla kang sumusulpot?"

"Why? This is our room malamang susulpot ako"

Di ko siya pinansin dirediretso akong lumabas papuntang balkonahe. Grabe ang ganda at ang presko nung hangin sakto lang yung sinag ng araw dahil alaskwatro narin ng hapon. Nilabas ko yung phone ko para kunan lahat ng bagay na nakikita ko dahil gusto ko pag alis ko dito maaalala ko lahat ng to

"Ay? Bakit ang dilim" tinaas ko yung phone ko. Bakit walang picture na makuha? Sira ba yung camera? Kakakuha ko lang kanina kay Isay ah!

"Taking pictures?"

Muntik ko ng malaglag yung phone ko! Ano ba bakit ba kasi sumusulpot! Humarap ako saglit sakanya

"Hinde"

Tsaka tumalikod ulit at di siya inintindi. Nakakaasar naman nasira na ata talaga itong camera ng cellphone ko

"Open this"

Paglingon ko sa kanan may hawak siyang isang kahon na naka balot sa gift wrapper. Alam ko malayo pa ang pasko, ang advance naman ata ng aguinaldo ko?

"Ano yan?" Taas kilay kong tanong

"Kaya nga sabi ko open this para malaman mo"

"Ayoko"

"Oh itatapon ko nalang to"

Akma niyang ihahagis talaga yung kahon kinabahan ako kasi seryoso pala siya sa lahat ng sinasabi niya

"Hinde! Sigi na bubuksan na akin na"

Kinuha ko yung kahon sakanya, ano ba kasi ito? Habang pinupunit ko yung pambalot nakatingin lang siya sakin ano ba? Wag mo akong tignan Cielo!

"You will not be taking pictures using your phone"

Camera? Diba mamahaling camera tong ganito? SLR ito ah? Alam ko eto yung ginagamit ng mga photographer sa mga artista bakit naman niya ko binigyan ng ganito?

"That's yours" kibit balikat lang niyang sagot sa nagtataka kong reaksyon

"A-Ano? Bakit ganitong camera? Ang mahal nito tsaka.." napakamot ako sa ulo ko, nakakahiya naman

"What?"

"H-Hindi ako marunong gumamit ng ganito" yumuko ako bigla nahihiya ako sakanya. Hindi ko kasi alam yung mga ganito dahil digicam lang alam ko kasi isang pindot lang okay na

"I'll teach you then"

Inayos niya yung strap nitong camera sabay sabit sa leeg ko ang bigat naman nito pwede ipatimbang to ah?

Pumunta siya sa likod ko at hindi ko inaasahang hahawakan niya yung dalawa kong kamay na para siyang nakayakap sa akin. Para na naman ako kinukuryente sa nararamdaman ko lalo na yung harap niyang sumasayad sa likod ko! Tila ba nakikipag karera yung puso ko sa ginagawa niya

"Here hold it like this.." para akong kinikiliti dahil ramdam ko yung hininga niya sa batok ko. Gamit yung kaliwang kamay nilagay niya yung kamay ko sa ilalim yung camera at sa kanang kamay naman, nilagay niya malapit sa pindutan

"Then look here" tinuro niya yung butas kung saan sisilip para makita mo yung makukuhanan nung camera

"Kapag malabo try to adjust using this coarse, the big one is for the zoom and this small one is for fine adjustment. If the image is clear, click the button"

Kung ano yung mga sinabi niya ginawa ko kahit nahihirapan akong mag concentrate dahil sa pagkakadikit ng katawan niya sa akin

Click!

Lumabas sa LCD yung nakunan kong image at ang ganda!

"Cielo! Ang ganda nito! " Ngiting ngiti kong pinakita sakaniya ang nakuhanan ko

"I told you"

"Thank you" ngumiti lang siya ng matamis sa akin

"You're welcome. Alright then, go get some pictures then after, let me take a look"

Tumango lang ako sakanya na parang bata na susunod sa gusto niya. Tatalikod na sana siya pero hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para hawakan yung kamay niya, tila automatic yung katawan ko sa ginagawa niya. Tumingkayad ako at bignigyan siya ng halik sa pisngi. Ang lambot ng balat niya. Halatang nagulat siya pero saglit lang ay ngumiti siya sa akin

"Clingy"

Bigla siyang kumindat sa akin, oh my lord give me strength biglang nanghina yung tuhod ko sa kindat niyang mas malakas pa sa kryptonite.

************

"Girl! Kuhanan mo ako dito dali!"

Ang ending ako naging photographer ni Isay. Ang alam ko mag babakasyon ako dito, hindi maging photographer niya

"Isay ikaw nalang mag selfie ka" inabot ko sakanya yung camera

"Selfie? Di ko nakikita sarili ko, teka! Paano to?"

Tawang tawa ako sakanya dahil nag hi-hysterical na siya na parang timang

"Me! Ako magpicture sayo Isay"

Nagulat ako ng kinuha ni Cindy yung camera, halatang sanay na sanay siyang kumuha ng larawan ni Isay. Para silang may raket na pag momodel ng mga bato dito sa dalampasigan di ko mapigilan mapangiti, ang cute nila.

"Cindy is the best when it comes to photography"

Napatingin ako sa kanan ko. Ang bilis naman niya maglakad? Kanina lang kausap niya si Mich sa lobby kaya nauna na kaming tatlo nila Isay tapos nandito na siya agad?

"Nasaan si Mich?"

"Hmm? " bigla siya lumingon kila Isay kung saan nag pipictorial silang tatlo

"Ang bilis niyo naman maglakad?" Pag uusisa ko. Bakit ba ninenerbyos ako bigla?

"Kanina pa ako sa tabi mo" tumaas kilay niya. Di niya ako madadaan sa taas kilay nayan

"Bahala ka nga dyan"

Mag lalakad na sana ako palayo sakanya pero bigla niya akong hinigit at hinawakan yung kamay ko, hindi ko napigil yung pag ngiti ko at mukhang nakita niya yun

"Why are you smiling?" Walang emosyong tanong niya

"Ha? Ngumingiti? Ako? Hindi ah-- bakit mo hawak kamay ko aber?" Ako naman ang nakataas ang kilay ngayon

"I want to walk with you"

Napangiwi nalang ako sa sinabi niya habang pinipilit kong pigilan ang ngiti na gustong sumilay sa mga labi ko. Bakit parang may kung ano sa loob ng tiyan ko na gustong kumawala?

"P-Pwede namang hindi hawak yung kamay ko" pagdadahilan ko, pwede naman kasing hindi diba? Pero bakit ginugusto ko?

"Okay" sabay bitaw sa kamay ko literal akong napa amang sa ginawa niya pero binaliwala ko yun sabay talikod sakanya.

"You should saw your face" humarap ako sakaniya at inirapan siya

"Bwisit ka!"

Sabay ngisi niya sa akin. Bakit gusto ko bang hawakan niya kamay ko? Hindi naman diba? Pero kakasabi ko lang kanina na ginugusto ko... Ang gulo!

Naglakad ako papunta kila Isay, napansin niyang nakasimangot ako

"Oh biyernes santo mukha mo girl, bakit na naman?"

"Wala tara na nga! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Dahil walang direksyon ang paglalakad namin

Pare parehas silang nag kibit balikat so, anong ginagawa namin dito sa labas?

"We will have a dinner" bigla niya sinundot yung kanang pisngi ko na ikinigulat ko

"Sweetheart bully ka!"

"I know, let's go. I want grilled foods" napataas naman ang kilay ko. Sabi pa niya sa akin ay cancerous yon pero sa huli halos siya yung umubos lahat ng pinaihaw ko dati

"Kala ko ba ayaw mo non?" Nakahalukipkip ko pang pag uusisa

"Yes, not until I met you" tumitig siya sa mga mata ko na para bang gusto akong kainin. Napaiba ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang pagkalabog ng puso ko.  Nahagip ng mata ko si Isay na tumatango kaya inirapan ko siya

"Tara na gutom na ako!" Pag iiba ko ng usapan dahil tumahimik ang paligid sa sinabi ni Cielo kanina

Naglakad kami sa pinong pinong buhanginan papunta sa mga kainan, sobrang ganda dito hindi ganun karami yung tao pero maraming turista na banyaga. May malalakas na tugtog may smooth na kantahan ng mga singer galing sa ibang restaurant.

"Dito tayo"

Napalingon ako sa tinuro ni Cielo, yung haligi ay gawa sa kawayan lahat, napapaligiran ito ng iba't ibang ilaw na nakasabit sa ere. Napaka sarap sa mata tignan mayroon pang banda sa gilid at higit sa lahat ang daming pagkain na pwedeng ihawin!

May lumapit saming babae, titig na titig siya kay Cielo kaya tumaas na naman ang kilay ko. Pinapunta niya kami sa isang mas magandang view malapit sa stage kung nasaan ang mga music instruments.

"Girl! Nandito daw Armi Millare!" Pumapalakpak pa siya habang ngiting ngiti

"Ha? Sino yon?" Hindi ko kilala yung sinabi niyang pangalan, artista ba yon?

"Gaga! Singer ng up dharma down" excite na excite niyang sabi

Nakita kong tumayo na si Cielo at pumunta sa mahabang lamesa sa gitna kung nasaan ang mga pagkain

"Ma'am Emprey" lumingon ako sa tumawag sa akin ata agad na umiling

"Mich, Rara nalang please? Magkaibigan naman tayo" medyo nag aalangan pa siya kung sasang ayon ba siya sa pakiusap ko o hindi. Dahil hindi naman ako boss niya o kung sinong mataas na tao para tawagin na ganon.

"R-Rara sabi ni Ma'am Cielo kumuha na daw kayo ng pagkain"

Tumango ako sakanya at pumunta sa mahabang table para kumuha ng ipapaluto namin. Kumuha ako ng mga paborito ko, tinignan ko plato ni Cielo.. bakit parang parehas kami ng kinukuha?

"Hay nako pati pagkain parehas kayo ni Miss Cielo?"

Si isay nasa likod ko, sinabi ko sakanyang gaya gaya lang si Cielo sa akin pati ganda ko ay ginaya din niya.

"Lakas ng loob ah? Wala ka pang iniinom niyan"

Sabay kaming tumawa para kaming mga baliw habang nag iikot sa lamesa. Pagkatapos binigay namin yung mga kinuha namin sa nag luluto at bumalik sa kinauupuan namin.

Dumarami na din yung tao dahil meron nga palang sikat na kakanta dito ayon kay Isay. Katabi ko sa kanan si Isay at katabi ko naman sa kaliwa si Mich na katabi naman si Cielo, kung nasaan si Cindy? Katabi niya si Isay at silang dalawa yung nag kukulitan

Biglang nag hiyawan mga tao nang umakyat ang isang babae na short hair maputi at maganda, siya na ata yung sinasabi ni Isay

"Girl!! Mamamatay ako pag di ako nakapag papicture sakanya!"

"Eh teka tatawag nako sa St. Peter para maayos ko na" natatawang biro ko sakaniya. Parang timang kase, mamamatay agad?

"Ang sama mo!" Pinaghahampas niya ako sa braso, pinangdilatan ko siya para tumigil

"Good evening! I guess everyone is having a good time tonight? Of course, mas magandang kumain habang may magandang tugtugan. And I'm offering this song para sa mga in love"

Naghiyawan na naman yung mga tao sama mo na si Isay at Cindy na akala mo ay kilala niya yung mga kanta sa Pinas. Lumingon ako sa kaliwa ko, si Mich pumapalakpak lang at si Cielo nakahalukipkip lang ang boring talaga ng buhay niya.

Biglang tumugtog yung piano sabay nawala ang palakpakan ng mga tao.. pamilyar sa akin yung kantang yan

Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang dama na ang ugong nito

Grabe ang ganda ng boses niya. Saktong sakto para sa magandang gabi

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pag-sinta.

Pansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin pero di ako lumilingon dahil kapag ginawa ko yun paniguradong hindi ko maiaalis yung mga mata ko sa kanya at tuluyan niyang kakainin ang kaisipan ko at ang atensyon ko. Ngunit sa loob ng dibdib na ito ay gusto kong tignan siya. Bakit ba kasi ganito lagi ang senaryo? Hindi ba pwedeng iba naman? Lagi nalang siyang nakatingin sa akin at pag tinitignan ko naman siya sobrang dumadagundong yung puso ko na dapat hindi naman

Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'yo

Naririto siya at nakikinig sa akin, ano ba ang dapat kong aminin? At dapat bang ipaubaya ko ito sa hangin?

Ano bang pakiramdam ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko sayo?

................

"Girl kita mo nakapag papicture ako!"

Nandito kami nakaupo sa buhanginan ni Isay tapos na kami kumain, kasama namin si Cindy  na nakaupo habang pinakikinggan ang hampas ng dagat sa dalampasigan. Si Cielo at si Mich ay umalis, ayaw kong sumama sakanila dahil ma-out of place lang ako sa mga pag uusapan nila.

"Girl ano? Ganda ko ba?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Isay

"Ikaw ay maganda Isay cause I'm the one who captured that" si Cindy ang cute niya talaga mag tagalog parang bata.

"Oo maganda Isay" sabat ko sakanilang dalawa

"Ay talaga?! True friend ka Rara" makikipag apir sana siya sakin kaso tinitigan ko lang ang kamay niya sa ere

"Yung singer kako maganda" banat ko kaya umirap siya sa akin na kinatawa ko naman

"I hate you!" asar na asar siya sa akin at balak pang ibato yung camera kaya binatukan ko siya

"Guys let's start walking" pag aya ni Cindy kaya minabuti namin na tumayo at maglibot

"Gusto niyo magparty?"

Ha? Party? Anong klaseng party?

"Let's get drunk" habol pa niya na kinalaki ng mata ko

Hindi ako nagiinom at hindi ako naglalasing kaya umiling agad ako

"Oo nga girl! Enjoy naman tayo tara !" Pagsang ayon ng lasinggera na to

"Hindi ayoko!" Umiiiling iling ako sakanilang dalawa

"Kj mo! Dali na kasi" parang bata si Isayna hinihigit higit ang braso ko para lang pumayag

"Minsan lang ito Rara! Diba parang celebration nalang natin kase malapit na tayo matapos!"

Ang galing niya manuhol at umisip ng dahilan. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya, tama naman siya deserve naman namin mag celebrate

"Okay! Oo na sige, saan tayo?"

"Doon!" Turo ni Cindy sa may malakas na tugtog at puro naglalarong ilaw ang meron, parang di ko kakayanin pumunta sa ganyang lugar

"Tara girl dali!"

Pumasok kami sa loob ng bar gawa ang haligi sa glass tapos yung paligid niya may mga couch at pag akyat mo sa taas nandoon yung dance floor at isang dance floor din sa baba malawak at punong puno ng taopero halatang mayayaman ang nandito. Sa sobrang lakas ng tugtog dumagundong yung mismong bar nakakatakot mamaya biglang gumuho ito

"What drinks gusto niyo?" Si Cindy pag kaupo namin sa couch

"Ah ako yung redhorse!' bibong bibo sumagot ang isang ito kaya napatampal nalang ako sa mukha ko sa sinabi ni Isay

"What?"

"Cocktail nalang samin dalawa Cindy" tumango si Cindy at pumunta sa bartender

"Girl! Redhorse sabi eh" naiiling ako na nahihiya sa sinasabi niya buti nalang ay malakas ang tugtog walang nakakarinig na iba maliban sa aming dalawa

"Gaga walang ganon dito! Pang kanto yang gusto mo"

"Ay ganon ba dito? Girl! Sayaw tayo mamaya ah! Okay naman mga suot natin eh di naman masama makipag sabayan tsaka ang daming gwapo!"

Napailing nalang ako, sa totoo lang ayoko sa ganitong place dahil gulo at mababastos kalang dito eh pero nakakaenjoy dahil sa tugtugan

"Here's your order"

Nilapag ni Cindy sa table yung cocktail at si Isay parang gutom sa alak inubos agad agad

"Ang sarap girl" matapos niyang tunggain yung baso

"Ewan ko sayo pag ikaw nalasing dyan bahala ka"

"It's okay I'll take care of you Isay and Rara you can get drunk if you want too"

Para namang mag lalasing ako diba? Uminom ako kaunti nitong cocktail at totoo nga ang sabi ni Isay masarap nga siya kaya nilagok ko yung isang baso

"Ayon! Aayaw ayaw ka pa kanina ah?"

"Mukhang masarap eh bakit ba?"

Kumuha pa ng marami si Cindy na alak pero hindi pa ako nakakaramdam ng hilo kaya ko pa naman. Maya maya pa ay nag aya si Cindy na sumayaw siguro dahil sa tama ay napapayag niya si Isay sumayaw.

Naiwan ako dito sa couch dahil gusto kong uminom lang ayoko mag sayaw baka lumabas ang tinatago kong talento. Okay na akong banyo namin sa dorm ang nakakakita at nakakarinig ng talent ko

Biglang nag iba yung tugtugan nung pinatugtog yung kantang E.T ni katy perry mas lalong naging party party ang paligid at parang tuwang tuwa yung mga tao. Sa di kalayuan naaninagan ko pamilyar na mukha teka, hindi ba si Mich yon? Tumayo ako palapit sakanya at hindi ako nagkamali siya nga halatang nagulat siya nung kita niya ako dito at tila alalang alala

"Rara! Buti nandito ka"

"Bakit? May problema ba? Bakit ang daming baso sa table niyo? Teka nasaan si Cielo?"

Wag mo sabihin sa akin na ininom nila ang lahat ng laman ng baso na nasa lamesa?

"A-Ah yun na nga ang problema si Ma'am Cielo kasi--"

Biglang nag hiyawan yun tao kaya napatingin ako sa dance floor at di ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Cielo nakikipag sayawan sa mga lalaki at babaeng umaaligid sakanya. Hinahayaan niya lang kung saan humawak yung mga kasayaw niya. Naramdaman kong umakyat yung dugo ko sa ulo at bumilis tibok ng puso ko sa inis

"Lasing na ba yang boss mo?!" Sigaw ko na kinagulat ni Mich

"H-Hindi ko alam Rara ayaw niyang mag papigil uminom kanina"

Sa sobrang inis ko hinampas ko yung table at dire diretsong naglakad sa dance floor. Hinigit ko siya sa braso pero malamya lang siyang tumingin sa akin na lalong nag patindi ng inis ko

"Cielo tara na uuwi na tayo!"

"Dance with me Rara!" Napasapo nalang ako sa ulo ko dahil mukhang tinamaan ang magaling

"Cielo tara na--"

Hinigit ko siya pero may humawak ng kamay ko at pilit na inalis sa pag kakakapit ko kay Cielo

"Miss anong problema mo? Nagsasayaw kami ng magandang to diba? Doon ka nga!"

Abay hayop itong mokong na to ah!

"Wala kang pakielam!" Sigaw ko sabay bawi sa braso ni Cielo

"Mas wala kang pakielam nag sasayaw kami! Tsaka sino kaba?!"

Inaasar talaga ako ng gagong to ah! Kala mo uurungan ko kita? Manigas ka!

"Girlfriend ko siya bakit? Ikaw sino kaba? You're just a piece of junk na nagsasayaw dito!" taas kilay kong sagot

"Gago ka ah!!"

Aamba na sana siya sakin pero di ko inaasahang hahawakan ni Cielo yung kamay nung lalaki sabay suntok sa sikmura

"Not this girl"

Napatulala ako bigla sa bilis ng pangyayari, ganun ganun lang napatumba niya agad yung lalaki na ngayon ay sumusuka sa lapag. Hinatak niya ako papunta sa couch nila kung na saan si Mich nagulat ako nung nandoon narin sila Cindy at Isay

"Lalabas lang kami ni Rara, Cindy ikaw na bahala"

Walang anu ano ay kinaladkad niya ako palabas ng bar. Pagkatapos ng gulong ginawa namin ay para kaming tumatakas sa kawalan. Napadpad kami sa konti yung tao, inaya niya akong umupo sa buhanginan at tahimik na pinapakinggan ang dagat.

"Beautiful, right?"

Tumango ako sabay upo niya sa tabi ko bitbit ang anim na bote ng beer. Hindi pa ba siya tapos mag inom?

"Bakit mag iinom ka na naman?" Paninita ko. Akala ko ay lasing na siya kanina mukhang hindi pa pala

"Nothing" binuksan niya yung dalawang bote at iniabot sakin yung isa

Habang umiinom, tahimik lang kami pero naririnig ko yung tibok ng puso ko bumibilis na naman. Katabi ko lang siya pero ganito yung epekto sa akin.

"Rara tell me, kamusta ang buhay mo?"

Buhay ko? Magulo na simula nung nakilala kita. Hindi na ako makahinga ng maayos tila nag ka depekto narin yung puso ko pag nakikita kita at naiisip. Pero di ko naman pwedeng sabihin yan diba?

"Wala, okay lang. Masaya"

"Gaano kasaya?"

Tumingin ako sakanya para na naman napako ang mga mata ko sa mukhang niyang maganda.

"B-Bakit iba nanaman kulay ng mata mo?" Pag iiba ko ng usapan pero totoong iba nanaman yung mata niya golden brown yung kulay

"Really? Marami ata akong nakaing ihaw kanina plus I'm drinking beer kaya siguro? I don't know. Who cares? Hey! you're not answering my question" pinaningkitan niya ako ng mata. Akala ko pa naman makakaligtas ako

"Ha? Wala ka kayang tinatanong" napangiti ako bigla

"Rara"

Alam mo yung tinawag lang niya ang pangalan ko pero para niyang kinuha lahat ng hangin ko sa katawan? Ganon ang epekto

"B-Bakit?"

"Uhm-- it's getting late we must go back"

Para siyang may gustong sabihin pero di niya masabi.

Tumayo ako pero di ko inaasahan na iikot yung mundo ko, literal na umiikot. Tutumba na ako nang mapakapit ako kay Cielo

"Come, I'll give you a piggy backride"

Umupo siya sa harap ko sabay hawak sa mga braso ko hindi ko na nga namalayang bitbit na niya ako. Napangiti ako dahil ganito kami nung una namin pag kikita. Parang ang bilis ng panahon, ilang buwan na pala ang lumipas simula nung araw na yon.

Yumakap ako sakanya sa likod nang mahigpit dahil sa sobrang pagka hilo, parang yumayakap din yung talukap ko sa mga mata ko..

********

Cielo

"Rara?" I can't believe it! Sumuka siya sa daan! Buti nalang konti yung tao sa dinaanan namin. Ito ngayon kami, katatapos ko lang siya linisan ng katawan sobrang lasing niya. I didn't know na mag kakaganto siya sa tatlong bote ng beer lang.

"Rara? Wake up papalitan kita ng damit"

Pilit niyang dinilat yung mga mata niya at inikot yung paningin tila tinitignan niya kung nasaan na siya

"Rara upo ka muna papalitan kita ng damit sumuka ka kasi kanina. Wag ka mag alala nahilamusan na kita pinapalitan nalang kita ng damit. Taas kamay muna" pag papaliwanag ko habang nirorolyo ang damit na isusuot ko sakaniya

"Ako? Sumuka? Wala ako matandaan! Nahihilo ako ano ba!"

Grabe pag ka lasing niya. Ngumingisi siya bigla, hindi na kita paiinumin sa susunod

Umupo siya at sumandal sa head board katulad ng sabi ko sakanya. Habang inaayos yung idadamit ko sakanya hinawakan niya yung mukha ko na kina tigil ko. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy mula sa mukha ko pababa ng tiyan ko

"R-Rara sabi ko taas kamay pano ko masusuot sayo ito" pabulong kong sambit

"Ang ganda ganda mo bakit ba ganito ka lagi Cielo? Ginagawa mong baliw yung eto--"

Sabay turo niya sa puso niya, napalunok ako ng wala sa oras. Ayoko pansinin mga sinasabi niya. She's just drunk hindi niya alam ang ginagawa niya

"Cielo--" hinawakan niya yung baba ko na lalong nagbigay sa akin ng sensasyon. Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko na halos wala na kaming pagitan. Bumibilis lalo tibok ng puso ko nang mapatingin ako sa labi niya

"Dito kalang--" yan ang huling narinig kong mga salita galing sakanya kasabay ng pagka wala ng pagitan naming dalawa.

I never expect this to happen again. I just closed my eyes and let her lead me to what ever she wants. Our lips were dancing slowly as if we want to savor the moment. Every movement it tickles me so much. She lick my bottom lip, a cue that she wanted more.

She wrap her arms around my neck and pull me closer. I can feel her warm naked body touching mine. Suddenly she stop and look at me straight in the eye. I can see her mouth trying to find some words

"Cielo I... "

Hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin niya. I don't want to hear that kung ano man yon. I kiss her and this time we kiss more deeper. Yumakap siya sa akin at di ko malayang nakahiga na pala kami sa kama. Damn it! It's so hot parang di ko kakayanin yung ganitong pakiramdam, she's making me crave more. I find my will to stop myself at hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para tumigil

"Rara...we better go to sleep "

Hindi na siya sumagot at tuluyang pumikit. Sabi ko na she's just drunk, ano bang inaasahan ko? She just kiss me because she's just drunk that's all..

Inayos ko na siya sa pagkakahiga at sinuotan ng damit. Pumasok ako sa CR para maligo at maalis ang init ng katawan ko. Pagkatapos ay humiga na rin ako sa tabi niya. Habang tinititigan siya, I can't help it but to smile, she makes me feel different..always

I lean to her and kiss her lips, once again I feel that thousands of butterfly moving around my tummy  and only her can make me feel like this way

"Goodnight Rara"

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.3K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
53.9K 1.9K 57
This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap ay makakalimutan siya ni Rie. At ang na...
25.5K 1.3K 29
If the silent heart voiced out, what happens? P.S: This is a girl to girl love story. This story confuses me. Lol.
10K 688 6
They hate each other most of the time . . . but they are also capable of existing together in harmony.