Tattooed Soul (UNEDITED)

By sheyndreams

3.6K 1K 265

UNEDITED Xeres Nathalia Sandoval is just a simple girl wanting to feel loved. She only wish for a love that i... More

Uno
Dos
Tres
Kwatro
Singko
Sais
Siyete
Otso
Nwebe
Diyes
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisais
Disisyete
Disiotso
Disinwebe
Bente
Bente Uno
Bente Dos
Bente Tres
Bente Kwatro
Bente Singko
Bente Sais
Bente Siyete
Finale
Tattooed Note

Medial

545 121 28
By sheyndreams

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

This is under MAJOR EDITING.

***

Life.

There's so much more in life than what most people see. We are always reminded how harsh and how sad life is. We believe that life is hard and that life is unfair, but we forget to see what life is teaching us since day one.

Life is not unfair. It is the people who is not fair.

Akala ko madali lang ang buhay. Akala ko din masaya ito.

Iyon ang kadalasang nananahan sa utak ng mga taong lumaking masaya sa buhay. Sila iyong mga taong hindi nakakaranas ng hirap at kung makakaranas man ay bihira.

Habang lumilipas ang panahon, sa bawat pagkalagas ng dahon at sa bawat pag-usad ng oras ay unti-unti akong namumulat sa reyalidad ng buhay. Hindi palaging masaya, dahil hindi mo masasabing tunay kang masaya kung hindi mo kailanman naranasan ang sakit at ang hirap.

Lumaki akong naghahanap ng atensyon at pagmamahal sa ibang bagay. Pakiramdam ko 'yong pagmamahal na hindi ko nakuha sa pamilya ko ay makikita ko sa ibang tao, kaya nga kahit pekeng kaibigan at kasinungalingang pagmamahal ay pinapatulan ko. Gusto ko kasing maramdaman na tanggap ako.

Mali pala, maling-mali. Kasi ang pagmamahal ay hindi hinahanap, ito ang hahanap sa'yo.

Pagod na din akong maiwan. Parang lahat ng tao ay kaya akong iwan kaso magnet yata ako sa ganoon. Kailangan yata ay palagi akong nakakaramdam ng sakit, kasi kung hindi ay hindi na siguro ako si Xena.

"Huwag mo akong iwan, parang awa mo na," nagmamakaawa kong saad. Nakakapagod nang magmakaawa. Nakakapagod manlimos ng atensyon at pagmamahal.

Kumapit ako sa mga braso niya na inaalis din naman niya ng marahas. With my tear-stained eyes, I tried holding his shirt. Maybe I can get strength by having him near me. Konti na lang kasi at matutumba na ako. My knees feel wobbly all of a sudden.

Nandito ako sa tapat ng condominium na tinitirahan ng aking boyfriend, ex-boyfriend to be exact. Ilang araw na akong pabalik-balik dito, nagbabakasakali na maabutan ko siya. Sa ilang araw na iyon ay ilang oras akong nananatili sa labas. Ilang beses akong madadaanan ng ibang nakatira sa palapag na iyon habang tinitingnan - iyong mga tingin na parang awang-awa.

Ngayon ko pa ba iisipin iyon? Ngayon pa ba ako magkakaroon ng pakialam sa awang ipinupukol ng ibang tao?

Gusto ko siyang makausap.

Hindi sapat ang salitang gusto kundi kailangan, kailangang-kailan.

Mabuti na lang at nandito siya. Maswerte akong naabutan ko siya. Alam kong papunta na naman siya ngayon sa ibang babae niya. Masakit sa akin iyon pero siguro naman ay babalikan niya ako kapag nalaman niya ang sasabihin ko?

Honestly, I don't want to beg for him because he shall not let me beg! Jusmeyo hindi niya dapat ako pinapabayaan. Dapat nasa tabi ko siya at hindi sa kandungan ng iba. Dapat ay sinusuportahan niya ako at ang batang dinadala ko. Hindi lang ako ang gumawa nito kaya bakit kailangang magmakaawa ako sa ibibigay niyang atensyon?

Gusto kong magwala tuwing mababalitaan ko sa mga kaklase ko na gabi-gabi ay ibang babae ang namamataang kasama niya. Mas tumitindi ang galit ko kapag nalalaman kong isa ang pinsan ko sa listahan ng mga babaeng ikinakama niya.

Ang kapal ng mukha! Saan siya kumukuha ng ganoong lakas ng loob?

Iwinaglit kong lahat iyon sa isip ko. Ngayon pa ba ako aarte kung kailan kailangan ng ipinagbubuntis ko ng ama? Kung kailan mukhang tatakbuhan ako ng boyfriend ko?

"Tigilan mo ako, Xena. Wala akong pakialam sa'yo at sa bata."

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa kanyang sinabi.

Hindi.

Hindi pwede.

Mali lang ako ng napakinggan. Nabingi yata ako doon?

Anong wala siyang pakialam sa amin? Napuno ng galit ang dibdib ko! Baliw ba siya? Hindi pwedeng wala siyang pakialam sa amin! Dugo't laman niya itong dinadala.

Nangininig ang aking mga labi at pinilit kong pigilan ang sarili na humagulgol ng malakas.
Ayaw kong mag-eskandalo kaya tahimik akong umiiyak sa harap niya. Tuloy lamang ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung mayroon pa ba akong natira sa akin dahil pakiramdam ko ay ubos na ubos na ako dahil sa magdamagang pag-iyak. Said na said na ang pagkatao ko!

Para akong isang kandilang nakasindi na unti-unting nauupos at natutunaw hanggang sa mawalan nang silbi.

Alam ko makakasama itong pag-iyak sa akin at sa bata ngunit anong magagawa ko? Ayaw kong iwan niya ako. Hindi ko kakayanin.

I clutched my chest. Ang sakit sa dibdib. Naninikip ito at hindi ako makahinga.

God, I don't want to feel this kind of pain. It's excruciating. It is tearing me apart, shattering every piece of me.

"Wag ka namang ganyan." Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng hikbi. Hinang-hina akong napaluhod sa harap niya. He's only giving me disgusting looks.

"Baka nga hindi pa sa akin 'yan. How sure are you that the baby is mine? Recall every man that you have sex with. Imposibleng ako 'yan," he spatted.

Every word he's saying is like a dagger being deeply buried in my chest. I am feeling every stab of his sharp words.

Gusto kong banggitin nang paulit-ulit ang pangalan niya. Gusto kong magwala.

Nanghihina akong napatingin sa kanya. I heard my heart being crushed into pieces. Is it my heart or is it my soul? Hindi ko alam kung alin pa sa pagkatao ko ang nadurog.

Ang sabihing wala siyang pakialam sa amin ng bata ay masakit ngunit ang itangging sa kanya ito ay sobra na.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit sinabihan na niya ako ng ganoon ay may katiting na pag-asa pa rin sa akin na patuloy na naniniwala na tatanggapin niya kami.

Please tell me that you'll stay with me. I need you, baby.

Hindi ko kakayanin ito. Paano ko ito haharapin nang mag-isa?

Ngayon ko naramdaman ang panghihina, pagod at gutom.

Ang sakit. May isasakit pa pala.

"Kailangan kita. Kailangan ka namin ng bata."

"For Pete's sake, Xena! Fuck off! I said I'm done with you and I don't care about that goddamn baby!" he shouted while pushing me. I got off balanced and stumbled on the floor. Hinang-hina kong tiningnan ang mga patak ng luha ko sa sahig.

Napasabunot siya sa kanyang buhok at puno nang iritasyon ang mukha. Kitang-kita ko sa mata niya na hindi lang tulak ang kaya niyang gawin kapag hindi pa ako tumigil.

Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang lalaking minahal ko. Sino ang kaharap kong ito? Alam ko na hindi siya ang minahal ko dahil ang lalaking kilala ko ay hindi ako paiiyakin.

Minahal mo siya pero minahal ka ba niya?

Oh gracious, Xena!

Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan? Malinaw naman na pinaglaruan at ginamit ka lang niya. He used you to fulfill his sexual needs. He used you and now that you're nothing, he's going to throw you like a trash- a useless trash.

"Fine. Hindi na kita guguluhin. I'm sorry for coming here at this late hour just to beg for you to take responsibility. Don't worry, you won't hear anything from me starting today." I tried to smile but it came out faint like how my whole-being feels now.

Hindi ko lang alam kung nagmukha ba iyong ngiti o ngiwi.

I shook my head and silently wiped my tears.

I looked at him and memorized his features. Iyong mga matang unang bumihag sa puso ko ang pinakatitigan ko. Ang matangos niyang ilong na madalas niyang ipagyabang. Napatingin ako sa mga labi niya. Ang malalambot na labing iyon na magpaparamdam na makasalanan at karapat-dapat ka at the same time. His soft features, I captured it all in my head.

Pilit kong pinatatag ang sarili ko sa harap niya. Who knows, this might be the last time I will get to see this man up close.

One last look and I bravely stand right in front of him. Wala nang bakas nang pagmamakaawa ko kanina.

Pinilit kong magmukhang matatag sa harap niya. Ayokong magmukhang kawawa. Hindi rin naman siya maaawa at hindi ko kailangan ng awa. Ang kailangan ko ay ang presensya niya para ipagpatuloy ang laban na ito na mukha namang hindi niya kayang ibigay.

Tumalikod ako at tinahak ang daan palabas. Pinahid ko ang luhang kumakawala sa mga mata ko.

I walked out confidently with my head held up high.

Kakayanin mo 'to Xeres Nathalia. Hindi pa ito ang katapusan ng lahat.

Be strong. Sarili mo na lang ang kakampi mo ngayon.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Anim.

Pito.

Wala.

Siyam.

Sampung hakbang palabas ng building.

Pinapangako ko na aalagaan ko ang batang ipinagbubuntis ko. I won't let the baby suffer from a broken family. I won't let this baby be another product of illegitimacy.

Kung kailangan kong humanap ng lalaking tatayong ama ng baby na ito ay gagawin ko. Hindi ko siya igagaya sa naranasan ko. Hindi ko ipaparamdam na kulang siya sa pagmamahal.

I don't want this baby to be an illegitimate child.

I'll get this child a father, by any means.

Nobody deserves to grow up being incomplete. Not me and definitely not my child.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
23.4K 445 54
"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong...
6.3K 529 12
Allyson Rodriguez is brave and the breadwinner of their family. She wants to give a good life to the people she loves, and she did not fail to do it...
25.4K 449 66
COMPLETED || Paano ka nga ba mananalo sa isang laban kung sa simula pa lang, talo ka na? Magpapatuloy ka pa ba at ipaglalaban mo pa rin ba sya kahit...