Against Our Will

By mistymatic

51.7K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... More

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 7: Consequence

1.1K 94 14
By mistymatic

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng sala at nagsusuklay ng basang buhok ko nang bumukas ang pintuan at niluwa niyon si Kuya Neico na may bitbit na mga pinamili niyang groceries. Napakunot-noo ako dahil hindi siya naka-uniform at saka alas-onse pa lang ng umaga pero nasa bahay na ito.

"Paki-tulungan ako sa paglagay nito sa cabinet," nakikisuyong sabi niya.

Tumayo naman ako at kinuha ang groceries na hawak niya. Binitbit naman niya ang isang karton na nasa bungad lang ng pintuan. Madami pala siyang pinamili. Tinulungan ko siyang ilipat ang mga 'yon sa cabinet. Halos mga delata ang iba.

"Wala ka bang pasok, kuya?" tanong ko sa kanya.

"Holiday ngayon," aniya.

Oo nga pala. Ganito pala talaga kapag nasa bakasyon ka. Hindi mo na alam kung ano ang mga holiday.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Kuya Neico na naglilipat pa rin ng iba pang pinamili sa refrigerator.

"Ha?" maang ko.

"Namumula ilong mo," aniya sa akin.

Natahimik naman ako at hindi nakatugon. Palagi kasing namumula ang ilong ko kapag umiiyak ako.

"Saan ka galing kagabi?" tanong niya.

"K-kina Kylo," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon," aniya, at alam ko na ang tinutukoy ko ay ang pagtakas ko kagabi. "Paano kung may nangyaring masama sa 'yo kagabi?" aniya na tila nanenermon ngunit malumanay lang ang boses.

"Hindi na po mauulit . . ." mahinang sabi ko at nagbaba ng tingin.

Hinding hindi na mauulit 'yon dahil takot na akong pumunta ulit sa ibang bahay.

Nang matapos kami ni Kuya Neico, bumalik ako muli sa kwarto at nagkulong doon. Nakadapa lamang ako sa kama habang malungkot na pinagmamasdan ang picture ni Papa na nakapatong sa bedtable. Nabalot muli ng kalungkutan ang puso ko. Nakakapagtaka na mayroong pa rin akong naiiluha ngayon kahit na tila ibinuhos ko na ang lahat ng luha ko kanina sa banyo. Hanggang ngayon nanunumbalik pa rin sa isipan ko ang nangyari. Is this what they call "trauma"?

Makalipas ang ilang sandali ay narinig ko ang pagtawag at pagkatok ni Kuya Neico sa pintuan. Mabilis na pinunasan ko ang luha ko at tumugon, "Opo. Susunod nalang po ako," sagot ko rito.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Kuya Neico na kumakain na sa kusina. Walang kibo akong umupo sa upuan na katapat niya. Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko at tahimik lang na kumain. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko habang kumakain ako.

"Hindi pa ba uuwi sina Ate?" tanong ko kay Kuya Neico.

"Wala pa silang sinasabi."

Napatango lang ako at malungkot na nagbaba ng tingin sa plato ko. Namimiss ko na rin kasi si Ate Christy. Hindi ako sanay matulog nang walang katabi. Nasanay ako na palagi kaming magkatabi sa pagtulog.

Nang matapos kaming kumain ni Kuya Neico, ako na ang nagkusa na maghugas ng pinagkainan namin. Nang matapos ako, papasok na sana ako ng kwarto nang tawagin ako ni Kuya Neico na kasalukuyang nakaupo sa sofa ng sala.

Tumayo siya at inabot sa akin ang cellphone niya. "Si Ate Christy mo," aniya.

Tinapat ko naman sa tainga ko ang cellphone, at narinig ko ang boses ni Ate Christy.

"Faith, saan ka pumunta kagabi?" bungad nito sa akin. "Hindi ba ang sabi ko magpakabait ka sa Kuya Neico mo?"

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman ang pag-init ng mga mata ko. Tila gusto kong umiyak. Bukod sa namimiss ko na si Ate Christy, ayaw ko na ring maalala ang nangyari kagabi. Pero heto sila. Tanong nang tanong.

Lumunok ako bago sumagot, "Kina Kylo," mahinang sabi ko.

"Halos madaling araw na raw nang umuwi ka kagabi. Anong ginawa ninyo roon?"

Ayaw ko nang alalahin pa . . .

"Birthday ni Kylo."

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi ko. Pinunasan ko mga iyon gamit ang likuran ng kamay ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ate Christy. "Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin sa 'yo na huwag kang magpapasaway habang wala ako? Nakakahiya sa Kuya Neico mo . . ." Sinermonan ako nito, habang patuloy lang ako sa pagluha.

"Hindi ko na uulitin," mahinang sabi ko.

I swear, I won't do it again . . .

Binilinan pa ako ni Ate Christy, hanggang sa matapos siya. Muli kong binalik kay Kuya Neico ang cellphone niya at mabilis na pumasok sa kwarto.

Naramdaman ko na tila na napapraning na naman ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Napahilamos ako sa mukha ko at saka umupo sa kama.

Katahimikan . . . Ito palagi ang dahilan ng paglalakbay ng isip ko sa mga negatibong bagay. Sa tuwing naiisip ko na nag-iisa na lang ako at tila walang patutunguhan ang buhay ko, bumabalik ang mga kirot at pait sa buhay ko. Ang siyang nagiging dahilan ng mga agam-agam kong nagtutulak sa akin na gumawa ng mga bagay na hindi karapatdapat.

Napasabunot ako sa buhok ko at mahinang humagulgol. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na naman ang bigat at kirot doon. Kasabay din ng pagrepleka sa isip ko ng muntikan nang panggagahasa ni Damon sa akin. Hindi ko matanggap na nangyari iyon. At dahil doon, unti-unti akong nakukumbinsi sa tunay na kasarian ko, na labag sa kalooban ko.

Dahil sa emosyonal na sakit na nararamdaman ko, gusto kong mabura ito. At tulad ng dati kong ginagawa, kinuha ko ang blade na nakaipit sa case ng cellphone ko. Ramdam ko ang hapdi sa paghiwa niyon sa pulso ko. Matagal-tagal na rin nang huli kong gawin ito, ngunit epektibo ito para mawala ang atensyon ko sa nararamdaman ko emotionally. It satisfies me.

Napatigil ako nang marinig ko ang mga katok sa pintuan. Tatayo pa lang sana ako nang bumukas iyon. Napaangat ako ng tingin roon. Nakita ko si kuya Neico na ngayon ay nakatitig sa ginagawa ko habang gulat na gulat ang reaksyon.

"Anong ginagawa mo?" aniya at lumapit siya sa akin.

Mabilis na tinago ko sa likuran ko ang mga kamay ko. Ramdam ko ang pagkirot ng laslas roon. Wala rin akong nagawa nang hawakan ni Kuya Neico ang braso ko at hinila iyon para tanggalin sa pagkakatago ang mga kamay ko. Nag-iwas lang ako ng tingin nang sa wakas ay nakita niya ang blade na hawak ko sa kanang kamay ko. Kinuha niya iyon. Pagkatapos ay tiningnan naman niya ang kabilang kamay ko, at nakita niya roon ang dalawang laslas ko na ngayon ay dumudugo na. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig doon.

"Stay here. Kukuhanin ko ang first aid kit," aniya at mabilis na lumabas ng kwarto.

Nagbaba lang ako ng tingin sa pulso ko na sugatan habang patuloy ako sa pagluha. Pinunasan ko ang mga luha ko, ngunit tila hindi iyon maubos-ubos dahil hindi rin mawala-wala ang bigat na nararamdaman ko.

Nang bumalik si Kuya Neico sa kwarto, umupo siya sa tabi ko at inasikaso niya ang mga sugat ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang ginagamot niya ang mga sugat. Nakita ko ang patingin niya sa akin. Nakita ko ang awa at lungkot sa mga mata niya.

"Cutting your wrist is dangerous. Pwede kang mamatay dito," aniya, habang nilalagyan niya ng antiseptic ang sugat ko.

"I-iyon nga ang gusto ko," sabi ko habang humihikbi at sumisinok pa.

Bahagya siyang napakunot-noo. "Bakit?" aniya.

"Nakakapagod mabuhay . . ."

Bukod kina Kylo at Gianna, wala akong ibang pinagsasabihan tungkol sa ganyang pananaw ko sa buhay. Pero ngayon, maging kay Kuya Neico nabubunyag ang takbo ng isip ko.

"Life is worth living. Just learn to accept its flaws. Huwag mong ituon ang isip mo sa mga bagay na negatibo. Hindi perpekto ang buhay."

"Madaling sabihin; mahirap gawin. Hindi ni'yo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko."

"Ano bang nararamdaman mo?"

"Kahit naman sabihin ko, walang magbabago. Hindi naman babangon si Papa sa libingan."

Ilang saglit kaming nanahimik. Binitawan niya ang kamay ko nang matapos siya.

"It's better to confess what you feel than to keep it, especially if that feeling is breaking you. Not everyone will understand you, but God will still use someone to make you feel that you are not alone," aniya. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin. "Your uncle and sister are servants of God. Learn how to trust them. Huwag mong isipin na hindi ka nila maiintindihan."

"Alam naman kasi nila. Pero tulad nga ng sabi ko, wala pa ring magbabago; wala rin silang magagawa."

"They can pray for you. Prayer heals."

Umiling ako. "Matagal na akong pinapanalangin ni Ate Christy, pero wala namang nangyayari. Hindi pa rin nawawala yung bigat na nararamdaman. Mas lalo lang lumalala habang tumatagal."

"Kasi hindi pa dumarating ang perfect time ng Lord at hindi mo rin hinahayaan na kumilos ang Lord sa buhay mo. We have free will."

"No. We don't have free will," hindi ko pagsang-ayon. "Kung talagang may free will tayo, dapat walang consequences ang mga decision natin."

What I hate about God is, He gave us free will, but He's still the one who decides for the consequences of our will.

Nakita ko ang pagkabigo sa ekspresyon ng mukha niya. Tila hindi niya inakala na ganoon ang sasabihin ko.

"Gusto kong mamatay ngayon. Pero kapag ginawa ko 'yon, hindi ba't parurusahan ako ng Diyos sa impyerno? Nasaan ang free will doon?" patuloy sa pagtulo ang mga luha ko habang sinasabi ko iyon dahil sa sobrang sama ng loob ko sa Diyos.

Lumunok siya bago tumugon,"Mahal ka ng Diyos, Faith."

Saglit akong napatigil at tumingin sa kanya nang hindi makapaniwala. Ang layo kasi ng sagot niya. Anong konek ng free will sa pagmamahal ng Diyos sa akin?

Umiling ako muli. "H-hindi ako mahal ng Diyos."

"Sa ngayon hindi mo pa naiintindihan kung bakit nararanasan mo ang mga bagay na 'to. Pero darating din ang panahon na ang lahat ng 'to ay mananatiling istorya na lang na ibabahagi mo sa ibang tao."

Nanahimik na lang ako. Alam ko naman kasi na hindi ako mananalo kay Kuya Neico at hinding hindi niya tatanggapin ang lahat ng sinasabi ko dahil lingkod siya ng Diyos at mataas ang pinag-aralan. Parang nagsisi ako na nagsalita pa ako sa kanya. Sana . . . nanahimik na lang ako. Sinasabi ko na nga ba, wala talagang makakaintindi sa akin.

"I understand you," aniya, dahilan para mapatigil ako.

Hindi ako kumibo.

Bumuntong hininga siya. "10 years old ako noong mamatay si Mama at Papa dahil sa isang aksidente, kaya naulila ako nang maaga. May dalawa pa akong kapatid na maliliit pa. Naroon ang isa kay Lola sa probinsya, habang ang isa naman ay nasa ibang bansa kasama ng tita ko. Nagkahiwa-hiwalay kami. Mahirap, pero para naman iyon sa amin. At dahil inaanak ako ni Pastor Alvin, siya ang kumupkop sa akin at naging kasa-kasama niya sa ministry. Nakakamiss 'yung mga panahong nabubuhay pa si Mama at Papa, 'yung magkakasama pa kami . . ." Bakas ang pangungulila sa mga mata niya at maging sa boses niya. Ngunit kalaunan ay bahagya siyang ngumiti. "But still, I'm very thankful dahil nandiyan si Pastor Alvin. Siya ang naging pangalawang magulang ko. At hindi naman niya ako pinabayaan. Look at me now. Natupad ko ang mga pangarap ko, at higit sa lahat, nakilala ko ang Panginoon sa buhay ko. Siguro, ito na rin ang way ng Panginoon para makilala ko Siya."

"Hindi mo ba naisip na parang napakasama ng Diyos? Pwede mo naman Siyang makilala nang hindi mamamatay ang parents mo," sabi ko.

Umiling siya. "Hindi naman ang Diyos ang pumatay sa parents ko. Pinapahintulutan lang ng Diyos na bagay-bagay pero hindi siya ang nagbabalak ng mga masasamang pangyayari sa buhay natin. Remember Jeremias 29:11, 'Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.' Pawang mga bagay na mabuti lang ang plano ng Panginoon sa buhay natin. Hindi siya ang nagplano ng mga masasamang pangyayari sa buhay natin. Minsan, kaya tayo napapahamak dahil sa sariling kagagawan natin at kagagawan ng ibang tao. Kasi nga, may free will tayo. Mayroong consequences mga ginagawa natin dahil bukod sa makatarungan ang Diyos, lahat ng nagiging epekto sa isang bagay ay may sanhi na pinagmulan. Kaya, kung anong tinanim mo, 'yon din ang aanihin mo sa pagdating ng araw."

Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Unti-unti akong tumahan at binulay-bulay ang mga sinabi ni Kuya Neico. Bahagya siyang ngumiti sa akin at tila sinasabi niya na dapat kong pagkatiwalaan ang mga sinabi niya. Tila hinaplos naman ang puso ko sa ngiti niyang iyon.

"You need to move on, Faith. Kung nakaya ko, kaya mo rin," aniya sa akin nang may panghihikayat, tila pinapalakas niya ang loob ko.

Sa pagkakataong ito doon ako nakumbisi na totoo ang maamo niyang mukha at hindi iyon pakitang-tao lamang. Totoo rin ang ang sinabi niyang naiintindihan niya ako. Hindi tulad ng iba na sinasabi lamang ang mga salitang iyon dahil gusto ka lang nilang tumahan.

Naramdaman ko muli ang pag-iinit ng mga mata ko, hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya at sa kanya ko binuhos lahat ng luha ko na punong puno ng kapighatian at kalungkutan.

***

This chapter is dedicated to revivethefire Thank you so much for reading this story!

Continue Reading

You'll Also Like

912K 20.8K 20
She's not your ordinary lady, And she's no normal girl, But she's everything to me- My one and only dearest miracle. Published under Pop Fiction, an...
52K 2.8K 32
A story of a man after God's heart
136K 3.9K 79
Started: May 3,2021 Status: Completed Finished: June 17,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong t...
39.1K 1K 34
#Wattys2023 Winner: Best Characters Award ❝This was probably what people meant when they said they disappeared into a moment.❞ ***** College exes Lau...