PVP2: Playing The Battle

By BobYeah

6.8K 202 19

(Playboy Vs. Playgirl 2) Playboy's Mission is to find his One Last Love. Playgirl's Mission is to hide from h... More

PVP2: Playing The Battle
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chaptet 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Spongebob's Note

Chapter 27

111 2 0
By BobYeah

Chapter 27: Teddy Bear

'Choose again. No heroic stunts, allowed.' -Rosas

Mag isa ngayon si Marae na naglalakad patungo kung saan naroon ang kanyang mga kapatid. Samantalang nasa isang silid ang kanyang mga kaibigan at alam niya ligtas ang mga ito.

Pumasok siya sa isang pinto. O sabihin nating, lumabas siya sa isang pinto at natanaw niya ang malawak na pool na walang tubig.

Nahakot ang mga mata niya hindi sa pool kundi sa dalawang taong nasa magkaibang diving platform. Nakatayo at nakapiring ang mga mata. Nakagapos din ang kanilang mga kamay sa likod. Mukang di nila alam kung saan sila papunta. Mukang di nila alam na nasa itaas sila na lugar. Mukang di nila alam na ang destinasyon nila ay kamatayan.

Medyo nataranta si Marae kaya napasigaw siya.

"Kuya Cloud! Kuya Sky! Wag kayong gagalaw! Mahuhulog kayo!" Sigaw ni Marae.

"Marae? Ikaw ba yan? Ligtas ka?" Tanong ni Sky. Tumigil sila sa paglalakad at napabuntong hininga si Marae. Napahinga siya ng malalim. Para bang isang napakalaking relief ang naramdan niya.

"Oo, Kuya. Wag kayong gagalaw. Pupuntahan ko kayo." sabi ni Marae saka naglakad. Malumanay, hindi na natataranta.

"Marae, unahin mo na ako. Kanina pa ako nangangati eh," sabi ni Cloud at natawa na lang si Marae. Masaya siya dahil maayos lang sila. Kahit delikado pa sila ay may halong tuwa siyang nararamdaman dahil nakita niya ulit ang mga kapatid.

Umakyat si Marae kung nasaan si Kuya Cloud. Inalis niya ang piring nito sa mata at ang tali sa kamay. Nagyakapan silang magkapatid at nagreklamo agad si Cloud.

"Yes, I know miss mo na ang gwapo kong mukha. Wag masyadong clingy. Iyong iyo ako," anito at hinampas naman siya ni Marae sa braso. Natatawa na lang si Marae sa kilos ng kapatid.

"Ah, sht, sht, " dinig ni Marae na mura ni Sky. Nakarinig din siya ng kakaibang sigaw. Sigaw na nagpakaba sa kanya.

Ang ngiti ni Marae ay unti unting nawawala. Nanginginig ang mag labi niya at napalunok ng mariin. Di niya namalayang hindi na siya humihinga ng mga sandaling iyon dahil sa sigaw na narinig niya. Para bang naistatwa siya at ayaw tignan ang pinagmulan ng sigaw. Natatakot na baka tama ang hinala niya kung bakit ito sumisigaw.

Dahan dahang lumingon si Marae at tinignan ang kinaroroonan ni Sky. Wala siya doon. Pero nahagip pa din ng mga mata niya ito. Para bang nag slow motion ang oras niya.

Nagbukas ang bibig niya at gustong sumigaw pero walang lumabas na boses sa kanya. Nakikita niya sa mga mata niya. Kung paano, dahan dahang nahuhulog ang kanyang kuya mula sa kinaroroonan nito kanina. Nanginginig ang mga labi niya at walang magawa. Gusto niyang bumaba mula sa kanyang kinaroroonan at saluhin ito pero... Wala siyang magawa. Hindi kumukurap ang mga mata niya. Naramdaman niyang basa ang mga ito pero walang luha ang tumutulo. Sobra ang kabog sa dibdib niya. Hindi siya humihinga ng mga sandaling iyon. Para bang panaginip lang ang lahat. At sa isang kurap niya lang, nasa semento na ang kanyang kapatid. At parang yon ang naging go signal ng kanyang mga mata para lumuha.

Di siya agad nakagalaw. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at hindi na tumulo muli ang luha niya. Para bang naubusan siya ng tubig. Nanigas siya. Di siya makapaniwala sa nakikita.

Ang only supporter niya, only fan niya... Wala na.

Hinawakan siya ni Cloud sa kamay saka sila bumaba. Para bang lutang si Marae habang bumaba. Nakatingin sa kawalan. At nang makababa na sila ay para bang doon lang nagising si Marae sa panaginip niya. Totoo lahat ng to, hindi panaginip. Napatakbo siya kay Sky at naiyak. Duguan ito at lasog lasog ang mga buto. Napaharap siya kay Cloud at niyakap siya nito.

Umiyak siya ng umiyak. Wala siyang masabi. Di siya makapagsalita. Para bang ang umiyak ay ang tanging alam niyang gawin.

Ilang minuto siya nasa ganong sitwasyon nang tumunog ang orasan na hawak niya. Tapos na ang oras pero nagsimula ulit to. May bagong laro. May isa pa siyang dapat iligtas. Sino siya? Di niya alam.

"Marae, ano yan? Bakit may orasan ka?" Tanong ni Cloud.

Umiiyak na sumagot si Marae.

"May isa pa. Isa pa ang kailangan kong iligtas. Kapag natapos ang oras ng hindi ko siya nililigtas, mamatay siya." sagot ni Marae na medyo nanginginig pa.

"O, ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na siya." sabi ni Cloud. Normal ang boses nito pero ramdam mo sa kanya ang lungkot. Halatang nagpipigil ng iyak.

Umiling si Marae saka umiyak. Di na niya kaya, sa isip niya. Namatay si Kuya Sky. Ang Kuya niyang kasama niya sa bahay ng ilang taon. Kasama niya nung first communion, graduation, first menstruation, at iba pa.

"Marae, gusto mo bang mangyari din sa taong yun ang nangyari kay Kuya Sky mo? Puntahan mo na siya. Ako ang bahala kay Kuya Sky." sabi ni Cloud at tumango na lang si Marae.

Naalala niya ang rosas na dapat kunin. Pumunta siya kung saan ang kinaroroonan ni Sky kanina at nakita niya doon ang rosas. Nakita din niya ang napakaraming langgam sa lugar na yon at nahinuha niya na yun ang sanhi kung bakit nahulog si Sky.

Binasa niya ang note at tinahak ang susunod na destinasyon. Lumuluha pa din siya habang naglalakad. Naaalala niya, kung ano ang itsura ng kanyang kapatid. Wala na ang kanyang kapatid, at lalo siyang naiyak. Huminga siya ng malalim para makakalma. Humahagulgol na kasi siya at parang ayaw tumigil ng luha niyang tumulo. Ang bigat talaga ng loob niya.

Nakarating na siya sa kanyang destinasyon. Huminto siya sa harap ng pintuan at inayos ang sarili. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang kanyang luha.

Di niya alam kung sino ang nasa loob. Pero gayunpaman, ayaw niyang mapahamak ang taong to.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Dahan dahan siyang pumasok at sumilip pero natigilan siya sa nakita.

"Sht," bulong niya.

Nakita niya si Klenn. Nakaupo sa silya. Nakatali ang mga kamay.

Di niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Halo halo na. Pagod na siya. Ngayon, nadamay pa ang taong walang ginawa kundi ang protektahan at tulungan siya. Nadamay siya dahil sa kanya, isip niya. Guilty siya dahil dito.

Tinignan niya lang muna si Klenn, parang hindi makapaniwala.

Pawis na pawis ito at halatang kinakabahan. Hindi siya nagsasalita at tinitignan lang si Marae. Di makapaniwala si Marae na pati si Klenn ay nadamay dito. Na pati siya ay nakidnap.

Nang magising na siya sa pag iisip niya ay dinaluhan na niya si Klenn at inalis ang tali nito sa kamay't paa.

"Ayos ka lang?" Tanong niya kay Klenn. Hawak niya ang dalawang balikat nito, habang sinusuri. Tinignan niya ito sa mga mata na puno ng pag aalala.

Ngunit ang kinakabahang mukha ni Klenn ay napalitan ng ngisi. Ngising nagpakilabot at nagpakaba kay Marae.

Tumayo si Klenn at may kinuha siya mula sa kanyang likuran at binigay yon kay Marae. Isang napakapulang rosas.

Napatitig lang don si Marae. Parang ayaw kunin ang rosas. Sobra ang kabog sa dibdib niya. Para bang may tambol sa loob nito.

Nanginginig na kinuha ni Marae ang rosas. Sobra siyang pinagpapawisan nang basahin niya ang note.

'I am you think I'm not. I am who I'm not.'

Pamilyar sa kanya ang note na yun. Sa pagkakatanda niya ay binigay na din sa kanya yun ni Klenn dati.

"A-anong ibig sabihin nito, Klenn? Di ka naman kakampi ni Simon diba?" Kinakabahang tanong ni Marae.

"I am you think I'm not. I am who I'm not. Surprised?" Nakangising tanong ni Klenn.

Di inaasahan yon ni Marae. Ang laking tiwala ang binigay niya sa kanya. Ang sakit sa loob niya dahil pinagtaksilan siya nito.

"P-pero..." di alam ni Marae ang sasabihin niya. Di siya makapaniwala. Si Klenn, kakampi ni Simon. "Paano?"

"Ako nga pala si, Oss," sagot ni Klenn habang nakangiti pa din.

"Ikaw ang... kapatid niya?" Tanong ni Marae. Sobra siyang naguguluhan. Hindi niya kilala ang nasa harap niya ngayon. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niya sa lalaking to o kung ano ang kinalaman niya sa kanya para pahirapan siya ng ganito.

Lalong ngumisi si Klenn.

"Hindi mo talaga ako matandaan noh, Marae? Ang sakit," wika nito at napahawak pa sa kanyang dibdib.

"Bakit, sino ka ba?" Tanong ni Marae. Naguguluhan. Hindi niya alam kung sino ba talaga si Klenn, si Oss.

"Bukas. Malalaman mo din bukas. Sa ngayon, magpahinga ka muna. And don't worry, di mo na kailangan ng teddy bear. Dahil nandito na ako." nakangiting sabi ni Klenn at unti unti, nandilim ang paligid ni Marae nang may naramdaman siyang tumusok sa kanya.

"Goodnight, bro." Bulong pa ni Klenn kay Marae nang nakapikit na ito't naka higa sa kanyang bisig.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 53.4K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.7M 75.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.1M 20.2K 29
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...