Crush Mo Mukha Mo..

By theNidas

9.9K 557 256

Farm boy.. City girl (na bitch).. More

Author's Note
Chapter 1. Dudong
Chapter 2. The Bitch
Chapter.3 Mango Farm
Chapter 4. Gulat Ka 'no
Chapter 6. The Bet
Chapter 7. Summer Sunshine
Chapter 8. Ghosting
Chapter 9. Asar Talo
Chapter 10. Sayang 🤣
Chapter 11. Basted
Chapter 12. Tambling
Chapter 13. 18 Roses
Chapter 14. Bye Denise
Chapter. 15 Ria
Chapter 16. Baler
Chapter 17. Elbi
Chapter 18. Won't Fall Again
Chapter 19. Moving On
Chapter 20. Camiguin
Chapter 21. Missing Her..
Chapter 22. Chasing Waterfalls..
Chapter 23. Breaking Bad
Chapter 24. The Letter
Chapter 25. Meeting Him
Chapter 26. Finding Mommy
Chapter 27. Danni's Move
Chapter 28. Happy Cal
Chapter 29. Going Back
Chapter 30. MAKAKAPATAY AKO!!!
Chapter 31. New Nanay
Chapter 32. Sweet Redemption

Chapter 5. Alamat Ng Mangga

279 21 0
By theNidas

"Hi pogi! Goodmorning! Fetch me up by 3pm ha."

Si Denise.. Ang agang nagtext.. Totoo nga yata na aaraw-arawin namen ang pamamasyal.. At ako ang personal tour guide nia..

Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang gumanda ang simula ng araw ko.. Looking forward to seeing her again..

Nandun pa din yung hangover nung nangyari kahapon.. Nung kumanta siya sa plaza.. Parang naririnig ko pa rin yung mala-anghel na boses nia.. And i was hoping against all hope na sana, dumating yung time na kanatahin nia din yun para saken.. Hahaha.. Suntok sa buwan..

"Magandang umaga, magandang binibini.. Yes po.. 'San nio po balak pumunta?" reply ko..

"Sa puso mo po. Pwede ba?" sagot din nia..

Buset.. Ang aga-aga, binubuang ako nitong babaeng to.. Pero syempre, marunong tayo sa psywaran..

"Naku ma'am, madami nang nagcclaim nito e.. Pinagaagawan.. Sasali ka pa?" textback ko..

"Oh Lorenzo. Pag ginusto ko, nakukuha ko. Wala silang laban saken."

Ayan.. Nyeta.. Hindi ko na naman inexpect yung sagot na yun.. Narindi na naman ako.. Padelight din 'tong babaeng 'to e.. Kala ba nia, madadaan nia ko sa mga ganun ganun.. Hinde no.. Ano ako, pokmaru? Asa ka ghorl..

"Magbreakfast ka na, ma' am.. Kung anu-ano na naiisip mo.. Tatapusin ko po agad yung trabaho ko sa bukid, tas susunduin kita ng alas-tres.."

"Ok. See you later farmboy."

Nagaayos na ko papuntang bukid..

"Brad, bakit dala mo yung motor ni Denise?" tanong saken ni Richard..

"Ahh.. Pinadala nia.. Ginabi na kasi kami ng uwi e.." sagot ko..

"'San kayo nagpunta?"

"Sa bayan.. Nagperya.. Brad, hindi ka maniniwala.. Sumali siya sa song fest.."

"O, nanalo?"

"Brad, tinalo nia si Rose Ann.. Siya nagchampion.."

"Weh?!"

"Oo nga.. Ang lupet pre.. Ganda pala ng boses nun.."

"Tangina.. Sayang.. Hindi ko napanood.. Pero teka, pinopormahan mo ba? Bakit ikaw gusto niang kasama?" tanong nia saken..

"Ewan ko.. Ako daw gagawin niang personal tour guide habang nandito siya.. Kaya din nga pinadala saken yung motor e, para susunduin ko na lang daw siya.." sagot ko..

"Ibig sabihin mamamasyal ulet kayo mamaya?"

"Oo daw.. Hindi ko lang alam kung saan.."

"Tangina.. Ang swerte mo naman.. Sabihin mo nga ako na lang.." sabi nia..

"Sige, sasabihin ko mamaya.." sagot ko..

"Pero teka brad, magkalinawan tayo.. Ako manliligaw kay Denise.. Hindi mo naman type di ba?" si Richard..

Medio natigilan ako dun.. Hindi agad ako nakasagot..

"O-oo.. Sige.. Lakad pa kita.."

"Yaaan.. Yan ang gusto ko sayo brad.. Teka, sino yung katext mo kanina?" tanong nia ulet..

"Si ma'am Denise.. Nagmessage lang kung anong oras ko siya susunduin.."

"Penge akong number.." hirit nia..

Binigay ko naman.. Tetext nia daw..

Dumerecho na ko sa bukid..

Nagsimulang magtabas ng damo.. Pinagpapahinga yung palayan sa parteng 'to ng hacienda ni ser Joaquin.. Tataniman ng munggo at mani..

Pero halos wala ako sa hulog magtrabaho..

Naiisip ko si Denise.. Umaalingawngaw ng paulit-ulit yung boses nia.. At nakapako yung image nia sa isip ko nung ngumiti siya saken nung nasa stage siya kahapon.. Oo, feeling ko para saken nia dinededicate yung kanta na yun..

Pero, binabasag ko din yung sarili ko.. Ayokong umasa.. Ayokong mahulog.. Delikado.. Tsaka malabo.. Isang hampas lupa, magugustuhan ng isang diwata.. Olats.. Hanggang pangarap lang yun.. But the thought struck me.. Kung naiisip ko yung mga bagay na yun, ibig sabihin inlab na nga ako kay Denise..? Pucha.. Pano nangyari yun..? Langya, ang bilis ah.. Isang kanta lang, nahulog na ko.. Hindi pwede 'to.. Dapat kong i-suppress 'tong nararamdaman ko..

Sige.. Ilalakad ko si Richard sa kania.. That way, baka magkagustuhan sila.. De mababasag na agad yung mga naiisip kong kahibangan..

Natapos ako ng eksaktong ala-una.. Sobrang init kaya pakiramdam ko, pagod na pagod ako.. Umuwi agad ako.. Kumain at nagpahinga..

Wag kaya akong maligo..? Para mabahuan siya saken.. Para bukas, hindi na nia gustuhing samahan ko pa siya..

Baduy ng naiisip ko.. Nakakahiya.. Parang gago..

Umalis ako ng bahay by 2:30pm.. Susunduin ko na si Denise.. Oo naligo ako.. Asa naman kayo na totohanin ko nga yun na hindi ako maliligo.. Hehehe..

Pagdating ko sa gate nila, nandun na si Denise.. Nag-aabang.. Ang ganda nia.. Naka-white dress.. Naka-headband lang.. Tas yung cute na havaianas.. Ganda pala ng legs nia.. Ang perfect.. Nahihiya na tuloy ako..

"Hi!" nakangiti kong bati sa kania..

Deadma.. Nakasimangot lang siya.. Hindi nia ko pinansin..

Umangkas na lang agad siya sa motor ko..

"Anu na naman? Bakit ang sungit na naman nia? Sinaniban na naman?" tanong ko sa isip ko..

"San po tayo?" tanong ko..

"Sa mango farm.." sagot nia..

Walang imikan along the way.. Pero yung mga nadadaanan namen na mga tao, bumabati samen..

"Hi, ma'am Denise.."

"Magandang hapon po ma'am Denise.."

All smiles sila pag bumabati sa kania.. And for some reason, she's greeting them back.. Parang ang bait nia..

Pagdating sa farm, dumerecho agad siya dun sa puno na may swing..

"Sige na umuwi ka na.." sabi nia..

"Ma'am?"

"Sabi ko umuwi ka na.. Iwan mo na lang yung motor.. Kaya ko ng umuwi mag-isa.."

Hindi na ko nagtanong kung bakit.. Inabot ko na lang sa kania yung susi.. At lumakad na ko pauwi..

"Anong nangyari?? Anong nagawa ko? Baket? Bakit siya ganun saken? Haay.. Ewan ko.. Parang baliw.." yan yung mga tanong ko habang naglalakad pauwi..

Until narinig kong may motor from behind.. Si Denise..

"San pupunta 'to?" naisip ko..

Lumampas lang siya ng konte saken, then huminto.. Nakatingin siya saken.. Nanlilisik yung mata..

"Iiwan mo talaga ako?!" sigaw nia..

"Juskupolord.. Sira ulo na ba talaga 'tong abnormal na babaeng 'to?" sigaw ng isip ko..

Hindi pa ko nakakasagot nung biglang;

"Sakay!!"

"Ma'am?"

"Sakay!!"

Wala akong nagawa, umangkas ako.. And she drove pabalik dun sa puno na may swing..

Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari..

Nakaupo siya sa swing.. Nakatayo lang ako sa gilid nung puno.. Masama pa din tingin nia saken..

"Bakit mo binigay yung number ko kay Richard?!" tanong nia..

Aggguuuuuyyy.. So yun pala yun? Kaya pala siya galit..

"Naku.. Sori.. Hiningi nia kasi e.." sagot ko..

"But who gave you the right na ipamigay yung number ko..?"

Natahimik ako.. Napahiya.. Oo nga naman.. Dapat hindi ko binigay..

Nakatitig pa din siya saken.. Nakatungo lang ako.. Hanggang nagkatinginan kami..

"Sorry.. Crush ka kasi nun e.. Kaya nia hiningi yung number mo.." sabi ko..

"Alam ko.. Obvious naman.. Nagtext siya saken.." sagot nia..

"Sorry po.. Pasensya ka na.."

And matagal na walang imikan..

Nandun lang siya sa swing.. Tas nakatayo lang ako sa puno.. Ewan ko.. Kala mo may LQ kame.. Pero nahihiya pa din ako sa ginawa ko.. Bakit ko nga ba kasi binigay..?

"Bumawi ka saken!" pasigaw niang sabi..

"Ha?"

"Bumawi ka..!"

"Anong bawi..? Pano?" tanong ko..

"Magkwento ka.. Kwentuhan mo ko.."

"Ng ano? Anong ikekwento ko?"

"Bahala ka.. Basta kahit ano.. Bilis na.. Nababagot na ko e.."

"E ano ngang kekwento ko sayo?"

"Hindi ka talaga magkekwento?" banat nia.. Lumalaki na naman yung mata nia..

"Oo na sige na.. Magkekwento na.." sabi ko..

Ngumiti siya.. Sheeet.. Nawawala ako sa hulog pag nginingitian nia ko..

"kahit ano ha.. Sabi mo yan.."

"Oo nga.. Go na.. Bilis.." nakatitig lang siya saken..

"Alam mo ba yung alamat ng mangga..?" tanong ko..

"Hindi pa.." sagot nia.. Lalong lumaki yung ngiti nia..

"Sige kekwento ko sayo yung alamat ng mangga.."

Napakagat labi siya pinipigilan niang matawa..

"Lorenzo ha.. Pag yan kagaguhan lang.. Uupakan kita.." sabi nia..

"Quiet!!!"

"O sige na go.."

At sinimulan ko na nga ang epic, legendary at maksaysayang kwento ng alamat ng mangga..

"Nung unang panahon daw, wala pang mangga sa mundo.."

Hindi na nia napigilan.. Napatawa siya ng very, very light lang..

"Wag kang tumawa.. Seryoso ako dito e.." sabi ko..

"E yung mukha mo kasi e.." she's giggling..

"Ayoko na nga.."

"Sige na sige na.. Hindi na.. Ayan.. Hindi na ko tatawa.. Bilis na.."

Huminga ako ng malalim..

"Nung unang panahon daw, wala pang mangga sa mundo..

Tapos naglalakad si Pedro sa gubat..

Tapos biglang may nalaglag na bunga sa puno.. Tinamaan siya sa ulo..

At napasigaw siya; ARAY!!! TINAMAAN AKO NG MANGGA!!!

At mula noon, tinawag na itong mangga.."

Tumayo si Denise sa swing pasugod saken..

"Ikaw.. Ikaw!!!" sabi nia..

Nagtatakbo na ko kasi mukang bubugbugin nia ko..

Pero naabutan nia ko.. At kinurot nia ko sa tagiliran.. Ang sakit..

"Para kang siraulo.." sabi nia..

"Baket? Ok naman yung kwento ko ah.. Gusto mo alamat naman ng santol? Bayabas?"

"Tapos ganun din.. Nalaglagan si Pedro.. Tas yun na yung tawag?" tanong nia.. Natatawa..

"Oo.. Lahat naman ng prutas ganun ang kwento e.." sagot ko..

"Ewan ko sayo Lorenzo.. Nakakabwisit ka.. Pogi ka lang pero ang corny mo.." sabi nia..

"Uiiii..! Pogi daw ako.." medio matagal bago nag sink in saken yun.. Totoo nga kaya? Napopogian nga talaga kaya siya saken? Padelight din 'tong babaeng 'to e.." bulong ko sa isip..

Bumalik siya sa swing..

Wala na nmang imikan..

Hanggang sa hindi na ko nakatiis..

"Pwedeng magtanong?" sabi ko..

"Nagtatanong ka na talaga.."

"Bakit bigla kang bumait saken?" lakas loob na tanong ko..

"Ayaw mo ba??" counter nia..

"Hindi naman.. Nagtataka lang ako.. Last week kasi, parang ang laki laki ng kasalanan ko sayo e.. Sinusungitan mo ko lage.." sabi ko..

"Basta.. Basta ayoko ng awayin ka.." maiksing sagot nia..

"No.. Mali yata yung tanong ko.. Bakit sobrang sungit mo saken dati?? May nagawa ba ko?" tanong ko ulet..

"Pwede ba? I don't wanna talk about it.." sagot nia..

Tas walang imikan ulet..

"Bakit hindi ka nagalit saken?" tanong nia..

"Ha??"

"I mean, bakit ang bait mo pa din saken kahit mean ako sayo..?" tanong nia..

Medio natagalan ako bago ako nakasagot..

"Uhmm.. Wala naman akong choice e.. Anak ka ni ser Joaquin.. Yung taong pinatatrabahuhan namen.. Natural lang naman siguro na dapat mabuti pakikitungo namen sayo.. Kahit para kang dragon.."

"Grabe ka saken ha.."

Napangiti ako..

"San mo pa balak pumunta?" tanong ko..

"Punta tayo sa ilog.. Tambay tayo dun.."

"Ok.. Tara.." tas naglakad na ko papunta sa motor..

Pero from behind, dumamba siya saken.. Nakapangko.. Arms wounded around me..

"Uii.. Anong ginagawa mo?" sabi ko.. Medio nasasakal ako..

"Gusto ko ganito.. Nakaganto lang ako hanggang ilog.. Please.."

"Denise.. Ang layo nun.. Tsaka ang bigat mo.." sagot ko.. Hindi naman siya kabigatan talaga.. Mga 5'3" or 5'4" siya.. Tama lang nman yung size nia.. Sexy siya.. Pero ang layo nung ilog para pasanin ko siya ng nakaganito..

"Sige na.. Please.."

"Pano 'tong motor..?" tanong ko..

"Sige.. Punta na lang tayo dun.. Bilis.." tinuturo nia yung isang puno..

Inatake na naman ng kaabnuyan 'tong babaeng 'to..

So ayun nga.. Kahit may kalayuan yung puno, nilakad ko habang nasa likod ko siya.. Oo, kahit medio nahihirapan ako..

Pag dating namen sa puno, bumaba na siya.. Luminga-linga lang..

"Eee.. Panget pala dito.. Tara na.. Balik na tayo.." sabi nia..

Konti na lang, masasabunutan ko na 'tong babaeng 'to..

"Tara.." sabi ko..

"Pangko ulet ako.." sabi nia.. Yung pabebeng boses na..

Masisiraan na talaga ako ng bait dito.. Oo naiinis ako.. Pero, the way she's talking to me.. How can i say no?

"No! Ayoko na.. Ambigat mo kaya.. Pagod na ko.." sabi ko..

Sumimangot siya... Pero tinalikuran ko siya.. Lumakad na ko.. Kaso.. Eto malupet.. From behind, dumamba ulet siya saken.. With all her weight.. Sumampa siya sa likod ko.. And since i was caught off guard, na off balance din ako..

Natumba ako pero mas inuna kong saluhin siya ng mga braso ko.. Ok lang masaktan o mabalian ako, wag lang masaktan 'tong abnormal na 'to..

And we were on that awkward position na nasa ibabaw nia ako.. Pero nakahawak ako sa ulo nia at yung isang braso ko, nasa likod nia.. 'Cause i really made sure na hindi siya masasaktan..

Ang lapit ng mukha nia saken.. Nagtititigan lang kami.. Hindi ako gumagalaw.. Hindi din siya gumagalaw.. Her lips are so close to mine.. Pero wala.. Wala akong ginawa..

Bibitaw na sana ako, pero she held me back.. Hinawakan nia ko sa batok.. Ayaw nia kong paalisin.. Ewan ko.. Nahihilo na ko.. Hindi ko na alam ang nangyayari..

Nakatitig pa din siya saken.. Nakangiti.. At ilang na ilang na ko..

"May nagsabi na ba sayong kamukhang-kamukha mo si John Mayer..?" sabi nia..

Hindi ko na sinagot.. Unti-unti akong bumitaw.. Binitawan nia din ako.. Inalalayan ko siya pagtayo.. Pero hindi ako makatingin sa kania..

Gusto ko siyang awayin.. Kasi ang harot nia..

"Ok ka lang..?" tanong ko..

"Yeah.. I'm ok.." sagot nia..

And naglakad na ko pabalik sa motor.. Sumunod na din lang siya..

Wala ng imikan habang nagmamaneho ako.. Hanggang makarating kami sa ilog..

Nagtanggal siya ng tsinelas.. At umupo sa may platform.. Yung kahoy na pinagda-dive-an.. Nasa tubig ung mga binti nia..

Nasa motor pa din ako.. Medio wala pa din ako sa hulog.. First time kong makasalamuha ng ganitong klaseng babae..

Kala ko dati astig na ko.. I mean, kaya kong pumalag sa kahit na sino.. Walang makaka-intimidate saken.. Pero anong nangyayari ngayon? Kinakain ako ng buo ni Denise.. Hindi ako makapalag sa kania..

Kahawig ko daw si John Mayer.. Yeah, narinig ko na yun before.. May nagsabi nga, kung medio pumuti pa ko, pwede na kong kadouble nun.. Ewan.. Hindi naman ako masyadong nagagwapuhan dun..

Pero hindi yun e.. Itong Denise na 'to.. Naiinis na ko.. Feel ko pinaglalaruan ako nito e.. Pinapa-fall.. Asar.. Ganito ba talaga mga city girl?

Pinapanood ko lang siyang magtampisaw sa tubig.. Habang nagse-cellphone..

Tumingin siya saken..

"Lorenz.. Picture-an mo ko.." sabi nia.. Lumapit ako.. Ayun nga.. Gamit yung phone nia, i took shots of her.. Isa-isa niang chineck yung mga kuha ko sa kania..

"In fairness, marunong kang humanap ng magandang angle.." sabi nia..

Ngumiti lang ako..

"Dito ka.." sabi nia saken.. Tapping on her side.. Pinapaupo nia rin ako at pinapatabi sa kania..

Ewan.. Ayoko sana.. Kasi nga naiilang pa ko.. Kaso wala naman akong choice.. Magiinarte na naman 'to pag hindi ko pinagbigyan..

So tumabi nga ako.. Nilubog ko din sa ilog yung mga binti ko..

"Sorry kanina.." sabi nia..

"Sori saan?" tanong ko..

"Kasi natumba tayo.. Ang lampa mo pala 'no?"

Ok na e.. Nagsori na e.. Bumanat pa e..

"Itulak kaya kita jan sa tubig.. Bigla kang dumamba.. Malamang mao-off balance ako.." sagot ko..

"I know.. Thank you.."

"Thank you for what?"

"Kasi mas inuna mong i-save ako.. Hinawakan mo ung head ko.. Tas yung back ko.. Kaya hindi ako nasaktan.. Thank you kasi, you saved me nung nalunod ako.. Thank you kasi, sinamahan mo ko sa bayan.. Thank you kasi pinasali mo ko dun sa singing contest.. Thank you kasi sinasamahan mo ko ngayon.." sabi nia.. Nakatingin lang siya saken.. Nakangiti..

And yun.. Natameme ako.. Apparently, naaappreciate nia pala yung mga ginagawa ko for her..

Napangiti ako.. Hindi ko na naitago.. I mean, it feels good to hear it from her.. Pero wala akong maisagot sa sinabi nia..

"Pero alam mo, ang corny mo..?" dagdag nia..

"Baket na naman?" tanong ko..

"Baket? Hello.. Pwedeng-pwede mo na kong i-kiss kanina, hindi mo pa nagawa.." and she's giggling..

"Waw.. Bakit kita ikikiss??" tanong ko..

"Bakit hinde..? Crush mo ko di ba?" sagot nia..

"Crush mo mukha mo.." sabi ko..

Natigilan siya.. Nawala yung ngiti.. Tumungo..

Shit!! Gusto kong bawiin yung sinabi ko.. Napahiya yata siya..

Tumingin siya saken.. Seryoso na yung mukha nia..

"Hindi ka ba nagagandahan saken?" tanong nia..

I looked at her.. Sizing her up.. Sinusukat ko kung gano kaseryoso yung tanong nia..

"Ano bang klaseng tanong yan? Umayos ka nga.." sabi ko.. Sori.. Hindi ko alam kung pano sasagutin yun..

"Answer me!"

"Ayoko!" madiing sagot ko..

Tumayo siya.. Kinuha yung susi ng motor.. At mabilis na umalis..

Hindi na ko nakapag salita..

Damn! Na-offend ko yata siya.. Tsk!

Bakit ba hindi ko na lang sinabing "oo"..? E anu naman kung malaman niang nagagandahan nga ako sa kania?

Pero hindi e.. Pakiramdam ko kasi pinaglalaruan nia lang ako e.. Wala lang siyang makasama at nababagot na siya kaya ako napapagtripan nia..

Umuwi ako sa bahay.. Dinaanan ko na yung mga kambing para maipasok sa bakuran.. Pinakain ko yung mga baboy.. Binigyan ng patuka yung mga manok..

Pero hindi mawala sa isip ko yung nangyari.. Ewan.. Parang nagsisisi ako..

Pagkatapos kumain ng hapunan, maaga akong humiga sa papag ko para matulog.. Mga 7pm pa lang yata yun..

Ayun.. Ala-una ng madaling araw na, gising pa ko..

Kinuha ko yung cellphone ko.. Nagmessage ako sa kania..

"Sorry kanina.. And yes.. You're the most beautiful girl I've ever met.."

Syempre nilandian ko ng konte.. Baka sakaling hindi na siya magalit saken..

Ok na.. At least nagreachout na ko..

Nilagay ko sa ilalim ng unan ko yung phone.. Matutulog na ko.. Pero wala pang 1minute, nagbeep na agad..

"Sabi ko na may crush ka saken e. Gudnyt pogi." reply nia..

Napangiti ako.. Ang kulit talaga nitong babaeng 'to..

Binalik ko sa ilalim ng unan yung phone.. Pero iniisip ko, bakit hindi pa siya natutulog..

"Siguro ka chat nia pa boyfriend nia.." sabi ko sa sarili ko.. Oo, pinapatay ko na yung munting kahibangan na naiisip ko.. Na pwedeng maging kami ni Denise..

Pero biglang nagbeep na naman cp ko..

"Bakit hindi ka pa natutulog? Iniisip mo ko 'no?" message nia ulet..

Hindi ko na nireplyan.. Para kunyare tulog na talaga ako.. Hehe..

Continue Reading

You'll Also Like

182K 714 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
3M 119K 54
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...
2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...