Against Our Will

By mistymatic

53.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... More

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 6: Regrets and Blames

1.1K 78 7
By mistymatic

Pinindot ko ang doorbell ng bahay nina Kylo. Mula rito sa gate, nakita ko ang ilang mga bisita sa labas ng bahay nila. Maraming sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan kaya paniguradong marami siyang bisita. May kalakihan ang bahay nina Kylo dahil may kaya sa buhay ang mga magulang niya. Engineer ang papa niya at master teacher naman ang mama niya.

May isang babaeng nagbukas ng gate, at 'yon si Tita Kyla, ang mama ni Kylo. "Faith, kanina ka pa hinihintay ni Kylo," anito sa akin.

"Good evening po, Tita Kyla. Nasaan po siya?" Lumapit ako rito at nagmano.

"Nasa loob. Halika, pumasok ka."

Sinamahan niya akong pumasok sa loob ng bahay. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko kakilala ang mga naroon. Dumiretso kami sa bandang likuran ng bahay nila na may patio at naguumpukan roon sa isang pabilog na lamesa ang ilang mga kabataan. Dahil gabi na, may mga palamuting ilaw doon.

"Kylo, narito na si Faith," ani Tita Kyla kay Kylo na kasalukuyang nakikipagkuwentuhan sa mga bisita niya.

"Hey, Faith!" bati niya sa akin nang makita niya ako. Lumapit siya sa akin. "I forgot to tell you that it's an overnight. Free ka ba?"

"Tumakas lang ako kay Kuya Neico. Pero siguro naman tulog na siya sa mga oras na ito."

Hindi na rin naman ito bago. Tumakas na rin ako dati kay Kuya Neico, noong nagkaroon din ng crusade sina Ate Christy sa malayong lugar. Gumimik kami noon ni Gianna. Wala naman silang nagawa. Saglit lang naman kasi magalit si Ate Christy.

"Tara, kain ka muna sa kusina," aniya at dinala ako sa kitchen area ng bahay nila. Naroon ang mga pagkain na handa para sa kaarawan niya.

Kumuha ako roon nang mabigyan niya ako ng plato. Bigla ko namang naalala si Gianna nang makita ko ang lumpia sa mga handa. Nakakalungkot isipin na hindi na namin siya kasama ni Kylo. Kapag ganitong birthday ni Kylo palagi kaming magkakasama.

"Paano kaya kung buhay pa rin si Gianna hanggang ngayon?" sabi ko kay Kylo at saka umupo sa isang bangko.

Bumuntong-hininga siya at sinabi, "Siguradong uubusin niya 'yang lumpia sa lamesa,"

Napabuntong-hininga lang din ako at nagsimulang kumain. Umupo naman si Kylo sa upuan na katapat ko lang.

"Girlfriend mo 'yan, Kylo?"

Napalingon kami sa may katandaang babae na dumating sa kusina, may dala-dalang mga plato na pinagkainan.

Tumawa si Kylo at tumugon, "Anong girlfriend, Tita? Mas lalaki pa 'to sa akin." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Ang ganda namang lesbian niyan," sabi ng tita niya; pagkatapos ay ngumiti sa akin at saka umalis.

Tumawa lang nang mahina si Kylo at binaling ang tingin sa akin. "That was ridiculous."

Napangisi lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ako, bumalik kami sa likuran ng bahay nina Kylo at nakisali sa mga bisita niya na nag-uumpukan doon sa isang lamesa. May mga baso roon at mga wine. Nag-iinuman sila.

"Guys, this is Faith, my friend."

Tinanguan ako ng iba sa kanila at nginitian. They are Kylo's cousins and friends. Pinaupo nila ako sa isang upuan roon.

"Ilang taon ka na Faith?" tanong sa akin ng lalaking katabi ko. Sa tingin ko ay matanda ito sa akin nang ilang taon. Maputi ito at maningkit-ningkit ang mga mata.

"17," tugon ko. Pero hindi halatang 17 pa lang ako dahil medyo matangkad ako.

Tumango-tango ito. "Bata ka pa pala," anito sa akin. "Bigyan ninyo si Faith ng isang baso," sabi nito sa mga kasama namin. Inabot naman sa akin ang isang baso ng red wine.

"Hindi ako umiinom," sabi ko sa kanya.

"Anak at pamangkin ng pastor 'yan," ani Kylo sa kanila.

"Woah!" gulat na tugon ng ilan.

"Okay lang 'yan. Birthday naman ni Kylo. Ngayong gabi lang 'to," sabi muli ng lalaking katabi ko.

"Iinom na' yan! Iinom na 'yan!" panunukso nila sa akin.

Napabuntong-hininga lang ako at kinuha ang baso. Ininom ko ang kalahati nito. Mapait ang lasa niyon pero manamis-namis. Tuwang-tuwa naman sila sa ginawa ko.

"How is it?" tanong sa akin ng lalaki.

"Okay lang naman," sabi ko.

"By the way, I'm Damon. Pinsan ako ni Kylo," pakilala nito.

"It's nice to meet you, Kuya Damon," cool lang na sagot ko sa kanya.

Napangisi siya. "Damon na lang."

Napangisi lang ako pabalik. "Sabi mo eh."

Binigyan pa nila ako ng ilang baso ng wine hanggang sa naramdaman ko na lang na tila nahihilo na ako kaya tumigil din ako kalaunan. Nagkantahan sila dahil mayroong isang lalaki roon na naggigitara. Inabot kami ng halos hating gabi na. May ibang nagsiuwian na, ang mga kaibigan ni Kylo. Ang mga naiwan ay ang mga pinsan ni Kylo.

"Inaantok ka na ba? Gusto mo bang dito na lang matulog?" tanong ni Kylo sa akin nang mapansin niyang nakayuko na lang ako habang hawak-hawak ang noo ko.

Mukha ngang kailangan ko nang matulog. Hilong-hilo na ako at inaantok na rin. Ganito pala ang feeling ng malasing.

"Sige. Inaantok na talaga ako."

Tumayo ako at hinarap si Damon, "Kuya, una na ako," paalam ko rito.

"Uuwi ka na?" aniya.

"Matutulog na," sagot ko at sumunod kay Kylo.

Dumiretso kami ni Kylo sa kwarto niya para roon ako patulugin. Binuksan niya ang ilaw at ang air-condition doon. Malinis naman ang kwarto niya at maganda. Abstract ang kulay ng bedsheet.

"Dito ka nalang matulog," sabi niya sa akin. "Okay ka na ba rito?"

"Oo. Salamat."

Nang iwanan niya na ako, doon ako pumunta sa kama at padapa na humiga. Antok na antok na talaga ako. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.

Hindi ko alam kung anong oras na nang maalimpungatan ako dahil naramdaman kong may humahawak sa braso ko. Napadiretso ako ng higa at minulat ang mga mata ko. Nakita ko ang lalaki na ngayon ay nasa ibabaw ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at takot.

"Damon, anong hmm--" tinakpan niya ang bibig ko at sumenyas na huwag akong maingay.

"Saglit lang 'to," aniya.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang maramdaman ko ang paghawak niya sa katawan ko. Doon ako nagpumiglas. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko at sumigaw. "Huwag! Hu--" Napatigil ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Umiwas ako kaya nalipat sa panga ko ang paghalik niya. Tinulak ko naman siya pero mapilit siya. Nilislis pa niya ang jacket na suot ko. Napaiyak ako dahil hindi ko malaman ang gagawin ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, kasabay niyon ang isang malakas na boses.

"What the f*ck?!"

Biglang may humila kay Damon kaya nawala siya sa ibabaw ko. Si Kylo iyon. "How dare you to touch her?!" galit na sabi ni Kylo at mabilis na binigyan ng malakas na suntok si Damon sa mukha, pero gumanti si Damon kaya halos magbugbugan sila sa sahig.

Inayos ko ang jacket ko na nalilis at umiiyak na pinagmamasdan lang sila. Nanginginig pa ako sa takot.

Ilang sandali lang ay dumating ang mama at papa ni Kylo. Inawat silang dalawa.

"Ano bang nangyayari sa inyo?" tanong ng papa ni Kylo.

Galit na dinuro naman ni Kylo ang pinsan niya. "'Yang g*gong 'yan ang tanungin ninyo! She tried to rape Faith!"

Nilapitan naman ako ni Tita Kyla. "Diyos ko!" Nag-aalalang sabi nito at inalo ako. "Anong ginawa mo Damon?!" galit na baling nito sa pamangkin.

Hindi ko na matiis na magtagal sa lugar na 'yon, kaya mabilis na bumaba ako mula sa kama at tumakbo palabas ng kwarto. Narinig kong tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. Tuloy-tuloy lang ako na lumabas ng bahay nila Kylo.

Takbo lang ako nang takbo sa madilim na daan. Wala nang masyadong tao roon pero may mga sasakyan pa naman na dumaraan. Medyo malapit lang ang bahay nina Kylo sa bahay ni Tito Alvin kaya tinakbo ko lang iyon, hanggang sa makarating ako. Nakabukas naman ang gate, kaya nakapasok ako. Pagkabukas ko ng doorknob, naroon si Kuya Neico sa sala, nakaupo sa sofa.

"Saan ka pumunta?" tanong niya, pero hindi ko siya pinansin.

Tuloy-tuloy akong pumasok sa kwarto at nilock iyon. Sumubsob ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Hinihingal pa ako dahil sa pagod sa pagtakbo at nanlalamig rin ang mga kamay ko sa takot. Pinagsusuntok ko ang kama sa sobrang inis at galit nararamdam ko.

Ang tanga-tanga ko! Hindi dapat ako natulog kina Kylo. Hindi rin dapat ako uminom. Hindi sana nangyari sa akin 'yon. P*nyeta! Sobrang naaasar ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko. Ang hina-hina ko. At doon ko napagtanto na kapag sa ganoong sitwasyon, hindi pa rin talaga maikakaila ang pagiging babae ko. Bakit ba kasi ganito ako pinganak? Gusto kong bangasin ang pinsan ni Kylo, pero hindi ko nagawa dahil wala akong kaya.

"Faith!" dinig kong tawag ni Neico sa labas ng kwarto.

"Bukas mo nalang ako kausapin! Matutulog na ako!" pasigaw na sagot ko rito.

Sinubsob ko lang ang mukha ko sa unan.

***

Nagising ako nang mag-isa pa rin sa kama. Hindi pa rin umuuwi sina Ate Christy. Bumangon ako at saglit na natulala habang inaalala ang nangyari kagabi. Namuo na naman ang inis sa sistema ko kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Binaling ko ang tingin ko sa bintana, at nakita kong tirik na ang araw. Nang tingnan ko ang wall clock, mag-aala-una na ng hapon.

Huminga ako ng malalim bago umalis sa kama at tinungo ang kabinet para kumuha ng damit. Kailangan kong maligo. Naalala ko ang paghalik sa akin ng pinsan ni Kylo. Napahigpit ang hawak ko sa damit na bitbit ko at napatiim-bagang. Muli akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Nang makalabas ako ng kwarto, wala na si Kuya Neico sa bahay. Siguradong pumasok ito sa trabaho.

Dumiretso ako sa banyo at hinubad ang lahat ng kasuotan ko. Binuksan ko ang shower at bumuhos sa akin ang maligamgam na tubig. Sa pagpikit ng mga mata ko ay ulit-ulit na nagplay sa utak ang nangyari sa bahay nina Kylo. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko dahil pakiramdam ko aping-api ako at hindi ko mailabas ang bigat na nararamdaman ko.

Kung nandito lang sana si Papa, may pagsusumbungan sana ako. Siguradong yayakapin niya ako at ipagpe-pray ako. Pero wala na . . . Wala na si Papa. Bakit ba kasi siya kinuha kaagad ng Diyos? Hindi sana nangyayari ito . . .

Pinakasabon ko ang mukha ko at ang katawan ko. Hinayaan ko ang sarili ko na mababad sa tubig habang patuloy ako sa pag-iyak sa loob ng banyo.

***

This chapter is dedicated to hvuniae Thank you so much for reading this story!

Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 164 35
"Guide Lessons For Your Cellgroup" is a series by series lessons that can help the disciples and cell leaders of Christ for their cell group, life gr...
6.2M 127K 85
Top one, perfectionist, ballerina, impulsive, at amazona. Yan si Alzeah Marie Constantino! Naniniwala siyang siya ay maganda, magaling, matalino, per...
517K 17.7K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
2.3K 79 12
Baguio Series #6 [on indefinite hiatus] Aira Karen Romualdo hated her life for having a very strict family, so when her brother, Giovanni, has alread...