Chaotic Love (Completed)

By WrongKilo

4.7K 165 9

Bluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chaptet 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 18

67 4 0
By WrongKilo

Aurelis's POV

"Wow!"hindi ko mapigilang mamangha habang nakatingin sa labas ng kotse ni Bluster.

"Ang ganda naman dito!"sambit ko pa dahil dagat ang nasa gilid nito.8

"Dito nakatira ang Mama mo?"tanong ko at nilingon siya. Tumango naman siya. Excited naman akong napatingin sa paligid.

"Malapit na ba tayo?"tanong ko pa, halata sa mukha nito na kinakabahan siya.

"Can we just go back home?"tanong niya sa akin ngunit alam agad na hindi ako papayag.

"Anong uwi? Hindi pwede? Ang tagal din ng binyahe natin."hindi ko mapigilang sambitin at mas lalo pang namangha sa paligid.

"Say cheese!"natutuwa kong saad at pinicture-an si Bluster dahil maganda din ang view sa bahagi niya.

"Delete that, Lis."sambit niya. Para namang tinambol ang puso ko sa sobrang lakas. Ngayon lang ulit niya ako tinawag sa ganoong pangalan.

"No way! Hindi naman ikaw itong kinuhanan ko ng litrato, 'yong view diyan!"sabi ko at sinungitan siya.

"At tsaka huwag kang mag-alala hindi ko naman ito ipopost sa social media, akin lang to, hindi makikita ng fans mo."sabi ko pa at tinapat na ang phone sa gilid ko. Hindi naman siya nagsalita kaya napalingon ako sa kanya.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?"tanong ko at nginiwian siya.

"Selfish ka pala. Gusto mo, sayo lang."natatawang sambit niya. Narealize ko naman ang sinasabi nito.

"Edi ipost ko! Bahala ka para masira ka pa lalo sa fans mo!"sabi ko at napairap sa kanya.

"Post it then, para malaman ng mga manliligaw mo kung kanino ka."sabi niya ng natatawa. Nagloading naman sa utak ko ang sinasabi nito kaya napatunganga lang ako sa kanya.

"Ano?!"malakas kong sigaw ngunit tinawanan niya lang ako. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay kita ko ang pamumutla ng mukha nito. Mukhang malapit na kami sa bahay ng Mama niya.

Maya-maya lang ay tinigil nito ang sasakyan niya sa tabi ng simpleng bahay na medyo malayo rin sa dagat. Napagtanto ko na ito na nga ang bahay ng Mama niya.

"Are you ready?"tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Ni ayaw pa nga nitong bumaba.

"Let's go."sabi ko at sinubukang buksan ang pintuan kaya lang ay hindi pa rin ito gumagalaw.

"I'll be here by your side, Alright?"sabi ko at hinawakan siya sa kamay, nanlalamig ito kaya alam ko na agad na kinakabahan siya.

"Don't worry, your Mom probably going to love you."sambit ko sa kanya. Nagaalinlangan man, bumaba pa rin siya ng kotse. Hawak ko lang ang nanlalamig nitong kamay habang naglalakad malapit sa bahay.

Huminto naman kami sa simple ngunit halatang naaalagaan na bahay. Lumabas doon ang isang ginang na maganda. Napagtanto ko na agad na ito ang Mama ni Bluster dahil medyo hawig niya ito. Tila naestatwa naman si Bluster sa kinatatayuan.

Ganoon din ang ginang. Hindi ko alam kung alam na niya na anak niya si Blake ngunit ngayong pinagmamasdan ko ang kilos niya, alam ko na agad na alam niya.

"Mama! Bakit ang tagal mo po?"sigaw ng isang batang babae mula sa loob ng bahay. Sa akin palagay ay nasa walong taon pa lang ito. Sumunod din ito sa ina sa paglabas at napatunganga nang mapatingin sa tinitignan ng ina.

"Kuya Blake?!"malakas nitong sigaw at napatakbo patungo kay Bluster. Yumakap pa ito sa kanya samantalang mas lalo lang naestatwa si Bluster sa kinatatayuan.

"Isha, Halika dito, anak."biglang sambit ng ina, mukhang ngayon pa lang natauhan. Hinila niya ang batang babae papunta sa kanya. Mukhang napansin ang hindi kumportableng si Bluster.

"Pasensiya ka na,"natataranta nitong saad at hinila ang batang babaeng nagngangalang Isha. Pinagsabihan pa niya ito.

"Pero nandito na si Kuya Blake, Mama?"tanong naman ng batang babae.

"Sorry sa anak ko, sino ang sadya niyo?"tanong ng babae, halatang kinakalma lang ang sarili.

"You don't remember me..Mama?"tanong naman ni Bluster at tinignan sa mga mata ang ina niya, mas lalo pang nanlamig ang mga kamay nito.

Unti-unti namang tumulo ang luha ng matandang babae, mukhang kanina pa niya ito pinipigilan.

"Blake, anak."umiiyak na saad nito at napaupo na lang sa may buhanginan. Agad naman na dinaluhan ito ng batang babae na lumabas kanina. Inaalo nito ang ina. Napatingin naman ako kay Bluster na siyang tila ba hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Pinisil ko ang kamay nito kaya napatingin siya sa akin. Nginuso ko ang mama niya at unti-unting binitawan ang kamay niya. Tinulak ko ito nang marahan.

Naupo naman siya sa harap ng mama niya at walang kahit ano mang salita ang lumabas sa bibig nito ngunit agad niyang niyakap ang kaniyang ina. Bumuhos lang ang luha ng babae habang sobrang higpit ng pagkakayakap sa anak na tila ito ang pinakahihintay niyang pagkakataon.

"Anak, patawarin mo si Mama.."tuloy tuloy ang paghikbi nito habang yakap ang anak.

"Patawarin mo ako kung hindi kita binalikan."paputol putol na saad nito. Hindi ko man nakikita ang mukha ni Bluster ngunit alam na alam kong umiiyak na rin ito dahil sa paggalaw ng kaniyang balikat.

Matagal lang sila na nag-iiyakang dalawa, napangiti ako nang makita kong pati si Isha ay yumakap sa Mama at Kuya niya.

Nagpaliwanag ang Mama niya nang parehas na silang kumalma. Isang taon palang siya ng iwanan siya nito sa Papa niya para mag-abroad, 'yon nga lang ay nakapangasawa siya doon, kukunin niya na sana si Bluster nang umuwi sa pilipinas kaya lang ay ayaw nang ibigay ng Papa niya.

Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na bumalik pa at hinid na nahanap pa sila Bluster dahil lumipat na ng bahay.

"When I first saw you on television, alam ko na agad na ikaw 'yon, mas lalo pang nakasigurado nang banggitin nila ang pangalan mo."sabi nito na humihikbi pa rin. Hindi kasi kailanman pinalitan ni Bluster ang pangalan maski na nag-artista na ito.

"Natakot ako, anak. Natakot ako na lapitan ka na. Ang taas taas mo na, hindi ko kayang lumapit sayo para lang sabihin kung gaano kita kamahal, kung gaano ko pinagsisihan na iwanan ka, kailan man, hindu kita nakalimutan."sabi pa ng Mama niya. Ramdam ko naman na mas lalong naiyak si Bluster. Hinawakan ko ang kamay nito dahil hindi siya 'yong tipo ng tao na madaling umiyak pero alam ko na sa loob loob nito ay nanghihina na.

"Noong fanmeet mo, nandoon ako, kasama ko ang kapatid mong si Remi, ang lapit lapit mo na sa akin noon pero parang ang layo layo mo."sabi pa niya.

"I know, I saw you looking at me."sa unang pagkakataon sumagot si Bluster sa ina.

Maraming katanungan ang nabigyan ng sagot, ang puso'y nabusog ng kasagutan.

"Pumasok muna tayo sa loob, malamig dito."sabi ng Mama niya. Inalalayan naman siya ni Bluster na tumayo. Parehas na silang kumalma, ngayon lang naman napatingin sa akin ang ina nito. Agad naman akong napayuko at hindi maiwasang mapatingin sa damit, sumama pala ako dito na nakapambahay lang, bigla naman akong nahiya.

"I can just wait in your car."hindi ko maiwasang sambitin kay Bluster at hawakan ito sa laylayan ng kanyang damit.

"Ma, Aurelis po."pagpapakilala niya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Good afternoon po."sabi ko na lang at napangiti sa kanya. Magtatakip silim na kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat na bati ko dito. Ngumiti naman siya sa akin.

Walang sabi sabi na hinila ako ni Bluster ara pumasok sa loob. Napatingin naman ako kay Isha na nakahawak sa laylayan ng damit ko.

"Are you Kuya Blake's girlfriend?"tanong niya at pinanliitan ako ng mata. Agad naman akong umiling doon. Napangiti naman ako ng lumipat siya sa tabi ni Bluster at hinila hila ang laylayan ng damit nito. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng makita kong buhatin ni Bluster ito.

"Isha, huwag mong pagurin ang Kuya mo, pagod 'yan sa byahe."sambit ng Mama niya ngunit nakita ko ang pagngiti nito.

"It's okay, Mom."sabi ni Bluster na medyo nag-aalinlangan pa sa pagtawag sa ina. Alam ko kung gaano niya kagustong tawagin ito.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila, madilim sa loob, mukhang hindi pa rin binubuksan ang ilaw. Napatawa naman ako ng mahina nang makita ko ang isang mas bata lang sa amin ng tatlong taon na batang babae, siguro'y kinse anyos, nanonood ito ng movie ni Bluster. Tinignan ko naman si Bluster na medyo nagulat doon.

Sinindi ng mama ni Blake ang ilaw dahil mukhang hindi pa rin kami napapansin ng batang babae dahil busy pa rin sa panonood. Siguro ito 'yong Remi na sinasabi ng ina.

"Ma! Mamaya na lang po isindi 'yang ilaw!"sabi nito at napalingon pa sa pwesto kung nasaan ang kanyang ina. Agad na nanlaki ang mga mata nito nang makita kung sino ang katabi ng Mama niya. Napatayo pa siya sa prenteng prente na pagkakahiga niya kanina.

"Kuya Blake?!"malakas nitong sigaw at gulat na gulat na tinignan si Bluster. Maya-maya lang ay tumakbo na agad ito para lang yakapin si Bluster.

"Mama?! Si Kuya Blake po ba talaga ito?"tanong pa ulit nito. Hindi naman gumagalaw si Bluster sa kinatatayuan tila naestatwa nanaman. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Kuya! Anong ginagawa mo dito? Kilala mo na ba si Mama?"sunod sunod ang tanong nito.

"Remi, lumayo ka muna sa Kuya mo, mukhang hindi na siya kumportable sayo."pinagsabihan siya ng kanyang ina kaya napalayo siya kay Bluster at napanguso. Mas lalo akong napangiti nang makita kong ginulo ni Bluster amg buhok ng kapatid at simple itong nginitian.

"Y-you smiled!"malakas na sambit nito at hindi makapaniwalang tinignan ang Kuya niya.

"Mabuti pa at dito na kayong matulog dalawa, delikado naman kung magmamaneho ka pa pauwi, Blake."sabi ng Mama ni Bluster. Mukhang natauhan naman ito ng hindi magsalita ang anak. Napatingin naman ako kay Bluster na mukhang hindi sanay sa pag-aaruga ng ina.

"Pasensiya ka na, nag-aalala lang ako pero kung hindi ka naman kumportableng dito matulog, sana ay mag hotel na lang kayo dito sa malapit,"sabi nito at nilingon kaming dalawa. Nilingon ko naman si Bluster na nginisian ako. Napairap ako ng dahil doon.

"Po?! Hindi na po! Dito na lang po kami matutulog!"agad kong saad kahit na hindi pa alam ang desisyon ng kasama ko. Aba't ako naman ang magugulpi ng nanay ko kung sakali. Napatawa naman sa akin ang Mama niya.

"Kumain muna kayo, paniguradong nakakagutom ang byahe."sabi pa nito at nauna na sa kusina. Napangiti na lang ako dahil mukhang kahit na ngayon pa lang ulit sila nagkasama ay talaga namang gustong gustong bumawi sa mga taong nasayang. Alam ko rin na bago pa lang pumunta si Bluster dito ay napatawad niya na ang ina, hindi rin naman siguro niya ito hahanapin kung panay galit lang ang nararamdaman niya.

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang nakasunod sa ina.

"Hey, huwag mong sabihin sa aking girlfriend ka ni Kuya Blake?"tanong sa akin ni Remi at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Napabuntong hininga ako ng maalala nanaman na nakapambahay ako.

"Hmm, no, hindi ko bet ang Kuya mo."sabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit?!"malakas na tanong nito. Aba't mukhang mapapalaban ako dito sa kapatid niyang mukhang maldita ha?

"Gwapo naman ang Kuya ko, talented pa, tapos magaling pang umarte!"pamumuri niya sa kapatid. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Maattitude nga lang.."bulong ko sa sarili kaya lang ay narinig niya ata 'yon dahil agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Bakit mo kasama si Kuya Blake?"tanong niya sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko, hindi naman kami magkaibigan nitong si Bluster.

"Girlfriend ko 'yan, Remi."seryosong saad ni Bluster kaya nanlaki ang mga mata ko. Ganoon din ang katabi kong si Remi. Nginisian naman ako ni Bluster na dapat ay hahampasin ko kaya lang ay biglang dumating ulit ang Mama niya kaya pasimple ko na lang siyang inirapan.

"Huh? Hindi ahh! Huwag kang maniwala sa Kuya mo."sambit ko na lang kay Remi ngunit mukhang buo na ang ideya nito.









Continue Reading

You'll Also Like

153K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
4.5K 393 44
MIRROR FLOWER, WATER MOON "A flower in the mirror, a moon on the river." Something that is visible but you cannot touch. But in my case, he's someon...
1K 217 25
Deceit Series #1 "Hiding our daughter from him and... her illness." ____ Written in Taglish. Published: September 29, 2023 End:
1.9K 392 52
In an elite school of arts and music, you can find Celeste Lim, the campus' well-known student for her wide variety of talents. Her passion for danci...