Crush Mo Mukha Mo..

By theNidas

9.5K 557 255

Farm boy.. City girl (na bitch).. More

Author's Note
Chapter 1. Dudong
Chapter 2. The Bitch
Chapter.3 Mango Farm
Chapter 5. Alamat Ng Mangga
Chapter 6. The Bet
Chapter 7. Summer Sunshine
Chapter 8. Ghosting
Chapter 9. Asar Talo
Chapter 10. Sayang 🤣
Chapter 11. Basted
Chapter 12. Tambling
Chapter 13. 18 Roses
Chapter 14. Bye Denise
Chapter. 15 Ria
Chapter 16. Baler
Chapter 17. Elbi
Chapter 18. Won't Fall Again
Chapter 19. Moving On
Chapter 20. Camiguin
Chapter 21. Missing Her..
Chapter 22. Chasing Waterfalls..
Chapter 23. Breaking Bad
Chapter 24. The Letter
Chapter 25. Meeting Him
Chapter 26. Finding Mommy
Chapter 27. Danni's Move
Chapter 28. Happy Cal
Chapter 29. Going Back
Chapter 30. MAKAKAPATAY AKO!!!
Chapter 31. New Nanay
Chapter 32. Sweet Redemption

Chapter 4. Gulat Ka 'no

334 22 2
By theNidas

A week passed.. Until isang hapon..

"Tao po.." mahinhing sigaw ng isang babae sa may bakod na kawayan namen.. Kasalukuyan akong nagpapahinga.. Pawis na pawis pa ko galing sa bukid..

Sumilip si tiya Agnes at nanlaki ang mata..

"Ay ma'am Denise.. Kayo po pala.." sabi ng tiyahin ko.. Dali dali siyang lumabas ng bahay..

Sabay kaming napasilip sa bintana ni Richard..

"Oo nga.. Si Denise nga.. Anong ginagawa nito dito?" tanong ko sa sarili ko..

Sabay din kaming nagtatakbo palabas ng sala.. Si Richard, papuntang kwarto.. Ako papunta sa kusina na tagos sa likod-bahay..

"Nanjan po si Lorenzo?" tanong ni Denise..

Gusto kong senyasan si Tiya Agnes na sabihing wala ako.. Kaso hindi ko siya matanaw..

Mukha kasi akong pagod na kalabaw ngayon.. Ang dugyot ko..

"Nandito po ma'am.. Bakit po?" tanong ni tiya..

Inakay na siya ni tiya papasok sa bahay.. Hindi ako pumapasok.. Nahihiya ako..

"Magpapasama po sana ako sa bayan.. Mamamasyal.. Tsaka may bibilhin po ako.." sabi ni Denise..

Tinawag ako ni Tiya Agnes.. No choice.. Pumasok ako.. Kahit feel ko, mukha akong engkanto..

"Magandang hapon po ma'am.." nahihiya kong bati..

"Hi!" nakangiti siya..

"Anu to? Anong nangyayari? Bakit parang ang bait nia..?" tanong ko sa sarili ko..

"Samahan mo ko sa bayan.. May bibilhin ako.." sabi nia..

"Naku ma'am.. Kakagaling ko lang po ng bukid e.. Hindi pa po ako nakakaligo.." sagot ko..

"Edi maligo ka.. Go.." si Denise..

"Ma'am, mamaya pa po ako maliligo.. Baka mapasma ako.. Galing po kasi ako sa arawan e.." pilit na pag tanggi ko pa rin..

"Enchong anu ka ba? Si ma'am Denise o.. Nagpapasama sayo.." sabi ni Tiya Agnes..

"Good afternoon ma'am Denise.. Ako na lang po sasama sa inio.. Hindi po yata pwede si Lorenzo e.." sabi ni Richard.. Biglang lumabas sa kwarto..

Napatingin sa kania si Denise..

"Oo nga po ma'am.. Si Richard na lang po.. Itong anak ko.. Pwede nia po kayong samahan.." dagdag ni Tiya Agnes..

"Ay, no po.. Si Lorenzo na lang po.." sagot nia..

Nakita kong pinagpawisan si Richard.. Alam mong napahiya siya..

"Sige na Enchong.. Maligo ka na.. At mukhang nagmamadali si ma'am.." utos saken ki Tiya Agnes..

No choice na naman.. Naligo nga ako..

Pero i feel bad para kay Richard.. Napahiya siya.. Napaka straightforward ni Denise..

But more than that, nagwawala yung isip ko kung bakit nia ko inaabala ngayon.. Bakit ang bait nia..? Anu na namang pangungutya ang gagawin nia saken..? At bakit siya lang?

Ahh.. Siguro nakauwi na nga sa maynila yung dalawa..

Mabilis akong nagbihis.. Suot ko yung isa sa mga bagong tshirt na binili ko.. Nagpantalon din ako.. Pero wala akong matinong shoes.. Nakakahiya.. Nakatsinelas lang ako.. So hindi na ko nagpantalon.. Nagshorts na lang ako.. Lagay ng gel.. Nagpabango konte ng malupet na "Bench Atlantis".. Ayos na..

Paglabas ko ng kwarto, nakatingin saken si Denise..

"Ang pogi mo ah.." sabi nia..

"Huh?! Anong kahibangan ito?? Anu bang nangyayari?? Bakit ganito na ko kausapin nitong babaeng 'to?" sigaw ng isip ko..

Wala.. Hindi ako nakaimik.. Nahiya ako.. Pero ngumiti ako..

"San nio po balak pumunta ma'am..?" tanong ko..

"Basta sa bayan.. Nagpaalam ako kay papa.. Let's go.." sagot nia..

"Tiya, alis po muna kami.." paalam ko si tiyahin ko..

"Sige.. magingat kayo.. Ingatan mo si ma'am.." sagot nia..

Pagdating sa tarangkahan ng bakod..

"O.. Ikaw na magdrive.." si Denise.. Inabot saken yung susi ng bagong scooter..

"Sa inio po ba 'to?" tanong ko..

"Yes.. Binili namen ni papa kanina.. Mga 1month pa kasi ako dito.. So para hindi ako mabored, binilhan nia ko.. Ang cute no.." sagot nia..

Ngumiti na lang ako..

"Tumawag pala saken si Danni kanina.. Namimiss ka daw nia.." dagdag nia pa..

Ewan.. Hindi ko na alam isasagot ko.. So smile na lang ulet..

Sumakay na ko at ini-start yung motor.. Umangkas na din siya..

Sheeeettt! Oo aminado ako na nabibiwisit ako dito sa babaeng 'to kasi ang panget ng pakikitungo nia saken last time.. Pero hindi ko itatanggi na nagagandahan ako sa kania.. Crush? Pwede.. Pero yung mag-advance, malabo.. Again, ayoko sa laki sa siyudad.. Para saken, high maintenance.. Tas ito si Denise, ngeee.. Talo ako dito.. Hindi ko keri yung ganitong babae.. Yung ganitong ugali..

Nung una, hindi siya nakahawak saken.. Pero since nasa highway na kami, medio binilisan ko na kaya napakapit siya sa balikat ko.. But suddenly, bumaba yung kamay nia.. Nakayakap na siya saken.. And it made me feel so uneasy..

Oo, tiwala ako sa built ko.. May abs ako.. Feel ko nman medio mabango ako ngayon.. Pero hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.. Si ma'am Denise, nakayakap saken.. Yeah, feelingero lang siguro ako.. Pero ok din.. I mean, nung papasok na kami ng bayan, syempre mabagal na takbo ko.. Lahat ng nadadaanan naming mga tambay or kung sinuman na naglalakad, napapatingin samen..

Nakita ako nung isang classmate ko na lalake, kasama yung mga tropa nia.. Natulala.. Kaw ba nman, buong high school mo, wala kang jowa.. Tas ngayon makikita nila na may nakayakap sayong diwata.. Lupet di ba..?

Nagpark kami malapit sa may botika..

"Bakit sobrang daming tao ngayon?" tanong ni Denise..

"Uhmm.. Madaming tiangge e.. Piyesta na kasi dito next week.. Kaya madaming tao.."

Tas biglang lumapit yung classmate ko.. Medio tropa ko to.. Si Eric..

"Nice one pre.." sabay apir..

"Baket?" tanong ko.. Nakangiti lang si kumag..

"Gelpren mo?" tanong nia.. Nginunguso si Denise..

"Gago hinde.. Anak nung landlord namen.. Nagpasama lang.." sagot ko..

"Iba ka Morales.. Iba ka.."

"Ma'am Denise.. Si Eric po.. Classmate ko.. Eric, si Ma'am Denise.." pagpapakilala ko sa kanila..

"Hi ma'am.." sabi ni Eric..

Ngumiti lang si Denise..

"Tol, nandito si Rose Ann.. Namamasyal din.." si Eric..

"Talaga ba? Nasan?" tanong ko..

"Kakikita ko lang e.. Nanjan siguro sa mga tianggihan.." si Eric..

"Lorenz, tara na.." sabi ni Denise..

"Pre, dito muna kami.." sabi ko kay Eric.. Tumango naman siya.. Pero nandun pa din ung parang gagong ngiti..

"San po ba tayo, ma'am..?" tanong ko..

"I don't know.. Ikaw.. Ilibot mo ko dito sa bayan.. Anu bang meron dito?" sagot nia..

"Ahhh.. Kala ko po may bibilihin kayo?"

"Oo nga.. Pero hindi ko pa alam.. Kaya nga ako nagpasama e.. Para may magturo saken ng bibilhin.. And pwede ba wag ka nang mag "po" saken.. Magka-age lang yata tayo e.. You're sixteen, right?"

"Seventeen po.." sagot ko..

"Whatever.. Let's go.."

At wala talaga akong idea kung anong iniisip nitong babaeng 'to.. Saan ko siya dadalhin?? Puro tianggihan dito.. Mukha namang hindi siya nagsusuot ng mga imitation na brand ng damit.. Anong isa-suggest ko sa kania? Beyblade? Crush gear? Mga kaserola? Balisong? Ito kasi yung mga paninda dito e..

Ah alam ko na..

"Tara.. Dun tayo sa perya.." tas hinawakan ko siya sa braso.. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun.. Pero hindi naman siya tumanggi..

Dinala ko siya sa paborito kong betting game.. Color game.. Yung may tatlong dice na may iba't ibang kulay..

Buti na lang may dala akong pera.. P200.. Hehehe..

Pinaliwanag ko sa kania yung game.. Nakuha naman nia agad..

Pero ito yung kagulo.. Unang taya nia.. P500.. Sa green.. Ayun, napanganga yung bangkero.. Pati yung ibang tumataya..

"Denise, masyadong malaki naman yata yan.." sabi ko..

"And so?"

Pinagulong nung bangkero yung mga dice.. And perhaps, it's beginner's luck.. Tumama, siya.. Pumapalakpak pa siya nung inabot yung pera..

Tumaya ulit siya.. P500 ulet.. Sa pula.. Jackpot.. Dalawang pula yung tumama.. So may P1000 na siya.. Bale P1500 na napanalunan nia..

Napapailing ako.. Kasi sa talambuhay ko, P300 pa lang pinaka malaking napanalunan ko dito..

Tumaya ulet siya.. This time, P1000 na yung taya nia.. Sa green ulet..

"Ma'am.. Hindi na po kaya.. P200 na lang po yung pera ko.." sabi nung bangkero..

"Ok.. De P200 na lang.." sagot nia.. And ngayon ko lang narealize na ang dami nang nakapalibot samen.. Siguro naa-amaze sa lakas niang tumaya.. Or siguro nagagandahan lang sa kania..

Tumama na nman siya.. Wala, nasaid yung bangkero.. Kawawa naman..

"Oh.. Share mo.." sabi nia.. Habang inaabot saken yung P1700 na napanalunan nia..

"Para san po ma'am?" tanong ko..

"My God, Lorenz.. Stop calling me "ma'am..!" gigil na sabi nia..

"I'm sorry.. Pero para san to?"

"Sayo na yan.. Balato ko sayo.." sagot nia..

"E ito yung lahat ng napanalunan mo e.."

"E yan yung gusto kong ibalato sayo e.." rebutt nia pa rin..

"No, Denise.. Pera mo yan.. Hindi ko tatanggapin yan.." pag tanggi ko..

"Ok.. Payment ko sayo yan, sa pagsama mo saken.. Ok na?"

"No, Denise.. Hindi ako nagpapabayad.." at pinilit kong i-abot sa kamay nia yung pera..

Hindi na siya umimik..

Naglakadlakad lang kami sa parke.. Chill nman.. Makwento siya.. Nakikinig lang ako.. Pero nandun pa din yung tanong kung bakit naisip nia kong isama dito.. At bakit bumait yata siya bigla saken..

Naupo kami sa bench na malapit sa stage ng plaza.. Ginawa ko, bumili ako nung mais na may cheese.. Tsaka fishball at kikiam.. Tsaka cheese stick.. Tsaka softdrinks.. Bahala na.. Kahiyaan na.. Ito lang kaya ng pera ko e..

And to my delight, nagustuhan nia.. Favorite daw nia ung corn with cheese..

Nagkwentuhan kami about life.. Yung school namen, mga classmates.. And natutuwa na kong kausap siya.. Hindi naman pala siya super maarte.. Kalog din siya.. May mga kwento din siyang komedi.. Mga sablay na galawan nia sa school like nung nanapak daw siya ng schoolmate niang babae nung tinawanan siya kasi nadapa siya sa school ground.. Nung nag-inom daw sila nung nagcamping sila sa Girl scout.. Tas nung natagusan daw nia yung sofa ng principal's office nung pinatawag siya kasi nahuli silang nagyoyosi sa loob ng campus..

In fairness, mukhang naenjoy nia yung high school life nia.. But, then narealize ko din kung gano kalayo yung agwat ng estado ng buhay namen.. Kung pano siya lumaki, at pano siya makitungo..

Takot na takot akong gumawa ng kabalbalan sa school kasi baka makickout ako.. Baka hindi ako makagraduate.. Samantalang siya, proud pa siya sa mga pinag gagawa nia..

Nasa ganong tagpo kami nung may lumapit na babae samen.. Si Rose Ann..

"Hi Lorenz.." bati nia.. Medio natulala ako.. Ilang araw ko lang hindi nakita si Rose Ann, parang ang laki na ng pinagbago nia.. Gumanda siya.. Iba nga siguro pag magka-college ka na..

"Oi, Rose Ann.. Musta? Gumaganda ka ah.." sagot ko..

"Ok lang.. Nakaenrol ka na??"

"Hindi pa.. Nga pala.. Rose Ann, si Denise.. Anak nung landlord namen.. Denise, si Rose Ann.. Classmate ko.." pagpapakilala ko sa kanila.. Nagngitian lang sila..

"Ui, nood ka ng laban ko mamaya.. Actually ngayon na pala.. Magsisimula na.." sabi ni Rose Ann..

"Song fest? Kasali ka??" tanong ko..

"Oo.. Cheer mo ko ha.."

"Naman.. Ikaw pa ba?" sabi ko..

"Sige, prepare na ko.. Nice meeting you Denise.." pahabol nia..

"Likewise.." sagot ni Denise..

"Siya ba yung sinasabi nung friend mo kanina?" tanong ni Denise..

"Yep.. Ganda no..?"

"Hindi naman.. Maputi lang.." sagit nia..

"Grabe ka.. Maganda boses nian.. Panlaban ng school namen yan sa mga singing competition.. Sigurado panalo na yan.."

"Wow.. Solid magsupport ha.. Girlfriend mo ba?" tanong nia..

"Muntik na.. Kami palagi pinagpe-pair sa school.."

"O, anyare?"

"Hindi ko niligawan.. Nahiya ako e.."

"Sus! Torpe.. Pero hindi din naman kayo bagay e.." sabi nia..

Napakunot noo ako dun.. Nagtataka kung pano nia nasabing hindi kami bagay..

"Anong paborito mong kanta?" tanong nia..

"Ha?!"

"No.. Wrong question.. Sino favorite mong singer? Na babae.."

"Baket?"

"Basta.. Answer me..!"

"Ewan.. Wala.. Ano.. Regine.. Regine Velasquez.." yun na lang nasabi ko.. Caught off guard ako e.. Wala naman akong favorite na singer na babae e..

"Good! Ipalista mo nga ako.." sabi nia..

"Ha?"

"I said, sign me up there.. Gusto kong sumali.. Tatalunin ko yang Rose Ann mo.." sabi nia.. With conviction.. Lupet..

Medio napangiti ako.. Borderline, natatawa..

"Seryoso ka ba?? Marunong ka bang kumanta?" tanong ko.. Pinipilit na wag matawa kasi baka mainsulto siya..

"Hinahamon mo ko..? Sige.. Ganito.. Sign me up there.. Pag nanalo ako, araw-araw mo kong sasamahan gumala for the whole duration of my stay here.. Ano? Deal..?" sagot nia..

And natigilan ako.. Seryoso nga siya.. Pero para saken, suntok sa buwan na matalo nia si Rose Ann.. Ibig kong sabihin, malabo.. As in malabo talaga.. Sobrang galing ni Rose Ann kumanta..

"Ano? Sagot.." pilit nia..

"Alam mo, hindi mo naman kailangang gawin 'to e.. Basta sabihin ng papa mo na samahan kita, wala naman akong magagawa e.. Sasamahan kita.. Kaya wag mo nang ituloy 'tong iniisip mo.. Hindi ka mananalo kay Rose Ann.." sabi ko..

"You know what, fine.. Kung ayaw mo kong ipalista, ako na lang.." sabi nia medio pikon na siya..

"Fine!! Teka.. Sige na.. Pero may minus one ka ba? Denise, hindi biglaan 'to.. Dapat may material ka.." sabi ko..

"Meron ako dito sa phone ko.."

"Ok.. Basta i warned you.." sabi ko..

"Wait, so payag ka na sa deal naten? Don't worry, babayaran kita sa mga araw na sasamahan mo ko dito.."

Ngumiti na lang ako.. Medio ok na din 'to, at least, sure ako na hindi ako mapupurga sa pag sama sa kania araw araw.. Mahihiya din siya syempre kasi pustahan 'to e.. Tas matatalo siya.. Yahaha..

Hinanap ko yung organizer nung contest and buti na lang, kakilala ko.. SK Chairman ng barangay namen..

"Sir, pwede pa po bang magpahabol.. Gusto kasi nung kasama kong sumali.." sabi ko..

"Ay wala na.. Kumpleto na e.. 8 yung kakanta ngayon.. Tsaka last week pa nagclose yung registration.." sagot si SK..

"Sige na sir.. Isingit mo na.. Anak ni Ser Joaquin 'to.." sabi ko..

"Totoo ba?? Yung anak ni ser Joaquin ang isasali mo..?"

"Oo nga.. Ayun o.. Tawagin ko?" habang tinuturo ko si Denise..

"May minus one ba siya?" tanong nia..

"Meron daw.. Nasa phone nia.."

"O sige.. Papuntahin mo na dito.. Fill up  kamo siya ng registration form.."

So ayun nga.. Napasama siya sa mga kakanta..

Natatawa pa din ako.. Naiimagine ko na yung mukha nia pag narinig nia yung boses ni Rose Ann..

Isa-isa nang kumanta yung mga kasali.. Pang 4 si Rose Ann.. Pang 9 si Denise..

Ok din naman yung ibang mga kasali.. Mahuhusay din kumanta.. Then, si Rose Ann na..

"And our fourth contestant.. The reigning champion, Rose Ann Libao..!" sabi nung announcer..

Oo, reigning champion siya.. Siya din kasi nagchampion nung nakaraang pyesta..

Ang lakas ng hiyawan nung mga tao.. May fan base na din kasi siya.. Sikat na siya dito sa bayan namen.

"To Love You More" by Celine Dion yung kakantahin nia..

And simula pa lang nung kanta, wala na.. Finish na lahat nung nauna.. Panis.. Ang ganda talaga ng boses nia..

For a moment, nakalimutan kong may kasama ako.. Ang ganda ni Rose Ann.. Ang ganda pa ng boses.. Kaya din siguro nacrushan ko siya dati e..

Natapos yung kanta.. Mas malakas na palakpakan ang dumagundong sa plaza..

"O, ano? Anong masasabi mo?" tanong ko kay Denise..

"Magaling siyang kumanta.. Pwede na.." sagot nia..

Pucha.. Ang angas talaga nitong babaeng 'to.. "Pwede na.."?? I mean, serysos ba siya?

"Partida.. Mas powerful yung song na napili nia.. Itong saken, sakto lang.. Pero tatalunin ko siya.." dagdag nia.. And i can sense na seryoso nga siya talaga..

Hindi na lang ako nagsalita.. Pinapanood ko si Denise.. Sinasabayan nia yung mga kumakanta.. Bahahaha.. Ang panget ng boses nia.. Boses ipis.. Yahahaha.. Epic talaga 'to mamaya.. Epic fail..

Natapos na lahat.. Si Denise na..

Umakyat siya sa stage.. And kumpara sa mga naunang contestants, sobrang underdressed nia.. Isipin nio, yung mga naunang contestants, naka pang sagala yung suot.. Given naman yun, kasi nga singing contest 'to.. Pero si Denise.. Naka-shirt na maiksi.. Yung kita yung pusod.. Crop top yata tawag dun.. Ewan ko.. Tas nakapedal.. Naka Havaianas.. Tas ngayon ko lang napansin na nakaponytail siya all throughout.. Inalis nia yung tali and nilugay yung maganda niang buhok.. Yeah, mukha siyang mayaman.. Pero hindi talaga pang contest yung pormahan nia.. Para lang siyang nautusang bumili ng suka.. Pero ok lang, she's carrying her self well..

Pagtungtong nia pa lang sa stage, nagsigawan na yung mga tao.. Lalo na yung mga kalalakihan.. In fairness naman, maganda talaga si Denise.. And gaya nga ng sabi ko, madalang kang makakakita dito samen ng babaeng pang artista ang datingan..

Tahimik akong nanalangin na sana wag siyang magkalat.. Ok lang na hindi siya manalo, kasi sure naman na wala siyang pag-asa.. Pero sana, wag naman niang gawing katatawanan yung sarili nia.. Kasi ako pa rin naman kasama nia pauwi.. Makikita kami ng mga tao.. Nakakahiya..

"And our last contestant for tonight.. From Barangay Sabang..
Miss Denise Vergara..!" sabi nung announcer..

Ang lakas ng hiyawan.. And kaya pala nia nasabing "Good!" kanina nung sinabi kong si Regine Velasquez yung paborito kong singer na babae, kasi Regine nga yung kakantahin nia..

"Pangarap Ko ang Ibigin Ka.."

"Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y 'di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka

Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso.."

Nagtayuan ang balahibo ko.. Natulala ako.. Ang ganda ng boses nia.. Ang galing nia.. Bedroom voice..

"Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka.."

Ewan ko.. Naguguluhan ako.. Kinakain ako ng hiya 'cause i thought hindi siya marunong kumanta.. Na panget ang boses nia.. When in fact, mas maganda pa pala boses nia kay Rose Ann.. Mas magaling siyang kumanta..

But more than that, naguguluhan ako kasi hindi ko maintindihan.. Bakit parang nahuhulog ako sa kania..? Hindi ko siya gusto e.. Pero parang nagbabago na bigla.. Delikado 'to..

"O kay tagal ko nang naghihintay
Na sakin ay mag-aalay
Ng pagibig na tunay at di magwawakas..

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka.."

Binirit nia pa dun sa last part which made the judges put on a standing ovation..

Sobrang lakas na hiyawan at palakpakan after niang kumanta.. May nagsisigawan ng" Aylabyoo".. And maririnig mo sa mga tao na "Panalo na yan.."

Lumapit siya saken..

"Shit! Lorenz.. Muntik ko nang makalimutan yung lyrics.." sabi nia..

Medio tulala pa din ako.. Seryoso, hindi pa din ako makapaniwala..

"How was it? Ok lang ba yung kanta ko?" tanong nia..

"Ahhh.. Oo.. Oo.. Ok naman.." yun na lang nasagot ko..

"Galing kong kumanta no?" she said while giggling..

"Uhmm.. Sakto lang.." sagot ko..

"Sakto lang?? E mukhang inlove na inlove ka nga saken kanina nung kumakanta ako.. Nakatingin kaya ako sayo.." sabi nia.. And nabuking pala ako.. Titig na titig kasi ako sa kania kanina sa stage..

"Wow ha.. Ang tibay mo ha.." sagot ko.. Pero oo, mukang nainlab nga yata ako dito sa bruhang 'to..

Fast forward sa awarding..

"Second place.. Rose Ann Libao!!"

"And we have a new champion.. Denise Vergara..!!"

Nagyakapan sila ni Rose Ann.. Kinamayan siya nung mga judges.. Instant celebrity siya..

Pagbaba nia ng stage..

"Pano ba yan? Talo ka sa pustahan.. Sabi sayo e.. Tatalunin ko yung crush mo.." sabi nia..

"Ang yabang mo jan.. Tara na.. Uwi na tayo.." sabi ko..

"Wait.. Kain muna tayo.. Gutom na ko e.." hirit nia.

"Denise, alas-otso na.. Sarado na mga restaurant dito.. Puro street foods na lang tintinda.." sagot ko..

"Well, let's eat street foods then.." sabi nia..

"Ok.. Ok.. You're the boss.."

"Wait, take this.." inaabot nia saken yung sobre.. Yun yung cash prize nia.. P20,000 din yun..

"Yan yung premyo mo di ba?" tanong ko..

"Yes.. Now take it.."

"Ayoko.. Sobrang laki nian.. Ayoko.. Sayo yan!" pagtanggi ko..

"Lorenz, isa.."

"Nope.. Ayoko.."

"Natalo ka sa pustahan naten.. And with that, araw-araw mo kong sasamahan.. Ikaw ang personal tour guide ko.. So yan na yung bayad ko.."

"Denise.. Nagtatrabaho ako sa farm ng papa mo.. Kumikita din ako.. Hindi ko kailangan yan.." hindi ko pa din inaabot yung sobre..

"Lorenz, naiinis na ko.. Pag hindi mo kinuha 'to, magagalit ako sayo.."

"Magalit ka.."

Nilagay nia sa ibabaw ng motor seat yung sobre at tumalikod.. Mabilis na naglakad..

"Denise.. Wait.. Denise.." hinabol ko siya..

"San ka pupunta??" tanong ko..

"Uuwi na.. Kung hindi mo tatanggapin yung pera, maglalakad ako pauwi.."

"Hello, may motor ka talaga.. Magmotor ka na.. Ako na lang uuwing magisa.." sabi ko..

Tinabig nia ko, at nagsimulang maglakad ulet ng mabilis..

"Denise!! Sige na sige na.. Tatanggapin ko na.." sabi ko..

Grabe.. Ibang klaseng magtantrums 'tong babaeng 'to..

Inirapan nia ko, pero sumama na siya pabalik.. Kinuha nia yung sobre at siya na mismo naglagay sa body bag ko..

May naabutan pa kaming shawarma stall.. So ayun na kinain namen..

"Penge ako ng number mo.." sabi nia..

"Baket, para saan?"

"Para itetext na lang kita pag susunduin mo na ko.." sagot nia..

Then ayun, nagpalitan nga kami ng number..

"Tara, uwi na tayo.. Tumatawag na si papa.." sabi nia..

"Oo nga.. Baka pagalitan ako nun.. Ginabi tayo.."

"Nope.. Hindi siya magagalit.." she said smiling while waving her trophy..

Napangiti na lang ako..

Bumalik na kami sa motor.. Pero this time, medio hirap akong magdrive kasi sa foot rest ko nilagay yung may kalakihan niang trophy.. And for some reason.. Nakayakap na nman siya.. Pero ok lang, medio kumportable na ko sa kania..

Pag dating sa kanila, naka abang nga sa may gate si Ser Joaquin..

"Papa, look..!" bungad agad ni Denise pag baba nia ng motor.. Binibida yung trophy nia..

Nakakunot ang noo ni ser.. Napatingin saken.. Mga matang nagtatanong..

"Ser sori po, ginabi kami.. Nagpilit po siyang sumali dun sa song fest sa bayan e.." paliwanag ko..

"And you won?" tanong nia kay Denise..

Tumango si Denise na yung kilay lang yung tumataas.. She's so cute..

"Why am i not surprised? I'm so proud of you.." sabay yakap nia kay Denise..

"Ma'am, Ser Joaquin.. Alis na po ako.. Ma'am, yung susi po.." inaabot ko yung susi kay Denise..

"No, gamitin mo na pauwi.. Message na lang kita tommorow kung what time mo ko susunduin.." sagot nia..

"Lorenzo, thank you for accompanying my princess.. I guess, ikaw na muna magiging personal bodyguard nia.." sabi ni ser Joaquin..

"Wala pong problema ser.. Sige po.. Uwi na ko.. Ser, ma'am.." paalam ko..

"Ingat ka.." pahabol ni Denise.. And she's smiling..

================================

A/N

Bakit biglang bumait si Denise..? Ewan ko.. Hindi ko din alam.. Let's check sa mga susunod na chapters..

Sori ngayon lang nakapag update.. Naka quarantine sina Lorenzo at Denise e.. Kaya natagalan.. Hehehe.. Sori na.. Medio busy..

Please vote and comment.. Thanks..

Continue Reading

You'll Also Like

377K 10.6K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
2.5M 99.7K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.