Hiding The Mafia's Son

Par prezsss

322K 7.1K 936

Being a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming... Plus

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
CHAPTER 47

Chapter 29

3.8K 101 3
Par prezsss

A/N: I am dedicating this to jiyan_maryel for being such a sweet girl. Thank you po sa paghihintay ng UD!

Lahams ko kayong lahat. I blue you all💙

***

Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata at nakitang wala nang tao sa harapan. Wala na sina George at Gio.

Nang sumilip ako sa labas ng binatana ay marahas pa ring bumubuhos ang ulan. Inangat ko ang kamay upang kapain si Aki sa hita ni Zykiel ngunit bago pa man ako may mahawakan ay sinakop ng kanyang kamay ang kamay ko.

"Hey," he huskily said.

Umayos ako ng upo at nilibot ang tingin sa loob ng van. Doon ko napagtantong kaming dalawa na lang pala ang natitira sa sasakyan.

Tipid ko siyang nginitian at nauna nang bumaba. Dinama ko ang butil ng ulan na nag-uunahang lumapat sa balat ko. Pumikit ako at tumingala.

Peace.

Nagsimula akong humakbang at agad ko namang naramdaman ang kanyang presensya sa aking likuran.

Siguradong basa na rin siya katulad ko. Lumingon ako. Mula sa pagtingin sa paligid ay dumapo sa akin ang kanyang mga mata. Umiigiting din ang kanyang mga panga dahil sa lamig. Nang umihip ang hangin ay mas lalo kong naramdaman ang lamig dahil sa klase ng kanyang pagtitig.

As always, cold.

Binalik ko ang tingin sa dinadanan at nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto ako sa harap ng isang maliit na kubo. Modernity no more. The small flower garden and the small vegetable garden on its both side complemented its "bukid" appearance.

Puro puno ang nasa paligid at nagtataasang mga damo. May naririnig din akong lagaslas ng tubig mula sa isang ilog hindi kalayuan. Nasa likuran siguro ng mga puno.

Napapikit ako at nilanghap ang sariwang hangin.

Again, peace.

Napamulat ako nang may humawak sa bewang ko.

"Let's go inside and clean your wound. Your shirt is soaked with blood and from the rain. You might get cold,"tiim bagang niyang saad.

Napatingin naman ako sa sarili at tama nga siya. Doon ko lang din naramdaman ang konting kirot mula sa aking tagiliran. Naalala na nadaplisan nga pala ako ng patalim sa gitna ng bakbakan kanina. Doon ko rin naramdaman ang pananakit ng paa ko dahil sa pagtakbo. May mga kaonting sugat rin ako sa paa. Mula siguro sa matutulis na bato na hindi ko na inalintana kanina.

How about Aki? Does he have wounds on his feet too? Might as well check it later.

Pumasok na kami sa loob ng kubo at nagboluntaryo si Zykiel na siya na raw ang maglilinis ng sugat ko kaya hinayaan ko na. Wala na akong lakas para gumalaw pa. Unti-unti na akong nilalamon ng pagod.

Nakaupo ako sa isang kawayang upuan at nakapikit ang mga mata habang nililinis ni Zykiel ang sugat ko nang biglang may napagtanto dahilan para mapamulat ako bigla.

"Si Aki? Nalinisan na ba? May dugo rin siya at...at--" hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na maproseso ng utak ko ang nakita kanina.

May laman ng mata ang kanyang mga kuko?

"He's fine. George already took care of him. Wala na siyang dugo at laman ng braso at mata sa kamay," he casually said.

Napasinghap ako. Parang wala lang talaga ang isiping iyon sa kanya. He's a mafia indeed. And... And my son is his heir.

Napabuntong hininga ako.

"You trained him so well," saad ko sa maliit na boses.

Tinapos niya na ang panggagamot sa'kin at itinabi ang first aid kit saka pagod na tumabi sa'kin.

"He must know how to defend himself. He must know how to protect you. I'm not around all the time,"

"He just turned 10," I reminded him.

Hindi siya umimik. Nilingon ko siya ng may maalala.

"Sina Tita Ella? Si Manang Tess, Shaina, Thea at Xy? Where are they?"

He chuckled. "How many days had passed and you just remembered them,"

Napakagat labi ako. I'm guilty.

"They're fine. Nasa Batangas sila kasama ang pamilya ni Gio. Doon na muna sila,"

"Damay na ba sila?"

Hindi siya sumagot pero alam ko kung ano ang ibig sabihin ng pananahimik niya. Uminit ang gilid ng mga mata ko. Is it my fault?

Namayani ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Muli akong napabuntong hininga. Wala na akong magagawa. Nandito na 'to.

Nilingon ko si Zykiel at nakitang nakapikit ang mga mata niya. Halatang pagod. Kinabig ko ang ulo niya at isinandal sa dibdib ko saka hinaplos ng marahan ang kanyang buhok.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga na para bang gumaan ang dibdib niya. Pinisil niya ang hita ko ngunit hinalikan ko lang siya sa tuktok ng kanyang ulo. Hindi kalaunan ay bumigat ang kanyang paghinga. Palatandaang nakatulog na siya. That fast.

He must be too tired. Tired of giving his best to protect us.

The thought tugged my heart.

Patuloy kong sinusuklay ang buhok niya at hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako dahil sa labis na pagod. We had too much for this day.

"WHERE'S AKI?"

Tanong ko kay Zykiel paglabas ng bahay.

Nagising ako ngayong umaga na nasa kama na. Tuloy tuloy ang naging tulog ko na hindi na rin ako nakapaghapunan kagabi. Hindi rin nagising nang may naglipat sa'kin sa isang maliit na kwarto. Probably it was Zykiel.

Pinunasan niya ang kanyang noo gamit ang likod ng palad niya at doon ko pa lang napansin na topless siya at tanging maong na kupas lang ang suot. Wala rin siyang suot na tsinelas.

Napalunok ako at sinundan ng tingin ang isang malaking butil ng pawis na nagpadausdos mula sa gilid ng kanyang noo papuntang pisngi at tumulo pa iyon pababa hanggang sumabit sa panga niya. Naglambitin muna iyon doon hanggang sa tuluyang nahulog at sinalo ng matitipuno niyang dibdib.

Hot.

Lumunok ulit ako dahil lumakas ang tibok ng dibdib ko. Pakiramdam ko uminit ang katawan ko. Kahit na simpleng ganun lang at normal lang naman iyon pero pakiramdam ko inaakit niya ako. Napaangat ang tingin ko sa kanyang panga nang mapansin kong umigting iyon.

"Done eye raping me baby?"

Uminit ang pisngi ko sa narinig. Gusto kong kutusan ang sarili sa inasal.

"N-nasaan si Aki?"

He dropped the axe and he get his shirt. Iyon ang ginamit niyang pamunas sa katawan niya at hindi ko mapigilang mapatitig. Dude, he got the hot fucking body.

"Eyes up here Elaina. Stop eye raping me,"

Iniwas ko ang paningin at itinuon iyon sa mga kahoy na sinibak niya. Ramdam ko rin ang pag-init ng batok ko na gumapang papuntang pisngi. Wala naman siyang ginagawa pero pakiramdam ko talaga inaakit niya ako. He's a fucker for having that sinful body that makes me a sinner. Damn it!

"Nasa ilog ang anak natin,"

Napapikit ako sa narinig. What he said is like music to my ears. Pakiramdam ko isang pamilya talaga kami.

"Come on. Sunduin na natin dahil kanina pa 'yon doon," dugtong niya.

Humugot ako ng malalim na hininga saka iyon marahas na pinakawalan. Binalingan ko siya. Salamat naman at nakadamit na. Iba iyon sa ginamit niyang pamunas.

"Paano ang pagsisibak mo?"

"It can wait," sagot niya at nauna nang maglakad patungo sa direksyon ng ilog.

Tumango ako kahit hindi niya naman kita at sinundan na siya sa paglalakad.

Ilang minuto ang lumipas at nakasunod lang ako sa kanya habang nakayuko. Tinitingnan ang bawat hakbang niya. Kung saan siya tumatapak ay doon din ako tumatapak. I was following his trail when he suddenly stopped kaya napatigil din ako sa paglalakad.

Naudlot ang malaking hakbang ko dahil sa ginawa niya kaya napakagat labi ako nang nalingunan niya ako sa ganoong posisyon.

Ang layo ng hakbang ng isa kong paa. Napasimangot ako bigla. Ang laki kasi ng hakbang niya eh! Parang tanga tuloy ako ngayon.

"What the hell are you doing?" Kunot noong tanong niya.

"Following your steps?" Sagot ko sa maliit na boses.

Umayos ako ng tayo at inaliw ang sarili sa pagtingin sa paligid. Ilang beses ba akong dapat mapahiya sa harap niya ngayong umaga? Ni hindi pa nga umabot ng isang oras na magkasama kami jusmiyo.

The corner of his lip was tugged upwards. "Yeah?"

"Yes,"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa intensidad ng titig niya na mas nagpatindi sa hiyang nararamdaman ko.

Inisang hakbang niya lang ang pagitan namin kaya halos mapatid ang hininga ko nang sobrang lapit niya na sa'kin sa isang iglap.

Naamoy ko rin siya at gusto kong magmura dahil mas bumango pa ata siya dahil pinagpapawisan. Pwede ba 'yon? Diba dapat babaho ka kapag pinagpapawisan ka?

I thought I was going to collapse when he pressed his lips against mine. I was stunned from the sudden skin contact.

Walang gumalaw sa amin. Rinig na rinig ko ang bawat tibok ng puso ko habang nanatiling nakadilat dahil sa gulat. Tiningnan ko siya at nakitang nakapikit siya. Hindi natanggal ang titig ko sa kanya. Magkalapat lang ang mga labi namin ng mga ilang segundo at siya rin mismo ang pumutol.

Napakurapkurap ako habang nakatingin sa kanya. "D-did you...Did you just kissed me?"

I was rewarded by a sexy chuckle from him before he gave me a peck on the lips.

Another kiss.

"You're cute," sabi niya habang nakangiti at hinalikan ang gilid ng labi ko.

Another one.

He entertwined our fingers before pulling me to somewhere. Sa ilog malamang.

Ilang halik 'yon?

Singit ng isang maliit na boses mula sa sulok ng utak ko.

Tatlo. Three kisses bitch.

Napangiti ako at nilingon siya. Seryoso siyang naglalakad habang nasa bulsa ang isa niyang kamay. Damn! Why so handsome? Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nilingon ako before giving me a sexy smirk.

Geez Elaina! Lahat na lang ba sexy? Kailan ka pa naging manyak?!

Iniwas ko ang tingin at itinuon na ang buong atensyon sa paglalakad. Baka madapa pa ako at mapahiya ulit. Tama na muna ang mga kahihiyan ko kanina.

MALAYO PA lang ay rinig ko na ang boses ni George at ang lagaslas ng ilog habang may nagtatampisaw. Ang sarap talaga kapag nasa probinsya. Sariwa ang hangin at wala kang ibang maririnig kundi ang nang-uugoy na tunog ng kalikasan na sobrang nakakarelax. Lalo na ang huni ng mga ibon.

"Careful young master!" Rinig kong sigaw ni George.

Hindi nagtagal ay natanaw na namin sila. Si George ay nasa kabilang dulo ng ilog habang hinihintay si Aki na dumating doon sa paglalangoy. Malapad ang ilog at halatang malalim. Sa kaliwang bahagi ay nagmistula iyong falls dahil pabagsak ang tubig na siyang lumilikha ng maingay na tunog na naririnig ko kanina. Hindi naman mataas. Siguro lampas lang ng kaunti kay Zykiel.

I mean, Zykiel is tall. But falls are usually too high.

Nang mapansin kami ni George ay tumayo ito at nagbigay galang. Tinanguan lang siya ni Zykiel. Napatingin ang huli sa kamay namin na magkahawak kaya babawiin ko sana ang kamay ko pero hinigpitan lang ni Zykiel ang pagkakahawak.

Napalingon ako sa kanya.

Sinulyapan niya lang ako at dinala sa isang malaking bato at doon kami naupo. Hinihintay na dumating si Aki sa dulo. Si George naman ay bumalik na sa pag-aabang.

"Kaninong kubo iyon? I mean, kaninong lugar 'to? Sayo ba?"

Nanatili ang mga tingin niya sa lumalangoy naming anak. "Nope. Pag-aari ng asawa ni Gio ang lupaing 'to,"

"Hmm," Sagot ko habang tumatango. May asawa na pala ang butler niya.

Itatanong ko sana kung nasaan na ang right hands ng mga butlers namin pero pinigilan ko ang sarili. Probably back to their businesses like what he said. Labas na ako roon panigurado.

"Good morning Sir and Madam,"

Napalingon ako sa kaliwa nang marinig sina Gio at Greg. May dalang mga prutas si Greg samantalang maingat namang dala ni Gio ang mga dahon ng saging.

"Good morning! Para saan yang dahon ng saging?" Masiglang tanong ko.

"Dito po tayo kakain mamaya madam," nakangiting sagot ni Gio.

Picnic? Sa tabing ilog? My heart leaped in apparent excitement.

YAY!

"Ahm. Tawagin niyo na lang akong Elaina. 'Wag nang madam,"

Naiilang kasi talaga ako pag tinatawag nila akong madam. Isa pa, si Zykiel ang amo nila hindi ako.

Tumingin sila kay Zykiel na parang humihingi ng permiso. Tinanguan lang sila ng huli kaya napangiti kaming tatlo.

"Morning mom, dad,"

Humalik si Aki sa pisngi ko at ng daddy niya habang pinupunasan ng blue na tuwalya ang buhok. Si George naman ay nakasunod lang sa kanya.

"Umuwi ka na at magbihis. Kanina ka pa rito," sabi ni Zykiel.

Hindi naman umangal si Aki dahil halatang nilalamig na rin. Malamig kasi ang simoy ng hangin.

Naglakad na si Aki pabalik sa daang tinahak namin kanina and as usual nakasunod sa kanya ang butler niya. Sumunod naman si Gio pagkatapos ayusin ang paglalagay ng dahon sa ibabaw ng isang bato para hindi mapunit. Samantalang huminto si Greg sa tapat ko at inabutan ako ng bayabas na tinanggihan ko. Busog pa kasi ako. Ngumiti na lang siya sa'kin at nilapag ang mga prutas sa ibabaw ng dahon ng saging. Agad naman siyang sumunod sa iba.

Kukunin siguro ang mga pagkain.

Susunod na rin sana ako nang bigla akong pinigilan ni Zykiel sa braso.

"I'll show you something," seryoso niyang sabi.

"Paano sila? Baka hanapin tayo,"

Nilingon ko sina Aki na lumalayo na at parang aburidong aburido sa pagkausap sa butler niya. Mana talaga sa ama. Parang laging may galit sa mundo. Samantalang tahimik namang nag-uusap sina Greg at Gio na nakasunod sa kanila.

"It's fine. C'mon,"

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako.

Ilang minuto kaming naglalakad pero hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin kaya nagsimula na akong mainis.

"Ano ba kasing ipapakita mo sakin?"

"Malapit na,"

I rolled my eyes.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Para bang bumabagsak mula sa itaas. Mas mataas kesa sa kanina.

"We're here,"

Hindi ako nakapagsalita. Alam kong nakanganga ako pero hindi ko iyon inalintana. Nakapokus ang atensyon ko sa ganda ng kalikasang nasa harapan ko ngayon.

"Woah,"

Akala ko sa movies ko na lang makikita ang ganito.

"Like it?"

"Are you crazy!? I love it! Very much,"

He chuckled. Bigla siyang naghubad at sumayaw na naman sa harapan ko ang maganda niyang katawan.

"C'mon. Let's take a dip,"

Itinira niya lang ang boxers niya at agad na lumusong sa lawa.

Kung hindi pa dumaan ang ibon hindi ko pa matatanggal ang titig ko sa kanya. Sinundan ko ng masamang titig ang ibon. Lokong ibon iyon! Kulang na lang dagitin si Zykiel! Aba! Uunahan pa ako. Bwisit 'yon.

"C'mon Elaina!"

Ipinilig ko ang ulo mula sa kabaliwan at nagsimula na ring maghubad. Surprisingly, hindi ako nailang kahit na titig na titig si Zykiel sa'kin.

Para bang normal na ang maghubad ako sa harap niya.

Napakagat labi ako nang maramdaman ang lamig ng lawa sa paa ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang umabot na ang tubig sa bewang ko at nakasanayan ko na rin ang lamig.

Tumingin ako kay Zykiel na nasa likod na ng tubig mula sa falls. His image is blurry from where I'm at but his gorgeous body gives off a steamy thought inside my head.

Ipinilig ko ang ulo. Kanina ka pa Elaina.

When did you become horny?

Sinimulan ko nang lumagoy patungo sa likod ng falls kung nasaan siya.

Bahagya akong napatili nang bumagsak sa katawan ko ang tubig mula sa taas dahil sa pagpasok ko. He chuckled and held my waist. The water is cold but his hands are hot at the small part of my back. I brushed the water off my face at nang nakaayos na ako ay sumalubong sa'kin ang nakakabutas niyang titig.

My breast is touching his chiseled chest which gave me a hot feeling all over my body.

I flattened my palm on his chest and I stared at it. His jaw tightened and I could not help but kiss his chest.

I dropped three wet kisses. He groaned before gripping my waist and he slammed his lips on mine. I kissed him back with the same ferocity. The kiss is hungry and needy. Like filling something that's empty for a long time now. I moaned when volts of electricity travelled my spine down between my thighs when he lustfully bit my lower lip. He took it on his advantage and entered his tongue in my mouth exploring the insides of it.

Inikot niya kaming dalawa at isinandal ako sa batong nasa likuran niya kanina nang hindi pinuputol ang pinagsasaluhan naming halik. The sound of our kisses added sultry to the sound of water falling harshly which intensified the heated kiss between us. I travelled my hands into his nape before pulling his hair at the back of his head. Earning a moan from him.

*****

A/N: Wotwot ang halay mo Elaina! Hahahaha

-Pres

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.4M 61.2K 271
In which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four year...
471K 13.7K 34
Isla de Vista Series #5 Cresia, The girl of perfection, emotionless, unbothered, silent, and immovable. She is used to the life dictated to her how...
2.4M 93.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.