KENSHI'S POV :
I can't get her out of my goddamn mind. Gusto kong gawin ang gusto niya- ang kalimutan siya at ang nangyari sa amin sa Tagaytay. Gusto kong gawin pero hindi ko magawa. Ang hirap. Hindi ko siya kayang alisin sa sistema ko at naiirita na rin ako dahil hindi ko siya magawang pagbigyan.
"Anak," Si mommy pero hindi ko siya nilingon.
"Ang mga bata po?"
"Tulog na sila." she then sat beside me, "Hindi ba't sinabi ko sa 'yong tigilan mo na ang pag-inom ng mga alcoholic drinks? Ano na naman ba'ng problema, anak?"
"Mom, what are the signs of being in love?" I asked without glancing at her. "Malapit na akong mawala sa katinuan."
"Kapag siya ang una sa mga priorities mo. Kapag ang kaligayahan niya ang higit na mas mahalaga sa 'yo kaysa ang iyo. Kapag hindi mo siya matanggal sa isip mo." I looked up at my mom and she just smiled at me, "Love is selfless, son."
I chuckled, "I'm in deep trouble, mom."
"And who's the unfortunate girl?" she playfully asked.
"Mom, alam mo," tinungga ko ang nalalabing whiskey sa baso ko at muling tumitig sa aking ina. "Ang awkward nito. I mean, ang makipag-usap sa 'yo about heart problems. Siguro si Daddy nalang - "
"Ina mo ako!" protesta ni Mommy na nakataas pa ang dalawang kilay. "Ako ang higit na makakaunawa sa iyo kaysa sa ama mo. Mamaya turuan ka pang mambabae."
Natigilan ako at mariing tumitig sa kaniya, "Did Dad - "
"Sinabi na niya sa akin ang lahat, anak. Matagal na."
"I'm sorry dahil instead na sabihin ko sa 'yo ang alam ko, mas pinili kong manahimik. Iniisip lang kita, mommy. Inisip ko kung anong mararamdaman mo." buong sinseridad kong sabi, "I love you and I don't want you to get hurt."
"Anak, nauunawaan ko at wala na rin sa akin iyon dahil nakikita ko naman ang pagbabago ng Daddy mo day by day." nakangiti at malumay niyang tugon bago humawak sa kamay ko. "Ikaw ang iniisip ko, anak. Mukha ka talagang problemado at ayaw kong umabot iyan sa pagiging misirable. Paano ko ba matutulungan ang unico hijo ko?"
I shook my head, "I can handle it, Mom. Huwag mo akong masiyadong intindihin." Hindi ko kasi p'wedeng sabihin sa 'yo ang nangyari sa amin ni April.
"Balita ko," pinaningkitan ako ng mata ni Mommy, "dadalhin na sa states si AM bukas. Ihahatid daw ng mga kapatid niya roon at nasisiguro kong may katagalan bago siya muling bumalik dito."
"Good for her, mom. Marami na ring pinagdaanan 'yun at - "
"You won't chase her?" she cut me off in a teasing voice, "Sayang naman. Akala ko pa naman siya ang dahilan kung bakit hindi maipinta ang mukha ng aking anak ngayon."
"Mom, please. Nanunukso na kayo, e."
"Sige," Dahan-dahan siyang tumayo at sandaling humawak sa balikat ko. "pero sana'y huwag mong kalimutang nandito lang din kami palagi ng Daddy mo para sa 'yo. We cannot help you if you don't tell us what is really troubling you, honey."
Tinanguan ko si mommy pero hindi na rin nagtangkang magsalita. Mahirap ng madulas. Ayaw kong sa isang pagkakamali ko, hindi pa matuloy si AM sa pupuntahan niya.
.
.
SIGRID'S POV :
HINDI rin pala madaling magkaroon ng pamilyang mapera. Ipapadala ka kung saan nila gusto.
"Apo," si Lola Maurita na biglang pumasok ng kuwarto ko. "Handa ka na ba? hinihintay ka na ng mga kapatid mo sa ibaba."
Bumuntong hininga ako at umiling, "Sa totoo lang po," muli akong nagbuntong-hininga. "hindi pa po ako handa. Hindi pa ako handang iwan kayo rito, Lola."
"Hmm, apo," naglakad siya palapit sa 'kin 'saka masuyong hinawi ang ilang hibla ng buhok kong nakakalat sa mukha ko. "sabi naman namin sa 'yo huwag mo kaming intindihin ng Lolo mo dahil ayos lang kami rito. Kasama namin ang mga magulang mo."
"Pero hindi ko kayang mabuhay ng wala kayo sa tabi ko.."
"Kaya mo, apo. Kakayanin mo." hinila niya ako at niyakap ng mahigpit pero bago pa pumatak ang luha ko, ako na ang kusang kumalas.
"K-Kayananin ko po." ulit ko sa bahagyang garalgal na tinig. "Kakayanin ko, Lola. Kakayanin."
"Ganiyan nga, apo. Tatagan mo lang ang loob mo ha? kasama mo naman ang isa sa mga kapatid mo. Basta ipangako mo sa akin na lagi mo kaming tatawagan at mag-aaral ka roon ng mabuti. Pangalagaan mo rin ang sarili mo dahil mahirap ang magkasa- "
"Lola .." I giggled, "Hindi ko na po alam kung pang-ilang beses na 'yang habilin niyong 'yan." nangingiting sabi ko. "basta ha," I held her hands, "huwag niyo po akong masiyadong alalahanin at mag-iingat kayo palagi ni Lolo."
"Oo naman, apo. Sige na, kung handa ka na, tara na sa ibaba."
"Op- "
"AM?" boses ni Mang Orlando, "Kung handa ka na, ibababa ko na ang mga maleta mo sabi ng Kuya Grover mo."
"Hayan, hindi na rin makapaghintay ang kapatid mo."
Natawa ako at saka iginiya si Lola palapit sa pintuan at binuksan iyon. Tumambad naman sa amin si Mang Orlando na hindi rin maipinta ang mukha.
"Okay na po. Pakibuhat nalang." sabi ko, "Mang Orlando, bakit ganiyan 'yang mukha mo?"
"Nalulungkot lang ako dahil mawawalan na ako ng seserbisyohang bukod sa maganda na, mabait pa." aniya na ikinatawa ko ng marahan.
"Hay nako," saglit akong yumakap sa driver na naging ama ko na rin, "nalulungkot din po ako pero magkikita pa naman tayo, e, pero 'yun ay kung hindi kayo aalis dito, Manong."
"Dito na ako tatanda, AM, kaya madadatnan mo pa ako rito pagbalik mo. Mag-iingat ka roon."
"Salamat, manong."
Tinapik ko pa sa balikat bago ako tumalikod at muling humawak sa kamay ni Lola at iginiya patungo sa hagdanan. Wala pang isang taon mula nang manirahan ako sa malaking bahay na 'to na tila isang prinsesa. Hindi ko naman inakala na muli ko rin pala itong lilisanin para manirahan naman sa ibang bansa. Sobrang nakakalungkot.
---
"Here's your passport." basag ni Kuya Hopper sa katahimikan habang nasa biyahe kami patungong airport. "Huwag ka ng malungkot, Princess. Mabilis lang namang lumipas ang mga araw, e."
Bumuntong-hininga ako 'saka kinuha sa kamay niya ang passport ko. "Nahirapan akong mag-adjust noon sa buhay ko bilang isang Vizconde kaya sigurado akong mas mahihirapan ako ngayon dahil hindi ko kilala ang lugar na titirhan ko." nalulungkot kong sabi.
"Hindi naman kita papabayaan, e." Nakangiti namang sabi ni Kuya Grover. "Kaya nga kahit ayaw kong malayo kay Madison, pinili ko pa ring samahan ka kasi ayaw kong mag-isa ka sa pupuntahan mo."
"I'm sorry, Kuya, dahil sa 'kin magkakalayo pa kayo."
"Ayos lang- what the fuck!" nag-umpugan kaming magkakapatid dahil sa biglaang pagpreno ni Mang Orlando. "Ano 'yon? Anong nangyari, manong?" inis na tanong ni Kuya Grov.
"Pasensiya na kayo aba'y bigla ba naman kasing humarang iyang kotseng iyan sa daraanan natin." Turo ni manong sa unahan.
"Kay Saiyan 'yan ah." kunot-nuong sambit ni Kuya Hopper bago binuksan ang pinto sa tabi niya at bumaba.
"Kuya, - "
"Diyan ka lang, Princess."
Natikom ko ang sarili kong bibig at sinundan nalang ng tingin ang kapatid kong naglakad na papunta sa kotse sa unahan.
Kung si Saiyan nga 'yon, anong ginagawa niya rito? Bakit siya nakaharang sa daanan namin? Pipigilan ba niya ako? Kung ganoon nga, bakit wala man lang akong maramdamang kahit konting tuwa?
.
.
SAIYAN'S POV :
"Puwede bang iayos mo 'yang kotse mo? Hindi naman mukhang parking lot 'tong kalsada, e. Nakakaabala ka na ng maraming tao." matabang na saad ni Hopper habang matamang nakatitig sa 'kin.
"Gusto kong makausap ang kapatid mo - "
"For what huh? for what, Sai?"
"I'm sorry. Alam kong malaki ang kasalanan ko and that's why I'm here. I wanna fix every- "
"Alisin mo 'yang kotse mong nakaharang, Saiyan." putol niya sa 'kin. "Mahuhuli na kami sa flight namin sa ginagawa mong 'to."
"Please, Hop. Mahal ko si AM at handa akong pagbayaran ang nagawa - "
"Magsimula ka na kung gano'n. Alisin mo 'yang kotse mo dahil hindi nalang kami ang inaabala mo," aniya sabay turo sa mga sasakyang nakabuntot sa kanila at naantala na rin dahil sa ginawa ko. "Itatak mo rin sa kukote mo 'to, Sai," mas lalong tumigas ang ekspresyon ng mukha niya, "hindi ko hahayaang malapitan at maloko mo uli ang kapatid ko. Magkamatayan muna tayo, Saiyan Almonte, bago mo magawa 'yon."
"Hop- "
"Sumakay ka na sa kotse mo at umalis ka na. You're just wasting people's time here." aniya saka mabilis na tumalikod.
Laylay ang balikat kong tumitig sa sasakyan nila, umaasang makikita ko kahit saglit si AM pero dahil heavy tinted ang sinasakyan nila, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong masilayan siya.
I'm sorry, babe.. i'm sorry.
.
.
KENSHI'S POV :
"Wala ka talagang balak habulin sila?" untag ni Hiro sa 'kin habang nanggigigil na naglalaro ng ML sa cellphone niya. "Last chance mo na 'to para makausap siya kasi sigurado akong pagbalik niya, marami ng nagbago."
I know..
Napasapo ako sa sarili kong mukha, "Masaya ako para sa pagbabagong alam kong makakabuti para sa kaniya, bro."
"Kaya hindi mo siya pipigilan?"
"Why would I?"
"Mahal mo siya - "
"At nirerespeto ko ang desisyon niya." mabilis kong salo sa sinasabi niya, "Pagkakataon ko na rin siguro 'to para kalimutan siya ng tuluyan, Hiro."
Tumigil siya sa paglalaro at bumaling sa 'kin na nakataas ang kilay, "Hindi ka man lang magpapaalam sa kaniya ng maayos?"
"Hindi na."
"Bro, baka mas lalo kang magsisi pagdating ng panahon?"
"Huwag mo na akong bigyan ng palaisipan, Hiro. Hindi na rin naman magbabago ang isip ko." seryosong sabi ko, "Magiging tuldok na sa nararamdaman ko ang pag-alis ni AM kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay mag-focus sa present kasama ang mga anak-anakan ko."
He nodded, "Okay then. Si Saiyan nga pala, nakapag-usap na ba kayong dalawa?"
"Wala akong panahon, bro." pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay ayaw kong makausap ang gagong 'yon.
"You know what," tumayo siya at namulsa sa harap ko. "masiyado na kayong maraming hindi pagkakaintindihan so why don't we hangout? Sabihan natin silang lahat para maka-bonding din muna natin si Harvy bago umalis."
"Wala nga akong panahon para - "
"Pupunta ka, Kenshi. Para naman tayong hindi magkakaibigan niyan, e."
"Fuck you."
"Sagot ko na lahat dahil alam kong hindi ka maglalabas ng kahit na ano. Kuripot ka, e."
Napailing ako, "Hiro, wala 'yung kambal kaya hindi rin buo ang tropa."
"Ayos lang 'yun kaya huwag ka ng magdahilan. Sa Sabado, sa dating tambayan." pinal niyang sabi. "Tatawagan ko mamaya 'yung tatlong gago."
"Sige sige," wala na naman akong magagawa, e. "mauuna na rin ako, bro, dadaanan ko pa si Daddy sa office niya."
"Sige pero sure ka na sa desisyon mo? hindi mo na talaga hahabulin?"
"Tumahimik ka na, Hiro. Aalis na ako."
"Mag-ingat ka!" pahabol niya sa 'kin.
Kinawayan ko nalang siya bago ako lumakad paalis. Dadaanan ko pa si Daddy Conrad bago ako umuwi. Siguradong hinihintay na rin ako ng dalawang bata.
Napabuntong-hininga nalang uli ako. Hindi nga pala nila alam ang pag-alis ng Nanay April nila. Paano ko na naman sasabihin sa kanila? tiyak na malulungkot sila. Hays!
---
A/N : pasensiya na sa matagal na update. Hindi ko na rin hahabaan 'to, and by the way, last chapter na po ito para sa BOOK 1 kaya sa susunod na araw, BOOK 2 na po ang ipapublish ko. Maraming salamat po! Love lots.. mwaa!!💜