Just Inlove [Slow Update & Ed...

By angelica920

4.1K 49 14

Justine Alexander. Perfect guys siya.. kaya lang. nalaman niyang ampon siya. kaya biglang nagbago ang lahat s... More

Just Inlove
Chapter 1: "Flashback"
Chapter 2: "Their Own Lives"
Chapter 3: "Kuya JURMAINE!"
Chapter 4: "Second Encounter"
Chapter 5: "They met HIM"
Chapter 6: "Dispidida Party"
Chapter 7: "Jusmine Alexandra Rean"
Chapter 8: "She's HOME"
Chapter 10: "Labanos at Ampalaya"
Chapter 11: "He's Weakness"
Chapter 12: "Understand"
Chapter 13: "Lucky Charm?"
Chapter 14: "Allendra hater!"
Chapter 15: "Endlessly"
Chapter 16: "angyare?"
Chapter 17: "Star"
Chapter 18: "Preparations"
Chapter 19: "Her Side"
Chapter 20: "Blush pa! :)"
Chapter 21: "it hurts"
Chapter 22: "He's Hurt"
Chapter 23 "The Call"
Chapter 24: wala akong maisip na title. xD
Chapter 25: "First Kiss </3"
Chapter 26: "Real story"
Chapter 26.2: "Real Story"
Chapter 27: "The Real Deal"
Chapter 28
Chapter 29: "Parents"
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32: "Shoulder to Cry On"
Chapter 33: "Decisions"
Chapter 34: "Game 1"
Chapter 35: "Unknown"
Chapter 36: "He Changed"
Chapter 37: "Masungit"
Chapter 38: "Game 2"
Chapter 39: "Real Feelings"
Chapter 40: "Champion"
Chapter 41: "bonding"
Chapter 42: "Crizel Yuri Quirino"
Chapter 43: "Annoyed"
Chapter 44
Chapter 45: "Finding Them"
Chapter 46
Chapter 47: "Leero Santiago"
Chapter 48: "Kurt Lawrence"
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: "Comeback"

Chapter 9: "Mr. A"

90 1 0
By angelica920

UD! :)) 

so happy! after a long search. nahanap ko din ang kukunin kong characters :) haha! lead roles po muna tayo :)) 

It will posted on chapter 10 :) 

-> 

[Xandra's/Jusmine's POV] 

"IKAW NANAMAN?" 

"anong ginagawa mo dito sa bahay ko?" tanong niya sakin. at tinitignan ako mula ulo hanggang paa. aba! kapal ng mukha nito aa. 

"BAHAY MO? MAY PANGALAN MO? OY! EXCUSE ME! BAHAY TO NG MAGULANG KO" sabi ko! 

"MAGULANG MO? ANONG MAGULANG MO EE--" napatingin siya sa lapag. "SHIT! ikaw si JUS--" 

"what's happening here?" 

napatingin kami parehas sa tao sa pinto. 

"JUSTINE! bakit ngayon ka lang? saan ka galing?" naiiritang tanong ni kuya Jurmaine habang pumapasok sa kwarto namin. 

kinamot niya ulo niya. "just--" 

"Just ano? gago ka! kanina ka pa hinahanap ni mamy! tapos uuwi ka ng lasing? alam mong maaga pa yung training natin bukas tapos ganyan ka? get your act decent" sabi ni kuya at napaingin sakin. 

"Oh Xandra. you meet him? siya si Justine" sabi ni kuya sakin. 

Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko na sobrang baho ng amoy. 

Oh myy. siya pala yung 'Justine' tss. i don't know.. biglang nainis yung pakiramdam ko.. dalawang beses ko palang nakikita tong lalaking t pero bakit sobrang bigat na ng pakiramdam ko sakniya? to think na makakasama ko pa siya dito sa bahay. naiinis ako. WALANG MODO NA AROGANTE! nakakainis. 

"bakit ganyan ka makatingin?" nanlalaki yung mga mata niya habang sinasabi yan. 

"bakit? namatay ka ba?" tanong ko. 

"sapakin kita gusto mo?" tanong niya sakin. 

"AKALA MO UURUNGAN KITA?" tanong ko. 

"TEKA! magkakilala ba kayo?" tanong ni kuya Jurmaine na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. 

"siya lang naman yung tangang na ka tapon ng Frap niya sa bagong varsity jacket ko. sobrang bobo ee" sabi niya at umupo sa kama niya. 

"galing mong magsalita aa. parang wala lang ako dito. mukha mo!" tumingin ako kay kuya jurmaine. "kuya! siya lang naman yung nambastos sakin nung nanonood tayo ng FEU vs. UST" 

"HOY! HINDI KITA BINASTOS! tatanga-tanga ka lang ulit" sabi niya. 

Tinignan ko siya ng masama. 

"ano?" sabi niya. 

"IKAW!" turo niya kay Justine. "mag-uusap pa tayo bukas" tumingin siya sakin. "at ikaw naman! halika na! matulog ka na! late na oh. may pasok ka pa bukas" sabi ni kuya at inakay na ko palabas sa kwarto ni Mr. A. A for Arogante. nakakainis. 

"pasensya ka na dun aa.. sabog kasi yun bunso ee. nakainom kasi" sabi ni kuya.

"ganun ba talaga siya kuya? I mean. kasi.. kagaya nga ng sabi namin kanina. hindi na ito yung unang beses na magkikita kami. ganun ba talaga siya? Arogante?" tanong ko. 

Kuya jurmaine smiled. "Justine.. he's a good kid. kagaya nga nung sabi ko sayo.. magka-ugali kayo. but... he changed" he look down. "he changed for some reason" 

magka-ugali kami? psh. i don't think so. ang layo kaya ng ugali namin. hindi kaya ako Arogante. 

"sige na bunso.. matulog ka na! maaga pa pasok natin bukas" tumalikod na si kuya. 

ng hwakan ko yung kamay niya. "kuya.. can you do me a foavor?" sabi ko. 

he smiled. "ano yun bunso?" 

"kuya.. tabihan mo naman ako.. hindi kasi talaga ako makatulog ee" i said with a pout. 

He smiled. at ayun :) siyempre. tatabihan ako ng kuya ko. 

[Justine's POV] 

I opened my eyes. and shit. ang sakit nng ulo ko. napailing ako at napahawak sa ulo ko. 

"tangna! nagkaron pa ako ng kung ano anong panaginip na yung tatanga tangang babae ee si Jus--" napatayo ako. "SHIT! hindi yun panaginip!" sabi ko at napatayo ako. 

"UGHHH! kaya pala sobrang bigat ng pakiramdam ko dun sa tangang yun! tae!" 

bakit kasi sa dinami dami ng tao dito sa mundo? siya pa yung Jusmine na yun? well.. isa lang ang reason.. para mabawas-bawasan naman yung mga taong kakainisan ko.. kaya 2-in-1 nalang sila. 

napatingin ako sa cellphone ko. "7:00" 

pumunta na ko sa banyo at naligo ng maayos. may training nga pala kami ng 9am. 

after 30 mins.. bumaba na ko.. at kumpleto na sila sa Dinning table. pati yung tatanga tanga. 

"Good morning" i greeted mom and dad. 

"baby.. kumain ka pa nito" ignore sakin ni mamy. 

Nagtatampo to. 

Umupo ako.. and guess who kung sinong katapat ko? sino pa.. ee di itong mukhang labanos na tanga. 

tinignan ko siya.. at. inirapan ako. 

"Alexander! san ka galing kagabi?" tanong ni dad. without looking at me. 

Alexander. yan tawag niya sakin pag-galit siya. 

"i was just with Francis.. hang out lang po" sabi ko. then get some food. 

"Hang-out? you know clearly na kahapon ang dating ng kapatid mo? tapos aalis  ka?" tanong ni dad. 

"look. I'm sorry dad. I totally spaced out" i said without looking at them. 

"Space out?" mahinang sabi ni kuya Jurmaine. 

i look  at him.. and he immediatley look away.

after eating.. tumayo na agad ako.. si mamy kasi. nasa kusina ee. at alam kong nagtatampo siya.. kaya nilapitan ko siya and hug her from the back. 

"mom.. I'm sorry" i said. 

"Lydia. akin na nga yung baunan diyan. tapos ibigay mo nga ito kay Jurmaine.. may training kasi siya.. hindi  na siya makakakain sa labas mamaya" sabi ni mom at dire-diretso pa din sa ginagawa niya. 

"mom.. look I'm sorry. i will do everything to make it up to you" i surenderd.

she look at me? "everything?" she smiled. 

I smiled. "yes mom.. i'm really sorry. I promise i won't break promises again"  

"okay.. what time is your training?" mom asked. 

"9 pa po.. gusto niyo ma. tulungan ko kayong magprepare ng lunch?" i asked with a smile. 

she smiled and helf my head. "no anak. paki hatid mo nalang muna yung kapatid mo.. kasi 8am ang pasok niya ee. i don't want her to ride a jeep. mainit kasi ee" 

naguluhan ako sa sinabi ni mamy. "ma! di ba may kotse si Kuya Jurmaine? bat ko siya ihahatid?" ang gulo ni mamy aa. napangiti tuloy ako. 

"anak hindi ang kuya mo.. si Jusmine" sabi ni mamy. 

"WHAT? NO WAY! I'M NOT GOing TO HER FREAKING SCHOOL!" i said while yelling. 

ano ako tanga? ihahatid ko yang Dumb ass na babaeng yan sa school niya? at one thing. papasakayin ko pa sa kotse ko. ano siya sineswerte. maglakad siya kung gusto niya. nakaka inis! 

sumimangot naman si mamy. "akala ko ba you'll do anything? psh. wala ka talagang isang salita" sabi ni mom and continue with her business. 

"Ma can you just req--" 

"MANANG! DALIAN MO NGA DIYAN! IHAHATID KO PA SI JUSMINE! MALAYO PA YUNG WORK KO SA SCHOOL NIYA! HINDI KO KASI MAPAKIUSAPAN YUNG IBA DIYAN EE HANGGANG SA MAKABILI LANG NAMAN NG KOTSE YUNG KAPATID NIYA! HINDI PA MAPAGBIGYAN!" sigaw ni mamy habang nasa kitchen. 

i sighed. "FINE! YOU WON! SIGE NA PO! IHAHATID KO NA SIYA!" sabi ko habang nagkakamot ng ulo. 

ngumiti naman bigla si mamy. "Talaga?" 

"oo na po ma! ihahatid ko na siya" sabi ko. hayy. 

ang aga aga. bwisit na agad ang umaga ko! nakakainis! 

[Jusmine's POV]

"anak sumabay ka na kay Justine.. kasi 9am pa naman ang training niya ee. so pwedeng pwede ka niyang ihatid" sabi ni momy while giving me my lunch. 

Napakunot ang nuo ko. "ma.. pwede po bang kay kuya Jurmaine nalang ako sumabay?" 

"may klase kasi ang kuya mo ng 8.. kaya,.. hindi ka niya mahahatid.. oh siya. pumunta ka na sa labas. andun na si justine hinihintay ka.. " kiniss ako ni mamy. "bye anak. mag-ingat ka aa" then she left me. 

Hay.. bwiset. sa dinami dami nman ng pwede kong sabayan. itong hayop na to pa. naiinis ako. "ARGH!" sabi ko habang lumalabas sa bahay. 

*BEEP BEEP* 

napatingin ako sa bumusina. 

Tae. sino pa ba? ee yung pesteng Mr. A na yan! nakakainis. 

Sumakay na ako sa front seat ng nagdadabog at binagsak ko yung pinto. 

"alam mo.. kung naiinis ka dahil sasabay ka sakin. wag kang mag-alala mas naiinis ako. dahil ayokong nandito ka. nakakainis" sabi niya habang nakatingin sa Road. 

Antipatiko talaga tong hayop na to. "ang aga mo din ee no? tigas ng mukha mo chong!!" 

"psh. now i know kung bakit from the first place palang ee ayaw ko na sayo.. psh! it figures" sabi niya. 

at ang kapal talaga ng mukha niyang sabihin sa harap ko yan aa. 

"at hindi ka talaga nahiyang sabihin sakin yan no? tigas ng mukha mo! bwisit ka!" sabi ko at nagcross ako ng arms at tumingin nalang sa bintana. 

LORD! bakit po? ano po bang kasalanan ko sainyo? okay lang po ba na itapon ko itong lalaki sa tabi ko sa ilong pasig? kahit isang beses lang po.

"bat naman ako mahihiya? ee kotse ko to! kung gusto mo bumaba ka na. kasi. makita ko lang yang mukha mo. at maamoy ko lang yang pabango mo! pucha! sira na araw ko" sabi niya. and he smirked.

!@#$%^&*()_+ gusto ko siyang murahin promise!

"nako? pano pa ang araw araw ko? kung kagaya mong AROGANTENG WALANG MODO ANG KASAMA ko?" sabi ko. emphasizing lahat ng characteristics niya.

 "ee di umalis ka? hindi ka naman kita gustong andun sa bahay ko ee" sabi  niya. 

aba bahay niya? kapal ng mukha aa. excuse me! wala sa pangalan m yung titulo oy! tigas din ng mukha mo ee no! impakto ka! promise! 

"excuse me! hindi mo yun bahay! wala sa pangalan mo yung titulo!" sarcastic kong sabi. 

at wala kaming tigil sa away hanggang sa makarating kami sa school. 

jusko! paano nalang po ang araw araw ko kung siya ang kasama ko? grabe. sobrang magkakaroon ako ng kasalanan sa diyos ee. bakit? kasi pati magmamardur! (mumurder) nasa isip ko na.. nako! nagiging masama na ata akong tao. LORD! kayo na hong bahala sakin. wag niyo ho sana akong ilapit sa hayop na aroganteng to.. dahil baka mapunta po ako sa impyerno sa sobrang dami kong kasalanan. 

"wala kang pake! LECHE! bakit ba kita kinakausap! sayang oras ko sayo.. BAHALA KA NA NGA SA BUHAY MO! BUMABA KA NA"  sabi niya at galit na din yung mata niya. 

"BAHALA KA DIN SA BUHAY MO! AROGANTE! " sabi ko sakaniya bago ako lumabas at binagsak ko yung pinto ng kotse niya. sana masira. BWISIT! 

[Justine's POV] 

*BLAG* 

Pucha! kung isasabay ko yung hayop na babaeng yun araw araw dito sa baby kong si Janus. puta baka masira to. 

si janus! :) yung gwapo kong kotse. 

hay. nakakastress kasama. tangna. panget ng ugali. halos lahat na ata ng ayaw ko sa babae na sa kaniya na. Una! TANGA! pangalawa! BWISIT! pangatlo! WALANG SENSE KAUSAUP! pang-apat! ALL OF THE ABOVE! 

Lintik! ang aga aga tulog na BBV ako. 

*Making my way down town.. walking fast faces pass and i home bound* 

Tangina ano yun? napatingin ako sa upuan sa gilid ko. at nakita kong nagriring yung cellphone nung tangang babaeng yun. TANGA TALAGA! pati cellphone iniiwan. 

*and i need you. and i miss you.. and now i wonder.. if i could fall into the sky* 

sumilip ako ng mabilis sa upuan sa gilid ko at kinuha ko yung phone then turn my eye sa road ulit. 

|Calling: mamy Alex| 

si mom. sagutin ko nga. 

"Hello?" 

"Justine? asan ang kapatid mo?" 

"She forgot her phone in my car"

"aa. paki bigay mo naman sakaniya please" 

"no ma. sa bahay nalang. may klase pa ko"

"sige na anak,. i need to contact her.. PLEASE!" 

i sighed. again. she won. "FINE!. but later! may training pa ko ma.. i can chek for her free time then dadalhin na lang sa lunch niya" 

"thank you anak! sige na ingat ka aa. I love you" 

*HUNG UP* 

Talaga! kung hindi ko lang talaga mahal tong nanay ko. matagal ko ng pinalayas tong tatanga-tangang babeng to! PROMISE! 

*Making my way down town.. walking fast faces pass and i home bound* 

sino nanaman tong natawag na to?     

tinignan ko yung phone     

|Calling: Allen babe|

Allen babe? ito siguro yung boyfriend niyang patpatin. psh. bahala ka diyan. hindi ko sasagutin. teka? paano ko naman malalaman schedule niya kung hindi ko sasagutin. leche. bat kasi kailangan ko pang mainvolve sa mga lecheng bagay na to aa. naiinis ako. BWISIT!

"Hello?"

"hello? sino ka? bakit hawak mo phone ni Xandra?" 

"Si Justine to"

"sinong Justine?" 

puta! ano bang sasabihin ko? kaano-ano ko ba tong babaeng to? Lintik!

"ka..k-kapatid niya"

"ayy. good morning po.. si Xandra po?" 

"naiwan niya phone niya dito sa kotse ko. anung oras anng lunch niya?"

[Jusmine's POV]

*KRRRIIIINNGG*

"okay. Class dismissed" sabi ng teacher ko sa solid mensuration. wew.

lunch na :)) and may lunch date kami ng pinakamamahal kong si Allen. Excited!

"oi"

"ay kabayong malaki" napasigaw ako.

"teh! masyado akong maganda para maging kabayo" sabi ni Ariane.

Ariane. isa sa mga BFF kong kaklase ko sa lahat ng subjects. ee. chicks to. may boyfriend ee.

"haha. sorry naman. i didn't notice you ee" sabi ko. 

"hoy totoo ba?" sabi niya with an intriging look.

"ang alin?" tanong ko.

"na. kapatid mo daw si Jurmaine Rean? yung poging basketbal player ng Ateneo?" sabi niya.

hala? ang bilis namang kumalat. "aa.. ee.. oo ee" sabi ko nalang.

"Rean ka pala! sus. paano yan? kung makakalaban ng kuya mo ang OH SO LOVING BOYFIE MO?" tanong niya.

"haha. okay yun! may thrill! pero. close naman sila ee" sabi ko.

"Powder room tayo?" yaya niya.

"sige sige!" sabi ko. at ayun nga. pumunta na kami sa CR.

Siyempre. kailangan maganda ako bago kami magkita ng oh so poging babe ko.

Nagsuklay ako at inayos ko yung buhok ko. naglagay nalang din ako ng light powder.

"ready ka na?" tanong niya sakin.

"wait lang. tetext ko lang si Allen aa" sabi ko at binuksan yung malaking part ng bag ko kung saan nakalagay yung phone ko.

tingin dito.. tingin doon. hala? bakit wala? nasaan na yun? tinanggal ko na lahat ng gamit na nasa loob ng bag ko. pero bakit wala? angyareh?

"teh? ano na?" tanong ni Ariane.

"teka. yung phone ko hindi ko makita ee" sabi ko.

"hala? ee hindi ka naman naglalabas ng Phone sa klase? angyareh sayo?" sabi niya.

"ayy.. Si Allen ang gwapo talaga"

"oo nga ee. bat kaya andyan yun. baka hinihintay ako"

"asa ka pa. may girlfriend daw yun no"

"talaga? maganda ba?"

"i heard na sa engineering department daw"

"ayy waley yun teh. lahat ng nasa engineering dept dito waley ang fess (face)"

Nagkatinginan naman kami ni Ariane. lecheng tong dalawang chismosang to aa. lahat ng pwedeng pagusapan yung engr dept pa? at yung boyfriend ko pa? mga malalansang isda na to.

"Teh! ALAM MO ANG HIRAP NUNG BINIGAY NA MGA QUIZZES NI MA'AM NO? ALAM NIYA KASI MATATALINO TAYO EE. MGA TAGA 'ENGINEERING DEPARTMENT KASI TAYO EE" sabi ni Ariane while looking at me with big rounded eyes na meaning ee. 'MAKI-JOIN-KA-NA-LANG'

"oo nga! ee. mga ENGINEERING STUDENTS KASI TAYO EE" sabi ko naman.

"HALIKA NA TEH! BAKA HINIHINTAY KA NA NG BOYFRIEND MO! YUNG BASKETBALL PLAYER NA NUMBER 26 NG USTE! SI ALLEN! HALIKA NA!" sabi ni Ariane at hinatak na niya kami palabas.

napatingin naman kami dun sa mga nagsalita. haha. halos nagtitinginan na sila sa takot. haha. gusto ko ng tumawa.. kaya lang baka batukan ako nito ni Ariane ee,. sabihin sinisira ko yung trip niya.

"hala.. yun ata yun girl--"

"kasi ikaw ee. kung ano anong sinasbai mo ee"

narinig namin ni Ariane bago kami makalabas ng CR. haha!

"HAHA! panget daw mga taga ENGINEERING DEPT! AA! haha! HIPON KAYO HIPON!" sabi ni Ariane at tawa ng tawa. with matching hawak pa sa tiyan. haha! . "TAPOS! WALEY DAW FESS NUNG GF NI ALLEN! HUWAHAHAHAhA" 

"haha. ako pa waley aa. ee ang ganda ganda ko kaya HAHAHAHA!" tawa pa din kami ng tawa. haha. kasi naman. kitang kita mo na natatakot talaga yung mga muka nung mga estudyante.. ee mukha pa namang mga freshmen. haha!

"sarap ng tawa niyo aa"

"ay PALAKA!" sabay naming sabi ni Ariane.

"masyado kaya akong gwapo para maging palaka" sabi naman ng aking babe while smiling. shet ang pogi ng babe ko.

"haha. ano tawag diyan? ka-kapalan ng mukha" sabi ni Ariane.

"ganyan ka. parang hindi tropa" sabi naman ni Allen. 

"sige na. mauna na ko. haha. pakilala mo na nga yang girlfriend mo sa buong campus ng hindi napagkakamalan na 'WALEY ANG FESS'" sabi ni Ariane. at nagtawanan nanaman kaming dalawa.

"HUH?" naguguluhang sa ni Allen.

"WALA WALA! HALIKA NA! KAIN NA TAYO" sabi ko at hinigit ko na yung kamay niya at kinaladkad siya.

At ayun. kumain lang kami sa isang restuarant malapit sa school. kasi ito yung favorite na spot namin pag kumakain ee. masarap kasi tapos hindi naman masyadong mahal at maganda yung ambiance niya.

at ayun. habang kumakain kami. nakwento ko na sakaniya yung nangyari dun sa CR haha. tawa lang siya ng tawa.

"haha. naku! kung makita mo lang yung mga mukha nila! tatawa ka din kagaya namin ni Ariane" sabi ko. 

"haha. naku. sorry babe aa. kung pwede ko lang iannounce sa school na tayo matagal ko ng ginawa ee. hindi lang pala sa SCHOOL! kahit sa BUONG MUNDO PA" sabi niya at inakbayan ako.

"ayt. sweet ng babe ko" nilapt ko yung mukha ko sa mukha niya para magnose-to-nose kami.kaya lang bago ko pa magawa ee...

*BOOGSH* 

napatayo ako! "anong ginagawa mo dito? sinusundan mo ba ko?" sabi ko.

"ang kapal naman ng mukha mo! sino ka ba sa tingin mo? naiwan mo yan! dala ng katangahan mo" sabi nitong Mr. A na to na sobrang walang modo talaga.

tinignan ko naman yung binato niya. yung cellphone ko. buti nalang naka Case yun.

"pumunta ka dito para ibigay lang sakin to?" sabi ko. at medyo natouch naman ako. kahit pala walang modo. may puso din. ahehehe.

"oo. kasi inutusan ako ni mamy. kung akin lang yan itatapon ko na ee. hustle ka sa buhay ko. lalo na yang katangahan mo! kaya pwede. lumayo-layo ka sakiN" sabi niya at tumayo na.

"BASTOS KA TALAGA! WALANG MODO!" sabi ko.

at ayun. tuloy tuloy parin siya sa paglalakad at hindi na ko pinansin. leche talaga yung lalaking yun! kahit kailan panira ng MOOD PUNYETA. umupo na ulit ako. at hindi na maalis yung pagkakunot ng nuo ko. 

"sigurado ka bang kapatid mo lang yun babe? bakit naman ganun siya makatingin sayo?" nagulat naman ako nunr narinig ko si Allen. oo nga pala. kasama ko nga pala siya. bwiset talaga. panira ng moment ee.

"bakit? paano ba siya tumingin sakin? parang gusto na akong sunugin sa impyerno? psh. hyaan mo nga yung aroganteng hayop na yun" sabi ko at nagbuntong hininga. 

" no babe.. there is something different." he said at nakakunot na din ang nuo niya. ganyan yan pag nagiisip. pero siyempre pogi pa din. ayyt. ang lande ko na. haha. 

"no babe! there's not! halika na! kumain nalang tayo" sabi ko at pinatuloy ko na ulit yung pag-kain ko. kahit na nawalan na ko ng gana. hindi dapat sinasayang ang grasya. 

"he Acted like a Jealous boyfriend" 

*To be Continued* 

-- 

Teaser For Chapter 10: 

Justine: kuya! tulungan mo ko. kailangan kong maglaro this season. sige na! 

Jurmaine: ilang beses na kasi kitang sinasabihan na mag training maayos ee. hindi ka nakikinig. 

Justine: please kuya. Help me. 

Jurmaine: sige, sige susubukan ko. 

-- 

Justine: tigas ng mukha mo aa? tingin mo sa sarili mo sexy? ee may bilbil ka nga oh. YUCK! 

Xandra: kapal ng mukha mong UNGGOY KA!! BAKIT feeling mo may ABS ka? lul. patpatin ka. 

Justine: patpatin aa? *maghuhubad na* 

Xandra: anong ginagawa mo?

Justine: di ba patpatin ako? ipapakita ko sayo kung gaano ako kapatpatin. 

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...