Love Knows No End (Completed)

By lyka_f

232K 2.9K 366

Fighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paan... More

PROLOGUE <3
The Characters.
1: The INTRO..
2: We have met. Again.
3: Mommy. Kuya. Tita! Pls don't leave.
4: Torment Begins.
5: Maibabalik pa kaya.
6: What's with your friend, Kath?
7: Yes. I do like her Bestfriend.
8: I'll be your Polaris.
9: They look cute together.
10: Karibal ALERT!!
11: Anong gagawin ko?!
12: Mahal ko na nga ba ang bestfriend ko?
13: DESTINY. unfair yan.
14: Post Note.
15: Ang Mahiwagang Unan.
16: Pangako.
17: Saan nyo ko dadalhin?
19: Ako'y sayo at Ika'y akin lamang.
20: Gift .. Galing kanino?
21: Ang Saranggola sa Mini Forest.
22: Walang Maisip Na Title :)
23: Ang Pagpapaalam..... Ng isang Kaibigan.
24: Masaya na eh.. ALMOST!!!!
25: Misteryosong Suspek.
26: 'R.I.P' ..... Kathryn.
27: REVENGErs....
28: I Am Miss Player.
29: Spreading Text Message
30: Party in the HOUSE.
31: Nagkalat na Tupperwares.
32: A Secret To Be Told.
33: I'll Wait For You.
34: A Day With Julia.
35: No text from HER...
36: The other side of me.
37: SORRY.
38: Sorry [part 2]
39: Hate that I LOVE YOU
40: Welcome back, Kathryn
41: YOUR.BATMAN
42: Sinong ikakasal?!
43: Letting go....is never easy
44: The Wedding ..
45: is this GOODBYE? :(
FINALE!!!
Epilogue </3
AUTHOR'S NOTE!! must read
AUTHOR's NOTE part 2
Hi Guys :)
BARCELONA: A Love Untold

18: I'm no SUPERHERO.

4K 82 16
By lyka_f


Chapter 18


DJ's POV


1 msg receive


From: JOYCE
  Nasundo na namin ang iyong prinsesa. Papunta na kami diyan.



"ahm. Papunta na daw sila. Okay na ba lahat? Yung mic, okay na? Pati yung musics?"


"Naku naku DJ.. Relax ka lang dyan. Everything will be turn smoothly", si Diego.


"Oo nga tol. Hinga ka muna ng malalim", Kris.


Hoo.. Hinga.

Hinga.

Hinga.





"Andiyan na silaaaaaaaaaaa"



Muntikan ng maputol ang paghinga dahil sa malakas na sigaw ni Bea. Yes, she's here. Kakunchaba din namin siya. Actually, silang lahat. Pati sina Mama at tita Min :) Okay. Andiyan na DJ. Eto na. Hooo. Hinga!



----------------------------------------------


KATH's POV


"Kath. Kath. Andito na tayo", ginising ako ni Yen. Andito na nga pala kami. Nakaidlip kasi ako eh.


"Sabi ko sayo, mag rest ka. Hindi ka natulog kanina nuh?", pag-aalalang tanong ni Yen.


"Hindi ako makatulog eh. Inaalala ko si DJ", sagot ko. Bumaba na kami. Medyo madilim yung paligid. Hindi ko ma-recognize kung saang lugar to.



Nakakita ako ng parang ilaw sa may right side namin. Nauna akong naglakad kesa kina Joyce at Yen. Nasa likod ko lang sila.





"hi Miss. Ikaw na ba yung PRINSESA ko?"




Yun yung nakasulat sa may nakailaw kanina. Ang astig naman dito. Naalala ko tuloy si DJ. Yung pagtawag niya sakin ng PRINCESS. Sana andito siya :( Tuloy tuloy na akong naglakad at sinundan yung mga nadadatnan kong mga karatula.



"MATTER is occupied by space"


Wow. Maka-science to ah.



"But my space is already occupied by someone who really matters"


Naks.. Ayos dito ah. May libreng pick up lines. Lumingon ako sa likod ko. Wala na sina Yen at Joyce. Asan na kaya sila?! Anebenemen.



"Iniwan ka nila? Wag kang mag-alala. Andiyan ako oh"


Scripted ba tong mga banat na to?! Hahaha. Natutuwa ako ah.

"nasaan ka naman?", sumagot ako. haha. muntanga lang. nagtuluy-tuloy na uli ako.

"andiyan ako oh. Yuko ka konti. Yung konting konti lang"



Scripted nga ata to eh!! Nakakaloko na. Pero nag-eenjoy ako :) Ako naman tong si uto-uto, sinunod yung nakasulat sa karatula. Yumuko ako ng konti. Ang tagal kong narealize pero at least narealize ko din na sa PUSO ko pala yung tinutukoy nun. Ang sweet naman. Kaya lang, words lang yan eh. Wala namang magsasabi nyan sakin.


"Napangiti ba kita? Yan kasi yung trabaho ko eh. Ang pangitiin ka :) Balak ko ngang mag-overtime lagi"


Sino naman kaya yung gumawa nito? Kung sino man yun .. napakaswerte naman nung makakatuluyan niya balang araw. Kasi ang sweet..



Napatigil ako sa paglalakad dahil may 2 ways. hindi ko alam kung saan ako dadaan para makapunta sa dapat kong mapuntahan.




"Ikaw ang masusunod kung saan ka dadaan. But remember: always choose the RIGHT one"



I know it's a clue. Kaya, sa right way ako dumaan. Ganun naman yun dba? Logic lang.


After nun, napatigil uli ako at naamaze sa mga nakikita ko. Punung puno ng rose petals yung daan. Ang bango bango pa. Tapos merun pa yung hanging plants. Sa side naman, may artificial waters at pictures KO? Pictures ko talaga na naka-tarpaulin pa each. Latest pictures ko. Merun pa yung nung nasa ilocos kami.


Sa mga oras na to, isang tao lang ang naiisip kong gumawa ng lahat ng to.



"Para sayo lahat ng yan :) Gusto mo na ba akong makita? Miss mo na ko noh? hehe:


oo, gustong gusto na talaga kitang makita.



"ONE STEP CLOSER"




Yun na yung last na nabasa ko. Gaya ng sabi niya, I took one step.






Whoaaaaa! Kung maganda at romantic na sa mga dinaanan ko kanina, mas maganda pa ang setting dito. Flowers ang makikita mo everywhere at favorite flowers ko pa. Medyo madilim. Candles lang na nagkalat sa floor yung nagbibigay liwanag sa lugar. May naka-set din na little stage sa harapan.



Alam ko na kung saan tong lugar na to. Dito sa mismong lugar na espesyal sakin. Kung saan lagi kaming nagpupunta ni DJ noon.






Dito sa burol..






Biglang umilaw yung sa may stage. Tapos biglang may nag flash sa screen dun.





Pictures namin ni DJ simula nung mga bata palang kami. Naalala ko tuloy lahat. Lahat ng mga pinagsamahan namin nun. Lahat ng kulitan at asaran. Andun pa yung pinaka-favorite picture ko na picture namin together.



Maluha luha na ko dito sa kinatatayuan ko ngayon. Tumatayo na mga balahibo ko dahil sa pagka-surprise ko. Kahit hndi ko sigurado kung sino ang may pakana nito.




Maya maya.. May narinig ako...





Hawakan mo ang kamay ko.
Nang napakahigpit.


Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling yung boses na yun. Yung isang sweet at innocent voice na pagmamay-ari ng taong mahal ko.


(Video sa gilid)------------------------------------------------------------------------->



Si DJ...


Pakinggan mo ang tinig ko.
Ooh. Di mo ba pansin.
Ikaw at ako...
Tayo'y pinagtagpo.
Ikaw at ako...
Di na muling magkakalayo.



Lumapit siya sakin. Kinuha yung mga kamay ko at tuloy parin sa pagkanta. Damang dama ko yung mga liriko ng kanta na bagay na bagay sa sitwasyon namin ngayon.


Pinaghiwalay kami noon. Ni walang kamalay-malay na pagtatagpuin muli ng tadhana. At ngayong andito na siya, hindi ko hahayaan na mawala pa siya sakin.



Natapos na yung kanta at tuluyan na nga ring tumulo yung mga luha na simbolo ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon.



Hinalikan niya yung kamay ko.



"Kath, ito. Ito yung dahilan kung bakit hindi ako nakapagparamdam sayo ng mahigit isang linggo". Hindi ko alam. Hindi ko alam na ganun nalang siya naghanda para i-surprise lang ako.



"Super pinaghandaan ko to. Pati oras ko na dapat magkasama tayo, isinugal ko para lang matapos to. Kaya Kath, sana nagustuhan mo"



"DJ....", naluluha na uli ako. Nagi-guilty ako. Nagalit pa ko sa kanya. Nagtampo at lahat lahat na. All this time pala, para din sakin ang lahat ng yun.



Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang pagka-flatter. Niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit.




"DJ, thank you. Thank you for everything. Thank you sa pag-aalaga. Sa pagmamahal. Sa lahat lahat. A million thanks won't be enough para sa lahat ng ginawa mo sakin", umiiyak na talaga ako. Di ko na naiwasan. Kasi talaga, try nyo dito, ang sarap sa pakiramdam.




"Kath, ang dami kong gustong sabihin sayo. Alam ko kapag sa personal, hindi ko to masasabi lahat dahil baka ma-mental block ako at I'll miss something. Kaya, I'll do it in a different way.."



Hinarap niya ko sa may stage at may nag-flash na uli sa screen..





Video niya.
Video ni DJ habang may binabasang sulat.








My Dearest Kath,
        I know, makokornihan ka dito sa gagawin ko pero ok lang. Para sayo naman.
    This letter I am reading now is not just a typical one. Hindi yung love letter na aamin ng nararamdaman para sayo. Di ko na kelangang gawin yun kasi nagawa ko na in person. I'll start na nga.
      First, I wanna say sorry. Sorry kung minsan, napapaiyak kita, nasasaktan at kung ano ano lalo na nung mga bata pa tayo. It's just a way to say na 'Kath, lambingin mo naman ako'. I'm really really sorry.
       Second, THANK YOU! Kath, sobrang thank you kasi hinayaan mo kong papasukin sa buhay mo kahit na alam mong in the first place, guguluhin ko lang to. Thank you sa pagtitiwala mo everytime na nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Sa encouragement na natatanggap ko galing sayo whenever gusto ko ng umayaw. Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal. Alam mo kasi pag kasama kita, gustong gusto kitang ipagmayabang sa lahat. Gusto kong malaman nila na sa buhay ko, may napadaan na isang Kathryn Bernardo at hinding hindi ko na siyang hahayaan pang mawala.
      Miss Kathryn, ang tagal kong hinintay yung pagkakataon na to. Na masabi ko lahat ang nilalaman ng puso ko. Kulang pa nga yan eh. Basta, lagi mong tatandaan na hindi mabubuo ang isang tula kung wala ang mga letra. Ikaw ang letra ng buhay ko at dahil sayo, feeling ko, buong buo at napakasaya ko. Ngayon ko lang nagawa to. Ngayon lang para talaga SAYO. Alam mo namang bitter akong tao diba? Pero dahil sayo, natuto akong umeffort. Natutunan kong pag-aralang magplano ng surprises gaya nito kasi nga para sayo :)
      Kung ako ang masusunod, ayoko pang tapusin to dito pero kulang na sa time eh. Baka tuluyan na akong maiyak dito. Kath, mag-iingat ka ha. Papakasalan pa kita.
                                                                                                                                                                   --- DJ"




Tumutulo na ng walang katapusan ang mga luha ko. Kasi naman tong si DJ eh..



"Bat ka umiiyak?", tanong ni DJ sakin.

"Ikaw kasi ehhhhhh". Niyakap niya ko.



"Kath, hindi ko maipapangako na magiging si Superman ako na kaya kang ilipad kahit saan. Mas lalong hindi naman si Prince Charming, corny nun eh."


"Eh sino? Si Batman ulit?"






"Hindi. Wala munang superhero ngayon. Ako, si Daniel Padilla, ang magpapatunay sayo na walang Happy Ending. Dahil True Love never ends"


-----------------------------------------------------------------------------------

VOTE

COMMENT

BE A FAN :))))))

Salamat sa mga nagbabasa ng story ko kahit corny . hehe :) Next update? Maybe bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

713K 26.1K 55
Alexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his l...
49K 1.3K 21
| COMPLETED | COVER BY @PASTELDRIPS | Si Alice ay isang magandang--- este dyosang halimbawa ng isang modernong dalaga na talaga namang hindi biniyay...
8K 574 11
Serpentine is a kingdom known for being a blessed land. Because of the salvation of the first Lord of the land thousands of years ago, the people of...
2.3K 232 43
[FINISHED] - COMPLETED The Book 2 of Coldwell Academy Nang buhay si Jaime ay lubos ang saya ng pamilya niya maging si Venus. She's happy because her...