SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 36 - Last Kiss

900 35 19
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

throbbingheart says: Ramdam ang kaunlaran! Happy 26K reads!! Natuwa ako sa mga comments last case. Thank you sa mga reactions tungkol sa Destiny na ipinaglalaban ni Justin. HAHAHA.

 

Dedicated sa pinaka-maganda kong pinsan. She's beauty and brains! Pinapagkalat ko talaga para sumikat rin ako HAHAHA.

 

Hey guys, look at the title, if you think it's too emotional, think again. Hahaha.

 

Happy reading!

 

Case 36

Last Kiss

Crishae's POV

 

(.>_<.) Goshness!! Papa J! Where art thou? You promised me a happy ending! Make-believe lang ba lahat?

"~Good morning, Din!" bati ni Mitz kay Dindin.

Kasalukuyan akong nakaupo kasama ng mga audience. May TV sa backstage pero mas intense kasi pag sa harap ko talaga nangyayari ang interview.

Papa J! Where na you? Dito na us. Oh my GG! Mina-mild heart attack na ako! Paano pa ang katuparan ng brilliant idea ko kung hindi ka darating?

Ang ayos ng man to man talk namin kahapon, tapos mang-i-indian siya ngayon?

Eh kese nemen hende ke kenehe yeng nember nye. Baka kasi hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin ko at maitext ko siya ng 'I Love You.' tapos mabuko niya pang isa akong pekeng Adan.

 

"~So.. how are you?" unang tanong ni Mitz kay Dindin.

"Oy bakla!" tawag ko sa babaeng katabi ko. "Isigaw mong sabihin niyang maganda pa rin siya!" pinakitaan ko ang chakang katabi ko ng five hundred.

"WOOO! SABIHIN MO MAGANDA KA PA RIN!!" halos ikabingi ko nang tumili siya.

Bago ko pa siya masampal, inabot ko na ang bayad. Nakakaloka! Transgender yata sa tinis ng boses. Shocks.

 

"~Bukod sa maganda ka pa rin, kamusta ka na?" natatawang tanong ni Mitz.

"May ipasisigaw ka pa?" nakangiting tanong sa akin nitong isinumpang katabi ko.

"Ay? Ano ito? Bago mong trabaho? Binigyan kita ng idea, ganon? So, dapat nyan magpasalamat ka sa akin at bayaran mo akong five hundred." inagaw ko uli ang binayad ko sa kanya. "Thaaanks!"

 

"~I'm well. I watched news about me and I've also read articles about me. And I understand people so I'm fine with it."

Pinahid ko ang invisible tears ko. Napalaki ko talaga ng tama si Dindin. Havey na havey ang sagot niya! Naisip kong ituro sa kanya ang sagot na iyan, nalimutan ko lang.

Mitz nods. "~You're very professional. I mean, mahirap unawain ang mga tao at mahirap tanggapin ang mga hindi magagandang komento nila, yet you still managed to deal with it."

Pak na pak! Woo! Proud mother here!!

"~Yes. People are people. They judged and as a person, I judged as well. One of the things that we just need to accept." sagot ni Dindin. Ang bibo-bibo talaga niya.

 

"~These four guys, do you know them?" sunod na tanong ni Mitz.

No.. tell them no..

 

"~I know them. They were my friends."

Nagbulungan ang mga kasama kong audience.

"Over usage ng karapatang magpahayag ng opinyon! Mga inggitera! Palibhasa wala kayong Ganda Problems!! Manahimik na lang habambuhay." madamdaming sabi ko.

"~Totoo palang related ka sa kanila?" tanong ni Mitz.

Say it was just a misunderstanding, Dindin.

Napatakip ako sa mukha ko. I can't look anymore. Ditey na ba matatapos ang lahat? Hashtag the peynful dawnfol.

"~Would you mind telling us if you've anything to do with them causing a lot of trouble? Ikaw ba ang dahilan ng gulong ginawa nila?"

Isampal ko kaya kay Mitz ang long hair ko? Napaka-bruha magtanong!

"~Yeah." rinig kong sagot ni Dindin.

Tinanggal ko ang mga kamay sa mukha ko at sa lapag ako naupo, para mas ma-feel ko ang Fall ni Dindin.

"~Are you aware that they will do that? You know, there were issues that you use those four to break a lot of videos and pictures of you. Forgive this question, but do you have any relationship with one of them or with them? The more than friend thing."

Napatakip ako sa luscious lips ko. Naiiyak ako. Naaawa ako sa sarili ko, pinaasa kasi ako ni Papa J na darating siya.

Waiting in vain. It herts!

"~Wow. This day was really something! We had an unexpected guest right now."

 

<(€_€ ) Natigilan ako.

"~I can't believe this. Hold on to your sits because we have on stage right now the Popular High School Detective!" nakita kong napatayo si Mitz.

\([]0[]\) "WOOOOOO!!" napasigaw ako sa kilig nang makita ko si Papa J. Tinupad niya ang promise niya, dumating siya at isa lang ang ibig sabihin nito..

..na may gusto rin siya sa akin!!

Napatayo ako at naitulak ko pa ang katabi kong chaka. "AHHHHHHHH!! GOSH, WAAAAAA!! HOOOOOOO!!! YEAAAAAH!!"

M.U. kami. May lovelife na ako!

Gotta change my status. From Single to Flirting to Falling.

El ow vee iih. (x//x)

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Does that mean she is your--"

He holds my hand. "My destiny? Yes."

(>////<) Kaipis-ipisang destiny iyan!!

Parte na naman ba ito ng mga pranks niya? Ipahihiya niya na naman ako? At sa harap pa ng buong Pilipinas niya napiling gawin ito?

Nagkaingay na naman ang mga nanonood.

I maintained a smile on my lips, saka pasimpleng bumulong. "Bitawan mo ako, kung ayaw mong umabot tayo sa korte."

"Ang ingay nila, hindi kita maintindihan." mahinang sabi niya habang may nakakalokong ngiti.

He hold my hand tighter, putting his fingers on every spaces of my finger.

I blew air. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw ng napakalakas sa sobrang inis. At idagdag pang nasa harapan kami ng napakaraming tao kaya kailangan kong mag-plaster ng ngiti sa labi ko kahit na kating-kati na ang kamay kong pumatay.

Maingay kaya hindi niya ako maintindihan? I smirked on my mind. Sinong niloko niya?! I told him to let go of my hand pero BWISIT! TALAGA PALANG NANG-AASAR ANG HALIMAW NA ITO!

"I'm starting to see floating hearts on the studio." nakangiting komento ni Mitz nang tumahimik na uli ang mga pesteng nanonood. "Your destiny, huh?" ulit niya.

Nag-init na naman ang mga pisngi ko. Letse, bakit kailangan ulitin?

"I'm curious, Justin. If she's your destiny, then you are her what?"

Nakita ko nang i-close-up ang mga kamay naming magkahawak.

"I am her possession." diretsong sagot ni Wanna Be.

 

(O__________O) P-Possession? Whaaaaaat? The heck!

The crowd went wild again.

Pinisil ko nang buong inis ang kamay niya, kaya napatingin siya sa akin.

Inilapit niya ang labi sa tenga ko. "Possession was better than obsession. Just be thankful."

Nang lumayo siya ako naman ang lumapit para bumulong. "The nerve you got! You were never my obsession, why in the world will I say thank you?"

Ibinalik ko na uli ang ngiti ko bago ako lumayo.

Lumapit at bumulong uli siya. "Obsessed? maybe yeah you're not. But Abs-sessed, definitely yes."

 

(o//o) A-Abs? Absessed? Is there even a word like that?

Inilapit ko na naman ang labi ko. "S-Sira ka ba? Bakit ba lagi mo na lang sinasali dito ang ka-ipis-ipisang abs mo?" bulong ko rin.

For the third time, inilapit niya na naman ang labi niya.

"Suralvo.."

I feel shivers all over. Pang-manyak kasi yata ang tono ng boses niya.

"Suralvo, wag mo na akong palapitin sa iyo para bumulong, kasi pinagtitinginan na tayo."

(O..O)

"Isa pa, baka hindi ko makontrol ang sarili ko at mahalikan ko ang pisngi mo."

(OoO)

Nginitian niya ako pagkalayo niya.

Literal na parang sasabog ang puso ko sa kaba, pero peste, kailangan kong umarteng mahinahon.

"Sweet gestures! Pwede ba naming malaman kung tungkol saan ang bulungan?" parang kinikilig pang tanong ni Mitz.

"She's thanking me."

Thanking? I never did!! Nagpasalamat ako saan? Dahil ba 'Possession' at hindi 'Obsession' ang isinagot niya?

"Thanking you for what?"

"For surprising her. Actually, she never knew I'll come." tiningnan niya ako. "Hindi ko hahayaang mag-isa siyang humarap sa maraming taong nanghuhusga sa kanya."

..

..

Natigilan ako sa narinig ko. Alam kong nawala ang mga ngiti ko at para bang nag-iinit ang mata ko.

He looked at Mitz again "She's strong and I know that. But this is something to be told not by her alone. Magpapaliwanag rin akong kasama niya."

Mitz nod with a satisfied smile.

"This is my first time to be with this kind of place, that's why I need to hold her hand. I'm quite nervous." patuloy na sabi niya.

Hindi ko alam pero gusto kong maiyak sa narinig ko.

"By holding her, I can prove to myself that she's with me and that this is not a dream. Cause everytime she's near, I feel fine."

One tear left my eye.

"Ohhh.. Din's crying?" pansin ni Mitz.

"Sorry." nakangiting nasabi ko.

Hindi ko rin kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang nagawang maiyak sa isang interview.

"Why are you crying?" alalang tanong ni Mitz. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin rin sa akin si Wanna Be.

"It's nothing." nagawa kong matawa pero magkasabay na luha ang pumatak sa magkabilang mata ko.

Naramdaman kong dalawang kamay na ni Wanna Be ang may hawak sa isang kamay ko.

I cleared my throat and composed myself. "Nothing serious. I'm just grateful, I have him."

Perhaps, that's it.

Hindi ko naisip na pagkatapos ng lahat nang hindi magagandang nangyari sa buhay ko, may isang taong darating para iparamdam na importante ako. Ilang beses ko siyang pinalayo, pero hindi niya ginawa.

Gamit ang kabilang kamay, pinahid ko ang luha sa pisngi ko.

He's the rainbow of my colorless life. The bubble which protects me. He's my complete life saver.

"Ooh, para na rin tuloy akong maiiyak. You're thankful you have him, so Justin's right.. he's really your possession."

"Treasured possession." I said while smiling.

Akala ba ni Wanna Be siya lang ang may mga linyang makaka-invite sa mga langgam?

Napatili ang nanonood.

Nakita kong nabigla rin si Wanna Be pero agad niya rin naman akong nginitian.

Haa! This is the place where I belong. Sa harap ng maraming tao at maraming lenses ng camera. Hindi ko ito pinaghandaan pero dahil ako ang artistang hinahangaan nang lahat, magaling ako sa mga bagay na biglaan.

"Direk, pwedeng umexit muna ako? Gusto ko pong kiligin sa backstage." natatawang biro ni Mitz habang nakatingin sa direktor.

"Hmm.. what's the real score between you?" maya-maya ay tanong niya.

"PERFECT ONE HUNDRED!!" malakas na sigaw noong isa mula sa audience.

"We're--" pero pinutol ni Wanna Be ang isasagot ko.

"We're on a Secret Relationship." sagot niya.

(O.O)

"Secret? For how long?" Mitz asked.

"Almost four months." diretsong sagot ni Wanna Be.

Mula ba noong nagkita kami sa School Gym, kami na?

"Why kept it a secret?" tanong uli ni Mitz.

"Because I wished for it." ako naman ang sumagot.

I wished for it? What the what!! Why did I said that?

"You wished for it? But why, Din?"

"Cause I don't want the public to run after him. I want him to live his normal life. Lalo pa, hindi biro ang mga kasong hinahawakan niya bilang Detective. He needs a lot of time alone thinking."

Napatingin ako kay Wanna Be. I saw him grinning so I grinned back.

Bumibilib na ba siya sa galing ko? Haa! Truce na ba kami pagdating sa sweetness? Oh well.

"Being a Detective is really a very critical job. But now, that you just told everyone your secret relationship, how will you both deal with it now?"

"I know I'm a public figure and there will always be eyes looking on my every move." pasimula ko. "Nothing can be kept secret and I know this will happen, I just didn't expect that it will be this early. But I'll deal with it like how I should be. It will be indeed hard but as long as I'm happy being with him, I know it would be more than worth it."

Strike two! Wow, I'm really good at this.

"I'm sure Justin feel the same way." nakangiting komento ni Mitz at niyuko niya ang question cards bago uli ako tiningnan. "Hm, what about Shane, Din? You see, lately he told everyone that he's dating you and he actually kissed your cheeks after. How can you date him if you have Justin as boyfriend? You were four months in a relationship as answered by Justin."

Dito na tayo magkakaproblema. Think more Dinelle! Peste iyan, hindi ko alam kung si Shane o si Wanna Be ang sisisihin ko sa sitwasyong ito.

ö~ö~ö~ö

Author's POV

Pinagtinginan si Shane nang mga kasamahan niyang staffs, kasalukuyan silang nakatutok sa isang flat screen TV.

Ibinaba ni Shane ang bote ng tubig na hawak at lumapit sa mga kasama. Katatapos lang nito sa isang magazine photoshoot, kaya naka-topless pa.

"Good morni--" naputol ang masiglang pagbati ng kadarating na si Ayen nang makita niyang nasa TV si Dinelle at ito ang sentro ng atensyon ng buong magazine team.

"Nasa TV ang sadistang impakta?" binitawan ng manager na si Misty ang sangkaterbang damit ni Ayen na naka-hanger. Naki-siksik siya sa magipit nang sofa.

"~Shane's my friend and I want to say 'no' when he asks me out but I can't tell anyone even him.. about my secret boyfriend, and I had no choice than to date him." paliwanag ng artistang si Dinelle.

"Oh." tanging nasabi ni Ayen.

"Kawawa ka naman pala Shane." pagsimpatiya ng isang babaeng journalist.

Ngumiti lang ng matipid si Shane sa nagsalita.

Hindi naman talaga totoong nagde-date sila ni Dinelle, binati lang siya ni Ayen noong araw na iyon. Masaya daw ito para sa kanya at kay Dinelle.

Walang ideya si Shane sa nabanggit ng dating bestfriend na si Ayen, pero may kung anong nagtulak sa kanya para totohanin iyon. Ang totoo'y siya naman ang gumamit kay Dinelle nang sabihin niya sa lahat na nagde-date sila.

"~And Shane.. if you're watching now, I sincerely apologize." matamang nakatingin sa camera si Dinelle, kaya't sa parte ni Shane ay para talagang nakatitig ito sa kanya.

Nakaramdam ng konsensiya si Shane. Kinailangan pa tuloy magsinungaling ni Dinelle para lusutan ang kasalanang siya naman ang nag-umpisa. Hihingi kaagad siya ng tawad oras na magkita sila. Sigurado naman ang pagkikitang iyon dahil ito ang leading lady niya sa kasalukuyang programang 'Transparent Dream.'

"Shane.." nag-aalalang tawag ni Ayen. Kung nanliligaw kasi si Shane at parang naloko lang ito ni Dinelle ay nag-aalala siya sa nararamdaman nito ngayon.

"Ye, nandito ka na pala. Mamaya lang magsi-start na ang photoshoot mo. Good luck." nakangiting bati ni Shane nang lingunin ito. 'Ye' ang palayaw ni Ayen noong mga bata pa sila.

Ibubukas pa lamang ni Ayen ang mga labi nang lagpasan siya nito. Balak niya sanang yayain si Shane na sabay silang mag-lunch dahil gusto niyang damayan ito pero mukhang mabibigo siya. Nahahalata niyang iniiwasan na siya ni Shane mula nang Birthday Concert nito at wala siyang ideya man lang kung bakit.

ö~ö~ö~ö

Natigil rin ang gawain ng mga tao sa isang police station. Ang lahat ay nakatingin na lamang sa telebisyon, kung saan naroon si Justin na dati lamang ay kasa-kasama nila ngunit ngayon ay napapanood na.

 

"~I'm sure Shane will understand, Din. What about you, Justin? Did you watched the TV when Shane kissed your girlfriend? I mean your destiny." tanong ng host na si Mitz.

"Inspector, di po ba nasa ospital si Justin? P-Paanong nasa TV na siya agad ngayon?" tanong ng isang pulis.

Ngunit nanatili lamang tahimik si Inspector Velasco. Seryoso itong nakatingin sa telebisyon.

"Hindi na namin siya naabutan noong umaga. Tumakas siya sa ospital." si Migs ang sumagot sa kapwa pulis.

"~I've watched different guys kissing her so many times, so it wasn't new to me. But I'll admit it's kind of awkward to watch." sagot ni Justin.

"Justin didn't even told us he knew her, then we'll see them together on TV? I can't believe this!" inis na sabi ni Sem.

"Sem, talaga namang ganyan na si Justin simula pa lang. Hindi siya kahit minsan, nagkwento sa atin. Ganoon siyang klase ng tao pero kaibigan natin siya kaya intindihin na lang natin. Alam niya na naman siguro ang ginagawa niya." mahabang paliwanag ni Migs sa kaibigang si Sem.

"Ano ba kasing mapapala niya sa babaeng iyan? Maybe, Beatriz is right that she's a user. Like she used those four guys, he's using Justin too." dumekwatro si Sem at ipinatong ang kanang siko sa malapit na lamesa.

"Sem, matagal na siyang kilala ni Justin. Siya ang mas nakakakilala, kaya huwag tayong manghusga." pagsaway ni Inspector na noon lang nagsalita.

"Matagal pa po sa pagkakakilala natin sa kanya?" tanong pa ni Sem. Hindi mo mawari sa tono nito kung pabalang itong nagtatanong o kung namimilosopo ba ito. Nais nitong ipaintindi kay Inspector ang panig niya.

"Oo, matagal pa." simpleng sagot ni Inspector at pumasok na ito sa opisina.

Napako ang tingin ni Migs sa pintuang pinasukan ng umalis.

Nanatili nang tahimik si Inspector buong araw pagkatapos noon.

Si Migs lamang ang nakapansin ng pagbabagong ito. Alam niyang may problema. At nasisiguro niyang isang tao lang ang maaaring dahilan. Si Justin.

Ano nga kaya ang magagawa niya para makatulong? Ito ang nasa isip niya buong araw.

ö~ö~ö~ö

"Talline! Tell me this is not happening! BECAUSE THIS REALLY CAN'T BE HAPPENING!" nangibabaw sa buong silid ang sigaw ni Beatriz. Mabuti na lamang ay break time nila ngayon at walang teacher sa harap.

Pero gusto niyang isumpang break time ngayon dahil mas nagkaroon sila ng oras para mapanood ang isang live talkshow, na umeere sa telebisyon tuwing oras ng recess.

"My friend, relax. Pakinggan natin ng maigi para alam natin ang susunod na gagawin mo." paliwanag ni Talline na siyang may hawak ng cellphone, kasalukuyang naka-connect iyon sa libreng wifi ng school. Gamit ang isang website ay napanonood nila ang kasalukuyang palabas sa TV noong mga oras ding iyon.

"Relax? How can I? Talline, stealer siya! She steal my dress and now si Justin. Talline hindi ko alam ang gagawin ko if at instance mawala sa akin si Justin. You know naman gaano siya ka-important to me, di'ba? So paano ako magre-relax?!" pagwawala pa rin nito.

"~About your presence on Cruise? According to the Ship's manager, you have your own room but how come you keep your presence a secret? Is it because of Justin too?" tanong ng host sa kasalukuyang palabas.

"Own room?! Heck, no!" napahampas si Beatriz sa desk.

"See, my friend? Meron siyang sariling kwarto. At hindi totoo ang hinala mong magkasama sila ni Justin all throughout the Cruise." sagot ni Talline.

"~It's not about me. It's about us." si Justin ang sumagot sa tanong ng host.

Sabay-sabay na nagtilian ang audience sa studio, pati na rin ang mga malalapit na kaklase nina Beatriz na may kanya-kanya ring cellphone.

Hinilot ni Beatriz ang noo. Buong pagpipigil sa sarili ang ginawa niya.

"~We all know that Ronelle, her father is the main sponsor of that Cruise and we planned about having a nice dinner with her father." pasimula ni Justin.

"~Oh, the three of you? So you planned a surprise for Ronelle?" tanong uli ni Mitz.

"~Yeah, and we'd like him to be the first person who'll know about our relationship." tuloy na paliwanag ni Justin.

"~My father's a very busy person so we thought that that Cruise will be the perfect time. Plus the fact that I had a one-week free because Director Rish-my beautiful current Director was there too." si Dinelle ang sumunod na nagsalita.

"~And Justin was there also because that's supposed to be a Victory Party of winning their Basketball Game. That was really the perfect time." tumatangong pagsang-ayon ni Mitz.

Nagpalitan ng ngiti sina Dinelle at Justin nang magkatinginan.

Sinipa ni Beatriz ang mga upuan na malapit sa kanya nang magtilian na naman ang mga kaklase niya. "SHUT UP!!" malakas na sigaw niya.

ö~ö~ö~ö

Maging sa hallway ay puno ng nagkukumpulang estudyante na nanonood ng parehong talk show.

Masyado silang nakatutok kaya hindi nila pansin ang isang babaeng tumatakbo.

"Ai must not see this." bulong nito sa sarili, tumatakbo ito habang mahigpit na hawak ang cellphone.

"P-Phia.." napahinto ito sa harap ng isang babae rin. "Phia.. haaa.. si hay.. si Ai.. n-nakita mo ba haa?" hinihingal nitong tanong.

"Nope."

"S-Sige dyan ka muna. Hahanapin ko lang siya." lalagpasan na sana niya ang kinausap nang tawagin siya nito.

"Fai, teka." pigil ni Phia.

"Bakit?"

Tumingin si Phia sa cellphone ni Fai at pagkatapos ay sa mukha nito. "E ano naman kung mapanood niya? Wag mo na siyang pag-aksayahan ng oras, pwede ba? Itatago mo sa kanya na may relasyon sina Din at Justin? What's the point? Malalaman at malalaman niya rin naman."

"Phia?" nagulat si Fai sa narinig. Hindi ito dating ganoon magsalita. Para bang galit ito.

"Nag-aalala kang baka masaktan siya? E siya ba nag-aalalang baka may nasasaktan siya?"

"Phia.. bakit? May.. may nagawa ba sa iyo si Ai?" nag-aalalang lumapit uli si Fai sa kaibigan at inabot niya ang mga kamay nito.

"Nagawa?" tumulo ang mga luha ni Phia. "Siya lang ang may alam, kay Ailyn ko lang sinabi. Ang sabi ko importante sa akin si Tim at importante siya kay Tim at magiging masaya ako kung mas bibigyan niya ng atensyon si Tim." binawi ni Phia ang kamay at ngumiti ito ng mapait. "Binalewala ko ang sakit ng paulit-ulit na pagpilit ng sarili ko kay Pete pero itong saktan niya si Tim ng ganito hindi ko na kayang balewalain."

"Phia.. s-sorry." hindi alam ni Fai ang sasabihin sa nalaman.

"Fai, hindi ko gusto si Pete! Dahil si Tim talaga ang mahal ko, pero kailangan kong itago para lang hindi masira ang pagkakaibigang meron tayo." patuloy sa pag-agos ang luha ni Phia.

Pinatong ni Fai sa mga balikat nito ang kamay niya.

"Pagkakaibigang fake!" tinanggal ni Phia ang pagkakahawak ni Fai sa balikat niya.

Napaawang ang mga labi ni Fai. Hindi niya lubos maisip na masasabi iyon ni Phia.

Napayuko si Phia at mahinang nagsalita. "Kasi kung totoo niya akong kaibigan, hindi niya gagawin iyon kay Tim. Nakakatawang matagal akong naging masayang kasama kayo. Nag-enjoy ako kahit kalokohan lang pala lahat." mabilis na lumakad ito palayo.

Sa kabilang banda'y lumakad na rin palayo si Pete matapos aksidenteng marinig ang lahat.

ö~ö~ö~ö

Mabilis na tumatakbo rin si Tim papunta sa swing na parte ng school kung saan madalas tumambay ang bestfriend na si Ailyn.

Hindi nga siya nagkamali at nandoon nga ito. Nang marinig nito ang yabag niya'y napatingin ito sa kanya.

"Tim.." may ngiti sa mga labi ni Ailyn.

Nakita ni Tim sa mga kamay nito ang cellphone.

"Napanood ko na. Bakit naman kasi ang bagal mong tumakbo eh." nag-umpisa nang tumulo ang luha nito. "Sana napigilan mo ako kasi.. kasi ang sakit pala." may ngiti sa mga labi nito habang umaagos ang luha sa pisngi.

Lumapit si Tim at hinablot ang cellphone ni Ailyn saka iyon pinatay.

ö~ö~ö~ö

Sa canteen, nakatayo si Reyjan sa likod ng magkatabing sina Jun at Ren. Hawak ni Ren ang cellphone na may antenna. Kagaya ng lahat, ay 'The Recess' rin ang pinanonood nila.

"~In behalf of The Recess, I congratulate you for being this year's school MVP." bati ni Mitz.

"~Thanks." sagot ni Justin.

"~Tell us some story, Din. About how Ronelle reacted after knowing that her daughter has a new relationship."

"Ang tagal naman ni Tim, asan na ba iyong iba? Bakit tatatlo tayo dito. Kanina p--"

"Shhh!" sabay na sabi nina Jun at Ren sa madaldal na si Reyjan.

"~He's happy for me." makikita sa screen na parang maiiyak na naman si Dinelle. "~He said he trust me for having this relationship. And that I'll always be her princess no matter what. Sorry for tearing up again." pinahid ng aktres ang luhang tumulo na naman sa mga mata niya. "~I just love my father so much and I'm very happy to hear that from him."

May gumuhit na luha rin sa mga mata ng host na si Mitz, ramdam niya kasi ang mga salita ng kausap.

ö~ö~ö~ö

"Kiel?! Kiel buksan mo itong pinto. Anong nangyayari sa loob?" kinakatok ni A.M. ang pinto nito pero sa halip na pagbuksan siya ay lalo lang tumindi ang ingay ng mga nababasag na kung ano sa loob.

"Kiel! Papasukin mo ako! Sabihin mo sa akin ang problema." patuloy pa rin sa pagkatok si A.M.

Tumahimik na ang paligid. Mas papanatag ang loob niya kung sisigawan siya nito o bubulyawang umalis na kagaya ng dati pero nanatiling tahimik ang paligid kaya nabalot siya ng matinding takot at kaba.

"Kiel nandito ako para sa iyo. Nag-aalala ako. Buksan mo na ito. Kiel, sige na. Kanina ka pa sa loob. Wala ka pang kinakain. Nakikiusap ako, lumabas ka na."

Sa loob ng kwarto'y nagkalat ang mga nabasag na action figure. Maging ang laptop ay nasa sahig na rin.

Nakahiga lamang si Kiel sa magulong kama habang nakatitig sa puting kisame. Malalim ang mga mata niya, maputla na ang mukha at nanunuyo ang mga labi.

"Kiel! Bakit hindi ka sumasagot?! Kiel! KIEL! BAKIT WALA NA AKONG NARIRINIG? KIEL, NAGPAKAMATAY KA BA?"

Bumangon si Kiel at napilitang buksan ang pinto.

Nakita niyang natigilan si A.M. nang makita siya.

Wala na siyang lakas para pagalitan ito. Balak niyang kumuha ng tubig kaya nilagpasan niya ito, pero napahinto siya nang maramdaman ang braso nito sa tiyan niya.

"Kiel.. buti naman buhay ka."

Gusto niya sanang batukan ito dahil hindi pa siya hibang para magpakamatay dahil lang sa napanood niya ang dating girlfriend na si Dinelle sa telebisyon, kasama ang lalakeng kinaiinisan niya.

"Bitaw!" matipid at inis na utos ni Kiel dahil yakap siya nito mula sa likod.

"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag nawala ka, Kiel."

Ramdam ni Kiel ang panginginig ng babaeng nasa likod niya. Umiiyak ito.

Hinayaan niya itong yakapin siya noong mga sandaling iyon. Bukod sa nanghihina na siya para itulak ito palayo, gumaan ng kaunti ang loob niya nang malamang may tao pa palang may kailangan sa kanya.

ö~ö~ö~ö

"Daddy, palabasin mo si Ate sa kwarto ko!" sigaw ng isang batang lalaki.

"Nio, wag kang maingay. Hindi naman SPG ang pinanonood ko." sagot ni Shel habang puno ng marshmallows ang bibig.

"Ang daming TV sa bahay, pero dito mo pa napiling manood niyan!" kasalukuyan nitong pinupulot ang mga balat ng candy na nagkalat sa kwarto niya.

"Eh paano naman kasi itong TV mo ang pinakamalaki. Magkapatid tayo pero bakit parang mas favorite ka ni Daddy? Mas maganda itong TV mo. Naiinggit ako!" nakangusong dahilan ni Shel.

"Pag hindi ka pa lumabas dito, ikukwento ko kay Daddy na nagdala ka ng bakla dito noong nasa Cruise siya."

"Teka, maganda iyon." ipinikit-pikit pa nito ang mata. "Sabihin mo may ginawa sa akin si Cris, para ipakasal niya na ako. Uwaaa! Sige na, Nio! Pag kasi ako ang nagkwento kay Daddy, hindi iyon maniniwala."

"Ewan ko sa iyo, Ate. Isip five years old ka na, weird ka pa. Nakakahiya ka." iyon lang at iniwan na siya ng nakababatang kapatid.

"Oy hindi kaya! Ang mean mo, alam mo iyon? Mas matanda kaya ako ng.." nagbilang sa daliri. "..ng two years sa iyo. Thirteen ka na tapos fifteen ako! Napaka-rude mo, ang cute ko kayang Ate tapos ikakahiya mo?" pahabol na sabi ni Shel sa lumabas.

"~Well, katuwaan lang bago tayo dumako sa 'The Canteen' segment. Ano ang pinaka-sweet na bagay na nagawa ni Justin sa iyo, Din?" tanong ng host sa kasalukuyang pinanonood ni Shel.

Niyakap ni Shel ang katabing life-size stuffed toy. Pinaghahandaan niya na ang pagsigaw.

"~When he kidnapped me to date me." nakangiting tiningnan ni Dinelle si Justin.

"WAAAAAAAAA!!! Awie! Ang sweet!!" sigaw niya.

"~Woah. Aggresive." komento ni Mitz sa gitna ng sigawan sa studio. "~And the sweetest thing Din do for you, Justin?" tanong naman nito kay Justin.

"~When she let me kidnapped her." diretsong sagot nito.

"UWAAAAAAAAAAAAA!! Mas sweet iyon! WAAAAAA!!" mas malakas na sigaw ni Shel.

"Anak, may problema ba? Bakit ka sumisigaw?" binuksan ng Daddy niya ang pintuan.

Nakita naman niya ang kapatid niyang si Nio sa likod nito at sumesenyas ng lagot siya.

"Daddy!" tumayo si Shel. "Daddy, gusto ko ring magpa-kidnap kay Cris! Daddy puuuuhlease?" pinagdikit pa ni Shel ang mga palad.

Kumunot ang noo ng Daddy niya.

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"When she let me kidnapped her." sagot ni Wanna Be.

I didn't let him!

"Sa bagay, kahit ako kung katulad mo ang magyayaya, hindi na talaga ako papalag." natatawang sabi ni Mitz.

Gustong tumaas ng isang kilay ko. Eh kung isama ko kaya siya sa Enemy List ko? List of girls I should need to beat in order to win Detective's heart.

"Ito na talaga ang pinaka-intense na interview na nangyari sa buong buhay ko." kunwari'y nagpunas ng pawis si Mitz sa noo. "Whew! Siguradong pagkatapos nito, may love team fans club na kayo. Who'd have thought you can make a good pair?"

Binitawan ni Mitz ang question card. "No offense, pero kapag nagbabasa ako ng mga articles tungkol sa iyo Justin, pakiramdam ko napaka-misteryoso mo talaga. Pinatili mo kami ng sobra ngayon. Pero bago ang The Canteen Segment, may last question ako."

Subukan mo Mitz! Subukan mong landiin siya sa harap ko. Kahit napapanood tayo ng buong Pilipinas, sasamain ka!

Parang bigla akong kinabahan sa itatanong niya.

Itatanong niya kaya kung virgin pa si Wanna Be? O kung may nangyari na ba sa amin? O baka kung may abs si Wanna Be? Peste, rated PG lang itong show niya. Di kaya tungkol ito sa pagkabakla ni Crisostomo? O kung virgin pa si Crisostomo?

Ipis na nabakla naman o!! Bakit napunta doon?!

"Well then Justin.. where did you last kissed Din?"

Sus! Last kiss lang pala, pinag-isipan ko pa.

(0______0) Teka! L-Last kiss daw?

Nababasa mo ba ang isip ko ngayon Detective? Sabihin mong hindi pa tayo nagki-kiss!

Conservative kamo tayong pareho! Ang pinaka-intimate kamo nating nagawa ay itong holding hands.

Napatingin ako sa kamay kong binitawan niya.

Napatingin siya sa labi ko. "The place where I last kissed her? I guess, HERE."

He leaned closer and whisper something. "Her question was tough. I'm sorry I can't remember where I last kissed you. I hope you understand this."

He claimed my lips after.

( O________O)

Hinahalikan niya ako dahil lang nalimutan niya kung saan ang huli?

Ipis na ini-assasinate ng isa pang ipis!!! He's hopeless!!

Hopeless romantic? Yuck, no!! Just hopeless alone. And crazy.

-will be continued

 

throbbingheart says: (nXn) Nakaka-hands down ang talino ni Justin! HAHAHA.

 

About the contest after Case 33, balak ko siyang i-reconstruct para maging Valentine's Date. May naisip akong ibang Christmas gift para sa inyo :) Di nyo na kakailanganing mag-effort, hintay-hintay na lang ;)

 

And about pictures every Case, I'll try hard to provide still. Nami-miss ko na din gumawa.

 

About updates, weekend nights po ang checking (n.n)

 

Anyways, thanks so much for always dropping by and reading :)

 

How's the Case? How was Phia's secret? What can you advise Ailyn? How about Kiel's torturing himself? Or Crishae as Shel's kidnapper?

 

And about Justin's performance HERE? Woah! He's extraordinary splendid! Pero malay natin nalimutan niya talaga? Or not HAHAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

17.5M 655K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...