A Night with The Frontman

By ilovemitchietorres

6K 258 99

I promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one n... More

Chapter 1: Intro
Chapter 2: Just Another Normal Day
Chapter 3: When The Lights Out
Chapter 4: He's The Band Front Man
Chapter 5: Who Are You? Where Are You?
Chapter 6: Positive
Chapter 7: Unknown Number
Chapter 8: Disconnected
Chapter 9: Thinkin' About You
Chapter 10: Missed Calls
Chapter 11: Push Back
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Paper Bag
Chapter 14: Suitor
Chapter 15: Let Me
Chapter 16: Spill the Tea
Chapter 17: Dreamer
Chapter 18: How to strike the Clock Strikes?
Chapter 19: Cry Out
Chapter 20: It's Nothing
Chapter 21: Band Merchandise
Chapter 22: Stay with Me
Chapter 23: Cookies n Kisses
Chapter 25: Road Trip
Chapter 26: Groupie
Chapter 27: Hanabi
Chapter 28: Lost Angel
Chapter 29: All Mine
Chapter 30 : Missing You
Chapter 31: So this is heartache?
ANWTF : One-Shot
Chapter 32: I was hers
Chapter 33: Things we never said
Chapter 34 : Gossip and Relationship
Chapter 35 : Fangirl Life (Jessie)
Chapter 36 : I'll stay for another year (Tristan)
Chapter 37 : Nonchalant Guitarist (Tristan x Jessie)
Chapter 38 : Right By Your Side

Chapter 24: Future Plan

95 7 0
By ilovemitchietorres


"Surrender to what is. Let go of what was. Have faith in what will be." - Sonia Ricotti

Chapter 24

JESSIE

"Nak kailan nga ulit yung alis niyo?"

"Sa Wednesday pa."

Tinignan ko si papa.

Tumango lang siya.

"Bakit pa?" Nagpaalam na ako sa kanya nung isang araw na may lakad ako sa Wednesday. Nung una kay mama ko sinabi tas sabi sakin ni mama 'Itanong mo sa papa mo kung papayagan ka' kaya pumunta naman ako kay papa at ang sagot sa akin 'Si mama mo tanungin mo'. Itong dalawang to kahit kailan talaga nagpapasahan kung sino ba ang magdededisyon kung papayag ba silang umalis ako ng bahay.

Kung pwede lang ako na lang magdedecide para sa sarili ko dahil naguguluhan ako sa kanilang dalawa.

Nakadipende ang sagot ni mama sa isasagot ni papa. Ganun din si papa na nakadipende sa isasagot ni mama.

Biniro ko nga sila na ako na lang ang magdedecide para sa sarili ko tutal undecided sila.

"Si Kris ba kasama mo?"

"Opo pero may mga kasama kaming mga kaibigan."

Nagpaalam ako na sisideline kami ni Kris sa isang event bilang photographer. Matagal naman na namin ginagawa tong magbestfriend at hindi na bago kila papa at mama na umaalis ako ng bahay lalo na nitong taon na puro on site kami. Kung saan-saan nagpupupunta para lang may makuhanan na subject base don sa requirements ng mga professor namin.

Kumakain kami ni papa ng agahan. Naabutan ko pa siya sa bahay. Tinanghali na ng gising si papa dahil late daw siya nakauwi kagabi meron silang tinatapos na sasakyan.

Ang ulam namin tuyo at itlog na pula na favorite ko.

"Hindi na kita nak papaalalahanan ha. Malaki ka na." Ito na po nagsisimula na si papa na pangaralan ako.

Tumahimik na lang ako at hindi na kumibo.

Hinayaan na lang siya magsalita.

"Alam mo na ang tama sa mali nak. Sinasabi ko sayo kapag may juice don o kahit anong inumin kapag iniwan mo tas babalikan mo ulit wag mo ng inumin. Baka may kung anong naglagay don na pampatulog..."

Tumango na lang ako sa nga bilin ni papa.

Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan mula don sa mga bilin niya sa akin hanggang don sa mga lalake na nanliligaw.

Hala siya...

"Bata ka pa anak. Madami ka pang pwedeng gawin. Kapag natapos ka sa pagaaral mo maghanap ka muna ng trabaho..."

Tinignan ko na lang si papa.

Busy siya sa pagkain pero busy rin siya sa pagkwekwento o panenermon?

"Magipon ka. Bilhin mo muna lahat ng gusto mo... Puntahan mo lahat ng lugar na gusto mong pasyalan. Magpakasawa ka muna sa pagiging dalaga kasi kapag nagasawa ka na di mo na magagawa yan."

Grabe talaga to si papa pagaasawa agad-agad? Di pa nga ako graduate ng college.

Kakaloka.

"Yung mga manliligaw... Kung meron man nanliligaw na sayo kilalanin mo muna. O di kaya mas maganda dalhin mo dito sa bahay--"

"Papa!"

Nangiti lang si papa sa akin at tinuloy ang sinasabi niya.

"... Ayain ko maginuman kami rito ng mga tito mo. Syempre gusto ko muna makilala siya."

"Papa wala pa nga e."

"Kaya nga kapag meron na nak."

Tinignan ko lang si papa.

Ewan ko ba kung seryoso siya o nagjojoke lang.

"Nak pagdating dyan sa pag-ibig wala kaming pwedeng gawin dyan ng mama mo. Ikaw at ikaw pa din ang masusunod kasi kahit naman ayaw namin ikaw pa din ang masusunod sa huli."

Ano ba naman yan.

Bakit sa ganito ng usapan napunta kami ni papa?

Gusto niya na ba ako nagkaboyfriend?

Akala ko ba ayaw niya pa kasi ako ang babygirl niya tas bakit ngayon feeling ko nageexpect na siya na meron na akong boyfriend?

Hmp.

"Ang sa akin lang naman anak... Pairalin ang utak hindi puro puso lalo na sa panahon ngayon. Ikaw magkakaroon ka tiyak ng magandang trabaho niyan kaya hindi ka basta-basta kakayan-kayanin ng asawa mo. Dapat may sarili ka ding ipon para sa sarili mo. Maging praktikal ka anak... Aba mabubusog ka ba sa pagmamahal lang?"

Napahinto ako ng sabihin ni papa yun.

Paano kung mahal mo talaga tas sinusubok lang kayo ng tadhana? Utak pa rin ba ang paiiralin?

"Oi darling tumawag si kumpare mo may itatanong daw." Biglang sumulpot si mama sa kusina at hawak yung cellphone niya.

Kinuha naman ni papa yung cellphone para makausap yung tumawag.

Napatingin ako kay mama

"Ma, aalis po ako."

"Saan ka pupunta?"

"Kay Kris po. Magpreprepare kami nung mga kailangan namin sa Wednesday."

"O sige. Magpaalam ka din sa papa mo."

"Okay po."

----------------------

Nagmeet kami ni Kris sa bayan. Kukunin na kasi namin yung mga pinaprint na mga shirts. Naeexcite ako lalo na maibenta na to lahat sa festival para may guarantee na ang VIP ticket ko para sa Day6 concert.

Di na ako makapagantay.

Grabe, gusto ko na magfast foward kung pwede lang pero syempre wala pa akong hawak na cash kaya wag muna.

Kailangan muna ako makaipon ng pambili ng ticket.

"Girl alam mo bang pupunta ang Day6?"

"Yan ba yung sumasayaw sila Jimin?"

Huminto ako sa paglalakad at napasimangot.

Hala, hindi namam member ng Day6 si Jimim e. BTS naman yung tinutukoy nitong si Kris. Siguro nagkanda halo-halo na sa utak niya yung mga kinikwento kong bias ko.

"Oi... Bakit hindi ba?"

"Girl BTS member si Jimin e."

"Ahhh o-ok."

"Sila Jae to bes... Yung sabi ko sayong mukhang chicken little."

Nag-isip siya.

"Yung naggigitara girl..." Paalala ko sa kanya.

"Ito ba yung matangkad na payat na may salamin at kulay grey ang buhok?"

"Exactly!! Siya nga girl except black na ulit ang buhok niya na may higlight na kulay red."

"..."

"Mukha nga siyang manok e... Manok na pula."

"Si Dowoon yung drummer?"

"Oo!!!!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Hindi ko na napigilan ang sarili kong panggigilan si Kris. Naeexcite na talaga akong makita sila ng live.

"Halaaa kailan ang ticket selling?"

"Next week na."

"Aga?"

"Oo, nakakainis nga e. Kulang pa kasi pambili ko." Nakakapanglumo habang sinasabi ko sa kanya ang problema ko.

Hinawakan ko siya sa kamay.

"Kriiissssss, nakasalalay sa magiging kita namin sa band merch ng Clock Strikes kung makakakuha ba ako ng ticket nila next week."

"..."

"Girl gusto ko magVIP." Halos magwala na naman ako sa frustratin ko.

Ang hirap maging fangirl lalo na't ganito ang lagay mo isang studyante na aasa lang sa allowance para makabili ng mga merch nila.

Grabe yung hirap sa pagiipon.

Talagang tipid kung tipid. Para sa mga oppa gora lang!

The struggle of being a fangirl is real.

Naiiiyak ka na lang any moment sa kilig at saya.

Alam ko marami ang di makakarelate sa akin dahil hindi kayo fangirl tulad ko. May mga tao dyan na magiisip na nagaaksaya lang ako ng panahon at oras sa mga artists na di naman ako kilala in the first place. Ang hindi nila alam itong mga taong ito ang nagpasaya sa akin at naging inspirasyon ko para maglook forward sa future.

Hindi man nila ako kilala in the first place naparamdam naman nila sa akin na hindi ako nagiisa.

"Gusto makita si Jae."

Nangingiti lang sa akin si Kris-Zel habang sinasabi ko sa kanya yung mga balak kong gawin sa mismong araw ng concert.

"Yayakapin ko talaga ng mahigpit. Girl, nanggigigil ako sa kanya. Gusto ko hawakan ang buhok niya tas pisilin yung cheeks niya. Girl, gusto ko na makita si Jae."

"Jess wag mo gagawin yan sa concert bahala ka baka paalisin ka don."

"Syempre char lang yun pero seryoso ako ikikiss ko siya tas yayakapin."

"Bahala ka baka mabanned ka susunod na concert nila dito sa Pilipinas ikaw rin."

Oo nga totoo yun. Napakahigpit ng security nila lalo na sa Korea. Hindi ka pwedeng basta-basta hawakan sila kasi nga yung pagshake hands nga pahirapan pa makakuha what more pa kaya yung kiss at yakap diba?

Hindi lang management ang magbabaon sa akin ng buhay sa lupa pati na rin yung mga international fans.

"Gusto ko lang naman siya mayakap."

"..."

"Mabango kaya siya?"

"..."

"Gaano kaya siya katangkad?"

"..."

"Sobrang puti siguro ni Jae sa personal ano sa tingin mo?"

Nagkibit-balikat lang sa akin si Kris bilang sagot.

"Ikaw talaga nanghihingi lang naman ako ng opinion mo e. Alam ko naman na may Taka ka na noh pero sana naman sakyan mo yung pagiging fangirl ko."

"..."

"Sayo ko na nga lang nashashare yung mga ganitong kabaliwan ko sa kanila e."

Natawa lang si Kris sa akin ng sabihin ko yun.

"Kawawa si Jae sayo kapag nagkataon."

"Hindi noh. Napakaswerte niya kamo."

"Bakit naman?"

"Kasi saan pa siya makakuha ng ganitong katulad ko noh? Fangirl plus admirer."

"Hay naku Jess yan talagang imaginations mo walang limit."

"Kaya yung magiging boyfriend ko in the future napakaswerte niya..."

"Bakit na naman?"

"Kasi ang taas kaya ng standard ng mga fangirl tapos siya ang pinili ko. Duh ang kalaban niya lang naman sila Justin Bieber, Harry Styles, Jae Park, Tom Holland--"

"Sana hindi pagselosan ng boyfriend mo ang mga crush mo."

Nadinig ko na lang na tumawa sa reaction ko si Kris.

Ang cutie talaga nitong bestfriend ko.

"Uy girl..."

"Hmm?"

"Nakapagpaalam ka na ba kay ate Gigi?"

Nagnod siya bilang sagot.

"Sa mama mo?"

"Oo naman sinabihan ko din siya."

"Yay, tuloy na tuloy na talaga tayo! Girl naeexcite na ako!!!" Di ko na mapigilan ang sarili kong kiligin at tumili sa excitement.

Pinanggigigilan ko na pala ang braso ni Kris.

"Girl, dapat mabenta natin lahat ng merch nila para sure ball ng VIP ako sa concert ng Day 6."

Natatawa lang si Kris habang nagsasalita ako. Hay naku joke ba tong sinasabi ko at di siya nagseseryoso? Ako nga kinakabahan e kapag naiisip kong palapit na ng palapit ang ticket selling.

Mas worst feeling pa ata tong nararandaman ko kesa nung nagaantay kami sa post ng prof namin para sa grade ngayong sem.

Can you guys feel me?






KRIS-ZEL

Nakatanggap ako ng text galing kay Taka kaninang tanghali bago ako umalis ng bahay. Tinatanong niya kung busy ba ako. Wala naman akong gaanong pinagkakaabalahan maliban sa paglilinis ng kwarto ko kaya ayun ang nireply ko sa kanya.

Inaya niya akong manuod ng band rehearsal nila ngayong araw para sa darating na music festival.

From: Taka

Gusto mo manuod ng band rehearsal namin?

Nung nabasa ko yun ang unang sagot na pumasok sa isip ko syempre oo. Gusto kong makita yung pinagkakaabalahan niya. Nacucurious ako kung saan niya nilalaan ang oras niya at ito nga makikita ko na mismo.

Magrereply ako ng makatanggap ako ulit ng text galing sa kanya.



From: Taka

Sunduin kita?



From: Taka

Isama mo din si Jessie kung gusto niya.



Hindi na ako nakapagreply dahil dinaldal na ako ng dinaldal ni Jessie. Nalibang na ako sa mga kwento niya tungkol dito sa korean band na darating sa Pilipinas para nagconcert. Malapit na din ang ticket selling kaya di mapakali ang bestfriend ko.

Naalala ko lang ngayon kaya nagtext ako sa kanya at sinabing kukunin namin ngayong araw yung mga merch nila sa bayan.

"Oi, sino yang katext mo?"

"..."

"Si smurf na naman ba yan?"

Andito na kami ngayon sa bayan para kunin yung mga shirt na pinaprint namin. Kukunin na namin ni Jessie yung band merch ng Clock Strikes.

"Anong kailangan niyan ha?"

"Jess..."

"Manong sila na lang ang kumuha nito rito tutal sila naman ang may sasakyan."

Naupo muna ako habang inaantay na ilabas yung mga shirt na pinagawa namin. Ang dami nila at sa tingin ko pa lang napakabigat ng bitbitin.

Kaya ba namin tong dalhin ni Jessie?

"Jess magarkila na lang tayo ng tricycle?"

"Wait lang tatawagan ko nga tong si Tristan. Sabi ko kasi sila na kumuha eh hindi naman ako nireplayan kagabi."

Nagantay muna ako habang tinatawagan ni Jessie si Tristan.

Tinignan ko ang cellphone ko baka sakaling nagreply na si Taka pero wala akong nakitang notifications.

Busy na siguro siya.

Bigla na lang akong nagcrave sa matamis. Gusto ko ng sundae. Natakam ako don sa batang dumaan na may kinakaing sorbetes.

Sinundan ko ng tingin yung bata na akay-akay nung nanay niya hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

"Jess."

"Bakit?"

"Bili tayo ng sundae."

"Sige girl after nito." Tinignan ni Jess ng masama yung screen ng cellphone niya. "Bwisit talaga tong si Tristan ayaw sagutin tawag ko. Shuta ano tayo magbubuhat lahat ng to?"

May lalakeng pumasok sa shop at namukhaan ko agad kung sino.

"Nagdridrive kasi ako."

Si Tristan.

Tinignan ko agad kung may kasama siya at don ko nakita si Taka.

Nakangiti siya sa akin ng ituon ko ang tingin ko sa kanya.

Kakagigil yung boyish grin na nakikita ko ngayon.

Ang cute cite niya lalo dahil sa baby face niya.

"Taka!"

"Domo konichiwa, hime."

Lumapit siya agad sa kinauupuan ko at ang alam ko na lang nakakapit na ako sa t-shirt niya.

Tinignan niya yung mga nakalabas ng plastic na may lamang shirt.

"Na saan na yung mga bubuhatin?"

"Ayan." Sabay turo ko sa gabundok na mga shirt na nasa harapan namin.

"Maji ka yo?" Nanlaki ang mata niya habang tinitignan yung nga bubuhatin nila.

"Bakit ang dami naman ata nito?" Tanong ni Tristan kay Jessie.

"Ano ka ba mukha lang madami yan. Bilisan niyo na buhatin niyo na yan." Utos ni Jessie sabay tulak kay Tristan para kunin na yung inorder namin.

"Oi Taka ano pang inaantay mo dyan mamaya ka na manligaw. Buhatin mo to."

Sinulyapan ako saglit ni Taka.

Nginitian ko siya.

"Sige na tutulong din kami."

"Wag na kaya na namin. Maupo ka na lang muna dyan."

Lumapit si Jessie at naupo sa bakanteng upuan katabi ng sa akin.

"Yaan nga natin sila magbuhat dyan kaya naman nila yun e."

Sinundan ko na lang ng tingin yung dalawa na nagbubuhat ng merch nila. Nagpabalik-balik sila Tristan at Taka sa loob para ilabas yung mga shirt.

Andito kaming dalawa ni Taka sa labas inaantay namin na masettle nila Tristan yung babayaran bago kami maka-alis.

"Nalaman ko lang kanina na magkikita rin pala tayo dito sa bayan para dito sa ititinda natin."

Nagkwento si Taka sa akin nung nangyare kanina pagkatapos niya akong itext at yayain manuod ng band practice nila.

Nasabi ni Tristan na nakukuha na ngayong araw ang band merch na ibebenta namin sa event kaya sumama itong si Taka.

Si Regie kaya hindi nakasama tulog pa at si Yuta dumaan daw sa bahay nila kaya sila lang dalawa ngayon ang nakapunta dito.

Dala nila yung sasakyan nila kaya malilibre kami sa pamasahe kung sakali.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nagsasalita. Natutuwa lang akong pagmasdan siya. Kung saan-saang direction yung buhok niya ngayon. Ang fluppy tignan dahil sa pagkakulot nito sa dulo at ang kapal kasi ng buhok niya. Natatabunan na nga halos ang mata niya at ganun din ang tenga niya sa haba.

Ang cutie niya para siyang puppy.

Yun kasi yung close discription na pwede kong masabi sa kacute-tan niya ngayon.

Ewan ko ba kung bakit pero kapag nakikita ko siya natutuwa ako.

Nanggigigil ako sa kanya.

Gusto ko pisil-pisilin ang pisngi niya.

Itim na plain t-shirt, shorts at slippers lang ang suot niya ngayon. Kung titignan para lang siyang bagong bangon sa kama.

"Nagmeryenda na ba kayo?"

"Hindi pa."

"Saan mo gusto kumain?"

Naalala ko na naman yung ice cream na gusto kong kainin kanina.

"Pwede ba tayong dumaan sa McDo?"

Tumango siya agad.

"Kris!!!"

Napatingin ako don sa babaeng tumawag sa akin. Nakasunod sa kanya si Tristan sa likod.

"Ano girl tara na? Alis na din tayo." Aya niya sa akin.

Napatingin ako agad kay Taka.

Oo nga pala hindi ko pa nasasabi kay Jessie na inaaya ako ni Taka na manuod ng band practice nila mamaya.

"Wait lang ha."

Nilapitan ko agad si Jessie at hinila sa gilid.

"Jess... Sama tayo sa kanila."

"Huh? Diba gagala tayo?" Nagaaya din pala siyang magmall kami kanina.

Meron daw siyang gustong bilhin na libro don sa national bookstore.

"Inaaya kasi tayo ni Taka na manuod ng band practice nila mamaya."

"Luhhh sigurado bang TAYO ang tinutukoy niya? Baka IKAW lang girl."

"Jess naman."

Tinignan niya lang ako.

Poker face.

"Sige na samahan mo na ako. Please... Kahit ilang oras lang."

Bununtong hininga siya.

"Ikaw nakilala mo lang tong si smurf siya na ang mas matimbang sayo kakainis ha. Ako bestfriend mo dito baka nakakalimutan mo..." Pagbibiro niya sa akin pero alam ko naman na naiintindihan niya ako kasi parati naman kaming magkasamang dalawa. Gusto ko lang pagbigyan si Taka at isa pa gusto ko talagang makita sila na magband rehearsal. Sa totoo lang wala akong idea kung anong nangyayare bago ang mismong event.

"Diba sabi mo tamang support lang?" Paalala ko sa kanya.

"Oo na sige na. Payag na ako samahan ka. Basta samahan mo ko next time di tuloy ako makakabili ng libro."

Pinanliitan niya ako ng mata.

Nginitian ko siya.

"Hmp, sige na. Tara na sumama na tayo sa kanya."

Hinawakan ko sa braso si Jessie at niyakap.

"Bawi ka sa akin next time." Sabay sabi nito kaya ko sinandal ang ulo ko sa kanya.

"Tara na." Aya ko kay Taka na nakatingin sa amin kanina pa.

Malaking ngiti ang nakita ko sa mukha niya ng malamang sasama na kaming dalawa ni Jessie sa kanila.

Nasa front seat sila Tristan habang kaming mga girls nasa backseat.

"Pre, daan tayong McDo." Nadinig kong sinabi ni Taka kay Tristan.

"Bakit?"

"Magmeryenda tayo don."

"Kakakain lang natin ha."

"May bibilhin lang ako."

Hindi na umimik si Tristan na nakaupo sa driver's seat.

"Magdrive thru na lang tayo walang mapaparkingan."

Nilingon ako ni Taka nasa likod niya lang kasi ako nakaupo.

"Anong gusto mo?"

"Ice cream..."

"Ice cream lang?"

Tumango ako.

Tinignan niya si Jessie.

"Big Mac with Mc float sa akin."

"Ikaw pre?"

"Busog pa ako."

Sinabi na ni Taka yung order namin at nagantay kami ng ilang minuto bago kami sumunod don sa cashier para magbayad.

"Libre mo ba to?" Tanong ni Jessie.

"Oo bakit ayaw mo ba?"

"Thank you!"

Kami na ang sunod sa pila. Inassist naman kami agad nung crew at maya-maya nakita ko ng nakaplastic yung mga inorder namin.

Grabe hindi na ako makapagantay.

Sinundan ko ng tingin yung pagkuha ni Taka don sa plastic bag na binigay sa kanya ni Tristan.

Nakita ko don yung sundae na iniabot agad sa akin ni Taka.

Nanggigigil na ako.

Gusto ko na talaga kainin to.

"Asan na yung akin?"

"Chotto matte." Sabi ni Taka kay Jessie habang may hinahanap sa plastic bag. Inabutan niya ako ng spoon para sa sundae ko.

"Thank you."

Tumango lang siya sa akin bilang tugon. Sinimulan ko ng kainin yung ice cream para mapawi na yung cravings ko rito.

Inabot na ni Taka yung pagkain ni Jessie.

"Gusto mo girl? Hati tayo..." Alok niya akin.

"Uubusin ko muna to."

"Bakit ka kumakain ng ice cream?" Tanong ni Tristan na nagpahinto sa akin.

Nakatingin si Tristan kay Taka.

"Gusto ko lang."

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Diba ang sabi ko sayo wag kang kakain ng kahit anong malamig?"

Nagkatinginan kami ni Jessie.

Doon ko lang napansin na sundae rin ang inorder at kinakain ngayon ni Taka. Naalala ko yung gabing kumain din kaming dalawa ng ice cream sa park.

"Konti lang naman to."

"Bahala ka sa buhay mo."

Hindi na nagkibuan yung dalawang lalake sa unahan namin. Yung tunog ng radio na lang ang nadidinig namin ngayon sa loob ng sasakyan.






TRISTAN

Kasama ko si Taka na pumunta sa bayan para kunin yung mga merch namin. Ang usapan namin ni Jessie don na kami sa shop magkita. Napakaaga pa sa call time namin tumatawag na siya. Kanina nga pagdating namin pagtataray na naman ang binungad.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa shop boses niya na agad ang nadinig ko.

"Bwisit talaga tong si Tristan ayaw sagutin tawag ko. Shuta ano tayo magbubuhat lahat ng to?"

"Nagdridrive kasi ako."

Naabutan ko siyang nakatayo habang hawak ang cellphone niya.

Si Kris nakaupo sa gilid na tinawag agad ang pangalan ng kasama ko ng makita to.

Tinignan ako ng masama ni Jessie.

"Diba ang usapan natin magkikita tayo dito ng 1PM--"

"12:45 P.M. pa lang ma'am." Paalala ko sa kanya sabay turo don sa wall clock.

Inirapan niya lang ako.

"Na saan na yung mga merch?"

Tinuro niya yung patong-patong na mga nakaplastic na sa tingin ko ang laman mga damit.

"Bakit ang dami naman ata nito?"

"Ano ka ba mukha lang madami yan. Bilisan niyo na buhatin niyo na yan." Nagawa niya pang itulak ako palapit don sa nga plastic.

"Oi Taka ano pang inaantay mo dyan mamaya ka na manligaw. Buhatin mo to."

Nagkatinginan na lang kami ni Taka.

"Ilang piraso ba pinagawa niyo? Ang dami nito pre." Nagrereklamo na sa pagbubuhat ang kasama ko samantalang nakakailang balik pa lang kami sa loob.

"Ang sakit sa braso. Dapat sinama namin si Yuta ng siya magbuhat nito."

"Di nga siya pwede diba?"

"Si Regie."

"Ayaw mong isama kanina diba?"

Natahimik siya.

Ayaw niya ng gisingin kanina dahil makakapuno daw ng sasakyan kung isasama pa si Regie.

"Bilisan na natin ng matapos na to."

"Ilan pa ba?"

"Wag mo ng bilangin. Magbuhat ka na lang."

Meron siyang binulong at napakamot na lang siya sa ulo.

Napakalekramador talaga ng taong to.

Dumaan muna kami sa apartment para iwan yung mga merch. Mabigat kasi sa sasakyan dahil sa dami. Magtutuos kami mamaya nitong si Jessie dahil sigurado akong di siya sa akin sumunod kung ilang shirt lang ba ang ipriprint. Nagdagdag siya nasisigurado ko yon. Napakatigas ng ulo sinabi kong umubusin muna yung napagkasunduan namin bago kami maglabas ng madami para mabawi yung puhunan.

Pinarada ko na yung sasakyan sa gilid.

"Dito na lang muna kayo ha? Ibababa lang namin tong mga t-shirt." Sabi ko don sa dalawa naming kasamang babae.

"Gusto ko ng tubig. Makiki-inom ako."

Susunod na sana si Jessie na lumabas ng maalala ko kung gaano kadugyot at kagulo ang loob ng apartment namin.

Hindi pa ako nakakapaglinis.

Walang kusa ang mga kasama ko sa bahay na linisan ang bahay kung hindi ako magbubunganga.

"Wag na. Dadalhan na lang kita."

"Pwede ba akong makigamit ng C.R.?" nadinig kong tanong ni Kris kay Taka.

"Oo naman. Sige. Tara."

Napapikit na lang ako.

"MagCC.R. din ako e." Sabi ni Jessie sa akin.

"Girl tara na sabay na tayo." Lumabas na silang dalawa at nagawa pang maghawak kamay.

Si Taka nakatingin sa akin.

"Naglinis ka ba ng bahay?"

Umiling siya.

"Sige bahala ka sa buhay mo ng makita nila Kris kung gaano tayo kadugyot don sa loob."

"Fuck." Tumakbo agad si Taka at hinabol sila Jessie na nakapasok na sa gate ng apartment namin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Mamumuti talaga ang buhok ko ng maaga nito sa kagagawan nila.

Ayoko pang tumanda.






JESSIE

Magkahawak kamay kami ni Kris habang naglalakad papasok sa apartment nila Tristan. Sabi niya sa amin ibababa daw muna nila yung mga merch para hindi mahirapan yung sasakyan kaya heto andito kami sa kanila ngayon.

In fairness may enough space sila hindi katulad ng ibang apartment na talagang pader lang ang pagitan ng privacy. Ito kasing sa kanila may sarili silang gate at mini garden.

Modern na yung design ng apartment.

Malapit na kami sa pinto ng humarang si Taka.

Hinarang niya yung katawan niya don sa pinto.

Ngumiti sa amin.

"Uhh... Yung susi pala ng bahay... Wala sa amin."

"Huh? Wala ba kayong duplicate?"

"Uhh... Wala. Dala ni Yuta... Umalis si Yuta pumunta don sa bahay nila."

"Ano ba yan."

Nakakainis naman.

Nauuhaw na ako at naiihi.

Tinignan ko si Kris sa tabi ko na nakatingin lang kay Taka ngayon.

Hay, naku lovesick na talaga itong bestfriend ko kay smurf.

Biglang bumukas ang pinto.

May lalakeng nakatopless, humikab at nagkakamot ng ulo.

Si Regie.

Kitang-kita ngayon yung tattoo sa katawan niya. Girl, sa kanilang apat si Regie talaga ang may magandang build ng katawan. Hindi ganun kalaki ang muscle pero makikita mong meron kung baga ang lean niyang tignan at bonus points yung pamatay niyang abs.

Sa kanilang apat siya lang naman ang may lakas loob na magtopless.

I mean why not diba?

Meron naman kasi talagang katawan na ipapakita sa audience.

"Jessie?... Jess! Oi pre!"

Nagbeam agad ng ngiti si Regie sa amin dahilan para maging singkit ang mata niya.

Hapon talaga ang dating ng isang to kaya dagdag points din sa mga babae.

"Kris! Oi musta?" Sabay bati sa aming dalawa.

Hinarap agad ni Taka si Regie at nakita kong tinutulak niya papasok sa loob. Ito namang si Regie ayaw paawat dahil gusto pa kaming kausapin.

Nagsasalita sila ng hapon na dalawa kaya wala akong maintindihan na kahit anong salita.

Para silang anime character na naguusap at naghahanap ako ng subtitle.

Nagkatinginan na lang kami ni Kris na kaparehas kong walang alam sa nangyayare.

"Magbihis ka nga!" Sigaw ni Taka.

Hinagisan ng t-shirt ni Taka si Regie.

"Oi paupuin mo naman yung bisita natin--"

Pagalit na sumigaw si Taka at nagsalita na naman ng japanese. Nagtatalo silang dalawa ni Regie ngayon sa sala.

"Ano pang inaantay niyong dalawa dyan pumasok na kayo sa loob."

Halos mapatalon ako sa gulat ng madinig ang boses ni Tristan sa likuran namin.

"Ano ba naman! Bakit ka nanggugulat dyan." Napahawak ako sa dibdib ko.

"Harang ka kasi." Ayan na naman yung trademark na poker face niya.

Inirapan ko siya.

"Uhhh... Pwede ba akong maki-CR?" Mahinang tanong ni Kris kay Tristam. Ito talagang bestfriend ko napakamahiyain. Ang cutie niyang tignan ngayon para siyang ligaw na kiting na pusa.

"Pasok na kayo... Yung C.R. diretsuhin mo lang yun papuntang kusina tapos makikita mo na don. Pasensya ka na medyo magulo yung CR namin ngayon."

"Okay lang..."

Aba, bakit ganon ang tono ng boses niya kapag kinakausap niya ang bestfriend ko?

Nagpapaimpress ba siya or what?

Hello, nagpapapogi ba siya?

The heck nitong bwisit na to.

Hinawakan ko sa kamay si Kris sabay tingin kay Tristan.

"Girl, samahan na kita baka kung saan ka tinuturo nitong lalakeng to."

Bitbit ni Tristan yung ilang plastic na may lamang band merch ngayon.

"Ayusin mo pagkakalapag niyang mga damit na yan. Dapat good quality pa rin yan sa araw ng event." Paalala ko sa kanya baka kasi kung saan-saan niya lang ilagay.

Tinignan niya lang ako.

Yung itsura niya talaga ngayon at yung facial expression niyang walang emosyon ang nakakapanggigil e.

Hinila ko na si Kris papasok sa loob ng apartment. Naglakad kaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa kusina.

Pagbukas ko ng pinto tumambad lang naman yung sangkatutak na labahin at merong...

"TRISTAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!!"

"Doushite?!!! Nani ga atta no?" Sumulpot agad si smurf.

"Anong nangyare?!" Sumunod din si Tristan at Regie.

Ang priceless ng mukha nilang tatlo. Magmula kay Taka na parang nakakita ng multo sa takot, si Regie na parang ligaw na bata at si Tristan na magkasalubong ang kilay sa... Inis?

"Nani ga okatta?" Nilapitan agad ni Taka si Kris.

"Ano bang problema?" Tanong sa akin ni Tristan.

Tinuro ko yung ipis na gumagapang sa pader pagbukas ko ng pinto bukod sa tambak na labahin ang bumungad sa amin ni Kris yung ipis na nagfefeeling butterfly.

"Ahhh ipis lang pala." Sabay tawa ni Regie ng malakas.

Kadiri kaya ang ipis.

Ew.

"Ano pang tinitingin-tingin mo? Patayin mo na." Sabi ko kay Tristan.

Aba, lumilipad na naman yung ipis at kung saan pa yan mapunta at mangitlog. Dadami ang peste dito sa apartment nila.

Imbis na patayin yung ipis tinalikuran lang ako at umalis.

"Oi!"

Aba, hindi ko kayang makipag one-on-one sa ipis.

"Tristan!"

Sinundan ko siya ng tingin at di man lang ako nilingon.

Pambihira talagang lalakeng to.

"Okay na Jess. Patay na si Antonio." Nadinig kong nagsalita si Regie na ngayon nakat-shirt ng kulay puti.

Buti pa tong isa may kusa at alam na ang dapat gawin. Yung isa papabayaan ka lang na mapanis laway mo di ka pa tutulungan.

Negative na talaga ang pogi points mo sa akin!

Hmp!






KRIS-ZEL

First time kong makapunta sa apartment nila Taka. Naexcite ako syempre na makita yung bahay na tinutuluyan niya at ng mga kaibigan niya.

Pakiramdam ko mas lalo ko pa siyang makikilala.

Nagkaroon ng konting misunderstanding kanina yung incident sa C.R. Takot na takot kasi si Jessie sa ipis at kahit ako din naman ayaw makakita nun lalo na yung lumilipad kaya hindi ko masisisi ang naging reaction ng bestfriend ko.

Sa totoo lang hindi pa nakakabwelo ng tili si Jessie kanina.

Pigil pa yun.

Akala ko nga magtatakbo kami sa kusina ng dahil don pero nagulat na lang ako ng biglang sumulpot sila Tristan kanina. Hindi ko makakalimutan yung expression ng mukha ni Taka.

Kitang-kita ko ang pagaalala niya.

Nakakahiya.

Nambubulabog kami ng bahay.

Ngayon nasa sala kaming dalawa ni Jessie. Dito muna kami pinaupo ni Tristan habang hinahakot nila mula sa sasakyan yung mga merch na kinuha namin sa bayan.

Nakabukas ang t.v. ngayon.

Habang busy ang mga boys kami naman ni Jessie andito lang sitting pretty sa sofa inaantay silang matapos.

Ginawan pala kami ni Taka ng club sandwich at ice tea kaya ngayon busog na naman kami.

Pinagmasdan ko yung loob ng apartment nila.

Tama lang yung laki ng bahay para sa kanilang apat. Nalaman namin na lahat ng member ng Clock Strikes sa iisang bubong lang nakatira although si Yuta umuuwi sa kanila paminsan-minsan dahil sumusuporta siya sa nanay niya.

Nakwento rin ni Regie na simula highschool magkakasama na sila kaya alam na nila ang ugali ng isa't-isa.

Napakadaldal talaga nitong si Regie kahit kailan.

Nakakatuwa siyang kausap.

Nakaka-aliw.

Si Regie yung taong masiyahin at approachable. Napakagaan ng loob ko sa taong ito. Ang genuine kasi ng ngiti niyang nakakahawa tignan.

Napansin ko yung sketchpad na nakakalat sa gilid. Kinuha ko at tinignan.

Merong guhit don na free style drawing.

"Kanino tong sketchpad?"

"Ahhh ayan? Kay Takahiro yan."

"Nagdradrawing siya?"

"Oo. Talentado yung taong iyon eh... Teka may ipapakita ako sayo Kris meron siyang pinagkaka-abalahan ngayon e. Gumagawa siya ng kanta..." Merong hinahanap si Regie sa tambak ng mga dvd na nakakalat.

"Teka lang ha... Alam ko dito niya lang yun hinagis kanina e... Mori-chan!"

"Ano?!" Nadinig kong sigaw ni Taka na papasok ngayon sa apartment.

"Pre, asan yung notebook mo?"

Nilapitan ni Taka si Regie sabay sipa.

"Tumulong ka nga sa amin magbuhat. Kanina pa ako nagbubuhat ha..."

"Teka lang kasi. Asan na nga yung notebook mo?"

"Bakit ba?"

"Ipapakita ko lang kay Kris."

Sinulyapan ako agad ni Taka bago ibaling ang tingin pabalik kay Regie. Nagsalita siya ng japanese at hinawakan ni Taka sa tenga si Regie sabay hatak palayo sa amin.

Dumadaing sa sakit si Regie habang hila-hila siya ni Taka.

"Itong si smurf na to. Napakabully. Small but terrible e." Side comment ni Jessie.

Halos magiisang oras at kalahati rin kaming nagstay sa apartment. Kwentuhan saglit at naglaro ng dalawag game sila Taka at Regie sa playstatiom bago mag-aya si Tristan na umalis.

Parehas na pwesto pa rin katulad kanina ang nadagdag lang si Regie na katabi namin sa backseat. Bale nasa gitna namin nakaupo ngayon si Jessie.

Papunta na kami don sa studio kung saan magbaband rehearsal ang Clock Strikes.

Nakakaexcite sobra.

Madidinig ko na naman kumanta si Taka at mapapanuod ko ulit ang Clock Strikes na magperform.

-------------------------------------

Napansin ko agad yung lalakeng nakatayo sa gilid ng entrance ng studio. Naglalakad kasi kami nila Jessie papunta don.

Si Yuta.

Ngumiti siya at kumaway sa amin.

Tumakbo agad si Regie para inakbayan ang kaibigan.

"Pre namiss kita pakiss nga."

Nagulat na lang ako ng i-smack ni Regie si Yuta sa lips. Namula ang buong mukha niya.

Nadinig kong nagtawanan sila Taka at Tristan. Nagsimula ng pagdiskitahan na bullyhin si Yuta ng nga kabanda niya.

Pagpasok namin sa loob ng studio bumungad yung ilang instruments na nakaset-up na tulad nung drum set.

Naupo kami ni Jessie sa gilid habang sila Taka kanya-kanyang set-up ng mga gamit nila.

Ang saya ko ngayon.

Masaya ako na andito kasama si Jessie at ang Clock Strikes.

Masaya ako na kasama yung mga taong napalapit na sa puso ko.

Nag-usap saglit yung apat.

Hawak ni Taka yung mic na nakatayo ngayon katapat yung mic stand.

Si Tristan at yung electric guitar.

Si Regie at yung bass guitar.

Si Yuta na pinatunog yung drumstick niya at nagbilang bago sila tumugtog.

Katulad ng dati at hindi ako magsasawang magsabi na sobra ko silang hinahangaan. Hindi lang dahil magaling sila tumugtog bilang banda kundi dahil alam kong may iisa silang goal bilang magkakaibigan. Meron silang pangarap na gustong marating sa buhay.

Nakikita ko na malayo ang mararating ng apat na taong ito basta magkasama sila.

Pinadaan ko ang tingin ko sa kanila lalo na sa bokalista nila na kumakanta ngayon.

Ang ganda ng boses ni Taka.

Ang sarap pakinggan.

Napapikit ako habang pinapakinggan ang boses niya.

Itong kaligayahan na nararamdaman ko ngayon ang gusto kong baunin hindi lang sa alala kundi pati sa puso ko.

Nagpractice sila ng magiging setlist nila sa darating na music festival. Kasama ang Clock Strikes sa battle of the bands at hindi na ako makapag-atay na mapanuod sila ng mga audience don. Alam kong magugustuhan nila ang banda nila Taka kapag napakinggan na nila itong tumugtog.

Napansin ko sa practice nila na napakastrict ni Tristan.

Si Regie talaga yung jocker ng barkada nila.

Si Yuta madaldal din pala siya lalo na kapag napagdidiskitahan siyang asarin nila Taka.

Nakita namin kung paano sila magasaran at kulitan. Ito yung isang side nilang magkakaibigan na nakakatuwang makita.

"Grabe nabingi ako don ha."

"Sobrang lakas ba?"

"Oo kaya. Biglang tumahimik."

"Masasanay ka din."

Naglalakad kami ngayon.

Katatapos lang ng band practice nila halos dalawang oras na pala kami don. Totoo nga yung sinabi ni Jessie na nakakabingi kasi mula don sa malakas na tunog sa studio kanina mas di hamak na tahimik dito sa labas.

Naguusap sila Jessie at Regie na nasa unaham namin ngayon.

Si Yuta at Tristan nasa pinakaunahan at kaming dalawa naman ni Taka nasa likod nila.

Dapat uuwi na kami ni Jessie pagkatapos ng practice nila pero nag-aya si Regie na kumain muna daw kami.

Inaya na rin ako ni Taka na sumabay kumain kaya hindi na rin ako nakatanggi.

Walking distance lang naman ito mula sa studio ang sabi nila kaya naglalakad kami ngayon.

Nakita ko yung malaking karatula ng gotohan.

Andito kami ngayon sa tapat ng kainan.

"KUYA BERT!!!" sigaw ni Regie at kumaway siya don sa lalakeng naghahain ng pagkain ngayon sa isang table.

Malaking ngiti ang nakita ko sa mukha ng matandang lalake ng makita ang grupo namin.

Nilapitan kami agad nito para salubungin.

"Napa-aga ata ang pagpunta niyo ngayon ha? Anong merom?"

"Ehh... Nagpractice kami ho kami dyan." Sabay turo ni Regie don sa studio na pinagpractisan nila kanina. "... May sasalihan kaming contest kuya Bert dadayo na naman kami..."

"Luluwas na ba kayo ng Manila?"

Nangiti si Regie.

"Di pa kuya Bert pero malapit na." Inakbayan niya yung matandang lalake. Sa itsura nila masasabi kong close nila ang taong ito. "... Dyan lang naman yun sa kabilang bayan. Ito nga katatapos lang namin magpractice syempre nagutom kami..."

Tinignan kami ni Regie kaya napatingin din sa amin si kuya Bert. Halatang nangingilala sa mga bagong dayo.

"... Syempre ikaw agad ang naalala namin kaya kami andito."

"Ahhh akong bahala sa inyo."

"Nga pala kuya ito yung tropa namin si Jessie..." Pakilala ni Regie sa amin. "Ito naman si Kris... girlfriend ni Takahiro—"

"Hep-hep-hep CORRECTION. Manliligaw po ni Kris." Napangiti na lang sila Yuta ng nagsalita si Jessie.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila dahil ramdam kong nasa aming dalawa ni Taka ang atensyon nila ngayon.

"Hello po."

"Hala tara pumasok na kayo don sa loob."

"May pwesto na ba kami don?"

"Akong bahala sa inyo."

"Naks, kaya saludo ako sayo kuya Bert." Minasahe ni Regie ang balikat ni kuya Bert habang sinundan namin siya papasok ng gotohan. Nalaman kong siya ang may ari nitong kainan na ito.

"Dito ba kayo parating kumakain?" Tanong ni Jessie.

"Oo kapag nagprapractice kami dito parati ang destinasyon namin pagkatapos. Masarap ang pagkain dito promise." Sagot agad ni Regie na kumuha na ng mga plato, kutsara, tinidor at baso.

"Dapat tikman niyo yung goto dito. Best seller yon."

"Talaga?"

"Talagang-talaga."

"Oh humigop muna kayo ng sabaw."

Isa-isa kaming binigyan nung maliit na mangkok na may lamanang sabaw.

"Tikman mo... Masarap yan." Nadinig kong may nagsalita sa tabi ko.

Nakatingin sa akin si Taka.

Humigop ako ng sabaw at tulad nga ng sinabi ni Regie masarap talaga siya.

"TAAAAAAAAAN!!!!!" Boses ng batang lalake ang nadinig ko kaya hinanap ko kung saan galing ito.

Doon ko nakita yung batang tumatakbo papunta sa grupo namin.

"Oh my goshhhh."

Lumapit yung batang lalake kay Tristan para magpabuhat.

"Hello cutie anong pangalan mo?" Tanong agad ni Jessie sa batang lalake na kasama namin ngayon.

"Oi Tristan buhatin mo nga daw siya."

Binuhat na ni Tristan yung bata.

Naging center of attraction na namin yung batang lalake na nakikipaglaro sa amin ngayon. Nakaupo siya sa lap ni Tristan. Nakakatuwa yung nakikita kong interaction ngayon.

"Pareng CJ bakit nakabrief ka na naman?" Tanong ni Taka sa kanya.

Nangingiti lang yung bata.

Napakapilyo.

Ang cute-cute niya.

"Diba ang sabi ko ang mga pogi dapat nakasuot ng shorts? Paano tayo magkakapogi points niyan sa mga chiks?"

"Hoy! Taka anong tinuturo mo dyan? Ikaw talaga bata pa tong si CJ kung anu-anong kabulastugan ang ginagawa mo."

Hindi ko alam kung paano pero nauwi ang usapan namin sa baby na dala-dala ko. Pinapakinggan ko sila habang nagsasalita.

"Basta ako tuturuan ko siya tumugtog ng bass guitar maganda kaya sa rhythm section. Madami lang ang di nakaka-appreciate ng ganap naming mga bahista." Sabi ni Regie pagkatapos niyang lunukin ang kinakain niya

"Kung gusto niyang matuto ng iba't-ibang musical instruments ako mismo magtuturo sa kanya... Sigurado akong magkakaroon siya ng interes sa drums." Sabi ni Yuta na nagbigay ng mga suggestions na pwede niyang ituro paglaki ng baby namin.

Nakakaoverwhelmed pakinggan na pinaguusapan namin ngayon ang future ng magiging anak ko...

Ang future ng magiging anak naming dalawa ni Taka.

"Dapat turuan muna siya ng magandang asal ng hindi sakit sa ulo ng magulang." Side comment ni Tristan.

"Ikaw talaga Tristan ngayon palang ang strikto mo na. Remind ko lang ha... Anak nila Kris yan hindi mo yan anak baka ikaw pa ang mas strict kesa sa parents niya." Sabi ni Jessie kay Tristan dahilan para magtalo silang dalawa.

Napailing na lang ako.

Hindi pa rin talaga sila nagbabago.

Parati na lang nagbabangayan.

"Ikaw pre... Anong gusto mong kunin ng anak mo?"

Napahinto ako ng itanong iyon ni Regie kay Taka.

"Ako kasi ibibida ko ang pagiging bahista ko sa kanya, si Tristan syempre pagiging gitarista at leader, ito namang si Yuta ipipilit sa anak mo na maging drummer siya... Eh ikaw Takahiro? Anong plano mo para sa anak mo?"

Napatingin ako sa taong katabi ko ngayon.

Lahat kami nakatingin kay Taka.

"Wala."

"Huh?"

"Wala?!"

"Seryoso ka ba dyan ha Taka?" May halos inis na tanong ni Jessie.

Umiwas ako ng tingin at pinagtuunan na lang ng pansin ang pagkain na nasa plato ko.

Nadinig ko siyang bumuntong hininga sa tabi ko.

"Ayokong pangunahan siya sa bagay na alam kong matatapakan ko yung pagkatao niya."

"..."

"Andito lang ako para sumuporta sa kung ano mang maging ambisyon niya sa buhay."

"..."

"Bilang ama niya gusto kong maramdaman niya na kakampi niya ako na maabot ang pangarap niya."

"..."

"Balang araw gusto ko na nasa tabi niya ako kapag naabot niya na ang mga iyon... At syempre kasama ang ina niya."

Pagtingin ko kay Taka nakita kong nakatingin na siya sa akin. Nung nga oras na iyon para bang tumigil ang oras at siya lang ang taong nakikita ko.

Ang ama ng magiging anak ko.

.

.

To be continued.


Any suggestion for the next chapter guys?

Continue Reading

You'll Also Like

166K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
2M 79.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
347K 5.3K 23
Dice and Madisson