Dear Future Boyfriend

By Alesana_Marie

32M 775K 85.5K

Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [C... More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Message #1
Entry #6
Entry #7
Message #2
Message #3
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Entry #11
Message #4
Message #5
Entry #12
Entry #13
Message #6
Entry #14
Message #7
Entry #15
Entry #16
Entry #17
Entry #18
Entry #19
Entry #20
Entry #21
Entry #22
Message #8
Entry #23
Message #9
Entry #24
Message #10
Message #11
Message #12
Entry #25
Entry #26
Message #13
Entry #27
Call #1
Entry #28
Entry #29
Message #14
Entry #30
Message #15
Message #16
Message #17
Message #18
Message #19
Entry #31
Call #2
Message #20
Entry #32
Message #21
Entry #33
Entry #34
Entry #35
Message #22
Message #23
Entry #36
Message #24
Entry #37
Entry #38
Message #25
Entry #39
Entry #40
Entry #41
Entry #42
Entry #43
Entry #44
Entry #45
Message #26
Message #27
Entry #46
Kayleen
Kayleen
Entry #47
Kayleen
Entry #48
Kayleen
Important Note
Entry #49
Entry #50
Entry #51
Entry #52
Entry #53
Entry #54
Message #28
Entry #55
Entry #56
Entry #57
Message #29
Message #30
Entry #58
Entry #59
Message #31
Entry #60
Message #32
Entry #61
Entry #62
Message #33
Entry #63
Message #34
Entry #64
Message #35
Entry #65
Entry #66
Message #36
Message #37
Message #38
Entry #67
Entry #68
Kayleen
Kayleen
Entry 69
Kayleen
Entry #70
Kayleen
Entry #71
Message #39
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Entry #72
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Extra Chapter

Kayleen

228K 6K 1.6K
By Alesana_Marie

Kayleen

Nakapikit na ako at sinusubukan na matulog nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Tumingin ako sa katabi kong mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong umupo sa kama at tinignan ang cellphone ko. Isang text message ni Mr Creeper ang nakita ko.

1 New Message

From: Mr Creeper

Those who snore always fall asleep first. :)

Napatawa naman ako bigla sa text nya. Kaagad akong nag-reply.

To: Mr Creeper

Guess you’ll never know.

_______________________________________

From: Mr Creeper

I want to know. :)

_______________________________________

To: Mr Creeper

Ha! Tough luck Mr Creeper! :P

Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Iniwan ko si Ashleen na natutulog. Baka maabala ko sya sa tawa ko. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay. Tanging ang fireplace lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng bahay. Nagulat ako nang makita na nasa sala pala si Ashton. Hawak nya ang kanyang cellphone at may naglalarong tipid na ngiti sa kanyang labi. Ngayon ko lang yata nakita ang ganong expression sa mukha nya. Lalo pa na ngayon ay nagbibigay ng soft glow sa mukha nya ang apoy sa fireplace.

Tatawagin ko sana sya pero biglang nag-vibrate ang phone ko.

From: Mr Creeper

Bakit gising ka pa?

Nakuha yata ng ilaw mula sa cellphone ko ang atensyon ni Ashton. Napatayo sya mula sa sofa nang makita ako na nakatayo di kalayuan sa kanya.

“K-Kayleen?!” parang kinakabahan na sambit nya sa pangalan ko.

Ngumiti ako sa kanya. “Nagulat ba kita?” Lumapit ako at umupo sa sofa na kinauupuan din nya. “Bakit gising ka pa?” Napatingin ako sa hawak nyang cellphone. “Ah. May kausap ka pa.”

“O-Oo.” Unti-unti syang umupo sa tabi ko. Para pa ngang di sya sure kung dapat ba syang umupo.

“I’m sorry, naabala pa yata kita.” Tumayo ako. “Balik nalang ulit ako sa loob.”

May mainit na kamay na humawak sa braso ko kaya di ko nagawang lumayo.

“No! Stay!”

Nakatingala sa akin si Ashton nang lingunin ko. Para namang nahiya na binawi nya ang kamay na nakahawak sa akin. Tumingin sya sa ibang direksyon. Umupo na ulit ako sa sofa. Huminga ako nang malalim nang lumubog ako sa inuupan ko, ang lambot talaga.

Tumingin ako sa fireplace. Pumikit ako sandali at muling dumilat. Nakita ko ang gitara ni Ashton sa lamesa sa harap namin.

“Palagi mong dala ang gitara mo kahit saan ka pumunta, no?”

Tumikhim sya at umayos ng upo. “Importante kasi sa’kin yan.”

Tumango ako. “Good luck sa college ha. Mamimiss ka ng kapatid mo kasi sa music school ka na papasok. Kaya palagi mo syang tawagan.”

“Do you think I should go?”

“Go saan?”

Yumuko sya at pinaglaruan ang cellphone nya sa kamay nya.

“S-Sa music school.”

“Oo naman,” mabilis kong sagot sa kanya.

Tumingin sya sakin. “Bakit?”

“Tulad ng sabi ni Lola, baka masayang ang talent mo kung di mo hahasain.”

Kumunot saglit ang noo nya. “Malayo ang school ko.”

Umayos ako ng upo paharap sa kanya.

“Hindi ka ba uuwi every weekend? May kinuha raw na apartment sina Tito para sa’yo ron diba? Para malapit ka lang sa school. Ang sarap siguro ng feeling na independent.”

Sumandal sya sa sofa at diretso lang ang tingin sa apoy na naglalaro sa fireplace. Ang seryoso ng mukha nya, parang may malalim syang iniisip. Napatitig ako sa mukha nya. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto ko na syang tinititigan. Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba ang ginagawa ko?

“Ayaw mo ba sa magiging school mo?”

“Masyadong malayo.”

“Alam mo ba, balak kong pumunta sa Paris para kumuha ng patisserie courses. Mas malayo yon kaysa sa school mo.”

“B-Bakit ka lalayo pa? Meron din naman dito?” Yun din ang sabi sakin nina Mama at Papa.

“Oo, pero gusto ko rin kasi na maexperience ‘yon. Mapalibutan ng mga taong sagad ang passion pagdating sa baking. Gusto kong matutunan ang style nila pagdating sa pastries.” Ngumiti ako nang malapad. Naiimagine ko na ang future ko.

Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Ashton kaya nilingon ko sya.

“May nakapag-sabi sakin nito dati; may alam ang bawat isa sa atin na hindi alam ng iba. Katulad nalang ng baking, doon ako magaling at ikaw naman sa music. Kung saan ka interesadong subject, doon ka mag-eexcel. Kaya mas lumakas ang loob ko na umalis at pumunta sa France para mag-aral. Gusto kong maging magaling na pastry chef.” Kapag nakauwi na ako galing sa France na may ipon, magtatayo ako ng bakeshop o coffee shop. Na-eexcite na ako! “Ikaw Ashton? Ano ba ang pangarap mo?”

Nakatingin lang sya sa akin nang matagal at hindi nagsasalita. Hindi ko mabasa ang nasa mukha nya.

“Bakit?”

Nagulat sya at umiling sa’kin.

“Hindi mo pa ba alam kung ano ang gusto mo?”

Hindi sya sumagot sa akin. Tumingin sya sa gitara nya. Naikwento sa akin ni Ashleen kung paano nakuha ni Ashton ang gitara na yon. Six years old palang daw si Ashton noong nag-umpisa syang mag-ipon. Lahat ng pera na ibinibigay sa kanya tuwing pasko inilalagay nya sa malaki nyang piggy bank. Ni ayaw nyang humingi ng tulong sa parents nya. Ganoon kasi sila pinalaki, hindi dahil mayaman sila ay pwede na nilang hingiin ang lahat. Palihim din na naglalagay ng pera doon si Ashleen para matulungan ang kapatid nya. Noong eight birthday nya, binuksan nya ang piggy bank at bumili ng gitara pero dahil medyo maliit pa ang mga kamay nya medyo nahirapan syang tumugtog. Nagamit lang nya ang gitara nang maging nine years old na sya at hindi na nya iyon nabitawan pa.

Alam ng lahat na in love si Ashton sa musika. Pero ano pa kaya ang mas mahalaga sa music para kay Ashton para magdalawang isip sya? Bakit parang ayaw nyang pumasok sa music school?

“Inaalala mo ba ang kapatid mo? Ako ang bahala sa kanya.” Ako at si Alex ang bahala kay Ashleen kapag namimiss nya ang kapatid nya.

“Sino naman ang bahala sa’yo?”

Napakurap ako. “Ha?”

“W-WALA! G-Gusto mo bang tugtugan kita?” Kinuha nya ang gitara mula sa mesa. Kahit matagal na nyang pag-aari ang gitara na yon, alagang-alaga parin nya. May dalawa pa syang gitara na nakikita kong ginagamit nya rin sa mga battle of the bands.

Bigla akong natuwa. “Sige.”

Pinanuod ko sya habang inaayos nya sa lap nya ang gitara nya. Ito ang unang beses na tutugtog sya para sa akin. Biglang uminit ang pisngi ko. Ito na naman ang weird feeling.

Nang mag-umpisa na syang tumugtog nahipnotismo nya ang tenga ko. Hindi ako pamilyar sa tinutugtog nya at iba rin ito sa tinugtog nya noong kasama namin sina Steve. Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya mas nagiging weird ang pakiramdam ko. Parang ang sarap sa pakiramdam, yung puso ko ang saya-saya. Sigurado magiging sikat na recording star si Ashton. Kumakanta rin ba sya?

“Ano’ng title?” curious kong tanong nang matapos sya.

“W-Wala pa.” Hindi sya nakatingin sa akin.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. “Ikaw ang nag-compose?”

Tumango sya.

“Ang galing mo naman!” Binigyan ko sya ng palakpak.

Bilog na bilog ang mata ni Ashton nang tumingin sa akin.

“Sigurado pagkakaguluhan ka ng mga recording companies,” nakangiti kong sabi sa kanya. “Siguro pagka-uwi ko galing Paris sikat na sikat ka na! Baka hindi mo na ako matugtugan ng libre!” natatawa kong biro sa kanya.

“Imposible.”

“Hindi ka ba naniniwala na sisikat ka? Ang galing mo—”

Bigla nyang sinalubong ang tingin ko. “Na hindi na kita matutugtugan ng libre,” sabi nya sa akin nang seryoso. Agad nya ring binawi ang tingin nya sa akin at inayos ang hawak nya sa gitara nya.

Nakampante ako bigla sa kanya. Di ko na matandaan kung bakit ba inisip ko noon na nakakatakot sya. Sa tingin ko naman sweet syang bata.

Ngumiti ako. “Tatandaan ko yan ha.”

Nakita ko syang ngumiti. Itinaas ko ang dalawa kong paa sa sofa at niyakap ang mga binti ko. Sumandal ako sa sofa at hindi ko inalis ang tingin ko kay Ashton. Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko.

“Tugtugan mo pa ako ng isa pa.”

Pinanood ko sya na tugtugan ako ng isang kanta na nasundan pa ng isa at ng isa at ng isa pa. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako na wala na ang apoy sa fireplace at lumiliwanag na sa labas. Hindi ko alintana ang lamig sa paligid dahil sa init ng katabi ko.

Natutulog si Ashton sa tabi ko, nakapatong ang dalawa nyang paa sa lamesa at nakasandal ang ulo nya sa tuktok ng ulo ko. Nakasandal naman ako sa balikat nya at ang ulo ko ay nakadikit sa dibdib nya. Ramdam ko ang init nya at dinig ko ang tibok ng puso nya. Ang komportable sa pakiramdam, ayoko nang umalis pa. Kaso natatakot akong may makakita sa amin lalo na si Ashleen, baka tuksuhin na naman ako nun.

Tinatamad na lumayo ako kay Ashton. Marahan akong lumayo sa kanya para di sya magising. Nakita ko naman ang cellphone ko sa tabi ko. Tinignan ko ang oras, five-thirty na ng umaga. Binuksan ko ang inbox, nakalimutan kong magreply kay Mr Creeper.

To: Mr Creeper

Good morning. :)

Sorry. I fell asleep. >.<

I hit send at inilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko after. Nakita ko naman na nag-vibrate ang cellphone ni Ashton sa lamesa katabi ang gitara nya. May nag-text yata sa kanya. Ang aga naman mag-text ng taong ‘yon.

Tumingin ako sa natutulog pa na si Ashton. Mukhang mahimbing naman ang tulog nya at hindi magigising agad. Ngumuso ako at tinignan ulit ang cellphone nya. Hindi ko ‘yon dapat na pakialamanan. Ewan ko ba sa coffee shop at naging pakialamera ako. May mali talaga sa strawberry cake at hot choco na ‘yon.

Nang tumayo ako may biglang pumasok na ideya sa isip ko. Hindi ako mapakali. Ayaw akong tantanan ng pakiramdam ko na may mali sa cellphone ni Ashton. Nagumpisa iyon noon sa coffee shop, kaya siguro gusto kong tignan. Pero ang absurd ng idea na yon. Nakakatawa.

Umiiling na in-open ko ulit ang cellphone ko. Naghanap ako ng quotes na sinend sa akin ng classmates ko bilang GM. Pumili ako ng magandang quote at finorward ko kay Mr Creeper.

Matapos kong i-hit ang send ay muling umilaw ang cellphone ni Ashton. Tinitigan ko ang ilaw na ‘yon nang ilang segundo hanggang sa muli iyong mawala. Pigil ang hininga na lumipat ang tingin ko sa mukha ng nakababatang kapatid ng bestfriend ko. Imposible.

Continue Reading

You'll Also Like

225K 6.9K 43
| Stonehearts #8 | COMPLETED | A crystal of positive attitude, a ray of growth and a blinding sunshine, Vivienne Peridot Hermoso is one radiant energ...
62.4K 2K 6
Huwag kang maghahamon sa gitna ng dilim. Huwag mong uusyosohin ang hindi mo kayang makita. At huwag mong hanapin ang hindi mo kayang harapin. Tatlong...
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...