Entry #34

208K 4.8K 102
                                    

Dear Future Boyfriend,

Lahat na talaga ng tao sa mundo ay busy. Kahit yung taong nagsabing may gusto sya sa akin ay in-ignore ang text ko. Haay. Kung kailan ko naman kailangan ng kausap... Ano kaya ang ginagawa non? Hindi naman siguro nalaglag ang cellphone nya sa pool diba?

Si Ashleen naman busy sa pag-aayos ng gamit na dadalhin sa trip nila sa japan at hongkong. Mabuti pa sila ang saya ng bakasyon. Bukas na nga pala ang graduation ni Ashton, sigurado busy sila. Lilipat na kaya ng school yon? Yung guilty feeling nandon parin. Hindi kasi ako naging mabait sa kanya. Hmm. Actually, hindi ko naman kasi talaga sya nakakausap. Bakit ko nga ba sya hindi kinakausap?

Ah! Oo nga pala, kasi medyo natatakot ako sa kanya. Ang talas kasi makatingin non, tipong walang takas bawat detalye ng pagkatao mo. Yung batang yun. Mahihirapan yon makahanap ng girlfriend.

Ay wait, di pala sya mahihirapan, sikat nga pala yon. Buti pa sya, di nya kailangan gumawa ng ganitong letter para sa future girlfriend nya.

Hwaaah! Medyo naging kawawa ako don ah!

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon