Entry #67

160K 4.1K 236
                                    

Dear Future Boyfriend,

Ang saya ng umaga! Umagang kay ganda! Kasing ganda ko! Hehe! Ay, cute nga lang pala ako. Hindi pa ako maganda. Siguro kapag twenty na ako maganda na ako. Hindi na siguro ako mukhang fourteen non. Sana tumangkad din ako. Kahit one inch ulit. Yaaaah! Kinakahaban ako! Kakatapos ko lang mag-bake ng strawberry pie. Sana magustuhan nina Ashleen. Mamaya na ang balik nila! Waaah! Excited na ako! Sana magustuhan din ni Ashton yung pie. >.<

Ang saya sa feeling na may hinihintay kang dumating. Ganito pala ang feeling na may gusto ka sa isang tao? Parang I’m walking on sunshine! Woah-oh! I’m walking on sunshine! Eeeh! Excited na akong makita sya. Gusto ko ulit syang makita!

Mamaya rin malalam ko na kung si Ashton ba si Mr Creeper. Pinlano ko na nang mabuti ang gagawin ko. Hihiramin ko kay Ashleen ang cellphone nya. Titignan ko kung ano ang number ni Ashton! Nakakahiya kasi magtanong kay Ashleen eh, baka tuksuhin nya pa ako. Sana sya talaga si Mr Creeper ko! Hindi pwedeng hindi! Waaaah! Please please, sana sya yon! >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon