Entry 69

163K 4.8K 709
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nagpa-gulong gulong ako kahapon sa kama nang maka-uwi ako. Sya nga si Mr Creeper! Kahit na hindi nya sabihin sa akin, sigurado ako na sya yon! At sigurado rin ako na gusto nya ako! Gusto nya ako! Eeeeh! May gusto sya sakin! Ang saya! At hinalikan pa nya ako. Mabilis lang yon pero kiss parin yon! At not once but twice! >.<

Mamaya pupunta ako sa bahay nila. Ang sabi ni Ashleen may practice daw sila ng banda ngayon. Hwaaah! Kung dati hindi ako masyadong interesado na panoorin sila, ngayon hindi na ako tatayo sa upuan ko! Gumawa ako ng strawberry tarts ngayon. Hindi parin kasi ubos ang strawberries na binigay ni Lola sa amin. Haha! Sana magustuhan nila. Eeeeh! Excited na ako. >.<

Nag-lipgloss ulit ako. Bagay daw sakin sabi nya. Palagi na akong magli-lipgloss! Kahit sa pagtulog! Baka kasi mapanaginipan ko sya, kiss nya ako ulit! :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon