Entry #55

180K 4.8K 354
                                    

Dear Future Boyfriend,

Tinatanong na ako nina Mama kung bakit di mawala ang ngiti sa labi ko. Tinanong pa ni Lola kung dahil daw ba yon kay Steve. Hindi ko parin masabi kay Lola na hindi na nanliligaw sa akin si Steve dahil sa ginawa ni Ashton. Marami na silang napapansin sa akin pero di ko masagot ang mga tanongn nila.

Naalala ko na naman yon. Kaya ba nya ginawa yon kasi gusto nya ako? See? Lahat nalang ng naalala ko kasama si Ash tinatanong ko sa sarili ko kung may na-miss ba ako na signal? Naging slow ba ako? Gusto nya ba talaga ako o baka naman simpleng crush lang yon?

Naalala ko rin yung sinabi ni Ashleen na nag-confess ng feelings si Trisha kay Ashton. Maganda si Trisha pati na rin ang boses nya. Sya ang bokalista ng banda nila at sobrang dami ng fans non. Pero sabi ni Ashton ‘Thank you’?

Magco-confess ba ako sa kanya? Ayoko! Nakakahiya! Sya yung lalaki kaya sya yung magsabi dapat! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Mas mabuti pa na ilihim ko nalang na gusto ko sya! Ayoko talaga! Tapos nag-assume lang pala ako? Tapos crush lang pala yun! Baka nga sa music school may makilala syang babae na mamahalin nya! So pano ako? Basted ako?! Ayoko! Secret nalang ‘to! Di ko sasabihin sa kanya!

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon