Entry #56

168K 4.9K 438
                                    

Dear Future Boyfriend,

Dapat talaga tigilan ko na ang pagsusulat dito tungkol kay Ashton kasi baka hindi ikaw sya eh di nasaktan ka pa. Dapat talaga Dear Ashton nalang ‘to eh. Kasi naman may gusto akong sabihin sa kanya. Utang na loob Ashton! Tantanan mo na ako! Bakit di ka maalis sa isip ko?! Nandyan ka na nga sa Japan pero bakit iniisip kita? Namimiss ba kita?! Ito na ba yon? Ito na ba ang sign? Mababaliw na yata ako! Hindi naman ako ganito kay Ryan ah!

Nababaliw na ako sa iyo~

Ako’y litong lito

Naloloka, nahihibang

Sa kaiisip sa’yo~ Sa’yooo~

Ito yung moment na makikinig na ako sa mga love songs. Hindi ko narealize na kumakanta na pala ako ng mga love songs! Natigil na ang pagkanta ko ng 2NE1 songs. Nababaliw na ako. Ito ang epekto mo! Bakit ba kasi? Bakit? Bakit ba kasi? Dati oo gusto ko ng boyfriend pero ngayon, ganito pala ang epekto non!

 

Itanong mo sa akin

At tatanungin ko rin

Kung ika'y aamin

Lahat ay gagawin~

 

Hindi ko talaga alam kung naiinis ba ako sa kanya? Hindi kasi nya ako tinetext! Bakit si Ashleen tinext ako? See? See? Di nya ako gusto! Ayoko na! Hindi ko na sya iisipin!

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon