Entry #65

161K 4K 124
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nakauwi na kami sa bahay namin. Ang dami na naman naming naiuwing strawberry jam! Yum! Igagawa ko si Ashleen ng strawberry pie! Igawa ko rin kaya si Ashton? Pauwi na sila. Bukas nandito na sila! Makikita ko na sila! Ang sarap gumulong sa kama! >.<

Kinikilig parin ako sa text nya kagabi! Kaso badtrip naubusan ako bigla ng load. Huhu! Ang sama ng timing. Pero ano kaya ang irereply ko sa kanya kung nagkataon? Mapapaamin kaya ako na gusto ko na sya? Hindi pa pwede! Ang sabi ni Lola dapat daw muna nyang makilala ang manliligaw ko bago ko sya sagutin.

Ang weird ni Lola kanina, tinatanong nya kung sa next summer daw ba, dadalaw ulit si Ashton. Gusto talaga sya ni Lola. Nagpa-baon pa sya ng basket ng strawberries para sa pamilya ni Ashton. Sayang talaga di ko napuntahan ang strawberry farm. Di ko nakita si Enrique. >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon