Lacking Brightness

By kweenlheng

206K 8.7K 2.7K

Does he really feel complete? More

one
two
three
four
five
six
seven
eight
nine
ten
eleven
twelve
thirteen
fourteen
fifteen
sixteen
seventeen
eighteen
nineteen
twenty
twenty one
twenty two
twenty three
twenty four
twenty five
twenty six
twenty seven
twenty eight
twenty nine
thirty
thirty one
thirty two
thirty three
thirty four
thirty five
thirty six
ANNOUNCEMENT
thirty eight
thirty nine
forty
forty-one
forty-two
forty-three
forty-four
forty-five
forty-six
forty-seven
forty-eight
forty-nine
fifty
fifty-one
fifty-two
fifty-three
fifty-four
fifty-five
fifty-six
fifty-seven
fifty-eight
fifty-nine
sixty
sixty-one
sixty-two
sixty-three
sixty-four
sixty-five
sixty-six
sixty-seven
sixty-eight
sixty-nine
seventy
seventy-one
seventy-two
seventy-three
seventy-four
seventy-five
seventy-six
seventy-seven
seventy-eight
seventy-nine
eight
eighty-one
eighty-two
eighty-three
eighty-four
eighty-five
eighty-six
eighty-seven
The End 🥀
Special Chapter

thirty three

4.5K 179 77
By kweenlheng















thirty three




















Nagkukumarat na pumasok si Vice sa loob ng clinic kung saan kasalukuyang ginagamot ng doctor ang pumutok na noo ng anak. Snow was silently letting the doctor heal her wounds habang si Karylle naman ay nakaupo lamang sa gilid, nanginginig at halatang takot na takot.

"What happened to her? Anak? What happened?"

Bakas sa mukha ni Vice ang pag-aalala seeing how swollen her forehead is. Idagdag pa ang stain ng dugo na visible sa damit ng anak. Napakagat labi na lamang si Karylle na hindi magawang magsalita dahil alam niyang sa likod ng pag-aalala ni Vice ay nakatago ang galit nito sa kaniya.

"Adi! I accidentawy slipped on one of my toys. I fell then my head hit the leg of the table. It's ouchy."

"Doc, kamusta po yung lagay ng anak ko? May namuo po bang dug--

"Vice, calm down. Your daughter is a fighter naman. She had a small cut, but everything's fine now. Natahi at nalagyan ko naman na ng gamot. She knows her mistake and that she thought, this wound is a consequence."

Napasapo na lamang sa noo si Vice nang bigyan siya ng anak ng isang apologetic smile. Matalim niyang tinignan si Karylle na nangingilid na ang mga luha.

"We'll talk." he mouthed which made Karylle nod her head.































"Karylle naman! Isang buwan ko palang ipinagkakatiwala sa 'yo 'yung bata ganito na agad ang nangyari?"

Once Vice made sure na nasa kwarto na ang anak, he went down at the kitchen to talk to Karylle. Hindi naman agad nakasagot ang dalaga dahil hanggang ngayon ay high parin siya sa nangyari sa bata.

"Paano kung hindi lang ganon ang nangyari sa anak ko? What if something more happened to her? I already warned you, Karylle. Sinabi ko na sa 'yo noon na kung hindi ka pa handa, huwag mo munang kunin sa 'kin ang bata. Look what happened!"

"Vice, ilang minuto lang naman nawala sa kaniya 'yung atensyon ko. I had to check the kitchen kasi nagluluto ako by the time she had accidentally slipped on her toys. Hindi ko naman ginustong pumutok 'yung noo ng anak ko," punong puno ng guilt na sabi ni Karylle na hanggang ngayon ay hindi magawang tignan si Vice.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng huli, trying to calm himself. Sa ilang taon niyang pag-aalaga sa anak, ni minsan ay hindi ito nagalusan sa kapabayaan niya.

"Adi? Mommy? Are you fighting?"

Kapwa napalingon ang dalawa nang marinig ang nagccrack na boses ng anak. Vice immediately ran towards Snow. Binuhat nito ang bata at agad na pinunasan ang nagbabadyang mga luha.

"No, we're not, anak. Mommy and I were just talking."

"But I heard you shouting at mommy. Is it because of what happened to me?" nakangusong saad ng bata while looking directly at Karylle. "Mommy, sowwy. I was not being cayful. I pwomise to be more cayful next time."

Snow was trying to detain her tears, ngunit hindi talaga niya napigilang maiyak nang maalala kung paano sigawan ni Vice ang ina. She was so soft for Karylle to the point na kahit ang sariling ama ay kaya niyang kalabanin if she sees him fight with her.

"Adi, don't get mad at mommy please. She told me to fix my toys alweady and that I should be cayful but I didn't listen to her. I kept on pwaying with my toys. You should get mad at me."

Sunod sunod na lamang ang naging pagtango ni Vice habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mukha ng anak.

"Sshhh. Stop crying na anak, I won't get mad anymore just please stop crying." pakiusap niya dito.

"Pwomise me you won't shout at mommy anymore."

"I promise."


























Flashback

"Zsa Zsa?" gulat na salubong ni Nanay Rose nang pagbukas ng pinto ay ang ina ni Karylle ang bumungad sa kaniya.

"Good morning, Nanay Rose. Nandiyan ba si Ana?" nakangiting tanong nito as she handed her some of the paper bags na dala niya.

Nang abutin ni Nanay Rose ang ilan sa paper bags na dala ni Zsa Zsa ay nagmamadaling naglakad ang huli papasok sa bahay ng anak. It's been two weeks since the last time she saw her daughter, and now that she has the time, sinadya talaga niyang puntahan ang anak.

"I assumed that you haven't cooked breakfast yet, so I asked Mang Jun to buy Karylle these lugaw and lumpia. Nandiyan ba siya?"

"Nasa kwar-" hindi na naituloy ni Nanay Rose ang gustong sabihin nang marinig nila ang tunog na dulot ng pagkalaglag ng kutsara.

"She's in the kitchen?" nakangiting sabi ni Zsa Zsa bago pihitin ang katawan patungo sa kusina.

Napasapo na lamang sa noo si Nanay Rose nang magdire-diretso ng lakad si Zsa Zsa papunta sa kusina.

"Ana--

"There! I got you alweady." Snow said as she picked up the spoon. Pag-angat ng ulo ay bumungad sa kaniya ang bisita at si Nanay Rose. Nilapitan niya ito at nginitian. "Hi, Miss."

"You are?" kunot noong sabi ni Zsa Zsa habang iniisip kung saan niya nakita ang bata. The kid looks familiar to her and she felt a bit irrirated na hindi niya agad maalala kung sino 'to. Kung dala na ba ng katandaan, hindi niya alam.

"I am Katniss Snow Vicewal," proud na pagpapakilala ng bata as she offered her hand.

Tinanggap naman ng ginang ang ginawa ng bata at nakipagkamay rito.

"Right! You are Vice's daughter."

This time ay hindi na maalis sa labi ni Zsa Zsa ang ngiti habang nakatitig sa maamong mukha ng bata.

"You remind me of our bachok when she was still little,"

Maging si Nanay Rose ay bahagyang napahagikgik nang marinig ang sinabi ni ginang. She then went to the counter and prepared all the foods na dala nito.

"Why are you here little girl? And why are you holding that spoon?"

Iniabot ni Zsa Zsa ang kamay sa bata ay inalalayan ito sa muling pag-upo. Snow immediately turned her attention sa pagtapos ng foods niya.

"Adi had work yesterday and he let Tita Kawylle take care of me," nakangiting sagot nito while taking glances kay Zsa Zsa na bakas ang pagkahumaling sa bata.

"You have the same nose with batchok, and your eyes--- ako lang ba, o may pagkakahawig talaga sila ni Ana? Rose titigan mo nga 'tong bata,"

Kinabahan man ay ginawa na lamang ng ginang ang pinagagawa sa kaniya ni Zsa Zsa. They've been friends for how many years now, at kung kung may malaking kasinungalingan man siyang ginawa--- malamang at ito na 'yon.

"Wala naman akong nakikitang pagkakahawig nila. Baka gutom ka lang," saad ni Nanay Rose na siyang nagpasimangot sa kausap.

"Panira naman ng trip to si Rose," umiiling na sabi nito bago muling tumayo. "Gigisingin ko lang si Ana----

Hindi pa man tuluyang nakalalabas ng kusina si Zsa Zsa ay isang pigura ng lalaki ang agad na sumalubong sa kaniya. He was still rubbing his eyes, senyales na kagigising lamang nito.

Nang tuluyang maimulat ang mga mata ay laking gulat niya nang makita ang ginang sa harap niya.

"Goodmorning, Adi!" Snow greeted bago tumalon pababa ng upuan. "Look! We have a visitor. Miss, this is my Adi. His name is Jose Mawie Vicewal, and we have the same surname,"

Matinding kaba at kabog ng dibdib ang pilit pinanlalabanan ni Vice nang makita ang kunot noo at salubong na kilay ng ginang.

"Tita? Naku, pasensya na po. Naabutan niyo pa kaming mag-ama dito. Medyo tinanghali narin ho kami ng gising," paghingi ng paumanhin ni Vice bago bumeso. Magiliw naman siyang tinanggap ng huli at nginitian.

"Wala namang problema don. Medyo nagulat lang ako, because I was expecting that Karylle won't entertain any visitors yet, after what happened."

Malungkot na napangiti ang ginang na hindi mapigilang alalahanin ang pinagdaanan ng anak habang wala siya. Kung nabigyan lang siya ng pagkakataon na makauwi agad, ginawa na niya.

"Anyways, ngayon lang ako makakapagpasalamat sa 'yo ng personal for saving my daughter. I was just silent, but I heard the news about the act you've done para makapagbayad kung sino man ang dapat magbayad." puno ng gratitude na sabi ng ginang habang hinahaplos ang kamay ng binata.

"Karylle and I have been friends for 10 years now, and I just did what is right. Hindi naman ho siguro tama na nananahimik lang ako habang pinagpipyestahan nila ang kaibigan ko. Besides, Karylle is the victim. She doesn't deserve all the bashings na natatanggap niya. Someone needs to stand for her--- at ako ho ang gumawa at gagawa non,"

"And she's indeed the luckiest to have you as her friend. Ako ang dapat na nagtatanggol sa anak ko noong mga panahon na kailangan niya ako, but I wasn't here. Kaya ngayon, pipilitin kong bawiin yung mga panahon na hindi ko naibigay sa kaniya."

Sa naging usapin ay hindi napigilan ng ginang na maging emosyonal. She really wanted to go home by the time she heard the news, ngunit dahil sa kontratang hawak ay hindi niya magawang umuwi. Tanging pag-iyak at pagdarasal na lamang ang naging sandalan niya noon upang kahit paano'y maikalma ang sarili.

"She understands you, Tita. Kilala mo naman si Karylle, hindi marunong magtanim ng sama ng loob. Kaya nga ho ako nalang ang gumawa ng paraan para makulong ang mga hayop na 'yon," umiiling na sabi ni Vice.

"Hayop." paggaya ni Snow sa sinabi ng ama.

"Hey, that's bad. Don't say it again." natatawang sabi ni Vice. Huli na nang marealized na nakayakap pala sa binti niya ang anak. "Are you done with your foods yet? Uuwi na tayo, anak."

"Mamaya na kayo umuwi. I bought foods for breakfast oh. Medyo marami naman 'to so saluhan niyo na kaming kumain,"

Hindi naman na umalma pa si Vice at pinagbigyan narin ang imbitasyon ng ginang. Muli nitong iginaya ang anak pabalik sa upuan.

"Nasaan na ba si Ana?"

Muli, hindi pa man tuluyang nakalalabas ng kusina ay pumasok na si Karylle na siyang kanina pang hinihintay ng ina. She was still in her shirt and pajamas. Snow tilted her head and smiled genuinely at her.

Dahil nasa bata ang atensyon ay hindi agad napansin ni Karylle ang ina. She was about to go directly at Snow nang maramdaman niya ang isang mahigpit na yakap.

"Mama?" may hint na pagkagulat na sabi ni Karylle.

"Yes, batchok. Mama's home."








"So this little one told me that her Tita Kawylle took care of her while Daddy's at work," nakangiting sabi ni Zsa Zsa habang nakatuon ang tingin sa batang abala sa pagkain ng lumpia.

"Yes, Miss--

"You can actually call me Lola, little one."

Lihim na nagkatinginan sina Vice at Karylle sa naging sagot na iyon ng ginang. Her attention is still at Snow at sigurado ang dalawa na hindi nito napansing nagkatinginan sila.

"But I alweady have Wowa Wosario," kunot noong sabi ni Snow. She then pointed her finger sa sentido niya na tila ba nag-iisip. "How about Mommy Wowa? Does that sound good?"

"That actually sounds great!" ngayon ay tuluyan na niyang hindi napansin ang pasimpleng titigan ng anak at ni Vice.

"Snow, you want more lumpia?" tanong ni Karylle sa bata bago nito ialok ang plate kung saan nakalagay ang mga lumpia.

"Yes, please. One more wumpia,"

Mabilis na itinusok ni Snow ang hawak na tinidor sa lumpia upang makuha ito. Once makuha na niya ang lumpia ay agad niya itong kinagat ng sunod ng sunod.

"This one tastes weally good."

"Anak, pare-parehas lang namang lumpia 'yan. Same lang ang lasa ng mga 'yan," Vice said bago abutin ang labi ng anak upang mapunasan.

"No, Adi. This one's weally diffewent. Wook! Taste it," matapos ay inilapit ng bata ang lumpia sa bibig ng ama. Upang mapagbigyan ay kumagat na lamang din si Vice. "See? This one's diffewent,"

"Parang hindi naman,"

"It is."

"Hindi kaya,"

"There's something wong with your tongue, Adi."

Habang patuloy na nagbabangayan ang mag-ama ay pasimple naman silang pinagmamasdan ni Karylle. Panaka-naka itong napapangiti while watching kung paano magtalo ang mag-ama.

"This is the kind of noise I would want to hear everyday,"

And here she is again, patuloy na pinapangarap ang mga bagay na hindi niya makuha-kuha. Nagpapasalamat na nga lang siya't pinagbigyan siya ni Vice na makasama ang anak ng ilang araw. Ngayon, hindi niya alam kung kailan ito mauulit--- o kung mauulit pa nga ba.

Bumalik na lamang sa ulirat si Karylle nang marinig ang sunod sunod na pag-ubo ng bata sa gilid niya.

"Rose, pahinging tubig!" bulalas ni Zsa Zsa nang makitang nabubulunan ang bata dahil sa sunod sunod nitong pagkagat ng lumpia.

"Anak, are you okay?" sabi ni Vice who stood up upang mahagod ang likod ng bata.

"Snow? Here's the water!"

Kung meron man sa kanilang pinaka-nagaalala, it was obviously Karylle. Nagawa pa nitong hawiin ang kamay ni Vice na siyang humahagod sa likod ng anak to help her calm. Nagulat man sa naging aksiyon na iyon ni Karylle ay hindi na lamang nagsalita ang binata at hinayaan na lamang ito.

"Hey? Are you okay?" kabadong tanong ni Karylle habang hinahawi ang buhok ni Snow na ngayon ay tila hinahabol na ng hininga. "Here, drink more water. Next time, you should refrain from speaking while eating, okay? See what happens,"

"I-I'm okay now," medyo tigalgal pa ang bata sa pagsasalita, but she still managed to smile upang maassure ang lahat na okay na siya.

"Do you still need more water?"

"N-no, Tita Kawylle. Snow's fine now."

"Are you sure?"

"Yes,"

"Everything's fine?"

"Evewything's good,"









"It is time to take a bath now?" nakangiting sabi ni Snow when the clock turns 9 o'clock. "Look, it's 9 okwak alweady,"

"She knows how to read time already?" manghang sabi ni Zsa Zsa nang marinig ang sinabi ng bata.

"No, Tita. She just knows how to read numbers and I told her that when the small hand of the clock turns 9, it means bath time," paliwanag ni Vice habang buhat buhat ang anak. "You wanna take a bath before we leave?"

"Yes, Adi. How 'bout you? Awen't you gonna take a bath before we weave?"

"Wala akong baong damit, anak e. Sa bahay nalang maliligo si Daddy."

Mahigpit na hinawakan ni Vice ang kamay ng anak bago siya tumayo at magpaalam sa Ginang na ngayon ay nakaupo sa Sala.

"Paliguan ko lang po si Niyebe, Tita."

"Sure,"

Matapos magpaalam ay magkahawak kamay na nilisan ng mag-ama ang Sala at dumiretso sa kwarto ni Karylle to take a bath. Doon ay naabutan nila ang dalaga na kasaluluyang inaayos ng salansan ang mga damit ng bata sa bag.

"Nakaayos na 'yan kagabi diba?" Vice asked her, ngunit isang tipie na ngiti lamang ang pinakawalan ni Karylle.

"Inilabas ko lang 'yung pampalit ni Snow mamaya pagkatapos niyang maligo," she explained before zipping the bag.

Lihim na pinagmamasdan ni Vice ang bawat kilos ni Karylle. Kung noong mga nakaraang araw ay bakas ang ang kasiyahan sa mukha ng dalaga, ngayon ay tila hindi na ito makikitaan ng kahit anong sigla.

"Here," ani Karylle habang iniaabot ang pamalit na damit ng bata. "Naplantsa ko naman na 'to nung nakaraang araw,"

"Are you okay?" hindi na napigilang tanong ni Vice. Tahimik naman siyang tinignan ni Karylle na tila ba naghihintay ng paliwanag kung anong ibig sabihin nito. "Bigla bigla ka nalang nawawalan ng energy,"

"I'm fine, Vice. Huwag mo na 'kong pansinin." may tipid na ngiting sagot ng dalaga.

"Can I take a bath now, please?"

Nang hindi na makapaghintay ay kusa nang pumasok si Snow sa bathroom without waiting for anyone na sasama sa kaniya. Hindi rin naman nagtagal ay sumunod na si Vice sa loob upang tulungan ang anak sa pagligo.

"Are you okay, are you okay, ka diyan. Ilalayo mo nanaman sa 'kin 'yung anak ko tas tatanungin mo 'ko kung okay lang ako? Ikaw? Okay ka lang ba?" sambit ni Karylle sa sarili habang umiirap. "Tanong talaga ng mga tanga e,"

Pabagsak na umupo si Karylle sa gilid ng kama. She took her phone from the side table and went directly to her gallery where in most of the recent pictures na makikita ay puro mukha ni Snow. Some of those were secretly taken by her habang natutulog ang bata.

It was indeed a precious moment for her na matitigan ang anak habang natutulog. Sa pagkakataon lamang kasi na iyon niya nagagawang mahaplos ang mukha ng bata nang walang halong pag-aalinlangan. Sa pagkakataon lang din na iyon niya nararamdaman ang pagiging isang tunay na ina. Her, putting Snow into sleep is one of her greatest achievement as a mom, na akala niya'y hinding hindi niya magagawa.

Preparing kiddie breakfast has never been so exciting for her, until she met Snow. Matapos nilang maghiwalay ng asawa ay tila naging normal nalang ulit ang buhay ni Karylle.

Magigising sa umaga, kakain ng agahan, maghahanda para sa trabaho, uuwi at magpapahinga.

Ito na ang nakasanayan niyang gawin simula nang maghiwalay sila ni Yael. Wala ng espesyal, maging ang mga bagay na dati niyang minahal ay unti-unti na niyang nakaliligtaan? Kailan nga ba siya huling kumanta? Sumayaw? Sa takbo ngayon ng buhay niya, saan pa siya huhugot ng inspirasyon upang makalikha ng kanta? Makakaya pa ba niyang magluto ng may kasamang pagmamahal?

"You are crying,"

Mabilis na pinunasan ni Karylle ang mga luhang umalpas nang marinig ang boses ni Vice. Ni hindi manlang niya namalayan ang paglabas nito ng bathroom.

"W-where's Snow?"

"Nasa loob pa. Magbababad daw muna siya,"

"Baka magkasipon 'yung bata---

"I know what I am doing, Karylle. Ako ang tatay," sagot nito na siyang nakapagpatahimik sa dalaga.

Oo nga naman. Sino ba siya para magdesisyon para sa anak? Vice is the father, at isa lang naman siyang 'Tita' sa paningin ng bata.

Mabilis na pinatay ni Karylle ang cellphone at tumayo. Inilapit din niya kay Vice ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Snow. "Kumpleto na diyan ang mga gamit ni Snow. Hinalughog ko na ang buong kwarto kaya sigurado akong walang naiwan."




"Oh, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Vice nang akmang bubuksan na ni Karylle ang pinto ng kwarto.




"Pupunta lang ako sa kabilang kwarto. After maligo ni Snow, pwede naman na kayong umalis. If she looks for me, sabihin mo nalang na umalis ako."




"Hindi ka manlang ba magpapaalam sa bata?"




"And do you really think, I can do that?" matalim na tinitigan ni Karylle si Vice. "After three days of staying with Snow, hindi ko alam kung kaya ko pang magpaalam sa bata. Call me, O.A, I don't care. Basta hindi ko kayang magpaalam sa kaniya,"




Malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Karylle upang mapigilan ang nagbabadya nanamang mga luha.




"And if this will be the last time na makikita ko si Snow, can you please tell her na mahal siya ng mommy niya? Hindi ko na ipipilit ang sarili kong makilala niya bilang ina, pero kahit 'yun manlang, Vice. Paki-assure naman sa anak ko na mahal ko siya,"




After saying that ay mabilis na tumalikod si Karylle upang maitago ang muling pagbagsak ng luha. Dahan-dahan niyang hinawakan ang seradura ng pinto---- ngunit bago pa man niya ito mapihit ay kusa na itong bumukas. Bumungad sa kaniya ang ina na bakas ang pagkagulat at pagtataka sa mukha.











"A-anak mo yung bata?"











Continue Reading

You'll Also Like

28.2K 504 42
By: Leikien Sayon Sabi nga nila ang mga bakla daw ay salot sa lipunan. Makasalanan sa Diyos. Hindi katanggap-tanggap. Mamamatay ng mag-isa. Tanging l...
5.3K 62 7
A forbidden love story.
428K 9.4K 32
How long can a man wait for the girl he barely knows? "If you love a person, you are willing to wait even if it takes a lifetime."
15.3K 107 11
Maikling kwento, Sanaysay, Alamat, Pabula, Parabula, Salawikain, Sawikain, Anekdota, Dula, Tula, Dagli atbp.