THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

325K 16.3K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 76 - Daddy's Princess

2.2K 110 14
By GarnetSiren

SIGRID'S POV :

KINAKATOK ko kanina ang pintuan ng master bedroom kasi utos ni Mommy na puntahan ko si Daddy sa room nila at gusto ko ring makausap ang Daddy pero walang sumasagot kaya dali-dali akong bumaba para kunin ang spare key ng silid kay Lola Maurita.

"Ano bang nangyayari ha, apo?" Tanong ni Lolo Gaudencio na siyang nadatnan ko sa silid nila ni Lola.

"Lolo, ano po kasi ..hindi po kasi ako sinasagot ni Daddy samantalang kanina pa ako katok ng katok sa silid nila ni Mommy."

"E, baka naman nagpapahinga lang ang iyong ama, Sigrid."

"Lolo, mabuti na pong maniguro kaysa magsisi. Wala pa naman si Mommy at ang mga kapatid kong kambal. Sige po."

Lumabas ako ng silid ng grandparents ko at tinakbo na naman ang hagdanan.

These past few days, nakikita na naming lahat ang pagngiti ni Daddy pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala sa kaniya dahil hindi pa rin bumabalik ang dati niyang sigla.

Ipinasok ko ang susi sa keyhole at saka ito inikot saka pabalyang binuksan ang pintuan dahil sa pagmamadali kong makita si Daddy.

"Daddy!! Daddy!!" Gimbal kong tili nang makita ko si Daddy na nakahiga sa kama, nakapikit, at ang mas nagpakilabot sa 'kin, pantay ang kaniyang mga paa. Unat na unat at tila hindi na gumagalaw. Bathala! "Daddy, no! Oh my god, no!" mangiyak-ngiyak kong sigaw bago tinakbo si Daddy. "Tulong! Lolo!! Tulong!!" Hingi ko ng saklolo. Nilundag ko sa kama si Daddy at niyugyog. "Daddy please, gising. Daddy!! Daddy!!"

"Uhmmm ..Hija?" Gulat niyang tanong nang mamulatan niya ako ng mata.

Ehhhh?!! Buhay siya?!!

"Daddy, buhay ka?" I asked, stupidly.

"Anak, anong klaseng - "

"Sigrid, Apo?!" napatingin kami ni Daddy sa may pintuan nang magsalita si Lolo. Hingal na hingal pa siya. "Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Nag-aalalang tanong niya.

Maya-maya lang ay nagdatingan na rin sina Ate Minerva, Lorna, at Maya, na katulad kay Lolo Gaudencio, bakas din ang pag-aalala sa mga mukha nila. Nakaramdam tuloy ako ng guilt.

"Tatay Dencio?" nagtatanong din ang tinging ipinukol ni Daddy kay Lolo habang unti-unting bumabangon mula sa pagkakahiga.

Nalintikan na! Bakit ba kasi ako nag-panic at overreact?

"Pinuntahan ako sa ibaba nitong si Sigrid kanina upang kunin ang reserbang susi nitong silid ninyo ni Eleina dahil kumakatok daw siya rito ngunit walang tumutugon." paliwanag ni Lolo Gaudencio. Nagyuko naman ako ng ulo dahil hiyang-hiya ako sa katangahan ko. "Tapos kanina'y bigla kong narinig ang paghingi niya ng saklolo kaya ako'y dali-daling pumanhik rine baka kako'y kung napaano na."

Natapos ng magpaliwanag si Lolo kaya sa akin na nabaling ang tingin nilang lahat.

"Aargh!" Daing ko saka napasapo sa aking ulo. "Sorry po, sorry." sambit ko bago ginagap ang kamay ni Daddy who's looking at me intently with a questioning look. Jeez! "Daddy, sorry po. Tama po si Lolo Gaudencio. I was knocking on your room's door kanina pero walang sumasagot kaya nag-worry ako. Nang mabuksan ko naman 'tong kuwarto nakita agad kitang nakahiga rito sa kama niyo na parang," I gulped. "-na parang p-patay."

I expected my father to get mad and scold me but no. Imbes na pagalitan niya ako, tumawa lang siya ng tumawa kaya pati sina Lolo Gaudencio, at ang tatlong maid namin ay nagtawanan na rin.

Hays! Nakakahiya talaga.

"Daddy .." saway ko sa kaniya. Napahiya na nga ako, pagtatawanan pa ako.

"Hija, I was just sleeping. Saan mo naman nakuha ang ideyang patay na ako?" pigil ang tawang tanong ni Daddy. "Tingnan mo, naalarma tuloy ang Lolo mo at pati mga kasama natin dito sa bahay."

I pouted. "E, bakit ba kasi hindi niyo ako sinasagot? Sobra na nga akong nag-alala, e."

"I'm sorry, sweetheart." hinging paumanhin ni Daddy.
"Napahimbing ang tulog ko kaya hindi ko narinig ang mga katok mo."

"O siya," sabad ni Lolo Gaudencio. "Maiwan na muna namin kayong mag-ama." paalam niya sa amin bago inakay ang tatlo. "Halina kayo."

Huminga ako ng malalim bago iniyakap ang mga braso ko sa leeg ni Daddy at ipinatong ang baba ko sa balikat niya.

"Don't do that again, Daddy. Kung matutulog kayo, please, huwag namang sa ganoong posisyon. Nakakakilabot."

Marahan siyang tumawa at hinaplos ang likod ko. "Anak, hindi ko naman sinasadya 'yon at malay ko bang napakalikot pala ng imahinasyon ng aking prinsesa?"

Sumimangot ako bago tumitig sa kaniya. "Hindi naman malikot. Kung nakita niyo lang sana ang itsura niyo kanina."

"Anak, hindi pa ako mamamatay kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, okay?"

Tumango nalang ako, "Okay po." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at umayos ng upo sa tabi niya. "How are you, Dad?" I asked, seriously.

"Pareho naman tayong nakatira sa iisang bubong, hija, bakit ganiyan ang - "

"Gusto kong malaman kung kumusta ka na, Dad. I mean, after everything that happened - "

"Still coping up but i'm fine, Miracle."

Nagyuko ako ng ulo, "I'm so sorry, Daddy. It was all my fault kasi hindi ko ginawa ang gusto ng Lolo ni Saiyan."

"Alam ko ang lahat ng tungkol sa mga kondisyones niya. Your mom told me about it kaya galit na galit ako sa matandang 'yon at kung hindi ko lang kayo iniisip, - "

"Daddy, huwag niyo pong daanin sa dahas ha?" Putol ko sa kaniya sa pangambang baka kung anong gawin niya do'n sa matandang Almonte. "Puwede kang magpa-imbestiga at kung mapatunayan niyong may kasalanan si Sir Ben, kasuhan niyo basta 'wag niyong dudumihan ang mga kamay niyo, Dad." Malumanay at tila nakikiusap kong sabi.

"Alam mo, anak," huminga siya ng malalim at malungkot na ngumiti sa 'kin. "Mahal na mahal ko ang kompanyang 'yun dahil kalahati ng buhay ko ay doon ko iginugol pero nu'ng matagpuan ka ulit namin," napailing siya. "Natanto kong ang mga anak ko- ang pamilya natin ang mas higit na mahalaga sa 'kin kaya masaya akong hindi mo sinunod si Benedicto at least you chose love."

"Pero hindi basta-bastang halaga ang nawala sa inyo, Dad."

"It's okay. Hindi ko matanggap nu'ng una pero ngayon, unti-unti na akong bumabalik sa dati kaya ikaw," hinila niya ako palapit sa kaniya para akbayan. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana ang mga Kuya kong mahilig umakbay. "Bawasan ang pag-aalala mo sa 'kin, okay? Hindi pa ako mawawala kasi babantayan pa kita. Gusto ko pa kayong sabitan ng medalya sa graduation niyong magkakapatid, Gusto pa kitang isayaw sa debut mo, gusto ko pa kayong makitang tatlo habang pinu-pursue ang mga dreams ninyo hanggang sa ikasal kayo, at magkaroon ng kaniya-kaniyang pamilya and lastly, gusto ko pang makipaghabulan sa mga magiging apo namin ng Mommy niyo sa inyo." Nakangiting sabi ni Daddy.

"Dad, parang pang-bucket list na po 'yang sinasabi mo, e." Nakangusong sabi ko. "Saka apo ba ang gusto niyo? Hmm, ibibigay po nina Kuya Grover at Kuya Hopper 'yan in the near future."

"E, bakit ikaw? Wala ka bang planong bigyan ako ng apo? Kahit isang dosena lang - "

"Dad!" saway ko sa kaniya. "Tinatawag mo akong prinsesa pero ang tingin mo pala sa 'kin ay isang inahing baboy? Daddy, talaga."

Marahan siyang natawa at saka pinisil ang kanang pisngi ko. "Biro lang, anak." He planted a gentle kiss on my temple and looked me in the eyes intently. "But always remember how much I care for you, alright? Gusto kong pagdating mo sa tamang edad ay isipin mo palagi ang ikakabuti mo dahil kapag nasaktan ka, kami ng Mommy mo ang higit na masasaktan dahil anak ka namin at mahal na mahal ka namin."

Ngumuso ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib ni Daddy. "I love you, Dad." I said, barely a whisper. "Pero alam mo po, 'yung dating ako, 'yung nakilala niyo bilang Sigrid, ayaw na ayaw niya ng madramang buhay katulad ng buhay ko ngayon bilang si AM na." sabi ko saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Pero noon po 'yon kasi ngayon, tanggap ko na pong kasama ang drama kapag malaki na ang pamilya katulad sa family natin."

My father smiled at me and asked, "Hindi ka ba nagsisising kami ang naging pamilya mo? I mean, we can give you everything when it comes to material things. We can also give you the love, and support, but we can't promise to give you a peaceful life like you used to, when you lived a simple life with your Lolo Gaudencio and Lola Maurita. Naging marangya nga ang buhay mo ngayon pero medyo naging magulo naman dahil sa mga problemang kinakaharap natin." Mahabang litanya ni Dad.

Napaisip naman ako sandali pero kaagad ding ngumiti ng ubod ng lapad. "No, Dad. Hindi ako nagsisisi. At least po ngayon marami na akong karamay kapag dinadapuan ako ng problema. Marami na ring nag-aalaga sa 'kin kapag nagkakasakit ako kaya hindi, Dad. Hinding-hindi ko po pagsisisihan ang maging parte ng Vizconde Squad." Nakangiting sabi ko.

"Talaga?" He asked and I just nods my head. "If that so, then who's your favorite among the Vizconde Squad?" Pilyong tanong ni Daddy na ikinabungisngis ko.

"Okay, Dad, ibubulong ko sa 'yo kasi sikreto lang natin 'to dapat." I said and winked at him naughtily. "You're my favorite, Dad."

He chuckled as he messed up my hair. "That's Daddy's princess." Sambit niya bago ako binuhat na ikinatili ko. "Nagugutom ako kaya tutulungan mo akong magluto. Ayos?"

"Ayos na ayos, Boss chef!" I exclaimed happily then giggled.

At least ngayon panatag na ang loob kong hindi gagawa ng step si Dad na ikakapahamak niya. Kampante na rin akong hindi mapapahamak si Sir Ben kahit ang sama ng ginawa niya sa pamilya ko.

Puwede na rin kayang bitawan ni Saiyan ngayon si Melody?

.
.
.
KENSHI'S POV :

DUMAAN pa ako ng convenience store kanina para ipamili ang mga bata ng mga kailangan nila for the whole week dahil hindi naman ako araw-araw dumadalaw sa kanila.

"'Ya, pakikuha 'yung mga grocery bags sa trunk ng kotse." utos ko sa Yaya ng mga bata na si Anna dahil hindi ko naman mabitbit lahat ng sabay.

"Sige, Sir."

Magtatanghali na rin akong nakarating dito kasi si Mommy naghihinala na kaya kailangan ko munang takasan siya lalo na't pakiramdam ko nakamasid siya sa bawat galaw ko. Baka sundan pa ako.

"Raf? Mics?" Tawag ko sa dalawa.

Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng silid nilang dalawa at tumambad ang magkapatid na parehong nagtakbuhan papunta sa 'kin nang makita ako.

"Yeyy! Tatay!" Hiyaw ni Rafael na yumakap sa kanang hita ko. "Tatay!!"

"Tatay, bakit ngayon ka lang?" Mica asked. "Kanina ka pa po namin hinihintay, e."

Niyuko ko ang dalawa, "Hinintay niyo ako? Bakit?"

"Ah, nagsimba po kasi kaming tatlo nina Yaya kaya isasama ka po sana namin pero hindi ka kaagad dumating." paliwanag ni Mica.

"Uhm," nagpatangu-tango ako. "Mabuti naman at nagsimba kayo. Don't worry," umayos ako ng tayo. "Sa susunod si Nanay April ang yayayain nating magsimba. Ayos ba 'yon?"

"Ayos!" They exclaimed simultaneously making me chuckled.

"Ayos." natatawang ulit ko bago sinalubong ang Yaya nilang may bitbit ng mga grocery bags. "Salamat. Wala na bang naiwan sa kotse?" Tanong ko bago naglakad patungong kusina.

"Wala na po, Sir."

Bumalik ako ng sala, "Okay. Paki-ayos nalang ng mga pinamili ko, 'Ya." Utos ko kay Anna at saka ako namewang sa harapan ng mga bata. "Buksan niyo na 'yang mga 'yan," Turo ko sa mga shopping bags na galing kay AM. "Galing kay Nanay 'yang mga 'yan." nakangiting imporma ko sa kanila na agad nagdagdag ng ningning sa mga mata nila.

"Bakit hindi niyo po kasama si Nanay?" Tanong ni Rafael.

"Sa susunod na linggo nalang daw niya kayo bibisitahin but don't be sad kasi nandito naman - "

*Tok! Tok! Tok! Tok!*

Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa sunud-sunod na katok na 'yon sa pintuan.

I looked at the kids and frowned, "May pumupunta bang bisita rito sa inyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Wala po, Tatay." Mica replied.

"Yaya Anna," Tawag ko kay Anna na abala sa pag-aayos sa kusina. "may inaasahan ka bang bisita ngayon?" Tanong ko.

"Sir, wala naman po."

*Tok! Tok! Tok!*

Hindi pa rin umaalis 'yung tao sa labas kaya sinenyasan ko na si Anna na ako na ang titingin.

"Dito lang kayo." Bilin ko sa dalawang bata bago ko tinungo ang pintuan. "Sino po-Mommy?!" Pakiramdam ko luluwa na ang eyeballs ko dahil sa panlalaki ng mga mata ko pagkakita ko kay Mommy Vera. "Mom, anong ginagawa mo rito?"

Umiling siya at tumagos ang tingin niya sa likuran ko. "Ako ang dapat magtanong sa 'yo niyan, hijo. Anong ginagawa mo sa bahay na ito?" seryoso niyang tanong.

"Mom, halika na. Umuwi na - "

"Kenshi Guttierez." Banggit niya sa buo kong pangalan.

Napalunok ako. Minsan lang niyang banggitin ang buong pangalan ko at 'yun ay kapag paubos O ubos na ang pasensiya niya.

"Anong ginagawa mo sa bahay na 'to?" Muli niyang tanong.

"Mom, wala. Umuwi nalang tayo - "

"Magtigil ka, Kenshi."

"Mom!" Sinubukan ko siyang pigilin pero siya na mismo ang nag-welcome sa sarili niya sa pamamahay na 'to.

"Tatay, sino po siya?" inosenteng tanong ni Mica sa 'kin habang nakatitig kay Mommy.

Oh, god! Help me, please.

"Anong ibig sabihin nito, Kenshi?" My mom asked. Halata ring nagpipigil siya ng galit. "Anong ibig sabihin nito?!" Sigaw niya sa 'kin habang nakaturo sa dalawang bata.

"Yaya, ipasok mo ang mga bata sa silid, bilis."

"Opo, Sir." Dali-daling inakay ni Anna papasok ng silid ang dalawang bata at bakas na ang takot sa mga mukha nila na malamang ay dahil sa pagsigaw ni Mommy.

"Naghihintay ako ng paliwanag, Kenshi."

Iminuwestra ko ang sofa kay Mommy, "Maupo ka muna - "

"Magsalita ka. Gusto kong marinig ang paliwanag mo at gusto kong simulan mo sa kung sino ang ina ng mga anak mo."

Hindi ko alam kung matatawa ako o kakabahan. Napasapo nalang ako sa nuo ko. "First of all, hindi ko sila mga anak kaya wala akong dapat ikuwento sa inyong tungkol sa kanilang ina." Sabi ko na nagpakunot ng nuo ni Mommy. "Have a sit, please. Ikukuwento ko po sa inyo ang tungkol sa dalawang bata."

"Just make sure that they are not your children, Kenshi, dahil masiyado ka pang bata para sa mabigat na responsibilidad, hijo."

I grimaced. "Mom, I'm only 18 and that little girl is only 6. Malabong ako ang kaniyang ama, okay? So please, calm down."

"Okay. Makikinig ako."

Napabuga ako ng hangin bago nagsalita para ilahad ang buong kuwento kay Mommy sa kung paano ko nakilala ang dalawang bata at ang tungkol sa pagkupkop ko sa kanila na dahilan kung bakit Tatay ang naging tawag nila sa 'kin.

"Oh, son." niyakap akong bigla ni Mommy matapos kong sabihin ang lahat sa kaniya. "You just made me the happiest mom in the universe right now. You've changed a lot and transformed into a responsible man now and I am so proud of you, anak. I'm sorry kung agad kitang hinusgahan. Kinabahan lang ako na baka- "

"Mom," I cut her off. "It's okay. I understand." sabi ko bago kumawala sa pagkakayakap niya sa 'kin.

"I love you, Anak."

"I love you, too, mom."

Tumitig siya sa pintuang pinasukan ng tatlo kanina. "Gusto kong iuwi natin sila sa mansion, Kenshi. Doon mas maaalagaan natin sila at para magawan ko rin ng paraan ang pagpasok nila sa school sa susunod na taon, Anak. Kawawa naman sila."

Tumango ako. "Thanks, mom."

Kung iyon ang makabubuti sa magkapatid, why not? Gusto ko rin namang gumanda ang buhay nila pagdating ng panahon -kagaya ko. Gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil hindi ko na sila kailangan pang itago ngayon. Pare-pareho na kaming makakagalaw ng malaya.

◇◇◆◇◇

TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
255K 11.1K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
The Cold Guy By

Teen Fiction

60.3K 1.3K 66
What if you meet the man of your dreams? What if he wants someone else? What will heal you? Are you going to try again or just back off?
188K 7.4K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...