Always Have, Always Will: In...

Af amedrops

240K 1.7K 689

(COMPLETED) Si Chace ay childhood friend at first love ni Nathalie pero simula nung nalaman ng dalawa na ipin... Mere

-Prologue-
-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-
-Thirty Seven-
-Thirty Eight-
-Thirty Nine-
-Forty-
-Forty One-
-Forty Two-
-Forty Three-
-Forty Four-
-Forty Five-
-Forty Six-
-Forty Seven-
-Forty Eight-
-Forty Nine-
-Fifty-
-Fifty One-
-Fifty Two-
-Fifty Three-
-Fifty Four-
-Fifty Five-
-Fifty Six-
-Fifty Seven-
-Fifty Eight-
-Fifty Nine-
-Sixty-
-Sixty One-
-Sixty Two-
-Sixty Three-
-Sixty Four-
-Sixty Five-
-Sixty Six-
-Sixty Seven-
-Sixty Eight-
-Sixty Nine-
-Seventy One-
-Seventy Two-
-Seventy Three-
-Seventy Four-
-Epilogue-
-Author's Message/ AHAW Book2-

-Seventy-

2.5K 15 8
Af amedrops

Chapter 70

December 20, Thursday

Chace’s Point of View

Peste. Pucha. Tangna. Lahat na. Bakit ganito ito? Ang tagal nang natanggal nung lintek na sementong iyon! Bakit hindi ko pa rin magamit ng maayos! Takteng ito. Kanina ko pa ito pinapadaan sa piano nila Nathalie pero hindi ko magamit ng maayos. Nakakasura. Putulin ko nalang kaya? Walang silbi! Peste. Okay na nga na sa kanan ko nalang gagawin ang pagsusulat at pagguhit pero paano naman ang pagtugtog? Hindi ko ata kaya na wala iyon. Importante din iyon sa akin.

“Chace...”

“Nathalie, wala talaga eh...”

“Konti pa. Kahit simpleng exercises muna. Diba nga sabi mo, little by little...”

Yun nga ang sabi ko pero ewan ko. Nakakasura ito. Hinawakan ko ulit yung piano keys. Nangangatog. Bakit ba kasi ganito ito? Hindi ko alam kung anong exercise ang gusto nitong kamay na ito. Ang landi. Pakshet lang. Bwiset!

Nagulat ako nung biglang hawakan ni Nathalie yung kamay ko. Magkatabi kami ngayon sa piano stool. Gina-guide niya kasi ako. Nanlaki ang mata ko at may kung ano akong naramdaman. Para akong kinukuryente na parang ewan.

“Ganito oh... dahan-dahan lang kasi. Atat ka pala.”

Napatingin nalang ako. Nakikita ko ang gilid ng mukha niya. Napalunok nalang ako. Bakit ganito? Te-teka. Magpigil. Hinde. Kinakabahan lang talaga ako. Takteng iyan. Iba talaga epekto nitong babaeng ito sa akin. Iba talaga. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Kasalanan ito nung Ramos na iyon! Pumayag siya eh. Bahala siya. Hayan tuloy.

Mahal ko talaga itong babaeng ito...

Kahit ano pa ang gawin ko...

Venedict’s Point of View

“Manang, nandyan po ba si Nathalie?”

Parang ang tagal ko nang hindi nakapunta dito. Naisipan kong sumilip muna dito para naman makita ko siya. Tagal na nung huling punta ko dito. Eh bakasyon naman kaya hindi ako busy. Kamusta na kaya yung sinasabi nilang sessions? May progress ba? Kung meron... itigil na. Joke.

“Nasa itaas po. Tatawagin ko po ba?”

“Hindi na. Ako nalang pupunta dun.”

“Sige po.”

Ngumiti ako kay manang at umakyat na ako. Pagtapat ko sa kwarto ni Nathalie... medyo nakabukas yung pintuan... kita ko yung loob. Ang laki ng kwarto niya pero ang una mong makikita ay yung parang sala sa loob kung saan nandun yung piano niya.

Tumambad sa akin ang pigura nilang dalawa na magkatabi doon sa may piano. Nadidinig ko ang tinutugtog nila. Ang sarap pakinggan sa tenga. Ang ganda. Ganito pala ang nangyayari kapag nagsama ang talento nilang dalawa. Nakakataas ng balahibo. Pero parang nabasag ang lahat nang makita ko ang kamay nilang dalawa... nakahawak si Nathalie sa kamay ni Chace. Bakit ganun? Alam kong walang malisya doon pero bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit? Bakit?

Nakakaramdam ako ng matinding selos. Sa totoo lang, nagseselos ako... simula pa noong nagsimulang mag-alala ni Nathalie para kay Chace. Makasarili ang iniisip ko pero hindi ko mapigilan. Tao lang naman ako at hindi santo. Nagseselos rin naman ako kahit sa mga simpleng mga bagay. At nung nakita ko kung ano ang kaganapan sa loob, parang na-summarize lahat ng selos na naramdaman ko. Ganun pala ang mga nangyayari sa so-called session nila. Naasar lang ako na hindi maintindihan. Dapat papasok ako at manggugulo pero napag-isipan kong huwag nalang pala. Naiinis ako. Isinara ko nang marahan yung pinto. Siguro naman ay walang makakarinig sa kanilang dalawa nun kasi babad sila sa tunog na nilikha nila.

Bumaba ako at sumakay na sasakyan. Hindi na ako nagpaalam kay manang. Wala naman kasi siya noong bumaba ako. Bahala na siya kung sasabihin niyang pumunta ako kay Nathalie. Bahala na talaga. Bukas ko nalang siya kakausapin ulit... sa monthsary namin. Baka kasi kapag ngayon, mga hindi matinong salita ang mabibitawan ko. Baka madala ako sa selos ko. Pero nasasaktan ako.

Pwede bang ipatigil na iyang pagtulong na iyan? Nakakaselos talaga eh. Bakit ba kasi ako pumayag? Isa rin talaga akong tanga’t kalahati. Kuh. Makauwi na nga. Bukas nalang.

December 21, Friday

Nathalie’s Point of View

Ohmygad! Bakit ang traffic! Bakit ngayon pa? Anong meron? Nakakainis!

“Kuya, bakit traffic?”

Tanong ko dun sa driver namin. Nakakainis. Hindi naman ganito ka-traffic dito ah. Anong meron sa 21? Bakit kailangan makisabay pa ang traffic na iyan kung kailan kailangan kong makarating ng maaga sa park. Hindi ko kasi siya pwedeng lakarin. Ang layo masyado at baka masira ang heels ng sapatos ko kung tatangkain kong lakarin lang iyon.

“May nabuwal po kasing poste, ma’am.”

Hala! Bakit ngayon pa nabuwal yung poste na iyon? Hindi ba pwedeng hindi nalang siya nabuwal at nagpakatatag nalang siya doon?

“Kuya, matagal pa ba talaga iyon?”

“Hindi ko po masasabi, Miss Nathalie... pasensya na na po.”

“Okay lang kuya.”

Okay lang talaga. Hindi naman kasi kasalanan iyon ni kuya. Pero kasi naman, yung poste na iyon! Nako po.

Tumingin ako sa wristwatch ko. Hala. 7:30 na! 7 ang usapan namin ni Vene. Nako. Hindi pa siya nagtetext. Lagot! Teka. Nakita ko yung phone. Shocks. Walang signal. Ibig sabihin niyan, kahit anong gawin kong alog sa phone ko, wala akong matatanggap na kahit ano at hindi rin ako makakapagtext. Hala. Baka magalit iyon! Oh em. No choice na ako.

“Kuya, ingat ka pag-uwi ah...”

“Miss?”

“I’ll run. See you!”

Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan at pumunta ako dun sa sidewalk para doon tumakbo. Sa aking pagtakbo, napansin ko na hindi talaga gumagalaw yung mga sasakyan at sa di kalayuan ay nakita ko ang nabuwal na poste. Mabuti naman at walang nadaganan na sasakyan.

Hingal na hingal ako nung nakarating ako doon sa park na meeting place namin ni Vene. Grabe naman ang oras. Hala talaga. Kailangan kong lumuhod. Nahihiya ako kay Vene. Ang tagal ko siyang pinaghintay. Ang tagal talaga. Nakita ko siya na nakaupo doon sa isang bench. Nilapitan ko siya. Hindi ko na pinansin ang tumatagaktak kong pawis. At least, nakarating ako. Masaya na ako dun.

“Vene, sorry.”

“SAAN KA BA NANGGALING?!”

Nabigla ako. Su-sumigaw siya. Ibig sabihin, galit siya?

“Ve-vene, so-sorry. May nabuwal kasing poste at--------“

“Tsk. Excuses. Wala akong panahon makinig sa ganyan.”

Hindi niya pinatapos yung mga sinasabi ko. Gusto kong maiyak. Si Vene ba talaga ang kaharap ko ngayon? Bakit parang ibang tao? Hindi naman siya ganyan. Bakit? Anong nangyayari? Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero hindi naman niya ako binibigyan ng chace na makapagsalita.

“Vene, sorry hindi ko sinasadya. Hindi ko ineexpect na matatrapik ako.”

“Alam mo. I really hate excuses! Hanggang kailan ba na ako lagi ang iintindi sa sitwasyon? HA?! SABIHIN MO NGA!”

Ba-bakit? Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan ang nais niyang sabihin. Bakit? Bakit? Bakit? Maraming bakit.

“Ve-vene...”

“Sawang-sawa na ako.”

May nagawa ba akong mali? Hindi ko talaga maintindihan. Namalayan ko nalang na tumutulo na ang luha ko at nababasa na ang pisngi ko.

“Ve-vene...”

Hindi siya nagsasalit. Tinalikuran niya ako at naglakad papalayo. Iiwanan niya ako?

“Ve-vene... SANDALI LANG!!”

Hindi niya ako pinapakinggan. Hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Para akong napako na doon. Nawala na lang bigla ang pigura niya. Nakaalis na siya ng tuluyan.

I did not expect that this kind of situation will happen to us. I thought everything was going smoothly. I thought everything was alright. What did I do wrong? What? I really don’t get it.

Pinapaalam ko naman sa kanya ang lahat-lahat. Wala akong tinitira na hindi sinasabi. Hindi ako naglilihim sa kanya. Ipinanagpapaalam ko naman sa kanya lahat. Bakit parang sa isang iglap ay naging ganun nalang siya bigla? Bakit ganun?

Napaupo ako doon sa bench. Bigla akong nanghina sa nangyari. Hindi ko ito inaasahan. Parang nanlalabo ang paningin ko na hindi ko maintindihan pero dulot na rin siguro ito ng pag-iyak ko. Parang walang katapusan ang luha ko. Ayaw tumigil. Patuloy lang ito sa pagtulo. Hindi ko na ito pinagtangkaang punasan dahil alam kong hindi naman ito matutuyo nang ganun-ganun lang.

Akala ko magiging okay ang lahat ngayon.

Pero hindi naman pala.

Pero sabi ng nila, mahirap maging perpekto ang lahat. Walang perpekto sa mundong ibabaw na ito. Imposible talaga iyong abutin.

Hay. Ayaw pa rin tumigil ng luha ko. Bigla ko nalang naramdaman ang buhos ng ulan. Great. Just great. Sinasabayan ba ako ng kalangitan? Timing na timing. Pero okay na ito, at least walang makakahalata na umiyak ako. Mapagkakamalan lang akong baliw kasi sino ba naman ang nasa matinong isip na magpapaulan habang nakaupo. Pero ayos na rin.

Mapagkamalan nalang akong baliw.

To be continued~

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

716K 13.2K 91
Saito Saga, He was famous known as Black Heart. All the people believe that he has no heart. When he was eight years old, he killed his own family...
441K 7.2K 61
Paano ba makipagkaiban kung langit at lupa ang pagitan? Wala itong malditang nanay, wala rin itong bigayan ng pera para lumayo sa anak. Ito ay istory...
349K 4.6K 18
Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate crush na si Leigh Hudson. Grade 3 pa lan...
1K 167 21
Dreams are not meant to happen in reality. Iniisip ng iba na kabaliktaran ito ng mangyayari sa hinaharap. May iba ring nagsasabi na isa itong pangita...