DOLLHOUSE

By -SHEENA-

7.4M 375K 958K

Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all so... More

DOLLHOUSE
The Trailer
Warning
Warning Part 2
The News
The Dolls
The Invitation
The Application
The Start
Dollhouse 001
Dollhouse 002
Dollhouse 003
Dollhouse 004
Dollhouse 005
Dollhouse 006
Dollhouse 007
Dollhouse 008
Dollhouse 009
Dollhouse 010
Dollhouse 011
Dollhouse 012
Dollhouse 013
Dollhouse 014
Dollhouse 015
Dollhouse 016
Dollhouse 017
Dollhouse 018
Dollhouse 019
Dollhouse 020
Dollhouse 021
Dollhouse 022
Dollhouse 023
Dollhouse 024
Dollhouse 025
Dollhouse 026
Dollhouse 027
Dollhouse 028
Dollhouse 029
Dollhouse 030
Dollhouse 031
Dollhouse 032
Dollhouse 033
Dollhouse 034
Dollhouse 035
Dollhouse 036
Dollhouse 037
Dollhouse 038
Dollhouse 039
Dollhouse 040
Dollhouse 041
Dollhouse 042
Dollhouse 043
Dollhouse 044
Dollhouse 045
Dollhouse 046
Dollhouse 047
Dollhouse 048
Dollhouse 049
Dollhouse 050
Dollhouse 051
Dollhouse 052
Dollhouse 053
Dollhouse 054
Dollhouse 055
Dollhouse 056
Dollhouse 057
Dollhouse 058
Dollhouse 059
Dollhouse 060
Dollhouse 061
Dollhouse 062
Dollhouse 063
Dollhouse 064
Dollhouse 065
Dollhouse 066
Dollhouse 067
Dollhouse 068
Dollhouse 069
Dollhouse 070
Dollhouse 071
Dollhouse 072
Dollhouse 073
Dollhouse 074
Dollhouse 075
Dollhouse 076
Dollhouse 077
Author's Note | Story Feedback Section
The Published Book

Dollhouse 078

129K 6.2K 39.9K
By -SHEENA-

  
 
EPILOGUE

Seryoso siyang humithit at bumuga ng usok habang pinapanood ang mga tao niyang maglinis ng mga bangkay dahil sa kakatapos lang na laro. Blood is everywhere again. His new carpets were stained with fresh blood. Nakakalat sa lugar ang iba't-ibang parte ng katawan. Irita niyang sinipa ang naliligaw na ulo na tila nakatingin sa kanya.


"Tsk."

Sa likod niya ay ang tao niya na tinatahi ang likod niyang hiniwa ng bagong nanalo. Naagos ang dugo niya sa likod pababa sa kanyang itim na pantalon. Nagkatinginan ang dalawang tao niya na nagtatahi. He's bleeding really bad.

"Peter, ayaw mo ng anesthesia?" tanong ng tao niya.

Umiling siya.

"Tuloy mo lang," sagot niya saka binato ang upos ng sigarilyo na agad din dinampot ng mga tao niyang naglilinis ng madumi at duguang bahay. Ang kalat ng paligid. Naiirita ang mata niya. Ayaw na niya ng bahay na 'to. Gusto na ulit niya ng bago.

"Bakit mo inubos ang manlalaro? Ang sabi mo bubuhayin mo sila? Bakit mo pinatay lahat?" tanong ng bagong dating, ang lalaking may suot ng maskarang panakot sa mga uwak.

"Gusto ko lang," tipid niyang sagot.

Napansin ng kausap niya ang pagtahi ng kanyang mga tao sa kanyang likod na nagdudugo. Napatango na lang ito. Mukhang napuno na naman si Pedro. Lagi na lang siyang sinasaksak sa likod ng mga taong gusto niyang tulungan.

"Sunugin lahat ng katawan. Gawin niyong abo. Ayoko ng kalat," asar niyang utos saka pumikit. He's been awake for almost a month because of the latest game. Dalawang oras lang ang kadalasan niyang tulog kakabantay ng mga naglalaro. The game was fun.  Everyone's dead. Yup. He definitely enjoyed it.

"May binatang dumating. Baka gusto mo tulungan," pagpapaalam ng lalaking nakamaskara sa kanya.

Not again, he thought.

"Matutuwa ba ko diyan?"

"I don't know. He just showed me a lot of pictures."

Napangiwi siya, "Pictures? Aanhin ko 'yon?"

Nakipagkita siya sa sinasabing binata na bagong dating. Naguluhan siya nang makita ang itsura nito na parang walang tulog gaya niya. Lubog ang mga mata nito at nangingitim dahil sa puyat. May dala itong bag na itim. Napatayo ang binata nang makita siyang pumasok sa kwarto na tanging isang mesa, isang ilaw, at dalawang upuan lang ang makikita.

"Ikaw po si---"

"Oo, ako ang hinahanap mo. Oo, nakakagulat kasi hindi ako matanda. Oo, ako ang may-ari ng mga bahay. Oo, ako ang pakay mo," tuloy-tuloy niyang sabi saka umupo sa tapat ng binata.

He receives the same reaction every single time. Hindi niya maintindihan kung bakit laging kinu-kwestyon ang identidad niya. May mga iba pa na hindi talaga naniniwala. Akala ng karamihan ay matanda na siya dahil sa balitang ilang taon na niya 'tong ginagawa. Ang problema, hindi nila natanong sa sarili kung anong edad ba talaga siya nagsimula.

Nilatag ng bisita sa harap niya ang mga litrato. Burning house, old man, two teenagers running, a short-haired girl smiling, broken skull, strange girl peeking outside the room, a random rated video and a hundred pictures more. He can sense that it's a case about a group of friends. Isa ang binatang kausap niya ngayon sa grupo kaya nagtataka siya.

"What happened?" he asked.

"They... messed up... really bad."

Tears are falling from the kid and he hates it.

Umayos siya ng upo. "I'm listening. Tell me about it"

Hindi makasagot ang binata sa harap niya. Tila nagdadalawang isip kung bakit siguro pinuntahan siya. Napasandal siya sa upuan at tahimik na naghintay. Ramdam niyang nag-a-alangan magkwento ang kahrap niya. Ayaw niyang mabitin. Seryoso niyang tiningnan ang binatang nasa harap niya saka nagsalita.

"I need information before I let someone in my house and before my people investigate this further. Tell me, what happened to your friends?"
  

   
. . . . . . . . . .
  
 

Napabuga siya ng hangin. Kakaalis lang ng bisita pagkatapos ng ilang oras nilang pag-uusap. Naiwan siyang mag-isa kasama ang bag ng bisita na iniwan para sa kanya. Iniwan sa kanya lahat ng mga litrato pati ang detalye ng kwento.

He heard the story.

"Mess," that's how he describe it.

He finally decided.

He will take the teenagers inside.

He will play with them.

Pinatunog niya ang kanyang mga buto sa kamao. Seryoso ang kanyang mukha habang ini-isa ang mga litrato at habang nilalagyan ng pangalan ang mga mukha ng mga bagong papasok sa kanyang bahay.

Ten teenagers are going inside his house and he wants to dig deeper about what happened. He listed the names in alphabetical order. He tried to label the names according to the details that were provided to him so that he could memorize them easily.

He listed the names with pictures and labeled it like a character in games.

. . . . . . . . . .

DOLLHOUSE – DECIM
Story: DECAGON

Alpha Magnus  - "The Controlled Leader"

Babe Alcaraz  -"The Crying Villain"

Claude Benson - "The Lone Lover"

Dorothy Leyva - "The Arsonist"

Echo Avraham - "The Group's Snitch"

Flame Decarli - "The Impulsive Seeker"

Gunner Vignaux - "The Broken Fighter"

Hera Andreada - "The Keeper of Truth"

Ichiro Nakahana - "The Group's Stalker"

Java Lucifani - "The Reckless Mastermind"

. . . . . . . . . . .
  

"It fucking sounds so weird," natatawa niyang sabi sa sarili sa pinagsusulat niya.

Pumili rin siya ng sampung litrato para ikonekta sa sampu. Ilang oras siyang namili sa sobrang dami ng litrato. He noted the details again in his book.

. . . . . . . . .
 


 

THE TEN PICTURES

1.  The Viral Video – F

2. The Dead Girl – C

3. The Broken Skull – A

4. The Professor – J

5. The Burnt House – D

6. The Stalker's Camera – I

7. The Running Silhouettes – G

8. The Peeking Lady – H

9. The Faceless Baby – B

10. The Empty Picture – E

  
. . . . . . . .

  
 
Umunat siya saka tiningnan ang ginagawa niya.

"This will be good," bulong niya saka tumayo at pinagdidikit ang mga litrato sa kanyang malaking board. Gamit ang pulang sinulid ay pinagkone-konekta niya ang mga litrato at kwento.

"He will create a house again?"

"Probably," sagot ng lalaking naka-maskara ng panakot sa uwak habang pinapanood nila si Pedro na gumuguhit na naman ng mga laro at disenyo ng kanyang bagong bahay.

"Prepare everyone. He will create a new dollhouse."

   
  . . . . . . . . . .
 


 

"What's the payment of this request?"

"What do you mean?" Peter asked the girl wearing a chick mask while he's typing information in his laptop.

"We know you. Lagi kang nanghihingi ng kapalit."

"Ahh," tumango siya habang ang mata ay nakatuon pa rin sa screen at sa tinatype niya.

"This edition will be broadcasted. Pinaka-unang laro na ikakalat ko sa lahat. The teenager's case is also about a viral video that raised massive false information that caused unnecessary deaths. Might as well make the broadcast viral too so that everyone could witness the danger of impulsive actions and spreading unconfirmed details."

Napa-tsk ang babae. "Pero makikilala ka nila!"

"Nah. We can wear mask. I can just simply blur my face too. It's easy," sagot niya. His identity needs to be hidden. He has a lot of stories and case to play with. He doesn't want anyone chasing him in case he's investigating in public.

Napatigil siya sa nabasang detalye.

Nanlisik ang kanyang mata saka sinigurado kung tama ang nabasa.

"Someone's birthday is near. Friday the 13th. Damn," bulong niya saka napangiti.

"Call the boy. I have a plan," utos niya at masayang sumunod ang babae sa kanya. They're gonna watch new dolls play again. She's excited.

  
 
. . . . . . . . . . .

 
 
He made the broadcast viral just like what he planned. Everyone downloaded his app and shared his posts. Almost everything is prepared. The teenagers are already inside the house but still sleeping. He's just finishing the designs for his game interface.

"Kuya, gamit ka emoticons para po cute," sabi ng batang nasa tabi niya at nainom ng chocolate drink.

Dumadami ang bata sa mga bahay niya. Dumadami ang batang iniwan ng iresponsableng mga ina at ama.

Pinunasan niya ang sipon ng bata na kanina pa nanonood sa ginagawa niya. "What's an emoticon?"

"Like this!"

Pinakita ng bata ang sinasabi nito. Pumayag na lang siya kasi mahina siya pagdating sa bata. Tiningnan niya ang sinasabi ng bata at dinagdag sa laro niya.

Aside from that, he also decided to add live comments feature because: First, he wants to witness how diverse everyone's mind. Second, he wants to check if someone will give a shit and track the teenagers' location. Third, he wants to collect more unsolved and strangest cases. Lastly, he wants to track potential new dolls in his house.

  
 
. . . . . . . . .

  
 
Dollhouse finally started.

He activated all the cameras.

Everyone's now watching.

He started waking up the new dolls in his house one by one. He started with the mastermind of the professor's death named Java, followed by the other two killers, Alpha and Gunner. Then, he woke up Babe after the three.

"Ang sarap pumatay," sabi ni Gunner at natawa siya.

"Shhh," Java silenced her friend.

Nagtulug-tulugan si Alpha dahil sa narinig at napansin 'yon ni Peter. Natatawa siyang napailing habang pinapanood ang mga bagong bisita ng bahay.

Maya-maya pa ay nagising na rin si Hera. Nagulat siya dahil maraming alam ito sa kanya pati na rin si Alpha. "Peter can see us right now and he's always watching. He was a famous puppeteer and he craved for more fun so he decided to control people. He owns this mansion that he calls dollhouse and sooner... he will control us like his dolls, too."

"Impressive," he commented.

The rest woke up one by one.

Dorothy pointed the keys. Alpha saw the inside of the locket and Peter saw how the leader paled because of it. "That's it. Embrace the fear of losing her in this game," he whispered, hoping his plan would be effective.

He enjoyed watching them. He witnessed how Echo tried to act unaware of what happened.

"Where's my gas mask?" tanong niya sa mga tao niya.

"Huwag ka na pumasok. Magpadala ka na lang ng tao mo sa loob. Baka madulas ka kapag pumunta ka sa loob. Mausok pa naman!" reklamo sa kanya ng tao niya.

Puro carpet ang bedroom.

Kinalat pa ni Ichiro ang iba noong naghahanap ng susi.

"Shit," bulong niya.

"I can handle it!" dagdag niya pagkatapos mag-isip.

Pumasok siya at pinuntirya si Java. Mausok sa loob. May pampatulog ito kaya iningatan niya ang maskara niya. Nagtatago sa ilalim ng kumot ang mga bisita niya maliban kay Java na tinanggal niya ang kumot. Hinila pa siya ni Ichiro, mabuti na lang ay mas mabilis siya at nasipa kaagad ang nanggulo sa carpet niya.

"Do you know who's the sinner? I will give you my mask if you can name one," udyok niya kay Java pero umiling lang ito. Natawa siya. Mukhang magtatakipan ng butas ang mga magkakaibigan sa bahay niya. "Too bad. You had the chance to escape, Java. You just need to name one killer in this group.

Sa unang araw ay inilabas na niya ang sampung litrato.

He saw how everyone lied and tried to connect the pictures.

"Babe lied about the fourth picture," bulong niya. "Alpha destroyed the peeking girl picture. Damn. He's suspecting one of the decagon too."

Masaya niyang pinanood magturuan lahat ng bisita niya pati ang mga nanonood ng nangyayari sa bahay niya.

"Java's lying about the tenth picture," komento niya habang pinapanood ang nasa isang kwarto. Nag-uusap sila Java at Claude. Claude raised Alpha's picture.

"Nominate this member. This member is a killer, right?"

Yup, he thought.

Java's silence made Claude smirk."I knew it."

Naalala niya ang mga detalyeng binigay ni Echo.

One night, Claude, Ichiro and I went to Andromeda to have a drink and luckily, I was sober enough to hear their drunken conversation. Ichiro was drunk and he accidentally told us about Alpha and Gunner killing Azazel because of assaulting Babe. Claude lost his self because of the alcohol too and he told me that he saw Dorothy with gasoline the night Cara died. My friends knew about most of the killers but they're still hiding it. I know they will hide it forever and I hate it – 'yon ang isa sa detalyeng binigay ni Echo sa kanya.

Sila Dorothy at Ichiro naman ay pinagtugma na bawat litrato. "Playing safe," komento ni Ichiro kay Dorothy. Napatango siya sa likod ng screen.

He eliminated them one by one. Claude was the first one. He used fire as a symbol of the arson that happened. Una niyang ginising ang may sanhi ng sunog, si Dorothy. Pinag-usap niya ang dalawa para kainin lalo ng konsensya si Dorothy.

"I'm not a killer, Dorothy. I didn't kill Gunner's friend. I didn't kill Cara," ani Claude kay Dorothy na totoong pumatay. "I loved her more than myself. I won't murder someone I love."

Day 01 ended. An innocent was eliminated.

"Echo, kindly give the other killers a hint. Let's try to make them confess." Utos niya kay Echo bago magsimula ang ikalawang araw.

"Kapag walang umamin, ikaw ang susunod kahit anong mangyari."

"S-sige."

Peter formed groups for the second day.

. . . . . . . .

Alpha, Java, Echo.
Flame, Gunner, Babe.
Ichiro, Dorothy, Hera.

. . . . . . . .

"Peter, maraming nagrereklamo na hindi makanood kasi walang load."

"Loadan niyo lahat."

"Seryoso?"

"Oo nga," sagot niya habang nanonood ng dollhouse.

"Nag-spam na sila ng number!"

"Sige lang. Magpatulong ka sa iba," aniya habang hindi inaalis ang mata sa screen.

  
"Just nominate us!" sigaw ni Echo sa pangalawang araw nila gaya ng plano para paringgan sina Alpha at Java.

"What's wrong with you?" saway ni Java habang si Alpha  naman ay nananahimik.

Dismayado na napainom si Peter ng kape. Echo was with the two killers. They tried but still, they didn't confess. Echo is next for elimination.

 
  
Day 02 ended. Echo, an innocent, got eliminated for Dorothy who is still a killer. Maybe that triggered Dorothy and caused her to be the third eliminated doll on Day 03.

  
 
"Matatalo tayo," sabi ni Java sa mga kagrupo niya noong ikatlong araw. "Una, si Claude, sunod si Echo.... Lahat ng kagrupo ko ay namamatay."

"Bakit ka ganyan?" naasar na sabi ni Hera kay Java saka umupo na lang sa tabi ni Flame. Si Flame naman ay may binulong kay Hera kaya  napilitan si Peter laksan ang volume ng speaker para marinig ang sinasabi ni Flame.

"Sabihin na natin sa kanila ang tungkol sa sikreto ni Babe."

"Huwag muna kay Java," sagot ni Hera. "She's mentally exhausted."

"Hera, hindi kita naririnig. Ikaw na bahala kung trip mo sabihin. Kung ako sa 'yo sabihin mo na kasi mamamatay na tayo oh," sagot ni Flame. Natawa at napabuga ng hangin si Peter dahil sa narinig.

"Dorothy," pasimpleng tawag ni Hera.

--- At sinabi nga ni Hera ang totoo kay Dorothy na nanlambot sa katotohanan tungkol kay Babe.

 
Bakit siya naiyak? Kasalanan niya 'to. Ayaw niya aminin ang totoong nangyari. Huwag niya ko iyakan, isip-isip ni Dorothy habang nakikitang naiyak si Babe at habang unti-unting bumabagal ang puso niya.

Day 04 started.

The truth or dare game. More secrets were revealed.

He made fun with the other teens using dare.

"Kith! Kith! Kith!"

Boses iyon ng bata na nanonood ng Dollhouse sa likod niya. Nanlaki ang mata ni Peter nang makitang may bata at nakikikain ng popcorn niya. Hindi niya alam kung paano ito biglang sumulpot.

"Bakit may bata dito?" saway niya sa mga tao niyang nagmomonitor ng mga cameras at sa mga tao niyang nakiki-epal sa comment section para manggulo.

"Nood daw siya."

"Kith! Kith! Kith!"

"No. No. That's bad," saway ni Peter saka pinalabas ang makulit na batang biglang nasulpot at nakikinood.

Pagkaalis ng bata ay natahimik siya sandali...  sunod ay nagtype siya ng dare.

. . . . . . . . . . .

DARE DARE DARE! ヘ(๑⚆ᴗ⚆๑)ノ゙
We dare you to kiss Gunner for 1 minute.

. . . . . . . . . . .

Laglag ang panga ng mga tao niya sa lumabas na dare para kay Flame habang siya naman ay natatawa habang nagdadagdag pa ng emoticon sa sinusulat.

"Why is this so funny?" pigil tawa niyang bulong kaya napailing na lang ang mga tao niya. Tumikhim siya para magkunwaring seryoso na ulit.

"Is it true that you can kill for Decagon?" was his first question for truth that caused Flame to follow a dare because of lying.

The killers confessed the truth. Peter was surprised that Java confessed too. To spice up the game and make everyone confuse, he decided to reveal Ichiro's secret of being a stalker while waiting for the result. He also flashed Java and Alpha's stolen picture together. Java's heartbeat rose because of the sudden revelation, causing the machine to think she was lying when they asked her if she can kill for her friends.

Screen turned red and Peter was satisfied.

"Is it true that you are still choosing Babe over Flame?" sunod na tanong na binigay niya kay Gunner naman. Gunner answered no. Screen turned red.

"Someone's confused about his feelings," natatawa niyang sabi sa microphone.

"You said you hate romance. Why are you using romantic questions?" saway ng tao niya sa kanya pagka-off ng microphone.

"Faith is mentally and emotionally strong. I just want to test her limit," sagot niya.

"Her name is Flame."

"Tsk. This is why I call everyone love," he muttered.

"But no one loves you," someone joked.

"I know now shut up," Peter replied after staying silent for a few moment.

He'll kick that person out of his house later.

   
 
Hera was the fourth one that was eliminated because of the poor number of votes. Couples and tandems are so hot lately and he's no longer surprise that Gunner and Flame would win in the voting part. Hera was hanged for elimination. Peter enjoyed watching the Decagon's surprised faces and also the mad comment section.

  
 
Flame and Ichiro followed the first four on the fifth day. Flame accidentally carried a water gun causing her to be defenseless when the killers chased her while Ichiro was shot as he tried to save the rest of his friends.

Sixth day came and finally, Gunner told Alpha and Java the truth.

  
 
"Gunner, huwag ka lumuhod. Ano bang nangyayari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Java kay Gunner na nakaluhod sa paanan niya. Silang dalawa pa lang ang unang nagkikita.

Ayaw tumayo ni Gunner kaya napilitan siyang lumuhod at pumantay sa level nito.

"Java, I'm sorry. May tinatago ako sa inyo ni Alpha," Gunner started before telling Java the secret about Babe. Natagpuan nila si Alpha pagkatapos non at ipinaalam na rin nila ang nangyari.

"Babe has no plan to tell the truth," komento ni Peter habang tinatantsa si Babe sa mga aksyon nito. Pasimple na siyang pinaparinggan ng mga bagong tao sa bahay pero wala pa rin talab.

"You destroyed them, Babe."

Still, after all the hints, nothing worked.

  
 
Babe hid for almost five hours to save Alpha and to beat Java. Hindi niya alam ay nag-volunteer na ang tatlong natitirang kaibigan para sa kanya. Alpha, Gunner, and Java were eliminated on the sixth day.

Napasandal si Peter sa kanyang upuan noong gabing 'yon. Kinuha niya ang maskarang ginawa at dinesenyo niya. Tama ang hula niya kung sinong matitira at naiinis siya.

"That was intense. Matutulog muna 'ko. Pakisuot sa kanya 'to bukas ng umaga," sabi niya saka inabot ang maskara.

  
 
Day 07. The final day.

 
Ngumiti siya sa camera ni Echo.

"Echo?" gulat na tanong ni Babe nang makita ang kaibigan.

"Buhay ba silang lahat? Palalabasin mo ba kaming lahat?!" sigaw pa sa kanya ni Babe matapos makita si Echo sa harap niya.

"No. Everyone's dead. I'm letting Echo live because he was the one who provided me all the details. I have no intention of killing him."

Habang nag-uusap ang dalawa ay tahimik niyang tiningnan ang ika-sampung litrato na kokompleto sa koleksyon niya. Litrato na kinuha ni Echo. Litrato ni Babe sa loob ng bahay niya at siya na nasa likod kung bakit sila nandito.

They are the puppeteers of the house.

They are the puppeteers of Decagon.

Umalis si Echo at naiwan si Babe na umiiyak.

Kinuha niya ang maskara saka isinuot muli sa kanya. May tao na namang nadagdag sa bahay. May tao na naman siyang aayusin pagkatapos ng laro.

"Welcome to Dollhouse, Babe. This is your home now."

   
 
. . . . . . . . . . . . .

   
  
"Why do we have to lie?"

"Trust me, it's for the better."

"Papalabasin mo ba siya?"

"We'll see, Echo. We'll see. I have new people. I have new stories she could witness inside. I want her to understand the aftermath and consequences of everything. Don't worry. My people are scary but they're nice. We'll take care of her."

  
 
Seryoso silang nag-uusap habang pinapanood ang live camera record ng isang kwarto kung saan nakatulog si Babe sa sobrang takot nang malaman na maiiwan siya sa loob.

"Her name is kinda hot outside too. The live broadcast just ended hours ago, everything's still fresh in the viewers' mind. Hindi magandang palabasin siya sa ganitong panahon," seryosong dagdag ni Peter.

Tumango si Echo.

"Paano kami? Kailan mo kami palalabasin?" tanong niya kaya mabilis siyang nilingon ng kausap.

"Sino ba nagsabing bawal? Gusto ko ngang umalis na kayo. Ang dami ko na naman tao. Tsk," aniya saka pinalitan ang video na pinapanood. Sa video makikita ang bagong grupo na nakahiga sa puting kama.

Puro lalaki naman ngayon.

"That's a bunch of chaotic game players. Hindi ko pa tapos imbestigahan nangyari sa grupo na 'yan at kung paano sila nakapatay. They end up killing people every other night. These kids have a strange case too," reklamo niya habang napapahilot ng sentido.

"Ginusto mo 'yan eh," nakangiwing sagot ni Echo.

Napabuga siya ng hangin.

"Tapang mo ah?"

Echo smiled sheepishly.

  
 
Peter shut down the screen and lit up his room again. Nakita ni Echo ang sandamakmak na screen sa loob ng kwarto. Maski siya ay nagugulat pa rin sa yaman ng kausap niya. Hindi niya alam kung saan nito nakukuha lahat ng materyal at pera para magtayo ng pagkarami-raming bahay.

"That's for the one hundred cameras. Each screens and cameras are monitored here," kwento ni Peter habang  naglalakad sila.

"Echo, I suggest you to stay here for a week and let your friends recover for a bit. Alpha and Java's deep wounds on their hands are not yet healed. Si Gunner kakatahi pa lang ulit ng sugat balikat. Si Flame ay bagong opera pa lang. Si Ichiro, Hera, at Claude pa lang ang kayang lumabas ulit."

"How about Dorothy?" bulong ni Echo.

"Oh. Right. She's okay. Her stitches are removed. Her tongue is perfectly normal so don't worry. We made her numb before and we just lied that we cut it. She's unconscious but she's all good. You can visit her later," sagot ni Peter habang pinapakita ang screen ng phone niya kung saan niya minomonitor ang Decagon.

Nakahinga siya nang maluwag. She's okay and for him that's all that matters now.

"Salamat."

Tumango lang si Peter.

"I'm not sure if you can answer this. Paano mo na-peke ang lahat?" biglang tanong ni Echo.

Natawa siya at napailing.

"I was able to create an almost endless library, a life-size board game, and other enormous well built rooms. I'm experienced in killing that's why I know how to make it real. Besides, to fake death is the easiest if you're good with little magic tricks and playing fake bodies like puppets."

Naalala ni Echo kung paano bumagsak ang malaking metal kuno sa kanya noong ikalawang araw. Hindi niya maintindihan kung bakit narinig niyang nagsigawan ang mga kaibigan. Napaanood niya ang record at nakita niyang may dugo pa lang tumalsik na hindi naman sa kanya. He was beneath the box the whole time. A part of the box has a deep hollow and that's where he was able to hide from everyone's eyes.

"He's not just a puppeteer. He's also a magician," naalala niyang kwento ng tao ni Peter sa kanya.

Echo witnessed it.

It was real.

He's unordinary.

   
 
  
AFTER ONE WEEK
  
 

Niyugyog ni Echo ang mga tulog na kaibigan. It's 5am. Nasa Andromeda na ulit sila. Dinala sila dito ng mga tao ng Dollhouse na agad din umalis. Neon lights are dancing everywhere. Sila lang ang tao sa loob ng club maliban sa bartender na abalang naguhit sa papel.

Kung saan-saan nakasalampak ang kanyang kaibigan ngayon. They're wearing the same outfit before they were kidnapped. Echo stared at his friends.

Siya ang naglagay ng pampatulog sa inumin ng lahat noong gabi ng kaarawan ni Gunner, ngayon ay siya rin ang gigising sa kanilang lahat.

Tinapik niya ang mga kaibigan.

"Decagon, it's time to wake up."

Inalog-alog niya ang mga ito.

"Echo, wala sabi akong brief na extra," reklamo ni Ichiro na tulog pa ang diwa. "Kulit naman eh."

Sandali siyang natigilan.

It reminded him of their first day in Dollhouse.

Napailing siya saka kinulit ulit ang mga tulog na kaibigan.

"Gising na," ulit ni Echo saka tinapik din sina Dorothy, Flame, Hera at Java na siksikan sa isang sofa.

"Punyeta. Ang ingay naman," ungot ni Flame saka natulog ulit. Her hearing senses are back.

"Buhusan mo kaya ng tubig?" sabi ng bartender kay Echo na hindi inaalis ang mata sa papel at sa ginuguhit.

Napaisip si Echo at napatango na lang. Kumuha siya ng pitsel na puno ng yelo saka sinaboy sa Decagon. Napahiyaw halos lahat at nagsibangunan!

"Putangina?" komento ni Gunner.

"Anlamig!" hiyaw ni Claude.

"Echo, what the hell..." reklamo rin ni Alpha saka nagpagpag ng damit. Natawa siya nang makita ang kaibigan na basang-basa rin.

"Shit!" sabi ni Flame saka napahawak sa ulo niya at napamasahe. "Grabe ang pangit ng panaginip ko. Nasa Dollhouse raw tayo tapos nabingi ako."

"Ako rin. Tinahi raw bibig ko tapos..." naiwan si ere ang kwento ni Dorothy nang unti-unti niyang naalala ang mga nangyari.

"Nanaginip rin ako na nakasabit sa ere tapos nakuryente ako at nakatulog," komento naman ni Hera.

"Ako naman nalunod kasama sina Alpha at Gunner," sabi ni Java.

   
 
Parang may dumaan na anghel. Natahimik ang lahat. Sabay-sabay silang nagkatinginan. Tanging ang mahinang tugtog sa speaker ang maririnig ngayon. Unti-unting nanlaki ang mata nila habang iniisip ang nangyari sa kanila. Mas lalo silang nanlamig sa napagtanto.

  
 
"Guys, why do we have the same dream about Dollhouse?" mabagal na tanong ni Alpha.

"Ako naalala ko naglalaro raw tayo tapos namatay ako agad at muntik masunog. Buti na lang may mga humila sa 'kin at..." itinaas ni Claude ang kamay habang nagkkwento at nakita ng Decagon ang kaunting bakas ng sunog sa braso niya.

"Totoo ang lahat?" halos hindi makakurap si Ichiro saka sinilip ang braso niya na pinagtutusok ng bubog ni Java. May mga tahi siya sa braso.

"Shit. Totoo," ani Gunner saka tinaas ang kamay at pinakita ang tattoo ng isang numero.

07.

Sinilip nila ang likod ng kamay at nakitang may mga numero nga. Doon sila nanlamig. Nagtaasan ang balahibo nila. Everything was real! They really played for their lives inside that strange house.

Habang nakapaikot silang lahat ay may napansin si Alpha.

"Where's Babe?"

Natigilan sila. Binilang ni Alpha sa isip kung ilan silang nandoon. Siyam na lang. Walang makasagot sa kanila.

"Echo, where's Babe?" tanong ni Gunner at nagkibit balikat siya.

"Wala na siya pagkagising ko," he lied.

"Is that the cute girl with long hair and big eyes?" sabat ng bartender habang abalang naguhit sa isang papel. Sumang-ayon sila kaya natawa ang bartender.

"She left earlier. She said she'll come back once she gets sober," kwento ng bartender sa kanila

  
 
Natahimik muli ang decagon.

Isa-isa silang naiyak dahil sa mga nangyari. Isa-isa nilang naalala ang mga nangyari sa loob ng bahay na 'yon. Isa-isa nilang naalala ang mga kasalanan nila at kung bakit sila umabot sa puntong ito.

  
"Gusto ko lang naman kasing pakinggan niyo 'ko. Pakiramdam ko walang gustong magtama at makinig kaya kinalat ko 'yong video. Hindi ko sinasadya," naiiyak na sabi ni Flame sa mga kaibigan.

Ginulo ni Gunner ang buhok niya saka hinila ang kaibigan. He was worried that he lost her. He was broken when he thought he did.

"Sorry kung nahihiya akong sabihin dati ang lahat kasi nahihiya akong pinanood ko lang sila," pag-amin ni Hera na hindi makatingin nang maayos dahil naluha.

"Alam kong nandidiri kayo sa 'kin. I invaded privacies. I was wrong. Alam kong niyo 'ko mapapatawad. Hindi na 'ko uulit," nahihiyang sabi ni Ichiro habang tinutukoy ang pagkuha ng litrato nang walang paalam.

"Claude..." naiiyak na tawag ni Dorothy.

Claude knows the truth about what she did. He was her only confirmed suspect. Alam niyang aksidente ang nangyari at iba talaga ang intensyon ng kaibigan. Pero masakit 'yon sa parte niya. He lost the only girl she loved. He lost someone who changed him for good.

"Hindi ko sinasadya. Alam kong galit ka sa 'kin. Pagbabayaran ko ang lahat. Pangako," naiiyak na sabi ni Dorothy. Tahimik siyang tumango at ngumiti na laamang.

Samantala, napahawak si Alpha sa leeg niya nang mapansing suot-suot pa rin niya ang locket. Kinuha niya ito mula sa loob ng kanyang damit saka binuksan.

There he saw Java's picture when she was running after the murder.

It brought back all the memories to his mind. It brought back all the nightmares again. It brought back the memory of how he kept her safe despite of his disability and how he was selfish.

Nagulat siya nang may kamay na tumakip sa litrato at sinarado ang locket niya. Hinawakan niya ang kamay nito at tahimik na hinalikan. They lost someone.

"Java," tawag ni Alpha.

"I failed to protect the group."

"Shhh," she hushed him.

"We all made mistakes, Alpha. We all did," Java tried to smile even her tears are falling. "But we can be better. We're free and we're given a chance to fix it. We could try and start again."

Tahimik si Gunner na pinapanood ang lahat. Babe is nowhere to be found. He love her so much even though it hurts. He love her so much even though she didn't. Now, he's breaking again because she's not here to start everything again with them.

Echo realized that Babe is really the last doll standing in Dollhouse now. Everyone's out── aside her.

   
 
She's the last member left behind.

  
 
Decagon became more viral outside the dollhouse. Everyone questioned if what happened inside the house was real or not. Public thought that they were dead after the prank video was released in the app and now they're seeing them in flesh again. It's killing their curiosity more because Babe is still missing.

Decagon only provided details to the authority they could trust and never released a statement to the public. They're all under observations and will surely face multiple trials. As of now, they are under test and medication.

   
 
"── And that's the story of Decagon," pagtapos ni Peter ng kwento sa mga bata saka sinara ang libro niya. Ilang araw na niya 'tong kinukwento sa kanila.

"What happened to Babe?" tanong ng isang bata.

Peter stood up and hid the book. "Well, she's still in the Dollhouse. She's there, watching updates about decagon every night with a missing little finger──  a sole proof of a broken promise they call no member left behind."

"She deserves it, Peter."

"But she deserves a second chance too."

Iba't-ibang komento na naman ng mga bata ang narinig niya. Tahimik siyang napangiti at napailing saka napatingin sa babaeng may soot ng umiiyak na sanggol na maskara na nakatayo sa gilid at nagbabantay. Muling naging seryoso ang mukha niya nang lingunin din siya nito.

"Bedtime story is over. Good night, kids."

  
 
Nag-unat siya ng mga braso. Pagkatapos patulugin ang mga bata ay bumalik na siya sa kwarto at tinuloy ang ginuguhit niya ilang noong isang araw pa. Pumangit ang guhit niya dahil sa iyakan ng Decagon sa Andromeda habang binabantayan niya ito bilang bartender kuno.

Pinanood siya ng mga tao niya na magpuyat na naman.

"He will create a new house again?" tanong ni Babe sa lalaking may panakot na uwak na maskara.

"For sure."

Tumango si Babe sa narinig. She will witness new games and secrets to unfold. He already introduced to her the new strangers in the house. And yes, she's ready for his twisted mind.

Babe smiled genuinely.

She's the latest winner and this upcoming new experience with this new people will be her prize. Everyone has a new start── and this is hers.

Tumikhim ang katabi niya.

"Prepare everyone. He's designing a new dollhouse."

  
 
His name is not Peter but that's what they call him.

  
 
As long as he's alive, his games will never end.

He will play with people that deserves to be played.

And this oath will never be destroyed.

  
 
Peter smiled in satisfaction as he let new people enter his house. New people with dangerous secrets. New people to solve and to play with.

  
"Welcome to Dollhouse. What's your dark story?"

  
 
 
FIN.

Continue Reading

You'll Also Like

56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
500 140 14
A series of poems that tells a single story. A person whom you treated as a friend, but then suddenly, a sudden breeze hits your face, and you reali...
157K 941 43
Malasiqui National High School School Year 2018-2019 Project sa Filipino Ipinasa ng: Grupo ng 10 - Kingfisher Ipinasa kay: Bernadette M. Pedral P.S...
7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...