When A Fan Falls In Love (For...

By tinybobble

11.5K 150 13

Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang ta... More

Characters
UNDER REVISION!
CHAPTER 1 Reminiscence
CHAPTER 2 The Mania
CHAPTER 3 The Disclosure
CHAPTER 4 The New Dawn
CHAPTER 5 The Cross Roads
CHAPTER 6 The Real Fantasy
CHAPTER 7 The Chase
CHAPTER 8 The Remembrance
CHAPTER 9 The Affection
CHAPTER 10 The Night
CHAPTER 11 The Trust
CHAPTER 12 The True Color
CHAPTER 13 The Pain
CHAPTER 14 The Hatred
CHAPTER 15 The Time to Shine
CHAPTER 16 The Flower
CHAPTER 17 The Come Back
CHAPTER 18 The Sweet Song
CHAPTER 19 The Forgiveness
CHAPTER 20 The Heart Beat
CHAPTER 21 The Weirdo
CHAPTER 22 The Deal
CHAPTER 23 The Simplicity
CHAPTER 24 The Hidden Beauty
CHAPTER 25 The Sincerity
CHAPTER 26 The Rivalry
CHAPTER 27 The Kiss
CHAPTER 28 The Hide
CHAPTER 29 The Enlighten
CHAPTER 30 The Change of Heart
CHAPTER 31 The Broken Fate
CHAPTER 32 The Battle
CHAPTER 33 The Acceptance
CHAPTER 35 The Divulge
CHAPTER 36 The Emotion
CHAPTER 37 The Lost Fate
CHAPTER 38 The Bad News
CHAPTER 39 The Fighter
CHAPTER 40 The Heart Pain
CHAPTER 41 The Poser
CHAPTER 42 The Sweetest Reveal
CHAPTER 43 The Unattended
CHAPTER 44 The Traitor
CHAPTER 45 The Regret
CHAPTER 46 The Box
CHAPTER 47 The True Friendships
CHAPTER 48 The Basted Hero
CHAPTER 49 The Surprise
CHAPTER 50 The Face Up
CHAPTER 51 The Reason
CHAPTER 52 The Awards Night
CHAPTER 53 The YE SO CL
CHAPTER 54 The Last Bond
CHAPTER 55 Kislap
Author's Note
I CHANGED THE ENDING!

CHAPTER 34 The Duet

314 3 0
By tinybobble

*TWO WEEKS LATER*

August 17, 2014 (Sunday)

Racky's House

RACKY's POV

Ano ba yan 6:45PM na pero di parin siya bumababa. Baka ma late pa kami eh kanina pa kaya ako nakabihis. May lakad kasi kaming tatlo nina Chris. Sigurado akong magugulat siya sa pupuntahan namin, hehehe.

Napansin ko na dalawang linggo nang naging makulit si Shamy. Masyado syang malakas magpatawa at nag-eenjoy sa shooting. Palagi niya kasi akong ginagaya kung pano ako magrap tapos ang mga actions ko gayang-gaya eh haha. Naisip ko, hyper ba talaga akong mag perform?

Speaking of shooting, natapos na pala kami nung friday hehe. Pasalamat nga ako na natapos namin nang wala naging problema. At sana naman maganda ang kinalabasan hehe.

Hai nako tapos na ang monologue ko rito pero di parin siya lumalabas. Kailangan ko na siya sigurong katukin.

Teka dadalhan ko narin siya ng pagkain baka gutom na un.

*tok tok tok*

"Shamy?"

Nakakailang katok na ako pero di parin niya ako pinagbubuksan.

Sinubukan kong gamitin ang door knob at nabuksan ko ang pinto. Di naman pala naka lock to kaya pumasok nalang ako.

Teka wala naman si Shamy dito eh. Haist nawala na naman sya? Nag teteleport ba siya oh ano?

Nilagay ko ang pagkain sa table. Infairness ang linis ng kwarto niya at saka nasa ayos lahat.

Biglang bumukas ang pinto ng cr kaya napalingon ako dun.

Oh si Shamy ang lumabas at wala syang damit. Teka ANO WALA SYANG DAMIT! WAAAH!

Bigla akong napayuko sabay takip ng mukha ko. Sobrang nanginig ako at namula waaah!! Patay ako neto eh! Pero wala naman akong nakita!! Blury yata! o_O

SHAMY's POV

"RAAACKKKY! Hoy anong ginagawa mo dito!!"

Sigaw ko sa kanya sabay balik sa loob ng cr, huhuhu may nakita kaya sya? Lang hiya talaga ang lalaking to! Manyak talaga! Ako naman kasi eh ba't naiwan ko pa towel ko sa may kama kailangan ko tuloy lumabas ng walang panakip! Huhuhu.

"Nag-aalala lang naman ako sayo eh kasi kanina kapa di lumalabas. Naisipan ko na dalhan ka ng makakain oh. Sorry talaga!"

Binuksan ko ang pintuan at sinilip sya. Nakayuko parin siya tapos nakatakip parin ang kamay sa mukha nya. Napatingin din ako sa mesa at may pagkain nga, ibig sabihin wala naman syang masamang intensyon sa pagpasok dito.

"Alam mo ba na bawal yang ginagawa mo?! Dapat di ka basta-basta pumapasok sa kwarto ng isang babae!! Porket bahay mo to eh gagawin mo na lahat nang gusto mo."

"Di ko naman inaasahan na/"

"Hoy Racky pwede kanang tumingin sakin!"

"Sigurado ka ba?"

"Oo nga!"

Tumingin naman sya.

"Wala kanamang nakita diba?"

"Wa-wala ah! Ang bilis kaya ng pangyayari!"

"Mabuti naman kung ganon! Sige pwede kanang lumabas!"

"Ok sige Shamy sorry talaga."

"Oo na oo na! Bilis labas na oh!"

At yon patakbo syang lumabas sa kwarto ko! Tsk tsk tsk buti nalang at wala syang nakita! Haist kinabahan ako dun ah!

Racky's House

RACKY's POV

"Oo na oo na! Bilis labas na oh!"

Sabi niya sakin na parang nanggigil talaga siya kaya patakbo akong lumabas kasi naman nataranta na ako.

Pinagpapawisan ako!! Waaah!

Bigla kong sinara ang pinto! Tapos parang may napansin akong may naipit sa ilalim nito kaya tinignan ko kung ano.

Ha ang bracelet na binigay ko sa kanya! Sinusuot niya pa kaya to?

Umupo ako sa sofa habang hawak-hawak ang bracelet.

Maya-maya pa lumabas na siya sa kwarto.

Napatulala ako kasi naman ang cute niya sa sout na blue dress. Sleveless ito na mga butterflies ang design. Naka ipit pa ang buhok niya sa left side tapos naka doll shoes na color pink.

"Oh alis na tayo? Tara na."

Sabi niya habang pababa ng hagdan.

Di ako nakasagot kasi nakatingin parin ako sa kanya. Para siyang kumikinang na dyamante!

"Oh ano tutunganga kanalang ba dyan?"

Di parin ako nakaimik. Teka parang sumubra naman ata ang reaction ko ngayon. Palagi ko naman siyang nakikitang nakadress ah, kasi nga diba kailangan sa shooting. Pero ang cute niya talaga pag ganyan, bagay sa kanya.

SHAMY AND RACKY's POV

Ano bang nangyayari sa kanya ba't nakatulala habang nakatitig sakin? Dahil ba dun sa nangyari kanina? WAAAAH! Makatitig kasi siya wagas eh! Baka pinagnanasaan na niya ako? OH HINDI!

"Hoy Racky ba't ganyan ka makatingin ha!!?"

Sabi ko sabay takip ng dalawang kamay sa katawan ko.

"At ano naman ang iniisip mo? Sinabe na ngang wala akong nakita eh!!"

"Eh bakit namumula ka?!!"

Tanong ko na may halong pagkainis.

"Ano kasi ba't ganyan ang ayos mo ngayon? Tapos na naman ang shooting ah di mo na kailangang mag ganyan."

"Bakit magsusuot ba ako nito kung walang dahilan? Sabi po kasi ni Chris dress ang isuot ko kaya eto."

Paliwanag ko. Binigyan pala ako ni Charie ng mga dress galing sa shop niya hehe, need ko kasi para sa mv. Gusto ko ngang bayaran kaso ayaw naman niya; bumait na talaga siya sakin hehe. Siya nga rin ang nagsilbing taga-ayos ko kasi dapat maganda talaga ako dun sa kalagitnaan ng video hanggang sa huli, DIWATA NGA DIBA!? Hehe.

Mga dalawang linggo na nga akong nakadress palagi kaya medyo nasasanay narin akong magsuot nito.

"Ahh oo nga pala."

Sabi niya tapos tumango pero...

"Hep teka wag mo ngang iniiba ang usapan! Ano may nakita ka ba ha!?"

Tanong ko sa kanya.

"Oo na oo na may nakita na ako!!"

Sagot ko kaya nag pout siya at tumalikod, yong mukha niya parang nahihiya na nagagalit na naiinis.

Palabas na sana siya nang hinigit ko kamay nya. Napatingin naman siya sakin.

Nagbabaga ang mga mata niya na parang kakainin ako.

"OH BAKIT?!"

Sigaw nya.

"Oo may nakita nga ako, ito oh."

Nagulat ako nang makita ko ang bracelet sa kamay niya at isinuot sakin. Waaah! Akala ko may nakita talaga sya!! Di ko sana alam gagawin ko!! Huhuhu.

Pero pano napunta sa kanya to? Tinapon ko nato kagabi ah, haha de joke lang. Baka na misplace ko lang.

"Sa susunod wag mong hahayaan na di ito suot. Pag winala mo ulit to magtatampo talaga ako sayo."

Tinignan niya ako nang may maamong mga mata.

Nagsmile lang ako sa kanya, pero naalala ko na naman yong pagpasok niya sa kwarto ko kaya...

"Ikaw tinakot moko dun/"

Babatukan ko sana siya kaso napahinto ako kasi napansin ko ang damit na suot niya. Ito yung binigay ko sa kanya, eh akala ko nga di na niya gagamitin to eh sa dinamirami ba naman ng magagandang damit na meron siya.

"Halika na nga!"

Sabi ko sabay higit sa kanya kaya natawa naman siya dun. Akala niya kasi babatukan ko siya hehehe.

Nung una, may sama ako ng loob sa kanya. Kasi nga diba di niya ako hinanap nung nawala ako? Di ko siya masyadong pinapansin; feeling ko kasi pinabayaan niya ako nang mga oras na un, pero di na napigilan ni Chris ang sarili sa kagustuhang magka-ayos na kami kaya sinabi niya na dalawa sila ang naghanap sakin at si Racky pa ang unang nakakita sakin. Natouch naman ako dun kaya di ko napigilan, napahug ako kay Racky. Simula nun naging malapit na kami.

Parang di na ako naiilang sa kanya, kung minsan nga di ko namamalayan nakasandal na pala ako sa kanya hehe. Walang malesya yon ha talagang tanggap ko na sila ni Charie ang tinadhana na magkatuluyan. Madalas nga tinutukso ko silang dalawa eh haha bagay talaga sila.

Kaso si Charie umalis kahapon para sa isang business trip. Sayang naman di siya makakasama samin.

Di ko narin masyadong dinadamdam ang tungkol kina Miler at Crysta. Dapat mag move on na ako no ang tagal na kaya nun! Sa tulong ni totoy unti-unti akong nakakapag move forward. Ang galing niya kasing mag advice eh, alam nyo best buddies na kami ngayon hehe, kahit minsan nag-aasaran kami pero di na tulad ng dati.

Ay siya nga pala. Hihintayin ko pa ang araw kung kailan i-publish ang video bago ako makauwi. Marami pa raw kasi kaming aayusin dito kaya medyo magtatagal pa ako nang mga ilang linggo.

Tinawagan ko naman sina nanay na di pa ako makakauwi, buti at pumayag naman sila. Miss na miss ko na talaga ang pamilya ko, sana makauwi na ako kagad.

Sinisimulan na pala nilang magpatayo ng dress making shop. Buti nalang at on time ang TF (Talent Fee) ko haha. Kaya lang naman ako sumama rito eh para sa pahunan ni nanay. Kaya nga excited akong umuwi kasi natupad ko na ang pangarap nya. Napakasaya ko ngayon.

--------------------------------------

ABS-CBN Network

SHAMY's POV

Andito kami ngayon sa ABS-CBN sa set ng Gandang Gabi Vice. May guesting kasi si Racky ngayon. Na surprise nga ako eh sawakas mapapanood ko narin siya ng live. Parang kailan lang sa TV ko lang siya napapanood pero ngayon andito na talaga ako lalo na't suot pa niya ang damit na binigay ko.

Wanna slap me? I thought this is a dream but it isn't. Ang iingay kasi ng mga girls dito hay di ako makapag emote hahaha.

Nakaupo kami ni Chris sa harapan, inaantay nalang namin na magsimula ang show. Asan si Racky? Andun sa backstage, naghahanda na siguro un. Balita ko kakanta raw siya mamaya. Excited na nga ako eh hehe.

Oh teka magsisimula na raw.

"Gandang Gabi Kapamilya." - Vice

Lumabas siya sa stage.

Eto pala itsura ni Vice sa personal, so pretty.

"Gandang Gabi Vice." - Kami

"Alam nyo ba ang makakasama natin ngayong gabi ay walang iba kundi isang sikat na rapper at emcee. Ang tinaguriang Rap idol ng pilipinas RAAACKYY!"

Nagtilian ang mga babae at nasipagpalakpakan ang lahat. Ako? Syempre pumalakpak din noh kailangan niya kaya ng support ko haha.

"Yow! Gandang gabi sa lahat. Gandang gabi Vice."

Makatili naman ang mga babaeng ito parang kakainin si Racky ng buhay.

Kinakawayan kasi sila ni Racky kaya halos mahimatay na sa kilig. Eh? Teka parang ganyan din ako dati ah. Ang pinagkaiba lang sa bahay ako sumisigaw sa harapan ng TV! Diba adik no?

Ang labo nga eh kasi noon nagtatyaga akong magwala sa mga pictures at images niya pero ngayon na abot kamay ko na siya at ka-close pa eh di ko na magawa.

"So kamusta kanaman ngayon? Matagal-tagal kanang di nakapag guest sakin."

Sabi ni Vice with malanding boses hehe.

"Uhm pasensya na medyo marami lang ginagawa."

Sagot ni Racky.

"Sikat na sikat kana talaga no? Nakakaproud ka."

Alam nyo kasi mas nakilala pa si Racky nung nag-guest siya dito. First guesting palang niya yon pero nagtrending na kagad. In short nakatulong ang GGV sa pagsikat nya.

"Nako maraming salamat."

"Alam mo na miss talaga kita. Masyado na akong nag-alala sayo anak. Sinabe ko nang tigilan mo na ang kakalaro ng basketball, wala kanamang tsansang manalo dyan. Mag chess kanalang."

Sabi ni Vice habang pinapahiran si Racky ng towel. Alam niyo kasi baby face yan si Racky kaya palagi siyang tinutukso ni Vice nang ganyan hehe.

"HAHAHAHA!!" - Crowd

Haha nakakatawa talaga sya.

Pagtingin ko kay Racky tahahaha grabe talaga siya tumawa labas lahat ng ipin.

"Ang gwapo ni Racky no?"

Tanong ni Vice.

"Nako hindi naman."

Sabi ni Racky at palingo-lingo pa. Pa humble talaga ang lalaking to. Hindi raw? Eh halos perfect na nga ang itsura nya.

"Weeeh? Anong hiiindiii?"

Haha nanlalaki ang mga mata ni Vice tapos nakanganga pa sya.

"HAHAHA!" - Racky and Crowd

Nagsitawanan lahat.

"Mas pumogi ka ngayon inspired ka ba?"

"Araw-araw naman akong inspired Vice."

Oh yan din yung sinabi niya sakin dati ah.

"Talaga? Sino naman nagpapa-inspire sa isang Racky Walfon?"

Yon oh, nice Vice hehe.

"Syempre pamilya ko, mga ka tropa, yong hip-hop, si God at mga tagahanga ko." *kaway-kaway*

"WWOOHOO" - Crowd

"Yon oh maraming salamat."

Sabi ni Racky. Nabingi ako dun sa mga tili nila.

Pero ako napatili nga rin hehehe.

"Alam mo parang may kulang sa sinabi mo."

Ang landi talaga ni Vice.

"Ha? Bakit may nakalimutan ba ako?"

Tanong ni Racky sabay hawi ng buhok niya. Gosh ang hot niya kapag gumaganyan siya.

"Wala ka parin bang girlfriend hanggang ngayon?"

Yehehe. Parang namula si Racky dun sa tanong.

"Wala pa eh, pero malapit na."

Ang ganda ng pagkakasabi nya, super sexy ng boses hehe. Kung nanonood siguro si Charie sobrang kikiligin un.

"WOOAHH, ang taaaraaay. Push mo yaaan."

Natawa lang kami sa sinabi ni Vice.

"Pero kung bibigyan ka ng chance na mag artista sino gusto mong maging leading-lady?"

Alam ko isasagot nyan, si Anne Curtis.

"Uhm, si Anne Curtis."

Kitams tama ako? Ultimate crush niya kaya yan, noon pa.

"Woah? Tamang-tama siya si Dyesebel tapos ikaw ang pusit."

Hahaha aray boom panes!

"Hooh ang sakit nun Vice."

Yumuko sya, ay ang cute nya.

"De biro lang un. Dapat sa mga ka-partner mo sina cha-cha, mga pang goin bulilit ba."

Tumawa na naman kami, hahaha.

"Hindi! Baby face kasi si Racky eh. Parang ang bagay sayo sina Kathryn Bernardo, Julia Barreto. Si Anne eh MATANDA na un."

Nagtawanan ang mga tao tapos sumigaw ng HALA KA.

"Manahimik kayo! Hahaha. I love u Anne."

Hehe biglang binawi, natakot kay Anne? Hahahaha.

"Alam mo crush ko talaga siya eh."

Sabi ni Racky.

Oy inamin nya? Lagot ka kay Charie! Hahaha, matindi pa naman magselos yon sana di siya nanonood haha. Ok na sana ang kanina eh.

"Ahh crush mo si Anne? Okey."

Hahaha. Nagtataray si Vice, naduduwal pa siya sa sinabe ni Racky hahaha.

"Eh ano naman ang feeling na almost 5 years kanang sumasali sa RBT pero di ka parin natatalo?"

"Syempre masaya, nakakaproud tapos nararamdaman ko talaga na ang pagrarap ang destiny ko."

"Eh may tanong ako sayo, naranasan mo na bang matalo?"

"Siyempre naman nung nagsisimula palang akong magrap. De porket wala pa akong talo sa RBT eh hindi ko na naranasang madapa at mabigo sa buhay."

Ahh natalo na pala si Racky dati? Di ko alam yon ahh hehe.

"Kung may ipapayo ka sa mga kabataan ngayon tungkol sa salitang PAGKATALO ano yon?"

Napaisip si Racky. Si Vice naman kasi naging seryoso bigla.

"Hindi basihan ang pagkatalo para mawalan ng pag-asa. Kaya kung may pagkakataon kaman na matalo ay isa lang yang pagsubok para maging matatag pa lalo, kasi naniniwala ako na kapag wala kapang mali, eh wala kapang nagagawa sa buhay."

Woah super ganda ng sinabe nya! Very inspirational! Ang lalim talaga nya minsan noh?

Nagsipagpalakpakan ang mga audience. Napahiyaw pa nga ako.

Pero napatigil ako nang...

"Oh Chris san ka pupunta?"

Tanong ko, bigla kasi syang tumayo eh.

"Banyo lang."

Sabi niya.

Hmnp, anong nangyari dun?

Matapos ng interview kay Racky ay it's time to have an intermission number. Syempre kakanta na si Racky, pero bago yan may nerequest si Vice.

Dapat daw maghanap si Racky dito sa studio ng makakaduet sa stage. Kailangan fangirl para alam ang chorus ng kantang Diwata, hai nako sure akong maganda pipiliin nyan.

Kasalukuyang nag-iikot si Racky para mamili ng makakapartner. Yong mga fans niya grabe maghiyawan. Sumisigaw sila ng AAKOOO NAALAAANG! Hay nako tama nga sabi ni Chris na hindi lang ako ang pwedeng ma-inlove sa kanya. Hindi lang isa, dalawa, tatlo kundi libo-libo.

Normal lang talaga sa mga sikat ang hinahangan. Kaya ako pass na sa pagiging obsess and desperate fangirl, hahaha. Sa ngayon hinahangaan ko parin si Racky, bilang tao at hindi na bilang isang gwapong public figure.

Oy di ko namalayan papalapit na pala siya sa direksyon ko. Nakatingin siya sakin at nakangiti. Yong mga babae naman sa likod ko nagtutulakan at nagwawala na. Ah baka isa sa kanila ang pipiliin.

"Miss, may I have this stage?"

Sabi sakin ni Racky habang inaabot ang kamay. Teka ba't ako? May plano ba syang pahiyain ako?!! Di nga maganda boses ko eh! Pag nagkataon first time kong kumanta sa harapan ng maraming tao at sa live television pa! Pahamak talaga!

"*whispering* Pe-pero di ako ma-magaling kumanta/"

"*whispering* Pumayag kana wag kana pakipot."

Sabi niya sabay hablot ng kamay ko. Tsk, bakit ako pa???

Natagalan pa bago ako nakatayo pero di ko parin magawang gumalaw o humakbang manlang.

"*whispering* Bilis na, mapapahiya siya pagpinatagal mo pa to."

Bulong ni Chris. Oh andito na pala sya?! Parang kabute na sumolpot bigla ah!

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa utos ni boss Chris. Mapapahiya nga si Racky pag humindi ako. Baka kuyugin pa ako ng mga fangirls paghinindian ko ang inaasam-asam nila.

"*whispering* Hey Racky ba't ako ba pinili mo?"

Bulong ko sa kanya habang paakyat kami ng stage.

"*whispering* Wag kang feeling dyan for plugging lang to."

Ung mukha niya parang nang-iinis.

"*whispering* Aba ang yabang baka gusto mong masaktan sa harapan ng mga fangirls mo!"

Asar ko naman sa kanya.

"*whispering* Sige subukan mo nangangain panaman ang mga fans ko."

Tsk, oo na siya na ang sikat!

"Please around of applause to Racky and Butterfly girl."

Oh buti at nagsalita na si Vice.

Wew butterfly girl talaga!! Di manlang kami hinayaang mag practice. Buti nalang alam ko naman ang kanta niya kasi madalas pinapatugtog yan sa set.

Nasigpalakpakan naman ang mga tao pero natigil ang hiyawan, nagseselos siguro ang mga to hehehe.

"One, two, three let's go!"

Sabi ni Racky tapos nagstart nang tumugtog ang guitar. Buti nalang nag instrumental muna. Siguro sinadya nila to para makapag-isip ako, chorus kasi ang start ng kantang to kaya ako talaga ang mauuna.

Bigla akong inakbayan ni Racky kaya ang mga tao sumigaw ng AAAYYYEEEH. Hay nako kung nakapunta si Charie edi sana siya andito sa posisyon ko.

Ayan na, kakanta na ako.

(A/N: Copyright from the song of Raymond Abracosa. Idol pa copy ulit ng kanta mo ha? hehehe. Shout out pala sa mga ka-ABRATISTINATICS dyan hehe. Spread the word.)

*singing/rapping*

DIWATA by Abra ft. Chito

Chorus

Shamy: Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita
ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh
aking diwata,

[Tahaha di ko ma imagine na nandito ako ngayon. Singing with my idol Racky. Dati-rati lang eh galit na galit ako pag naririnig ko ang mga kanta niya syempre nga diba may hinanakit ako kay Racky nung una. Lalo na nung a month bago kami nagbreak ni Miler, nako halos lahat ng related sa kanya badtrip ako eh, pero ngayon kakantahin ko pa pala ang kanta niya sa live television. Tadhana nga naman.]

(Aking diwata)

Racky:

Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita, parang
namamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

[Ganito ba talaga pag duet? Feeling ko tuloy ako ang kinakantahan nya, hahaha. Natural sakin yon titingin kasi ako ang ka duet nya!]

Verse 1:

Naaalala ko pa nung una kang masilayan,
nanghihinayang
Gustung-gusto kita kausapin,
Makilala, subalit may kaba
Kaya nahihiya lang
Sinayang, ang nakatakdang tadhana
Karapat-dapat nga ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delikadesa
Kaysa sa ganon baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako
Liparin natin ang ibat-ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay
Kung sabagay, karangalan kong alagaan
At pahalagahan ang natural mong
kagandahan
Aminin ko man o hindi
Kapag nasa paligid ay pasimple na ngumingiti
Sana kako tamaan

[Habang nagrarap si Racky, sumasayaw-sayaw naman ako, yong sinasabayan ko lang ang beat ng music. Yeah ang saya neto.]

Chorus

Shamy:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita
ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)

Racky:

Ikaw ang pinakamaganda
pag minamasdan kita, parang
namamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Verse 2:

Hanggang sa nagkakilala muli
At unti-unti nakikilala, munti
Pang tumitiklop na parang makahiya oh
Naglakas loob ah, dyan sa kaliwa ah
Ang daming pumipila, daig pa MRT
Pero dibat sa pag-ibig mas kabit pag less than three
Anong sagot, pwede mo kong tanungin
May tanong ako sayo, pwede mo kong sagutin
Sana oo na lang din
Susubukang abutin
Panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin
Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin
Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin oh

Ikaw ang aking laging nais makapiling
Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas
Walang bakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas,

Chorus

Racky:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita
ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

[Sa chorus nato si Racky na ang kumanta kaya ang mga fans niya di magkandarapa sa kilig.]

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda
pag minamasdan kita, parang
namamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata,

*END*

Kahit walang insayo nagawa parin namin ng maayos. Pa sayaw-sayaw pa nga kami sa stage hehe. Di ko akalain ganon pala kasaya ang ginagawa nina Racky. Kahit sintonado ako ok lang keri naman hehehe. Pa-cute nga ang boses ko eh haha.

Ang swerte ko naman kasi nabigyan ako nang pagkakataon na maka duet sya. Ang aking idol slash (/) mabait na kaibigan. Di na nakakapagtakang sumikat sya.

Habang kumakanta kami kanina, narealize ko na naging mabuti siya sakin sa lahat ng bagay.

Pagtapos nun tinanong ni Vice pangalan ko kaya nagpakilala ako. Sinabe rin ni Racky na ako ang makakapartner niya sa MV kaya ako pinili niya kasi gusto nyang ipakilala ako sa mga tagahanga nya. Overwhelming naman ang response ng mga fangirls parang gusto naman nila ako hehehe.

Un nagplug na si Racky na abangan ang mv nya. Pati ako pinasalita niya rin, binati ko nga family ko tapos mga kaibigan ko, co-teachers, at syempre ang mga students ko narin hehe. Nagulat siguro sila nung makita nila ako, yon ay kung walang sinabihan si ma'am principal hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
15.5K 1.2K 29
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
43.5M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
7.1K 483 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...