Chapter 68
November 19, Monday
Nathalie’s Point of View
Ano kayang meron? Nag-text kasi si Vene sa akin na sa roof top daw kami magkita. May okasyon ba ngayon na hindi ko alam? Baka mamaya meron. Oh my! Ganun na ba talaga kapangit nang memory ko para hindi ko matandaan? Kasi parang ang gara. Hindi naman kami sa roof top kadalasan nagkikita. Normally, sa classroom. Magkaklase naman kasi kami. So Ano nga talaga?
Ewan ko. Kinakabahan ako. Nakaka-tense ang hangin dito. Baka matigok ako dito sa kaba. Wah. Para akong timang na palakad-lakad. Paikot-ikot lang naman ako. Gaano katagal na ba akong naghihintay dito? Tiningnan ko yung watch. Huwat? Isang minute palang? Bakit pakiramdam ko eh isang oras na ang nakakalipas. Ganun ba talaga ang feeling? Ang weird kasi.
Narinig ko ang marahan na pagbukas nung pinto. Vene! Ano ba kasing meron at dito niya trip makipagkita. Magkaklase naman kami. Paglingon ko, ibang tao ang nakita ko.
“An--- Chace.”
“Nathalie...”
“Magpapahangin ka ba? Ano... aalis nalang ako kung gusto mo? Baka kasi maka-istorbo ako sa iyo.”
Hala! I-tetext ko nalang si Vene na sa ibang lugar nalang. Ang gara naman kasi kung maaiwan kami ni Chace dito ng kaming dalawa. Ang awkward lalo pa at naaalala ko yung naging pag-uusap namin nung isang araw. Tumanggi siya sa tulong ko.
“Hindi na kailangan. Sa totoo lang, kakausapin kita kaya ka nandito ngayon.”
Kakausapin niya ako. So ibig sabihin... pakana ni Vene ito? Ano kaya ang ginawa niya? At bakit kailangan akong kausapin ni Chace. Kinabahan tuloy ako lalo. Ano kaya iyon?
“Ayaw mong umupo muna? Mangangawit ka.”
Hala. Natulala ba ako? Nakaupo na kasi siya bigla. Anyways, uupo na. Pagkaupo ko, yumuko lang ako. Doon lang ako sa kuko ko nakatingin. Hindi ko siya magawang tingnan ng deretso kasi ewan ko. Nahihiya kasi ako.
“Nathalie, yung tungkol sa sinabi nung isang araw...”
“Ah, yun ba? Kalimutan mo na iyon. Sorry. Sorry.”
“Sa totoo lang, napag-isipisip ko na... tanggapin ang tulong mo.”
Napatingin ako bigla sa kanya. Nagulat kasi ako doon sa sinabi niya. Tinatanggap na niya? Payag na siya na tulungan ko siya?
“Ta-talaga?”
Tumango siya. Ewan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ngumiti.
“Okay lang ba sa iyo?”
“Oo naman. Ako yung nag-alok. Thank you!”
“Sa-salamat rin.”
Tumayo ako at lumapit ako sa kanya. Pakapalan na ito ng mukha. Hinawakan ko yung kamay niyang walang semento: ang future niyang alas. Sinisiguro ko iyon.
“Te-teka. San tayo pupunta?”
“Ano ka ba? Sa doctor mo muna... start na tayo ngayon.”
“Se-seryoso ka?”
“Oo naman. Bawat oras ay mahalaga. Dapat itong sulitin. Okay?”
“Si-sige. I-ikaw bahala ah.”
Feeling ko ngayon ay ang saya-saya ko. Dahil ba gustong-gusto kong makatulong? Masyado ata akong mabait para maging masaya sa pagtulong sa kapwa pero basta napakasaya ko pagkatapos kong marinig na pumapayag na siya sa sinabi ko. Thank you sa nasa itaas dahil pinagbago niyo ang niya! Thank you talaga.
Pumunta kami doon sa ospital na pinag-admittan sa kanya at pati na rin sa akin. Pinuntahan namin si doc.
“Doc, ano po ba talaga nangyari dun sa kaliwa?” Ako na ang nagtanong. Para kasing ewan na tulala si Chace. Nako. Ano bang meron? Isinakay ko lang naman siya sa sasakyan namin. Pero may kasalanan ako... hehe. Dahil sa pagiging excited ko ay naiwanan namin yung mga bag namin. Buti nalang at nandun pa si Nick, kundi yari. Hehe.
“Babalik pa naman ito sa dati pero hindi na siya gagana na katulad noon.”
“So ibig pong sabihin, pagkatanggal nung cast eh ganun pa rin po siya?”
Tumango yung doctor. Tama nga ang suggestion ni Vene. Kailangang turuan ang kanang-kamay niya. Yun ang kailangan naming gawin. Pagkatapos ng session kay dok ay dumeretso kami sa bahay namin. Yung bahay na tinutuluyan namin ngayon at hindi kina daddy.
“Chace, hi!”
“Kamusta po, tita.”
“I’m doing good, as usual. Anyway, ano gagawin niyo?”
“Mommy, idadaan siya sa matinding training.”
“Training, for what?”
“You’ll see, mommy. Surprise. Basta magiging maganda ang resulta nito, diba?”
Ano bang meron sa akin. Tumango nalang ng may pag-aalangan si Chace. Humanda ka de Verra. Lagot sa akin iyang kamay mo na iyan. Papahirapan ko talaga iyan.
“Okay. Ipakita niyo sa akin ang magandang resulta ah. Good luck!”
Nginitian kami ni mommy ng may pagkaliwa-liwanag. Lusaw na ako. Anyway, hinatak ko na si Chace paakyat sa kwarto ko.
Hopefully, maging successful nga. Hangga’t maari hindi ko ito susukuan.
Chace’s Point of View
Para akong bata na lilinga-linga sa paligid. Ibang bahay ito pero parang ito pa rin yung kwarto niya doon sa bahay niya dati. Mahilig siya sa mga cute na bagay. Napapangiti nalang ako na parang ewan. Nakita ko rin yung mga frame. Parang halos pareho lang kami ng mga litrato, ang kaibahan lang ay ang family picture. Pero ang napansin ko ay yung katabi ng kama niya... picture nilang dalawa ni Vene. Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Katangahan ko talaga.
“O, dali. Start na tayo.”
Pagkita ko, ang dami niyang dalang papel at parang isang kahon ata ng lapis ang dala niya. Magagamit ko ba lahat iyon? Grabe.
“A-ano ba ang unang gagawin?”
“Hmm. Magsusulat ka, kahit sulat ng kinder.”
“Kanang-kamay?”
Tumango siya. Inilapag niya ang lahat ng dala niya at umupo doon sa may tapat ko. Kumuha ako ng isang papel at lapis na may tasa.
“Ano gusto mong isulat ko?”
“Okay lang ba kung ABC?”
“Sige.”
Sinimulan ko na ang pagsusulat. Medyo natatawa ako sa ginagawa ko. Pambihira. Bumabalik ako sa pagkabata ko. Parang video na nag-replay sa utak ko ang pagkabata ko. Kaming dalawa sa iisang table. Sabay kaming tinuturuan ng basics.
Noong natapos ko na iniabot ko yung papel sa kanya. Agad naman niya itong tiningnan.
“Andrei...”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong tumalon. Andrei? Ang tagal ko nang hindi narinig mula sa kanya iyan ah. Ang saya naman ng araw na ito. Pakiramdam ko tuloy eh tama ang naging desisyon ko.
“Tao ka ba talaga?”
“Ba-bakit mo naman natanong?”
“Akala ko ba hindi ka right-handed?”
“Kaliwete naman talaga ako ah.”
“Eh, bakit ang ganda nang sulat mo?”
“Maganda ba iyan. Psh. Pang-kinder nga yan eh.”
“Umamin ka. Ambidextrous ka ba?”
“Ha? Paano mo nasabi?”
“Hm. Basta. Try mo ngang mag-drawing.”
“Sino i-dodrawing ko?”
“Sige. Simple lang muna. Si Hamtaro.”
Ngumiti nalang ako. Ang cute na daga kaya ni Hamtaro. Paborito yun ng bunso kong kapatid kaya nagpabili pa siya ng hamster kay mama.
Sinimulan ko na. Mabilis lang naman iyon i-drawing. Chicken iyon dati sa akin. Pero ngayon, ewan ko nalang. Iniabot ko ulit yung papel sa kanya at hinusgahan niya ulit.
“Kaya mo naman pala eh. Kaya natin ito.”
“Si Hamtaro ba talaga iyan?”
“Oo naman. Ang cute nga eh.”
“Ang hirap eh. Nanginginig.”
“Eh talagang ganun. Syempre mas sanay ka sa kaliwa. Feeling ko ambidextrous ka talaga.”
Sana nga. Pero sa tingin ko tama nga ang naging desisyon kaya kahit papaano ay makakasama ko siya. Kahit dito lang sa sandaling ito.
To be continued~