When A Fan Falls In Love (For...

By tinybobble

11.5K 150 13

Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang ta... More

Characters
UNDER REVISION!
CHAPTER 1 Reminiscence
CHAPTER 2 The Mania
CHAPTER 3 The Disclosure
CHAPTER 4 The New Dawn
CHAPTER 5 The Cross Roads
CHAPTER 6 The Real Fantasy
CHAPTER 7 The Chase
CHAPTER 8 The Remembrance
CHAPTER 9 The Affection
CHAPTER 10 The Night
CHAPTER 12 The True Color
CHAPTER 13 The Pain
CHAPTER 14 The Hatred
CHAPTER 15 The Time to Shine
CHAPTER 16 The Flower
CHAPTER 17 The Come Back
CHAPTER 18 The Sweet Song
CHAPTER 19 The Forgiveness
CHAPTER 20 The Heart Beat
CHAPTER 21 The Weirdo
CHAPTER 22 The Deal
CHAPTER 23 The Simplicity
CHAPTER 24 The Hidden Beauty
CHAPTER 25 The Sincerity
CHAPTER 26 The Rivalry
CHAPTER 27 The Kiss
CHAPTER 28 The Hide
CHAPTER 29 The Enlighten
CHAPTER 30 The Change of Heart
CHAPTER 31 The Broken Fate
CHAPTER 32 The Battle
CHAPTER 33 The Acceptance
CHAPTER 34 The Duet
CHAPTER 35 The Divulge
CHAPTER 36 The Emotion
CHAPTER 37 The Lost Fate
CHAPTER 38 The Bad News
CHAPTER 39 The Fighter
CHAPTER 40 The Heart Pain
CHAPTER 41 The Poser
CHAPTER 42 The Sweetest Reveal
CHAPTER 43 The Unattended
CHAPTER 44 The Traitor
CHAPTER 45 The Regret
CHAPTER 46 The Box
CHAPTER 47 The True Friendships
CHAPTER 48 The Basted Hero
CHAPTER 49 The Surprise
CHAPTER 50 The Face Up
CHAPTER 51 The Reason
CHAPTER 52 The Awards Night
CHAPTER 53 The YE SO CL
CHAPTER 54 The Last Bond
CHAPTER 55 Kislap
Author's Note
I CHANGED THE ENDING!

CHAPTER 11 The Trust

397 1 0
By tinybobble

+KINAUMAGAHAN+

RACKY's POV

*yawn*

"Goodmorning!"(Sigaw ni Shamy)

Natauhan at nagulat ako kaya napasigaw nang...

"AHH! ASWANG! ASWANG!"

Sabay cover ng mukha ko.

"Hoy! Ang OA mo! Hindi ako aswang!"

Pagtingin ko sa nag salita si Shamy?

"Shamy? Anong ginagawa mo dito? [napansin ko na sa loob kami ng kotse] at dito tayo natulog sa kotse? Di ta'yo nakauwi ka gabi? Bakit?"

Takang-taka naman ako. Wala kasi akong matandaan. Feeling ko na hang over ako.

"Ang dami mo namang tanong boy suka."

"Boy Suka?"

Suka? Ha! Oh no natatandaan ko na! Anak ng!

"Pasensya na Racky tungkol sa nangyari kagabi/"

"ANO MAY NANGYARI SATIN?!! PINATULAN KITA?!!"

*toinks*

"Aray naman! May gana kapa talagang mambatok? Kita mo na ngang masama pa pakiramdam eh, huhuhu."

"Baliw ka talaga! Sorry na ok? Di pa nga ako tapos magsalita eh kung ano-ano na naman kasi nasaisip mo!"

"Binibiro lang naman kita, high blood ka talaga. Pero, ano bang nangyari pagkatapos? Wala akong matandaan."

"Nahimatay ka! Ang taas kasi ng lagnat mo."

"Hay nako, sabi ko na eh. Grade four ako nung huling sumakay dyan sa lokong roller coaster na yan. Di talaga matibay sikmura ko sa mga ganyang rides."

"Kaw naman kasi! Ba't di mo sinabe sakin kagad? Maiintindihan ko naman eh."

"Gusto ko lang kasing subukan kung dinadagat parin ako, eh ganon parin pala. Pang habang buhay na talaga siguro to."

"Di ka talaga natatakot mag risk sa isang bagay noh? Kahit alam mo na pwede kang mapahamak, ginagawa mo parin."

"Ganon talaga dapat. Kailangang maging matapang sa lahat ng bagay para may matutunan ka."

"Wow ang lalim ha! Hmnf, Racky, sorry kung nagpumilit akong sumakay sa roller coaster."

"Hahaha!" [ginulo ko ang buhok nya]

"Ok lang un. At saka alam ko naman na di mo ako pababayaan. Dapat nga ako magsorry kasi ang laki na ng naabala ko sa'yo."

Tinitigan ko siya at nagsmile ako sa kanya. Alam ko mabait sya, di niya lang pinapakita kasi baka takot pa syang magtiwala sakin. Dapat makuha ko loob nya, siya lang kasi makakatulong sakin.

"Hay nako, tama na nga ang drama!"

Sabay hudlot ng kung ano sa noo ko.

"Teka ano ba yan?"

"Di mo ba nakikita? Edi, cold fever!"

"Nilagyan moko nyan? Aba, misis na misis ang dating natin ah."

"Ikaw talaga puro kalokohan nasa isip mo!"

"Biro lang! Galing mo namang mag-alaga, swerte mapapangasawa mo."

"Tumigil kana nga!"

TIME CHECK 10:00 AM

"Alam mo mas mabuti pang umuwi nalang tayo para makapagpahinga kana rin."

Sabi ni Shamy. Oo nga kasi medyo di pa full ang energy ko.

"Ok sige ba, hatid nalang kita sa bahay nyo."

"Sigurado ka bang kaya mo nang mag drive? Mag taxi nalang kaya tayo?"

Tanong niya. Mukhang concern talaga siya sakin.

"Wag kanang mag-alala okey na ako/"

Natigilan ko kasi bigla niyang hinawakan ang leeg ko at dahil diyan parang nang-init ang mukha ko!

"Wala kanang lagnat. Sige na di nalang tayo mag taxi. Wag kalang magpapagod mamaya baka masinat ka."

Sabi niya kaya dahil diyan napatingin ako sa mga mata niya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin!?"

"Salamat."

Sabi ko sabay ngiti tapos napangiti rin siya tapos nag nod.

Shamy's House

SHAMY's POV

Hay salamat nakauwi rin. Buti nalang at di nagalit si nanay, pero di ko sinabi na si Racky kasama ko, alam nyo na fan din sya. Baka kuyugin nun si Racky pag nagkataon hehehe. Kumain narin ako at naligo, tapos nun nag decide narin ako na magpahinga sa kwarto.

Saturday ngayon at walang pasok kaya eto libre akong magpahinga. Inaantok na talaga ako, di kasi ako nakatulog kagabi, kahit idlip lang, wala talaga akong tulog. Tapos ang sakit pa ng braso ko, nangangayat ata, hay anubeyen, matutulog nalang muna ako ngayon, di kasi ako sanay magpuyat kaya dapat maka recover katawan ko. It is time to rest.

Deux Crown Hotel

RACKY's POV

May pagka-albolaryo pala yon, nangangamoy herbal pako, ano kaya nilagay nun sakin? Hahaha. Ang sama talaga ng pakiramdam ko kagabi, buti nalang at may laman ang tyan ko. Alam ko na naman kasi ang mangyayari kaya kumain muna ako bago sumakay.

Naiinggit tuloy ako kay Shamy, kasi nga nakayanan niya ang roller coaster, tapos ako, nahimatay at naging boy suka pa! Hay nako bakit ba ako sumakay dun?! Nahihibang na siguro ako eh! Alam ko naman na sasama talaga pakiramdam ko pag tinuloy ko pang mag ride. Sa totoo lang, di ko talaga alam kung ba't pinahamak ko sarili ko ng ganon kadali. Siguro baka gusto kong makuha ang loob niya kaya nagawa ko un hmnf, baka nga.

+KINAUMAGAHAN+

Shamy's House

SHAMY's POV

*Yawn* Goodmorning sunshine, hay ang sarap ng tulog ko. Tingin ko di na ako aantukin ngayon. Ginising lang ako ni nanay kagabi para mag dinner tapos ilang minuto lang natulog narin ulit ako. Nagtataka nga si nanay eh, sabi ko naman, inalagaan ko kasi friend ko last night na nahilo sa rides kaya wala akong tulog, naintindihan naman nya. Bait ng nanay ko noh?

"Goodmorning, here's your breakfast."

"Pakilagay nalang po dyan."

Ops, teka. Boses lalake ang nagsalita ah. Kami lang naman ni nanay dito sa bahay! Di kaya minumulto ako ni tatay? Ayayay, puyat pa siguro ako.

Tinakpan ko ng kumot ulo ko, tinatamad pa kasi akong bumangon.

"Ma'am Limatunawa bumangon ka na po, nilalamig na ang pagkain."

Hala! Boses lalake talaga, huhuhu, sino ba to? Baka magnanakaw?!! Oh no kinakabahan na ako ha.

"Sino ka!? Wag kang magkakamaling lumapit sakin! May baril ako dito!!"

Pero di ko parin kinukuha ang kumot na naka talukbong sakin, natatakot kasi ako baka konting galaw ko lang aatake to.

*boogsh*

Naramdaman ko na bigla syang tumalon sa kama. Umalog talaga kasi ito, hala hindi kaya rapest to!!?

"Anong gagawin mo sakin!!? Nay!! Nay!! Nay!! Tulong!"

Hindi sumasagot si nanay!! Hindi kaya?!!?

"Anong ginawa mo sa nanay ko!!?"

Di parin nagsasalita...

"Sumagot ka?!!"

Dedma parin, pero nararamdaman kong unti unti syang gumagapang papalapit sakin. Oh no!

"Wag!! Wag mo akong sasaktan maawa ka! Huhuhuhu."

Pilit nyang kinukuha ang kumot na nakatalukbong sakin para makita niya ako, nagpupumiglas naman ako at nagsisisigaw nang.

"Rape!! Rape! Raaaaapppe!"

Nang ma agaw na niya ang kumot sakin, nagulat ako sa nakita ko.

"AH? RA-RACKY?" O_o

Nanlaki naman mata ko.

"Yes ako nga! Maka sigaw kanaman ng rape dyan kala mo may/"

"ANO HA? SIGE ITULOY MO TALAGANG BABATUKAN KITA!"

"Hahaha! Kalma, relax, calm down okey?"

"Psh, tinakot mo naman kasi ako eh! Ano bang ginagawa mo dito?"

"Ano pa, edi binibisita ka. Kain kana oh."

Sabay subo ng kanin sakin. Ang sweet niya ha, hahaha.

"Di mo naman kailangang gawin to. At saka kaya ko namang kumaing mag-isa."

"Bumabawi lang naman ako sa pag-aalaga mo sakin last night. Pasasalamat ko narin to kaya hayaan mo nalang ako. [sabay subo ulit sakin]."

Kaya hinayaan ko nalang siya na subuan ako, hahaha. Ang sweet naman oh.

Nang natapos na akong kumain.

"Ano nabusog ka ba?"

"Oo naman, salamat."

Nagsmile ako sa kanya at ganon din siya sakin. Di ako makapaniwalang mangyayari pala talaga ang panaginip; panaginip ko lang kasi to dati eh.

"Uhm, teka pano ka pala nakapasok dito?"

"Yung mama mo ang nagpapasok sakin, tuwang tuwa nga siya nung makita ako. Nagselfie pa nga kami, hehehe."

"Ha!!? Si nanay!!? Kanina kapa ba nandito?"

"Uhm, mga one hour na siguro. Naparami nga kwentohan namin."

"Nagkwentohan kayo!!?"

Hala! Baka nasabi ni nanay na patay na patay ako sa kanya dati, tapos baka nakwento niya yung break up namin ni Miler! Oh no sana naman hindi!

"Oh bakit parang ayaw mo kaming mag-usap?"

"Ha? Hindi naman, uhm, lika baba na tayo."

Nung nasa sala na kami, nakita ko si nanay na kumakain ng pizza. Aba, naman parang sarap na sarap talaga sya, hahaha. Alam nyo ba, kung ano ang mga gusto ko, yon din ang gusto ni nanay kaya nung naging idol ko si Racky, idol narin nya. ganon ka supportive ang nanay ko kaya mahal na mahal ko sya. :)

"Nay."

"Oh nak, gising kana pala. Hay nako nak ba't di mo pala sinabe sakin na si Racky kasama mo nung isang kagabi ha? At saka nung isang araw pa pala kayo nagkakilala. Hmnf."

Tinignan ako ng masama ni nanay, hay nako para ngang kinikilig to eh.

"Sasabihin ko naman po nay, naunahan lang po niya ako, sorry na nay wag kanang magalit oh."

"Hindi naman ako galit nak, sana sa susunod magsasabi kana ng totoo ha? Di yong nagsescreto ka sakin. Nakasama mo lang cru/"

"AHHH!! Nay halika po muna rito sandali."

Hinatak ko siya sa may corner para di marinig ni Racky pag-uusapan namin. Haist muntik na nyang masabi ang salitang crush ha.

"Oh bakit nak?"

"Nay nasabi mo na po ba kay Racky na fan niya ako dati?"

"Hay nako! Hindi pa nak nawala kasi sa isip ko. Kung ano-ano na ngang natanong ko sa kanya kanina. Uhm ano sasabihin ko ba?"

"Yan ang wag na wag nyong gagawin nay! Hindi niya po pwedeng malaman."

"Pero bakit nak?"

"Basta nay, please wag po kayong magkakamali."

"Uhm, ok nak. Pero parang mabait naman syang bata, magalang, parang maaalahanin at gwapo. Na star struck nga ako sa kanya eh. Bagay kayo nak."

"Nay naman eh."

"Hahaha, kayo talagang mga kabataan. Sige bumalik na tayo dun at di pa ako tapos kumain."

Hay nako si nanay talaga...

Pag balik namin dun sa sala, may napansin ako sa bandang ilalim ng table. Ang daming grocery items! Mga sabon, noodles, biscuits, shampoo, etc.

"Nay san po ba galing ang mga to? [sabay tingin sa laman ng plastic] Balak nyo po bang magpatayo ng sari-sari store? Ang dami nito oh."

Sa bilang ko, 15 plastic bags lahat.

"Ano ka ba nak, kay Racky galing yan."

"Ha? Pero bakit daw? Hindi naman niya kailangang gawin to eh. Teka asan na ba yon?"

Baka umuwi na sya? Di manlang nagpaalam! Grabe naman ha!

"Racky!?!? Asan ka?"

Sigaw ko.

.

.

San ba yon?

Nang tumingin ako sa taas, nakita ko si Racky pababa ng hagdan. I think nanggaling siya sa kwarto ko, at may dala-dala syang malaking box. Teka. yon yong box na! Oh no!

"Hoy!! [tumakbo ako papalapit sa kanya] Akin na nga yan! [Sabay hablot ng box]"

"Grabe naman, parang tinitignan lang eh, ang cute kasi ng design oh."

"Sa susunod, wag mong pakialaman ang gamit na di sayo!"

"Ang sungit mo naman! Ano bang laman nyan?"

"Wala kana dun."

Umakyat nako sa kwarto at ibinalik ang box sa kinalalagyan. Pakialamero talaga ang lalakeng un!! Muntik pa akong ma buko ha! Haist naman!

RACKY 's POV

Ang sungit talaga ng babaeng yon! Nagagandahan lang naman ako sa design ng box eh, parang punong-puno ng pagmamahal. Nakakainlove ang box kasi puro heart lang ang nakikita mo,. ah basta parang iba ang dating sakin. Pero, ano

naman kaya laman nun? Sayang naman at di ko nabuksan hehehe.

"Hijo, pag pasensyahan mo na si Shamy ha? Private kasi nasa loob ng box kaya ayaw nyang patignan yon sa iba."

Private? Haist di ko naman alam eh.

"Sorry po tita ha? Private pala."

"Hehe, okey lang."

"Ahm, tita, matanong ko lang po, dalawa lang po ba kayo dito?"

"Oo eh. Ang mga kapatid niya kasi, may mga pamilya na. Tapos ang tatay niya, 7 years ng wala kaya kami nalang naiwan dito."

"Ahh, kaya pala mukhang spoiled siya, hehehe."

"Hindi naman spoiled yan. Mabait na bata iyang si Shamy eh hindi nga nang-aaway yan."

HA? HINDI NANG AAWAY? EH ANG SUNGIT NGA NIYAN EH TAPOS MAHILIG PA MANG BATOK.

"Talaga po?"-_-

"Alam mo, yang anak ko, mababaw lang ang kaligayahan nyan. Kahit maliit lang na bagay ang ginawa mo sa kanya, ma a-appreciate niya parin un."

"Kung ganon, mabait na anak naman po pala sya."

"Hahaha. Nakakatuwa talaga kayo. Alam mo parang di ako makapaniwalang andito kana sa harapan ko. Parang kailan lang, sa TV lang kita inaabangan."

"Po? Inaabangan nyo ako?"

"Oo, eh alam mo na fan mo rin ako."

"Nako maraming salamat po tita. It is my pleasure."

Nakakatuwa naman, fan ko ang mother ni Shamy, pero ba't siya di ako idol? Nakakapagtaka naman un.

"Hoy boy suka! (sigaw niya habang bumababa ng hagdan) Hindi ka pa ba uuwi?"

"Grabe kanaman parang pinapauwi mo na ako eh."

"Ewan ko sayo!"

"Sorry na! Di ko naman alam na private yon."

"Sa susunod kasi, wag mong pakikialaman ang mga gamit ko kung wala kong pahintulot! Ok?"

"Oo na, oo na ma'am. Copy po promise."

"Mabuti naman."

"Oh ano bati na tayo ha?"

"Hmnf, OKEY."

Sabi niya habang nakangiti.

"Ayan, mas lalo kang gumaganda pag naka smile."

"Ayan, dyan ka magaling, sa pagbibiro."

TIME CHECK 10:30AM

Tanghali na pala. Uuwi nalang nga siguro ako. Baka naka istorbo na ako sa kanila

"Uhm, tita, Shamy, uwi na po ako."

"Ha uuwi kana hijo? Dito kanalang magtanghalian."

"Uhm, wag na po tita. Next time nalang po may gagawin pa po kasi ako. Salamat po."

"Uhm kung yan ang gusto mo sige hijo at salamat din ng marami sa mga groceries ha. Nag abala kapa."

"Wala po yon tita para sa inyo [sabay salute]."

"Salamat talaga ingat ka, uhm nak, hatid mo naman siya sa labas."

At yon hinatid ako ni Shamy sa labas. Alam nyo, masaya sila kahit dalawa lang silang magkasama. At saka nakita ko na mahal na mahal talaga ni tita si Shamy at ganon din si Shamy sa kanya.

"Wag kang mag-alala, babayaran ko ang mga grocecies."

"Ano? Bigay ko yon at di ko naman pinababayaran yon no."

"Kahit na! Magkano ba lahat?"

"15,000!"

"Ha? Ah eh, thank you ulit sa groceries."

"Hahaha, oh gulat ka noh?"[ginulo ko buhok nya]

"Ang yabang mo! Sige alis kana ingat."

"Teka may nakalimutan ako!"

"Ano yon?"

"KISS ko?"

Sabay turo ng cheek ko hahaha.

"Loko ka talaga!!"

*toinks*

"Sabi ko na batok na naman eh! Joke lang nga!"

"Gustong-gusto mo talaga na palagi akong ginagalit no?"

"HAHAHA! Ba bye, hanggang sa uulitin."

Deux Crown Hotel

RACKY's POV

Andito na ako sa hotel. Nakakatuwa talaga siyang asarin! Hahaha. Ang cute niya kasi.

*kriiing kriiing*

*on the phone*

Racky: Hello?

Chris: Hello brad Chris to (manager nya) kailan ka pa ba uuwi?

Racky: Di ba sabi ko one month leave ko?! Eight days pa ngalang ako rito eh parang pinapauwi mo na ako kagad. Hindi pa nga ako nakakapaghanap.

Chris: Ano!!?! One week kana dyan pero di ka pa nakapag-umpisang maghanap?! Ano bang pinanggagawa mo dyan?

Racky: Namamasyal.

Chris: Ano!? Sira ka na talaga! Inaaksaya mo lang ang panahon mo!!

Racky: Wag kang mag-alala, nakakita ako nang makakatulong sakin. Swerte nga eh pero kinukuha ko pa loob nya, ang sungit kasi.

Chris: Ay ewan ko sa'yo! Bahala ka! Basta ang sinasabi ko lang, may kailangan kang asikasohin dito. Magpapa audition tayo ng makaka partner mo sa music video ng diwata at dapat andito ka kasi ikaw ang mamimili kung sino ang papasa sa'yo.

Racky: I-schedule mo nalang next month,. please, please? Sandali lang naman eh.

Chris: Susubukan ko! Basta brad di ko maipapangako ha. Tatawag ako kung kailangan mo nang umuwi at kailangan mo na munang ipagpaliban yang paghahanap mo.

Racky: Oo na, oo na.

Chris: Pero para may silbi naman ang buhay mo dyan, may ipapagawa ako sayo. Madali lang naman to eh. Nasa email account mo ang detalye, Bye.

Racky: Teka! Teka! Sandali!!

*tot tot tot*

Binabaan ba naman ako! Hmnf kainis naman oh!! Ano bang ipapagawa niya sakin? Naman!! Gusto ko pa'ng mamasyal dito eh, huhuhu.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
6.7K 473 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
28.7M 913K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...