When A Fan Falls In Love (For...

By tinybobble

11.5K 150 13

Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang ta... More

Characters
UNDER REVISION!
CHAPTER 1 Reminiscence
CHAPTER 2 The Mania
CHAPTER 3 The Disclosure
CHAPTER 4 The New Dawn
CHAPTER 5 The Cross Roads
CHAPTER 7 The Chase
CHAPTER 8 The Remembrance
CHAPTER 9 The Affection
CHAPTER 10 The Night
CHAPTER 11 The Trust
CHAPTER 12 The True Color
CHAPTER 13 The Pain
CHAPTER 14 The Hatred
CHAPTER 15 The Time to Shine
CHAPTER 16 The Flower
CHAPTER 17 The Come Back
CHAPTER 18 The Sweet Song
CHAPTER 19 The Forgiveness
CHAPTER 20 The Heart Beat
CHAPTER 21 The Weirdo
CHAPTER 22 The Deal
CHAPTER 23 The Simplicity
CHAPTER 24 The Hidden Beauty
CHAPTER 25 The Sincerity
CHAPTER 26 The Rivalry
CHAPTER 27 The Kiss
CHAPTER 28 The Hide
CHAPTER 29 The Enlighten
CHAPTER 30 The Change of Heart
CHAPTER 31 The Broken Fate
CHAPTER 32 The Battle
CHAPTER 33 The Acceptance
CHAPTER 34 The Duet
CHAPTER 35 The Divulge
CHAPTER 36 The Emotion
CHAPTER 37 The Lost Fate
CHAPTER 38 The Bad News
CHAPTER 39 The Fighter
CHAPTER 40 The Heart Pain
CHAPTER 41 The Poser
CHAPTER 42 The Sweetest Reveal
CHAPTER 43 The Unattended
CHAPTER 44 The Traitor
CHAPTER 45 The Regret
CHAPTER 46 The Box
CHAPTER 47 The True Friendships
CHAPTER 48 The Basted Hero
CHAPTER 49 The Surprise
CHAPTER 50 The Face Up
CHAPTER 51 The Reason
CHAPTER 52 The Awards Night
CHAPTER 53 The YE SO CL
CHAPTER 54 The Last Bond
CHAPTER 55 Kislap
Author's Note
I CHANGED THE ENDING!

CHAPTER 6 The Real Fantasy

387 3 2
By tinybobble

Ahh hindi, hindi! NO NO! Paano naman mapupunta si Racky dito diba?!!

Tinignan kong mabuti ang itsura niya. GRABE KAHAWIG NIYA TALAGA SI RACKY! Carbon copy oh! Ang galing naman.

"Oy miss, wag mo ako masyadong titigan ng ganyan, baka matunaw ako."

Sabi niya.

"Hahaha, sorry ah. Kamukhang kamukha mo kasi si Racky, yung rapper, hahaha."

Sabi ko.

"Kamukha ka diyan, ako talaga to noh!"

Sabi niya.

"AANOO??! WEH?" O_o

"Ayaw mong maniwala?!! OH!"

Sabi niya sabay kuha ng dalawang kamay ko tapos ipinatong sa mukha niya.

Kinurot-kurot ko ang pisnge niya tapos pati ang ilong. Ang lambot tapos ang kinis, kutis artista.

"Ops tama na yan, halatang nacu-cutan kana sakin eh, hehe."

Sabi niya kaya bigla kong tinanggal ang kamay ko. Nakakahiya yung ginawa ko! Tsk!

"Ahh, ay sorry."

"Hehehe, oh ano naniniwala ka nang ako si Racky?"

"Bakit ikaw ba talaga?" O_o

Tanong ko.

"Hahaha. Ang kulit mo naman eh, gusto mo kantahan pa kita para maniwala ka."

Kakantahan niya ako?!! Waaah! Hindi baka lalo pa akong ma tense dito!

"Ahhh wag na! Naniniwala na ako! Oo, ahh, ikaw nga yon, hehe."

Sabi ko habang naka fake smile.

Woohoo, parang di ako makahinga ng maayos! Sobrang kinakabahan ako, huhuhu. Hala baka bumalik yong pagka-adik ko sa kanya tapos baka makagawa na naman ako ng bagay na ikakasira ko? Ohh no It can't be!

"Haha mabuti naman. Nag-iisa lang kaya ako."

Sabi niya. Pati pagtawa Racky talaga. Siya nga talaga! Ang dating kinakausap ko lang sa picture, ngayon kaharap ko na! Tsk, di ko na kaya to, aalis na ako.

"Ha? Ahh oo nga hahaha tama ka. Sige ah? Alis nako."

Sabi ko.

"Oy teka lang" hinawakan niya kamay ko "wag ka munang umalis."

Ang kamay niya! Waaah! Hinahawakan niya ako!

Pano nato? Bakit niya ba ako kinakausap?!!

Dapat di bumalik ang dating ako! Ayoko nang maging immature! Ayoko nang maging baliw wuhuhu!

AHA ALAM KO NA!

Susungitan ko nalang siya para malabanan to! Yeah, tama. Aarte ako na parang di ko siya gusto! Teka di ko naman talaga siya gusto ah? Hay ewan!

"Bakit ba?!"

Sabi ko sabay tapi nung kamay niya. Galing ko ah, hehe.

"Ang sungit mo naman."

"Hindi ako masungit! Psh."

Sabi sabay talikod pero hinigit na naman niya ako.

"Ano bang kailangan mo sakin?!!"

Tanong ko.

"May hinahanap ako at kailangan ko ang tulong mo."

Sabi niya kaya nagulat ako. Tulong?

Hindi pwede! Dapat makalayas nako rito.

"Ano? Wala akong panahon dyan busy ako!"

Sabi ko sabay talikod tapos lumakad.

"Miss! Maawa kanaman sakin!"

Sabi niya, habang nakasunod sakin. Ang kulit niya talaga!

"Sa iba kanalang humingi ng tulong!"

"Pero ikaw ang gusto ko!"

Sabi niya kaya napatigil ako.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko tapos napatingin ako sa kanya.

.

.

.

.

.

*bbrrrp*

Hay nako ang tummy ko gutom na gutom na talaga ako. Huhuhu.

"Sa tingin ko gutom kana kain na muna tayo, my treat."

Ang kulit talaga paano ko ba matatakasan to?!! Nangako ako na di na siya babalik sa buhay ko ulit, pero bakit ganito?!!

"Ha? Uhm, hindi na kaya ko namang kumaing mag-isa!"

"Pero ako hindi kasi wala akong alam dito so please sumama kana sakin."

Nagpa-awa epek pa siya eh hindi naman bagay sa kanya! Uhm, okey, denial na ako.

"Ay ewan bahala ka! Pupunta-punta ka rito hindi mo naman pala alam ang pasikot-sikot sa lugar namin!"

"Grabee ka naman, huhuhu. Sige kung ayaw mo akong samahan, okay lang. Bahala na kung mawala ako rito tapos mapadpad ako sa kuta ng mga aswang tapos kakainin ako ng buhay tapos kukunin puso at atay ko tapos wala ng gwapong emcee sa mundo tapos/"

"Oo na sige na nga sasamahan na kita! Pa konsensya kanaman eh!"

Sabi ko. Napasubo talaga ako, haist. Makokonsesya pa ako pag may mangyaring masama sa kanya kaya sasamahan ko nalang.

"Yes! Salamat talaga miss?"

"Shamia Limatunawa, pero Shamy nalang."

"Kakaiba ang pangalan mo ha, ang cute lang ng dating."

Sabi ko na eh agaw pansin na naman pangalan ko.

"Hay nako nambola kapa!"

"Di ako nambubola, totoo. Kasing cute mo nga ang pangalan mo eh."

"Ha? Uhm, e-ewan ko-ko sayo! Tara na nga at gutom na ako."

Sabi ko sabay lakad.

"Eseeh sabi ko na ngaba mabait ka."

Sabi niya na pumantay sakin sa paglalakad.

"Mukha mo!"

Sigaw ko. Pero deep inside naguguluhan talaga ako.

"Gwapo?"

Dagdag niya. Haist di nalang ako kumontra.

Habang naglalakad kami, pakiramdam ko nakalutang ako. Hindi talaga ako makapaniwala na si Racky ang kasama ko ngayon! Aaminin ko pinangarap ko to noon pero di ko talaga inaasahan na magkakatotoo.

Pero dapat di nako mainlove sa kanya, ayoko nang maulit ang nangyari sakin. Pero paano to? Nakakausap ko na talaga siya at nakikita in person ngayon kaya ibang usapan na! Huhuhu.

RACKY's POV

Hay salamat point of view ko na haha. Hello mga kababayan ako nga pala si Racky Walfon a.k.a Racky. I'm sure kilala nyo na ako hehe. 24 years old na ako pero parang bata parin itsura ko kaya napagkakamalan akong 21 o di kaya 19, baby face kasi ako. Halos 5 years narin akong nasa rap industry.

Marami ring nag o-offer sakin na mag artista nalang pero parang ayaw ko pang tanggapin kasi sa pag rarap ako masaya eh.

Pangarap ko talaga noon pa ang maging sikat na rapper kaya sumali ako sa underground scene o rap battle.

Dun ako nagsimula at na develop skills ko sa composing lyrics and speaking.

Nung lumabas ang isang kanta ko, BOOM! Isang kisapmata lang sumikat ako ng husto! Haha, de joke lang. Sumisikat palang, hindi naman kasi ako biglaang naging youtube sensation; may step siya eh.Lumilipas ang mga taon, mas dumarami ang mga humahanga sakin. Unti-unting na re-recognize ang mga kanta ko kaya ito inspired pa lalong gumawa ng mga magagandang music.

Isang goal ko lang naman eh para maiba ang tingin ng mga tao sa rap songs. Kasi nga diba, noon hindi to na a-appreciate dahil nga sa ang pinoy rap daw, baduy tapos mga adik pa ang kumakanta, kaya masakit sa part ko.

Ngayon masaya na ako dahil unti-unti na syang natatanggap sa lipunan at masasabi ko naring SIKAT na talaga ako. wahaha.

Naniniwala rin ako na kayang kaya nating makipagsabayan sa mga international rapper like my idol Eminem, 'cause I believe that we have also the talent, the wit and the looks, haha looks talaga?

Speaking of looks eh, ang isang dahilan din kung ba't dumarami fans ko eh dahil sa kagwapohan ko, hahaha, joke, pero marami talaga ang nagsasabi na gwapo ako.

Pero kahit ganyan, hindi pa ako nagkakagirlfriend. Palagi kasi akong basted noon, alam niyo na, di naman ako girl material dati. Pero ngayon na sikat at mas lalong pumogi na lalapit lapit na ang nambasted sakin. Tsk, grabe noh? Kaya masakit sa loob ko.

Pero ngayong na sa showbiz nako; syempre maraming magaganda, sexy, pero wala talaga akong nagugustuhan eh. Oo may crush ako pero nawawala naman bigla feelings ko kaya eto music muna girlfriend ko ngayon. Pero real talk, I'm still searching for the right one.

Hahahaha, ok tama na nga tong pagsasalaysay sa buhay ko baka maiyak pa ako eh hahaha. Back to the story na ngalang.

Ang bait-bait talaga ni Lord noh? Kasi binigyan niya ako ng anghel na tutulong sakin. Hahaha anghel talaga? Ibang klase rin ang babaeng to ha. Yong iba nga kung makita ako kulang nalang hubaran at rapen ako eh pero siya sinusungitan lang ako? Ni hindi manlang siya tumili o nagpapicture manlang sakin. Ano kaya ang problema nun? Kung di ko lang siya kailangan eh hindi ko naman siya kakausapin. Desperado na ako eh!

Mang Inasal (Restaurant)

"Dahan-dahan naman parang di ka babae kung kumain eh!"

"Paki mo ba? Eh gutom ako eh!"

Kitams ang sungit talaga nito at tignan mo kung kumain parang lulunukin ng buo ang manok hahaha! Nakakatawa ang itsura niya! Ma-asar nga. :P

"Nadidistract kaya ako Ma'am Limatuwarma! Nawawalan ako ng ganang kumain sa ginagawa mo eh!"

*toinks*

Aray, binatukan ba naman ako? Ibang klase talaga siya! Nagawa niyang saktan ang isang kagaya ko?

Nanlaki nalang ang mata ko sa ginawa niya. Grabe ako si Racky Walfon, ang isang sikat na gwapong rapper tapos babatukan lang ng isang stranger na to!? Anak ng kabayo sa toko naman! Wala ba siyang balak magpa-autograph? Hehe.

"Pasalamat ka gutom ako! Kung hindi iiwanan talaga kita!"

Sabi niya pa.

Gutom lang siya kaya niya ako sinamahan? Ni hindi manlang siya na i-intimidate sakin? Ibang klase ang babaeng to.

Dahil diyan napangiti ako.

Ngayon lang kasi ako kumausap sa taong first time ko lang nakilala, alam niyo na celebrity kasi ako, natatakot akong makain ng buhay hehehe. Pero siya parang ordinaryong tao lang ang turing sakin, and good thing, kasi para makalimot naman ako sa mundo ko.

Ang weird kung iisipin pero hayaan ko nalang. Mukha naman siyang mabait, pero masungit.

"At saka hindi Limatuwarma ang apelyido ko noh! Kundi Limatunawa, L-I-M-A-T-U-N-A-W-A!!"

Spenell out pa talaga niya ha, anong kala niya sakin mahina sa spelling?

Ang dami niya namang sinabi samantalang ako, nananahimik lang dito.

"Oo na! Limatunawa na kung Limatunawa."

Sabi ko nalang para may masabi lang.

"Good."

Sabay subo ng manok, hahaha nakakatawa ang itsura nya hahaha.

"Teacher ka ba talaga?"

Tanong ko. Para kasi sa mga ikinikilos niya, siya ang estudyante hahaha.

*toinks*

"Aray naman nakakadalawa kana ha!"

Sabi ko. Ang lakas ng mga batok niya, pramis! Haist patience please!?

"You deserves it, hahaha."

"Pa deserve-deserve ka pa *whispering* halikan kita dyan eh."

"Anong sinabe mo!?"

"Wala! Sabi ko eat well!"

At yon nag-umpisa narin akong kumain, nahiya naman kasi ako rito sa kasama ko. Kanina pa batok nang batok sakin, pano ako makakakain niyan aber?

Ilang minuto rin na di kami nag-uusap alam nyo na busy sa paglamon, hahaha.

Nung natapos na kami.

"Ano busog ka na?"

"Oo salamat."

Aba ang sungit pa rin? Paano ko ba makukuha loob nito? At ako pa talaga ang kukuha ng loob niya!? Tsk naman oh!

"So dahil busog kana, pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa hinahanap ko?"

Sabi ko.

"Hmnf, pag-iisipan ko."

"Ha!? Kala ko ba tutulungan mo na ako?"

"Aba?! Ang sabe ko kanina sasamahan lang kitang kumain at hindi para tulungan ka! Bingi kana ata eh."

Please pigilan niyo akong wag mainis sa babaeng to.

"Ano?!! Pinakain na kita at lahat-lahat di mo parin ako tutulungan?!!"

"Edi babayaran kita sa mga nakain ko!"

Sabi niya. Baka nagpapakipot lang to?

"Tsk! Di naman yan ang ibig kong sabihin eh!"

Sabi ko.

"Para tantanan mo na ako!"

Sabi niya kaya medyo nasaktan ako. Pano nako nito? Mas maganda kung may tutulong sakin. Teacher kasi ang hahanapin ko, at teacher din ang Shamy na ito kaya malaki ang chance na matutulungan niya ako!

"Please, gagawin ko ang lahat, tulungan mo lang ako."

Sabi ko na nagmamakaawa na sa kanya. I really need her help.

"Talaga? LAHAT?"

Tanong niya.

"Oo, sabihin mo lang gagawin ko!"

Sabi ko kaya napaisip siya.

"Hmnf, simple lang naman ang gusto ko eh."

"ANO?"

"Hmnm, KISS."

Nagpout siya at nag wink sakin. Hahaha! Sabi ko na nga ba pakipot lang to eh, gusto lang pala makascore sakin, hahahaha.

"Yan lang? Sabi ko na nga ba type moko eh pakipot kalang!"

Sabi ko. Bisto na siya! Wala talagang makakatiis sa kagwapuhan ko hehehe. Ahem.

"Pakipot ka diyan! Mukha mo! Psh."

Sabi niya.

"Asus pa psh psh ka pa diyan. Huli ka na."

Dinala ko ang chair sa tabi niya para dun nalang maupo. Magkaharap lang kasi kami kanina at may nakapagitan na table sa amin kaya eto para di ako mahirapan tatabihan ko nalang siya hahaha.

Hinawakan ko ang mukha niya at dahan-dahang nilalapit ang lips ko sa lips nya.

Mmmn

Ayan na...

Mmmn

Malapit na...

Mmmn

*toinks*

"Aray naman bakit mo ginawa un!? Nakakatatlo kana ha!?"

Binatukan na naman ako!? Nagkamali ata ko nang taong nilapitan ah!

"Manyak ka talaga! Anong akala mo papahalik ako sa'yo!? Yuck!"

Sabi niya.

"Eh sabi mo kiss kailangan mo diba!? Ang labo mo naman!"

Naiinis kong sinabi. Kiss daw ang kailangan tapos ayaw naman magpahalik. Adik lang?

"Oo kiss nga pero sinabe ko ba na sa lips ko?"

Tanong niya. Oo nga noh? Hindi niya naman sinabi kung saan.

"Ano!? Eh kung hindi sa lips mo, saan? Sa cheek? Leeg? Kamay?"

Tanong ko.

"Malapit na manghula ka pa"

Aba gawin daw ba akong manghuhula!? Dami niyang alam ha!

"Uhm, tenga?"

"Hindi."

"Parte ng katawan ng tao?"

"Syempre!"

"Sa ulo?"

"Hindi!"

"Sa gitna?"

"Hindi!"

"Sa ilalim?"

"Oo! Oo! Hahaha."

Ayayay, ano ba kasi ang iniisip ng babaeng eto? Kala naman niya papatulan ko sya?

"Hoy babae! Ano bang gusto mong mangyari? Na may mangyari satin? Excuse me hindi ako cheap no!"

Sabi ko. Hay nako bakit ba kasi halos lahat ng babae gustong magpa ano sakin? Excuse me hindi ako mahilig diyan! Good boy kaya ako hehe. At isa pa V pa ako noh! Ni hindi pa nga ako nakakatikim ng babae. Pero teka, hindi pa nga ba? AHHH ANG GULO!

"Ano?!! Ang kapal mo! Manyak!"

*Pokkk! Plakkk! Pakkk*

"Aray, aray, aray!! Tama na!! Ano ba?!!"

Pinaghahampas ba naman ako!? Nakakarami na siya ha! Ngayon palang kami nag-kakilala eh bogbog sarado na ako! Huhuhu. Parang pakiramdam ko, close na kagad kami sa pinanggagagawa niya.

"Ang dirty minded mo talaga! Nakakainis ka na ha!"

Sigaw niya. Buti nalang nandito kami sa dulo nakaupo kung hindi pinagtitinginan na kami. Haist hindi ko siya ma gets.

"Oo na sige na pasensya ok? Nasanay kasi ako sa mga babaeng alam mo na, sila mismo dumidikit at lumalapit sakin."

Paliwanag ko naman. Oo totoo yan, na trauma ata ako.

"Pwes wag mo akong itulad sa kanila ok?"

Sabi naman niya.

"Oo na mali nako sorry na. Diretsohin mo na kasi ako!"

"Uhmm, ok. Oo kiss nga ang kailangan ko pero hindi sa cheek, kamay, lips at lalong-lalo na hindi dyan sa iniisip mo! Ang gusto ko halikan mo ako sa PAA!"

"Paa lang naman pala eh, teka...

ANNOOO!?! Sa paa mo?!!"

Sigaw ko. Anak ng sa paa talaga niya!? Ano siya dyosa?

"YES!"

Sabi niya sabay taas kilay. Dami niya talagang alam siya na.

"Yuck! Ayoko nga! Mamamatay muna ako!"

Sabi ko.

"Ayaw? Ayaw talaga? Sige kaw bahala, kaw din mahirap makahanap ng tulong dito. Wala ka pa namang kakilala, ahay wawa kanaman."

Lintik talaga nababadtrip na ako ha? Di ko nga hinahalikan paa ko sa ibang tao pa kaya? Binablack mail ako ng teacher nato tsk!

"Oo sige na payag nako! Pero siguradohin mong malinis yan ha!?"

Tanong ko. Baka naman magkasakit ako ng di oras nito.

"Malinis naman tong paa ko eh. Oh ano game?"

Sabi niya habang natatawa. At tuwang-tuwa siya sa ginagawa sakin! Sama niya.

"Lagyan mo muna ng alcohol tapos anti bacteria!"

Sabi ko kaya tinignan niya ako nang masama.

"Gusto mo batok?"

Sabi niya. Ayan tayo ehh.

"Eeehh, OO NA!"

Sabi ko nalang. Ako ang may kailangan kaya dapat ako ang magpakumbaba. At isa pa ayoko nang mabatukan.

Inihanda na niya ang paa nya infairness maputi naman at makinis pero parang di ko talaga kaya! Pero sige gagawin ko to para sa career ko! No choice nako!

Lumuhod na ako at hinawakan paa nya. Mabango naman pala eh, hahaha.

"Hoy ano pa tinutunganga mo dyan!? Bilis na!"

Sabi niya. Atat!? Kagatin ko tong paa mo eh hahaha.

Ayan na...

.

.

Malapit na..

.

.

Konti nalang talaga...

.

.

.

.

.

.

.

*toinks*

"Aray! Ano ba talaga?!!"

BINATUKAN NA NAMAN AKO! But I am enjoying this haha. Ang saya lang.

"Hahaha, at hahalikan mo talaga paa ko ha? Tumayo ka na nga dyan!"

Sabi niya.

"Bakit?! Ang labo mo talaga! Diba yon sabi mo?"

"Sinusubukan ko lang kung gano ka importante sayo ang tulong ko. At napatunayan ko naman na sincere ka sa hinahanap mo kaya tutulungan na kita kahit labag sa kalooban ko."

Aba! Pinabibilib ako ng babaeng to ha, naisip niya pa yon? Teacher nga to matalino eh. Kala ko naman she's grabbing the oppurtunity para pahirapan ako haist, di naman pala.

"Nako salamat."

Bigla ko syang niyakap, wala lang masaya ako eh. Hehehe. Hindi naman pala siya ganon kasama. Sinusubukan lang niya pala ako. Mabuti naman pinanganak akong mabait wehehe.

SHAMY's POV

OW EM, nakayakap sakin si Racky! Ang celebrity na dati niyayakap ko lang sa monitor ng PC pero ngayon syang siya na talaga! O_O

Kanina muntik na kaming magkiss, tapos ngayon yakap na naman?! Ngayon lang nga kami nagkakilala tapos napagdaanan na namin ito? Eh pano pa kaya kapag tumagal pa ang pagsasama namin? Baka kung ano na ang magawa namin nyan! Ow em, HINDI MAAARI!

"Hmmn, Racky di ako makahinga!"

Sabi ko kaya bumitiw siya bigla sa pagkakaakap sakin.

"Ay so-sorry na carried away lang hehe."

Sabi niya sabay ayos ng cap. Sa totoo niyan parang kanina pa ako hindi mapakali rito. Hindi ko alam kong kinikilig ba ako o hindi pa nagsisink in sa utak ko na ngayon kausap ko ang celebrity na dati ay naging parte ng buhay ko.

Tinatago ko lang sa pagsusungit ang nararamdaman ko. Di ko nga alam, siguro na star struck lang ako sa kanya? Naging crush ko rin siya kaya siguro normal lang? Kaya I'm sure mawawala rin to. Hindi ko na naman siya idol ngayon eh diba!?

"Hmnf. So ano ba kasi ang hinahanap mo dito?"

Tanong ko nalang. Totoo ba talaga na tutulungan ko to!? Grabe naman ang tadhana ko kakaloka lang!

Pero wala na akong choice, kawawa naman eh. Saka halatang kailangan niya talaga ng tulong.

"Hindi ano, SINO!"

Sabi niya. Diniin niya talaga ang pagkakasabi ng SINO.

"Ahh, eh bakit mo naman siya hinahanap? Ano mo ba siya?"

Ang strikto kong magtanong haha.

"Isang stalker na balak sirain ang career ko!"

Stalker!? Wow huh hanggang dito ba naman may stalker siya!? So posibleng babae ang hinahanap niya. Alangan namang lalaki mang-stalk sa kanya? Hehe.

"Ahh, eh sure ka ba na nandito siya?"

Tanong ko. Mataray parin ako sa kanya huh. Di dapat mahulog loob ko rito.

"Oo, sa daddy niya na mismo nanggaling na dito siya nakatira."

"Nakuha mo ba address nya?"

"Yon na nga ang problema. Wala eh!"

"Ano?! Eh san natin siya hahanapin dito? Alangan namang iisa-isahin natin ang mga bahay! Di ka talaga nag-iisip!"

Sabi ko. Talagang di talaga siya nag-iisip! Pano niya mahahanap ang tao kung wala siyang kahit anong pagkukunan ng info!? Tsk mababatukan ko na naman to eh!

"Ayan high blood kana naman! Sorry na po ma'am ha!? Hmnf, pero alam ko ang pangalan nya, Dayne Victoria."

Dayne Victoria? Pangalan palang malandi na hahaha.

"Eh ikaw naman kasi! Hmnf ano yan bading o babae?"

Pa asar kong sabi.

"SIYEMPRE BABAE! Kung bakla yon baka tagal ko na siyang pinaulanan ng bala!"

Sabi niya. Grabe hyper parin talaga haha.

"Wow huh bala talaga!? Baka ex girlfriend mo lang yan?"

Sabi ko habang nakangiti. Sige interview-hin ko nalang to.

"Ex girlfriend kakasuka ha! Kahit kailan di ko magiging girlfriend ang babaeng katulad niya."

Sabi niya sabay inom ng tubig.

"Bakit!?"

"Kung alam mo lang ang ugali nya! Nako nakakagigil!"

"Eh bakit nga?"

"MASAMA SIYA!"

Sigaw niya kaya nagulat ako.

"Grabe, nakakatakot naman pala yan. Eh may picture ka ba niya?"

"Wala, pero madali ko siyang makikilala kapag nagkasalubong kami."

"Bakit ano bang itsura niya?"

"Emo girl yon Black Angel nga tawag sa kanya ng mga friends nya. Puro black kasi lahat ng gamit nya, mula ulo hanggang paa."

"Ano!? Baka may emotional problem sya. May mabigat sigurong pinagdadaanan."

Oo kasi kadalasan ng mga ganyan depress eh. Buti nga di ako naging emo nung nag break kami ni Miler haha.

"Ewan ko lang ha. Nasa kanya naman kasi lahat eh ano pa bang poproblemahin nya? Pwera nalang."

"Pwera sa?"

"Pwera sakin. Ako lang naman ang dahilan kung ba't nagpapaka emo un, ilang beses ko na kasi syang binasted eh."

"Alam mo ang yabang-yabang mo!"

"Ikaw naman, pero seryoso, may isa akong alam tungkol sa kanya. Teacher sya!"

"Ha sigurado ka ba? Kung teacher siya bad image yan para samin. Alam mo ba bawal yan baka mapatalsik pa siya sa pagtuturo at mawalan ng license."

"Totoo? Pero sa tingin ko hindi takot yon sa mga ganyang bagay eh patay na patay sakin yon eh! Ako lang ang nasaisip nun!"

Yong totoo, nag-uusap ba talaga kami tungkol sa hinahanap niya o tungkol lang sa kahanginan niya!?

"Edi ikaw na ang gwapo!"

Asar ko sa kanya.

"Ganyan talaga ang problema ng mga pogi."

"No comment." -_-

Sabi ko nalang baka mas lalo pang lumaki ang ulo niya.

"Eto naman, eh ano may kakilala ka bang Dayne Victoria?"

"Wala eh, at saka wala naman akong may nababalitaang emo teacher dito."

"Ganon ba? Hmnf, nako paano ko ba siya mahahanap, huhuhu."

Nag pout siya tapos mukhang problemado talaga. Kawawa naman, pero ang tanong, ano naman kaya ang maitutulong ko?

Thinking...

.

.

.

.

.

.

.

AHA! ALAM KO NA!

"Alam ko na ang gagawin natin para mahanap siya."

"Talaga? Papano?"

"Kailangan lang nating tanungin ang lahat ng principal o dean dito sa amin."

Sabi ko. Yan lang pumasok sa utak ko eh.

"Pero madali lang bang gawin yan? Mukhang mahihirapan tayo dyan ah."

"Wag kang mag-alala, magtatanong ako sa school para mapadali ang paghahanap natin."

"Ganon ba, salamat ah? Nadamay ka pa tuloy sa problema ko."

"Wala yon. Mapilit ka eh so wala na akong magagawa pa."

"Uhm. Pasensya na ha? Kailangan ko lang kasi talaga na mahanap siya kagad kaya kinakapalan ko na ang mukha ko sayo. One month lang kasi ang palugit ko, at uuwi na ako pagkatapos. Madami pa kasi akong naiwan na trabaho dun."

"Uhm, ayos lang. Pero pano kung di natin siya mahanap? Parang kulang ang isang bwan para dyan."

"Kaya nga nagpapatulong ako sayo, kaya please, tulungan moko."

Nag nod lang ako sa kanya tapos nagsmile.

"Excuse me ma'am, sir. Kakain pa po ba kayo? May gagamit na kasi ng table. Pasensya na po." - Waiter

"Ay hindi na po sige po."

Sabi ko tapos tumayo na kami ni Racky.

Time check 4:00PM. Ha! Mga tatlong oras na pala kaming nag-uusap dito!? Naman oh di ko namalayan ang oras.

Lumabas na kami sa Mang Inasal at naglakad-lakad ng konti. Tahimik lang kami pareho, naubusan yata kami ng topic hahaha. Hindi naman siya mapakali sa pag-aayos ng cap niya baka kasi mamukhaan siya ng mga taong nakakasalubong namin. Sinuot niya rin ang face mask at shade nya. Palabas na kasi kami sa mall kaya dumarami ang mga taong nakakasalubong namin.

"Shamy uwi ka na?"

"Ah, oo eh."

"So kailan tayo magkikita ulit?"

"Depende sa'yo basta every afternoon lang ako pwede, may pasok kasi ako sa umaga."

"Ah ok, number mo nalang para text nalang kita."

At binigay ko naman number ko sa kanya. Ilang beses ko pang chineck kung tama baka naman, haha.

"Teka san ka ba tutuloy ngayon?"

Tanong ko.

"Sa Deux Crown Hotel. Malapit lang dito sa mall diba? Kaya nga rito ako napadpad eh."

"Ah kaya pala haha. Oo alam ko kung san banda yan dito."

Nasalabas na kami ng mall at tumungo nako sa pila ng mga tricycle para sumakay papunta sa bahay. Nakabuntot naman siya sa likod ko hahaha.

"Shamy san ba punta mo?"

"Sa Tanque, sa bahay namin."

Pinuntahan niya yong isang driver.

"Manong, sa Tanque lang tong kasama ko, ito bayad niya oh keep the change. Basta siguradohin mong safe siya ha."

"Nako sir maraming salamat po." - Manong Driver

"Bakit kaw pa nagbayad eh may pera naman ako at saka 500 talaga binigay mo ang laki nun ha!"

"Okay lang yon sige na."

Sabi niya sabay gulo ng buhok ko, kaya napatulala ako. Hinawakan niya ang ulo ko!? HUH!?

"Oy! Sakay ka na raw sabi ni manong."

Tinap ako ni Racky kaya natauhan ako.

"Ha? Uhm, sabi ko nga eh, hehe."

At yon sumakay na nga ako.

"Pero, sumabay ka nalang kaya sakin? Along the road lang naman ang hotel oh."

"Wag na, maglalakad nalang ako. Malapit lang naman eh."

"Sigurado ka?"

"Kaw talaga, sige na, ingat ka."

"Okay sige kaw bahala. Kaw din, ingat."
Sabi ko sabay smile.

"Salamat. Saka manong dahan-dahan lang sa pag da drive ha?"

"Areglado sir, wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala sa nobya niyo, hehe."
Aba loko tong si manong!

"Manong hindi ko/"
Magpapaliwanag sana ako kaso di ko natuloy kasi biglang nagsalita si Racky.

"Aasahan ko yan, bye babes."

Sabi niya sakin! Waah! Nakakainis talaga siya! Babes daw? Psh! ASA!

RACKY's POV

Deux Crown Hotel

Hay nako sa wakas nakauwi din. Sa tingin ko hindi magiging boring life ko rito kasi kasama ko si Shamy hahaha. Salamat naman may tutulong sakin, di ko naman talaga inaasahan na may makakabangga akong engot at masungit na maaawa sakin.

Pero, curious ba kayo kung sino si Dayne? Well model siya dati sa Manila at sumasali rin sa mga beauty contest pero hindi naman siya sikat noh. Nagtataka nga ako kung bakit naging teacher siya eh wala naman sa ugali nyang maging mentor! Hmnf.

Patay na patay na patay na patay na patay na patay na patay siya talaga sakin dati pa nung hindi pa ako sikat at kahit na sanay na ako sa mga ganyan eh iba kami kasi close ang family namin. Ay hindi pala close parang magkakilala lang kasi ang papa ko at ang parents niya sa iisang company lang nagtatrabaho.

Five years ago nakilala ko siya sa christmas party ng company nina papa. Sinama kasi ako ng magaling kong ama kaya ayon na meet ko si Dayne na isinama din ng parents niya. Na love at first sight ata siya sakin nung mga panahon na yan kaya simula nun palagi nalang siyang sumusulpot sa harapan ko.

Kahit sobrang ganda, sexy, yaman at talino niya eh hindi ko siya magawang magustuhan! Ang sama kasi ugali niya at hindi siya desenteng babae! Parang gusto niya ata kunin ang lahat sakin! Pero realtalk, sinubukan nyang pikotin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 297K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
18.2K 137 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...