When A Fan Falls In Love (For...

By tinybobble

11.5K 150 13

Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang ta... More

Characters
UNDER REVISION!
CHAPTER 2 The Mania
CHAPTER 3 The Disclosure
CHAPTER 4 The New Dawn
CHAPTER 5 The Cross Roads
CHAPTER 6 The Real Fantasy
CHAPTER 7 The Chase
CHAPTER 8 The Remembrance
CHAPTER 9 The Affection
CHAPTER 10 The Night
CHAPTER 11 The Trust
CHAPTER 12 The True Color
CHAPTER 13 The Pain
CHAPTER 14 The Hatred
CHAPTER 15 The Time to Shine
CHAPTER 16 The Flower
CHAPTER 17 The Come Back
CHAPTER 18 The Sweet Song
CHAPTER 19 The Forgiveness
CHAPTER 20 The Heart Beat
CHAPTER 21 The Weirdo
CHAPTER 22 The Deal
CHAPTER 23 The Simplicity
CHAPTER 24 The Hidden Beauty
CHAPTER 25 The Sincerity
CHAPTER 26 The Rivalry
CHAPTER 27 The Kiss
CHAPTER 28 The Hide
CHAPTER 29 The Enlighten
CHAPTER 30 The Change of Heart
CHAPTER 31 The Broken Fate
CHAPTER 32 The Battle
CHAPTER 33 The Acceptance
CHAPTER 34 The Duet
CHAPTER 35 The Divulge
CHAPTER 36 The Emotion
CHAPTER 37 The Lost Fate
CHAPTER 38 The Bad News
CHAPTER 39 The Fighter
CHAPTER 40 The Heart Pain
CHAPTER 41 The Poser
CHAPTER 42 The Sweetest Reveal
CHAPTER 43 The Unattended
CHAPTER 44 The Traitor
CHAPTER 45 The Regret
CHAPTER 46 The Box
CHAPTER 47 The True Friendships
CHAPTER 48 The Basted Hero
CHAPTER 49 The Surprise
CHAPTER 50 The Face Up
CHAPTER 51 The Reason
CHAPTER 52 The Awards Night
CHAPTER 53 The YE SO CL
CHAPTER 54 The Last Bond
CHAPTER 55 Kislap
Author's Note
I CHANGED THE ENDING!

CHAPTER 1 Reminiscence

642 5 1
By tinybobble

June 16 (Monday)

SHAMY's POV

"Manong para!" Tawag ko doon sa paparating na tricycle. First day ko as substitute teacher ngayon kaya 'di ako pwedeng ma late!

Nung napahinto na ang tricycle sa harap ko, "Sa Philiamor High lang po." Sabi ko sa driver. Philiamor High yan 'yong school kung saan ako magta-trabaho. For two months nga lang kasi na-hire pa lang ako as substitute teacher.

So dim that spotlight, tell me things like
I can't take my eyes off of you.

Hay nakaka-badtrip naman 'to! Sa dinami-rami ba naman kasi ng music sa buong mundo ba't yan pa ang nakatugtog ngayon?!

I'm no one special, just another
Wide eyed girl who's desperately in love with you.
Give me a photograph to hang on my wall, superst-

'Di ko na talaga natiis, napapindot ako sa off button ng radyo rito sa tricycle na sinasakyan ko. Napatingin nga sa'kin si manong pero sabi ko may iniinda ako sa eardrum kaya hinayaan na lang niya haha. Dahil sa kantang yan naalala ko na naman ang sinapit ko noon.

Mukhang malulungkot na naman ako nito ha. Sa tuwing naaalala ko kasi ang nangyari sa lovelife ko dati, 'di ko maiwasang mag-emote. Pinipilit kong kalimutan pero sadyang maraming bagay dito sa mundo ang nagpapa-alala doon.

Kagaya na lamang ng kantang ito, Superstar by Taylor Swift. 'Yan kasi ang theme song ko sa tao na siyang dahilan ng break up namin ng ex-boyfriend ko! Dahil sa kanya nagkanda-leche-leche lahat!

"Ma'am, nandito na po tayo."

"Ma'am?"

"Ma'am, okay ka lang ba?"

Natauhan ako nang biglang may tumapik sa balikat ko... kanina pa pala nagsasabi ang driver na nandito na kami. Tulala ka na naman self!

"Uhm thank you, manong. Heto po bayad."

Nakarating ako sa school na may pasan-pasang universe, in short parang namatayan lang. Ang bigat na naman kasi ng pakiramdam ko, three years na ang nakalipas pero bakit ganito? Nasasaktan pa rin ako.

Naglalakad lang ako ngayon papunta sa classroom ni ma'am Brennah Fae Camilino. Siya ang teacher na papalitan ko muna kasi nag maternity leave sya. Alam niyo sobrang ganda niyan pang beauty queen material ba. Kahit nga malaki na ang tiyan niya pero nakakasilaw pa rin ang ganda.

Maputi, matangkad, makinis, sexy at matalino. Nasa kanya na nga ang lahat eh, pero minsan napapaisip ako kasi parang nakita ko na siya dati, di ko lang matandaan kung saan.

Siya nga rin pala ang magbibigay ng sahod sa'kin, siyempre substitute teacher niya ako eh hehe. Excited nga ako na makuha ang aking first sweldo ever!

Nang nakarating ako sa classroom, napatayo lang ako sa may pintuan habang nakatingin sa mga students. 'Di ko magawang pumasok kasi parang wala ako sa mood. Asar! Di ako pwedeng ganito sa harapan nila! Dapat maging lively ako!

Inhale

Smell the goodvibes Shamy!

Exhale

Positive lang dapat, positive!

Dahil sa breathing exercise parang nakatulong na gumaan ang pakiramdam ko.

"Oh classmates andito na si ma'am."

Napansin ata ako nung isang student. Ngumiti na lang din ako pagkatapos ay pumasok na sa loob. Grade 7 pala ang tuturuan ko kaya medyo mga bata pa talaga.

"GOOD MORNING MA'AM LIMATUNAWA."  Pagbungad na bati nila sa'kin.

Kilala na nila ako kasi one week akong nag-observe sa class ni ma'am Camilino. Pero ito pa lang talaga ang first meeting namin as sub-teacher nila.

"Good morning too everybody."

Getting to know each other pa lang kami ngayon at dahil kilala na nila ako kasi pinakilala na ako ni ma'am Camilino last week, sa ngayon sila naman ang magpapakilala sa'kin. Mag i-introduce lang naman silang isa-isa. Yung ginagawa ng typical na klase sa first day of school haha.

Nakaupo lang ako sa table sa harapan at nakikinig sa kanila. Ang cute nilang lahat. Kahit medyo maiingay eh okay lang kasi activity pa naman ito.

Sa kalagitnaan ng activity namin ay may nag interrupt na isang lalaking teacher. May kagwapuhan ito at may kaputian ang balat.

"Good morning ma'am ganda."

Ngumiti siya habang papasok sa loob ng classroom. Huminto siya doon sa may teacher's table sa likuran. Parang at home na at home siya rito. Pero napangiwi ako sa tinawag niya sa'kin.

Napatingin naman sa kanya ang mga bata.

"Oy sir pogi good morning po."

Pagbati sa kanya sabay aper. Di manlang sila tumayo para batiin nang maayos si sir mga batang 'to. Sabihin ko pa sana na batiin nilang lahat si sir kaso sunod-sunod na na nagsalita ang mga bata.

"Si ma'am Shamy si ma'am ganda tapos si sir si sir pogi, ayieee bagay." 

"Ay oo nga, ma'am ganda na rin tawag namin sayo!"

"AYIEEE."

At nagkagulo na nga sila. Mga bata nga naman.

"Ssshhh class. Uhm Good morning din sir. Uhm ano po bang kailangan nila?"

Tanong ko lang sa kaniya kasi baka may kukunin siya sa room oh ano. Halata ko kasi na halos comfortable na sa kaniya yung mga bata so baka palagi siyang nabisita rito.

"Wala naman kinakamusta ko lang ang sub ni ma'am Camilino."

Nagpakita pa siya nang isang nakakalokong kindat. Ang presko naman nito. Sorry sir pero 'di na uubra yung mga galawan na yan sakin.

"AYIEEEE." Ayan na naman sila.

"Ah, hehe ganoon ba?" Dapat maging mabait ako ngayon kasi first day ko pa lang. Tsaka, sa harapan ba naman ng mga estudyante haharot?

"Napadaan lang talaga ako ma'am haha! Nice meeting you."

"It's nice meeting you too, sir!"

At ayon umalis na nga siya. Ang awkward ng first meeting namin!

Dahil nga wala nang interruptions ay napagpatuloy na namin ang activity.

Hanggang sa natapos na lahat.

"I hope we have lots of good memories in two months class. Thank you for letting me know each one of you; my adorable and charming students."

Napahiyaw sila hahaha mga bata pa talaga. At napansin ko na may time pa naman may naisip ako na isang masayang activity.

"But before we end up this activity, I'll give you an opportunity to ask whatever you wanted to know about me. I will only entertain three questions class. Oh game?"

"Yes, ma'am!"

"Okay question number one." Maraming nag-hands up, ano naman kaya ang mga itatanong nila? Baka pang miss universe nako wag naman sana!

"Yes, Marie."

"Ma'am pwede bang ma'am ganda na lang tawag namin sayo? Please." Hindi naman to question eh request ito eh. Pahamak ang sir pogi na yon ah siya siguro nagpauso nang mga ganito sa school.

"Oo nga ma'am 'yan din yong itatanong ko."

"Tama, 'yan din 'yong samin."

"Ma'am please maganda ka naman eh."

Hay nako lahat ata sila ganyan ang gusto. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Uhm, okay sige payag ako pero sa unang linggo lang ha? Next week ma'am Shamia na, okay?" Baka isipin kasi ng principal na kung ano-ano tinuturo ko sa mga bata!

"Sige po ma'am ganda!"

"Oh sige class second question na." Marami na namang naka-hands up. Ayos din tong naisip ko ah. Good interactions, student-teacher and teacher-student.

"Yes Julia."

"Ma'am, pwede ba naming mahingi Facebook name mo?"

"Oo nga ma'am 'yan din gusto ko."

"Ako rin."

Ayan na naman sila, pareho ata sila ng mga iniisip?

"Uhm, siyempre naman."

"Yeheey!"

Kinuha nila 'yong cellphone nila para masearch ang pangalan ko at i-add ako sa Facebook. Hindi naman ako ganoon ka active sa social media pero hayaan na para kung may mga emergencies din madali nila akong mareqch out.

"So we're now down to the last question."

Mas dumami ang nag hands up. Huling tanong na kasi hehe.

"Hmmn, yes Shina."

"Ma'am may boyfriend ka ba?"

"Ayieee siguro meron na."

"Di pwede para sila ni sir pogi."

Bigla na namang nagbago ang mood ko. Medyo nanghina ako na di ko maintindihan. Naalala ko na naman kasi yon! Haist ano ba 'yan bakit ano ba ang meron sa araw nato?Okay na sana ako eh! Pero 'di ako pwedeng mag emote at mag inarte sa harapan nila.

"Uhm, wala akong boyfriend, class. So I think let's end this here na muna. Time na rin kasi eh. See you tomorrow, good bye class."

"Goodbye ma'am!"

Tinignan ko ang oras sa relo at 9:07 AM na. Oh sumobra pa pala ako ng 7 minutes. Tamang-tama lang yung pag dismissed ko.

Naisipan ko na lang na pumunta sa Destiny. Garden siya rito sa school na may mga upuan at mesa. Dito ako nakatambay kapag wala pa ang next class ni ma'am Camilino nung observer palang ako. Wala kasi masyadong pumupunta rito pag ganitong oras. Nasa classroom kasi lahat ng mga students. 'Yan kasi ang policy dito eh, meron o walang teachers 'di sila pwedeng lumabas hangga't di oras ng recess o lunch break.

Naupo ako sa bench sabay buntong hininga.

Ewan pero bigla na lang nag flashback sa utak ko lahat ng nangyari noon.

Pinagsisihan ko talaga lahat nang 'yon! Dahil sa kabaliwang nagawa ko, iniwan niya ako at pinagpalit sa iba.

Continue Reading

You'll Also Like

Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
3.8M 158K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
4M 195K 101
✅ "We always long for the forbidden things." 𝐝𝐲𝐬𝐭𝐨𝐩𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐯𝐞𝐥 ↯ ⚔︎ ʙᴏᴏᴋ ᴏɴᴇ ᴀɴᴅ ᴛᴡᴏ ᴄᴏᴍʙɪɴᴇᴅ ⚔︎ ...
9.9M 499K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...