THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 72 - Crying Shoulder

2K 124 4
By GarnetSiren

SIGRID'S POV :

KANINA habang nagkaklase kami ay hindi ko maiwasan ang pagsulyap-sulyap ko kay Saiyan na hindi ko alam — Hindi ko maintindihan kung bakit sa likod niya piniling maupo kaya kinailangan pa niyang makipag-exchange seat kay Harvy.

Is he avoiding me? But why?

"Hoy!" Yumee poked Hiro's forearm. "Nasaan si Saiyan? Lunch na, oh. Wala ba siyang balak sumalo sa atin ngayon?" She asked, brows' knitting.

Heto pa ang isa na namang nakakapagtaka. Kapag lunch, magkakasama ang Good Girls at Bad Boys at si Saiyan lang ang hindi present ngayon sa circle namin samantalang hindi naman siya absent.

Sumimangot naman si Hiro na nahinto sa pagsubo ng kaniyang meal. "Bakit sa akin mo tatanungin? Ako ba ang Girlfriend?"

"Hush, Hito! Ang dami mo na namang sinabi." Pabalang na sabi ni Yumee bago tumingin sa gawi ko —Silang lahat na pala actually. "Nasaan si Saiyan, AM?"

"Hindi ko alam, e." Maikling tugon ko bago itinuon ang paningin ko sa plato ko.

"LQ ba?" nakangising tanong ni Harvy. "Sa likod siya umupo kanina. Anong nangyari sa inyo?"

"Oo nga." segunda ni Sabrina. "Lovers Quarry ba kayo?"

Biglang humalakhak si Oswald. "Anong Quarry? Quarrel 'yon!"

Sabrina glared at him. "Wow? e, 'di sige, ikaw na ang perfect. Tse!" Binalingan pa niya si Alanis na tahimik lang while sipping her orange juice. "Hoy, Alanis. Binabalaan na kita ha? H'wag mong sasagutin 'yang si Waldo. Perfect, e."

Alanis smiled sweetly and nodded. "Makakaasa ka, friend."

"That's unfair!" protesta ni Oswald na napatayo pa mula sa kaniyang kinauupuan. "Alanis, naman. Huwag ka ngang masiyadong nagpapaniwala sa kaibigan mong 'yan." sinamaan niya ng tingin si Sabrina pero hindi na siya pinansin nito.

"Ey! Tumahimik nga kayo." saway ni Harvy sa kanila at muli na namang tumingin sa 'kin. "Ano na, Miracle, nagkatampuhan ba kayo ni lover boy?"

Geez! akala ko naman nawala na sa 'kin ang atensyon nila.

I shrugged my shoulders. "Sa pagkakaalam ko, hindi naman. Ewan ko nalang sa kaniya kung may kinikimkim siyang tampo sa akin." sabi ko. "Naguguluhan nga ako kasi bigla nalang niya akong hindi pinapansin ngayon."

"Why don't you ask him?" tanong ni Madison. "Malay mo may nagawa kang hindi mo napapansin na dahilan para magtampo siya sa 'yo."

"Kaya nga." gatong ni Yumee. "Gano'n naman —"

"Yumee, napaka-baboy mo naman!" singhal ni Hiro kay Yumee. "Lunukin mo nga muna 'yang laman ng bibig mo bago ka magsalita."

"Arte-arte naman nito."

"Talk to him, Princess." seryosong ani Kuya Hopper kaya napatingin ako sa kaniya. "Ask him. Alamin mo kung bakit siya nagkakagano'n."

"Tama." segunda ni Harvy. "Mas mabuti na 'yung napag-uusapan ng maaga kaysa maging komplikado."

"Seryoso kayo? Paano kung magalit naman siya kapag tinanong ko siya?" nangangambang tanong ko sa kanilang lahat.

Nagsalubong ang kilay ni Madison. "Gusto mo bang samahan ka pa namin?"

"Hindi mo kailangang gawin, AM. hayaan mong si Saiyan ang kusang lumapit sa 'yo." Biglang sabi ni Kuya Grover pero teka, ano 'yung nasa boses niya? Inis ba 'yon?

Nakatitig kaming lahat sa kaniya pero parang balewala lang sa kaniya 'yung sinabi niya kaya walang kahit na sino sa aming nagkomento pa.

"Saiyan?!"

Nag-angat ako ng tingin nang umalingawngaw ang tila gulat na gulat na boses ni Sabrina.

... pero para lamang akong na-suffocate nang makita kong si Saiyan ang nakatayo sa dulong mesa sa tabi ni Oswald. Hindi siya nag-iisa dahil may kasama siyang babaeng nakaangkla pa ang braso sa braso niya.

"Hi. Sino siya?" Lakas-loob kong tanong kay Saiyan.

"Hi there! I'm Melody Corpuz. Hindi mo na ba ako naaalala?" Tanong niya sa 'kin pero may kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi.

Pinakatitigan ko siyang mabuti and that's when I realized she was the girl the other day. Iyong kausap ni Saiyan na hindi ko gusto ang awra. Nakaka-bad vibes siya, e.

"At sino ka naman? Hindi ka naman mukhang pinsan ni Saiyan." sabad ni Alanis.

"Oh," She smiled widely. Mapunit sana bibig mo. "Hindi naman kasi kami magpinsan, girl. Ako kasi ang fiancée niya— "

"Fiancée?!" Chorus naming bulalas lahat sa tonong nagtatanong.

"Nahihibang ka na, girl." natatawang sabi ni Freya. "Paanong fiancée ka niyang si Saiyan, e, si AM ang girlfriend niya? Napaka-ilusyonada mo naman."

Huminga ako ng tatlong beses na sobrang lalim para ikalma ang sarili ko habang sinusubukang pigilin ang luhang gusto na naman kumawala mula sa aking mga mata.

Tumitig ako ng diretso kay Saiyan at nagtama nga ang paningin namin pero siya ang unang sumuko at nag-iwas ng tingin.

"May sasabihin ka ba sa akin, Saiyan?" Kalmadong tanong ko.

Napatingin silang lahat sa 'kin bago natuon ang atensyon nila kay Saiyan na inaabangan din ang isasagot sa 'kin.

"Explain!" Sigaw ni Kuya Hopper bigla kaya kaagad siyang hinawakan nina Kenshi at Oswald.

"Who is she, Saiyan?" For the first time ay nagawa ring magtanong ni Kenshi. "Is she really your — "

"Fiancée?" Putol ni Saiyan kay Kenshi. "Yes. She is."

Napasinghap silang lahat maliban kay Kuya Hopper na hindi na napigilan ng dalawa nang sunggaban niya si Saiyan at pinagsusuntok na.

"Kuya, enough!!" nananaway kong sigaw sa kaniya. "T-Tama na, p-please .." garalgal kong dagdag bago marahas na dinampot ang bag at libro ko at walang sabi-sabing naglakad paalis.

Fiancée?! Fiancée niya ang babaeng 'yon? Engaged na sila habang ako 'tong si tanga na wala man lang kaalam-alam na 'yung boyfriend ko sinusulot na ng iba?

Talaga ba, Bathala? Bakit naman kailangang ngayon niyo pa ako napiling saktan kung kailan hindi pa natatapos ang problema ng pamilya namin? Bathala, naman. Ang unfair niyo naman po!

"AM, wait!" Boses ni Saiyan.

Mabilis kong pinahid ang aking luha gamit ang likod ng palad ko at mas dinoble ang bilis ng paglakad ko. Nagkakabulungan na ang ibang students pero wala akong pakialam.

"Babe, please!"

Malapit na ako sa main gate at natatanaw ko na ang mga guwardiya na laging tumutulong sa akin noon sa tuwing kailangan ko ng parking space para sa bisikleta ko.

Hays! Kung anu-ano nalang ang naiisip ko.

"I said wait!" hinihingal na humarang sa daraanan ko si Saiyan. "Kailangan nating mag-usap, okay? Pakinggan — "

"Pakinggan? Bakit na naman, Sai?" Dinuru-duro ko siya sa kaniyang dibdib. "B-Bakit na naman ha? Gusto mo na naman bang bilugin ang ulo ko samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na niloko mo ako? That you cheated on me?" I broke down and sobbed. "A-Akala ko ba .. akala ko ba mahal m-mo 'ko? Bakit mo ako ipinagpalit ha?"

"Babe, It's not what you think —"

"Let's just talk some other time, Saiyan." Putol ko sa kaniya. "Huwag mo muna akong kausapin ngayon dahil galit ako sa 'yo." sabi ko bago ko siya tinalikuran.

Ang bigat sa dibdib. This is my first heartache at tama ang sinabi ni Mommy. Masarap magmahal pero mahirap ang masaktan lalo na kung minahal mo ng totoo 'yung tao.

Pero si Saiyan? Kahit kailan hindi ko siya pinag-isipan ng masama. Hindi ko siya pinagdudahan pero wala, nangyari pa rin 'to.

Ano nga uli 'yong kasabihan? Ang mga tahimik na tao, Nasa loob ang kulo? Psh! Tama nga. Akalain mong magagawa akong ipagpalit ni Saiyan?

"Ma'am," tawag sa 'kin ni Manong guard kaya nilingon ko siya. "Uuwi na po ba kayo?"

"Ah, e, opo .."

"Wala kayong dalang sasakyan?" Tanong niya kaya umiling ako. May dala pero sa mga kapatid ko naman 'yon. Hindi naman ako marunong magmaneho. "Gusto niyong itawag ko kayo ng Taxi?"

Umiling ako at kahit papa'no, nagawa ko pa rin siyang ngitian kahit gustung-gusto ko ng umiyak.

"Salamat, Manong, pero hindi na po. Ako nalang po ang bahala. Sige po." Tinalikuran ko siya at tuluy-tuloy na sa paglabas sa exit gate.

Ang kakapal ng mga mukha nila lalo na 'yung Saiyan na 'yon! Ang sabi niya mahal niya ako and that we will fight his Lolo together, e, ano ngayon? Akala ba niya hindi masakit? Nakakainis siya!

*Peeep-peeep!*

"Ano ba?!" singhal ko sa kotseng nasa likuran kong basta nalang bumusina.

"Magpapakamatay ka ba?!"

"Kenshi?"

"Sakay na." aniya sa mahinahong tinig. "Ihahatid na kita sa inyo."

"Hindi na!" pagtataray ko. Makita pa niya akong umiyak mamaya asarin pa ako. "Maglalakad na ako hanggang kanto. Mag-aabang nalang ako do'n ng taxi."

"E, bakit ka ba naglalakad? puwede ka namang magpahatid sa guard hanggang kanto tapos sa gitna ng kalsada mo pa piniling maglakad, kung nabangga ka riyan?"

"Jeez! OA." Tinalikuran ko siya at sa gilid na ng kalsada pumuwesto.

Malay ko bang pumagitna na pala ako saka malay ko bang si Kenshi ang driver ng sports car na 'yon, e, sa ngayon ko lang naman 'yun nakitang minaneho niya.

"Sasakay ka ba ng kusa O gusto mong puwersahin pa kita?" May babala sa tinig niya kaya nilingon ko uli siya.

"Hindi ako sasakay! Wala rin akong planong umuwi sa amin. Gusto ko pang magmunimuni— kahit saan." I let out a deep breath and smiled bitterly. “Sige na. Bumalik ka na sa — ”

“Hindi ako babalik do’n kaya sakay na. I know a perfect place for you to breath out the pain.”

“You sure?”

“Just get in, Manang.”

Inirapan ko siya bago ako umikot sa passenger side at sumakay. Hindi naman masamang sumama ako sa kaniya paminsan-minsan. Magkaibigan din naman kami.

.
.
.
KENSHI’S POV :

BABALIKAN ko si Saiyan kapag alam kong nakalma na kahit na pa’no si AM. Ang gagong ‘yon, hindi ko na nga ipinaglaban ang nararamdaman ko para kay AM dahil kaibigan ko siya at kahit papaano ay malaki ang respeto ko sa kaniya at sa brotherhood na nabuo naming pito tapos may kapal pa siya ng mukhang magloko?

Damn you, Sai!

“Manang, hey ..” tinapik-tapik ko ang pisngi niya para gisingin siya. “Gising na. Nandito na tayo.” sabi ko.

“Mmm .. ‘yaan mo ‘ko ..” tinabig niya ang kamay ko at bumaling sa bintana. Akala mo nananaginip.

“Hayaan kita? O, sige. Ikaw din. Aalis na ako. Madaming aswang dito baka akala — ”

“Anong aswang?! Nasaan?!” gulantang niyang tanong habang kinukusut-kusot ang mata.

I snorted, “Joke lang.”

“Gago ka ‘no?! Nasaan na ba tayo?”

“Nasaan na nga ba tayo?”

“Uy, Kenshi, walanghiya ka. Hindi ako nakikipagbiruan.”

I chuckled, “Baba ka muna bago ko sabihin sa ‘yo kung nasaan na tayo.” I said, grinning.

Nag-unbuckle kami ng mga seatbelt namin at sabay na lumabas ng sasakyan.

“So, saang lupalop naman tayo ng earth ngayon?” Tanong niya agad habang palinga-linga sa paligid. Bakit parang pakiramdam ko ang layo na ng narating natin?”

“Hindi pa nga tayo nagsisimula.” Paanas kong sabi.

Nilingon niya ako ng nagsasalubong ang kaniyang mga kilay, “What did you say?”

Wala.” pagsisinungaling ko.

“Ewan ko sa ‘yo, Gummy bear. Ano bang ginagawa natin dito?”

“Tara na. Maglalakad nalang tayo kasi hindi na makakapasok sa loob ‘tong sports car ko.” sabi ko saka binalikan ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan. “Let’s go.” hinawakan ko siya sa kamay at hinila.

Teka!” inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya kaya nahinto na naman kami sa paglalakad. Saan na naman ba tayo pupunta?”

Bumuntong-hininga ako. Sumunod ka nalang sa ‘kin, okay?” pinal kong sabi at muling naglakad.

Sa paligid ay ang sunud-sunod na hilera ng mga matataas na bougainvilleas na hitik sa kulay rosas na bulaklak na siyang naging arko na rin sa daanan kaya naman nagmumukha ng aisle ang makipot at mabatong daanang tinatahak namin.

Anong lugar ba ‘to ha?” pag-uusisa na naman ng babaeng bukod sa mataray, madaldal pa.

Hindi ako nagsalita. Mamaya ko nalang sabihin dahil baka maghisterya pa siyang bigla at sabihing kinidnap ko siya.
.
.
INUTUSAN ko siyang magpahinga muna kaninang makarating kami sa destinasyon namin kaya heto’t hapon na nang ilibot ko siya sa paligid.

“Ang ganda rito pero alam mo, mas maaapreciate ko pa sana ang lugar na ‘to kung sabihin mo na ngayon sa ‘kin kung nasaan tayo.” inis na sabi ni AM sa ‘kin pero ngumiti lang ako.

Nakaupo kaming dalawa sa mataas na bahagi ng lupain kung saan maliliit pa ang mga damo at mula sa puwesto namin ay tinanaw ko ang dagat sa ibaba.

“Nasa Tagaytay tayo, April.” sabi ko na ikinasinghap niya.

“Tagaytay?! You've got to be kidding me! Kailangan kong umuwi kundi yari ako sa pamilya ko!” nag-aalalang bulyaw niya sa ‘kin. “Tara na! Ihatid mo na ako — ”

“Hey,” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “Relax lang, okay? Tulog ka kaninang tinawagan ko ang Mommy at Kuya Grover mo kaya hindi mo narinig ang pakikipag-usap ko sa kanila. Alam nilang isinama kita rito kaya wala kang dapat ipag-alala.”

Pero — ”

“Friday na rin ngayon kaya ‘wag mong idahilan sa ‘kin ang school.”

Nanlaki ang mga mata niya. “E, teka,” inalis niya ang mga kamay ko sa braso niya. Sinong kasama natin dito?”

I smirked, “Wala. Just the two of us.”

Halos lumuwa na ang eyeballs niya sa sinabi ko. D-Dalawa lang t-tayo?” nagkakanda-utal niyang tanong.

Yup.”

“E, e, iyong —” kitang-kita ko sa leeg niya kung paano siya sunud-sunod na nagpalunuk-lunok kaya gusto ko ng matawa pero pinigil ko. “— iyong bahay na nadatnan natin, K-Kanino ‘yon?”

“You mean the hut?I asked and she nodded. “That’s mine.” kaswal kong sabi at nagkibit pa ng balikat.

“S-Sayo? Pati ang lupa?”

Tumango ako at marahang natawa. Mula sa pinag-iwanan natin ng sasakyan hanggang dito sa taas ay property ko, April. Kaya ang malalapit kong kapitbahay ay naroon pa.” Turo ko sa umpok ng mga maliliit at malalaking bahay malapit sa dagat. “And you know what’s funny?” Tinaasan niya ako ng kilay, Ikaw palang ang nakakaalam ng property ko na ‘to— even my parents knows nothing about it.”

“E, bakit mo kasi ako dinala rito?”

I shrugged my shoulders. Alam ko kasing dapat kang dalhin sa mga ganitong klase ng lugar ngayong hindi maganda ang lagay niyang puso mo.”

“At paano mo naman nalamang dito ang lugar na dapat pagdalhan sa ‘kin?”

Muli kong tinanaw ang dagat at bumuntong-hininga. “I just know.” sambit ko.

Wala ng nagsalita sa aming dalawa at tanging mga huni nalang ng mga ibong nasa mga puno at ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan sa ibaba ang maririnig.

MAYA-MAYA lang ay sumabay na rin ang malalim niyang buntong-hininga.

“Masakit pala ang maloko ng taong mahal mo ‘no?” She asked out of the blue. “Parang hinihiwa ang puso ko.” dagdag niya sa napakalungkot na tinig kaya muli akong napatitig sa kaniya. “Bakit naman kasi gano’n.” Tanong niya at pinisil pa niya ang kaniyang ilong.

“Everything will be fine, April.” Simpleng sabi ko.

“My mind right now is full of questions, Ken. Like, Bakit niya ako niloko? Bakit niya ako pinaglaruan? Bakit niya ako ipinagpalit? He made me feel so special while the truth is, I'm not his special someone.” aniya at muli na naman niyang pinisil ang ilong niya.

I sighed. “Kapag ramdam mong kahit papaano ay okay ka na, kapag alam mong handa ka ng harapin siya, gawin mo. Talk to him. Ask him everything that you want to be answered.” sabi ko.

“I will definitely do that, Ken. Gusto ko namang malinawan sa nangyari sa amin at saka, Wala rin kaming formal breakup, e.” muli na naman niyang pinisil ang ilong niya.

Napailing ako at mas lumapit pa ako sa kaniya saka ko iginiya ang ulo niya pasandal sa balikat ko na hindi naman niya tinutulan kaya nakahinga ako ng maluwag.

“I know you're hurt, and I want you to know that it's okay to shed some tears, April. That's normal.”

Pagkasabi ko palang niyon ay agad na siyang humagulgol ng iyak. Ngayon ay kitang-kita ko na ang isang Manang na sobrang nasasaktan and It's all Saiyan’s fault. He'll gonna pay for this.

“Just cry. Releasing all the pain you're keeping inside your heart will make you feel better afterwards.” sabi ko. “And anytime that you need someone to talk, I’m just here. If you need a shoulder to cry on, My shoulder is here. Always.” I added.

“S-Siguro,” Huminto siya sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang mga luha niya sa pag-agos. “Siguro kung ako pa rin si Sigrid hanggang ngayon, mas maayos sana ang buhay ko kahit mahirap lang kami. Wala sana akong iisiping kompanyang bumagsak, at hindi makakaranas ng heartbreak na ganito.” sisinghot-singhot na aniya. “Iiwan na ba talaga ako ni Saiyan, Ken?”

“I wish I could answer that, April.” seryosong sabi ko. “Pero alam mo kasi sa love, Laging may sakit na mararamdaman. But most of the time, April,” I paused for a second just to caressed her right cheek. “Love can also overcome the pain.”

“Alam mo feeling ko,” umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko at tumitig sa ‘kin. “feeling ko lang ha? Isa kang love expert.”

I chuckled. “Feeling ko nga rin.” ganting-biro ko pero kaagad din akong nagseryoso at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Talking to you while talking about the love of your life is a perfect torture for me.” I said then sighed again. “I always remind myself to forget you but hell, I can’t.”

“Kenshi ..”

“Don't utter a word. I know you love him and I'm fine with that. I'm okay.” Sabi ko.

“Yeah,” Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawa niyang palad at maya-maya lang ay mga hikbi na naman niya ang naririnig ko. Mahal ko siya ..”

Inalis ko ang kamay niyang tumatakip sa mukha niya and using my thumb finger, I wiped her tears. Smile.” sabi ko bago ko itinuro ang papalubog ng araw. “The sun is setting, April. Bukas ay sisikat uli ang araw at bawat araw na dumarating, laging may dalang pag-asa kaya tahan na, okay? Magiging maayos din ang lahat.”

“Thank you, Gummy bear.”

I planted a gentle kiss on her forehead and smiled. “I’m always here for you.” I uttered before I stood up. Inilahad ko sa harapan niya ang isa kong kamay, Tara na? Baka dumating na ang mga bisita natin, e.”

Bisita?” humawak siya sa kamay ko na naging suporta niya sa pagtayo. “Akala ko ba tayong dalawa lang?”

Bakit parang dismayado kang malamang magkakaroon tayo ng ibang kasama? umamin ka nga sa ‘kin, may binabalak ka bang gawin sa ‘kin —aray naman! nagbibiro lang naman, e!”

Sasapukin uli kita kapag hindi ka pa umayos shokoy ka.”

The malditang manang is back!

Kailan pa ako hindi naging maayos?” pang-iinis ko lalo sa kaniya.

“Ewan ko sa ‘yo! Sino bang bisita natin?”

Ang mga anak natin.” I replied, grinning from ear to ear.

Bahay-bahayan, yeah!

“Talaga?!”

“Yeah. Kausap ko yung yaya nila kanina at sinabi ko ang address dito at,” inakbayan ko siya at iginiya ng maglakad. inutusan ko siyang ihatid ang magkapatid dito at —aray naman! Bakit na naman?” Napangiwi ako sa sakit ng pagkakasiko niya sa tiyan ko.

“E, kung kanina mo pa sana sinabi, inabangan ko nalang sana sila sa kubo!” pasigaw niyang sabi sabay takbo pabalik sa kubo.

Woah!! Bakit napaka-maldita ng babaeng minahal ko, Lord?!”

Napailing nalang ako at tumakbo na rin pasunod sa kaniya.

◇◇◆◇◇

TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

39.9K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
79.6K 5.2K 54
BOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina presents a challenging personality, often e...
8.9K 1K 37
Tyra Jane Montefalco a spoiled brat, known as queen bee in their school and lastly a bully what if this spoiled brat meet her match. Kairo Miguel San...